You are on page 1of 5

KALIKASAN AT ESTRUKTURA NG WIKA

ANG PONOLOHIYANG FILIPINO


Ponolohiya o phonology ay tumutukoy sa makaagham na pag-aaral ng
makabuluhang tunog na kinikilala nating ponema.
Ayon kay Santiago (2003), malalaman natin na makabuluhan ang isang tunog
kung nagawa nitong baguhin ang kahulugan ng salitang kinapapalooban nito
sa sandaling itoy alisin o palitan.
Tandaan:
Kapag ang mga ponema ay isinusulat, karaniwan itong ikinukulong sa
dalawang guhit na pahilis (/ /) na tinatawag na virgules upang mapaiba sa
karaniwangt letrang ginagamit sa pagbabaybay ng mga salita.
Hindi lahat ay angkop sa konseptong ito
Anu-anong mga bahagi ang sangkot o ginagamit sa pagsasalita?
Baga
Babagtingang tinig
Laringhe
Epiglottis
Paringhe
Uvula o titilaukan
Guwang ng bibig
Velum o malambot na ngalangala
Guwang ng ilong
Palate o matigas na ngalangala
Alveolae o punung gilagid
Labi
Ngipin
Dila
Anu-ano ang mga salik na kailangan upang makapagsalita ang tao?
Ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
Ang artikulador o mga kumakatal na bagay
Ang resonador o patunugan
PONEMANG SEGMENTAL
Kilala ring ponema. Ito ay mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na
letra upang mabasa at mabigkas.
PUNTO NG ARTIKULASYON
Naglalarawan kung saang bahagi ng ating bibig nagaganap ang saglit na
pagpigil o pag-abala sa paglabas ng hangin sa pagbigkas ng isang katinig.
Saan nagaganap ang pagbuo ng katinig?
LIMANG PUNTO NG ARTIKULASYON
1. PANLABI -ang ibabang labi ay dumidikit sa labing itaas

-/p, b,m/
2. PANGNGIPIN -ang dulong dila ay dumidiiit sa loob ng mga ngipin sa itaas
-/t,d,n/
3. PANGILAGID -ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong
gilagid
-/s,l,r/
4. VELAR (PANGNGALANGALA) -ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa velum
o malambot na bahagi ng ngalangala
-/k,g, /
5. GLOTTAL -ang babagtingang tinig ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang o
inaabala ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot
na tunog
-/,h)
PARAAN NG ARTIKULASYON
Inilalarawan at ipinakikita kung papaanong ang mga sangkap sa pagsasalita
ay gumagana at kung papaanong ang ating hininga ay lumalabas sa bibig o
sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig.
ANIM NA PARAAN NG ARTIKULASYON
1. PASARA -ang daanan ng hangin ay harang na harang
-/p,t,k,,b,d,g/
2. PAILONG -ang hangin na nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi,
pagtukod ng dulo ng dila sa itaas ng mga ngipin o kayay dahil sa pagbaba
ng velum ay hindi sa bibig kundi sa ilong lumalabas
-/m,n,/
3. PASUTSOT -ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng
dila at ng ngalangala o kayay mga babagtingang pantinig
-/s,h/
4. PAGILID -ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong
dila ay nakadiit sa punong gilagid
/l/
5. PAKATAL - ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang
lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulo ng nakaarkong
dila
/r/
6. MALAPATINIG -ditoy nagkakaroon ng galaw mula sa isang pusisyon ng labi
o dila patungo sa ibang pusisyon
/w,y.
PARES-MINIMAL
Pares ng mga salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na
magkatulad sa bigkas maliban lamang sa isang ponema sa magkatulad na
posisyon

