You are on page 1of 50

Sri Chaitanya Saraswat Math

Ang Namulat sa Kalubusan ay pagsasalin-wika nang Awakening on the Absolute. Ito ay samasamang pinagtulungan at pinagsikapang isalin sa wikang Filipino nang mga pinagpipitagang debotong Filipino. Ang edisyong ito ay aming inaalay sa lotus na paanan nang minamahal naming Sri Gurudeva: Ang Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Ang Sevaite na Tagapangulo at Humaliling-Acharya nang Sri Chaitanya Saraswat Math Sa mga nais makipag-ugnayan kumontak sa lokal na sangay nito: Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines Sri Nama-hatta Center #66-D H. Ocampos St., Pook F. Amorsolo, Barangay U.P. Campus, Diliman, Quezon City, 1101 Philippines E-mail: scsmathphilippines@yahoo.com

Ang Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Sevaite na Tagapangulo at Humaliling Acharya nang SRI CHAITANYA SARASWAT MATH Personal na pinili ni Srila Govinda Maharaj upang humalili sa kanya.

Ang Kanyang Banal na Pagpapala Om Vishnupada Paramahamsa Parivrajakacharya-varya Astottara-sata Sri Srimad SRILA BHAKTI SUNDAR GOVINDA DEVA GOSWAMI MAHARAJ Ang Pangunahing disipulo at matalik na tagapaglingkod ni Srila Sridhar Maharaj, naging Tagapangulo at Acharya nang Sri Chaitanya Saraswat Math.

Ang Kanyang Banal na Pagpapala Om Vishnupada Paramahamsa Parivrajakacharya-varya Astottara-sata Sri Srimad SRILA BHAKTI RAKSAK SRIDHAR DEVA GOSWAMI MAHARAJ Ang Nagtatag at Naunang Acharya nang Sri Chaitanya Saraswat Math. Dahil sa kanyang mataas na kamulatan at malalim na debosyon sa kamalayan kay Krsna, si Srila Sridhar Maharaj ay ginawaran ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami Maharaj Prabhupad, ang kanyang Maestrong Pang-espirituwal, nang titulong “Tagapangalaga nang Debosyon”.

Pag-aalay
Habam-buhay akong nagpapasalamat sa Kanyang Banal na Pagpapala kay Srila A.C. Bhaktivedanta Swami Maharaj Prabhupad, ang Dakilang Banal na Embahador ng Panginoong Chaitanya at ng Banal na Pangalan sa Kanlurang bahagi ng mundo, na amin namang ‘Siksha-guru’. Ito’y aming inaalay din sa aming Sri Acharyadeva, sa Kanyang Banal na Pagpapala si Sri Srila Bhakti Sundar Govinda DevGoswami Maharaj na kung saan ang mga disipulo at mga tagasunod sa linya nang Sri Chaitanya Saraswat Math ay patuloy na binibigyan niya nang inspirasyon at buhay sa hangaring matahak ang mga banal na huwarang ipinakita nang Dakilang Nagpasimula at Nagtatag ng Sri Chaitanya Saraswat Math, ang Kanyang Banal na Pagpapala si Om Vishnupad Sri Srimad B.R. Sridhar Dev-Goswami Maharaj. kamasya nendriya-pritir labho jiveta yavata jivasya tattva-jijñasa nartho yas ceha karmabhih
i

“Hindi natin dapat ituon sa pansariling kasiyahan ang hangarin natin sa buhay. Marapat lamang na maghangad tayo nang isang masiglang buhay, o ang mabuhay lang, dahil ang pagiging isang tao ay nauukol upang magtanong ng tungkol sa Di Mapagaalinlanganang Katotohanan. At tanging ito lamang ang dapat na maging gawain natin sa buhay. [Srimad Bhagavatam 1.2.10]

ii

Paunang Salita
Isang napakalaking kasiyahan at kapalaran para sa akin ang mailahad bilang isang aklat ang maikling pangungusap na ito nang Kanyang Banal na Pagpapala Srila B.R. Sridhar DevGoswami Maharaj. Sa mga matapat na mag-aaral ng kamalayan kay Krsna, tulad ng inihatid sa atin mismo nang Supremong Panginoon Sri Chaitanya Mahaprabhu, ang nais ni Srila B.R. Sridhar Maharaj ay makapagbigay nang kaunting paninulang pananalita. Si Srila Sridhar Maharaj ay ginawaran ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur Prabhupada, ang dakilang nagpasimula nang mga aral ng dalisay na teistikong pang-debosyunal para sa kasalukuyang panahon [1874-1937], nang titulo bilang ‘Tagapangalaga nang Debosyon’ dahil ang naging buhay at mga aral nito—ang malawak niyang kaalaman sa mga banal na kasulatan, sa salita man o panulat at ang malalalim nitong kaalaman – ay kapwa umantig sa di-mabilang na puso, nang kanyang mga kapatid sa pananampalataya at gayun sa kanyang mga disipulo.
iii

Noong pumanaw na sa mundo si Srila A.C. Bhaktivedanta Swami Maharaj Prabhupad [1896-1977], ang mahal na kapatid sa pananampalataya ni Srila Sridhar Maharaj, at dakilang embahador ng kamalayan kay Krsna sa mga taga Kanlurang bahagi ng mundo, marami sa mga disipulo ni Srila Prabhupad Swami Maharaj ang binigyan mismo ni Srila Sridhar Maharaj ng panibagong buhay, ng bagong liwanag at pag-asa. Si Srila Guru Maharaj ay pumanaw naman sa mortal nating pananaw noong 1988, matapos niyang maitalaga bilang kahalili ang kanyang pinakamamahal na disipulo, si Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj. Ang kaningningan ng katauhan ni Srila Sridhar Maharaj ay matinding nagnining-ning sa puso nang kanyang mga disipulo, mga apong-disipulo at kanilang mga tagasunod sa buong panig ng mundo, at doon din sa lugar ng kanyang bhajan [kanyang pinagsasambahan], sa napakagandang Sri Chaitanya Saraswat Math na nasa Nabadwip. Sa gitna nang naganap na kaguluhan noong unang buwan ng 1982, marami sa mga deboto
iv

