You are on page 1of 89

Pasensya kung medyo may pagka-corny, medyo amateur-ish, may wrong grammar,

maraming typo and ekek. THIS IS NOT THE REVISED COPY OF THE STORY.
Malamang, may mga wrong spelling dito at grammar kaya pasensya po talaga !
Anyways, thank you na lang.
For more stories, check out my official blogsite: http://yaam-officialblogsite.
blogspot.com/
Become my fan at Wattpad: http://www.wattpad.com/user/BiancaUlan
Any Questions? Suggestions? Comments? Ekek? Chechebureche? And ka-eklatan sa
buhay? PM ME ON MY FACEBOOK ACCOUNT OR LEAVE A MESSAGE ON MY
WATTPAD ACCOUNT. THANK YOU !
This story is written by Official Yaam slash Bianca Ulan. BAWAL KOPYAHIN
KAPAG WALA ANG AKING PERMISYO. THANK YOU. GOD BLESS.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------Prologue
Sus. Prologue? Kailangan pa ba niyan? Pampatagal lang ng oras. Excited na ako sa malafairytale
kong storya. HAHAHA.
Eh intro? Juskopo. Required ba yun sa pagbuo ng isang fairytale? Pwede bang ifastforward
na natin ang lahat sa scene na makakasayaw ko na yung prince charming ko.
Alam mo na yun. Yung parang sa Cinderella? O di kaya sa Beauty and the Beast? O di
kaya dun sa scene na hahalikan na ako ng Prince Charming ko para magising ako.
Katulad sa Snow White and the Seven Dwarfs at sa Sleeping Beauty.
Nakakainggit yung mga prinsesa na yan. Maganda na nga, pinabongga pa ng mga poging
kalalakihan na eentrada sa buhay nila. Ang haba ng hair ah.
Bago simulan ang storyang 'to, hayaan niyo munang magpakilala ang bidang prinsesa sa
kwentong ito.
Ako nga pala si Caroline Miles Benitez. Kilala bilang Vher. Alam kong malayo ang
nickname ko sa pangalan ko. Mga weirdo din kasi yung mga magulang ko. Kinasal kasi
sila December 25. Kaya Caroline ang pinangalan nila sakin. Sakto daw sa Christmas. At
kung bakit Miles naman, eh ewan ko. Bakit ko ba kailangang problemahin ang pangalan
ko?! Basta nakuha ang Vher sa month ng `DecemBER`. Pinalandi ko lang yung BER.
HAHAHA.
Oh ano? Pwede na ba ang intro na 'to? Start na tayo.
Gusto ko na rin kasing matunghayan 'tong storya na patataubin ang paborito kong
fairytale story na Cinderella. Ay, Joke lang yun. HAHA.
Sige eto na talaga...
Once upon a time...
JOKE. Ang corny.
eto na nga lang.
Tara. Magbasa na lang tayo :)
Chapter 1
Next Week ay pasukan na namin. Sophomore na ako nun. Kami naman ang mga bagong
siga sa mga first years. Magkakaroon na rin kami ng chance na hindi mapagtripan ng
ibang higher year levels. Nakakabitin yung bakasyon namin kaya nga sinulit na namin
every minute ng natitirang buhay namin. Haha. Nag-enchanted kingdom ako kasama
yung dalawa kong kaibigan.
Si Ver. Ka-nickname ko siya. Yung akin lang eh pinalanding version ng Ver. Haha. For
long, siSilverio Ricardo Martin. Ang galing no? Mas matatanggap pang pangalan yung
apilido niya kesa dun sa mismong first name niya na pang apilido naman talaga.
Kababata ko siya. As in define. Pagkapanganak pa lang samin, bound na kami na
magkakilala. Anak kasi siya nung ka-crew member ng tatay ko nung highschool. Aba,
kung alam niyo lang dancer ang tatay ko. Kaso sa kasamaang palad, wala akong nakuha
sa talent niya. Samantalang etong si Ver, nung nagpaulan ang Diyos ng kagalingan sa
pagsasayaw, sinalo niya na lahat. Pati kaluluwa niya ata nakasalo ng talent na yun eh.
Best friends kami. Pero at the same time, enemies na din. Hahaha. Basta kapag hindi ko
siya nakikita, best friend ko siya. Kapag nakikita ko siya, kaaway ko siya. Palagi ba
naman kasi niya akong pinagtritripan. Badtrip yung panget na yan eh. Hindi ko nga
maintindihan kung anong nagustuhan ng mga kababaihan dyan. Heartthrob yan kaya nga
sumikat ako as the `bestfriend`.
