You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Kongreso ng Pilipinas
Metro Manila

Ika-Labimpitong Kongreso

Republict Act no.2808

Setyembre 15,2016

BATAS NA MAGPAPALAWAK NG WIKANG FILIPINO SA PAMAMARAANG


PAGSASALIN NG MGA KARATULA AT PATALASTAS MULA INGLES
PATUNGONG FILIPINO.

Artikulo I
Titulo,Polisiya at Depenisyon ng mga Terminolohiya
Seksyon 1.Titulo-Ang batas na ito ay dapat makilala bilang Batas Wikang Filipino sa mga
Karatula at Patalastas
Seksyon 2.Deklarasyon ng mga Polisiya at Prinsipyo-Dinedeklara na ang batas na ito sa
oras na maaprobahan sa kongreso,senado at ng pangulo ay magiging polisiya ng republika
para mabigyang importansya at dominasyon ang wikang Filipino sa kahit anong lugar sa ating
lipunan.Ang republika ay obligadong makipagtulungan sa mga ahensya at pribadong sektor
upang lubusan at mabilisang maipatupad ang batas.Binibigyan din ng kapangyarihan ang
mga opisyal ng gobyerno upang makiilam sa mga bagay na sakop ng batas at magbigay
parusa sa mga hindi susunod dito.

Seksyon 3.Depenisyon ng ng mga Terminolohiya


(a)Karatula-Sa ingles ito ay tinatawag na signage.Ito ang mga madalas na nakikita natin sa
mga lugar na nagbibigay dirksyon sa atin.
(b)Pribadong daan - Mga daan na nabuo at pagmamay-ari ng pribadong sektor.Ito ang mga
daan na may toll fee.
(c)Random Observation-Ito ay isang gawain kung saan may mga opisyal na dumadating at
nagoobserba sa mga lugar.Ngunit kakaiba sa nakgawian hindi alam ng pamunuan kung
kailan ito mangyayari.
(d)Kagawaran ng Pagawain at Lansagang Pambayan-Ang kagawaran ng pamahalaan na
itinalaga para sa pagpapagawa ng mga pasilidad sa bansa.

Article II
Pagpapatupad ng Batas
Ang gobyerno ay dapat magtalaga ng isang departamento sa Kagawaran ng Pagawain at
Lansangang Pambayan na magmamadig sa batas na ito.Ang kagawarang ito ay tatawagin na
Departamento ng Karatulang Filipino.Ang trabaho ng departamentong ito ay ang
pagbabantay sa mga grupo ng tao na dapat sumunod sa batas at ang pagpapalit ng mga
karatula na nasa wikang Ingles na pagmamay-ari ng gobyerno.

Article III
Mga Pangunahing Daan
Seksyon 4.Sa mga daan na pagmamay-ari ng pribadong sektor-Ang pribadong daan ay
inaasahang sumunod sa batas na palitan ang mga karatula at patalastas na nailathala ng

wikang Filipino. Bawat karatula at patalastas ay dapat nasa wikang Filipino at hindi sa wikang
Ingles maliban na lamang sa mga espesyal na pagkakataon na naisasailalim sa pagbubukod.
Ang pribadong daan ay binibigyan ng 3 pagkakataon lamang upang baliin ang nasabing
batas. Ngunit kung hindi sumunod ay magkakaroon ng karampatang parusa.

(a) Sa unang pagkakaton ay makakatanggap ang pamunuan ng daan ng liham na


nagsasaad ng babala sa kanila. Kailangan maisaayos ito sa loob ng 1 linggo pagkatapos
matanggap ang liham.

(b)Matapos ang binigay na palugit ay babalik ang mga opisyal para tingnan kung naisaayos
ang mga nasabing karatula at patalastas. Kung hindi naisaayos ang karatula
papagmumultahin ng 10000 piso ang pamunuan ng daan.

(c)Sa pangatlong pagsusuri ng mga opisyal na mahuhuli ang pribadong daan ay ipapatawag
na ang namumuno sa Kagawaran na Panggawain at Lansangan Pambayan upang bigyan ng
seminar tungkol sa batas. Ngunit magbabayad parin ng 15000 piso kasama na ang
pagkakatala ng pribadong daan sa listahan ng mga lumalabag.

