You are on page 1of 2

Kadamay sa Kasiyahan at Kalungkutan

Kaibigan 8 letrang hatid ay kasiyahan

Palaging kadamay sa kahirapan

Kahit anong mangyari sila’y palaging nandiyan

Laging masasandalan

Ang kaibigan ay parang pangalawang pamilya

na hatid palagi ay saya

parang sila ay may mahika

na kayang magpaalis ng kahit anong problema

Sila ay kayamanan

na bigay ng kalangitan

upang tayo ay protektahan at samahan

sa kahit anong kalokohan

Ang kaibigan ay dapat na may pagmamahalan

Upang sila ay magkaintindihan

Kaya sa kahit anong awayan

Sila ay magkakabatian

Kaya sa kahit anong paalam

Sila ay magkakabalikan
Upang maranasan ang dating kaligayahan

Nang dating samahan ng mga magkakaibigan

Submitted by:

Raymond M. Dumalagan

Submitted to:

Rustom Binarao

You might also like