Yung isa naming kasama ay si Gigi. Bakla siya. Hahaha. John Gregory Stevenson. Siya
yung naging bestfriend ko nung first day ko as a 1st year high school. Katulad ko,
parehas naman kaming lokaret. Kaya nga nagkakasundo. Sayang at looks ng bruhong 'to.
Gwapo pa naman. Gay nga lang.
10 pm na nun ng nakauwi ako sa bahay. Ang daya nga eh. Ang aga magsara ng EK.
Sayang ang 500 sa ticket. Refuuund. Hahaha. Dahil hindi namann talaga ako masyadong
napagod, binuksan ko agad yung computer. Kinuha ko yung DigiCam ko at yung USB
connector nun. Malamang, sinaksak ko yung sa laptop ko. Nagbrowse ako ng mga
pictures namin. Kahit tatlo lang kami nun, masaya pa rin.
Pumili ako ng picture namin na kaming tatlo ang magkakasama. Sayang, wala yung isa
pa naming bestfriend. I'm missing her na :(
Kinuha ko sa ilalim ng kama ko yung Notebook slash diary ko slash scrapbook ko.
Siguro, nacucurious kayo kung ano-ano ang mga nakasulat dito. Well, kahit hindi kayo
macurious, sasabihin ko pa rin kung anong nakalagay dito. Haha.
Simulan sa unang page. Naka-paste dun yung pinakamaayos kong drawing nung Nursery
ako. Dito ko narealize na may future ako sa pagdra-drawing. Narealize ko rin kung gaano

ako kabaliw sa paga-uncover ng sarili kong fairytale love story. Nursery pa lang ako,
marunong na akong manlandi. Hahaha.
Gusto ko kasi nun na makikilala ko si Prince Charming habang nakasakay siya sa isang
puting kabayo na may pink at yellow na buntot. Kung paano magiging katotohanan yun,
eh hindi ko alam. Hahaha. Tapos makakasayaw ko si Prince Charming sa isang garden na
sobrang daming Flowers. Then, biglang maiiwan ko yung sapatos ko. O di ba? Parang
Cinderella lang. Hahaha.
Sa sumunod naman na page yung mga pictures namin ni Ver. Ang cute naming dalawa
oh. Sana hindi na lang kami tumanda. Well, naging best friend ko siya kasi sinagip ko
lang naman yung buhay niya. Hahaha. Nung Summer din yun eh. Kasama ng pamilya
namin yung pamilya nila na nagbakasyon sa isang resort sa Nasugbu. Naalala ko nun na
sobrang busy akong tumitingin sa reflection ko sa salamin. Suot ko pa yung high-heels
shoes ng mama ko. Mahilig kasi akong magmaganda. Mahilig akong mag-imagine ng isa
akong Princess. Kaso nga lang umepal yung sigaw ni Ver. Pagtingin ko tuloy sa may
dagat. Ayun, nalulunod na. Napilitan tuloy ako na lumabas nung cottage namin ng nakahigh
heels. Wala na kasi akong time na kumuha pa ng ibang tsinelas. So ayun, naligtas ko
siya. Magaling akong swimmer. Tanda ng friendship namin yung sing-sing na binigay
niya sakin. Dahil hindi na kasya sa daliri ko yun, ginawa ko na lang yung pendant. Palagi
ko namang sinusuot. Hahaha.
Yung ibang pages eh memories lang naman. Natutuwa talaga ako sa mga naiimagine ko
noong bata pa ako hanggang sa ngayon.
Grade 2. Gusto ko yung crush ko magiging ka-close ko. Tapos malalaman ko na may
powers siya na kaya akong paliparin. Iniimagine ko nun na may magic carpet siya o
something. Gusto ko din naman na pumunta kami sa outer space tapos iaalay niya sakin
ang buong universe. Tapos gusto ko din na ipangalan niya sakin ang isang star. Pero
gusto ko yung star, eh marerecognize ko. Gusto ko yung Polaris kasi hindi yun nagalaw.
