You are on page 1of 1

Ang Aking Alaga

Ito ang aking alagang isang Shiba Inu. Siya ay malambing at


malahibo ang kanyang katawan. Sa umaga ay siya ang
pinakaunang gumigising sa amin. Mahilig kumain ang alaga kong
Shiba Inu. Mahilig siya sa mga isda at kalimitan naming siyang
pinapakain ng dog food. Ang aking alaga ay mabait at masunurin.
Sa tuwing may mga taong bumibisita sa amin, napakabait niya.
Hindi siya tumatahol-tahol ng wala sa lugar, at hindi rin siya
nakikialam sa amin. Sa pagtulog naman namin sa gabi,
nagbabantay muna siya hanggang madaling araw bago siya
matulog. Kasa-kasama naming siya sa tuwing kami ay aalis.
Tumatabi naman siya sa akin sa pagtulog tuwing gabi. Siya rin ay
sumusunod ng mabuti sa tuwing siya ay aking tinatawag. Hindi ko
maikakaila ng mabait at masunurin ang aking alagang Shiba Inu.
Kaya mahal na mahal siya ng aming pamilya.

You might also like