You are on page 1of 52

Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim

na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito.


Halimbawa ng mga Karagatan sa Asya
Karagatang Pasipiko
> Nagmula sa salitang Latin na Mare
Pacificum, na ang ibig sabihin ay payapang
laot.

> Pinakamalaking karagatan sa daigdig.


> Ang manunuklas na Portuges na si
Ferdinand Magellan ang nagpangalan sa
karagatan. Ito ay dahil sa napansin nyang
kalmado ang tubig nito.
> Matatagpuan ang karamihan ng
karagatan sa rehiyon ng Hilagang Polo, ito
ay ang pinakamaliit at ang pinakamababaw
sa mga limang karagatan ng mundo.
Katimugang Karagatan
> Binubuo ng pinakatimog na mga tubig ng
Karagatan ng Mundo.
> Itinalaga ito bilang ang paghahati ng mga
karagatan na pumapalibot sa Antartika.
> May mga ilang siyentipiko na tinuturing
ang Tagpong Antartiko, bilang isang sona
ng karagatan na pabago-bago sa panahon.
Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit
lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng
dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.
Halimbawa ng mga Dagat sa Asya
Dagat Bohol
> Matatagpuan sa pagitan ng Bisayas at ng
Mindanao sa Pilipinas.
> Nasa timog ito ng Bohol at Leyte at hilaga
ng Mindanao.
> Dalawa sa mga pangunahing pulong
matatagpuan dito ay ang Siquijor at
Camiguin.
Dagat Celebes
> Itong dagat na ito ay kahawig ng isang
malaking lunas, at kasing lalim ng 6,200 m.
> Ang Dagat Celebes ay nahugisan ng higit
42 milyong taon malayong malayo sa
katawan ng lupa.
Dagat Dilaw
> Nakalagak ito sa pagitan ng pangunahing
lupain ng Tsina at ng tangway ng Korea.
> Nagmula ang pangalan nito sa mga
maliliit na mga piraso ng buhangin mula sa
mga bagyo ng buhangin ng Ilang ng Gobi
na nagsasanhi ng pagiging kulay dilaw ng
ibabaw ng tubig habang papalubog ang
araw.
ILOG
Isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos
patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng
bundok o burol.
Halimbawa ng mga Ilog sa Asya
> Pinakamahabang ilog sa Asya, at ang
ikatlong pinakamahaba sa buong mundo.
> Ito rin ang isa sa mga malalaking ilog
batay sa bolyum ng inilalabas sa buong
mundo.
>Tinatanggal ng Yangtze ang isat-lima na
lawak ng lupain ng Tsina at ang gilid ng ilog
ay tinitirhan ng isat-tatlong katao ng Tsina.
Huang Ho
> Ang ikalawang pinakamahabang ilog sa
Tsina (sumunod sa Yangtze)
> Ikaanim sa pinakamahaba sa buong
mundo
> Dumadaloy ito sa siyam na lalawigan ng
Tsina at nagtatapos sa Dagat Bohai.
> Pinakamalaking sistema ng ilog na
dumadaloy papunta sa Karagatang Artiko.
> Ito ang panlimang pinakamahabang ilog
sa mundo.
Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga
barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang
tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa
karagatan.
Halimbawa ng mga Look sa Asya
Look ng Bengala
> Pinakamalaking look sa buong mundo, ay
bumubuo sa hilaga-silangang bahagi ng
Karagatang Indiyano.
Look ng Maynila
> Isa sa mga pinakamahusay na likas na
daungan sa mundo na nagsisilbing puerto
ng Maynila, sa Pilipinas.
> Nasa 19 km ang lawak ng pasukan nito at
nasa haba na 48 km.
> Mga tuktok ng bulkan ang makikita sa
magkabilang gilid ng look na may tropikal
na mga kumpol na halaman.
LAWA
Isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
Lawa ng Taal
> Iisang lawang tubig tabang sa lalawigan
ng Batangas sa pulo ng Luzon, Pilipinas.
> Ito ang pangatlong pinakamalaking lawa
sa Pilipinas (ang pinakamalaki ay ang Lawa
ng Laguna).
> Ang aktibong Bulkang Taal na may
kinalaman sa sulpurikong nilalaman ng
lawa, ay nasa isang pulo sa kalagitnaan ng
lawa na tinatawag na Pulong Bulkan.
> Parang titik ‘W' ang lawa, kasama ang
dalawang tangway na lumalabas na
pasulong na pahaba mula sa hilagang
pampang.
TALON
Matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa.
Mga Halimbawa ng mga Talon sa Asya
Talon ng Maria Cristina
> Ito ay matatagpuan sa Ilog Agus sa pulo
ng Mindanao.
> Tinatawag itong "kambal na talon"
sapagkat ang daloy nito ay hinihiwalay ng
malaking bato mula sa tuktok nito.
> Ito ay ang pangunahing pinagkukunan ng
elektrisidad na pangkalahatang gamit
naman ng mga industriya sa lungsod.
Talon ng Pagsanjan
> Mararating ang talon sa pamamagitan ng
paglalakbay sa ilog sa pamamagitan ng
pagsakay ng bangka magmula sa
munisipalidad ng Pagsanjan.
> Ang paglalakbay na nakasakay sa
bangka ay isa nang pang-akit na
pangturista magmula pa noong Panahong
Kolonyal ng Kastila na ang
pinakamatandang pagsasalaysay ay noong
1894.
KIPOT
Makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang
malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan.
Halimbawa ng Kipot sa Asya
Kipot ng San Juanico
> Pinaghihiwalay nito ang mga pulo ng
Samar at Leyte, at ang nag-uugnay sa Look
ng Carigara (Dagat Samar) sa Look ng San
Pedro sa Golpo ng Leyte.
> Mayroon itong tinatayang haba na 38
kilometres (24 mi), at sa pinakamakitid na
bahagi nito, ay mayroon lamang itong
lawak na 2 kilometers (1.2 mi).
Isang malaking look na mistulang kamay na bahagi ng
dagat o karagatan.
Golpo ng Tonkin
> Natatanging malanday o mababaw ang
golpo, na mas mababa sa 60 mga metro
ang lalim.
> Maraming maliliit na mga pulo ang
nakalagak sa loob ng golpo, na ang
karamihan ay nakatuon sa hilaga-kanlurang
golpo.
DAGAT
Lawa ng Laguna
LOOK
Halimbawa ng mga Lawa sa Asya
> Natatakpan ng dagat yelo ang karamihan
sa karagatan, sa panahon ng malalamig na
mga buwan o sa buong taon.
> Pinakamalaking lawa sa Pilipinas at
pangalawa sa pinakamalaking panloob na
sariwang-tubig na lawa sa Timog-silangang
Asya, pumapangalawa lamang sa Lawa ng
Toba ng Sumatra, Indonesia.
> Pangunahing mga daungan dito ang
Haiphong, Biyetnam at ang Beihai, Tsina.
> Matatagpuan ito sa lalawigan ng Laguna.
Halimbawa ng Gulpo sa Asya
GULPO
Yangtze
Mga Anyong Tubig sa Asya
Karagatang Artiko
Yenisei
KARAGATAN