ang naghanap ng gabay para sa kanilang espirituwal na buhay, at napapunta sa Sri Chaitanya Saraswat Math, kay Srila Sridhar Maharaj. Ang babasahing ito, ang ‘Ang Panggising sa Kalubusan’ ay hango sa pakikipagtalakayan sa pagitan ni Srila Sridhar Maharaj at ng mga deboto. Ang totoo, noon pa ma’y matagal na naming alam ang napakagandang hiyas ng talakayang ito, na ibig sana naming ilathala at ilimbag subalit hindi namin matagpuan ang record. Minsan, noong ako’y nasa Norway taong 1997, hindi ko akalaing makita ko ang video ni Srila Sridhar Maharaj na ipinapalabas sa bahay ng isang deboto, at naku! Salamat naman, kami’y pinagpala dahil nakopya namin ang audio, at nailay ang saling-wika nito. Noon, dalawang maiikling aklat hango sa pakikipag-usap din kay Srila Sridhar Maharaj, na may pamagat na “Aliw ng Tahanan” at “Panloob na Kasiyahan”, ang nailabas na. Bagama’t ito sana ang gagawin naming pambungad na pananalita tungkol sa buhay ng espirituwal na debosyon, na maaaring ilabas sana sa madla, dahil may mga matataas at malalalim na konsepto din ito. At ang isa pa, malaki talaga ang naitulong ng aklat na ito na
v

labis na nagustuhan ng mga deboto sa buong mundo. Marahil ang “Ang Pang-gising sa Kalubusan” ay masasabi nating ikatlo sa kabuuang trilohiya nang aklat na ito. Sa aklat na ito, si Krsna ay ganap na tinutukoy at inilalahad bilang pinaka-aspeto nang Di Mapagaalinlanganang Katotohanan. Kung kaya’t masasabi talaga nating ang kamalayan kay Krsna ang pinaka-summum bonum ng lahat ng espirituwal na paghahanap. At dito sa tema nang mga aklat na ito – ang likas na paghahanap ng bawat nilalang sa kasiyahan, na tanging tao lamang ang maaaring makaranas—ang paghahanap na ito, na nagsimula sa nabanggit na katauhan, ay isang pagpapala para sa isang kaluluwa dahil magkakaroon siya nang higit na pagkakataon upang makapaglingkod. Bagama’t sinasabing ang pinaka-pangunahin at pinaka-mahalagang katangian sa lahat—o ang ‘panimulang katangian’ ay ang ating matapat na pananalig [ang sraddha]—na sadyang kailangan ng mga taong naghahangad ng espirituwal na buhay, isang kamalian ang sabihing ang espirituwal na buhay ay walang-basehan, padalos-dalos o hindi ‘siyentipiko.’ Kaya sa
vi

pamamagitan ng tunay na pagsasagawa nang espirituwal na buhay sa ilalim ng isang ekspertong gabay, at gayun din sa tulong ng Banal na Pagpapala, ang layuning ito ay ating mauunawaan sa pamamagitan ng tatlong yugto—at ito ang pupukaw o magmumulat sa kaluluwa. Ang sabi nga mismo nang Panginoon ay, “Sa lahat ng uri nang karunungan, sa lahat ng uri nang siyentipikong pag-aaral, Ako ang espirituwal na siyensya nang sarili, nang ating katauhan – ang kaalamang tumutukoy sa kaluluwa.” [Bhagavad-gita 10.32]. Ganunpaman, dito sa siyensyang ito ni Krsna, ang mga ginawa natin ay hindi maaaring suriin tulad ng mga naging kaugalian, dahil ang mga ginawa natin—kung tutuusin ay hindi talaga maaaring ‘pag-eksperimentuhan’, o kaya busisiin, sa pamamagitan ng mga kung anuanong aparato, kundi sa pamamagitan mismo nang taong nag-eksperimento nito. Samakatuwid, ang resulta ay mismong makikita natin sa mga taong gumawa nito. Kung kaya’t, para sa mga hindi pa binyagan, doon sa mga taong wala pang panimulang binyag, ang mga karanasan natin sa ating
vii

relihiyon ay di-talaga mawaring misteryo. Tulad ng sinabi ni Sri Krsna kay Arjuna: “Ang pagkamulat sa mga espirituwal na bagay ay parang gabi sa mga namatanda nang materyal na kababalaghan, subalit ang mga mulat na kaluluwa na nagkaroon ng espirituwal na kaalaman ay nananatiling gising, at tuwirang nagtatampisaw sa banal na kalugud-lugod na kasiyahan. Samantalang doon sa mga taong gumon naman sa materyal na kasiyahan—doon sa mga taong naakit ng mga panandaliang materyal na kasiyahan at mga taong salat sa espirituwal na kasiyahan—dahil sa pabaligtad nilang pagtahak sa buhay, ay parang gabi naman sa mga taong namulat na.” [Bhagavad-gita 2.69]. Mapalad ang isang taong nagsasaliksik kapag tunay at seryoso ang kanyang paghahanap, dahil tiyak itong makahahanap ng buhay na kinatawan, tulad sa naitalang payo nang Panginoon sa Bhagavad-gita kay Arjuna, na Kanyang disipulo: tad viddhi pranipatena, pariprasnena sevaya upadeksyanti te jñanam,
viii

jñaninas tattva-darsinah (Bhagavad-gita 4.34) “Sa pamamagitan ng nakadapang pagbibigaygalang, makatwirang pagtatanong at matapat na paglilingkod, ang kaalamang ito’y inyong matatamo sa inyong maestrong pang-espirituwal dahil siya ay napaligaya mo. Dahil ang mga dakilang kaluluwang ito, na pinaka-dalubhasa sa kaalaman ng mga banal na kasulatan at tuwirang nakakakilala sa Supremong Di Mapagaalinlanganang Katotohanan, ang magtuturo sa inyo nang banal na kaalaman.” Ang katangi-tangi sa mga naging pahayag ng Kanyang Banal na Pagpapala Srila Sridhar Maharaj, ay ang paggamit niya nang mga talata mula sa banal na kasulatan, na bawat linya ng salita ay kanyang ipinapaliwanag at inilalahad maging ang maganda at nakatagong buhay na kahulugan nito. Dito, ipapakita din natin ang isang mala-siyentipiko, malinaw at walangkinakatigang paglalahad habang tumataas ang ating kaisipan o kamalayan, magmula sa pagkilala nang ating sarili—brahma-bhutah prasannatma [Bhagavad-gita 18.55] hanggang doon sa eternal at sagradong paglilingkod, muktir hitvanyatha rupam, sva-rupenaix

vyasastitih: ang unti-unting pagkamulat ng kaluluwa, hanggang sa maabot natin ang pinaka-rurok, “ang buhay na pakikipag-ibigan kay Krsna”—na naging titulo nga ng aklat na ito. Ang nais namin, hangga’t-maaari, habang isinasalin sa panulat ang mga ipinapahayag ni Srila Sridhar Maharaj, ito’y talagang nakapaloob sa diwa nang kanyang ‘damdamin’ at ‘agos’. At kapag di-na talaga maiwasan, ito’y saka pa lamang namin inaayos, na kasing-linaw din at tulad ng kanyang mga ipinahayag, (lalu na) sa mga magbabasa na hindi pa talaga pamilyar sa puro-espirituwal na pananalita ni Srila Sridhar Maharaj na talaga namang kaakitakit at parang tumutula. Sa katapusan ng aklat na ito ay makikita ninyong isinama na rin namin ang ilang talata tungkol sa pag-awit at pag-usal ng Banal na Pangalan, ang yuga-dharmma, ang inirekumendang pamamaraan upang maunawaan ang espirituwal na kaalaman sa kasalukuyang panahon. Talagang napakahalaga nang mga binitiwang pangungusap dito ni Srila Sridhar
x

