You are on page 1of 1

PANANATILI

Huwag mong naising lisanin kita;


Wala kong hangaring ikay mag-isa.
San man magtungo, akoy sasabay,
Magkabalikat sa paglalakbay.
Mananahan sa tahanang sisilong sa yo,
Yayakapin ang landasin at bayan mo.
Poon mo ay aking ipagbubunyi
At iibigin nang buong sarili.
San man abutin ng paghahanap,
Ikaw at akoy magkasamang ganap.
Ipahintulot nawa ng Panginoon:
Ni kamatayay maglalaho, anino ng kahapon.
Dahil pag-ibig ang alay sa yo, mananatili ako.
Hwag nang naising tayoy mawalay,
Hwag nang isiping
Magwawakas ang paglalakbay.

You might also like