You are on page 1of 1

REACTION PAPER

Ang pelikulang ‘TROY’ na inilabas noong 2004, na idinereksyon


ni Wolfgang Peterson at isinulat ni David Benioff. Ang digmaang
Trojan ay isa sa mahahalagang pangyayari sa mitolohiya ng
Gresya. Ito ay binigyang buhay nina Homer sa dalawang epiko,
ang Lliad at ang odyssey.

Tatlong libo at dalawang daan ang lumipas, Nagsimula ang


giyera matapos ang pagdukot kay Reyna Helen ng Sparta na dulot
ni Prinsipe ng Trojan na si Prinsipe Paris. Ang asawa ni Helen na si
Haring Menelaus ay nakumbinsi ang kanyang kapatid na si Haring
Agamemnon,ng Mycenae, na manguna sa isang ekspedisyon
upang makuha siya.Isinama ni Agamemnon ng mga bayani na
Greek na sina Achilles , Odysseus, Nestor at Ajax, at sinamahan ng
isang fleet ng higit sa isang libong mga barko mula sa buong
mundo ng Hellenic. Tumawid sila sa Dagat Aegean patungo sa
Asia Minor upang kubkubin si Troy at hilingin ang pagbabalik ni
Helen, at ni Priam, ang hari ng Trojan.

Labis akong nabigla sapagkat sa rason ng digmaan sa pagitan


ng dalawang pangkat ay dahil lamang sa isang babae. Siguro dahil
sa sobrang pagmamahalan na nabuo sa pagitan nina Prinsipe Paris
at Reyna Helen, hindi niya napigilang sumama sa prinsipe. Ako
naman ay namamangha kay Achilles dahil sa siya ay matipuno at
matapang. Maganda ang kurba ng kanyang katawan at mayroon
rin siyang maamong mukha. Nakakamangha rin ang kanyang
katapatan sa kanyang bayan.

You might also like