Maharaj na tumatalakay sa konsepto nang kamalayan kay Krsna, ang totoo, nagulat pa nga kami dahil hindi pa ito nailabas ng kanyang mga disipulo noong 1980’. Ganun pa man, mayroon pa namang mga naiwang-yaman (na sa palagay namin, magmula noong 1979-1988, ang mga nairekord sa loob ng siyam na taon ay aabutin pa sa mga 80 aklat!); at ang isa pa, kung sakali, isang napakalaking pagkakataon, para sa inyong abang-lingkod ang muling makapaglingkod pa sa gawaing ito. Bilang pagwawakas, buong kasiyahang inihahandog namin sa inyong lahat ang mga pahayag na ito nang Kanyang Banal na Pagpapala. B.S. Tridandi Swami Kapistahan sa Pagdiriwang ng Paggunita sa Sannyasa-lila ni Sriman Mahaprabhu Ika 15 ng Enero, 1999

xi

pramanais tat sadacarais tad abhyasair nirantaram bodhayann atmanatmanam bhaktim apy uttamam labhet “Ang Pinaka-Supremong Debosyon ay ating makakamit sa pamamagitan ng dahan-dahang pagtaas ng kamulatan ng katutubong katauhan natin at ito’y ating magagawa sa pamamagitan ng walang-tigil na paglinang sa mga kautusang ipinag-uutos sa atin ng mga kinauukulan, at sa pamamagitan ng paggawa nang kabutihan at pagsasanay sa espirituwal na buhay.” [Sri Brahma-samhita talatang 59]

xii

Purihin ang Kadakilaan ng Sri Guru at ni Sri Gauranga

Unang Bahagi Nagising mula sa Panaginip
Srila Sridhar Maharaj: Makikita natin ang talatang ito sa Srimad-Bhagavatam: avismrtih krsna-padaravindayoh ksinoty abhadrani ca sam tanoti sattvasya-suddhim paramatma-bhaktim jnanam ca vijnana-viraga-yuktam (Srimad Bhagavatam 12.12.55) (Ang sinumang nakaka-alala sa lotus na paanan ni Krsna, ang lahat ng kasamaan at kamalasan nito’y agad na nawawala, at ito’y nagkakaroon nang mabuting kapalaran. Sa madaling salita, hindi na kayo marurumihan nang mga materyal na bagay, magiging malaya na kayo, at kayo’y hindi na muling ipapanganak at mamamatay, kung ganoon, simulan na ninyo ang inyong espirituwal na buhay. At habang ang puso ninyo’y unti-unting nalilinis, at mamumulat, ang debosyon ninyo sa ating Panginoon ay magigising ang debosyon ninyo sa Panginoon
1

na nasa kaloob-looban ng puso ninyo, at ang Paramatma ay inyo nang malalaman. Dahil dito, unti-unti kayong matututo, magkakaroon kayo nang kaalaman [jnana], kayo’y mamumulat [vijñana], at magkakaroon ng renunsyasyon [vairagya], pagtalikod sa materyal na gawain.”). Sa pamamagitan ng kamalayan kay Krsna at ng pag-alala sa lotus Niyang paa—krsnapadaravindayoh, ang ating abhadra, ang mga bagay na di kanais-nais, na maaaring makasama sa atin ay mapupuksa at madudurog. At ang lahat ng klaseng masasama, nakakarimarim, at ang lahat ng maruruming bagay na nasa loob natin ay mapupuksa at madudurog din habang walang-patid nating isinasagawa ang kamalayan kay Krsna. Kahit saang yugto pa ito umabot, kahit ito’y nasa pinakamababang-antas pa, kahit ito’y kakarampot o may-dampi lamang ng kamalayan kay Krsna, ay sapat na upang puksain ang mga di kanais-nais na bagay na umuugnay sa atin na nasa ibaba. Ito’y magdudulot sa atin ng kabutihan: sattvasva-suddhim, tayo ay magiging mabuting tao; at magiging malinis ang ating kaluluwa. Ang ating pananaw, ang ating
2

kaalaman, ang ating mithiin – ang lahat ng ito, ay magiging malinis din. At, paramatmabhaktim: tayo ay magkakaroon na nang debosyon, magiging malapit ang ating kalooban sa pinaka-super na pangunahing lupain; at ang ating kaalaman, ang ating konsepto tungkol sa – jñanam ca – ay magiging maayos na. At ang karunungang ito – ang konseptong tumatalakay sa Kanya – ay magiging vijñana, magiging maayos na konsepto, at tayo ay magiging virago-yuktam, mawawalan na nang interes sa materyal na mundong ito. Kaya kahit anu pa ang mangyari, manatili parin tayo sa kamalayan kay Krsna. At ang naging payo nga nila sa atin ay: manatili sa kamalayan kay Krsna, dahil ito ang ating gamot. Tanging ito lamang ang medisinang makapagbibigay sa atin ng kamalayan kay Krsna, ang maaaring magbigay-lunas sa mga nararamdaman natin at maaaring tumuklas ng kamalayan kay Krsna na nasa kaloob-looban natin. Liwanag ng Ilaw Ang lumikha sa kamalayan kay Krsna ay kamalayan din kay Krsna! Dito ang kailangan
3

natin ay tulong ng isang saddhu na may tangan ng kamalayan kay Krsna. Ito’y parang pagpapadingas ng kandila mula sa isa pang kandila. Ang kandila ay hindi kusang nagdidingas, kundi,, ito’y sinisindihan mula sa isa pang kandila – parang ganito. Kaya kailangang gisingin natin ang nakalibing na kamalayan natin kay Krsna na natatabunan nang ‘anyabhilasakarmma-jñana’ (ng mga taong nais tumikim ng kanilang ginawa, mga taong makasarili, mga taong nais ng materyal na kasiyahan, panandalian man o ‘hindi’; at mga taong naghahanap ng pilosopiya sa buhay o espirituwal na kaalaman na wala namang debosyon sa Panginoon.); kaya, ang liwanag na ito, ang pakikisalamuha natin sa saddhu na ito, ang siyang tutulong sa atin upang gisingin ang natutulog na kamalayan natin kay Krsna na nasa kaloob-looban natin, nang sa ganoon, muling bumangon ang kamalayang ito at ipakita ang kanyang katauhan sa atin. Kaya ang dapat nating gamiting pamamaraan ay ang: saddhusangha – krsna-bhakti janma-mula, haya sadhusangha – ang makisalamuha at makisama sa saddhu, sa mga deboto ni Krsna, dahil ito ang pinaka-ugat at sanhi nang ating kamalayan kay Krsna.
4

