You are on page 1of 21

Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

Intramuros, Manila, Philippines


Kolehiyo ng Humanidades, Sining, at Agham Panlipunan

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan


Ng Asignaturang Readings in Philippine History

Kupas: Ang Kasaysayan ng Paco, Manila

Ipinasa ng:

BAC 1-2

Ikalawang Pangkat
ALCAPARAZ, Rocelle D. JONAS, Kelly Isabelle O.
BAYLA, Maria Elizabeth A. PIANO, Cristine Joy H.
CONCEPCION, Klariz May B. RODRIGUEZ, Rose-Anne L.
CUNANAN, Frances Caroline B. SASIS, Janella L.
GAMUS, Ayiza Nikaela C. TOLENTINO, Kyla Corine A.

Ipinasa kay:

Bb. Bernadette dela Rosa

Nobyembre 2019
ABSTRAK

Ang San Francisco de Dilao o mas kilala ngayon sa pangalan na Paco, Maynila ay isang

hindi matatawaran pamana ng nakaraan. Sinasalamin nito ang buhay ng mga Pilipino na nabuhay

sa iba't ibang henerasyon. Maging ito man ay sa panahon ng mga Espanyol, Amerikano, Hapon,

at sa kasalukuyang panahon.

Nasaksihan nito ang bawat yugto ng pagbabago, mula sa tradisyunal hanggang sa

modernisadong buhay na siyang nararanasan sa kasalukuyan. Ang mabilis na paglipas ng panahon

ay salik na siyang nakaapekto sa estado ng Paco at ng kasaysayang siyang buhay nito. Mababakas

sa kabuuan ng Paco, Maynila sa kasalukuyan ang malaking epekto ng modernisasyon. Nagiging

hadlang ito sa tunay na ganda at halaga ng distrito ng Paco.

Tila kumukupas na ang kasaysayan ng Paco, Maynila nang hindi napapansin ng karamihan.

Walang muwang ang mga Pilipino sa kung ano ang kanilang sinasayang at pinagsasawalang-

bahala. Kung hindi bibigyan ng atensyon ang Paco, Maynila lalung-lalo na ang mga

makasaysayang lugar na narito tulad ng Paco Park, Paco Church, Plaza Dilao, Concordia College,

Paco Railway Station, at Villa Florencia, malaking parte ng ating kasaysayan ang maibabaon na

lang sa limot at matatabunan na nang mabilis na takbo ng panahon.

2|Page
INTRODUKSIYON

Ang kasaysayan ng isang lugar ay mahalaga hindi lamang dahil sa ambag nito sa lipunang

ginagalawan kundi dahil na rin sa mga leksyon at alaalang iniwan nito para sa hinaharap. Tulad na

lamang ng kasaysayan ng Paco, Manila o mas kilala noon sa Tawag na Dilao.

Dilao ang itinawag noon sa Paco, Maynila dahil maraming bulaklak ng Amarillo ang

makikita dito. Sinasabi rin na tinawag itong Plaza Dilao ng mga Espanyol dahil sa maraming

Hapon ang nanirahan dito. Ginamit ang pangalang Dilao hanggang 1791 noong panahon ng

pamamahala ni Gobernador-Heneral Félix Berenguer de Marquina nadagdagan ito at naging San

Fernando de Dilao.

Tahanan ang Paco, Maynila ng ilan sa mga mahahalagang lugar sa ating kasaysayan tulad

na lamang ng Plaza Dilao, Paco Park, Paco Church, Concordia College, Paco Railway Station, at

Villa Peñafrancia. Ang mga ito ay may mahalagang papel sa kasaysayan ng mga Pilipino magmula

sa panahon ng kolonyalismo ng mga Espanyol hanggang sa kasalukuyan.

Ang Paco, Maynila ay hindi lamang isang simpleng distrito sa Maynila. Hindi lamang ito

isang lugar na sumulpot na lang at kasaysayang pinanghahawakan. Ang istorya ng Paco ay istorya

rin ng mamamayang Pilipino, lalong higit na ng mga Manilenyo. Lahat ng unos na pinagdaanan

nito at napagtagumpayang lampasan ay simbolo ng katatagan ng mga Pilipino.

