You are on page 1of 13

MGA TEORYA SA PINAGMULAN NG WIKA

MGA TIYAK NA LAYUNIN:


Nagiisa-isa at naipapaliwanag ang kalakasan at kahinaan ng ibat ibang teorya sa pinagmulan ng wika

Nakapagsasagawa ng impormal na pagtatalo hinggil sa kung aling mga teorya ang higit na kapani-paniwala at hindi kapani-paniwala

Kailan at paano ba talaga nagkaroon ng wika? May ibat-ibang teorya na nagtatangkang ipaliwanag kung paano nagkaroon ng wika ang mga tao. Karamihan sa mga teoryang ito ay may kakatwang katawagan na inimbento nina Muller at Romances noong huling bahagi ng ika-12 siglo. Dinagdagan din ito Boeree ng ilang teorya.

1.Teoryang Ding-dong Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay sa mundo ay maysariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalaunay nagpabagobago at nilapatan ng ibat ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog.

2. Teoryang Bow-wow Maaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primatibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito.

Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi bat nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kayat ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa naman ay miyaw.

3. Teoryang Pooh-pooh =>Unang natutong magsalita ang mga tao ayon sa teoryang ito nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla, hindi bat siya ay napapaAray! => Samantalang ang mga Americano naman ay napapa-ouch! Anong naibubulalas natin kung tayoy nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?

4. Teoryang Yum-yum => Sinasabi sa teoryang ito na ang wika

ay nagmula sa pagkumpas ng maestro ng musika at sa bawat kumpas ay nagagawa niyang lumikha ng tunog mula sa kanyang labi.

5. Kahariang Ehipto

Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo. Unconsciously learning the language.

6. Teoryang Muestra

Pinaniniwalaan sa teoryang ito na nuuna ang pagsasalita sa pamumuestra. Magkaugnay ang pagsasalita at pagmumuestra at ang sentro sa utak na kumokontrol sa paggalaw at pagsasalita ay magkalapit at magkaugnay.

7.Teorya ng Pakikisalamuha

Ayon kay G. Revesz, isang propesor sa Amsterdam Germany, ang tao mismo ang gumagawa ng kaniyang wika upang may magamit sa kaniyang pakikisalamuha. Naniniwala ito na ang wika sa likas na pangangailangan ng tao upang makipagsalamuha sa kaniyang kapwa.

8. Teoryang Musika

Kilala sa teoryang ito ang DANISH na si OTTO JERPERSON. sinasaad dito na ang wika ay may melodya at tono at walang kakayahan sa komunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat taglay nito ang kakulangan sa mga detalye at impormasyon.

9.

You might also like