At ang isa pa, ang sabi nila, ang kamalayan kay Krsna ay ahaituki, ito’y kusang sumusulpot lamang. Kung ganoon, papaano natin makukha ang katotohanang ito? – ito’y sa pamamagitan ng Krsnabhakti, sa pamamagitan ng pananalig natin kay Krsna, ng debosyon natin kay Krsna, at sa saddhu; kung ganun, bakit sinasabing ito’y basta ‘sumusulpot’ lamang? Hinggil sa bagay na ito, ipinaliwanag ni Srila Visvanatha Chakravartti Thakur ang ibig sabihin ng talatang ahaituki na nakasaad sa Srimad-Bhagavatam [1.2.6]: sai vai pumsam paro dharmo yatho bhaktir adhoksaje ahaituky apratihata yayatma suprasidati (“Ang pinaka-supremong gawain o tungkulin [dharma] para sa sanlibutan ay ang mga bagay na makapaghahatid sa atin sa debosyunal na paglilingkod, doon sa transedental na Panginoon. Dahil ang mga ganoong debosyunal na paglilingkod ay kusang umuusbong at hindi maaaring pigilan, at ito’y nagbibigay nang ganap na kasiyahan sa ating sarili”) – At dito, sa naging paliwanag ni Srila
5

Visvanatha Chakravartti Thakur, ang krsnabhakti ay ahaituki, kusang umuusbong ng walang kadahilanan, at ito’y apratihata din, tuluy-tuloy—kaya kapag ito’y nagising na sa ating puso, tayo ay makakaramdam ng isang kahanga-hanga at kasiya-siyang bagay, yayatma suprasidati. Ang kasiyahang ito’y magmumula sa ating puso, at ito’y ating mararamdaman. Ahaituky apratihata: kusa itong uusbong; at ito’y hindi natin maaaring pigilin, ito’y hindi rin maaaring kontrahin, dahil hindi din ito tinatablan – parang ganito. Ang bhakti ay nagmumula din sa bhakti. Kung kaya’t tinatawag ito na ahaituki. Katulad sa isang kandila, na sinindihan ng isa pang kandila. Magmula sa liwanag, nagkaroon ng liwanag. Ito’y sa ganitong paraan natin mahahanap, at dapat nating maunawaan: ang orihinal na Liwanag, ay eternal, ito’y mag-isang namumuhay at kusang tumutulong din sa iba, nang walang dahilan, walang kadahilanan, at ‘kusang umuusbong’. Ang sanhi nito’y eternal na nananalantay na sa kanya, at tumutulong. Ang Kuneksyon sa Kapatagang Dahilan ng Lahat

6

At ang isa pa, ang bhakti ay apratihata: kung titignan natin, ito ay pansamantalang parang nalalabanan, o napipigilan, subalit: nehabhikrama-naso ‘sti pratyavayo-na vidyate – [“Kahit ang maliit na pasimula sa debosyunal na paglilingkod ay hindi masasayang o mababalewala.” Bhagavad-gita 2.49] –Hindi ito mawawala sa inyo! Maaaring pansamantalang napipigilan, subalit ito’y mananaig pa din – dahil may eternal itong katangian. Ang katangian ng mga ginawa ninyo ay eternal: may kuneksyon sa etenal na aspeto nang sandaigdigan. Kung kaya ito’y isang ‘apratihata’. Ang ganitong uri ng buhay ay dapat nating puntahan, kailangang iugnay natin ang ating mga sarili sa ganoong uri ng antas ng buhay – sa ganoong klaseng kapatagan, sa ganoong uri ng pangunahing buhay, kasamahan, o kalagayan. May ganito talagang buhay; ang kailangan lamang ay magkaroon tayo nang kaugnayan dito. Sistematikong Kaalaman Kaya, mula sa talatang ito ng SrimadBhagavatam:
7

avismrtih krsna-padaravindayoh ksinoty abhadrani ca sam tanoti sattvasya-suddhim paramatma-bhaktim jnanam ca vijnana-viraga-yuktam (Srimad Bhagavatam 12.12.55) Makikita natin sa talatang ito, ang salitang jñanam ca vijñana virago-yuktam – na ang ibig sabihin ng ‘jñana’ ay direktang kaalaman ng isang bagay, at ang salitang vijñana’, ay sistematikong kaalaman naman. Maging doon sa Bhagavad-gita, ang salitang ‘vijñana’ ay ating makikita: jnanam te ‘ham sa-vijnanam, idam vaksyamy asesatah yj jnatva neha bhuyo ‘nyaj, jnatavyam avasisyate (Bhagavad-gita 7.2) [“Ngayon, Akin namang ganap na ilalarawan sa iyo, na may timpla nang banal na katamisan, ang Aking malawak at kahanga-hangang kapangyarihan. Na kapag ito’y inyong naintindihan, wala ka nang dapat pang malaman, dahil ikaw ay malalagay sa napakaganda, kasiya-siya at matagumpay na landas”]—
8

Dito ang ibig sabihin nang jñana ay pangkalahatang kaalaman, kabuuan, at ang salitang vijñana naman ay kaalamang tungkol sa kaliit-liitang bahagi nito – na parang isang sistema, maayos o sistematikong kaalaman. Kaya ang salitang: jñanam ca vijñana-viragayuktam, ay tumutukoy sa isang ‘sistema’, mga iba’t-ibang grado ng pamamaraan, ng mga bahagi nito. Nasa Ayos na Pagka-akit At ang ‘viraga’—ang salitang viraga ay may dalawang kahulugan: ‘negatibo’, at ‘positibo’. Ang negatibong kahulugan ay: hindi ka na maaakit pang muli sa mga bagay na ‘walang kaugnayan sa Diyos’, na ang ibig sabihin, hindi ka na muling maaakit pa sa anumang kamunduhan, hindi ka na maaakit ng anumang materyal na ‘pangangailangan’. At ang positibo naman ay ang: visisyate-raga – matinding [visisyate] pananalig [raga] –ganitong klaseng pananalig ang dapat nating sundin at tanggapin, ang proseso nang ‘pagpili at pagtapon’, ito ang pananalig na nasa tamang lugar.

