You are on page 1of 5

Aralin 4.

1 : Istruktura ng pamahalaang
kolonyal at uri ng pamamahala ng
sinaunang Pilipino
Bilang ng Araw : 1 araw

I.

Layunin:
Naipaghahambing ang istruktura ng pamahalaang kolonyal sa uri
ng pamamahala ng mga sinaunang Pilipino.

II.

Paksang Aralin:
Paksa

Sanggunian

Kagamitan

Paghahambing ng istruktura ng pamahalaang


kolonyal sa uri ng pamamahala ng mga
sinaunang Pilipino
:

CG.p52, AP5KPK IIId-e-4, Makabayan,


Kasaysayang Pilipino Batayang Aklat 5, p310,p66-72 Sambayanang Pilipino Batayang
Aklat 5, p15-18, p55-60, Isang Bansa, Isang
lahi, Sanayang Aklat, p10-17, p49-55
Powerpoint presentation, tsart,tarpapel

Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa pagpupunyagi ng mga Pilipino


sa panahon ng kolonyalismong Espanyol
III.

Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa pangyayaring nagaganap sa
pamahalaan sa inyong Barangay o sa ating bansa.
2. Balik-aral
Punan ng sagot ang tsart.

URI NG PAMAHALAAN NGMga


SINAUNANG
Katulong sa Pamununo:
PILIPINO
1. ___________________
2. ___________________
Pamahalaang___________________
Pamahalaang___________________
3. ___________________
4. ___________________
Mga Katulong sa Pamununo:
5. ___________________
1. ___________________
6. ___________________
2. ___________________

3. Pagganyak
Laro: Papatugtugin ng guro ang kantang Ang Bayan Ko
habang pinagpapasahan ng mga bata ang unang kahon na
naglalaman ng mga salitang, istruktura ng pamahalaang
kolonyal kapag tumigil ang tugtog kung sinong bata ang
may hawak ng kahon ang bubunot ng salita babasahin at
ididikit sa pisara. Kapag nabunot na lahat ng salita ang
pangalawang kahon naman ang paiikutin na naglalaman
naman ng salitang, Uri ng pamamahala ng mga sinaunang
Pilipino. Kapag naidikit na ang lahat ng mga salita.Tatawag
naman ang guro ng mag-aayos nito upang mabuo ang
ideyang hinahanap.
Mabubuong Ideya:
ISTRUKTURA NG
PAMAHALAANG KOLONYAL

URI NG PAMAMAHALA NG
MGA SINAUNANG PILIPINO

Sino sa inyo ang may alam na tungkol sa paksang ito?


Kung wala pa, ano ang gusto nyo malaman tungkol dito?
B. Paglinang na Gawain
1. Gawain 1- KWL
Tatawag ang guro ng sasagot kung ano na ang alam nila at gusto
pang malaman tungkol sa istruktura ng pamahalaang kolonyal
(Panahon ng Espanyol) at uri ng pamamahala ng mga sinaunang
Pilipino.
ALAM

GUSTONG MALAMAN

NALAMAN

Gawain 2 Powerpoint presentation


http://www.slideshare.net/jetsetter22/barangay-35611385
a. Ipapakita ng guro ang presentasyon na nagpapakita ng
istruktura ng pamahalaang kolonyal ng mga Espanyol at uri
ng pamamahala ng sinaunang Pilipino.
b. Magsasagawa ng talakayan gamit ang mga sumusunod na
tanong:
1. Ano ang nilalaman ng unang presentasyong inyong
nakita? At ano naman ang ikalawa?
2. Ano ang dalawang sistema/uri ng pamahalaan ng
sinaunang Pilipino? Ipaliwanag ang bawat isa.
3. Sino-sino ang katulong ng mga sinaunang Pilipino sa
kanilang pamumuno at ano-ano ang tungulin nila?
4. Sa inyong palagay bakit hinati ng mga Espanyol ang
pamahalaang kolonyal sa dalawa?
5. Sino- sino naman ang namamahala sa pamahalaang ito at
ano ang kanilang mga tungkulin? Ipaliwanag
2. Pagsusuri
1. Mula sa ating napag-aralan, may napansin ba kayong pagkakaiba
o pagkakapareho sa istruktura ng pamahalaang kolonyal sa uri ng
pamahalaan ng sinaunang Pilipino? Kung meron tukuyin ang mga
ito at ipaliwanag.
2. Sa inyong palagay may mas maganda ba ang naidulot ang
pamahalaang kolonyal sa ating bansa? Ipaliwanag ang inyong
sagot.
3. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang pamahalaang umiral noon
sa kasalukuyang pamahalaan sa Pilipinas?

