You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION
SCHOOLS DIVISION OF BENGUET
District of La Trinidad
BENGUET SPECIAL EDUCATION CENTER
Wangal, La Trinidad, Benguet 2601

MAHABANG PAGSUSULIT SA AP: ARALIN 9


GRADE 5: BARANGAY MATULUNGIN
S.Y. 2023-2024
ISKOR

Pangalan: ________________________________________

Petsa: _________________________________________

A. Panuto: Kilalanin ang mahahalagang detalyeng may kinalaman sa apaksa sa pamamagitan ng


pag-aayos ng mga ginulong titik upang mabuo ang wastong salitang binibigyang-kahulugan
sa loob ng panaklong. Ang unang titik ay sinagutan na para sa iyo. Isulat ang sagot sa
kahon.

F 1. AFLLA (multang ibinabayad bilang kapalit ng sapilitang


paggawa)
P 2. OOPL (sapilitang paggawa)
P 3. OAIPLST (tawag sa mga taong sapilitang pinaglilingkod sa
pamahalaan)
K 4. AAAKSM (tawag sa mga magsasakang nangungupahan sa may-
ari ng lupa)
B 5. AAANDLB (sapilitang pagbenta ng produkto sa pamahalaan)
T 6. OIUTBRT (buwis ng pagkamamamayan)
R 7. EARL (iba pang tawag sa pera noon)
E 8. NEIMDAOCNE (lupang ipinagkakaloob ng hari ng Espanya
bilang gantimpala sa matapat na tauhang Espanyol)
E 9. OREDNEMOCNE (taong namumuno sa encomienda
H 10. NEICAHORED (mga Espanyol na may-ari ng lupa sa
sistemang kasama)

B. Panuto: Suriin ang kawastuhan ng mga pahayag. Isulat sa linya kung tama o mali ang
isinasaad ng mga ito.
__________________11. Tinutulan ng mga katutubo ang paniningil ng buwis ng mga
Espanyol dahil sa malaking halaga nito.
__________________12. Kailangang kumuha ng cedula personal ang mga may edad na 18
pataas bilang tanda ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol.
__________________13. Nakinabang at umunlad ang pamumuhay ng mga Pilipino nang
ipatupad ng mga Espanyol ang sistemang kasama sa bansa.
__________________14. Kusang-loob na ibinigay ng mga Pilipino ang kanilang mga lupang
sakahan sa mga Espanyol upang ito ay lubos na mapagyaman.

Page 1 of 4
__________________15. Ang mga pautang ng mga Esapanyol sa mga Pilipino noon ay
nilagyan ng malaking patubo o interes na naging dahilan ng pagkawala ng kanilang lupain.
__________________16. Ang paglawak ng lupa ng mga Espanyol sa bansa ay nakatulong sa
pamumuhay ng mahihirap na Pilipino.
__________________17. Dahil sa kahirapan at kamangmangan ay napilitang tanggapin ng
ilang Pilipino ang aping kalagayan nila sa kamay ng mga Espanyol.
__________________18. Bawat lalaki at babae ba may edad 16 hanggang 60 ay inatasan
ng mga Espanyol na gumawa o magtrabaho nang walang bayad.
__________________19. Magaganda ang mga patakarang ipinatupad ng hari ng Espanya
para sa bansa ngunit naging abusado lamang ang mga nagpatupad nito.
__________________20. Ang mababang pagtingin sa gawaing manwal ay bunga ng
sapilitang paggawa.

C. Panuto: Pangkatin ang mga pahayag ayon sa kinabibilangan ng mga ito. Isulat ang bilang sa
unang hanay kung ito ay tumutukoy sa sistemang encomienda, sa ikalawang hanay kung ito
ay tumutukoy sa sistemang kasama, at ikatlong hanay kung ito ay tumutukoy sa polo y
servicios.

SISTEMANG SISTEMANG KASAMA POLO Y SERVICIOS


ENCOMIENDA

21. Tinawag na haciendero ang mga may-ari ng lupa na kadalasang mga Espanyol.
22. Lumawak ang mga lupain ng mga Espanyol sa bansa na ikinahirap naman ng mga Pilipino.
23. Hinati sa maliliit na yunit ang mga lupain ng bansa.
24. Ginagamit ang mga nakolektang buwis sa pagpapanatili ng kaligtasan ng bansa at sa
pagpapatayo ng mga paaralan, ospital, at iba pang mga impraestruktura.
25. Kailangang kumuha at magbayad ng sedula ang mga may edad na 18 taon pataas bilang
tanda ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino at pagtanggap sa kapangyarihan ng Espanya.
26. Nagpalabas ng kautusan ang pamahalaang Espanyol na kailangang magparehistro ng lupain
sa pamahalaan ang lahat ng may-ari ng lupa.
27. Sapilitang pinagtrabaho ang lahat ng kalalakihang may gulang na 16 hanggang 60 sa mga
pagawaan ng mga pamahalaang Espanyol.
28. Naging mababa ang tingin ng mga Pilipino sa mga gawaing manwal o blue collar job.
29. Kinamkam ng pamahalaang Espanyol ang mga lupain ng mga nagmamay-ari na hindi
nakapagparehistro.
30. Nagbabayad ng falla ang mga Pilipinong maykaya kapalit ng kanyang hindi paglilingkod.

D. Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng mga pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

31. Ang tributo o buwis ng pagkamamamayan ay nagkakahalaga ng ___________.


a. walong reales o produktong kasingkahalaga nito
b. sampung reales o produktong kasinghalaga nito
c. labindalawang reales o produktong kasinghalaga nito
d. labing-apat na reales o produktong kasinghalaga nito

Page 2 of 4
32. Ang pangunahing naging epekto ng sistemang encomienda sa pamumuhay ng mga Pilipino ay
ang __________.
a. pagpapatupad ng paniningil ng buwis sa mga mamamayan
b. pagsapi ng mamamayang Pilipino sa samahan ng mga encomendero
c. pagkakaroon ng malalim na kaalaman at kasanayan sa pagsasaka
d. pagkakaroon ng trabaho ng maraming Pilipino

33.Ang tunay na dahilan ng pagkagalit ng mga Pilipino sa paniningil ng buwis ay ___________.

a. ang pang-aabuso ng mga nangolekta c. hindi magandang layunin sa


nito paniningil nito
b. bago ang patakarang ito sa d. mataas na halaga nito
pamumuhay ng mga Pilipino

34.Ang pagkuha ng sedula personal ay nagpapatunay ng _______________.

a. pagiging mayaman ng isang c. pagtanggap sa kapangyarihan ng


mamamayan Espanya sa bansa
b. pagkaligtas sa sapilitang paggawa d. pagtutol sa mga patakaran ng
pamahalaang Espanyol

35.Ang kautusan ng pamahalaang Espanyol sa pagmamay-ari ng lupa ay nagbigay daan sa


___________.
a. pagdami ng buwis na nakolekta ng mga Espanyol
b. pagiging higit na matatag ng pagmamay-ari ng mga Pilipino sa lupa
c. pagkamkam ng pamahalaang Espanyol sa mga lupang hindi naiparehistro ng mga Pilipino
d. pagyaman ng mga Pilipinong nakapagparehistro ng lupa

36. Ang isang Pilipino ay maaaaring makaligtas sa sapilitang paggawa kung ___________.

a. siya ay magbabayad ng multa o falla c. siya ay pinuno o may kapangyarihan


b. siya ay miyembro ng principalia sa pamahalaan
d. lahat ng nabanggit ay tama

37. Para sa mga polistang Pilipino, ang sistemang ito na sapilitang paggawa ay __________.

a. lalong nagpaganda ng kanilang c. nagpa-ayos ng kanilang pamumuhay


kapaligiran d. nagpababa sa pagtingin nila sa mga
b. nagbigay ng pagmamalaki sa gawaing manwal
kahusayan nila

38. Ang lahat ay hindi naging mabuting bunga ng polo maliban sa ___________.

a. pagkakaroon ng malaking kita ng c. pagkawalay sa pamilya


mga polista d. pagpapabaya sa sariling
b. pagkakasakit at pagkamatay ng pangkabuhayan
ilang polista

Page 3 of 4
39.Ang sumusunod ay ang mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol na dapat sundin ng mga
Pilipino na nakapaloob sa sistemang bandala maliban sa _________.
a. pagtatakda sa bawat lalawigan ng tiyak na dami ng mga produktong ipagbibili sa
pamahalaan
b. pagbili ng pamahalaan sa mga produkto sa murang halaga
c. pagbili ng mga produkto sa ibang lugar ng mga mamamayang Pilipino upang mabuo ang
kanilang kota kapag nasira ang mga pananim
d. pagiging ligtas sa pagsasagawa ng bandala kapag nakabayad ng falla

40. Ang sumusunod ay ang mga patakarang ipnatupad ng mga Espanyol na dapat sundin ng mga
Pilipino na nakapaloob sa sistemang kasama maliban sa __________.
a. pangungupahan ng mga magsasaka sa kanilang lupang sakahan
b. pagpaparehistro ng mga lupain sa pamahalaan ng lahat ng nagmamay-ari ng lupa
c. pagiging haciendero ng mga Pilipinong may-ari ng malalaking sakahan
d. pangungutang nang sapilitan ng puhunan ng mga may-ari ng lupa sa pamahalaang
Espanyol

Page 4 of 4

You might also like