9

Ang pagkaakit ninyo sa [Kanya, sa Diyos] ay hindi magiging hilaw o haka-haka: “Mabuti ‘to; ‘yan ay masama; ah, ito mayhalo…”, kundi habang tumataas ka nababawasan naman ang pagka-akit mo, nababago ang umaakit sa inyo. Ito ang ibig sabihin nang virago-yuktam. Kaya ang karunungang ito ay: jñanam ca vijñanam-viragayuktam’: karunungang kaakitakit sa atin at sa naranasan nating ‘sistema’, na – humigit-kumulang – siyang nakakakilala talaga sa ganoong uri ng damdamin – at sa bawat bahagi ang lahat ng ito ay kailangan natin. Kumikilos ayon sa tungkulin: “iba ang kahalagahan ng mata, at iba din ang kahalagahan ng kamay, sila’y hindi pantaypantay”; subalit magkakasamang gumagalaw sa iisang partikular na sistema. Sama-samang gumagalaw: kaya saanman tayo, anuman ang gawin natin, kumilos tayo ayon sa ating mga pangangailangan – kumilos ayon sa tamang galaw. Kaya, “ang ulo ay higit na masmahalaga kaysa paa.” Sa paraang ito, unti-unting magiging maayos ang sarili mo sa umiiral na sistema.

10

Sa umpisa, hindi pa ito malinaw, ‘lahat sila’y kaakit-akit pa sa atin’, subalit sa pagtagal, ang pagka-akit nating ito ay mapapaloob sa isang sistema. At hangga’t napapalapit naman tayo sa bahaging iyon – doon sa umaakit sa atin – [Siya] ay inyong makikilala sa pamamagitan ng sistematikong pamamaraan. Masmalinaw na Konsepto Kaya: avismrtih krsna-padaravindayoh ksinoty abhadrani ca sam tanoti …. Ang inilalarawan dito, ay ang kabuuan ng landas para sa maayos na pag-unlad. At pagkatapos, ang ‘sattvasya-suddhim’: habang tumataas ang inyong kaalaman, ang mga bagay na di-kanais nais at hindi kailangan ay mapapalis. Higit na nagiging malinaw ang konsepto nang ating kaisipan – magiging malinaw na malinaw. At habang ito’y nagiging malinaw, ang mga bagay na di-kanais nais, ang mga bagay na hindi natin kailangan, ay untiunting maglalaho, hanggang sa maabot natin ang perpektong kaisipan: sattvasva-suddhim. Sa simula, magkakaroon muna kayo nang kaalaman tungkol sa ‘sattva’ [katotohanan], na
11

ito’y ‘eternal’ pala, sat-cit-ananda (eternal na katotohanan, kamalayan at kalugud-lugod na kasiyahan), hanggang sa unti-unting maging malinaw na ito at maging purong kaalaman na natin. Ganito ang pagtaas natin sa kamalayan kay Krsna. Sa simula, ang makikita muna natin ay ang ‘matinding liwanag’; hanggang sa ito’y magka-anyo, magkaroon ng pigura; pagkatapos ang kanyang lakas o kapangyarihan ay atin ng mararamdaman; hanggang sa ‘lila’ [mga pagaaliw] nang kapangyarihang ito. Kaya sa ganitong pamamaraan, habang papalapit tayo nang papalapit, maraming maliliit at katiting na bagay – ang buong cit-vilasa (ang mga espirituwal na bagay na nasa kapatagan ng kamalayan) ay ating makikita. At habang ikaw ay papataas ng papataas, ikaw ay papalapit din ng papalapit sa tinutukoy mo, at ang iba’t-ibang bagay na nasa kapatagang iyon ay iyo namang mapagmamasdan. Habang ikaw ay pataas ng pataas –pataas ka din ng pataas sa bhakti, sa debosyon.

12

Purihin ang Kadakilaan ng Sri Guru at ni Sri Gauranga

Ikalawang Bahagi Ang Landas ng Puso
Srila Sridhar Maharaj: May gusto bang magtanong? Disipulo: Doon po sa Bhagavad-gita, ang sabi ni Krsna ay: bahunam janmanam ante, jnanavan mam prapadyate vasudevah sarvam iti, sa mahatma sudurlabhah [Bhagavad-gita 7.19] (“Sa bandang huli, ang isang jñani, matapos siyang maraming ulit na maipanganak, at maunawaan niyang [dahil nakasama niya ang Aking dalisay na deboto], ang buong sandaidigang tinatahanan ng mga gumagalaw at di-gumagalaw na nilalang, ay katulad din pala ni Vasudeva, at sila’y nasa ilalim din ng Kanyang kapangyarihan.) [at Ako, bilang si Vasudeva, ang bukal ng lahat-lahat ng ito.] Ang
13

kaluluwang ito, matapos niyang maunawaan ang konseptong ito, ay agad na nagpapailalim sa Akin. At ang mga ganoong klaseng tao ay pambihira talaga.” Ano po ba talaga ang ibig sabihin nito? Srila Sridhar Maharaj: Ang iba’t-ibang konsepto nang paniniwala ay nagmumula sa konseptong brahma. Dahil doon sa konseptong brahma ang lahat ng ito’y mga ‘pinagsamasamang’ kamalayan: ‘lahat ay pawang nagiisang ‘kamalayan muna’. At pagkatapos, sa pamamagitan ng masmalalim na pananaw: makikita natin sa loob ng kamalayang ito ang kanilang indibidwal na kamalayan. Mayroon silang kanya-kanyang kamalayan at sariling katauhan. Kamalayan at Katauhan Ang totoo, walang kamalayan o anumang bagay na may isip ang walang indibiwalidad, o katauhan. Kaya, kapag sinabing kamalayan ito ay tumutukoy sa katauhan: sa kanyang personalidad at sa kanyang kamalayan, at sila’y maaaring paghiwalayin. Ang nakikita nating iba’t-ibang katauhan, ay sinag lamang ng kanilang katauhan – parang ganito. At ang
14