Anyong Tubig

Ang bansang Pilipinas ay nagtataglay ng likas na yaman, isa na dito


ang mga Anyong Tubig

Ngunit anu-ano nga ba ang mga anyong tubig?


Ang anyong tubig ay parte ng mundo na nagtataglay ng tubig,
kadalasang tinatakpan nito and Daigdig.
Ito ay binubuo ng:

Dagat

Ang Dagat ay isang malaking lawas ng tubig-alat na nakadugtong sa


isang karagatan, o ng isang malaking lawang-alat na walang likas na
lagusan gaya ng Dagat Caspian at Dagat Patay (Dead Sea). Ang
Dagat ng Galilee (Sea of Galilee) ay isang maliit na lawang-tabang na
may likas na lagusan, ngunit ang katawagan ay ginamit pa rin para
dito. Sa kolokyal na gamit, singkahulugan ng katawagan ang
karagatan. "DAGAT" isang bahaging likido/fluido o agos sa ating
daigdig na malawak na bahagi ng tubig na may alat o asin.Tinatayang
ikatlong bahagi ng daigdig ay karagatan kung saan duon nanahan ang
napakaraming uri ng hayop gaya ng mga isda,balyena o
butanding,pawikan,page,pating at iba pa.Ang tubig dagat ay may
maraming uri ng mineral na siyang naging dahilan ng napakayamang
bilang ng kaurian ng mga buhay na nilalang dito.Sa katutubong salita
ito ay "Atab" na pinagmulan naman ng salitang "taib" o high
tide.samantala ang low tide naman ay tinawag na "hibas" sa tagalog,
bikol at bisaya.

Karagatan

Ang karagatan ay ang pangunahing bahagi ng anyong tubig, at


prinsipal na bahagi ng kalawakan ng tubig o hidrospera. Tinatayang
nasa 72% ng ibabaw ng Daigdig (isang lawak ng mga 361 kilometro
kwadrado) ang natatakpan ng karagatan, isang patuloy na bahagi ng
tubig na nakaugaliang hinahati sa ilang mga pangunahing mga
karagatan at maliliit na mga dagat. Ang World Oceans Day ay
ipinagdiriwang taon-taon tuwing Hunyo 8
Ilog

Ang ilog ay isang malaking likas na daanang tubig. Maaaring


pinagkukunan nito ang isang lawa, isang bukal o pagtitipon ng maliit
na mga batis, kilala bilang agos. Mula sa pinagkukunan, dumadaloy
pababa ng isang burol ang lahat ng mga ilog, na kadalasang tumitigil
sa mga karagatan. Ang mga ilog, dahil ito ay nagbibigay ng inumin sa
mga tao noong prehistoriko, ay itinuturing pinagmumulan ng mga
kabihasnan.

Look
Ang look (Ingles: gulf, bay, harbor, sound, inlet) ay isang baiya na
maaaring gamitin bilang kanlungan ng sasakyang pandagat,katulad
ng mga bapor, partikular na kung may malalakas na mga bagyo. Ito
ang tinatawag na "braso" ng isang dagat. Golpo ang tawag sa
malalaking look. Kaugnay nito, tinaguriang kalookan ang
pinakapanloob at kurbadang rehiyon ng isang golpo. Isang halimbawa
nito ang look ng Maynila.

Lawa
Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain.
Karamihan sa mga lawa sa daigdig ay tubig tabang, at halos lahat ay
matatagpuan sa Hilagang Hemispero. Tinatawag namang mga
panloob na dagat ang mga malalaking lawa.

May mga lawa din na sadyang ginawa para sa paggawa ng mga lakas
hidro-elektriko, mga gamit pang-industriya, pang-agrikultura, o upang
pagkunan ng tubig.
MGA KILALANG LAWA:
· Antarctica - Lawa ng Vostok (subglacial)
· Asya - Dagat ng Caspian, ang pinakamalaki sa daigdig.
· Australia - Baras-Baras
· Europa - Lawa ng Ladoga, sinundan ng Lawa ng Onega, parehong
nasa hilagang kanluran ng Rusya.
· Hilagang Amerika - Lawa ng Superior
· Timog Amerika - Lawa ng Titicaca.

Bukal
Ang bukal ay ang anyo ng tubig na sumusulpot sa mga siwang ng
bato. Kadalasang matatagpuan ang mga ito sa dalisdis ng bundok o
sa mga lugar na may bulkan. Malamig ang tubig ng mga bukal,
samantalang mainit naman ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan.
May mineral ang tubig dito kaya nakagagamot ng rayuma at mga sakit
sa balat.

Kipot
Ang kipot o kakiputan ay Isang makitid na lagusan ng tubig sa pagitan
ng dalawang mga pulo. Isang halimbawa ang Kipot ng San
Bernardino na matatagpuan sa pagitan ng kapuluan ng samar at
sorsogon (bikol).

Talon
Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa
mababang bahagi ng isang pook. Nabubuo ang mga ito kapag
dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar na may matitigas na mga
batuhan patungo sa mas mabubuwag o mahihinang uri ng lupa, yelo o
bato.

Tangway
Ang tangway o peninsula ay isang makitid at mahabang anyong lupa
na nakaungos sa dagat o iba pang bahaging tubig. Nagmula ang
salitang peninsula sa dalawang salitang Latin na paene na
nangangahulugang halos at insula na ang ibig sabihin ay pulo.

Kabilang sa mga tangway sa Pilipinas ang Bataan Peninsula, Bicol


Peninsula at Zamboanga Peninsula. Ang isang tangway o tangos
(Ingles: peninsula, cape, promontory ay isang lupa na napapaligiran
ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging tangway ang mga punong
lupain (headland), tangos (cape), pulong promontoryo, lupaing
palabas ng dagat, punto o spit. Isang halimbawa nito ay ang Lungsod
ng Cavite (Cavite City), na dating pangalan nito ay Tangwáy.

