You are on page 1of 2

#JunkAPEC

Isang maalab na tagumpay ang pagkilos protesta laban sa APEC noong nakaraang
19 ng Nobyembre. Isang taas kamaong pagpupugay sa sa lahat ng mamamayang
Pilipino at progresibong organisasyong nakiisa sa malawakang protesta. Kasali na
diyan ang mga kakabayan natin galing pang Cordillera at mga Lumad at Moro na
lumakbay pa galing Mindanao papuntang Maynila noong nakaraang buwan pa para
makiisa sa protesta laban sa APEC.
Sa balangkas ng APEC 2015 nakasabi na paguusapan nila ang pagbibigay ng diin sa
pagpapalaganap at pagpapaunlad ng inclusive growth sa Asia Pacific region.
Kasali na rin dito ang pag-iinvest ng Human Capital at lakas paggawa, at
pagpapaunlad ng mga Small and Medium Enterprises (SMEs) para sa rehiyonal at
pangaigdigang merkado.
Ngunit ano nga ba ang epekto nitong APEC sa ating bansa at itoy mariin na
tinututulan ng masang Pilipino? Sa loob ng dalawang dekada nang unang nag-host
ng APEC ang ating bansa, bumagal ang economic growth natin , tumaas ang
unemployment rate, at mas lalong dumarami ang mahihirap sa bansa. Dagdag pa
dito ang paghina sa ating agrikultura at krisis sa trabaho.
Sampung bilyong piso ang ginastos ng pamahalaan para sa paghahanda bilang host
ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC. Kabilang sa pinagkagastusan ang
pagsasaayos ng mga imprastraktura gaya ng mga paliparan, daan at mga hotels
kung saan matutulog ang mga delegado. Tinago naman ng pamahalaan ang mga
mahihirap at mga iskwater sa lansangan at malapit sa lugar kung saan
magpupulong ang mga delegado. Lumala din ang trapik sa kalsada bunga ng
paghahanda para sa APEC at pagbibigay daan para sa mga delegado. Naging
purwisyo ito sa mga commuters lalo pat ilan sa mga daan ay hinarangan na kayat
tumindi ang tarapik at napilita nalamang ang iba na maglakad papunta sa kanilang
trabaho. Dinekrala na walang trabaho at pasok simula 17 hanggang 20 sa mga
pambuklikong institusyon lamang habang 18 at 19 lang sa pribadong sektor. Dahil
dito, apektado rin ang mga maggagawang di makaktanggap ng sahod sa mga araw
na walang pasok. Marami ring flights ang na-cancel at na-delay dahil sa APEC para
daw sa mas maluwag na ir traffic na lubaha namang ikinadismaya ng mga Pilipino.
Ano ba ang naging epekto ng APEC sa ating ekonomya sa loob ng dalawang
dekada? Sa loob ng 26 years ng APEC, lalong sumahol ang buhay ng mga
mamayang Pilipino at ito ay dahil dominado ito ng mga imperyalistang bansa
katulad ng US. Tinutulak din ng APEC ang mga neoliberal na polisiya sa ekonomya
na pinkikinabangan lamang ng iilang monopolyo-kapitalista. Pinaguusapan sa
pulong ang pagtutulak ng free trade sa Asia-Pacific na dahilan namang ng
pagsulong ng patakaran gaya ng liberalisasyon na siyang tumatalo sa mga lokal na
kompanya sa bansa na siya ring dahilan ng pagbagsak ng ating ekonomya.
Layunin ng APEC na isulong ang mga usapin na nakatuon sa ekonomya at
pagnenegosyo. Gustong bigyang pansin ngayon ng APEC ang problema ng Climate
Change at pagpapaunlad ng Small and Medium Enterprises. Ngunit wala naman sa
balangkas ng paglulutas ng problema sa Climate change. Gusto rin ng US na gawing

efficient ang migrasyon para sa murang lakas-paggawa na maglilngkod sa kanilang


interes.
Di nakakapagtataka na sumasahol ang kalagayan ng mamamayang Pilipino dahil
di naman napagusapan ang totoong sitwasyon ng Pilipinas sa APEC at mistulang
pagpapapogi lang ang pinapakita ng ating pamahalaan sa mga delegado. Dagdag
pa dito ang mga neloiberal na polisiya na itinutulak ng APEC na lalong nagpapalala
ng kalagayan dito sa bansa.
Dahil dito, naging laman ng mga kilos protesta ng mamamyang Pilipino. Dagdag din
ang pagpapalayas ng mga militar sa lupain ng mga Lumad. Dahil sa militarisasyon
sa Mindanao, lubhang naapektuhan ang kabuhayan ng mga Lumad sa kanilang
lupain. Nariyan din ang pagtutol ng panghihimasok ng mga imperyalistang bansa sa
ating lupain na sinisira ang ating kalikasan at nanghahakot na ating mineral. Ngunit
higit sa lahat, ito ang pagtutol ng mamayang Pilipino sa APEC na pianpalala lang
ang kahirapan sa ating bansa.

You might also like