You are on page 1of 3

Ako si Ivan Clores,labing apat na taong gulang mag-aaral sa ika siyam na baitang ng

pambansang mataas na paaralan ng San Pedro upang maghatid ng isang spoken


poetry na pinamagatang “Sa sambayanang nag tutulungan,sunog ay tiyak na
maiiwasan”.

Mga bomberong pagod na,


Sa pagpapaalala,
Na ang pag papabaya ang deperensiya,
Sa kung ano ang sinasapit ng bawat pamilya,
Hindi lang bagyo o anumang sakuna
Ang pinaghahandaang banta
Sa ating buhay na hindi inaakala
Na sa isang sunog lang mawawala
Masakit mang isipin
Na sa isang paglabag at pagkakamali
Ay hindi lang isa kundi higit pa
Ang buhay na mawawalan ng pag asa
Pag iingat ang laging pakiusap
Ng mga bomberong walang ibang tinatalak
Kundi ang mailigtas
Ang mga taong pilit na tumatakas
Sa kung ano ang mensahe
Ng bawat bayani
Na isinusugo ang kanilang sarili
Ikaw lang ay makaligtas
Di mo man lang ba iisipin
Na kung ating seseryusohin
Ang bawat hinaing
Ng mga bomberong sawa na sa kanilang adhikain
Pagkakaisa,sampung letra
Ngunit hirap na hirap magawa
Gaano mo ba katagal maiintindihan
Ang salitang tulungan
Kung sa simula pa lamang
Ay hirap na hirap mo nang panghawakan
Ang mga salitang iyong binibitawan
Hindi yun ganun lang na basta ka lang may alam
Dapat moring paghandaan
Ang bawat oras ng kapahamakan
Dala ng apoy
Na magiging hadlang upang ikay magpatuloy
Kayat mag ingat
Sa bawat pagsindi ng posporo
Na puwedeng kumitil ng buhay mo
Maging mapagmatiyag at mapanuri
Pag aaral at pakikinig ang susi
mga bawal ay limitahan
huwag maging abusado
sa gobyerno’t bombero
sapagkat kapakanan mo lang naman
ang kanilang kagustuhan
masama bang making minsan?
Kung dito mo lang matutuklasan
Ang tunay na kahulugan
Ng bayanihan
Pagiging taliwas
Sa mga bombero’y tigilan
Upang silay hindi mag sawa
Sa pag papaalala ng mga dapat nating magawan
Sunog ay iwasan
Tayo ay makipagtulungan
Upang nangsaganon
Ay ating matulungan
Ang mga bayaning bomberong
Walang ibang hinihiling
Kundi ibaling ang tingin
Para sa kanilang mga hangarin.

You might also like