Ayoko na pahihirapan pa ako na hanapin yung star na nakapangalan sakin. Haha
Grade 3. Gusto ko ng sa isang gabi eh ako yung magiging pinakamagandang babae tapos
bibigyan ako ni Prince Charming ng roses. Basta parang magiging princess ako. Tapos
kapag nagkatouch yung kamay namin ni Prince Charming, may spark. Hahaha
Grade 4. Minsan ko ring naisip na maging makatotohanan. Gusto ko rin na palagi kong
makakasama si Prince Charming. May something na magtutulak samin na i-tutor ang
isa't-isa. Ang sweet nun diba? Nag-aaral kayo ng sabay tapos hindi naman maiiwasan na
magkahawakan kayo ng kamay. Hahahaha
Grade 6. Okay din naman sakin yung magkakabunggo kami. Tapos sa una, magkakaway
agad. Then magiging magka-close. Magkakatext kami at magkakachat palagi hanggang
ligawan niya ako. Tapos maging kami na.
1st year Highschool. Ayos na din na makakasabay ko sa jeep yung gusto ko. Parang sa
Jeepney Love Story. Tapos may something na mangyayare. Then, we will live happily
ever after.
Prinint ko naman na yung picture na napili kong idikit dito. Then syempre, after nun
kumuha ako ng glue at dinikit ko dun. Parang kulang yung picture ah. Kinuha ko yung
shoe box ko. Dun kasi nakalagay yung mga ibang bagay na mahalaga sakin. Andun nga
yung isang sapatos ni mama. Yung isa nawala na. Badtrip kasi si Ver nun. Nagpakalunod
pa. Hindi ko na lang pinaalam ni mama na nawala ko yung sapatos niya. Hahaha. Quiet
na lang kayo. Andun din naman yung ibang pictures. Punong-puno yun. Kumuha ako ng
solo picture niya. Nung nahanap ko na yung picture na yun, I smiled. Dinikit ko yun sa
tabi ng picture ko para kunware kasama namin siya nung nag-EK kami. Kahit naman
anong mangyare, palagi naming kasama yung babaeng yun.
Sayang hindi niya matutunghayan yung fairytale love story ko, bakit kasi siya maagang
kinuha ni Lord? Ipapakilala ko sa inyo yung isa naming best friend na si Cristella
Marizze Mercado. Died on a car accident. Last 2 months lang.
Ang tanging babae na nagpaiyak kay Ver
First Love yan ng bestfriend ko. Hahaha. Dyan nga lang, natotorpe yung mokong na yun
eh. Kgwapo-gwapo tapos kapag kaharap si Tella, wala ng masabi. Nakakaselos nga eh.
Teka. Sinabi ko ba yun?
Fine. May gusto naman ako kay Ver. Hindi naman siguro maiiwasan na magkagusto sa
bestfriend na ganitong kagwapo diba? Pero hindi ko lang kasi talaga maimagine yung
sarili ko na kasayaw siya. In short, hindi ko maimagine na siya ang magiging Prince
Charming ko.
Ewan ko ba kung bakit. Impusible lang kasi. Tsaka siguro hanggang best friends lang
naman talaga. Tanggap ko na yun. Hanggang ngayon naman, ang puso niyan para kay
Tella pa din.
Kailangan pa siguro ng Genie o di kaya ng Fairy Godmother para lang main-love sakin si
Ver. Eh hindi naman ako makakahanap nun ngayon. Hahaha.
Kalimutan na natin si Ver. Hindi siya ang prince charming ko, ok?
Ngayon lang ako naexcite sa pasukan. Sana dun ko na mahanap ang tunay kong prince
charming :)
Chapter 2
Mabilis na lumipas ang six days ng bakasyon namin. Pasukan naaaaa! Panahon na
naman ng paggising ng maaga. Makikipagsapalaran na naman sa matagal na pag-aabang
ng jeep, mga panot na drivers, mga may putok na pasahero. Swertehan mo na lang kung
naligo ng pabango yang katabi mo. Hahaha. Makakalanghap ka na naman ng air at noise
pollution. Tandaan mo, isang taon mo 'tong titiisin. Pero dahil nasanay na din ako, wala
na sa kin yan. Hahaha.
Nakasakay na din ako sa jeep nun. Napatingin ako sa mga pasaherong kasama ko. Wala

namang mala-prince charming ang itsura. So malamang, hindi sa jeep ang first meeting
namin. Hahaha. Excited na talaga ako ha!
Walang traffic nun kaya naman mabilis lang eh nakarating na din ako sa school namin.
Simple lang naman yung school namin. Dalawang Building lang tapos may isang court.
