You are on page 1of 4

QUIZ IN SOCIAL STUDIES

crisseI mae cortez - ms. Liwag - III Dmitri



HELEN OF TROY
Mga Tauhan at IIarawan:
Helen, ang pinakmagandang babae sa buong Greece. sa sa Anak ni Leda at Zeus na
naging asawa ng Hari ng Sparta na si Menelaus. Ang ganda niyang ito ay ang sanhi ng
Labanan sa Troy dahil .
Pollux, ang nakatatandang kapatid na lalaki ni Helen
Paris, ang nawawalang bunsong anak ni Priam na
Priam, Hari ng Troy
Hecuba, Reyna ng Troy
Cassandra, Prinsesa ng Troy na nakakakita ng mga mangyayari sa hinaharap
Hector, Prinsipe ng Troy. Ang pag-iibigan nila ni Helen angsanhi ng Labanan sa Troy
Clytemnestra, kapatid ni Helen na nagging asawa ni Agamemnon, pinatay niya ang
kanyang asawa sa huli dahil sa sobrang kalupitan
Agammemnon, Hari ng Mycenae, pinuno ng ekspedisyon ng Achaean sa Troy at ang
pangunahing kontrabida
Menelaus, kapatid ni Agamemnon, Hari ng Sparta, makikitang mahabagin at mahina,
asawa ni Helen
Tyndareus, tatay ni Menaleus at Hari ng Sparta bago mapasakamay ng anak niya ang
trono
Achilles, isang brutal na officer ni Agamemnon