3|Page
ANG MGA MAKASAYSAYANG LUGAR SA PACO, MANILA

Paco Park and Cemetery

Ang Paco Park ay isa sa mga makasaysayang lugar na matatagpuan sa distrito ng Paco sa

lungsod ng Maynila. Ito ay isang tahimik at payapang lugar sa loob ng kaakit-akit na Kamaynilaan.

Ang kasaysayang nakapaloob sa lugar na ito ay pawang mga ebidensya ng nakaraan sa panahon

ng pananakop ng Kastila, tulad ng diskriminasyon sa mga miyembro ng mababang antas ng

lipunan, epidemya ng sakit na cholera, relihiyong ipinamana ng mga mananakop, at ang pagiging

himlayan nito ng mga bangkay ng mga personalidad sa ating kasaysayan na may malaking ambag

sa paggising ng diwang makabayan sa mga Pilipino. Ito ay nagbigay daan para makalaya ang ating

bansa mula sa mga mananakop.

Ang Paco Park ay nagsimula bilang sementeryong naitayo noong panahon ng mga Kastila.

Sa orihinal na pangalan nitong Cementerio

General del Dilao, ito ay binuo para

magsilbing himlayan ng mga namayapang

mayayaman at makapangyarihang Kastila.

Noong 1807, ang disenyo nito ay nabuo ni

Maestros de Obras Nicolas Ruiz at ang

4|Page
konstruksiyon nito ay pinamunuan ni Don

Jose Coll. Dulot ng biglaang paglaganap ng

cholera noong ika-4 ng Oktubre 1820

pagkatapos ng isang bagyo, kinailangang

magbukas nito para sa mga naging biktima ng

epidemya kahit na hindi pa tuluyang natatapos

ang konstruksiyon nito. Kaya noong 1859, ang sementeryo ay naisipang palawakin sa

pamamagitan ng pagdagdag ng panibagong mga pader sa palibot na binubuo ng mga nitso. Ang

posisyon sa pagpili ng nitso ay nakabatay sa antas sa lipunan, ang mga mayayaman at may

kapangyarihan ay inililibing sa loob na bahagi samantalang ang mas may mababang antas sa

lipunan ay nasa labas na pader. Inihinto ang paglibing sa sementeryong ito noong 1912.

Sa loob ng ilang taong pagiging himlayan ng Paco Park, may mga mahahalagang

personalidad ng ating kasaysayan ang nailibing dito. Ilan sa mga ito ay ang GOMBURZA o sina

Padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora na kilala rin bilang ang tatlong paring

martir.Sila ay inilibing malapit sa dingding ng parke ngunit hindi tiyak kung saan eksaktong lugar.

Sa kabilang banda, ang bangkay ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay dito unang

inihimlay matapos siyang barilin sa Bagumbayan. Patagong dinala sa libingang ito ang kaniyang

5|Page
bangkay upang maiwasan ang pagsiklab ng pag-aalsa ng ibang Pilipinong rebolusyonaryo kung

sakaling malaman nila na pinaslang si Rizal. Kinalaunan, natagpuan ni Narcisa, kapatid ni Rizal,

ang libingan ng kaniyang kapatid at nilagyan ito ng markang RPJ. Sa kasalukuyan, nakalagak ang

bangkay ni Rizal sa Luneta.

Matapos maihinto ang paglilibing sa naturang sementeryo, tuluyang naipasara at

napabayaan ang Paco Cemetery noong panahon ng mga Amerikano. Muli lamang itong

napangalagaan at tuluyang naging National Park sa pangangalaga ng National Parks Development

Committee noong 1966. Sa kasalukuyan, ang loob ng parke na iniaalay para kay St.Pancratius,

santo ng mga bata, ay nagdaraos pa rin ng misa sa tuwing Linggo at holidays. Maliban dito, ang

parke rin ay naging sikat na ganapan ng kasal, film shooting, pictorials at iba pang aktibidades.