Nasa gitna nung court yung isang malaking White Board, dun nakapost yung sections
namin. Halos aakalain mo na nilamon na ng mga estudyante yung white board dahil sa
nagkumpulan yung mga tao dun. Atat talagang malaman ang section eh. Dahil ayokong
makipagsiksikan, mamaya ko na lang titingnan. Nakita ko naman agad yung best friend
kong si Gigi. Hahaha.
"Bru!" tawag ko naman sa kanya. Tumingin siya sakin kaagad. Syempre, alam na alam
nun ang boses ko.
"Bru! Namiss kita ng bonggang bongga! Grabe. I have so many kwento talaga
sayo!" Amp. Gay. Hahaha
"Palagi naman pero sana maging classmate kita ngayon!"
"Oo talaga!!"
Naka-cling to each other yung arms namin nun. Habang papunta kami dun sa malaking
white board (buti naman buo pa), lahat ng makakasalubong naming gwapo, eh binabati
netong si Gigi.
"Hoy Gregorio, ang landi mo! Haha" Nagtawanan lang naman kami nun.
"Yuck Gregorio! Wag mo nga akong tawagin ng ganun?! Panira sa beauty ko."
"Meron ka ba nun?"
"Bruhaaaa ka talaga..."
Nagtawanan lang kami nun. Ganito lang talaga kami kaabnormal. Nakalapit na din kami
dun sa Malaking white board. Ang daming papel. Joined forces naman kami ni Bru (si
Gigi yan) na hanapin yung section namin. Nakakaduling ah. Kumikirot na yung ngipin ko
dahil sa braces ko. Sosyal ako, may braces. Ang pangit kaya ng ngipin ko. Hahaha.
"OHHHMIIIIGOSSHH!! Classmates kita Bruuuuuu" Parang rinig na rinig sa buong court
yung boses ni Gigi. Napatingin tuloy ako dun sa mga kalalakihan na malapit sa gate na
pinagtatawanan ata kami. Andun si Ver na tiningnan ko naman ng masama pero nakangiti
pa rin siya tapos nag-wave siya sakin ng hello. Inirapan ko lang naman siya tapos
tumalikod ako sa kanya. Narinig ko pa yung mga kasama niya na ng `Ooooohhh` ng
bonggang bongga. Mga abnormal na lalake. Badtrip eh.
"Anong section natin?"
"Ayy, sayang! Hindi natin kaklase si Papa Ver!!"
"Bru?! Anong section natin? Ano bang pakeelam ko kay Silverio?"
"Ang bitter mo. Hahaha"
"Excuse me. Hindi ako bitter dun no?"
"Napansin ko lang na mahilig kang magtawag ng mga panget naming pangalan. Porket
ikaw ang cute ng pangalan mo, ganyan ka na."
"Bru naman. Gusto ko lang malaman ang section ko"
"Section B tayo... Sus. If I know, gusto mo din namang maging classmate si Ver"
"Ang kulit mo Gigi."
"May gusto ka--"
Tinakpan ko agad yung bibig niya nun. Ano ba?! Dapat talagang ibroadcast. Ang lakas
pa naman ng boses ng bruhildang ito.
"Tumahimik ka nga. Ssshh"
Tumango siya nun then tinanggal ko na rin yung kamay ko mula sa pagkakatakip ko sa
bibig niya.
"Lika na nga. Punta na tayo ng classroom"
"Sige na nga bru. wala rin naman akong makita na pogi dito.Hahaha"
Maglalakad na kami papunta dun sa entrance papunta sa Building namin ng napansin ko
na mabilis na tumatakbo papunta samin yung tropa ni Ver. Napapatingin nga yung mga
first years sa kanila. Ang gwagwapo ba naman kasi nilang lahat. Parang sinakluban
naman kami ni Gigi ng mga tropa ni Ver. Binunggo ni Ver yung balikat ko nun. Alam
kong intentionally yun. Ang lakas talaga ng mga trip ng mga yan.
"ANO BA VER?!"
Nakalagpas na yung tropa nila samin nun ng bigla siyang humarap samin ni Gigi.
"Oh Hi Vher! Sorry nakalimutan kitang batiin ha? Sige, bye!" Nagtawanan yung mga
katropa niya. Ang hangin niya talaga kahit kelaaaaaan. Badtrip.
"Duh Ver?! Wala akong pakielam kung hindi mo ako batiin no? Hindi ka man lang nagsorry!
