You are on page 1of 3

PAGSASABI NG TOTOO

DAPAT ba o HINDI DAPAT na laging magsasabi ng totoo?

Mula sa panulat nina: ELVIE V. ESPIRITU nagtanggol sa panig ng DAPAT GONIE T. MEJIA nagtanggol sa panig ng HINDI DAPAT RAFAEL A. PULMANO namagitan bilang LAKANDIWA

LAKANDIWA (Pagbubukas) Sa ayaw at sa gusto nyo ay narito kaming muli Ang Samahang Makata po, taos-pusong bumabati At sa munting Balagtasang inihanda ngayong gabi Ang mabuti'y pulutin po, ang masama ay iwaksi. RAFAEL A. PULMANO po ang lingkod nyong kinikilig Malugod na nagpupugay sa balanang nakikinig Sa Balagtasan pong itong labanan ng matitinik Ako po ang Lakandiwang sa usapin ay didinig. Ang paksa pong hihimayin ng makatang magtatalo Ay, "Dapat ba na palaging magsasabi ng totoo?" Salubungin ng palakpak na masigla't masigabo Ang dawalang sa larangan ng bigkasa'y kapwa bagyo!

LAKANDIWA Buong linaw na naghayag ng kanilang niloloob Ang dalawang magigiting na dito ay magsasalpok Atin na ngang pag-untugin nang matesting yaong tuktok Si Elvie po ang syang una, palakpak wag ipagdamot!

DAPAT (Unang Tindig) Sa isip nati'y namulat, banal na alituntunin Sa mali'y huwag pabibihag, wastong daan ay landasin Tamang asal nga ba kaya kung minsa'y magsinungaling Kung dito ay malalabag, utos dapat nating sundin? Hindi ko po sinasabing kahidwa ko ay may sungay Hindi ko rin sinasabing may buntot siyang tinataglay Nais ko lang ibahagi sa kanya ang kaalaman Magsinungaling ay masama, kakampi ng kadiliman.

DAPAT (Pagpapakilala) Dapat na katotohanan ang palaging sasabihin Dalahin mo'y kasalanan kung ikaw ay sinungaling Elvie Espiritu po, bumabating mataimtim At ang diwa nitong gabi, sumainyong walang maliw.

LAKANDIWA Umuusok na katwiran ang kaagad namutawi Sa labi ng paralumang matatapang daw ang lahi Ang lalaking makata po ang sya namang maghahabi Palakpakang malulutong ang atin ding ipanukli!

HINDI DAPAT (Pagpapakilala) Hindi dapat na palaging totoo ang ihahayag Pagkat ito magkaminsan sa iyo'y magpapahamak Kababayang nakikinig, isang maligayang oras Gonie Mejia po lamang, pag-utusan nyo't tutupad.

HINDI DAPAT (Unang Tindig) Paalala ko po muna sa matabil na kalaban Huwag naman sanang lalabis sa pasaring at paratang

Kung di man dapat magsabing totoo paminsanminsan Kahulugang ako na po ay may buntot at may sungay. Sa dilag kong katunggaling larawang kawalangmalay Sa makalumang panahon, higit siyang nababagay Sa agos ng pamumuhay, kung ikaw'y di pasasaklaw Pag-asa ay iilap sa sariling kapakanan.

Sa tahanan ang magulang sa anak ay itinuturo Bawal ang magsinungaling, gawang hindi makatao Kahit man sa paaralan pinapangaral ng guro Kaluluwang sinungaling ang bagsakan ay impiyerno. Natural po kung ang isang tao'y walang kaluluwa Wala siyang pagkatakot, hindi nga mababalisa Huwag sa akin mapipikon itong macho kong kahidwa Muli kaya siyang mag-aral nang ito ay maunawa.

LAKANDIWA HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig) Pangalawang yugto na po ng labanang mainit na At sa puntong ito ako ay eeksit samantala Hahayaan kong mag-away sila hanggang gusto nila At pag kapwa lamog na po'y saka muling makaentra. Kita nyo't nagsinungaling itong lahi ni Bakekang Kung sa paksa ako'y mangmang, tiyak ako'y tahimik lang Di ko ugaling sumuko sa ano mang paglalaban Kahit pa ang katunggali'y pang-heavy weight po ang timbang. Ibabalik ko pong muli ang laban sa katinuan Kapintasan nga ba kayang magkaila minsan-minsan? Sakali bang makabuti ang totoo'y pahindian Masasabi pa rin kayang ito'y isang kamalian?

DAPAT (Ikalawang Tindig) Nagkarera tungong langit ang dalawang magkaribal Sa bilis pumaimbulog, masasabing sila'y pantay Pag-abot po kay San Pedro, si Juan ay hinadlangan Sa langit di pinapasok, sa sinungaling sila'y ayaw. Anong gandang idudulot ng sabi mong magkaminsan Di pagsasabing totoo ay may buting iaalay? Kahidwa ko'y gigisingin sa isa pong kawikaan Ang pagsasabi ng tapat, magsasamang matagalan.