Nang nangalap ng impormasyon ang mga mananaliksik sa Paco Park, nakapanayam nila si

Aleksandro Lutino. Ayon sa kaniya, ang lugar na iyon ay may kaugnayan sa panahon ng mga

Kastila ngunit hindi malawak ang kaniyang kaalaman sa mismong mga naganap sa nakaraan.

Dagdag pa niya, maliban sa pagiging pampublikong pasyalan nito, minsan rin itong nagsilbing

kanilang tahanan kung saan nabuo niya ang kaniyang pamilya. Mababatid na mula nang naging

parke na ang minsan ay isang libingan, mas naging bukas na ito sa lahat nang walang pinipiling

6|Page
antas sa lipunan at mas dumami na ang mga gawain na maaaring ganapin dito. Gayunpaman, hindi

sapat ang alam ng mga namamasyal dito kaugnay sa kasaysayang hawak ng parkeng ito.

Paco Church

Ang San Fernando de Dilao Parish

Church o ang tinatawag na "Paco Church" ay

itinayo noon taong 1580. Itinayong muli ni

Fray Juan De Garrovillas ng Franciscan ang

simbahan sa patronahe ng La Purificacion De

Nuestra Señora gamit ang materyal na bato

noong 1599-1601. Sumailalim ang simbahan ng ilang malalang pangyayari: Inatake at sinunog ng

mga Tsino ang simbahan noong Oktubre 3, 1603 at muling inayos at itinayo noong 1606 ni Don

Francisco Gómez de Arellano. Sumalakay din ng mga Ingles noong 1762.

At ang pagkakaroon ng lindol noong 1852 at 1881. Nagkaroon din ng bagyo noong 1892 at

nasunog noong 1899. Inilipat sa pangangasiwa ng paring Belga ng Congregatio Immaculatie

Cordis Mariae noon taong 1900.

7|Page
Hanggang ngayon patuloy na isinasagawa ang pagpapaayos at pagpapaganda ng simbahan

ayon sa aming ininterview. Tampok din dito ang mga kinakasal. Gayunpaman noong dinalaw

namin ang simbahan maraming tindero at mga sasakyan ang nakakalat.

Plaza Dilao

Ang Plaza, Dilao ay hindi maihahalintulad sa mga karaniwang plaza na mayroong palaruan

o pamilihan. Hindi rin ito puno ng mga magagarbo o makukulay na mga upuan at dekorasyon.

Ang Plaza Dilao ay payak at malamlam

ngunit kung kikilalaning maigi, ay iyong

madidiskubre ang napakayamang

kasaysayan. Maaaring hindi ito kagiliwan

ng lahat ngunit nag-uumapaw na

kaalaman ang hatid nito sa mga

mamamayan. Magigising ang kamalayan,

pagkamakabayan, at ang pagiging likas sa pagtanggap ng panauhin ng mga pilipino. Mamumulat

ang mga mamamayan maging ang mga dayuhan sa mga kaganapan ng nakaraan.

Ang mga mananaliksik ay nagtungo sa Paco, Maynila upang matunghayan ang kalagayan

ng Plaza Dilao sa kasalukuyan. Tila hindi

mapapansin ang naturang plaza sapagkat

ito ay natatabunan ng naglalakihang mga

sasakyan. Bukod pa rito ay ang

isinasagawang skyway na lubos na

nakaaapekto sa kabuuang lagay nito.

Marahil ang rebulto ay nakatayo

8|Page
hanggang sa kasalukuyan ngunit hindi na sapat ang espasyo nito. Nasasakop ng mga iba't ibang

uri ng sasakyan sa kalsada ang lawak ng Plaza Dilao. Ito ay nagpapahiwatig na ang plaza ay hindi

na nabibigyang halaga.

