You are on page 1of 2

Pork Chop for Sale

Mga kapwa ko Isko at Iska


Alam nyo ba
May sang baboy na dambuhala
Nabubuhay sa pagkain ng mga barya-barya
Kung barya ngang matatawag ang bilyones sa kanya
Mga bilyong nagmula/ sa ating matrikula
At sa/ patuloy nyang paglobo syay nasusuka
Ng ilan-ilan mamisong pinalilimos nila
Sa mga/ estudyanteng napatunayang maralita
Na tila dapat pang ipagpasalamat sa kanya
Bakit ganon?
Ito na ba ang sukdulan
Na kaya nilang ibigay para sating karapatan
Edukasyon
Isawalambahala na lang
Tatakan ng trenta mil, ilako sa mayayaman
Bakit pa daw ba nila/ kailangang gumasta
Kung kaya naman daw natin ang kumita nang kumita
Ito na ba talaga/ ang edukasyon ngayon
Ang magpalamon
sa baboy ng bilyun bilyon
1.94 Billion
Kita mula sa socialized tuition
Budget cut: 2.2 Billion
Labanan ang privatization
At nakapagtataka
Baboy ay san na napunta
Bumalik ba sa mga/ nagpalamon sa kanya?
Sa halip/ ang baboy ay ginamit/ na kapital
Para sa negosyo at nang lalo pang magkamal
Tila tayo nilulunod sa sarili nating dugo
Ng mga linta/ na sa taas ay nakaupo
Pinapapet ng/ kagalang-galangan nyang Pangulot
Nagpapapet ng/ mga pseudo-progresibo
Nagsusulong ng reporma
Pano nyo nagagawa
Na maatim na ituloy
Ang baboy na sistema

Pagbabago
Di mo na/ maaasahan
Mula sa estadong ang layon lang ay magpayaman
Kaya tayo
Tayo na/ ang mapagpasya
Tayong sinasamantala, tayong sawang-sawa na
Sa sistemang binebenta satin/ ang dapat ay satin
Di na paaalipin/ sa burukratang nang-aangkin
Ng karapatan natin sa edukasyon
Di na magpapalamon
Sa baboy ng bilyun-bilyon
1.94 Billion
Kita mula sa socialized tuition
Budget cut: 2.2 Billion
Tutulan ang privatization

You might also like