You are on page 1of 1

1. Ano ang kahulugan ng salitang sekswalidad?

Ang sekswalidad ay ang kabuuang katauhan ng isang indibidwal o nilalang. Ito rin ang
pagakakaranas sa sarili kung ano ka bilang tao, lalaki man o babae. Ang kasarian ay tumutukoy
sa pagiging lalaki o babae. Malaki ang impluwensiya ng sekswalidad ng tao, babae o lalaki man,
sa pagkilala at lubusang pag-unawa ng sarili. May kinalaman ito sa paghahanap ng kahulugan
niya bilang tao o ng kanyang true self. Anuman ang itinakdang kasarian, babae o lalaki ka man
ay may mga natatanging gawain na nakaatang. Masasabi na may malaking kaugnayan ito sa
pagkakamit ng kaganapan ng bawat indibidwal. Tinawag ng Diyos ang tao upang magmahal at
buong pusong maghandog sa pamamagitan ng pinagsanib na katawan at ispiritu na taglay ng
bawat isa. Ang katawan ng tao, kasama ang kanyang itinakdang kasarian ang pagiging lalaki at
pagiging babae, ay hindi lamang instrumento sa pagpaparami at pagtiyak ng pagpapatuloy ng
bawat salinlahi, kundi ito rin ay daan sa pagpapahayag natin ng pagmamahal. Dahil dito, ang tao
ay nagiging handog sa kanyang kapwa. Dito nabibigyang kaganapan ang kahulugan ng ating
buhay at pagiging tao.
2. Ano ang kahulugan ng Libido o sexdrive?
Ang libido, sa pangkaraniwang paggamit ng salita, ay nangangahulugang simbuyo, udyok, gana
o pagnanasang seksuwal ng tao; subalit may mas teknikal na mga kahulugang katulad ng mga
matatagpuan sa mga gawain ni Carl Jung na mas pangkalahatan o malawak, na tumutukoy sa
libido bilang isang malayang malikhain o lakas, enerhiya, o gana ng isipan na kailangang ilagay
ng isang indibiduwal patungo sa kaunlaran ng sarili o indibiduwasyon. Sa pangkaraniwang
pakahulugan, nagiging katumbas ito ng libog, kamunduhan, pangungutog, o "kati ng ari"
(kagustuhang makipagtalik).
3. Anu-ano ang mga isyung kaugnay ng sekswalidad ng tao?
Homoseksuwalidad
Ang homoseksuwalidad o homosekswalidad ay romantikong atraksiyon, atraksiyong seksuwal o
gawaing seksuwal sa mga kasapi ng magkatulad na kasarian. Ito ay bahagi ng katangian o
katauhan ng isang tao. Bilang isang seksuwal na orientasyon, tumutukoy ang homoseksuwalidad
sa "permanenteng pagnanais na makaranas ng seksuwal, magiliw, o romantikong atraksiyon"
pangunahin o natatangi sa mga taong katulad na kasarian. "Tumutukoy din ito sa
pagkakakilanlang pampersonal o panlipunan batay sa mga nabanggit na atraksiyon, mga kilos na
ipinapakita nila, at sa pagsanib sa komunidad kung saan sila kabahagi.
Pagtatalik Na Premarital
Ang pagtatalik na premarital, pagtatalik bago ikasal, pagtatalik bago ang kasal, o pagtatalik bago
ang kasalan (Ingles: premarital sex o pre-marital sex) ay isang gawaing seksuwal na isinasagawa
ng mga taong hindi kasal. Pangkasaysayang itinuturing ito na bawal sa maraming mga kultura at
itinuturing na isang kasalanan sa maraming mga relihiyon, subalit naging mas karaniwang
katanggap-tanggap sa loob ng huling ilang mga dekada.

You might also like