You are on page 1of 1

ANYONG TUBIG www.wikipedia.

org
Ang anyong tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig, kadalasang tinatakpan ang Daigdig.

Mga uri ng anyong tubig




Karagatan -Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang Southern.)

Dagat - Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapangkat nakadugtong ito sa karagatan.(Nabibilang sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes at Dagat Mindanao.)

Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.

Look - Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyangpandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan. (Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.)

-Work in progress   

Golpo - bahagi ito ng dagat. Lawa - isang anyong tubig na naliligiran ng lupa. Bukal - tubig na nagmula sa ilalim ng lupa. Kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan.

   

Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa Batis - ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos. Sapa - anyong tubig na dumadaloy. Kipot - May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging arkipelago nito.

You might also like