Ang mga mananaliksik ay nakipagpanayam sa ilang residente ng Paco, Maynila upang

humingi ng kanilang saloobin at kaalaman ukol sa Plaza Dilao. Ayon kay Gg. Puso, ang Plaza

Dilao ay may kinalaman sa mga hapon. Ang mga residente ay pamilyar sa rebulto ng isang hapon

na si Takayama Ukon na kilala rin bilang "Justo". Ang Plaza Dilao ay nagsilbing lugar ng mga

Kristiyanong Hapong dayuhan noong panahong sila ay tumakas mula sa Japan upang makaiwas

sa mga umuusig ng mga mananampalatayang Kristiyanismo. Itinuring ng mga espanyol na dilaw

ang mga hapon dahil sa kulay ng kanilang balat. Dahilan kung bakit "Plaza Dilao" ang itinawag

sa lugar.

Tahanan ni Jose P. Laurel o Villa Peñafrancia

Saksi ang bahay ni dating Pangulong Jose Paciano Laurel y Garcia sa mga makasaysayang

pangyayari sa Pilipinas noon sa pagitan ng mga Pilipino at ng mga banyaga. Sa naganap na pag-

aaral ng mga mananaliksik ukol sa historikal na tahanang ito, napag-alaman na una itong itinayo

noong 1861 sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol at noong sumunod na mga dekada, taong

9|Page
1929, binili ni Laurel ang naturang bahay at

nanirahan dito kasama ang kaniyang

maybahay na si Paciencia Hidalgo at kanilang

mga anak. Nagtagal dito ang pamilya Laurel

ng 29 na taon bago lumipat sa isa pa nilang

bahay sa Mandaluyong bilang pagreretiro ng

dating pangulo. Hanggang sa kasalukuyan, ang bahay ay nakatayo pa rin sa 1515 Peñafrancia

Street, Paco, Manila na siyang naging dahilan upang tawaging Villa Peñafrancia kalaunan.

Ang bahay na ito ay nagsisilbing alaala ni Jose Laurel bilang ikatlong pangulo ng Pilipinas

sa kabila ng pagpapailalim nito sa pamahalaan ng mga Hapon sa bansa. Hindi naging maganda

ang dalawang taon niyang pamumuno dahil na rin kontrolado siya ng mga banyaga. Ang

pagkapangulo ni Jose Laurel ay isa sa mga

pinakakontrobersyal na termino ng pangulo

sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Kilala si

Laurel na puppet president ng mga Hapon,

ang tanging presidenteng inilagay sa

posisyon ng mga hapon para sumunod ang

mamayang Pilipino sa utos nila. Napagtanto ng mga banyagang sumakop na hindi makikilahok

ang mga Pilipino sa kanilang mga layunin kung sakanila manggagaling ang utos kung kaya’t

naglagay sila ng marangal at karespe-respetong indibidwal na magsasakilos ng kanilang layunin

para sa bansang Pilipinas.

Ayon sa pagsusuri ng mga mananaliksik, ang bahay ay minana ng kanyang ikatlong anak

na si Sotero H. Laurel na siyang ipinagkaloob naman nito sa Jose P. Laurel Memorial Foundation.

10 | P a g e
Nanumbalik ang kaayusan nito nang

nagsagawa siya ng rehabilitasyon bilang

parangal na rin sa kanyang ama sa

paglilingkod sa bayan. At taong 1998 ng

Marso ay pinasinayaan ito ng National

Historical Commission of the Philippines

bilang isang opisyal na makasaysayang bahay.

Ang tahanan ni Laurel ay hindi lamang kwento ng kaniyang pamilya kundi kwento na rin

ng mga Pilipino. Saksi sa mga masasaya at masasalimuot na yugto ng Pilipinas.Nananatiling

matatag sa kabila ng mga pinagdaanan at katandaan. Tulad nating mga Pilipino na nagpapakatatag

sa kabila ng mga problemang kinakaharap sa buhay.

Concordia College

Ang Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia o mas kilala bilang Concordia

College ay isang pribadong Catholic school. Ang “Concordia” ay nangangahulugang “alinsunod

sa nasa itaas”.Ito ay matatagpuan sa Pedro Gil, Paco, Maynila.

