You are on page 1of 7

kabayo

paniki
kuneho
daga
ahas
baboy - oink-oink
baka - mooo mooo
kabayo - hiya
aso - grrrrl - aw-aw-aw
ibon - tweet tweet
palaka - kokak kokak
kambing - meee meee
kalabaw - maaa maaa
pusa - meoww meoww

Hindi mahirap ang sumulat ng baybayin ngunit may kahirapan ang pagbasa nito.
May isang Kastilang manunulat noong panahon ng mga Espanyol na nagsabing
"kung ano ang dali ng pagsulat ng baybayin ay siya namang hirap ng pagbasa nito."
Ipapaliwanag natin ito mamaya. Pag-aralan muna natin kung paanong sumulat ng
baybayin.

Inaakala ng maraming tao na ang baybayin ay isang kakaibang alpabeto lamang at ang
kailangang gawin ay matutuhan lamang na sumulat ng mga titik at saka gamitin ang mga
ito gaya ng ginagawa natin sa alpabeto ngayon. Akala nila ay maaaring ipagpalit lamang
ang bawat modernong titik ng isang titik ng baybayin. Subalit hindi puwede ito sa
baybayin dahil may kaibahan ang baybayin sa mga alpabeto. Ang baybayin ay isang
papantig, o syllabic na paraan ng pagsulat.

Ang Bawat Titik ay Katumbas ng Isang Pantig

Sa ating modernong alpabeto, ang bawat titik ay isang payak na tunog


o phoneme na maaaring isang patinig (vowel) o isang katinig (consonant).
Pinagsasama natin ang mga ito upang mabuo ang mga pantig (syllables). Ang mga
pantig na ito ay pinagsasama upang mabuo ang mga salita. Subalit sa mga
tinatawag na papantig na paraan ng pagsulat, tulad ng baybayin, ang bawat titik ay
katumbas ng isang buong pantig. Ang pantig ay maaaring isang kumbinasyon ng
ilang tunog o di kaya'y isang patinig lamang, ngunit karaniwang hindi maaaring
maging isang katinig lamang. Ang bilang ng mga titik na baybayin sa anumang salita
ay laging katumbas ng bilang ng mga pantig dito.

Ang mga Titik ng Baybayin

Ito ang lahat ng titik sa "alpabetong" baybayin. Maaaring may iba't ibang anyo ang
bawat titik ayon sa pagsulat ng bawat tao. (Tingnan ang Baybayin Styles.) Ang
halimbawang ito ay aking sariling pagsasama ng iba't ibang lumang istilo. Ang mga
titik ay nakahanay ayon sa dating abakada. (Tingnan ang sinaunang hanay ng mga titik sa unang
sanaysay.)

Ang mga Katinig

Ang bawat titik na katinig (consonant letter) ay isang pantig na may kasamang
patinig na a. Halimbawa, ang titik na ay hindi isang b lamang kundi ang pantig
na ba. Kung isusulat ang salitang basa, dalawang titik lamang ang kailangan:

at hindi apat na titik:

Narito ang ilan pang halimbawa:

Ang Kudlit

Ano kaya ang dapat nating gawin kung may isusulat tayo na may ibang patinig
bukod sa a? Sa ibang mga palapantigan o syllabary, tulad
ng Katakana o Hiragana ng Hapon, kailangang matuto ng marami pang ibang titik
para sa lahat ng kumbinasyon ng mga katinig at patinig. Subalit ang baybayin ay
hindi isang palapantigan lamang. Ang baybayin ay may mga katangian ng isang
palapantigan at ng isang alpabeto rin. Ang tawag sa ganitong paraan ng pagsulat ay
isang abugida. Gagamitin pa rin natin ang mga titik na katinig na nakahanay sa
itaas at lalagyan natin ang mga ito ng isang pananda, na tinatawag na kudlit, upang
mapalitan ang tunog ng nilalamang patinig na a.

Ang kahulugan ng kudlit ay gurlis o galos at ito nga ang anyo ng kudlit noong unang
panahon, noong inuukit pa ang baybayin sa kawayan. Ngayon, sumusulat na tayo sa
pamamagitan ng bolpen at papel o computer kaya may iba't ibang hugis ang
panandang kudlit. Karaniwang tuldok ito o maikling guhit, o minsan naman, ay may
hugis ng letrang v o hugis ng ulo ng palaso >. Ang hugis ng kudlit ay walang
kaugnayan sa pagbigkas ng isang titik; ang pagbigkas ay batay sa kinalalagyan ng
kudlit.

