You are on page 1of 4

BALAGTASAN Paksa: Paggamit ng wikang sarili sa pagpapaunlad ng edukasyon Lakandiwa: Akin munang binabati ang lahat ng nandirito Mga

mag-aaral, magulang, guro at hurado Ngayong araw na ito, inyong matutunghayan Labanan ng katwiran sa isang balagtasan. Ang paksang pagtatalunan ng mga makatang totoo Pagpapaunlad ng edukasyon gamit ang wikang Filipino Ito bay kailangan sa pag-unlad ng bansa? O ang dapat bang aralin ay Ingles na wikang banyaga? Ang paksang ito ay mahalaga sa mag-aaral tulad ninyo Kayat ipapakilala na ang dalawang makatang ito Isang sumasang-ayon sa paggamit ng wikang Filipino At isang hindi sumasang-ayon dito. Sa dalawang makatang aking nabanggit Ang pumapanig sa Filipino aking unang tatawagin _______________ po ang kanyang pangalan Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan! Sang-ayon: Magandang araw sa inyong tagapakinig ____________ po! Sa wikang Filipino pumapanig Isang karangalan po ang magsalita sa inyong harapan At ipaliwanag kung bakit itoy dapat gamitin sa paaralan. Lakandiwa: Ang susunod namay hindi patatalo Siya ay sasalungat sa naunang tao Si __________ po hahamon sa kaniya Atin rin pong bigyan ng malakas na palakpakan! Di sang-ayon: Magandang araw sa inyong lahat Akoy si ___________ sa inyoy humaharap Sa akiy dapat wikang Ingles ay dapat matutunan Upang umunlad ang ating bayan Lakandiwa Ngayon po ay atin nang tunghayan Magkabilang panig, kanya-kanyang katwiran Subalit bago yan Ang inyong lingkod, _______________ po lamang Sang-ayon Tayong mga Pilipino ay lahing makabayan

Ating kalayaan ay ipinaglaban Hindi bat nararapat lang na Filipino ang gamitin Sa pagtuturo sa kabataan natin? Dapat lahat ay matutong mahalin Ang wikang ipinamana ng mga ninuno sa atin Itoy nagpapakita ng ating paglaya Mula sa mga mananakop na banyaga. Hindi ko maintindihan kung bakit nga ba kailangang Matutong magsalita ng wikang banyaga Baka makilimutan ang wikang atin At bumalik tayo sa pagka-alipin. Di sang-ayon Ang ating ginagawa ay para sa kinabukasan Ang pananatili sa nakaraan ay walang patutunguhan Kung ang nais natin ay pag-unlad ng bayan Ingles ang gamitin sa pagtuturo sa sangkapuluan. Gamit ang Ingles mabubuksan ang pintuan Para sa magandang kinabukasan ng ating kabataan Maaaring makipag-ugnayan sa karatig bansa Makipagkalakalan nang umangat ekonomiya ng bansa. Kailangan ang Ingles upang maintindihan Ng mga banyaga ang ideyang napag-isipan Aanhin nga ba ang magandang ideya Kung hindi ito maiintindihan ng iyong pinagsasabihan? Lakandiwa: Inyong naparinggan ang unang tindig Ng dalawang makatang talagang mabagsik Kahit umpisa pa lamang, inyong mababatid Ang magandang tagisan na kanilang ihahatid Kaya tayoy manahimik at makinig nang taimtim Sa ikalawang pagkakataoy ating salubungin G./Bb. _____________ ikay muling tinatawag Ang iyong saloobin ay ihayag. Sang-ayon Ang wikang Filipino ay dapat pairalin Sa bawat paaralan ng bansa natin Bakit pa tayo gagamit ng wikang banyaga? Iyo bang ikinakahiya ang ating wika?

Di sang-ayon Hindi ko ikinakahiya ang wikang pambansa

Dahil ako rin ay nagmamahal sa Pilipinas nang lubusan Subalit upang ang bansay maalis sa kahirapan Ang wikang Ingles ay mas kaliangang matutunan. Sang-ayon: Maaarin rin namang maalis sa kahirapan Kung magtutulungan lahat ng mamamayan Para na rin lumawak ang kaalaman Gamitin ang Filipino, mga pantas ng kinabukasan. Di sang-ayon: Sa sariling bansa ang mga imbestor natin Karamihan sa kanila hindi taga sa atin Paano ka maiintindihan o mauunawaan Kung hindi mo alam ang salitang pangkalahatan? Sang-ayon: Bakit hindi nalang ang banyaga ang pag-aralin Ng ating wika kung silay dito mananatili? Bakit kailangang Ingles ang gamitin sa sariling bansa? Bakit sa banyaga tayoy magpapakumbaba? Di sang-ayon: Alin ba ang mas importante para iyo Ang kalagayan ng bansa o ang kahambugan mo? Kung totoong mahal mo ang bayan natin, Para umangat siya, lahat ay gagawin! Sang-ayon: Hindi bat parang ibinenta mo na rin ang pagka-Pilipino Para lamang sa pera at kaginhawaan ng buhay? Hindi mo ba kayang magtiis para sa bayan? O sadyang mahina ka lalo na ang iyong kalooban! Di sang-ayon: Hindi bat ikaw ang mahina ang loob? Hindi man lamang alisin ang tigas ng ulo! Sang-ayon: Sino nga ba ang matigas ang ulo? Ihampas ko ang iyo sa bato! Di sang-ayon: Kung ikaw ang ihahampas sa bato Sigurado akong madudurog pa ito!

Lakandiwa: Magsitigil kayo at palamigin ang ulo!

Bago pa kayo maghampasan ng bato At kayo namang mga nakikinig nang tahimik Palakpakan natin ang dalawang makatang matinik. Alam kong nais ng magkabilang panig Ang pag-unlad ng baying iniibig Kayat ito na ang hatol na aking igagawad Sa balagtasang ito akin nang ilalahad. Tabla ang aking hatol sa inyong dalawa Walang talot walang gahis, kayoy magaling talaga Kaya kayoy magkamay at ngumiti at magtawanan At kayoy pumalakpak sa tagumpay na pinagsaluhan!

You might also like