You are on page 1of 2

Magdadalawang taon na nang sinimulang inimplenta ang Socialized Tuition System

o STS na nagpapadali at nagpapabilis ng pag-proseso ng tuition bracket


applications, bilang reporma sa dating Socialized Tuition and Financial Assistance
Program (STFAP) kung saan kailangang magpresenta ng kay rami-raming
dokumento na nagsasaad ng proof of income. May iilan ding aspeto sa STFAP ang
binago sa STS katulad ng isinaayos na income brackets ng student applicants at
pagtaas ng stipend sa mga estudyante sa bracket E2.
Ang STS ay inimplementa bilang pagtugon ng pagtaas ng matrikula noong 2014.
Layunin ng sistemang ito na gawing abot kaya ang edukasyon sa UP sa kabila ng
pagtaas ng matrikula, lalong lalo na sa mga mahihirap na pamilya, ayon kay UP
President Alfredo E. Pascual.
Ngunit sa kabila ng lahat ng pagpapatingkad ng sistemang ito, sa ulat ng Philippine
Collegian, nitong taon lang ay hindi aabot sa 5% ng tinantiyang 60,000 na
estudyante ng UP system ang nakatatanggap ng libreng matrikula. Itong mga magaaral na ito ay bumubuo sa bracket E1 at E2 ng STS. Ang mga estudyante sa
bracket E1 ay nakakatanggap ng full tuition discount habang ang mga estudyante
sa bracket E2 naman ay nakatatanggap ng free tuition discount at may stipend. Sa
isang ulat ng Philippine Collegian, umabot ng hanggang 37,000 ka estudyante ang
nagpasa ng application forms sa STS nitong semestre. Ang mga estuyanteng hindi
nag-apply sa STS ay awtomatikong mapupunta sa bracket A. Ang mga estuyante sa
bracket A ay walang natatanggap na tuition discount.
Umaabot hanggang P1500 kada unit o P28,000 kada semestre ang matrikulang
binabayaran ng mga estudyante sa Bracket A. Kung susuriin, ang pagtaas ng
matrikula ay hindi nangangahulugang pagtaas ng subsidiyo sa mga mababang
brackets. Sa records ng UP, pinakita ang unti-unting paglaki ng porsyento ng mga
estudyante na nagbabayad ng P1500 kada unit habang papaunti naman ang
nakatatanggap ng libreng matrikula. Kung ikukumpara nitong nakaraang taon,
bumaba ang porsyento ng mga estudyante na nakatatanggap ng libreng matrikula
sa buong UP system. Sa kabilang banda, umabot sa 8,581 appeals na para sa
reassignment sa mas mababang bracket ang natanggap ng STS office nitong
semestre, sa ulat ng Philippine Collegian.
Ang pagkakaroon ng mga appeals ay nagpapatunay lamang na ang mga tanong sa
application forms ay hindi tumpak sa pagtukoy sa kapasidad ng estudyanteng
makapagbayad ng matrikula.
Sa pagsusuri sa mga naganap simula nung inimplementa ang STS, hindi natupad
ang layunin nitong gawing abot kaya ang edukasyon sa UP sa kabila ng pagtaas ng
matrikula. Sa katunyan nga, mas maraming estudyante sa buong UP system ang
nagbabayad ng matrikula na walang discount.
Nabuhay ang STFAP sa prinsipyong ang mga mayayaman ay magbayad ng higit pa
para sa subsidiyo para sa mga mahihirap. Habang binago at pinabilis ang bagong
bersyon ng Socialized Tuition System, dala-dala pa rin nito ang prinsipyo ng lumang
ST system na sa esensya ay hindi makatarungan.

Mula 2010 hanggang 2014, nagkamal ang STS ng P1.94 billion mula sa matrikula na
binayad ng mga estudyante samantalang P150 million lang nito ang nagamit para
sa pagsubsudiyo ng mga nasa bracket E na estudyante. Kaakibat ng oryentasyon na
tugunan ang pangangailangan ng mga estudyante, ang STS ay nagpapatunay
lamang ng pagkamal ng bilyun-bilyong kita mula sa matrikula na binayad ng mga
estudyante habang kakarampot lang nito ang napupunta para sa mga estudyante
na nangangailangan ng suporta.
Ang pagsusubsidiyo ng mga estudyanteng may kaya sa mga mahihirap na
estudyante ay nangangahulugan lamang na mismong ang mga estudyante ang
tutugon sa pangangailangan ng pamantasan. Pinasa ng estado sa mga estudyante
ang tungkulin niyang tugunan ang mga gastusin ng mga State Universities katulad
ng UP. Ang Socialized Tuition System ay isang pagdeklara lamang ng estado ng
pagpapabaya at pagtakwil ng mandato nito sa pagpapahalaga ng edukasyon.
Gayunman, ang STS ay nagpapawalang-sala lamang sa pangongolekta ng matrikula
bilang isang profit-generating scheme ng administrasyon ng UP at ng pamahalaan.
Responsibilidad ng gobyerno na tugunan ang mga gastusin sa mga State
Universities katulad at hindi ng mga estudyante.

You might also like