Sapa
Ang sapa ay maliit na anyong tubig at kadalasang natutuyo kapag tag-
init..

Ang heograpiya ay tumutukoy sa mga katangian at tekstura ng isang


bansa.Maaari din itong tumutukoy sa iba’t ibang klima,aspeto ng
kalikasan at kapaligiran,mga anyong lupa at anyong tubig ,at iba pang
pagsasalarawan sa isang bansa ayon sa kanyang pisikal na
katangian..

Klima ang isa sa parte ng heograpiya.May apat na uri ng klima sa


mundo tag-lamig,tag-init,tag-sibol,at tag-lagas.Ngunit tulad ng pilipinas
isang tropikal na bansa tag-araw at tag-ulan lamang ang
nararanasan.Maipapaliwanag ito mula sa kanilang latitude at longhitud
o lokasyon mula sa ekwador.Ang pilipinas ay nasa gitna,ibig sabihin
nakakaranas ito ng tag-araw at tag-ulan.Ang mga nsa ibaba ng
ekwador naman tulad ng Australia ay nakakaranas ng kalamigan o
“winter season”.Habang ang mga nasa itaas ay ang nakakaranas ng
tag-init tulad ng Greenland.

Ang katangian ng lupa ay isa ding aspeto ng heograpiya.Dito


pumapasok ang uri ng lupa at iba’t ibang aspeto sa katangian ng lupa
.May mga anyong lupa din tulad ng
kapatagan,talampas,lambak,bundok, bulubundukin,bulkan,isla at iba
pa. May iba’t ibang uri din ng anyong tubig tulad ng
sapa,bukal,karagatan,talon,ilog,dagat,golpo,kipot at iba pa.

Sa kabuuan ang Heyograpiya ng bansa ang isa sa mga tumutukoy sa


pagkakakilanlan ng isang bansa. Dito mo malalaman ang angkop na
pananim, gawi o kapaligiran ng isang bansa. Sa heyograpiya dito mo
malalaman ang pagkakaiba-iba ng isang bansa at Malaki ang
impluwensiya nito sa gawi o galaw ng mga tao o lipunan sa isang
bansang kanilang kinabibilangan. Sa heyograpiya din malalaman ang
kanilang katangian mula sa pisikal nitong kaanyuan.

Kung malalaman moa ng heyograpiy ng isang bansa, malalaman mo


at mauunawaan ang mga dahilan ng kanilang pagbagsak, pag-unlad o
pagyaman. Ang mga kabuhayan man nilang gawin sa lawak at laki ng
mundo, maraming pagkaka-kilanlan ang uusbong dito. Ibat-ibang
bansa na may sari-sariling pag-unlad. Ang pamumuhay ng isang tao
sa isang bansa ay naka-depende din sa heyograpiya nito. Ibat-ibang
kaugalian, paniniwala at kagawian ang maaaring umusbong.

Sa heyograpiya malalaman mo kung paano ka makiki-sama sa isang


bansa kung paano sila magdesisyon, kumilos, mamuhay o
namamalakad. Ang isang maunlad na bansa ay mayroong maunlad
na heyograpiya. Hinding-hindi maaalis ang heyograpiya sa isang
bansa dahil parte ito ng pagkaka-kilanlan nito.
5 na Pinaka Malalim na Karagatan sa Daigdig (#8)
Ang PACIFIC OCEAN ay may lawak (sa kilometro kuwadrado) na 155 557
000. Ito ay may averagena lalim (sa talampakan) na 12 926 at ang
pinakamalalim na bahagi (sa talampakan) nito ay ang MARIANA TRENCH,
35 840 talampakang lalim.
Ang ATLANTIC OCEAN ay may lawak (sa kilometro kuwadrado) na 76 762
000. Ito ay may averagena lalim (sa talampakan) na 11 730 at ang
pinakamalalim na bahagi (sa talampakan) nito ay ang PUERTO RICO
TRENCH, 28 232 talampakang lalim.
Ang INDIAN OCEAN ay may lawak (sa kilometro kuwadrado) na 68 556
000. Ito ay may averagena lalim (sa talampakan) na 12 596 at ang
pinakamalalim na bahagi (sa talampakan) nito ay ang JAVA TRENCH, 23
376 talampakang lalim.
Ang SOUTHERN OCEAN ay may lawak (sa kilometro kuwadrado) na 20
327 000. Ito ay may averagena lalim (sa talampakan) na 13 100 at ang
pinakamalalim na bahagi (sa talampakan) (4 000 - 5 000 metro) 16 400
talampakang lalim, ang katimugang dulo ng SOUTH SANDWICH
TRENCH, 23 736 talampakang lalim (7 235 metro).
Ang ARCTIC OCEAN ay may lawak (sa kilometro kuwadrado) na 14 056
000. Ito ay may averagena lalim (sa talampakan) na 3 407 at ang
pinakamalalim na bahagi (sa talampakan) nito ay EURASIA BASIN, 17 881
talampakang lalim.
Para sa karagdagang impormasyon basahin lang ang aklat ng Aralin
Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig

Ang Kapaligiran at Likas na Yaman ng Asya


Ang likas na yaman (tinutukoy sa ekonomika bilang yamang
lupa, lupain o hilaw na materyal) ay likas na nagkakaroon sa loob ng mga
kapaligiran na hindi gaanong ginagambala ng tao, sa isang likas na anyo.
Kasalasang binibigyan ng katangian ang likas na yaman sa laki ng kaibahan ng
biyolohika na mayroon sa iba't ibang mga ekosistema.
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-
kumulang na ikatlong bahagi ng mundo. Ang kontinenteng ito ay ang
pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa sa pinagsibulan ng
mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala
ng mga tao sa daigdig nating ito.Ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula
dito sa Asya ay ang kabihasnang Tsina,India, Mesopotamia, Persia at
kabihasnang Armaiko na may dalawang sangay-ang Israel at arabo. Sa Asya rin
matatagpuan ang Karagatang Indian, Dagat Timog Tsina (ang pinakamalaking
dagat sa mundo), Karagatang Pasipiko at Karagatang Artiko. Ang Europa ang
kadikit nitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng
kabundukan ng URAL, Dagat ng caspian,Itim na dagat at ng kabundukan ng
Cawkasus. Ang Suez Canal naman ang siyang hangganan nito bago dumating
sa bansang Ehipto ng kontinenteng Aprika. Sa dami ng mga pangkat ng lahi ng
mga tao, ang Asya pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong sa
paglabas nito patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito ng mga
ibang lahi ng tao mula sa kontinente ng Europa, Amerika at Afrika.

