You are on page 1of 1

Ang salitang baybayin ay isang katagang pangkalahatan sa wikang Tagalog na tinutukoy

ang lahat ng titik na ginagamit sa pagsulat ng isang wika. Ibig sabihin, isang “alpabeto” –
subali't mas kahawig ito ng isang "syllabary" o palápantigan. Nakatala itong pangalang ng
lumang sulat sa isa sa mga unang talasalitaang inilathala sa Pilipinas, ang Vocabulario de
Lengua Tagala noong taong 1613. Ito'y mula sa ugat na “baybay” na nangangahulugang
ispeling

Ang baybayin ay isang papantig o syllabic na paraan ng pagsulat. Ibig sabihin, ang bawat
titik ay katumbas ng isang buong pantig sa halip ng isang payak na tunog gaya ng sa ating
kasalukuyang alpabeto. May 17 titik noon: tatlong patinig (vowels) at 14 na katinig
(consonants), ngunit kapag nilagyan ang mga ito ng kudlit, ang maliit na tanda na
nakapagbabago sa mga patinig, ang bilang ng mga titik ay tumaas hanggang sa 45. Ang
tawag sa ganitong paraan ng pagsulat ay isang abugida. Kapag binaybay ng isang tao ang
isang salita nang pasalita o kung binigkas niya ang buong baybayin, ang tawag sa mga titik
noon ay babâ, kakâ, dadâ, at patuloy pa nang ganiyan, bagamat iba ang pagkakasunod-
sunod ng mga titik noon kaysa sa ngayon. Ang sinaunang hanay ng mga titik ay itinala sa
Tagalog na Doctrina Christiana

Bagama't mabilis ang paglaganap ng baybayin sa Filipinas noong siglong 1500, nanghina ito
nang pumasok ang 1600

Maituturing na regalo ng kultura at ng kasaysayan ang linggwahe at paraan/sistema


ng pagsusulat ng isang komunidad. Ngunit, sa pagdaan ng mga panahon, dahil sa
kolonisasyon at globalisasyon, unti-unting nawawala ang mga pamanang ito at
napapalitan ng kolonyal na kulturang popular. Kakaunti o halos wala nang
gumagamit ng sarili nating paraan ng pagsusulat. Ang iba pa nga ay nagkakamali sa
pagtawag nito at sinasabing ito ay “Alibata”. Kailangan ba nating pag-aralan ang
pagbaybay ng mga letra ng baybayin bilang isang Pilipino? Siguro, maaring masagot
na nito ang matagal nang nawawala sa ating pagkapilipino — Identidad at
kamalayang kultural.

You might also like