‘sinag’ na ito ng brahma – ay kumbinasyon din ng kanilang maliliit na katauhan, kumbinasyon ng mga kaluluwa. May dalawang uri ng sustansya: ang ksara, na nagbabago, naglalaho; at aksara, dinagbabago, eternal. Sinabi nang Paninoong Krsna sa Bhagavad-gita [15.16]: yasmat ksaram atito ‘ham aksarad api cottamah ato ‘smi like vede ca, prathitah purusottamah [Bhagavad-gita 15.18] “Ako si Purusottamah – na higit pa sa dalawang sustansyang ito, sa ksara at aksara. At bilang si Purusottama, ang Supremong Katauhan, ang mga kadakilaan Ko ay inaawit sa buong mundo at sa mga banal na aklat.” Ang ibig sabihin ng ‘Purusottama’ ay Vasudeva. Kaya, bahunam janmanan ante …; ang mga jñanis, na nasa impersonal na pamantasan, matapos silang paulit-ulit na ipanganak, ay darating din sa kaalamang tumutukoy kay Vasudeva, sa personal na
15

katauhan ng Pinaka-pangunahing Dahilan ang Lahat. Ang Tunay na Debosyon – ay Pambihira Talaga Subalit ang mga ganoong klaseng jñanis ay mahirap hanapin. Dahil karamihan sa kanila ay hindi makatawid sa linyang ito. Sila’y agad na naliligaw: ye ‘nye’ ravindaksa vimukta-maninas tvayy asta-bhavad avisuddha buddhayah aruhya krcchrena param padam tatah patanty adho ‘nadrta-yusmad anghrayah [Srimad Bhagavatam 10.2.32] (O Panginoon, na may matang parang lotus, akala nang mga taong walang debosyon sa Inyo sila’y malaya na at nakarating na sa pinakamataas na kalagayan dahil sa matinding pag-aayuno at pagpipinitensya, subalit ang isipan nila’y nananatiling marumi parin. Puro pagbabaka-sakali lamang ang kanilang ginagawa at ayaw magpailalim pa sa Inyo. Sila’y muli paring babagsak dahil wala silang respeto sa lotus na paanan Mo, dahil akala nila, sila’y masmataas pa sa materyal na kalagayan”).
16

Pangkaraniwan nang, dahil sa kanilang matinding pagsisikap, ang mga jñanis ay nakakaabot sa pinakamataas na kalagayan, at kapag ang “kamalayang ito, na pagiging isang ‘tao’” -- ay hindi parin nila nakuha – sila’y muli na namang babalik. Kailangan pa nilang bumalik, kaya sila bumabagsak. At ang sinumang makatatawid sa linyang ito, ang sinumang makakaunawa nito ay ganito ang masasabi: “Ah ganun pala, ang ibig sabihin pala ng kamalayan ay katauhan –Malaki pala ang Kanyang katauhan, at ako’y maliit lamang …”, dito nagsisimula ang bhakti. Dito natin makikita ang relasyon ng nasa ibaba at nasa Itaas. At ang sa mahatma sudurlabhah—ang mga ganoong klaseng tao, sa grupo ng mga jñanis, na makapagbibigay sa atin ng kuneksyon sa pinakamataas na aspeto ng buhay, ay mahirap talagang hanapin. Dahil karamihan sa kanila ay bumabagsak at muling bumababa dito. Nararating lamang nila ang mataas na lugar na iyon sa pamamagitan ng matinding pagpipinitensya, subalit dahil hindi nila matanggap na “sa pamamagitan lamang pala ng debosyon maaari nating makasama ang nasa Itaas”, sila’y muling bumabalik.

17

Katauhang may Angkop na Kapangyarihan Subalit ang mga taong nagsasabing: vasudevah sarvam iti, si Vasudeva – si Purusottama – ay may katauhan, ay maaari nang ‘tumawid’ at pumasok sa Vaikuntha, doon sa loob ng paglilingkod. At doon sa lugar na iyon, ang sabi nila, habang lumalawak ang ating pananaw, ang kapangyarihan sa katauhan ng Diyos ay ating makikita. Hanggang sa maging deboto tayo nina Laksmi-Narayan, at tuluytuloy ng makapasok sa loob ng Vaikuntha-seva. At sa paglilingkod na iyon, tayo ay mapapahanga sa Kanilang kapita-pitagan at kagalang-galang na kalagayan; at doon din sa lugar na iyon ay makikita natin ang mga panuntunang shastric (mga panuntunan ng banal na kasulatan), at tulad din ng mga ipinapakitang halimbawa nang mga matataas na kaluluwa na magiging gabay natin. Ang Paghahanap nang Magagawa At doon sa Vaikuntha-seva,kapag napansin ng isang kaluluwa na wala siyang masyadong gawain, ito’y nakakaramdam ng isang uri nang pagka-uhaw na hindi mapawi-pawi. At
18

maghahanap ito nang ibang masmalinis at dalisay na rasa (particular na damdamin ng isang kaluluwa habang naglilingkod o nakikipag-relasyon sa Panginoon, at ang ‘lasa’ na kanilang nararamdaman), kaysa sa panandaliang paglilingkod (dasya-rasa). At sa bandang huli, ang serbisyo sa madhura-rasa – ang ginagawa nang magsingirog, nang magkatipan – ang maghihikayat sa inyong muling tumaas pa. Mararamdaman ninyong nais pa ninyong tumaas, at muling lumalim pa. At unti-unti, habang kasa-kasama ninyo ang mga ahente nito (ng madhura-rasa), mapapansin ninyong namumulaklak na pala ang puso ninyo. Mamumulaklak nang todo, habang unti-unting dadalhin kayo nang puso ninyo sa Goloka Vrndaban (ang pinaka-supremong planeta sa lahat ng espirituwal na mundo, doon sa lupain ng Panginoong Krsna)…. Ang Serbisyo nang Magandang Realidad At mapapansin ninyong ang dati nating napag-alamang ‘brahma’; pagkatapos, Paramatma, o Vasudeva; at Laksmi-Narayan – na unti-unting dumadating sa atin ay kamalayan
19

pala kay Krsna, at hindi pala kamalayan kay Narayan. Dahil matapos nating lagpasan ang kamalayan kay Narayan, tayo ay mapapapunta naman sa Realidad ng kamalayan kay Krsna. Magigising tayo – at pagkatapos nating mamulat mapapansin ninyong kayo ay nasa ibang kapatagan na pala at ang prinsipyong umuugnay sa atin sa lahat ng bagay, ang prinsipyong kumakatig sa lahat, ay hindi na si Narayan kundi si Krsna na – dahil ipapakilala dito mismo ni Krsna kung ano Siya. Kayo ay lubusan na talagang magigising. Ang puso ninyo ay lubusan na talagang magigising, at ang lahat ng nasa paligid mo ay ganap na kumpleto, dahil naroroon nang lahat ang mga hinahanap mo. Ito ang tinatawag na tunay na teismo. Ang tunay na teismo ay teismong makapagbibigay sa atin ng ganap na kasiyahan. Katulad ng pagdilat ng ating mga mata, ang mundo ay agad nating nakikita, maging ang mga maliliit na bagay ay atin nang nakikita, kaya, habang lumalawak ang ating kamulatan, makikita naman natin ang isang partikular na mundo, isang partikular na kapaligiran, at ito ang Vrndaban – ang Goloka Vrndaban, ang lupain ng pag-iibigan. At doon sa lugar na iyon, lahat sila’y walang-tigil na kumikilos; nasa lahat
20