Ang Heograpiya ng Asya

Mga Anyong-lupa
Bilang pinakamalaking kontinente sa buong
mundo, matatagpuan sa Asya ang iba't ibang
anyong-lupa

1. Bundok at Bulubundukin - ang bundok ay


ang anyong-lupa na nakaangat mula sa lebel
ng dagat ( sea level ) at may taas na umaabot sa

Ang tuktok ng Bundok Everest

mahigit 2 000 talampakan. Ang mahabang


hanay ng mga bundok ay tinatawag na
bulubundukin. Matatagpuan sa Asya ang
naglalakihang bulubundukin. Pinakatanyag
sa mga ito ang Himalayas na bumabagtas
mula Pakistan hanggang Myanmar. Sa
bulubunduking ito matatagpuan ang Bundok
Everest, ang itinuturing na pinakamataas na
bundok sa mundo. Katabi ng Himalayas ang
bulubunduking Karakoram. Sa dalawang
bulubunduking ito matatagpuan ang halos
lahat ng pinakamataas na bundok sa daigdig.
Ang iba pang mahalagang bulubundukin sa
Asya ay ang Altai, Kunlun, Tien Shan, Hindu
Kush, Zagros, Caucasus, at Ural.

2.Bulkan - ito ay biyak sa ibabaw ng lupa


kung saan dumadaloy ang maiinit at tunaw

Ang Bundok Fuji sa Japan

na mga bato na tinatawag na lava o kung


saan nagmumula ang makapal na alikabok sa
pagsabog nito. Dahil sa mga pagsabog, daloy
ng lava, at pagtatapon ng alikabok, karaniwan
sa mga bulkanay nakabubuo ng hugis-
balisungsong o hugis-apa na bundok, tulad
ng Fuji sa japan at Mayon sa Pilipinas--dalawa
sa mga kilalang bulkan sa Asya. Ang iba pang
tanyag na bulkan sa Asya ay ang krakatoa
at Tambora sa Indonesia. Ang Bulkang
Pinatubo naman sa Pilipinas ang nagtala ng
pinakamapanirang pagsabog nitong huling
siglo.

Chocolate Hills ng Pilipinas

3.Burol - ito ay isang nakaangat na anyong-lupa


na mas mababa kaysa bundok at karaniwan
ay bilugan. Ang rehiyon ng Kwangsi sa timog
China ay kilala dahil sa kamangha-mangha
niton mga burol. Tanyag din ang Chota
Nagpur sa India dahil sa mga burol nito
na inukit ng ulan mulanoong panahong
prehistoriko.

=-=-► Dahil naman sa traahedyang dulot ng


Digmaang Koreano, ang mga burol sa mga
liblib na lugar sa Tangway ng Korea ay
nagkaroon ng mga pangalang tulad ng mga
sumusunod: Bunker Hill, old Baddy, Sniper
Ridge, Capitol Hill, Triangle Hill, Pike's
peak, Jackson Heights, at Jane Russell Hill.
Nagsilbing dambana ang mga burol na ito
ng libu-libong sundalong Amerikano na
nakioaglaban sa Digmaang Koreano.

4. Kapatagan - ito ay pantay at malawak na


anyong-lupa. Karaniwan sa mga kapatagan
ay malapit sa mga baybayin. Ang mga
kilalang kapatagan sa Asya ay matatagpuan
sa kanluran at hilaga ng Siberia (Russia),
silangang baybayin ng China, silangang
bahagi ng Tangway ng Arabia, at gitnang
bahagi ng Indochina.

5. Talampas - ito ay may lawak na kapatagan


sa tuktok ng isang mataas na anyong-lupa.
Ang mahalagang talampas ng gitnang Siberia (Russia),
Mongolia, Tibet, Deccan (India), at Turkey.
Ilog Huang He o Yellow River

6. Lambak at Lunas ng Ilog - ang lambak


ay kapatagang halos napalilibutan o
napagigitnaan ng bulubundukin. Karaniwan
sa mga lambak ay mga lunas ng ilog o river
basin, isang mababang lugar kung saan
umaagos ang ilog. Ang mahalagang lunas
ng ilog ng Asya ay ang Indus sa India at
Pakistan; Huang He at Yangtze sa China;
Irrawaddy sa Myanmar; Chao Phraya sa
Thailand; at Mekong na dumadaloy mula
Tibet hanggang Vietnam

7. Interyor ng kontinenete - kalakihan ng


kalupaan ng Asya ay matatagpuan sa interyor
ng kontinete. Halos lahat ng matatayog na
bulubundukin ng Asya ay nasa interyor o
malayo sa baybayin. Sa katunayan, maraming
bansang Asyano ang hindi napalilibutan o
hinahangganan ng dagat o karagatan tulad ng
Laos, Mongolia, at Nepal.
8. Baybayin - ito ang tawag sa mga anyong-lupa
na malapit sa dagat. Maraming kapatagan sa
Asya ang malapit sa baybayin.

9. Tangway - ito ay kalupaang nakausli sa


dagat at halos napalilibutan ng tubig. Ang
mahalagang tangway ng Asya ay ang mga
tangway ng Arabia, India, Malay, Indochina,
at Kamchatka.

10. Isthmus - ito ay isang makitid na lupain na


nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa dalawang
malalaking kalupaan. Isang halimbawa nito
ang Isthmus ng Suez na nagdurugtong sa mga
kontinenteng Asya ng Afrika.

11. Pulo - ito ay isang lupaing napalilibutan


ng tubig. Maraming pulo ang matatagpuan
sa Asya. Kabilang sa mga ito ang Honshu
at Hokkaido sa Japan; Sumatra at Java sa
Indonesia; Luzon at Mindanao sa Pilipinas;
at Borneo na pagmamay-ari ng mga bansang
Indonesia, Malaysia, at Brunei.