DAPAT Ang bagay na nakakamit sa isang katotohanan Ay masarap tamasahin, walang dapat pangambahan Kailangan bang ikailang kulang ka sa kakayahan Kailangan pa bang dayain yaong kapwa mo nilalang?

HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig) May anak ka na lalaki, nagtatago halimbawa Hinahanap ng kaaway, sa buhay niya'y nagbabanta Kung kanilang tatanungin ang anak mo'y nahan kaya Ang ikaw ay magkaila, hindi mo ba magagawa? Hindi ko itinatatwang magsinungaling ay labag Sa banal na kautusan na sadya pong nahahayag Ngunit may pagkakataon na di ka makakaiwas Lalo na nga kung ang sanhi, may nais kang ipangilag.

HINDI DAPAT Tila po nakakalimot itong tigre ng Viscaya Lahat na lang kapintasan isinali, nilahat na Ang paksa ng pagtatalo ay muli kong paalala Kung sadyang kinakailangan, magsinungaling ay dapat ba?

DAPAT DAPAT (Ikatlong Tindig) Hindi ako nangingilag na ako ay mapintasan Di ko dapat ipagdamdam kung iya'y katotohanan

Ang masakit na nangyari, nagsinungaling ang kalaban Kutis-sanggol daw po siya, barbekyung sunog din naman!

At sa kapwa'y mapanlamang, hindi dapat ikasiya. Ani Gonie, kung minsan daw kaylangang magsinungaling Lalo't kung ang pagtatapat, may kakambal na hilahil, Kung sa buhay, halimbawa, ng mahal mo'y may sisingil, Pagtatakpan mo ba siya o lalo pang ididiin? Ani Hesus, "Ako'ng Daan, Katotohanan, at Buhay Walang sasapit sa Ama kundi sa 'king pamagitan." Maliwanag na ang susi sa pinto ng kaligtasan Ay nasa 'ting katapatan sa salita, isip, asal. Madali pong sabihin yan, mahirap na isagawa Si Apostol Santiago na ang sya mismo ay nagwika, Nasusupil nga ng tao yaong hayop na nilikha Nguni't walang makasupil sa sarili niyang dila. Si Abraham, di nagsabi ng totoo sa Faraon Si Jacob, nagsinungaling upang kamtin ang bendisyon At si Pedrong araw-gabi'y kasama ng Panginoon, Tatlong ulit na nagtatwa: "Di ko kilala'ng taong yon!" Kung sila ngang dinakila't pinagpala ng Maykapal Nagkamali, nagkasala, nagsinungaling din minsan, Ang tanong ko'y uulitin: Marapat ba't nababagay Na palaging magsasabi ng pawang katotohanan? Ang atin pong pamantayan sa kung ano'ng tama't mali Ay ang mga kautusang nakaukit sa 'ting budhi Iyang taong hindi tapat sa marami't kakaunti Sinungaling din ang tawag mabuti man ang lunggati. Tama bang magsinungaling kung may banal na intens'yon? Ipasa-D'yos na po natin ang paghusga at paghatol; Subalit sa dal'wa ritong buong giting na nagtanggol, Palakpak nyo'y pakawalan: si Elvie po ang nagkampeon!

HINDI DAPAT Kayo na ang nakarinig iyang totoo magkaminsan Ay mahirap na tanggapin, mabigat sa kalooban Sadya ngang nakabubuting magsinungaling magkaminsan Higit na nga kung hangad ko'y mahalin ng kaibigan.

DAPAT Di ko ugaling mang-uto, di ko ugaling manlinlang Nais ko'y katotohanan, hindi ng kasinungalingan!

HINDI DAPAT Mayroong pagkakataong dapat kang magsinungaling Kung ito'y nakabubuti sa sarili at kapwa din.

LAKANDIWA Kayo muna'y maghiwalay, magpalamig niyang ulo Bago kayo ay tuluyang magkapikunan nang husto Sa mat'yagang nakikinig, ang hiling ko nama'y ito: Palakpakan ang dalawang mahuhusay sa diskurso! Ang palagi bang magsabi ng totoo'y nararapat? Yan ang paksang tinalakay ng dalawang nagsalungat Ani Elvie, dapat daw po, nang magsama nang maluwag Ang kay Gonie, minsan daw po, di angkop ang maging tapat. Dapat nga raw, ani Elvie, pagkat utos ng D'yos Ama Kakampi ng kadiliman ang di magsabi ng tama Duwag raw sa kabutihan, may ugaling huwad anya,

You might also like