ng sulok, at ang lahat ng nasa paligid natin ay pawang mababait. Simpleng namumuhay at sobrang mababait; at lahat sila’y punung-puno nang kasiyahan sa kanilang ginagawa. At doon naman sa loob ng Vrndaban, ay parang ayaw mo nang umalis, o magpalit ng kaibigan; ang tanging uhaw na iyong nararamdaman ay ang, eternal na pagka-uhaw, ang pagka-uhaw na mapalapit pa sa kanila, ang mapalapit ang ating kalooban sa kanila. Doon ay hindi mo na maiisip na maghanap pa nang masmataas na kapaligiran –dahil halos narating na ninyo ang pinaka-sukdulan – at ang tanging nalalabi na lamang, ay kung papaano natin mapapalapit ang ating kalooban sa mga nakapaligid sa atin. At ito ang mag-uudyok sa atin upang kumilos: upang higit na mapalapit pa ang ating kalooban sa mga nakapaligid sa atin. Ang mga nakapaligid sa atin ay pawang eternal, subalit dahil sa tindi nang paghahangad nating mapaugnay sa kanila – nagkakaroon ng ‘kumpetisyon’, nagkakaroon ng pagalingan (habang naglilingkod ng buong pagmamahal). At may mga sinusunod na panuntunan hinggil sa mga bagay na ito.
21

Ang Pagsanib sa Kamalayan kay Krsna Ito ang nangyayari habang tumataas tayo. Doon ay makikita natin ang uri ng ‘pangangailangan’, na nagpapagalaw sa mga ginagawa nating paglilingkod. At ito’y paulitulit na nagaganap – at ang ‘paulit-uli’ na ito’y nananatiling sariwa at bago! Hindi lumuluma, kahit lumipas pa ang mahabang panahon. Halimbawa, sa umaga, araw-araw tayong nagugutom, masarap kumain, subalit doon sa lugar na iyon hindi palaging ganito – hindi sa lahat ng oras ay nagugutom tayo, parang ganito. Kaya, lahat ay masarap tikman, at hindi napapanis. Doon sa kapatagang iyon, ang oras ay tumatakbo, subalit ito’y eternal. Ang nangangasiwa nito ay si yogamaya (ang panloob na kapangyarihan ng Panginoong Krsna, na nangangasiwa at nagpapatakbo nang kanyang lila). At sa bandang huli, ang pinaka-masayang bahagim, ang ganap at lubos na kasiyahan ng lahat ng mga bahagi ng ating sistema, ang ganap na kasiyahan nang lahat ng atomo sa ating espirituwal na katawan ay atin ng matatamo:
22

priti anga lage kale, priti anga mora – “Ang bawat bahagi nang aking katawan, ay nagsusumamong makasama ang ibang bahagi ng aking katawan.” Darating tayo sa yugtong, ang sambandha – ang relasyon natin sa mga nakapaligid sa atin – ang lahat ng atomo sa aking espirituwal na katawan at isipan ay maghahangad upang mapasama at makahalubilo ang bawat bahagi nang mga nasa paligid natin. At dahil lahat sila’y pawang nagkakasundo, anuman ang kanilang gawin ay inaayos ni yogamaya. At ito ang pinakamataas na konsepto. Priti anga lage kale, priti anga mora – “Ang bawat atomo sa katawan ko ay nagmamahal sa mga nakapaligid sa akin, at ito si Krsna. Ako’y napapaikutan na nang kamalayan kay Krsna.” Ang ibig sabihin ng ‘napapalibutan na’ ay, “Saanmang dako sila’y nakayapos sa akin; nawala ang sarili ko sa kamalayan kay Krsna, sa mga nakapaligid sa akin. Ang bawat atomo sa aking katawan ay nakakaramdam ng kanya-kanyang kasiyahan habang Kanyang yakap-yakap….” At ang bagay na ito’y maaaring mangyari lamang sa pamamagitan ng magsing-irog na pakikipag-relasyon sa Kanya, dahil ang lahat ng
23

atomo sa katawan mo ay Kanyang yayakapin, Kanyang bibihagin, habang papalapit ng papalapit ang kalooban natin sa Kanya. Ang tawag dito ay adi-rasa, o kaya ay mukhya-rasa. Ang tawag sa madhurya-rasa ay adi-rasa, na ang ibig sabihin ay, ito ang pinaka-orihinal sa lahat, ito ang pinaka-bukal ng lahat ng iba pang rasas, dahil sa kanya nakasalalay ang buhay nang lahat ng rasa. Kung kaya’t tinatawag siyang ‘adi-rasa’. At ang mukhya-rasa naman ay: ang kabuuan nang lahat ng ‘rasas’ – ang sabi sa atin ito na ang pinaka-diwa, ito na ang kabuuan nang lahat ng ito. At ito ang dalang regalo ni Mahaprabhu noong dumating dito – ang madhurya-rasa. At ito’y anarpita carim cirat, “kailanma’y hindi pa naipapamahagi sa iba” – dahil, ayon sa ating pagkakaalam, wala Siyang pagkakataon upang ito’y Kanyang gawin. Pinakamataas na Pagbubunyag Doon sa aklat na Jaiva Dharma, na sinulat ni Srila Bhaktivinoda Thakur, isang Vaishnava ang nagtanong sa kanyang Gurudeva, “Ayon sa inyo, ang Debosyon ay eternal; kung ganoon, bakit sinasabi ninyong ito’y nagmula kay
24

Mahaprabhu?” At ang sagot sa kanya ni Paramahamsa Babaji, na kanyang Guru ay, “Bumisita ako noon sa Vrndaban at ito rin ang tinanong ko sa eternal na tagapaglingkod ni Sri Chaitanyadeva, si Sanatana Goswami: “Sa katagang anarpita carim cirat – ano po ba ang kahulugan ng talatang “kailanma’y hindi pa natatalakay?” Ang sagot sa kanya ni Sanatana Goswami ay: Ang Bhakti ay eternal; katulad sa mga isinasaad sa ‘Narada-bhakti-sutra’, sa ‘Sandilya-sutra, at sa lahat ng banal na kasulatan – subalit ang dalang debosyon ni Mahaprabhu, ang debosyong dala-dala ni Mahaprabhu Sri Chaitanyadev noong Siya’y nandirito pa ay hindi pa kailanman naibibigay sa tao. Kung kaya’t ito’y tinawag na ‘anarpita carim’. Bakit? Anong klaseng debosyon ba ito? Ito po ‘yun: ang ganap at lubusang pagsuko o pagpapailalim kay Krsna sa pamamagitan ng magsing-irog na pakikipag-relasyon sa Kanya, kung saan ang bawat atomo sa kaluluwang-jiva ay tinatanggap at niyayapos din ng bawat atomo nang kamalayan kay Krsna – nang madhurarasa, ay hindi pa kailanman nailalabas sa publiko. Ito ang aking natuklasan, at pinaniniwalaan. Ang bagay na ito’y maaari
25