12. Kapuluan o Arkipelago - ito ay pangkat ng


mga pulo. Ang mga bansang Japan, pilipinas,
Indonesia, at Maldives ay mga kapuluan.
Pinakamalaking arkipelago sa buong mundo
ang bansang Indonesia na tinatanyang mayroong
mahigit 13 000 pulo.
Mga Anyong-tubig
Ang mundo ay may mahigit na 70%
katubigan. Ang kontinenete ng Asya ay hindi
lamang napalilibutan ng malalawak na karagatan,
marami ring anyong-tubig na matatagpuan sa
looban nito.

1. Karagatan at Dagat - ang mga ito ay


malawak na katubigang-alat. Sa hilaga ng
Asya matatagpuan ang Karagatang Arktiko.
Malaking bahagi ng Karagatang Arktiko
ang permanenteng nagyeyelo. Karugtong ng
karagatang ito ang mga dagat ng silangang
Siberia, Laptev, Kara, chukchi, at Barents.
Sa katimugan ng Asya matatagpuan ang
Karagatang Indian. Karugtong ng Karagatang
Indian ang Red Sea. Makikita naman sa
silangan ng Asya ang Karagatang Pasipiko,
ang pinakamalawak at pinakamalalim na
karagatn sa buong mundo. Ito ay may lawak
na 165 384 000 kilometro kwadrado.
Karugtong ng Karagatang Pasipiko
ang mga dagat ng Timog China,
Silangang China, Japan, Okhotsk, at Bering.
Sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang
Pasipiko matatagpuan ang Marianas Trench. Ito
ang pinakamalalim na bambang sa daigdig.
Kahabaan ng Ilog Hunag He

2. Ilog - ito ang anyong tubig na dumadaloy mula


sa mataas na lugar tulad ng bundok pababa sa
lawa o dagat, o kaya ay sumasanib sa iba pang
mas malaking ilog. Sa Asya, ang mga kilalang ilog
ay ang Ob, Yenisei, at Lena sa Russia; Yangtze at
Huang He sa China; Ganges sa Hilagang India at
Bangladesh; Indus sa bandang Tibet, India, at
Pakistan; Brahmaputra sa Bangladesh; Tigris sa
bahaging Turkey at iraq; Euphrates sa bahaging
Turkey, Syria, at Iraq; Irrawaddy at Salween sa
Myanmar; at Jordan sa Syria, Israel, at Jordan.

Lawa Baikal ng Russia

3. Lawa - ito ay malawak na anyong-tubig na


nakukulong ng lupa. May dalwang uri ng
lawa, ang maalat at ang tabang. Maraming
malalawak na lawa na may tubig-alat at
napagkakamalang dagat. Halimbawa ng mga
ito ang mga dagat ng Dead, Aral, Caspian, at
Black. Samantala, ang Lawa ng Baikal naman
sa Siberia sa Russia ang pinakmalawwak at
pinakamalalim na lawang tabang sa mundo

4. Kipot - isa itong makitid na katubigan na nag-


uugnay sa dalawang mas malaking anyong-
tubig. Ang kipot ng Bering (Russia) ay nag-
uugnay sa mga dagat na Bering t Chukchi.
Ang Kipot nga Malacca (Malaysia) naman ay
nag-uugnay sa Karagatang Indian at Dagat

Golpo ng Persia

Java.

5. Golpo - ito ay malawak na


karugotng ng dagat. Ang kabuuan ng golpo
ay halos napaliligiran ng kalupaan. Sa Asya,
tanyag ang Golpo ng Persia dahil sa langis na
nakukuha rito. Ang iba pang kilalang golpo sa
Asya ay ang Tonkin, Aden, oman, at Thailand.

6. Look - ito ang kabaligtaran ng golpo. Ang look


ay hindi gaanong napaliligiran ng kalupaan.
Ang pinakamalaking look sa Asya ay ang look
ng Bengal na humhati sa rehiyon ng Timog
at Timog-Kanlurang Asya.

"Ipagmalaki ang ating yaman"


Ang ating bansa ay pinagkalooban ng mga likas na yaman. Gaano nga ba kahalaga ang mga ito?
Magmula sa lupa hanggang sa katubigan ay marami tayong mapapakinabangan. Ang mga matataas na
puno sa kagubatan ay tunay na mahalaga. Marami itong mapaggagamitan. Pati na rin ang iba’t ibang mga
nilalang niya dito lang matatagpuan. Ang ating karagatan naman ay biniyayaan ng maraming laman.
Hindi lamang matatabang mga isda ang matutunghayan kundi mga kabibeng nagsisipagkislapan.

Masakit isipin na sa ngayon ay unti- unti na itong naglalaho, kunti na ang dati’y matatayog at malalagong
puno, pati na rin ang iba’t ibang klase ng mga hayop. Maging sa ito’y lumilipad o naglalakad. Bihira na
rin ang mga lamang –dagat na nahuhuli. Ang mas masahol pa ay tayo ring mga tao ang siyang dahilan ng
unti- unting pagkaubos nito. Marami sa atin ngayon ang hindi man lang marunong magpahalaga sa mga
biyayang kaloob sa kanila. Marunong lamang magputol subalit hindi alam magtanim. Bihasa lang sa
panghuhuli pero hindi alam kung paano magpunla. Totoong masakit itong pakinggan, subalit ito ang
katotohanan.
Hindi pa huli ang lahat. Bilang isang kapakipakinabang na mamamayan, marami pa tayong magagawa
para maisalba ang ating kalikasan. Ang pagkilos ay ngayon na, habang may panahon pa. Panahon na kung
saan may mga puno, iba’t- ibang uri ng hayop at isda pang natitira. Hintayin mo pa bang maubos na
talaga ang mga ito?

Halinang magtanim ng maraming puno. Atin ng linangin ang mga lupang tiwangwang at nang ating
mapakinabangan. Iwasan ang paggamit ng dinamita at iba pa na nakakasira sa mga buhay sa ilalim ng
karagatan. Iwanan na din ang pagmimina na oo nga’t may kasaganaang dala, katumbas nama’y kahindik-
hindik na pagbaha. Hindi lamang matinding pagbaha ang maaaring idulot nito, dahil maaari ring mawala
ang buhay ng nakararaming tao. Ang panawagan ko sanang ito ay tumatak sa puso’t isipan ninyo, lalong-
lalo na sa ating mga pinuno. Gawin niyo sana ang inyong tungkulin na ang kalikasa’y pangalagaan, upang
hindi tuluyang malugmok ang pinakaiingat- ingatang yaman na ipinagkaloob at ipinagkatiwala sa iyo, sa
akin at sa ating lahat ng ating mapagpalang Maykapal.

