You are on page 1of 1

AKING KAIBIGAN

Oh aking kaibigan, aking karamay


Sa lahat ng bagay, siyay aking kaagapay
Kaibigan ko. Oh.. Kaibigan ko!

Chorus:
Tunay nga kitang kaibigan,
Palaging nandiyan kapag ako ay
Nasasaktan at nahihirapan.
Kahit umulan mat bumagyo,
Anong unos man ang dumating,
Tayo ay di magpapatalo.

Rap:
Ang tunay na kaibigan ay palaging nariyan,
Sa panahon ng kabiguan ay di ka iiwan.
Ang inyong pinagsamahan ay di mapapantayan
Ng milyong milyong pera at kahit ano pang yaman.
Kahit suntukin pa ako ng kamao ni Pacman,
Kahit na magalit pa sa akin ang nag-iisang buwan,
Di kita ipagpalit dahil ikaw ay kayamanan.

Coda:
Aking matalik na kaibigan,
Aking sandigan at kanlungan,
Pangako natin walang iwanan.

You might also like