Ang Concordia College ay itinatag ni Dona Margarita Roxas de Ayala gamit ang kanyang

tatlong ektaryang villa, ang La Concordia Estate, bilang isang paaralan. Nanghingi sya ng tulong

sa Daughters of Charity of Saint Vincent de

Paul galing Espanya na pumunta rito sa

Pilipinas upang pamunuan ang Concordia

College. Dumating sila rito noong May 3,

1868. Animnapung estudyante lamang ang

11 | P a g e
populasyon ng Concordia dati na nag-aral tungkol sa relihiyon, kabutihang asal, pagbasa at

pagsulat, simpleng aritmetika, kultura at sining, at mga gawaing bahay tulad ng pagtatahi,

pagbuburda, pagluluto. Ang ginamit na midyum sa pagtuturo ay Spanish. Layunin ni Doña

Margarita Roxas de Ayala na makatulong sa mga mahihirap at karapat-dapat na mga babaeng

makapag-aral dito.

Isa sa makabuluhang pangyayaring nasaksihan ng Concordia College ay ang Philippine

Revolution noong 1896 at ang American Era, na nakapagdala ng reporma sa edukasyon at

kurikulum ng akademya. Maraming mga kilalang tao ang naging estudyante ng Concordia

College, kabilang na rito sina

Saturnina, Soledad at Olympia Rizal,

ang mga kapatid ng ating Pamabansang

bayaning si Jose Rizal. At dalawa sa

kanyang mga naging karelasyon na

sina Segunda Katigbak at Leonor

Rivera Clara. Nabanggit din ang

paaralan na ito sa nobelang gawa ni Rizal na, Noli Me Tangere.

Ayon kay Claire Carriaga, isang alumni ng Concordia College, naging taguan din ito ng

mga Kastila. Kilala rin ang kolehiyong ito bilang lokasyon sa mga pelikula (She’s Dating A

Gangster), teleserye (Galema: Anak ni Zuma), at komersyal (Jollibee). Hindi alintana ang edad at

pinagdaan ng Concordia College dahil sa angkin nitong ganda. Hanggang sa kasalukuyan ay

matatag pa rin ito at napangangalagaan nang maayos.

12 | P a g e
Paco Railway Station

Nagtungo ang mga mananaliksik

sa isang edipisyo na isa sa mga bumubuo

sa kasaysayan ng Paco, Manila, ang Paco

Railway Station. Matatagpuan ito sa tapat

ng Plaza Dilao at ilang metro mula sa

Concordia College. Ang Paco Railway

Station ay sinimulang itayo noong Marso 25, 1908. Ito ay dinisenyo ni William Parsons, isang

tanyag na Amerikanong arkitekto. Ang istasyon ay sinasabing may pagkakahawig sa kilalang-

kilala na Pennsylvania Station na matatagpuan sa New York City. Ang gusali ng istasyon ay

natapos noong 1915. Ito ay bahagi ng Philippine National Railways na nagbukas ng linya ng riles

mula Paco papuntang Binakayan, Cavite at ang Manila Belt Line mula Tutuban papuntang Paco.

Sinasabing ang gusali ay mas nauna pang itayo kaysa sa mga ibang muson sa Maynila tulad ng

Metropolitan Theater, Manila Post Office, at Manila City Hall.

Ayon sa KKB, taong 1945 ay naging

lugar ng labanan nga mga Hapon at

Amerikano ang Paco Railway Station.

Tumatayang tatlong daang Hapones ang

nagkubli sa gusaling ito na may layuning

itakwil ang pamahalaang Amerikano sa

Pilipinas. Mula sa pangyayaring iyon ay nagtayo ng bagong istasyon malapit sa Paco Railway

Station na nagdulot ng pagkasira sa gusali sapagkat hindi na ito muling ginamit. Taong 1996 nang

13 | P a g e
makaligtas ang gusali mula sa demolisyon nang itigil ng kompanyang New San Jose Builders ang

planong gawing isang pamilihan ang istasyon.