Asya

Asya

Ang Asya ay ang isa sa mga lupalop ng mundo. Ang Asya ang may
pinakamalaking bahagdan ng populasyon at sa lawak, sapagkat sakop nito
ang 1/3 ng mundo. Sa kanluran ng Asya matatagpuan ang lupalop ng
Europa; sa timog-silangan at silangan ang Awstralya at Osyansa; sa timog-
kanluran naman banda ang Aprika.
Ang kontinenteng ito ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at
tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na
nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng mga tao sa daigdig
nating ito.Ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay ang
kabihasnang Tsina, India, Mesopotamia, Persia at kabihasnang Armaiko
na may dalawang sangay-ang Israel at arabo. Sa Asya rin matatagpuan
ang Karagatang Indian, Dagat Timog Tsina (ang pinakamalaking dagat sa
mundo), Karagatang pasipiko at Karagatang Artiko. Ang Europa ang kadikit
nitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan
ng URAL, Dagat ng caspian,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus.
Ang Suez Canal naman ang siyang hangganan nito bago dumating sa
bansang Ehipto ng kontinenteng Aprika. Sa dami ng mga pangkat ng lahi
ng mga tao, ang Asya pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong
sa paglabas nito patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito ng
mga ibang lahi ng tao mula sa kontinente ng Europa, Amerika at Afrika.
Kasaysayan ng Asya
Ang kasaysayan ng Asya ay makikita bilang kolektibong kasaysayan ng
ilang mga natatanging mga paligid pandalampasigan mga rehiyon tulad ng
Silangang Asya, Timog Asya, at ang Gitnang Silangan Naka-ugnay ito sa
pamamagitan ng panloob na tumpok ng mga taong hating Asyano at
Europeo sa kapatagan.
Ang dalampasigan ay ang tahanan sa ilan sa mga maagang sibilisasyon sa
daigdig. Ang bawat isa sa tatlong rehiyon ay bumubuo ng mga sibilisasyon
sa paligid ng mga lambak at ilog. Sagana ang mga lambak dahil ang lupa
ay may mayamang lupa at maaaring tamnan ng maraming halamang-ugat.
Ang mga sibilisasyon sa Mesopotamya, sa Lambak ng Indus, at
sa Tsina ay nagbahagi ng maraming mga pagkakatulad at palaging
nagpapalitan ng teknolohiya at mga ideya tulad ng matematika at ang
mga gulong. Iba pang mga paniniwala tulad ng pagsulat ay maaaring binuo
paisa-isa sa bawat lugar. Nabuo ang mga lungsod, estado, at imperyo sa
mga mabababang lugar.
Ang mga patag ng rehiyon ay matagal na pinaninirahan ng mga pagala-
gala, at mula sa central steppes ay maaaring sila umabot sa lahat ng mga
lugar ng Asya. Ang hilagang bahagi ng kontinente, na sinasakop
ng Siberia ay hindi rin mararating ng mga pagala-gala sa kapatagan dahil
sa mga makakapal na kagubatan at tundra. Ang mga lugar sa Siberia ay
bihira panirahan ng tao.
Ang mga sentro at paligid ay inihiwalay ng mga bundok at disyerto.
Ang Caucasus, Himalayas, Disyerto ng Karakum, at Disyerto ng Gobi ay
bumuo ng mga hadlang para mahirapang makatawid ang mga
mangangabayo sa kapatagan. Habang sa larangan ng teknolohiya at
kultura, ang mga naninirahan sa lungsod ay mas masulong na, kaunti
lamang ang magagawa nila na protektahan ang sarili nila laban sa mga
pagala-gala. Gayunman, ang mga mabababang lugar ay hindi
magkakaroon ng sapat na bukas na damuhan upang suportahan ang isang
malaking pwersa ng mga nakakabayo. Kaya ang pagala-gala na sumakop
sa Tsina, India, at Gitnang Silangan ay napilitang umangkop sa lokal na
lipunan.

Modernong panahon (1500-kasalukuyan)


Ang Imperyong Ruso ay nagsimulang lumawak sa Asya noong ika-17 siglo,
at kokontrol ng Siberya at karamihan ng gitnang asya sa ika-19 siglo.
Ang imperyong ottoman ay kinokontrol ang Turkiya at ang gitnang
silangan mula ika-16 na siglo pataas. Noong ika-17 siglo, ang Manchu ay
sinakop ang Tsina at itinatag ang dinastiyang Qing, bagaman ito ay sa
tanggihan sa ika-19 siglo at ibinagsak noong 1912.
Ang kapangyarihang Europeo ay kumontrol ng iba pang bahagi ng Asya
noong 1900s, tulad ng indyang ingles, indotsinang
Pranses at Macau at Goa ng Portuges. Ang Great Game sa pagitan ng
Rusya at Britanya ay ang mga pakikibaka para sa kapangyarihan sa
rehiyon ng Sentral Asya noong ika-19 siglo. Ang Trans-Siberian Railway,
na tumatawid sa Asya sa pamamagitan ng tren, ay kumpleto na noong
1916. Ang ga bahagi ng Asya ay nanatiling nalaya mula sa kontrol ng
Europa, bagaman hindi umimpluwensiya, tulad ng Persiya, taylandia at
karamihan ng Tsina. Sa ika-20 siglo, ang Imperial Japan ay pinalawak na
sa Tsina at Timog-silangang Asya sa panahon ng ikalawang
digmaan pandaigdig. Pagkatapos ng digmaan, maraming mga bansanng
Asyano ay naging malaya mula sa kapangyarihang Europeo. Sa panahon
ng digmaang malamig, sa hilagang bahagi ng Asya ay komunista na
kinokontrol ang unyong sobyet at peoples republic of china, habang ang
kanluraning alyado ay nakabuo ng mga samahan tulad
ng CENTO at SEATO. Ang mga away tulad ng digmaang korea,digmaang
vietnam at pagsakop ng USSR sa Apganistan ay away sa pagitan ng mga
komunista at di-komunista. Isang dekada matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, isang napakalaking planong pagbuhay muli ay
nagdala sa hapon bilang pangalawang-pinakamalaking ekonomiya sa
mundo, isang palatandaan na kilala bilang pang-ekonomiyang himala
matapos ang digmaan sa Hapon. Ang tunggaliang Arabe-Israelita ay may
dominadong tala sa pangkasalukuyang kasaysayan ng gitnang silangan.
Pagkatapos ang pagbagsak ng unyong sobyet noong 1991, maraming mga
bagong malayang bansa ang naitatag sa Gitnang Asya. Naimbento ang
tren noong ika-19 na siglo. Si John Castro ang nakaimbento ng
tren(Thomas & Friends). Siya ay nag-aaral sa Harvard University.

