You are on page 1of 2

‘Kaya siguro ganon na lang ang takot ko kung mawala ako at mag-isa ka na lang, Pano na?

Pano ka na? Walang kasing kasiguraduhan sa mundong ito…’ -TJ/Fuffy

Binigyang ng kahulugan ang ideya ng kamatayan sa palabas na ‘My Amanda’ na


kung saan ang buhay ng tao ay walang katiyakan. Hindi natin alam ang mga maaring
mangyari habang tayo ay nabubuhay sa mundong ibabaw. Wala tayong kailangan gawin
kung hindi ang gawing makahulugan ang ating buhay kasama ang mga taong mga
importante sa atin. Sa layo man ng paglalakbay sa malupit na mundong ito nariyan ang
taong lubos nating papahalagan na nariyan para tayo ay damayan hindi lamang sa
kasiyahan kung hindi maging sa ating kalungkutan at pagkalugmok sa buhay.

Sa pagkawala ni Amanda (Alessandra de Rossi) ay naiwan sa pangangalaga ni TJ


(Piolo Pascual) si little Amanda. Inaako nya ang responsibilidad na alagaan ang ananak ni
Amanda, kahit hindi naman kailangan dahil buhay pa naman ang ama nito. Nang dumating
si baby Amanda sa buhay ni TJ, ito ang nagsilbing pinakamaliking biyayang dumating
sabuhay ni TJ. Ito ang matagal nya ng hinihintay para baguhin ang takbo ng kanyang buhay
at naging pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay.

Sa librong ginawa ni TJ para kay Amanda na kung saan nakapaloob ang mga alaala
ng kanyang ina at ang pagiging mabuting tao nito ng ito ay nabubuhay pa. Ang libro ang
magsisilbing daan para makilala ni Amanda ang kayang ina kahit hindi nya ito makakasama
sa kanyang paglaki. Nakalahad doon ang mararamdaman ni Amanda kung sakaling hanapin
nya ang kanyang ina. Magiging malungkot ito sa pagkawala ng kanyang ina ngunit bigyan
na lamang ito ng magandang kahulugan. Hindi man nila kasama si Amanda ay hindi nila ito
makakalimutan dahil karugtong na ito ng kanilang pagkatao. Masakit man ay kailangan
nilang magpatuloy sa buhay. Ang mawalan ng kaibigan, ng ina, ng pinakaimportanteng tao
sa kanilang buhay.

Sa buhay natin, may mga oras na mawawala at mamaalam ang mga importanteng
taong pinapahalagahan natin sa buhay ngunit alam nating hindi natin hawak ang buhay ng
tao. Kailangan nating ipagpatuloy ang buhay sa malupit na mundo. Sa pagkawala ng mga
taong ito, tsaka lang natin malalaman kung gaano sila kaimportante sa atin. Handa taong
ipagpalit ang buhay natin para sa kanila, kung pwede nga lang. Hindi natin sila
makakalimutan lumipasa man ang maraming taon, kahit may mga dumating mang mga tao
sa ating buhay. Hindi nito matutumbasan ang mga alaalang at mga pinagsamahan binuo
kasama ang taong nawala sa buhay natin. May mga bagay at lugar na magpapaalala ng
ating mga pingsamahan na kung saan makakaramdang tayo ng lungkot ngunit mas pipiliin
pa din nating maging masaya dahil alam nating nasa maayos na lugar na sila. Unti-unti
tayong susubukin ng malupit na mundo ngunit dito tayo lalakas. Sila ang magsisilbing
sandata natin para harapin ang mga pagsubok na darating sa arting buhay hanggang na
maranasan din nating ang buhay na pinapangarap nati.

Subukin man tayo ng mundo, kailangan nating ihanda ang sarili natin sa mga
posibilidad na maaaring mangyari. May mga na magsasaya tayo ngunit alam natin na may
kapalit ito. Walang katiyakan sa munod, ang mga bagay na mayroon tayo ay baka bukas ay
wala na. May mga taong kasama natin sa laban ngunit unti unti na palang mawawala satin
ng di namamalayan. Handa tayong gawin ang lahat para sa kanila at sa mga taong
importante din sa buhay nila, hindi man natin responsibilidad ngunit pinipili pa din nating
gawin para sa makasama natin ito kahit sa pagkatao na ng ibang tao. Nandyan lang sila,
nagbabantay at nakamsaid sa atin, hindi man natin sila kasama sa mundong ito ay alam
nating hindi ito malilimutan ng ating puso kahit lumipas ang mga taon. Sila ang magsisilbing
gabay at lakas natin sa mga pagsubok na ibabato sa atin ng buhay.

You might also like