Noong nagtungo ang mga mananaliksik sa lugar na iyon ay tumambad sa kanila ang

napakalaking gusali na napakadumi at puno ng mga sirang kagamitan. Ang matayog na edipisyo

na nakikita sa internet ay taliwas sa nasaksihan ng mga mananaliksik. Ang mapuputing mga pader,

matikas na mga estatwa ng agila, at orasan na nasa sentro ng gusali ay makikita na lamang sa mga

larawan. Ang gusaling minsang naging tulay sa kabuhayan ng mga Pilipino upang makarating sa

kanilang destino ay ngayo’y nagmistulang bodega dahil sa kasalukuyang estado. Ang dating

hinirang na “Manila’s Grand Central” na punong puno ng buhay ay binabalewala na lamang at

itinuturing na isang walang saysay na estruktura na kadalasan ay na tampulan ng katatakutan.

14 | P a g e
KONKLUSIYON

Sa kabuuang obserbasyon ng mga mananaliksik sa estado ng Paco sa ngayon, masasabing

nabalewala at hindi naalagaan ang mga makasaysayan lugar na matatagpuan dito. Mga

naglalakihang establisyimento, mga sasakyang paroo’t parito, at mga taong abala sa kani-kanilang

buhay ang unang mapapansin sa Paco. Tila isang ordinaryong lugar lamang na walang

ikinukubling mahalagang kasaysayan ang mababanaag sa unang tinggin sa Paco, Maynila

Nasagasaan ng modernisasyon ang kalagayan ng mga makasaysayang lugar na narito. Mas

pinapahalagahan pa ng mga tao ang mga proyektong Hindi binigyan ng espesyal na trato ang mga

ito kung kaya’t hindi lingid at alintana ng mga taong nakapaligid dito ang importansiya nito sa

kasaysayan ng bansa. Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao kung ano ba ang mga ito at kung ano

ang papel nito sa ating kasaysayan. Kung bibigyan lamang ng kaukulang pansin at pagpapahalaga

ng gobyerno, at mga tao, lalong higit na ng mga taong nakatira sa Paco ang mga lugar na ito, tiyak

na mas mapapayabong pa ang kultura at aral na mayroon ang mga lugar at simbolong matatagpuan

dito. Magkakaroon ng pagkakataon ang mga susunod na henerasyon na makapagbaliktanaw sa

nakaraan ng kanilang mga ninuno at mas makilala ang kanilang sarili bilang mga Pilipino.

Hindi mapipigilan ang panahon ngunit sana’y hindi tangayin ng agos ng panahon ang mga

alaala at kasaysayang iniwan sa atin ng nakaraan. Nagmimistulang tulay natin ang mga ito sa mga

nagdaang panahon kaya dapat na ipreserba at ingatan ang mga ito.

15 | P a g e
BIBLIOGRAPIYA

“Approaching Paco Station: The Revival of Manila's Grand Central.” Heritage Is People ,

KKB, 18 Jan. 2016, http://heritageispeople.blogspot.com/2016/01/approaching- paco-

station-revival-of.html.

Bearcat. "Concordia College (Manila)". Wikipedia, n.p, 9 August 2010,

https://en.m.wikipedia.org/wiki/Concordia_College_(Manila)

"Concordia, College, Paco, Manila." Org Ph, n.p, n.d, http://www.orgph.com/locations/concordia-

college-paco-manila

Dacumos, Jane. "Paco Park: From Past to Present." Vigan Tourism, n.p., 19 July 2012,

https://www.vigattintourism.com/tourism/articles/Paco-Park-From-Past-to-Present

De Guzman, Nicai. “There’s Art Hidden Inside This Abandoned Manila Railway Station.”