Rehiyonal na Pagkakahati sa Asya


• Hilagang Asya
Armenia
Azerbaijan
Gorgia
Kazakhstan
Mongolia
Tajikistan
Turkmenistan
Uzbekistan

• Kanlurang Asya
Bahrain
Cyprus
Iran
Iraq
Israel
Jordan
Kuwait
Lebanon
Oman
Qatar
Saudi Arabia
Syria
Turkey
United Arab Emirates
Yemen

• Timog Asya
Afghanistan
Bangladesh
Bhutan
India
Maldives
Nepal
Pakistan
Sri Lanka

• Timog-Silangang Asya
Brunei
Cambodia
East Timor
Indonesia
Laos
Malaysia
Myanmar
Philippines
Singapore
Thailand
Vietnam

• Silangang Asya
China
Japan
North Korea
South Korea
Taiwan

Mga Anyong Lupa sa Asya


Ang mga anyong lupa na matagtagpuan sa asya ay ang mga mataas at
malaking hanay ng kabundukan, talampas, bulkan, malapad na kapatagan,
lambak at disyerto . Binubuo ng malaking kalupaan ang mga tagaway,
arkipelago at maraming pulo ang asya.

• ang bundok ay ang anyong-lupa na nakaangat mula


Bulubundukin -
sa lebel ng dagat ( sea level ) at may taas na umaabot
sa mahigit 2 000 talampakan. Ang mahabang hanay ng mga
bundok ay tinatawag na bulubundukin. Matatagpuan sa Asya
ang naglalakihang bulubundukin. Pinakatanyag sa mga ito ang
Himalayas na bumabagtas mula Pakistan hanggang Myanmar.
Sa bulubunduking ito matatagpuan ang Bundok Everest, ang
itinuturing na pinakamataas na bundok sa mundo. Katabi ng
Himalayas ang bulubunduking Karakoram. Sa
daawang bulubunduking ito matatagpuan ang halos lahat ng
pinakamataas na bundok sa daigdig. Ang iba pang mahalagang
bulubundukin sa Asya ay ang Altai, Kunlun, Tien Shan,
Hindu Kush, Zagros, Caucasus, at Ural.
• Bundok - mont [katawagang pang-heograpiya], at mount [isa pang
katawagang pang-heograpiya] ay anyong lupa na lumalagpas sa taas
ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak.
Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa isang burol,
ngunit walang mga pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa
kahulugan ng taas ng isang bundok o isang burol bagaman may
kinikilalang tuktok ang isang bundok.

Tinatakpan ng mga bundok ang 54% ng Asya, 36% ng Hilagang


Amerika, 25% ng Europa, 22% ng Timog Amerika, 17% ng Australia, at 3%
ng Aprika. Sa kabuuan, Bulubundukin ang 24% ng lupain sa daigdig.
Nakatira ang 10% ng tao sa mga rehiyong bulubundukin. Nagmula sa mga
bundok ang karamihan sa mga tubig sa ilog, at mahigit sa kalahati ng
sangkatauhan ang umaasa sa mga bundok bilang pinagkukunan ng tubig.
• Bulkan - isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na
bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May
dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan
matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na
matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay
aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras.
Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at
magbuga ng kumukulong putik at abo.
Talampas - ito ay may lawak na kapatagan sa tuktok ng isang mataas
na anyong-lupa.
Ang mahalagang talampas ng gitnang Siberia (Russia), Mongolia,
Tibet, Deccan (India), at Turkey.

• Disyerto - ay isang bahagi ng lupa kung saan ito ay mabuhangin at


meron ding mabato. Kadalasang matatagpuan ang disyerto sa mga
bansang may maiinit na klima tulad ng mga bansa sa Gitnang
silangan. Walang permanenteng mga bahagi ng tubig, hindi dinadalaw
ng ulan at hindi karaniwang tinataniman.
• Kapuluan o Arkipelago - ay isang pangkat ng mga isla o pulo. Ang
kapuluan o arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki
at maliliit na pulo. Panay tubig ang nakapaligid sa isang pulo.

• Pulo - ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit


na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na
hindi napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga
pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago.
• Tangway o Peninsula - ay isang lupa na napapaligiran ng tubig sa
tatlong sulok. Maaaring maging tangway ang mga punong lupain
(headland), tangos (cape), pulong promontoryo, lupaing palabas ng
dagat, punto o spit. ito ay kalupaang nakausli sa dagat at halos
napalilibutan ng tubig. Ang mahalagang tangway ng Asya ay ang
mga
tangway ng Arabia, India, Malay, Indochina,
at Kamchatka.
• Kapatagan - sa Heograpiya ay mahaba, patag at malawak na anyong
lupa. Madaling linangin at paunlarin ang mga pook na kapatagan.
Mainam ito sa pagsasaka, Pagtatayo ng mga kabahayan at paaralan
at sa pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga bundok
Ito rin ang pinakamataong uri ng anyong lupa. Dahil sa patag na lupain,
mas madaling magpagawa ng mga lugar na maaaring gamitin ng mga tao.
Sa Pilipinas, malalawak ang mga kapatagan sa Gitnang Luzon gaya
ng Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan. Maraming produkto ang
nakukuha rito tulad ng palay, mais, tubo, kamote at iba pang mga gulay. Sa
kapatagan naman ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ay may
malalawak na taniman ng niyog, kape, pinya, dalandan, mais at palay.
Sagana naman sa abaka, papaya, mangga, tubo at mga gulay sa mga
kapatagan ng Negros, Davao, Cebu at Iloilo.

"Vegetation Cover" o Behatasyon ng Asya


• Steppe - sa heograpiyang pisikal ay isang ekorehiyon na matatagpuan
sa mga lugar na may temperaturang katamtaman at subtropikal sa
hilaga at timog ng hemispero. Tampok na katangian ng steppe ay
ang malawak na madamong kapatagan at kapansin-pansin ang
kawalan ng mga puno rito, maliban na lamang sa mga lugar na
malapit sa mga katawang-tubig, gaya ng mga ilog at lawa. Maaaring
may katuyuan ang steppe at depende sa latitud at panahon ang uri
ng damong tumutubo rito. Masasabing ang steppe ay medyo tuyot
upang magkaroon ng kagubatan, ngunit di-naman gaanong tuyot
upang maging disyerto ito. Ang steppe ay tinutukoy

namang prairie sa hilagang amerika.