pasa =
basa =

/pasa/
/basa/

=bruise
=wet

TANDAAN:
Magkaparehong kaligiran ang mga ponemang /p/ at /b/(ponemang panlabi)
gayundin ang /g/ at /k/(ponemang velar)
Hindi pa masasabi sa wikang Filipino na magkaibang ponema ang /p/ at /f/
sapagkat may mga salita na nagtataglay ng ponemang ito sa magkatulad na
magkatulad na kaligiran gayundin ang bigkas tulad ng kape at kafe. Subalit
sa wikang Ingles, kitang-kita na magkaibang ponema ang mga ito tulad ng
pin at fin, pan at fan.
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
Pares ng salita na katatagpuan ng magkaibang ponema sa magkatulad na
kaligiran ngunit hindi nakakaapekto o nakapagpapabago ng kahulugang
taglay ng mga salita:
estruktura-istruktura
Tandaan:
Maari ring maging pares minimal
parte-parti
mesa-misa
DIPTONGGO
Tumutukoy sa alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /w/ o /y/ sa
loob ng isa ng pantig
KLASTER
Sunuran ng dalawa o higit pang katinig na matatagpuan sa loob ng isang
pantig na maaaring sa inisyal o pinal na pusisyon
Tumutukoy sa magkasunod na tunog katinig
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasang titik o letra
sa pagsulat. Inihuhudyat ito ng mga notasyong ponemik upang matukoy ang
paraan ng pagbigkas ng isang salita o isang pahayag
SAKLAW NG PONEMANG SUPRASEGMENTAL
INTONASYON
TONO
PUNTO
HABA
DIIN
ANTALA
1. INTONASYON, TONO AT PUNTO

Intonasyon-pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, maaring maghudyat


ng kahulugan ng pahayag
Tono-nakatuon sa paraan ng pagbigkas o pagsasalita na nagpapahayag ng
matinding damdamin na maaaring malambing, pagalit, marahan at iba pa.
Punto-tumutukoy sa rehiyunal na tunog o accent sa wikang Ingles
2. HABA AT DIIN
HABA-tumutukoy sa haba o ikli ng bigkas sa patinig ng pantig ng salita
DIIN-stress sa paglakas o paghina ng bigkas sa pantig ng isang salita
Aso /a.so / = dog
Aso/aso / = smoke
3. ANTALA O HINTO - ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na
maging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid:
Hindi ako ang may kasalanan
Hindi, ako ang may kasalanan
MORPOLOHIYA
May kinalaman sa pagbuo ng salita o maka-agham na pag-aaral ng mga
morpema .
Mga paraan ng pagbuo ng salita
a. paggamit ng salitang ugat
b. paglalapi
c. pag-uulit
d. pagtatambal
Mga pagbabagong morpoponemiko
1. asimilasyong parsyal

Ang /ng/ ay nagiging /m/ kung ang salitang ugat ay nagsisimula


sa /p/ o /b/ .
hal.
Pang + paaralan = pampaaralan
Pang + bayan
= pambayan
Ang /ng/ ay nagiging /n/ kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa
mga letrang /d, l, r, s, t /.
hal. Pang + dikdik
= pandikdik
Pang +
taksi
= pantaksi
2. asimilasyong ganap
Bukod sa napapalitan ang /ng / nawawala pa rin ang unang ponema ng
nilalapiang salita .
Hal.
Pang + palo > pampalo
= pamalo
Pang + tali
> pantali
= panali
3. pagpapalit
May mga ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbubuo ng mga
salita .
/d/ > /r/
hal .
ma + dapat = marapat
ma + dunong = marunong

/ o/ > / u/

hal .
dugo + an
Liko + an

= duguan
= likuan

4. pagkakaltas
Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang
patinig ng salitang ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito .
Hal .
takip + an > takipan = takpan
Kitil + in > kitilin = kitlin
5. metatesis
Kapag ang salitang- ugat na nagsisimula sa /l / o / y / ay nilalagyan ng
gitlaping in- , ang /i/ at / n/ ay nagkakapalitan ng pusisyon .
Hal:
* -in-+ lipad = linipad ----- nilipad
* -in + yaya = yinaya -----niyaya
May mga salitang nagkakaroon pa ng pagkakaltas ng ponema bukod
sa pagkakapit ng pusisyon ng dalawang ponema .
Hal :
* atip + -an = atipan ---- aptan
* Tanim + -an = tani man ------tamnan
6. paglilipat diin
May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian. Maaring malipat
ng isa o dalawang pantig ang diin patungong huling pantig o maaaring
malipat ng pantig patungong unahan ng salita .
Hal ;
* basa + hin = basahin
* Ka + sama + han = kasamahan
* laro + -an = laruan ( lugar )
7. reduplikasyon
Pag-uulit ng pantig ng salita . Ang pag-uulit na ito ay maaaring
magpahiwatig ng kilos na ginagawa o gagawin pa lamang , tagagawa ng kilos
o pagpaparami .
Hal :
* aalis matataas
magtataho
* pupunta
masasaya
naglalakad

You might also like