Seksyon 5.Mga daan na pagmamay-ari ng gobyerno-Ang pampublikong daan ay


obligadong sumunod sa batas na naglalayon palitan ang mga karatula at patalastas na
nailathala ng wikang Filipino. Sa bawat patalastas ay dapat nasa wikang Filipino at hindi sa
wikang ingles maliban na lamang sa mga espesyal na pagkakataon na naisasailalim sa
pagbubukod.Ang makitang hindi pagsunod ng isang lokal na daan ay kasalanan ng lokal na
pamahalaan na pumapaloob dito.Ang lokal na pamahalaan ang makakatanggap ng mensahe
sa paglabag at dapat agad nila itong gampanan ayos sa utos.

Article IV.
Paaralan
Seksyon 6.Ang mga paaralan pribado man o pampubliko ay obligadong palitan ang mga
karatula at patalastas na nailathala sa wikang Filipino.Ang kahit ano mang ilalathalang
patalastas ay dapat nasa wikang Filipino at hindi sa wikang Ingles maliban nalang sa mga
espesyal na pagkakataon na nasasailalim ng pagbubukod.
Ang mga paaralan ay binibigyan ng 3 pagkakataon laman upang baliin ang patakaran.Ngunit
ang sino mang hindi sumunod ay magkakaroon ng karampatang parusa.

(a).Sa unang pagkakataon ang Punong guro ng paaralan ay makatatanggap ng Liham na


magbibigay babala sa kanila.Kailangang maisaayos ang mga karatula sa loob ng 2 linggo
matapos matanggap ang liham.

(b.)Matapos ang ikalawang linggo babalik ang mga opisyal para tignan ang mga nasabing
karatula at patalastas.Kung hindi naisaayos ang karatula ang paaralang pribado ay
magbabayad ng danyos na 2000 piso samantalang mababawasan naman ang badyet ng
pampublikong paaralan ng 2000 piso rin.

(c.)Sa pangatlong pagkakataon na mahuhuli ang paaralan ang punong guro ay ipapatawag
sa Kagawaran na Panggawain at Lansangan Pambayan upang bigyan ng seminar tungkol
sa batas.Magbabayad din ang paaralan ng 5000 piso ang paaralan kasama na ang
pagkakatala ng paaralan sa listahan ng mga lumalabag.

Ang mga paaralan ay makakaranas ng Random Observation dalawang beses sa loob ng


isang taon para masigurado na sila ay sumusunod sa batas.
Article V.
Pampublikong Lugar
Seksyon 7.Mall-Tungkulin ng pamunuan ng mall ang pagpapatupad ng nasabing batas. Ang
lahat ng karatula o patalastas na ilalathala ng mall ay dapat nasa wikang FIlipino.Kasama na
rito ang mga karatula na nasa loob ng establisyimento at tindahan na nagbabayad ng pwesto
sa mall. Ang pamunuan ng mall ay dapat laging nagsasagawa ng obserbasyon buwan-buwan
upang masiguradong ang lahat ay sumusunod sa batas.

Ang mga tindahan sa loob ng mall na hindi sumunod ay magkakaroon ng karampatang


parusa:

(a)Padadalhan ng pamunuan ng mall ang tindahan ng Babala at kailangan nilang maisaayos


ang mga kratula sa loob ng dalawang linggo.

(b)Matapos ang dalawang linggo ,babalik ang pamunuan upang tignan kung sumunod na sa
batas ang establiyimento at kung hindi magbabayad sila ng 5000 piso na mapupunta sa
pamahalaan.

(c)Sa pangatlong beses na mahuli ang establisyimento sila ay magkakarooon na ng tala sa


DPWH para sa hindi pagsunod sa batas at kailangang magbayad ng 10000 piso.

Samantalang ang mall naman bagamat inatasan na tingnan kung sino ang hindi sumusunod
ay maari ding magkaroon ng parusa kung ang mga establisyimento at mga karatulang
nasasakop ay hindi sumunod sa batas.

a)Padadalhan ang mall ng babala at kailangan nilang maisaayos ang mga karatula sa loob ng
dalawang linggo.

(b)Matapos ang dalawang linggo,babalik ang opisyal ng gobyerno upang tignan kung
sumunod na sa batas ang mall at kung hindi magbabayad sila ng 10000 piso na mapupunta
sa pamahalaan.

(c)Sa pangatlong beses na mahuli ang mall sila ay magkakaroon na ng tala sa DPWH para
sa hindi pagsunod sa batas at kailangang magbayad ng 20000 piso.