Nabunggo mo kaya ako"
"Ay Vher, hindi pa ba obvious na intentional yun? Kailangan pa bang magsorry?"
Nagtawanan ulit. Badtrip.
"Susunggaban talaga kita Silverio!"
"Oo na. Sige na po. Ikaw naman palagi ang tama. Sorry na po. Okay na ba?" Ang yabang
pa din niya. Grabeeeeee. Pigilan niyo ako. Baka mabigyan ko 'to ng pasa sa mukhaaaaa.
"Badtrip ka talaga Ver! Ang yabang yabang mo!"
"Bakit mo pa ba pinapatagal Vher? Siguro gusto mo lang ako makausap
ng mas matagal..."
Babanat pa sana ako nun kaso biglang umepal si Gigi. Sayang, mapapataob ko na sana
yung mokong na 'to.
"Itigil niyo na nga yan! Parang nakikipagusap lang kayo sa sarili niyo. Parehas pa naman
kayo Ver, hindi pa kayo magkasundo. Ang sakit niyo sa uloooo" Kung andito kayo
siguro matatawa ka na lalo sa tono ng boses ni Gigi. Hahaha. Ang gay talaga.
"Eh palibhasa nanggagaya yan ng Nickname!"
"Hoy, Hin--!"

Hindi ako pinatapos ni Gigi nun.


"Oh magsisimula na naman ng bagong away! Palagi na lanaaang!" Nagtawanan naman
yung ibang kasama ni Ver. Pati si Ver napapangite na din. Eh ako? Mukhang sineryoso
ata lahat ng pangyayare pero hindi ko pa rin mapigilang hindi ngumite.
"Hay nako. Lika na nga lang, Gigi"
Pinairal ko pa rin pagiging mataray ko. Hinawakan ko sa wrist niya si Gigi. Hinila ko
siya punta sa loob ng building namin.
"Nakakabadtrip talaga siya Gigi. As in kanina, kumukulo na yung dugo ko sa kanya.
Akala niya sobrang gwapo niya! Pwes, hindi sakin uubra yun! Badtrip talaga!" Ang bilis
ng pananalita ko nun.
"Nakakarindi ka Bru! Sakit sa ear drums!!" Sabay hawak dun sa tenga niya. Ang arte ng
bruhang 'to.
"Eh nakakainis naman talaga kasi siya--"
*DUG*
Nahilo ako bigla. Ang lakas naman ng impact na yun. Sino bang !@#$%& ang
nakabunggo sakin? Una, si Ver. Ngayon, sino naman?! Uso na ba talaga ang bungguan
ngayon. Panira ng First Day. Parang may nakikita pa akong birds na ewan. O siguro, wild
imagination ko nga lang talaga yun. Hahaha.
"Sorry Miss" Napatingin ako dun sa taong kung saan nangagaling yung mala-anghel na
boses na yun.
Okay. Ang Gwapo.
Ang tangkad.
Ang lakas ng appeal.
Loading...
Wow. Prince Charming is that yooouuu? :">
Nakahawak siya dun sa braso ko. Kaya naman humiwalay agad ako. Nakakahiya kaya.
Halata kaya na nagbla-blush ako. Over. Ang gwapo kasi. Ano ba yan?! Eto na pala ang
prince charming ko! Dumating na pala! Wala man lang binigay sakin na sign na ngayon
ko makikilala si Prince Charming.
"Uh.. Okay lang po" parang kanina iniisip ko na magiging panira 'to ng first day ko.
Ngayon, binabawi ko na. Haaay Heaven! Hahaha
"Sige miss. Nagmamadali po ako. Babawi na lang ako mamaya." tapos nginitian niya ako
then umalis na siya. Hindi ko maiwasan na lumingon habang nagmamadali siyang
lagpasan ako.
"Hoy Bruha!" Hindi ko na pala namalayan na napatulala na pala ako kay Prince
Charming.
"Bru. Siya na talaga!"
"Ha? Si Ver na talaga?" Nawindang naman ako nun bigla. Paano napasok si Ver dito!?
"Ayoko dun. Ang panget nun eh. Yun oh! yung nakabunggo sakin. 4th year ata yun eh.
Ang pogi Bruuu!!"
"AAAHHH!! si Evans!"
Nagpatuloy na kami sa paglalakad nun. Evans pala name niya :"> Nakakainloveeee
Hahahaha
"How come naman na kilala mo yun at ako hindi?!"