Kung ang kudlit ay nasa itaas ng titik, ang pagbigkas ay I o E. Ganito:

Kung ang kudlit ay nasa ibaba, U o O ang dapat bigkasin. Ganito:

Ang mga Titik na Patinig


Bagama't ang mga kudlit ay karaniwang ginagamit upang maipakita ang tunog ng
mga patinig (vowels), mayroon din namang tatlong bukod-tanging titik na patinig:

Madaling makita na kung may pantig na walang katinig, wala itong titik na
malalagyan ng isang kudlit. Kaya, ang dapat gamitin ay isang titik na patinig. Ang
mga titik na ito ay hindi nilalagyan ng anumang kudlit. Halimbawa:

Tatlo lamang ang mga patinig dahil hindi binigyang pansin ang kaibahan ng bigkas
sa I at E, at sa U at Osa maraming wika ng mga sinaunang Filipino bago nila hiniram
ang mga salitang Kastila. Hanggang ngayon, mapagpapalit ang mga patinig na ito sa
mga salita tulad ng lalaki/lalake, babae/kababaihan, uod/ood, puno/punung-kahoy,
at oyaye/oyayi/uyayi (duyan o panghehele). Ang baybayin ay katulad ngalphabet na
Ingles na may limang titik na patinig ngunit may iba't ibang bigkas ang bawat
isa. (Tingnan ang unang sanaysay para sa karagdagang kaalaman tungkol dito.)

Mga Huling Katinig

Nakita na natin na may mga bukod na titik para sa mga patinig na hindi sumusunod
sa isang katinig, ngunit papaano ang mga katinig na hindi sinusundan ng isang
patinig? Ito ang tinatawag na mga huling katinig ng pantig (syllable final consonants)
at ito ang dahilan kung bakit mas mahirap basahin ang baybayin kaysa sulatin ito.
Walang paraan upang maisulat ang mga huling katinig na ito. Halimbawa, sa isang
salita tulad ng bundok hindi maaaring isulat ang mga titik na n at k dahil walang
patinig ang mga ito at ang lahat ng katinig ng baybayin ay laging binibigkas nang
may patinig. Kung isusulat natin ang n at k, ang bigkas sa salita ay magiging bu-na-
do-ka. Kaya, hindi dapat isulat ang ganitong mga titik. Ang kailangan ay hulalan
lamang ng mambabasa ang kahulugan at tamang bigkas ng isang salita batay sa
paksa o pinag-uusapan ng sulatin. Ganito ang pagsulat sa bundok:

hindi:

Heto ang ilan pang halimbawa:

Mga Kakaibang Katinig

Hindi kakaiba ang mga titik na d at ng sa mga sinaunang Filipino subalit dapat suriin
natin ang mga ito upang hindi tayo malilito.

Ang Titik Para sa Da at Ra


Isa lamang ang titik sa baybayin para sa d at r, ang . Ang pagbigkas nito ay batay
sa kinalalagyan ng titik sa loob ng isang salita. Maihahambing ito sa patakaran natin
ngayon na kapag ang d ay napagitna sa dalawang patinig, ito ay karaniwang
ipagpapalit sa r. (Marami ang kataliwasan sa patakaran ngayon ngunit mas
sinusunod ito noong unang panahon.) Halimbawa, kung ikakabit nating ang
panlaping ma sa mga salitang dangal at dunong, ang kalalabasan
ay marangal at marunong ngunit sa baybayin, hindi papalitan ang titik na .

Ang ibang mga wika sa Filipinas noong unang panahon ay may ibang pamamaraan
upang isulat ang tunog ng r. May gumamit ng titik na d/ra ( ) gaya ng Tagalog at
may iba namang gumamit ng titik na la para sa tunog ng r. At may iba pa ring
gumamit ng pareho. Tingnan ang unang sanaysay para sa karagdagang kaalaman.

Ang Titik Para Sa Nga

Sa kasalukuyang wikang Filipino, ang ng ay itinuturing na iisang titik ngunit


dalawang titik ang kailangan upang maisulat ito, ang n at ang g. Sa baybayin,
ang ng ay talagang iisang titik lamang, ang , at ito ang dapat gamitin para sa
tunog ng ng. Halimbawa, kung isusulat natin sa baybayin ang salitang hanganang
may n at g, ang bigkas dito ay magiging ha-na-ga. Ganito ang dapat:

hindi:

Mga Bantas

Ang mga bantas (punctuation) sa baybayin ay isa o dalawang guhit na patayo


lamang, ||, ayon sa kagustuhan ng manunulat. Ang paggamit sa guhit ay katulad ng
isang kuwit (comma) o tuldok (period). Sa katotohanan, magagamit ito gaya ng
anumang bantas na mayroon sa ating sulat ngayon. Ang karaniwang pagsulat ng
mga sinaunang Filipino ay tuloy-tuloy at walang agwat-agwat sa pagitan ng mga
salita. Paminsan-minsan ay pinaghiwalay nila ang isang salita sa pagitan ng
dalawang guhit subalit kadalasan ay inilagay lamang nila ang mga guhit kahit saan
nila gusto. Kaya ang mga pangungusap ay nahati-hati nang may iba't ibang bilang
ng salita sa bawat bahagi.

