You are on page 1of 5

ANG PANAYAM

Session Guide Blg. 3

I. MGA LAYUNIN

1. Naipaliliwanag nang maayos ang mga katanungan sa isang


panayam
2. Natutukoy ang mga hakbang na kinakailangang gawin ng isang
kinakapanayam
3. Naisasagawa ang paghahanda sa isang panayam
4. Naiisa-isa ang kahalagahan ng pagsagot sa mga katanungan
5. Naibabahagi ang kasanayang magpasiya o magdesisyon

II. PAKSA

A. Aralin 3: Ang Kinakapanayam: Ang Sining ng Pagsagot sa Mga


Katanungan pahina 23-30.

Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay: Mabisang


Komunikasyon, Malikhaing Pag-iisip, Pag-aangkop sa sarili
sa mga mabibigat na dalahin, Pag-aangkop sa sarili sa
mga emosyon.

B. Mga Kagamitan : mga larawan, mga kuwento, masking tape, meta


cards, Manila paper

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral Kuwento

Si Edgar ay isang mensahero ng sulat. Siya ay matapat


sa kanyang trabaho. Sa di-inaasahang pangyayari ay
nagkaroon ng strike sa kanyang pinapasukan. Sa kasamaang
palad si Edgar ay isa sa mga empleyado na natanggal sa
trabaho. Dahil dito hindi na niya kayang pag-aralin ang kanyang
mga anak sa kolehiyo. Nabalitaan niyang maraming kailangan
na manggagawa sa Dubai.

 Paano mo siya tutulungan sa mga


posibleng kasagutan sa mga itatanong sa kanya sa
panayam ng tagapanayam?

9
2. Pagganyak

Message Relay

1. Sabihin ang mensahe sa lider ng dalawang grupo.

Si Rosa ay magaling sa pagsagot ng mga katanungan na


ibinibigay ng kanyang Instructional Manager lalung lalo na sa
isinagawang panayam tungkol sa pag-aplay ng trabaho sa ibang
bansa.

Paraan:

• Ibigay ang mensahe sa bawat lider ng grupo. Ang lider


ng dalawang grupo ay kakausapin ng IM

• Ililipat nang pabulong ang mensahe sa susunod na


mag-aaral.

• Pagdating sa huling miyembro ng grupo, ipasulat sa


pisara ang mensahe.

2. Tingnan sa nakasulat sa pisara kung sino sa 2 grupo ang


nakakuha ng tamang mensahe.

3. Bigyang puna ang hindi nakakuha ng tamang mensahe at


sabihin ang tamang proseso nito.

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

• Pagtutuunan ng pansin ang gawain sa pahina 23-27 .

• Suriin ang isinasaad ng paghahanda sa


aktuwal na pakikipanayam

• Pag-aralan kung paano ka magiging


matagumpay na kinakapanayam

Hayaan ang mga mag-aaral na pag-usap-usapan ang


kanilang mga opinyon. (Maaaring magkaroon ng pagtatalo
sa mga ilang punto ngunit hayaang magdesisyon ang mga
mag-aaral base sa kanilang pagkaunawa).

2. Pagtatalakayan

10
Pakikinig ng Iskrip na pinamagatang Ang Sining ng Pagsagot
sa mga Katanungan.

1) Habang nakikinig sa radyo ay maaaring sabayan ang


pagbasa ng iskrip sa pahina 48 hanggang 54.

2) Ang iskrip ay nakasentro sa kung papaano magbigay


ng mga mabisang kasagutan sa pakikipanayam

3) Makikita dito ang dalawang kinakapanayam at kung


paano isinagawa ng bawat isa ang kani-kaniyang
panayam.

4) Gabayan ang mag-aaral sa pag-analisa ng aplikasyon ng


visa ni Peter at Juancho sa pamamagitan ng pagamit
ng Venn Diagram.

Peter
Pagkakatulad Juancho
ni Juancho at
Peter

3. Paglalahat

Mga istratehiya na dapat tandaan sa pagsagot ng mga


mahihirap na katanungan
• Magbigay ng maikli at direktang kasagutan
• Maging kalugud-lugod, magalang at maayos sa pakikitungo.
• Makinig at sumagot lamang sa mga katanungan matapos
itong marinig at ganap na maunawaan.
• Hilingin sa tagapanayam na ulitin, ipaliwanag ang mga
kumplikado o di malinaw na katanungan.
• Maging tapat kung hindi mo alam ang kasagutan.

4. Paglalapat

• Maghanda ng mga meta cards ng mga tanong at sagot.


• Ipagawa: Sabihin kung alin sa mga sagot ang tama o mali.
Halimbawa:

11
- Anong uri ng trabaho ang kailangan mo?
Tama: Maging clerk po.
Mali: Hindi ko po alam, bahala na po kayo

- Magbigay ng iyong kasanayan sa trabaho.


Tama: Marunong po akong mag computer, mag-ayos ng
file at gumawa ng ulat o report
Mali: Marami po akong kaaalaman, depende po sa inyo.

5. Pagpapahalaga

Sabihin sa mga mag-aaral na basahin ang mga talata.


Tanungin kung sila ay sang-ayon o di sang-ayon.

• Hindi dapat mahuli sa takdang oras ng panayam.


• Ihanda ang akmang isusuot sa araw ng panayam.
• Handa akong baguhin ang mga negatibo kong ugali.
• Kailangan kong alamin ang aking kakayahan sa ika-uunlad
ng aking sarili.
• Kailangan kong magsanay ng mga tamang kasagutan sa
mga posibleng katanungan.

IV. PAGTATAYA: Visible Quiz

• Ang bawat pangkat ay may hawak na meta cards na may


kulay. Ang bawat kulay ay kumakatawan sa isang sagot.

• Magpapakita ng tanong at ito ay sasagutin ng mga mag-


aaral

• Itataas ng pangkat ang kulay ng meta card na katugma ng


kanilang sagot.

Halimbawa:
Kulay berde na meta card

Tanong: Bakit hindi naaprubahan ang aplikasyon ni Juancho?


Sagot: Sapagkat hindi angkop ang kasuotan

Lahat ng may katulad na sagot itataas ang berde na meta card

(Ang pamamaraang ito ay magbibigay ng agarang kaalaman sa


IM kung natutunan ba ng mga mag-aaral ang araling tinalakay.)

V. KARAGDAGANG GAWAIN

12
 Magsanay na gumawa ng katanungan at
lagyan ng akmang kasagutan ang bawat isa.

 Humandang basahin ito sa susunod na


sesyon.

13

You might also like