• Prairie - Isang malawak na lugar ng relatibong patag na pastulan.

• Savanna - Isang malawak na sukat o lagay ng antas ng lupa na sakop


ang paglago ng halaman na karaniwang matatagpuan sa isang
mamasa-masa lupa at mainit-init na klima, - bilang damo o mga
damo, - ngunit salat ng mga puno.

• Taiga - matatagpuan ang klimang ito sa gawing timog ng tundra . Ito


ay galing sa salitang Ruso na nangangahulugang "kagubatan" .
Mahaba ang taglamig dito, samantalang maikli lamang ang tag araw
• Tundra - lugar na hindi katatagpuan ng mga puno kundi ng mga
lichen, moss,damo at woody plant.

• Rainforest - ay mga gubat na mayroong mataas na antas ng pag-


ulan. Ang pinakamababang taas ng pag-ulan kada taon ay tinataya
sa 1750–2000 mm (68-78 pulgada). Ang monsoon trough, mas kilala
bilang intertropicalconvergence zone, ay may malaking papel na
ginagampanan sa paglikha ng mga tropikal na maulang gubat ng
Mundo.

Mula 40 hanggang 75% ng lahat ng uri sa mundo ay katutubo sa mga


maulang gubat.[1] Tinatayang milyon-milyong mga uri ng halaman, kulisap
at mikroorganismo ang hindi pa natutuklasan. Ang mga tropikal na
maulang gubat at tinatawag na "Hiyas ng Mundo" at "ang
pinakamalaking parmasya", dahil sa dami ng mga likas nagamot na
natuklasan dito.[2] Ang mga mauulang mga gubat ay naglalabas ng 28% ng
lahat ng oksiheno ng mundo,[3] sa pamamamagitan ng potosintesis mula sa
karbong dioksido.
Likas na Yaman
Ang ating bansa ay pinagkalooban ng mga likas na yaman. Gaano nga ba kahalaga ang mga ito?
Magmula sa lupa hanggang sa katubigan ay marami tayong mapapakinabangan. Ang mga matataas na
puno sa kagubatan ay tunay na mahalaga. Marami itong mapaggagamitan. Pati na rin ang iba’t ibang mga
nilalang niya dito lang matatagpuan. Ang ating karagatan naman ay biniyayaan ng maraming laman.
Hindi lamang matatabang mga isda ang matutunghayan kundi mga kabibeng nagsisipagkislapan.

Masakit isipin na sa ngayon ay unti- unti na itong naglalaho, kunti na ang dati’y matatayog at
malalagong puno, pati na rin ang iba’t ibang klase ng mga hayop. Maging sa ito’y lumilipad o naglalakad.
Bihira na rin ang mga lamang –dagat na nahuhuli. Ang mas masahol pa ay tayo ring mga tao ang siyang
dahilan ng unti- unting pagkaubos nito. Marami sa atin ngayon ang hindi man lang marunong
magpahalaga sa mga biyayang kaloob sa kanila. Marunong lamang magputol subalit hindi alam
magtanim. Bihasa lang sa panghuhuli pero hindi alam kung paano magpunla. Totoong masakit itong
pakinggan, subalit ito ang katotohanan.

Hindi pa huli ang lahat. Bilang isang kapakipakinabang na mamamayan, marami pa tayong magagawa
para maisalba ang ating kalikasan. Ang pagkilos ay ngayon na, habang may panahon pa. Panahon na kung
saan may mga puno, iba’t- ibang uri ng hayop at isda pang natitira. Hintayin mo pa bang maubos na
talaga ang mga ito?

Halinang magtanim ng maraming puno. Atin ng linangin ang mga lupang tiwangwang at nang ating
mapakinabangan. Iwasan ang paggamit ng dinamita at iba pa na nakakasira sa mga buhay sa ilalim ng
karagatan. Iwanan na din ang pagmimina na oo nga’t may kasaganaang dala, katumbas nama’y kahindik-
hindik na pagbaha. Hindi lamang matinding pagbaha ang maaaring idulot nito, dahil maaari ring mawala
ang buhay ng nakararaming tao. Ang panawagan ko sanang ito ay tumatak sa puso’t isipan ninyo, lalong-
lalo na sa ating mga pinuno. Gawin niyo sana ang inyong tungkulin na ang kalikasa’y pangalagaan, upang
hindi tuluyang malugmok ang pinakaiingat- ingatang yaman na ipinagkaloob at ipinagkatiwala sa iyo, sa
akin at sa ating lahat ng ating mapagpalang Maykapal.

Heograpiya ng Asya
• Ang heograpiya ay ang aral tungkol sa mundo.
• Ang tawag sa agham ng mga lokasyon ng mundo. Nakapokus ita sa
distribusyon ng likas na yaman mga tao sa ibawbaw ng lupa.
• Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa mundo at lahat ng mga nangyayari
dito.
• ang heograpiya ay binubuo ng 1/4 na anyong lupa at 3/4 na anyong
tubig ng mundo.
• ang heograpiya ay ang pag-aaral tungkol sa mga katangiang pisikal ng
daigdig

• Heograpiya ay ang pangunahing pag-aaral ng ang lokasyon, lawak,


pamamahagi, dalas at pakikipag-ugnayan ng lahat ng mga makabuluhang
mga elemento ng tao at pisikal na kapaligiran sao malapit ng ibabaw ng Earth,
lalo na sa mga tampok nito at ng pamamahagi ng mga buhay sa earth,
kabilang ang mga tao buhay at ang mga epekto ng mga tao na aktibidad.

• Klima sa Asya
Tag-lamig
Tag-ulan
Tag-araw
Tag-lagas
Tag-sibol
Ang klima ay pangkaraniwang at pangmatagalang kalagayan at katangian
ng panahon sa isang takdang lugar o rehiyon.

• Dalawang (2) Uri ng Monsoon


Hanging Habagat - Ang hanging habagat ay tinatawag ding southwest moonsoon.
Ito ay nanggagaling sa timog kanluran.

Hanging Amihan - malamig na hangin mula sa timog-kanluran na nagdadala nga


bagyo.

You might also like