Ang Kastilang Kudlit +

Inimbento ng isang prayleng Kastila na si Francisco Lopez ang isang bagong uri ng
kudlit noong taong 1620 upang malutas ang suliranin sa pagsulat ng mga huling
katinig. Hugis krus ang kaniyang kudlit at inilagay niya ito sa ibaba ng mga titik
upang bawiin ang tunog ng patinig. Halimbawa:
Hindi tinanggap ng mga Filipino noon ang paraan ni Lopez dahil nakasagabal lamang
daw ito sa madaling pagsulat at hindi naman kasi sila nahirapan sa pagbasa sa
dating paraan. Ngunit popular na ngayon ito sa mga taong natuklasan muli ang
baybayin na hindi nakakaalam ng pinagmulan ng Kastilang kudlit. (Tingnan ang unang
sanaysay tungkol dito.)

Heto ang dalawang anyo ng isang awit. Sa kaliwa, ginamit ang kudlit ni Lopez (+) at
pinaghiwalay ang mga salita upang madaling basahin. Sa kanan naman, makikita
ang paraan ng pagsulat ng mga sinaunang Filipino.

Mga Bilang

Noong panahon bago dumating ang mga Kastila, karaniwang ginamit ng mga
sinaunang Filipino ang baybayin sa pagsulat ng mga tula lamang o di kaya'y
maiikling mensahe sa isa't isa. Hindi nila iniangkop ang baybayin upang gamitin sa
pangangalakal o mga kaalamang pang-agham kaya hindi ito nagkaroon ng mga
pambilang. Ang mga bilang ay isinulat nang buo kagaya ng lahat ng ibang salita.
May isang kasulatan na may mga bilang sa Baybayin Handwriting of the 1600s.

Ang klaster ay ang dalawa o higit pang magkakatabing konsonant sa loob ng isang salita.
Katulad ito sa "kambal-katinig" sa Tagalog na mula sa mga salitang KAMBAL o dalawa at
KATINIG o konsonant subalit tanging yung dalawang magkatabing katinig sa isang pantig o
silabol lamang ang ikinokonsider na ganito. Walang higit sa tatlong magkakatabing konsonant
sa isang silabol sa Tagalog (mga salitang-hiram sa Spanish) hindi tulad sa Filipino na posible
ang pagkakaroon ng tatlo hanggang apat. Ito ay rizolt ng paghihiram ng salita sa mga forin
langwij (karamihan sa English).
Example:
eroplano
titser
rolerbleyds
syrimpbol [KKKPKK-KPK]
Ang diptonggo o diftong ay ang magkatabing patinig at malapanig na mga tunog* (igzakt
order**) sa isang silabol***.
Ang W at Y ay tinatawag na malapatinig o semi-vowel dahil ang sawnd nito ay "parang patinig
o vowel". Mayroon lamang pitong diftong: AY, EY, IY, OY, UY, AW at IW. Ang EW, OW at
UW ay mga diftong subalit walang salita sa Filipino na may tunog na ganito (ayon sa mga
libro)…

Example:
istandbay
beybleyd
kami'y (kami ay)*
ako'y (ako ay)*
aruy
ibabaw
baliw
Ang Pangngalan ay ngalan ng tao, lugar, bagay, gawa o pangyayari.

Hal.
aso, pusa, Juan, Maynila

Mga Uri ng Pangngalan

1. Pantangi – mga pangngalang nagsisimula sa malalaking Titik.


Hal. Monggol, Toyota

2. Pambalana – mga pangngalang nagsisimula sa maliit na Titik.


Hal. lapis, kotse

3. Lansakan – mga pangngalan tumutukoy sa isang pangkat.


Hal. tangkas, dosena, kumpol

Gamit ng Pangngalan
1. Ang pangngalan ay maaring gamiting simuno o panaguri ng pangungusap.

Hal.
Bata si Ana

2. Maari ring gaimting layon ng pandiwa, ganapan, at pinaglalaanan.


Hal.
Bumili si Juan ng bolpen sa tindahan para sa kanyang kapatid.

3. Ang simuno ay ang paksang pinag-uusapan. Kung ang simuno ay pangngalan, ito ay may panandang
ang o si.

Hal.
Si Juan ay ang nakasira ng mesang ito.

You might also like