uod ng PeIikuIa:
Ang pelikulang ito ay nagsasalaysay ng mga importanteng detalye sa kung paano
nagsimula ang Labanan sa Troy.
Si Paris ay anak ng Hari ng Troy. Nang siya'y isilang, ang kanyang nakakatandang
kapatid, si Cassandra na nakakakita ng mangyayari sa panghinaharap ay nagsabi sa Hari na
kung mabuhay ang sanggol, ay ikababagsak naman ito ng Troy. niutos ng Hari na dalhin si
Paris sa bundok at iwan hanggang doon siya'y mamatay. Pero nakita siya ng isang pastol at
kinupkop na parang sarili na niyang anak. Paglipas ng maraming taon, lumaki na si Paris at sa
kanyang paghahanap ng nawawalang kambing, nakapasok siya sa isang kweba. Dito ay
nagpakita sa kanya ang tatlong diyosa na si Hera, Athene at Aphrodite. Pinapili nila si Paris sa
tatlo: ang pagmamahal, kapangyarihan o kayamanan. Matapos ang isa-isang pagkukumbinsi,
pinili niya ang pagmamahal, si Aphrodite na ipinangako ang pinakamaganda sa buong mundo,
at ito ay si Helen.
Samantala, si Helen ay na-kidnapped mula sa kanilang tahanan, at habang siya'y
inililigtas, ang kanyang nakakatandang kapatid na si Pollux na nag-iisang tagapagmana ng
trono ay namatay. sinisi ng Hari ng Sparta ang pagkamatay kay Helen at ipinalayas sa
sambahayan. Doon para magbigay ng pagpaparangal sa tagapagmana ay maraming iba
pangt hari. Lahat sila'y nabighani sa ganda nii Helen, pero natatakot din sa kaakibat nitong
sumpa. Si Agamemnon, na ipinakasal sa kapatid ni Helen na si Clytemnestra, ay ninanais rin
si Helen at gayundin ang kanyang kapatid na si Menelaus. Ang mga haari ay gumawa ng
kasunduan. nilagay nila ang kanilang singsing sa isang paso at kung sino man ang manalo ay
makukuha si Helen. pinangako rin nila na kung sino man ang kumuha kay Helen sa nanalo ay
magsasama-sama silang mga hari kasama ang kanilang mga hukbo para lang sa pagbabalik
nito.
Mula sa isang laban sa Troy na kung saan isa si Paris doon sa ipinaglalaban ay nakilala
ni Cassandra at ang hari at reyna ng Troy na siya ang kanilang nawawalang anak at muling
nagsama-sama.
Mabangis ang pagtrato ng bagong asawa ni Helen pinapalakad siya ng nakahubad sa
mga pagtitipon para magpasikat. Lumitaw si Paris sa isa sa mga pagtitipong ito ipinadala
siya ng kaniyang pamiya para maging emisaryo. Si Paris at Helen ay madaling nakilala ang
isa't-isa dahil sa pangitaing ipinakita ng mga diyosa sa kanila. Sa sandaling iyon ay madali rin
silang nahulog at inibig ang isa't-isa. Tumakas sila sakay ng isang barko at lumayag pabalik ng
Troy. Habang sila'y naglalayag ay malakas na bagyo ang paparating. Gayundin sa Sparta na
dalawang buwan ang tinagal ng masamang panahon. Ang sabi ni Calchas na nakakakita ng
pangitain ay ang buhay ng anak nila ni Clytemnestra ang kapalit ng mabuting panahon.
Pinatay niya ang kaniyang sariling anak, at umayon at ganon nga ang nangyari.
Nakauwi naman ng maayos sina Paris at Helen pero sa gayon naman ang paglusob ng
mga haring nagkasundo kasama ang kanilang hukbo para maibalik muli si Helen. At dito na
nagsimula ang labanan sa troy. Nakakita muli ng pangitaisi Cassandra na magtatagal ang
labanang ito ng sampung taon. Nagwala at nagsisigaw siya kaya siya'y ipinakulog ng hari.
Si Agamemnon ang namuno sa labanang ito hanggang magtagal ng sampung taon ang
alitan sa pagitan ng mga Griyego at mga Trojan. Si Paris ay naniniwala na pinoprotektuhan
siya ni Aphrodite. Nagkasundo si Paris at Menelaus na maglaban. Habang naglalaban ay
nanunuod sa taas ng tore ang hari na si Priam at si Helen na wala nang ibang makikita sa
kanyang mukha kundi pagkahabag lamang. Natumba at nahilo si Paris dahil dinaya siya ni
Agamemnon na nilagyan ng lason ang sibat ni Menelausk kaya nagdesisyon nalang silang
ipagpatuloy ito kinabukasan. Pero nagboluntaryo ang kapatid ni Paris na si Hector na siya
nalang ang lalaban kapalit ng kanyang kapatid. Sa kabila naman ay si Agamemnon ang
nagpresenta pero si Achilles ang lumaban na isa ring nagboluntaryo na isang malakas at
brutal na officer ni agamemnon. Muli ay natalo ang mga Trojan at namatay si Hector.
Lumapit si Helen kay Cassandra at itinanong kung ano ang dapat gawin. Kailangan
niyang isuko ang kanyang sarili kay Agamemnon at aalis ang mga Achaean at hindi
mamamatay si Paris. Ganon nga ang kanying ginawa pero di pumayag si Agamemnon.
Habang nagpupugay ang mga Achaean sa pagkapanalo, nakatali ang katawan ni Hector sa
kalesang pinapatakbo ni Achilles. Nilusob ito ni Paris at pinana ang paa ni Achilles at doon ay
namatay na siya. Tumakbo at tumakas si Paris at Helen pero nakalapit si Agamemnon at
sinaksak si Paris at namatay.
Kinabukasan ay umalis na ang mga Achaean at may iniwang malaking estatwa ng
kabayo na sabi'y isang alay nila sa diyosang si Athena. Pinasok ng mga Troy ang estatwa sa
loob ng gate. Nang gabi ay lumapit muli si Helen kay Cassandra. Ang sabi niya ay nakikita
niyang sumusunod si Helen at papunta kung saan siya nararapat. Sinabi rin niya na kaya
namatay si Paris ay dahil hindi niya isinuko ng buo ang kanyang sarili kay Agamemnon.
Lumusob ang mga Achaean mula sa loob ng estatwa, sinunog ang paligid at pinatay ang hari
at reyna ng Troy at sila na nga ang namuno ditto. Dinakip nila si Helen, pinagsamantalahan at
ginahasa siya ni Agamemnon. Sinubukang pigilin ito ni Menalaus pero wala na siyang
nagawa.
Nang malaman ito ng asawa ni Agamemnon na si Clystemnestra, nang di inaasahan ay
isinakasak niya ang kanyang asawa hanggang sa mamatay. Ginawang alipin ng mga Achaean
ang mga Troy. Wala na silang nagawa at si Helen ay sumunod nalang rin kung saan pupunta
ang mga Achaean, sina Menelaus.


PersonaI na Opinyon sa napanuod:

You might also like