You are on page 1of 9

5

ARALING PANLIPUNAN
Second Quarter – Week 3 L1

Name:   

School :
GOVERNMENT
DepED – San Miguel – District II
PROPERTY
Tina, San Miguel, Surigao del Sur NOT FOR SALE
Telephone No.: 086 – 214 – 6029
eMail: sm2district.072043@gmail.com
Grade Level: 5 Discipline: Panahon ng Kolonyanismong
Espanyol
Subject Area: Araling Panlipunan 5

Topic: PAGBUBUWIS/ TRIBUTO

Quarter: Pangalawang Markahan Week:3 Lesson 1 Jan.18-22, 2021

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5

Araling Panlipinan 5 – 2nd Quarter – Week 3 Lesson 1

COMPETENCY:

Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa


kapangyarihan ng Espanya. (AP5PKE-llc-d-5)

Mga Layunin sa Pagkatuto:


1. K - Naibibigay ang kahulugan ng tributo.
2. S - Nailalahad ang sistemang tributo sa panahon ng Espanyol sa Pilipinas
3. A – Nakapagsisikap na makabuo ng buod ng sistemang tributo

INPUT: (Sumangguni sa Worksheet)

PROCESS: (Sumangguni sa Worksheet)

OUTPUT: (Sumangguni sa Worksheet)

Prepared by: Checked and Reviewed by: Verified by:

JOSELITO R. AGUA NERIZA C. PAGAURA ALFONSO D. ALIMBOY ONG


Writer Validator School Head

Approved by:

LILY-ANN R. MENDERO,EdD
PSDS

Grade Level: 5

Subject Area: Araling Panlipunan 5


Topic: PAGBUBUWIS/ TRIBUTO
Quarter: Pangalawang Markahan Week:3 Lesson 1 Jan. 18-22, 2021

PAGBUBUWIS/ TRIBUTO
Tuklasin
Panuto: Gamit ang dayagram, isulat ang mga salita ang maaaring iugnay sa
salitang buwis.

buwis

Pamprosesong tanong:

 Anu-ano ang mga salitang maiugnay sa buwis?


Sinu-sino ang inaasahang magbabayad ng buwis?
Sa inyong palagay, bakit kaya kailangang magbayad ng buwis?
Sa anong ahensiya ng gobyerno na maari tayong magbayad ng ating buwis?
Kailan pa nagsimula ang pagbabayad ng buwis? Mayroon na rin ba nito sa
panahon ng mga Espanyol?

Suriin
Source:https://xiaochua.net/2013/10/21/xiao-time-8-august-2013-intramuros-lungsod-sa-
loob-ng-mga-pader/

Ang Tributo

Upang matustusan ang mga pangangailangan ng pamahalaan, ang mga


Espanyol ay nagpapakilala ng sistema ng pagbubuwis sa Pilipinas. Ang paniningil
nito ay nagsimula pa noon panahon ng encomienda.

Ang tributo ay buwis na binabayaran ng mga Pilipino na nasa tamang gulang


sa pamahalaang Espanyol. Ang buwis sa pagkamamamayan ay tinawag na tributo.

Noong 1570, ang tributo na siningil ay nasa walong reales o isang piso. Itinaas
ito sa 10 reales noong 1602 at sa reales noong 1851. ang isang pamilya na binubuo
ng ama, ina, at mga anak na menor de edad ay nagbabayad ng isang buong tributo.
Ang mga lalaki at babae na nasa hustong edad ngunit walang asawa ay
nagbabayad ng kalahating tributo. Maliban sa salapi, maari ring ibigay na tributo ang
ginto, tela, bulak, palay, manok at iba pang produkto.

Hindi mabilang ang mga buwis na siningil ng pamahalaang Espanyol sa mga


Pilipino. Ang perang nalilikom, sabi nila ay para sa pagpapaunlad ng pamayanan.
Ang iba ay gugulin sa pamamahala.

Maraming Pilipino ang tumutol sa pagbabayad ng tributo dahil na rin sa pang-


aabuso ng mga encomendero na lumikom nito. Kapag walang ibabayad na salapi,
sapilitang kinukuha ang kanilang mga produkto o binabayaran ang mga ito sa
mababang halaga. Dahil sa mga pang-aabuso sa paraan ng paniningil ng buwis,
binago ito noong 1885 at ipinakilala ang cedula personal bilang resibo sa
pagbabayad ng buwis. Ipinag-utos na lahat ng mamamayang may edad 18 pataas
ay may tungkuling kumuha ng cedula. Mayroon namang hindi nagbabayad ng buwis
gaya ng biyuda ng mga opisyales na Espanyol, cabeza de barangay, pari, madre, at
mga kawal ng pamahalaan.

Tandaan

 Ang Tributo ay
galing sa buwis ng
mga Pilipino.
Gawain 1

Panuto: Pagtapatin ang titik na nasa hanay B na inilalarawan sa hanay A.