"Duh?! Eh kasi ako Bru, may listahan ako ng mga gwapo dito sa school natin?!"
"Ang swerte ko talaga sayo Bru!"
"I know right!"
Nagtawanan lang naman kami nun. Hindi pa din maalis sa isip ko si Kuya Evans. :">
Ang hirap na magpigil ng kilig. Hahaha. Pagpasok ko naman sa classroom namin,
kumuha na ako ng seat. Syempre, pinakamalapit kay Gigi.
This is it :"> Feel na feel ko na na si Kuya Evans na talagaaaaa
Chapter 3
Puro orientation lang naman yung mga nangyare nung first day. Syempre, nakilala na
namin yung mga teachers na bago naming katatakutan. Nagkaroon din kami ng bagong
seating arrangement. Sa kasamaang palad, napalayo ako kay Gigi. Ang panget pa ng
katabi ko. Hahaha. Joke.
Excited naman ako na mag-lunch dahil kasabay namin ang fourth year sa mga oras na
yun. Sophomore ako. Senior siya. Mapapansin kaya niya ang katulad ko? Mas marami
namang magaganda dyan sa tabi-tabi. Medyo nawawalan naman ako ng pag-asa nun.
Natanaw ko agad siya nun. Triny ko yung best ko na magpapansin sa kanya ng pasimple.
Tulad na lang ng pagtabi sa kanya habang nakapila sa bilihan ng canteen. Pero hindi
effective eh. Hay nako naman.
Tapos na kaming bumili ni Gigi ng pagkaen. So sunod na step ay maghanap ng upuan.
Punuan sa canteen nun. Badtrip. Walang bakanteng upuan. Ayaw naman naming makiupo
sa mga nerd mula sa first sections. Mapagkamalan pa kaming mga geeks. Haha.
Ayaw din namin sa mga emo people dun sa may tabi. Grabe, parang nababalutan sila ng
kung ano mang itim na enerhiya. Ayaw din naman namin dun sa long table ng
pinagsamang pwersa ng Basketball Varsity Boys at Cheerdance Varsity Squad. Punongpuno
yun ng mga malalandi at mayayabang na tao. Andun nga ang akong magiting na
best friend slash enemy na si Ver. Member kasi siya ng Basketball Varsity. Naaninag ata
kami netong si Silverio kaya naman kumaway siya samin. Pinahayag niya samin na dun
kami umupo sa long table na yun. Which is Epic Fail para sakin. Siguro kay Gigi, ayos
lang dahil mga ka-close niya din mga tao dun. Eh ako? Wala. Tepok. Ramdam ko na ang
pagiging out-of-place ko sa grupong yun.
Which is true. Napilitan kami... okay... disregard na natin si Gigi... Ako na lang...
Napilitan ako na umupo kasama yung mga ugok na tao katulad nila. Kung anu-ano

pinaguusapan nila. Mga Non-sense. Pinaguusapan lang naman nila yung HS Ball sa
Friday. Naeexcite lang sila dahil muling ibabalik ng school yung HS Ball na yun. Masaya
sila dun. Malamang. Oras na yun na makahanap ng syota o kalandian. Yan naman ang
mga gusto nila. Badtrip.
Nakita ko naman bigla si Kuya Evans. May kasama siyang tatlong lalaki. Mga gwapo
din. Pero lutang na lutang pa rin yung itsura niya. Nakareading glasses siya nun. Tapos
hawak niya ang isang tinidor gamit ang kanang kamay niya habang ang mga mata niya ay
focus na focus sa isang libro. Ang seryoso niya. Ang cute niya. Dun naman sa gilid niya
eh may nakita akong bola ng volleyball at isang pair ng sapatos. Wow. Matalino na nga.
Marunong pang mag-volleyball. Siguro, naglalaro nga siya nun. Wala lang akong
napapanood na laro niya. Seriously, hindi naman ako active sa panunuod at pakikisali ng
mga party, o kung ano mang program na ginagawa ng school. Hindi ko alam kung bakit.
Siguro ngayon, mag babagong buhay na ako. Hahaha.
"Hoy Vher. Tulala ka na dyan." Back to reality na naman ako. Bwiset 'tong si Ver. Kahit
hinde. Hahaha. "Ang tahimik mo dyan ah. Narealize mo na ba na may gusto ka na agad
sakin?" Nagtawanan naman yung mga kasamahan niya.
