You are on page 1of 7

5

ARALING PANLIPUNAN
Second Quarter – Week 3 L2

Name:   

School :
GOVERNMENT
DepED – San Miguel – District II
PROPERTY
Tina, San Miguel, Surigao del Sur NOT FOR SALE
Telephone No.: 086 – 214 – 6029
eMail: sm2district.072043@gmail.com
Grade Level: 5 Discipline: Panahon ng Kolonyanismong
Espanyol
Subject Area: Araling Panlipunan 5

Topic: SISTEMANG ENCOMIENDA

Quarter: Pangalawang Markahan Week:3 Lesson 2

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5

Araling Panlipinan 5 – 2nd Quarter – Week 3 Lesson 2

COMPETENCY:

Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa


kapangyarihan ng Espanya. (AP5PKE-llc-d-5)

Mga Layunin sa Pagkatuto:

1. K - Nabibigyan kahulugan ang salitang encomienda


2. S - Natatalakay ang sistema ng encomienda
3. A – Naipapahiwatig ang saloobin tungkol sa Sistema ng encomienda

INPUT: (Sumangguni sa Worksheet)

PROCESS: (Sumangguni sa Worksheet)

OUTPUT: (Sumangguni sa Worksheet)

Prepared by: Checked and Reviewed by: Verified by:

JOSELITO R. AGUA NERIZA C. PAGAURA ALFONSO D. ALIMBOY ONG


Writer Validator School Head

Approved by:

LILY-ANN R. MENDERO,EdD
PSDS
Grade Level: 5

Subject Area: Araling Panlipunan 5


Topic: SISTEMANG ENCOMIENDA
Quarter: Pangalawang Markahan Week:3 Lesson 2 Jan. 18-22, 2021

SISTEMANG ENCOMIENDA
Tingnan ang mga larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Source:http://grade9atbp.blogspot.com Source:https://festbilet.ru/tl/lovushki/k Source:https://mundongmitolohiya.wordpre


/2014/08/ang-mga-sinaunang-tao.html to-pervyi-sovershil-krugosvetnoe- ss.com/panahon-ng-mga-kastila/
puteshestvie-ekspediciya
magellana.html
1 2 3

Pamprosesong Tanong:

● Ano ang masasabi mo sa unang larawan?

● Sa ikalawang larawan?

● Sa ikatlong larawan?

● Sa iyong palagay, nang dumating ang mga Kastila sa bansa


,nakapagpatuloy pa rin ba sa pamumuhay nang malaya ang mga katutubong
Pilipino sa kanilang lugar/bansa?

● Anong sistema ang ipinatupad ng mga kastila tungkol sa lupaing tinitirhan


ng mga katutubong Pilipino?

Suriin

Ang Sistemang Encomienda


Ito ang unang patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga Espanyol.
Ang encomienda ay ang malawak na lupaing ipinagkaloob ng hari ng Espanya sa
mga Espanyol upang pangasiwaan at paunlarin. Ito ay buhat sa salitang Espanyol
na encomendar, na nangangahuluhang “ipinakatiwala” o “ipaubaya sa
pangangalaga ng isang tao”. Ang sistemang encomienda sa kolonya ay nagsimula
ayon sa kahilingan ni Adelantado Miguel Lopez de Legazpi. Ang adelantado ay
nangangahulugang gobernador-heneral. Hinirang ni Legazpi sa hari ng spain
gantimpalaan ang serbisyo ng kanyang kawal sa pagpapalaganap ng kolonyalismo.
Tinawag ang mga kawal na ito na conquistadores.

Sa ilalim ng sistemang encomienda, ang lupain ay hindi pagmamay-ari ng


encomendero. Bigyan lamang siya ng partikular na teritoryo upang pamahalaan sa
loob ng dalawa hanggang tatlong henerasyon. Pagkatapos ay dapat na niyang ibalik
ang lupain sakaharian ng Spain.

Ang encomienda ay isang yunit administratibo para sa pangungulekta ng


buwis. Tungkulin ng encomendero na mangulekta ng buwis sa kanyang
nasasakupan. Sa pasimula, ang buwis na sinisingil ay 8 reales (halos kasinghalaga
ng piso noon) sa loob ng isang taon. Ang kalalakihan na may gulang mula 19
hanggang 60 taon ay dapat magbayad ng halagang ito sa encomendero. Subalit sa
ilang pagkakataon, maaari ding ang buwis ay sa anyo ng ani, sapilitang paggawa o
iba pang bagay na naisipang singilin ng encomendero bilang buwis.

Ang may karapatang humawak sa encomienda ay tinawag na encomendero,


siya ay may karapatang sumingil ng buwis mula sa mga mamamayang sakop niya.
Tungkulin din niyang pangalagaan ang kapakanan ng mga ito. Gayunpaman, hindi
ang encomendero ang mismong naniningil ng buwis. Ang tagasingil niya ng buwis
ay ang cabeza de barangay na dating datu o pinuno ng barangay na nawalan ng
kapangyarihan sa pamumuno sa pagdating ng mga Espanyol.