Hanay A Hanay B

____1. Tributo a. nangonglekta ng tributo sa mga katutubo


____2. reales b. ipinalit sa pagbabayad ng tributo
____3. cedula c. buwis sa pagkamamayan
____4. encomendero d. katumbas sa piso nuon
____5. pag-aalsa e. naging tugon ng katutubo sa tribute

Gawain 2

Panuto: Sagutin at buuin ang crossword puzzle.

          1    

      1  

                 

            2    

      2

               

3      

                 

ACROSS

1. Kasing halaga ng isang piso sa panahon ng


Espanyol
2. Tawag sa pagbubuwis
Gawain 3

Panuto: Ibuod ang sistemang tributo sa panahon ng Espanyol sa Pilipinas.


Isulat ang sagot sa loob ng mga kahon. Piliin ang sagot sa loob ng pagpipilian.

simula layunin

Paraan sa pangongolekta ng buwis Mga mahalagang pangyayari

Paraanng
Paraan ngpangongolekta Mga mahalagang
ng
pangongolekta pangyayari
tributo
ng tributo

resulta

resulta

Pagpipilian:

 Ang mga
Espanyol ay
nagpakilala ng
sistemang
Pagsusulit:

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat bilang .Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ito ang buwis na binabayaran ng mga Pilipino na nasa tamang gulang sa


pamahalaang Espanyol.
A. Cedula B. Encomendero C. Reales D. Tributo

2. Maliban sa salapi, ano pang bagay ang maari ring ibigay na tributo ng mga
Pilipino?
A. ginto B. manok at tela C. palay D. lahat ng nabanggit

3. Noong 1570 ang walong reales ay katumbas ng ila piso?


A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

4. Bakit maraming Pilipino ang tumutol sa pagbabayad ng tributo?


A. Dahil sa pang-aabuso ng mga encomendero na lumikom nito.
B. Dahil sa sapilitang kinukuha ang kanilang mga produkto kung walang
salaping ibabayad
C. Dahil sa binabayaran lamang ang kanilang mga produkto sa mababang
halaga.
D. Lahat ng nabanggit

5. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa sistemang


tributo sa panahon ng Espanyol sa Pilipinas.

A. Nagkautang ang mga katutubo sa mga encomendero, nawalan ng ari-arian


B. Ang mga Espanyol ay nagpakilala ng sistemang pagbubuwis sa Pilipinas
na tinawag na Tributo.
C. Paglikom ng walong reales sa mga mamamayan, itinaas sa 10 reales
noong 1602 at 12 reales noong 1851. nahirapan ang mga mamamayan sa
mga sinisingil na buwis.
D. Lubhang mahigpit ang mga Espanyol sa panininfil ng buwis dahil hindi
maaaring pumalya sa pagbabayab ang mga katutubo
E. Upang matustusan ang pangangailangan ng pamahalaan.

A. EABCD B. EBCDA C. BCDEA BCDAE

SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1 Gawain 2

1. c ACROSS DOWN
2. d 1. reales 1. kastila
3. b 2. tributo 2. buwis
4. a 3. cedula
5. e

Gawain 3

Simula: upang matustusan ang pangangailangan ng pamahalaan.

Layunin: Ang mga Espanyol ay nagpakilala ng sistemang pagbubuwis sa Pilipinas


na tinawag na Tributo.
Mga mahalagang pangyayari:paglikom ng walong reales sa mga mamamayan,
itinaas sa 10 reales noong 1602 at 12 reales noong 1851. nahirapan ang mga
mamamayan sa mga sinisingil na buwis.

Paraan ng pangongolekta ng tributo: lubhang mahigpit ang mga Espanyol sa


paniningil ng buwis dahil hindi maaaring pumalya sa pagbabayad ang mga
katutubo.

Resulta:nagkautang ang mga katutubo sa mga encomendero, nawalan ng ari-arian


Pagsusulit

1. Ang tamang sagot ay D (Tributo) dahil tirubto ito ang buwis na binabayaran ng
mga Pilipino na nasa tamang gulang sa pamahalaang Espanyol.
2. Ang tamang sagot ay D (Lahat ng nabanggit) dahil kung walang salapi na
ibabayad sapilitang kinukuha ang kanilang mga produkto gaya nang ginto,
tela, bulak, palay, manok at iba pang produkto.
3. Ang tamang sagot ay A (1 piso) dahil 1 pison ang katumbas ng walong reales
noong 1570.
4. Ang tamang sagot ay D (lahat ng nabanggit) dahil ang A-C ito ang mga
dahilan kung bakit maraming Pilipino ang tumutol sa pagbabayad ng tribute.
5. Ang tamang sagot ay B (EBCDA) dahil ito ang wastong pagka sunod-sunod
ng mga pangyayari sa sistemang tributo sa panahon ng Espanyol sa Pilipinas

You might also like