You are on page 1of 7

MUSEO NG REPUBLIKA NG MALOLOS

Ang Pook Pangkasaysayang Simbahan ng Barasoain sa syudad ng Malolos ay may dalawang magkaiba
ngunit hindi mapaghihiwalay na mukha: ang simbahan na nagsilbing tahanan ng unang Republika ng
Pilipinas at ang katabi nitong kumbento na saksi sa kasaysayang naganap sa simbahan.
Isandaan at labimpitong taon matapos ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas
noong Hunyo 12, 1898, sa Kawit Cavite, ang kumbento na ngayoy naglalaman ng Museo ng Republika
ng Malolos ay patuloy na nagbibigay aral ukol sa pakikibaka ng Pilipino tungo sa pagkamit ng minimithing
kalayaan sa panahon ng Kastila at Amerikano.
Ngunit bukod sa tradisyunal na uri ng paglalahad, ang museo ay nagtuturo ng kasaysayan sa
pamamagitan ng interaktibo at digital na paraan.
Ang museo ay may limang bulwagan na layong maipaalala sa mga bisita ang kahalagaan ng kasaysayan
sa kalayaang tinatamasa ng mga Pilipino ngayon.
Ang unang bulwagan ay naglalaman ng mga paghihirap ng Pilipino sa ilalim ng mapang-aping pananakop
ng bansang Espanya sa loob ng mahigit 300 taon. Ang pananakop na ito ang pumigil sa pag-unlad ng
bansang Pilipinas.
Ang mga naunang hakbang upang makamit ang kalayaan, kabilang na ang mga pagsasagawa ng pagaaklas laban sa pamahalaan, ay ipinapakita sa unang bulwagan.

MALINTA TUNNEL

Ang Malinta Tunnel ay ang nagsilbing headquarters o ang huling himpilan ng


pamahalaang Commonwealth bago pa umalis si Pangulong Manuel L. Quezon sa
Amerika. Matatagpuan ito sa isla ng Corregidor. Isa itong mahabang lagusan na kung
saan naroon ang ospital na may 1,000 kama, taguan ng sandata at mga opisina ng mga
heneral at opisyal ng pamahalaan.
Sa kasalukuyan, isa ito sa mga pangunahing atraksyon sa isla dahil maglalakad ka
kasama ang mga tour guide sa loob ng madilim na tunnel. Dito ko rin naranasan ang
tunay na ibig sabihin ng nakakabinging katahimikandahil kung walang nagsasalita o
walang tunog sa loob ng tunnel, maririnig mo ang alingawngaw ng katahimikan.
Mararamdaman mo rin dito ang sobrang kadiliman kapag walang ilaw at nilakad din
namin ang isang parte ng tunnel kung saan wala kaming ilaw at parang pasikip nang
pasikip ang dadaanan kung wala itong ilaw. Nakita din namin ang ilan sa mga lumang
kagamitan na ginamit noong dekada 40 gayundin ang mga lateral na nagsilbing ospital
para sa mga biktima ng digmaan.
Ang Malinta Tunnel ay magsisilbing isa sa mga makasaysayang lugar sa Corregidor
dahil nagsilbi itong lugar para sa pamahalaang Commonwealth noong panahon ng
Hapones.

ST.JOHN THE BAPTIST CHURCH

Sumakay ako muli ng jeep patungo sa Liliw. Malapit lang ito sa Magdalena at mararating
mo ito sa loob ng limang minuto. Sa kabisera ng bayan kung saan makikita mo ang
maraming tindahan ng tsinelas at mga matatamis na pagkain, matatagpuan ang St. John
the Baptist Church na ipinatayo noong 1605 na dating sakop pa ng Nagcarlan ang bayan
na ito. Maganda ang pagkakagawa ng simbahan dahil gawa sa bricks ang pader nito.

