Ang Pagsamba Na May Kilos at Gawa Ay Isang Buhay Na A

You might also like

You are on page 1of 1

Ang pagsamba na may kilos at gawa ay isang buhay na Pananampalataya Ito ang panuntunan at layunin na naging gabay ng Pastoral

na Programa ng Sto. Nio Vicariate Bagong Silang Caloocab City ng Diocese of Novaliches. Bilang tugon sa panawagan ng mahal na Obispo Antonio R. Tobias ng Diocese of Novaliches Sama-samang nagbibigay ng Serbisyo ang mga Parokya ng San Jose Amang Mapagkalinga Phase 5, Ina ng Laging Saklolo Phase7, Holy Rosary Tala, San Jose Baracks upang magbahagi ng abot kayang halaga ng bigas (NFA) sa mga Parokyano. Nagkaroon din ng Feeding Program ang mga Parokya ng Sto Nio, Ang Muling Pagkabuhay ng Panginoon, Ina ng Laging Saklolo, Holy Rosary at St. Joseph Barracks. Naghandog din sila ng murang Gamot at Pagkain sa presyo na kayang bilhin; kasabay nito tuloy-tuloy din ang ang Free Medical at Dental Services mula sa mga Parish Volunteer. Patuloy at Lumalago din ang hawak kamay na pagtutulungan ng BEC sa bawat Parokya upang maging mulat ang pinaka Grass Root sa bawat kawan o bukluran. Ang maliliit na tulong ay nagiging malaki Kung itoy pagyayamanin. Ang pinaka mahalaga ay ang pakikilahok at pagmamalasakit ng bawat Parokyano upang itoy paunlarin. Sa aming Bikaryato patuloy ang pagsasaliksik kung paano at patuloy na uusad/uunlad ang partisipasyon ng bawat isa higit sa lahat ang mga namumuno sa BEC. Sa katunayan sa Darating na September 18, 2010 ay magkakaroon ng malaking Event o Pagdiriwang ang BEC at inaasahan naming maging panauhin ang Ama ng Pastoral Office na si Fr. Tony Labiao at siyang magbahagi sa amin upang lalo pang lumalim ang aming kaalaman at maibahagi ito sa Iba. Naway sa tulong at gabay ng ating Panginoong Jesukristo ay patuloy namin itong magampanan ng walng Hinihintay na Kapalit.

Thank You! God Bless Jeanette A. Dela Cruz Secretary of Sto. Nio Vicariate BSCC

You might also like