"Ay Ver! Nakakatuwa naman yang joke mo. Ha ha ha" Napakasarcastic ng tono ko nun.
Isabay mo pa ang pang-iirap ko sa kanya. Taob si Silverio. Haha.
"Ang sungit talaga eh. Sige ka, tatanda kang dalaga niyan" Nagtawanan na naman sila.
Talagang ba dapat tumawa sa bawat statement ni Ver. Porke't sikat siya dito,
nagpapakaalipin na sa kanya yung ibang tao. Akala naman nila na kapag sumama sila sa
sikat, sisikat din sila. Duh. Si Ver pa pinili nila. Hahaha.
"Oh talaga? May balak ka ba talagang asarin ako? Nakakainis ka na kasi. Nakakawalang
ganang kumaen tuloy" Nababadtrip lang ako sa kanya. Masyado kasi namang malakas
ang trip eh.
"Alam niyo guys, kung hindi lang masungit 'tong si Vher, matagal ko na 'tong
linigawan" Lalong nagtawanan yung mga katropa niya. Pero para sakin, parang may
biglang malaking bato na sumagi sa puso, utak at kaluluwa ko. Parang siyang nagunleash
ng isang striking sentence. Tumagos talaga. Tumawa din naman siya nun.
"Yun ang joke 'tol! Nice one" Bumanat pa 'tong si Prince na best friend din ni Ver
pagdating sa tropa. Nagtawanan ulit yung buong tropa. Seriously, ganun ba talaga
kabenta ang joke ni Ver?
"Wow. Nakakatawa naman yang joke mo"
"Sus Vher. If I know kinikilig ka naman" tiningnan niya yung mga mata ko ng diretso. Sa
ganitong pagkakataon, wala akong mood na makipagtinginan sa kanya. Dahil baka lalo
akong... ma-you know. Okay. Fine. Baka mahulog ako pero sa sobrang inis baka
mawalan ako ng puso dahil baka mapatay ko na siya. Badtrip.
"Ang yabang mo talaga Ver. Nakakapikon na." Tumayo ako nun tapos iniwan ko yung
pagkaen ko then umalis ako mula sa table nila. Nababadtrip na talaga ako eh. Parang
akong napagtripan.
"Bru! Wait!" tawag naman sakin ni Gigi. Liningon ko siya.
"Dyan ka na lang muna Gigi. Hot ka naman eh. Siguro kailangan ni Silverio ng heat
galing sayo. Sobra na kasi yung hangin sa katawan niya" Palabas na ako nun nung sa
pintuan ng canteen ng biglang sumigaw si Ver.
"Ver! Eto linoloko ka lang"
"Sa tingin mo ba nakakatuwa?"
Tumahimik naman silang lahat nun. Inirapan ko na lang siya nun tapos lumabas agad ako
ng canteen. Nababadtrip talaga ako. Ayoko kasi ng joke na ganun. Ang masama pa, kay
Ver lahat nanggagaling yung mga jokes na yun. Kung alam ko namang totoo yun,
magiging masaya ako. Pero hindi naman eh. Ayoko lang talagang umasa.
Halos wala naman kaming ginawa nun. Malamang, first day pa lang naman eh.
Nagdaldalan lang naman sila. Nanahimik lang kasi ako. Bigla akong nawala sa mood.
Kahit nga na isipin ko si Kuya Evans, hindi effective eh. Dismissal na rin nun. At last,
nakasurvive sa unang araw.
"Bru. Tara. Sabay na tayong lumabas."
"Ay Bru. May kulang pa sa mga libro ko eh. Pupunta muna ako sa library. Una ka na
lang."
"Sige Bru. Ingat ka ha? Text na lang tayo."
"'kay..."
Umalis naman na siya nun. Kulang pa kasi ako ng Biology book nun kaya kailangan ko
pang pumunta sa library para i-follow up yung kulang kong libro. So yun, madali lang
naman yun. Kaunting pirmahan lang at unting chikahan sa librarian, eh solve na ang
lahat. Hindi ko pa feel umuwi nun kaya tumawid naman ako dun sa isang building.
Andun yung mga fourth years eh. Dumaan ako sa second floor ng building na yun.
Nakita ko si Kuya Evans na nasa loob ng classroom ng Section A.
Napanganga naman ako nun. Wow. Gwapo na nga. Matangkad na. Malakas ang appeal.
Matalino. Sporty pa. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi naman siguro mali na
magka-crush sa kanya diba? Crush lang naman eh. Haha.