ninyong tanggapin o hindi….” Ganito ang naging kasagutan ni Sanatana Goswami sa nagtatanong na Vaishnava: “Ito ang personal na paniniwala ko – bahala kayo kung ito’y gusto ninyong tanggapin o hindi”. Ito ang kanyang naging kasagutan. Ang Daigdig nang Dedikasyon Kaya, doon sa debosyon, ito’y may mga pasimula; naririto ang simula nang debosyunal na buhay, kung saan sinabi ni Krsna ang katagang, vasudevah sarvam iti ….’ (Bhagavadgita 7.19) [“Ako si Vasudeva, ang bukal at sustansya nang lahat”]. Dito nagsisimula ang bhakti, ang pagpasok natin sa elementarya ng debosyunal na paaralan na masmataas pa sa ‘jñana’ – na masmataas pa sa karunungan – at sa vairagya – sa renunsyasyon, sa pagtalikod sa materyal na buhay, ang tawag dito ay santa-rasa (‘balintiyak’ o neutral, ‘walang-pinapalingang damdamin’ para sa Panginoon.). Dito nagkakaroon nang iba’t-ibang grado o baitang tulad ng: dasya-rasa (ang pagpapakaalipin); pagkatapos ang sakhya-rasa (kapatiran); ang vatsalya-rasa (ang pagiging isang magulang); at ang madhura-rasa (pag26

aasawahan). Ang detalye nang lahat ng ito’y nasa ‘ramananda-samvada’. Sa ganitong paraan, ang bhakti ay makikita nating tumataas. Kaya, sistematiko nating alamin ang lahat ng ito, lunukin, lunukin kung ano ang ‘bhakti’. Ngunit sa simula, kailangang maging malawak muna ang ating paniniwala sa positibong mundo, sa mundo nang dedikasyon.

27

Ang ilog ng Godavari. Ang bantog na lugar na pinagganapan nang pamosong pag-uusap nina Sri Chaitanya Mahaprabhu at ni Ramanda Raya.

28

Purihin ang Kadakilaan nang Sri Guru at ni Sri Gauranga

Pang Wakas
Ang pamosong pag-uusap na ito (ang ramananda-samvada) ay naitala ni Srila Krsna dasa Kaviraja Goswami sa kanyang kahangahangang paglalarawan ng buhay ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, sa Sri Chaitanyacharitamrta, [sa Ikawalong Kabanata ng Madhya-lila: “Ang Talakayan sa pagitan nina Sri Chaitanya Mahaprabhu at Ramananda Raya”]. Ang pag-uusap na ito’y sandaling tinalakay lamang ni Srila Sridhar Maharaj, at ito’y aming nabanggit lamang dahil ang ‘ramananda samvada’ ay labis na malapit sa kalooban ni Srila Sridhar Maharaj, at ito’y madalas niyang binabanggit. Iniutos kasi sa kanya noon nang kanyang Guru, si Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur, na hanapin ang lugar kung saan naganap ang makasaysayang pagtatagpong ito, sa tabing-ilog ng Godavari (na nasa Andhra-pradesh, India) at magtayo nang Templo sa lugar na iyon. Maraming ulit nang sinasabi sa atin ni Srila Sridhar Maharaj na naroroon sa loob nito ang kaubuan, ang pinaka29

basehan ng lahat ng paniniwala tungkol sa Vaishnavaismo nang mga taga Gaudiya (mga tagasunod ni Chaitanya). Ang Ginintuang Handog sri-krsna-caitanya prabhu nityananda, sri-advaita gadadhara srivasadi-gaura-bhakti vrnda golokera prema dhana, harinama-sankirttana: Ang Hare Krsna Mahamantra [Ang Dakilang Awit para sa ating Kaligtasan] ay Ginintuang Handog ng Ginintuang Panginoong Sri Chaitanya Mahaprabhu sa mundo, ito’y nagmula pa sa Goloka-dham, sa pinakamataas na espirituwal na kalangitan: Hare Krishna Hare Krishna Krishna Krishna Hare Hare Hare Rama Hare Rama Rama Rama Hare Hare harer nama harer nama harer namaiva kevalam, kaulau nasty eva nasty eva nasty eva gatir anyatha
30

“Tanging ang Banal na Pangalan! Ang Banal na Pangalan! Ang Banal na Pangalan lamang! Ang maaaring magligtas sa atin sa panahong ito ni Kali. Dahil kung hindi natin ito aawitin tiyak ang ating kapahamakan.” [Brhan-naradiya-Purana, 3.8.126] “Ang Kali-yuga ay sinasamba nang mga taong may matataas na kaalaman, dahil batid nilang sa makasalanang panahong ito, ang lahat ng perpeksyon sa buhay ay madali nating makakamit sa pamamagitan ng sankirttan, ng sama-samang pag-awit ng mga Banal na Pangalan ng Panginoon.” Sri Karabhajan Muni (Srimad-Bhagavatam 11.5.36) trnad api sunicena taror abi sahisnuna amanina manadena kirttaniyah sada harih “Ang taong higit na masmapagkumbaba sa damo, at higit na mapagtiis kaysa sa isang puno, handang magbigay-galang sa iba kahit hindi pa siya galangin, ay karapat-dapat upang umawit muli nang Banal na Pangalan ni Krsna.”

31

Sri Chaitanya Mahaprabhu (Siksastakam, 3) sri krsna caitanyaradhakrsna nahe anya, rupanuga janera jivana: “Ang Panginoong Sri Chaitanya Mahaprabhu ay walang iba kundi ang pinagsamang Sri Sri Radha at Krsna, Sila ang buhay at kaluluwa nang tunay na mga tagasunod ni Srila Rupa Goswami (Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur Prabhupad) “Habang isinusuko ninyo ang inyong sarili sa lotus na paanan ni Sri Gauranga, mapapansin ninyong kayo’y nasa ligtas na kalagayan habang naglilingkod kina Sri Sri Radha-Govinda. Huwag ninyo Silang direktang sambahin. Dahil maaaring mapahamak kayo. Masligtas kayo kapag ginawa ninyo ito sa lotus na paanan ni Sri Gauranga.” (Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj) prabuddhe jnana-bhaktibhyam atmany ananda-cinmayi udety anuttama bhaktir
32

bhagavat-prema-laksana “Ang pinakamataas na uri nang Debosyon, ang ating Pag-ibig sa Supremong Panginoong Sri Krsna, ay nagigising sa puso nang bawat deboto sa pamamagitan ng Kaalaman at Debosyon.” (Sri Brahma-samhita – talata 58)

33