Seksyon 8.Parke-Ang mga pribadong parke at pampublikong parke ay sakop din ng batas
na ito.Katulad ng nauna ang mga parke ay obligado din na sumunod sa nasabing batas.Lahat
ng tindahan sa parke ay dapat bantayan ng pamunuan ng parke kung sila ay sumusunod sa
batas.Ang hindi pagsunod ng mga tindahan sa parke ay kokonsiderahin din na kasalanan ng
pamunuan ng parke.
Ang mga pribadong parke ay binibigyan lamang ng 3 beses upang ayusin ang mga
karatula.Ang hindi pagsunod ay magkakaroon ng karampatang parusa:

(a)Padadalhan ang parke ng Babala at kailangan nilang maisaayos ang mga karatula sa loob
ng isang buwan.

(b)Matapos ang isang buwan ,babalik ang opisyal ng gobyerno upang tignan kung sumunod
na sa batas ang parke at kung hindi magbabayad sila ng 10000 piso na mapupunta sa
pamahalaan.

(c)Sa pangatlong beses na mahuli ang parke sila ay magkakarooon na ng tala sa DPWH para
sa hindi pagsunod sa batas at kailangang magbayad ng 20000 piso.

Iba ang kaparusahan ng pampublikong parke kumpara sa pribadong parke sa kadahilanan na


ang mga pampublikong parke ay napapailalim sa lokal na pamahalaan .Dahil dito ang lokal
na pamahalaan ang bahala sa pagbabantay at pagibibgay ng parusa sa mga parkeng hindi
susunod.

Article VI.
Pamilihan
Seksyon 9. Ang mga pamilihan pribado man o pampubliko ay obligadong sumunod

sa

ordinansa ng pagpapalit ng mga karatula at patalastas na nailathala ng sa wikang Filipino.


Ang lahat ng karatula ay dapat nasa wikang ingles maliban nalang sa mga espesyal na
pagkakataon na nasasailalim ng pagbubukod.
Ang pamilihan ay magkakaron lamang ng tatlong pagkakataon para mabali ito. Subalit kung
sino mang hindi sumunod ay magkakaroon ng karampatang parusa.

(a)Sa unang pagkakataon ang pamilihang pribado o pampubliko man ay makakatanggap ng


liham na nagbibigay babala sa kanila. Subalit kung hindi parin sumunod sa patakaran ay
papatawan ng karampatang parusa.

(b)Matapos ang binigay na palugit na dalawang linggo babalik ang mga opsisyal upang
siguraduhin na napalitan ang mga karatula at patalastas. Kung nabigong isaayos ang
karatula ang pamilihang pribado ay magbabayad ng danyos na 2500 piso samantala naman
madadagdagan ang renta ng pampublikong pamilihan ng 50 piso kada araw.

(c)Sa pangatlong pagkakataon na makikitaan parin ang mga pamilihan ng Ingles na karatula
ipapatawag na ang mga namumuno sa pampubliko o pribado man pamilihan upang
mabigyan ng seminar tungkol sa batas. Magbabayad din ng 5000 piso ang pamilihan kasama
na ang pagkakatala ng pamilihan sa listahan ng mga lumalabag.

Ang mga pamilihan ay magkakaroon ng Random Observation dalawang beses sa loob ng


isang taon para masigurado na sila ay sumusunod sa nasabing batas.

Article VII.
Terminal
Seksyon 10.Terminal ng Bus,Jeep,Tricycle-Ang mga Terminal ng mga sasakyan na
panlupa ay napapasailalim rin ng batas na ito.Lahat ng karatula na ilalagay sa mga terminal
ng mga sakayan na ito ay dapat nasa wikang tagalog.
Ang mga daan na ang mga pangalan ay nasa wikang Ingles ay hindi na kinakilangang palitan
sa kadahilanan na ito ay pangalan at hindi ito makakaapekto sa pagkakaintindi ng mga tao sa
nilalaman ng karatula.
Napapasailalim din ng batas na ito ang mga indibidwal na mga sasakyan na gumagamit ng
mga terminal. Ibig sabihin nito na ang mga karatula sa loob ng isang tricycle,jeep at bus ay
dapat ring nasa wikang Ingles.Ang mga indibidwal na sasakyan ay napapasailalim sa

pamumuno ng pamunuan ng terminal at ang terminal ang may karapatan na magparusa base
sa kanilang isinagawang patakaran.
Ang mga terminal na nakitaan ng paglabag ay bibigyan lamang ng limang pagkakataon para
umayon sa alintuntunin ng batas .
(a)Ang terminal ay padadalhan ng babala sa hindi pagsunod.