Ang makasaysayang Lungsod Vigan ay matatagpuan sa hilaga kanlurang bahagi ng baybaying lalawigan
ng Ilocos Sur, Rehiyon ng Ilocos, Luzon, Pilipinas. Isa ito sa dalawang lungsod ng lalawigan. Kilala ang
lungsod dahil sa makasaysayang mga bahay at gusaling pinagplanuhan, idinisenyo at itinayo na may
impluwensiyang Asyano, Europeo at Latino Amerikano na matagumpay na naalagaan ng mga mamamayan
nito mula pa noong ika-16 na siglo. Ang Intramuros (Walled City) sa Maynila ang padron ng disenyo nito. Ang
Vigan lamang ang pinaka-iingatang halimbawa ng Spanish colonial town at European trading town sa Pilipinas
at maging sa buong Silangang Asya at Timog Silangang Asya kung kayat noong Disyembre 2, 1999 ay napili
itong mapasama sa UNESCO World Heritage List at naging component city noong Enero 21, 2001.

Paoay Church (also known as the St. Augustine Church in Paoay) is a historical church located in Paoay, Ilocos
Norte. During the Philippine Revolution in 1898, its coral stone bell tower was used by the Katipuneros as an
observation post. Paoay Church is part of the UNESCO World Heritage List. It currently is a property of the Diocese
of Laoag, Ilocos Norte.

Ang Manila Film Center, Lungsod Pasay - ay ipinatayo ng dating unang ginang, Imelda
Marcos noong dekada '80 para sa Manila International Film Festival. Noong Nobyembre 17, 1981,
kasalukuyang ginagawa ang gusali at habang ibinubuhos ang semento, gumuho ang unang palapag ng
nasabing gusali at natabunan ang ilang mga trabahador sa sariwang semento at ang iba naman ay
natuhog sa mga upright steel bars. Sa kakulangan ng oras upang makaabot sa pagbubukas ng Film
Festival, ang iba ay hindi na hinukay at tinabunan na lamang ng semento at nailibing ng buhay. Mula noon,
marami nang mga saksi ang nakakramdam ng mga kahindik-hindik na pagpaparamdam ng mga
kaluluwang ayon sa kanila, ay hindi matahimik at humuhingi ng hustisya.

Ang Camp John Hay ay isang 690 ektaryang kampo na itinayo ng mga Amerikano upang maging pook
libangan ng mga sundalo ng Department of Defense of America. Ipinangalan ito sa kalihin pandigma ni Pang.
Theodore Roosevelt, at naging Club John Hay nang ibigay ng mga Amerikano ang pasilidad na ito sa
pamahalaan ng Pilipinas.

Ang Corregidor ay isang pulong nakalagak sa bukana ng Look ng Maynila. Dahil sa kinalalagyan
nito, nagsilbi ito bilang pangunahing tanggulan para sa sa look at lungsod ng Manila. Sa panahon
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dito naganap ang maraming labanan, maging ang pagbagsak
nito at ng mga kapuluan ng Pilipinas na napasa sa mga Hapon. Sa kasalukuyang panahon, ito ay
isang mahalagang makasaysayang pook at puntahan ng mga dayuhan. Ito ay pinangangasiwaang
ngayon ng Lungsod ng Cavite na sakop rin ito.

Ang Bangko Nasyonal ng Pilipinas ay isang bangkong panlahatan (universal bank) na nakabase
sa Pilipinas. Itinayo ito noong 1916. Ito ay na nagbibigay ng saklaw ng pagbabangko at serbisyong
pananalapi sa mga korporasyon (corporate), sentrong pamilihan, mga maliliit na negosyo (smallmedium enterprises) at mamimiling pantingi, kabilang ang mga manggagawang Pilipino sa ibayongdagat (overseas Filipino workers), na kasing antas din sa pambansang pamahalaan, mga ahensiya
ng pambansang pamahalaan, mga lokal na pamahalaan (local government units) at mga
korporasyong may-ari ng pamahalaan sa Pilipinas.

Ang Philippine Postal Savings Bank ay isang bangko ng pagtitipid na itinatag ng


gobyerno noong 1906. Ito and pinakamaliit sa tatlong bangkong itinatag ng
gobyerno.

You might also like