3. Paghahalaw
Gagabayan ng guro ang mag-aaral sa pagbuo ng konseptong
natutunan.
May dalawang Uri ang pamahalaan ng Sinaunang Pilipino. Ito
ang Pamahalaang Barangay at Pamahalaang Sultanato. Datu,
gat, raha, o lakan ang tawag sa pinuno ng isang barangay at
Sultan naman sa Sultananto.
Sa panahon ng mga Espanayol hinati nila ang pamahalaan sa
dalawang antas ang Pamahalaang Sentral at Pamahalaang
Lokal. Ang Pamahalaang Sentral
ay pinamumunuan ng
Gobernador samantalang ang Pamahalaang Lokal naman ay
pinamumunuan ng Alcalde Mayor, Corriegidor, Gobernadorcillo,
Alcalde at Cabeza de Barangay.
2. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Papangkatin ng guro ang mga bata sa tatlong pangkat.
Pangkat 1: Bubuo ng Tsart ng miyembro ng Pamahalaan ng
Sinaunang Pilipino
PAMAHALAAN NG SINAUNANG

Pangkat 2: Punan ng sagot ang tsart.


PAMAMAHALA
PAMAHALAANG
KOLONYAL NG MGA
ESPAOL SA PILIPINAS

DALAWANG
ANTAS/TANGGAPAN NG
PAMAHALAAN
A.Pamahalaang________
B.Pamahalaang_________

NAMUMUNO
1._____________
2._____________
1._____________
2._____________
3._____________
4._____________

5._____________
Pangkat 3: Sumulat
Sumulat ng talata na naghahambing ang istruktura ng
pamahalaang kolonyal sa uri ng pamamahala ng mga sinaunang
Pilipino.
IV.

Pagtataya:
Pag-ugnayin ang nasa hanay A at B. Isulat sa sagutang papel ang
bilang at ang titik na kaugnay nito.
A
1. Nagmula
sa
salitang balanghay
o
balanghai na tawag sa mga
sasakyang-pandagat ng mga
Malay
2. Ikalawang
antas
ng
pamamahala ng mga Espaol
sa
Pilipinas.
Ito
ang
pamahalaang umusbong mula
sa sistemang encomienda na
unang ginamit ng mga dayuhan
3. Pamahalaang dinala ng mga
Muslim
sa
ating
bansa.
itinatatag ito ni Shariff Abu
Bakr.
4. Tawag sa pinuno ng Barangay
5. Maihahalintulad sa ehekutibong
sangay ng pamahalaan sa
kasalukuyan. Ang itinatag ng
mga
Espaol
ang
may
kapangyarihang mamahala sa
buong
kolonya.
Ito
ang
nagsilbing kapalit ng ibat-ibang
barangay na kanilang inabutan
sa Pilipinas

V.

B
A. Pamahalaang local
B. Pamahalaang Barangay

C. Pamahalaang Sultanato

D. Pamahalaang Sentral

E. Datu

Takdand Aralin:
Gumawa ng album na naglalaman ng mga larawan ng mga
namuno sa Pamahalaan ng sinaunang Pilipino at Pamahalaang
kolonyal ng mga Espaol sa Pilipinas.

Inihanda ni:
MAY A. ORIONDO
Guro I - Tablon Elem. Sch./ Tanay II District

You might also like