(b) Sa pangalawang pagsuway sa batas ang terminal ay makakatanggap na ng pangalawang


babala.

(c) Sa pangatlong pagkakataon ang terminal ay magkakaroon na ng tala sa record ng mga


sumusuway at magbabayad na ang terminal ng 5000 piso. Kailangang maisaayos ng terminal
ang mga karatula sa loob ng isang linggo kung hindi sila ay magkakaroon ng ika-apat na
parusa.

(d)Sa pang-apat na pagkakataon ang terminal ay magbabayad ng 15000 piso at kailangang


umatend ng miyembro ng pamunuan ng terminal sa isang seminar na magbibigay sa kanila
ng kaalamn tungkol sa batas na ito.
(e)Sa panglimang pagkakataon ang terminal ay magbabayad na ng 50000 piso at
masususpinde na ang kanilang operasyon ng tatlong araw.

Seksyon 11.Daungan ng barko-Sa kadahilanan na ang lahat ng daungan ng barko o pyer


ay pagmamay-ari ng pamahalaan ang mga kaparusahan ay kakaiba .Ngunit katulad ng mga
lugar na nasabi sa batas ang mga pyer ay kailangan paring palitan ang mga karatula at
patalastas na nasa wikang Ingles patungong Filipino.

Sakop ng seksyon na ito ang mga barko na dumadaong sa mga pyer . Ang pamunuan ng
pyer ang magtatalaga ng parusa para sa mga barko.Kailangang magkaroon ng mga tauhan
ng pyer na papasok at mag-oobserba sa mga barkong dumadaong upang tingnan kung
sumusunod ang mga barko sa batas.

Ang mga piyer na makikitaan ng hindi pagsunod ay ipapagbigay-alam ng Kagawaran ng ng


pagawain at lansangang pambayan sa kagawaran ng Transportasyon .Ang kagawaran ng
transportasyon ang obligadong magbigay ng karampatang parusa sa mga pyer na hindi
susunod sa batas.

Article VIII.
Mga Pagbubukod
Seksyon 12.Paliparan-Ang mga paliparan ay hindi sakop ng batas na ito dahil maraming tao
na ibat-iba ang nasyonalidad ang dumaraan dito araw-araw.Mas maiging ang mga karatula
ay nasa wikang Ingles dahil ito ang wika na naiintindihan ng nakakarami .

Seksyon 13.Espesyal na Okasyon-Hindi obligadong gumamit ng wikang Filipino sa mga


karatula tuwing may espesyal na okasyon sa Pilipinas . Ang mga okasyon na ito ay ang mga
araw kung saan ang mga ibat-ibang lider at nasyonalidad ay dumarating sa ating bansa para
sa isang pagpupulong.

Article VIII.
Pangwakas na Probisyon
Seksyon 14.Batas at Regulasyon- Sa mga kalagayan na hindi kayang tugunan ng batas
ang mga pangyayari, Ang Kagawaran ng Katarungan katulong ang Kagawaran ng Pagawain
at lansangang pambayan ang magdedesisyon sa parusang ibibigay at hahatol samga lalabag
sa batas.

Seksyon 15.Sangay ng paghihiwalay- Ang kahit ano magng parte ng batas na ito na
maituturing na labag sa konstitusyon ay mapapawalan ng bisa ngunit ang mga bahagi na
hindi apektado ay dapat maipatupad ng maigi sa lahat ng oras.

Seksyon 16.Sangay ng Epektibidad-Ang batas na ito ay dapat mapabigyang bisa isang


taon matapos maaprobahan ng presidente ng Pilipinas . Ang pagkakaroon ng bisa ng batas
ay dapat mailathala sa 2 dyaryo na umiikot sa nasyonal na sirkulasyon ng bansa.

Aprobado:

Job Dickerson Aguilera


Tagapagsalita ng Kapulungan ng
mga Kintawan ng Pilipinas

Ma.Christina V. Castillo
Tagapagsalita ng Presidente

Ang batas na ito ay sa pagpapatatag ng Senate Bill No.3561 at House


Bill no.3690 ay sa wakas napatupad ng Mataas na Kapulungan ng
Pilipinas at Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas noong
Setyembre 15,2016

Approved: Setyembre 30,2016

You might also like