Bilang tagasingil ng buwis, maraming diskrimisnasyon ang naransan ng


cabeza de barangay. Ito ang pag-aabono sa buwis na kailangang makolektasa
encomienda kung hindi sapat ang buwis ng kanyang nakolekta. Dahil sa nakikita ng
mga Pilipino na direktang sanhi ng paghihirap nila sa pagbabayad ng buwis ay ang
cabeza de barangay na kapwa nila Pilipino, ito’y naging dahilan upang magalit sila
sa cabeza de barangay. Ang hidwaang ito sa pagitan ng mga Pilipino ay
nakatulong sa mga Espanyol upang maisakatuparan ang kanilang patakarang
divide-and-rule o pagtatangkang hadlangan ang pagkakaroon ng pagkakaisa, hindi
sila magtatagumpay na mag-aalsa laban sa mga Espanyol.

Gawain 1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod gamit ang mga patnubay na tanong.
1. Ano ang sistemang encomienda?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Sino ag namamahala dito? Ano- ano ang kanyang tungkulin?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang


ang tamang sagot.

________________1. Hango sa salitang encomendar na nangangahulugang


“ipagkatiwala”.

________________2. Namamahala sa sistemang encomienda.

________________3. Tawag sa sinisingil na buwis.

________________4. Mga kawal ng hari sa Espanya.

________________5. Naging tugon ng mga Pilipino sa pang-aabuso ng mga


encomendero.

Gawain 3

Sang-ayon ka ba sa sistema ng encomienda? Bakit? Bakit hindi? Bigyang katwiran


ang iyang sagot.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pagsusulit
1. Ito ang tawag sa malawak na lupaing ipinagkaloob ng hari ng Espanya sa mga
Espanyol upang pangasiwaan at paunlarin.
A. Encomienda B. Encomendero C. Reales D. Tributo

2. Ano ang naging tungkulin ng isang encomendero?


A. Tungkulin ng encomendero ang magbantay ng tindahan
B. Tungkulin ng encomendero ang magbigay inpormasyon sa mga Pilipino
C. Tungkulin ng encomendero ang manguna sa pakikipagbalan
D. Tungkulin ng encomendero ang pamamahala at mangulekta ng buwis sa
kanilang nasasakupan.

3. Ito ang tawag sa mga kawal ng hari ng Espanya.


A. Conquistadores B. Encomendero C. Pulis D. Sundalo

4. Alin sa mga sumusunod ang nagtatalakay hinggil sa sistemang encomienda?


A. Ang sistemang encomienda ito ang pamamahala ng malawak ng lupaing
ipinagkaloob ng hari sa paglilingkod sa kanilang pagtulong sa pananakop
sa isang lugar.
B. Pinamamahalaan ito ng encomendero at tungkulin niya ang mangulekta ng
buwis sa kanilang nasasakupan.
C. Malaki ang naging epekto nito sa mga Pilipino dahil sa naghihirap sila sa
pagbabayad ng buwis.
D. Lahat ng nabanggit.

5. Maganda ba ang resulta sa pagpapatupad ng sistemang encomienda sa mga


Pilipino noon? Bakit?
A. Oo, dahil gumanda ang kanilang pamumuhay.
B. Oo, dahil agad-agad silang nakapagbayad ng buwis.
C. Hindi, dahil lalong naghirap ang mga Pilipino sa pagbabayad ng buwis.
D. Hindi, dahil hindi binigyang pansin ang pangangailangan ng mga Pilipino.
SUSI NG PAGWAWASTO

Gawain 1

1. Ang pamamahala ng malawak ng lupaing ipinagkaloob ng hari sa paglilingkod sa


kanilang pagtulong sa pananakop sa isang lugar.
2. Pinamamahalaan ito ng encomendero. Tungkulin niya ang mangulekta ng buwis
sa kanilang nasasakupan.

Gawain 2

1. Encomienda 2. Encomendero 3 Reales 4. Conquistadores


5. Pag-aalsa

Gawain 3

Hindi ako sang ayon sa sistemang encomienda sapagkat nakakaawa ang mga
Pilipino noon dahil sa sapilitang pagbabayad ng buwis kahit walang pera kaya tuloy
lalong nag hirap ang mga Pilipino.

Pagsusulit
1. Ang tamang sagot ay A (Encomienda) dahil ang encomienda ay malawak na
lupaing ipinagkaloob ng hari ng Espanya sa mga Espanyol upang
pangasiwaan at paunlarin.
2. Ang tamang sagot ay D dahil ang tungkulin ng encomendero ay ang
pamamahala at mangulekta ng buwis sa kanilang nasasakupan.
3. Ang tamang sagot ay A (Conquistadores) dahil ito ang tawag sa mga kawal ng
hari
4. Ang tamang sagot ay D dahil ang A,B at C ay nagtatalakay hinggil sa
sistemang encomienda.
5. Ang tamang sagot ay C dahil hindi maganda ang resulta sa pagpapatupad ng
sistemang encomienda sa mga Pilipino noon sapagkat sila ay naghirap sa
pagbabayad ng buwis.

You might also like