Esquire, 1 March 2019 https://esquiremag.ph/culture/lifestyle/paco-railway-station

history-a1729- 20190301-lfrm

"Historical Landmarks in Paco Manila, Philippines." Historical Paco, n.p., 12 August 2015,

http://historicalpaco.blogspot.com/2015/08/paco-park-cemetery.html?m=1

“The 8 Most Haunting 'Abandoned' Places in the Philippines.” FilipiKnow, 18 Sept. 2019,

https://filipiknow.net/ghost-towns-and-abandoned-buildings-philippines/.

16 | P a g e
TRANSKRIPT

Transkript I: Panayam kay Gg. Alexandro ukol sa Paco Park

A: Ako si Alexandro ---

B: Ta’s ano po araw-araw po namamasada po kayo dito? Ilang taon na po kayo dito sa Manila?

Simula pagka...?

A: Mahigit ano na, 40 years na.

B: 40 years na po?

A: Oo, lagpas na. Mga 45 years na yata. Dito na ako tumanda eh.

B: Ano pong masasabi niyo sa Paco Park?

A: Minsan naging tahanan din namin ‘to eh.

B: Naging tahanan niyo rin po?

A: Oo. Dito ko nakilala asawa ko. Dito kami nagkakilala.

B: Pamilyar po kayo kung ano pong ano sa Paco Park, ‘yung mga, parang, historical value po ng

Paco Park. ‘Yung mga naganap ‘nung dati po?

A: Edi ‘yung ano, ‘yung panahon ng mga Kastila, eh, ‘yun ‘yung pinaka-ano eh, ‘diba?

Transkript II: Panayam kay Gg. Reynante Puso sa San Fernando de Dilao Parish

Time Duration: 00:04:24

Interviewer: 21 years na po kayo rito? Ano pong pangalan niyo po?

Mr. Puso: Reynante Puso.

17 | P a g e
Interviewer: Reynante Poso po?

Mr. Puso: Puso, heart.

Interviewer: Ah, puso po. May katungkulan po ba kayo dito sa simbahan po?

Mr. Puso: Wala, maintenance janitor.

Interviewer: Ah, at 21 years na po kayong nagtatrabaho rito?

Mr. Puso: Oo.

Interviewer: Mayroon po ba kayong alam na kahit kaunting background lang dito sa simbahan?

Ano pong alam niyo tungkol sa simbahan?

Mr. Puso: Ang simbahan… ah, merong nakalagay doon sa gilid di ba?

Interviewer: Opo pero gusto rin po naming malaman yung mga nalalaman niyo po.

Mr. Puso: Ang alam ko lang kasi, tinayo ito noong panahon pa ng mga kastila, tapos ayun

nagkaroon ng lindol, nasira tapos itinayo siya ulit.

Interviewer: Ah kumbaga hindi na po siya yung unang simbahan na itinayo po talaga noong una

pa po.

Mr. Puso: Pagkatapos itayo siya ay naging CICM na.

Interviewer: CICM po?

Mr. Puso: Yung CICM, *inaudible* Immaculate Conception of Mary kay Fr. Agudo Fredo.

Ayun, mula noon hanggang ngayon hanggang sa ano… pasensya na teka.

Interviewer: Okay lang po.

18 | P a g e
Mr. Puso: Hindi ko lang alam kung anong taon siya tinurn-over sa Archdiocese of Manila. Kaya

ngayon isa na lang ang CICM na nakatira dito dahil ang may hawak na nito ngayon ay ang

Archdiocese of Manila.

Interviewer: Ganon po pala.

Interviewer: Ano pong masasabi niyo sa estado ng simbahan at ang paligid po? Kasi po diba

makikita niyo iba na po yung paligid ng simbahan. Kung iisipin niyo po talagang may historical

value talaga ang simbahan, masasabi niyo po ba na napapahalagahan pa rin yung lugar at

simbahan?

Mr. Puso: Ako kasi, marami na kasing renovation na nagawa dito. Ang mga landmark kasi,

katulad na lang nung kay Ukon Takayama (Don Justo Ukon Takayama) sa Plaza Dilao, yun kasi

din yung landmark ng paco eh.

Interviewer: Ah yun po pala talaga ang landmark ng paco po.

