You are on page 1of 1

PACIANO, ANG LIMOT NA RIZAL

Si Don Paciano Mercado Rizal y Alonso ay ang nag-iisang nakatatandang kapatid na


lalaki ni Jose Rizal. Siya ang pangalawang anak nina Don Franciosco Mercado at Doña
Teodora Alonzo at ipinanganak noong ika-7 ang Marso 1851. Una siyang nanirahan at nagaral
sa Biñan Laguna, pagkatapos ay pumuntang Maynila para ipagpatuloy ang pag-aaral sa
Colegio de San Jose at Unibersidad ng Santo Tomas. Doon sa syudad, si Padre Jose Burgos
ang naging gabay niya sa kanyang pag-aaral. Sinasabing ang pagbitay sa tatlong paring martir
ang nagmulat sa kaisipang liberal at pagiging aktibista ni Paciano. Hindi niya natapos ang
kanyang pag-aaral sa UST sapagkat ginigipit siya o pinapanatili sa isang antas dahil sa
kanyang patuloy na pagprotesta sa pagbitay kina Padre Burgos, Gomez at Zamora.

Ayon sa aking pananaliksik, si Paciano Rizal ay itinuturing na bayani sapagkat siya ang
naging pondasyon at gabay ni Jose Rizal. Si Paciano ang tumulong upang makapagaral si Jose
sa Europa at siya din ang nagbibigay ng materyal at pinansyal na suporta sa kanyang kapatid.
Isa siya sa mga humubog sa malaking parte ng katauhan ni Jose, kaya naman kung walang
Paciano wala ding Jose. Siya din ang nag-udyok kay Jose ng pagamit ng pangalang Rizal at
pagkuha ng medisina sa halip na abogasya.

Habang nasa ibang bansa si Jose, aktibo naman ni Paciano sa pakikibaka laban sa mga
Kastilang mapagsamantala. Nagprotesta siya at tumutol sa hindi patas na pamamalakad ng
mga prayle sa lupang sinasaka nila sa Calamba. Kaanib din siya ng Katipunan at tumutulong
siyang manghikayat ng mga bagong kasapi ng samahang himagsikan.

Noong taong 1896, hinuli siya ng mga Kastila at pinahirapan dahil sa pagkakaugnay at
pagsuporta niya sa mga propaganda ni Jose Rizal. Noong taong ding iyon ay hinatulan ng
kamatayan si Rizal. Matapos ang mga malagim na insidente kay Paciano ay nagpasya siya na
pumunta sa Imus, Cavite para umanid sa rebolusyonaryong kilusang pinamumunuan ni Emilio
Aguinaldo. Naging heneral siya at patuloy na nakipaglaban sa mga Kastila at Amerikano.

Malaking papel ang ginampanan ni Paciano Rizal sa paghubog ng ating kasaysayan


ngunit hindi siya ganoon kakilala hindi tulad ng ibang bayani. Para sa akin sapat na ang
kanyang mga ginawang sakripisyo at pakikipagsapalaran upang hirangin siyang bayani.

References: Paciano A. Rizal Revolutionary General


http://www.nhi.gov.ph/downloads/mp0131.pdf
Paciano Rizal: Bayani ng Bayan ni Dino P. Dominguita
http://www.upd.edu.ph/~up100/abrilmayo/paciano.html

You might also like