Mr. Puso: Oo yung si Ukon Takayama kaso naaalis na siya dun eh. Nung pumunta dito yung mga

paring Hapon, meron kaming maliit na ano niya dyan sa simbahan. Ngayon yung historical value

niya naaalis na, nababago na kasi.

Interviewer: Pero napapahalagahan pa po ba?

Mr. Puso: Ang Paco kasi, ang unang saint niya noon eh si Santo Sepulcro, yung Jesus Christ na

nandyan sa loob na nakahiga. Pero ang pangalan ng parokya natin San Fernando de Dilao Parish.

Interviewer: Tanong ko lang po, bakit laging may Dilao?

Mr. Puso: Parang pinaka landmark na yun kasi.

Interviewer: Ah parang pinaka tatak na po ng Paco.


19 | P a g e
Mr. Puso: Pero ang santo po natin ay si San Fernando. Taga Espanya siya.

Interviewer: Ah, ganon po pala. Ilang taon na nga po kayo?

Mr. Puso: 47.

Interviewer: Ah. Nako, thank you po ah. Pasensya po sa abala.

Mr. Puso: Maraming salamat din.

Transkript III: Jose P. Laurel Ancestral House

Duration: 03:35

Interviewee: Gg. Felix Ibaldo

A: Ano po ‘yung alam niyo about sa bahay ni Laurel?

Mr. Ibaldo: Ang alam ko naman dito ay syempre ito ay historical. Marami na ring pumupunta na

parehas niyo na ano, kagaya ng mga estudyante ng UP, Lyceum, may pumupunta rito. Tsaka

mayroon na ring nag-shoshooting dito, kagaya ng UP, ayan.

A: Pa’no po kaya napepreserve ‘yung mga (gamit) sa bahay, syempre matagal na po.

Mr. Ibaldo: Itong maintenance pa rin, malinis totally sa loob kasi mayroon silang maintenance,

monthly cleaning sila. May sarili silang janitorial eh.

A: May araw po ba na pwedeng pumasok?

Mr. Ibaldo: Pwede kayong pumasok kapag mayroon kayong request galing sa opisina namin.

A: Sa tingin niyo po ba, ‘tay, ‘yung value ng lugar, nandoon pa rin po?

20 | P a g e
Mr. Ibaldo: Oo naman, syempre. Pero ‘yung mga ano kasi dito, ‘yung mga natitira, mga personal

collection na lang at saka ‘yung mga, kagaya ng mga painting.

A: Ah, may mga painting po?

Mr. Ibaldo: May mga painting pa rin siya, ‘yung kanilang mga painting na original.

A: Mayroon pa rin po bang nagpupunta dito, halimbawa kamag-anak nila Laurel na bumibisita,

kahit malayong kamag-anak?

Mr. Ibaldo: Meron, meron. Last year, ‘yung taga-LA ba ‘yun. Kasi mayroon silang parang hotel

yata. May pumunta dito, kamag-anak nila. ‘Yung pangalan ay nakalimutan ko na pero kumbaga

ay kaapo-apuhan na. Pero may pumupunta pa rin dito, kagayan noong pang-ilang apo na siguro

‘yun, apo na sa tuhod siguro’yun. ‘Yung ano sa Lyceum, president ng Lyceum.

A: Ilang taon na po kayo ditong nagbabantay?

Mr. Ibaldo: 8 years na.

A: Kuya, kung mapapansin niyo po ‘diba, ‘yung paligid po niya parang modernized na po. Tingin

niyo po ba nakakaapekto po ‘yun sa magiging value ng lugar? ‘Yung makikita niyo po ba ‘yung

paligid parang puro bahay na.

Mr. Ibaldo: Ito, itong condo na ito, wala ‘yan eh. Lumang-lumang bahay din ‘yan. So, parang

nag-iba na nga talaga, pero ganun pa rin naman. Kasi, kagaya nitong puno na ito. Siguro, kung

anong tanda ng bahay , ganun din tanda ng puno na iyon.

21 | P a g e

You might also like