Pasimple naman akong nagti-tip toe para lang maabot yung bintana sa pintuan. Dun ko
kasi siya nakikita eh. Ay, kinikilig ako. Ang cute ba naman. Gusto ko siyang makausap.
Haha.
Triny ko namang tumalon nun para makita ko siya kahit na ilang segundo lang ako na
nakalutang. Napapangite naman ako. Ako na malandi. Haha. Parang ayoko pang umalis
nun kaso baka mahuli niya ako. Paalis na ako nun ng biglang may tumawag sakin.
"Vher?" Sos. si Ver lang naman pala.
"Oh?"

"Bakit ka andito? Sinong tinitingnan mo dyan?" Nagtip-toe din naman siya para tingnan
yung tao sa loob nung classroom. Nataranta naman ako nun dahil si Kuya Evans lang
naman yung nasa kwartong yun.
"Uh... Wala... Wag mo ng alamin..."
"Oh. Andun sa loob si kuya Evans! Makausap nga" Sinabi niya habang nasilip siya dun
sa pintuan. Magkakilala sila? How come na parang ako lang ang hindi nakakakilala kay
Kuya Evans?! Napaka-out of place ko talaga sa school na 'to.
"Wag na!" Feel ko naman na nagblush ako nun. Hindi ko alam kung dahil ba kay kuya
Evans o baka dahil kay Ver. Hahaha. Napatingin naman sakin si Ver nun.
"Bakit? May gusto ka kay kuya Evans?"
"Grabe naman 'to. Gusto agad. Crush lang naman no? Ka-close mo?"
Napangite naman nun si Ver tapos bigla niya akong inakbayan then naglakad kami para
bumaba na dun sa stairs. Badtrip. Nilayo pa ako sa prince charming ko. Haha
"Parang kanina galit na galit ka sa kin, tapos ngayon na nalaman mong kaclose ko si kuya
Evans, bigla kang bumaet. Tapos na ba yang dalaw mo?" Lagi na lang na may pang-asar
'tong si Ver.
"Dalaw ka dyan?! Badtrip lang talaga ako sayo kanina! Paano ba naman napakayabang
mo?! Badtrip"
"Ngayon mo lang nalaman?" Sabay tawa naman siya."Babawi na lang ako sayo"
"Oh sige, ilibre mo ako ng pamasahe sa jeep.."
Lumabas na kaming ng gate nun. Grabe, nakalimutan ko si prince charming ko. Hahaha.
So habang naghihintay ng jeep, naguusap pa din kami ni Ver. Kapitbahay ko lang 'to eh.
Kaya masanay na kayo na sabay kaming nauwi. Haha.
"Ang swerte mo naman. Ano ka chicks?"
"Akala ko ba babawi ka?" Ina-unleash ko na ang buong pwersa ng convincing powers ko
para lang pumayag siya na ilibre niya ako ng pamasahe ko sa jeep.
"Wag na yung ganun. Sasamahan na lang kita bukas"
"Ha? Saan?" May pupuntahan ba ako?
"Sa panunuod ng practice ng Volleyball varsity sa court. Nakakahiya.naman kung si Gigi
ang kasama mo. Sige ka, baka agawan ka nun" May point siya dun. Napansin ko naman
na ang tagal ng walang dumadaan na jeep. Badtrip.Wala bang Hi-way dyan? Puro
complex eh. Hahaha.
"Sige. Bukas ha!"
Linagay niya naman yung kaliwa niyang kamay sa ulo ko.
"Para ka talagang bata." Tapos ngumite siya. AYY Ang cute :) Hahahaha.
"Eto mang-aasar na naman...Ang tagal...Walang jeep...Badtrip" Bigla naman siyang nagcheck
ng bag niya. Then, may nilabas siyang Snickers mula sa bag niya. Then, inabot
niya sakin.
"Oh yan. Pampatagal badtrip" *smile*
Na-touch ako dun. Siya lang ang tanging tao sa mundo na may alam na isang chocolate
lang ang katapat ng badtrip at kalungkutan sa buhay ko. Pero hindi niya alam na its not
just the chocolate that makes me feel better. Its also him :)
Chapter 4
Nakalimutan ko naman talaga ang lahat ng kabadtripan ko dahil sa iisang chocolate lang.
Hahaha. Syempre, nakasakay na din kami ng jeep na papuntang Hi-way. Bumaba kami sa
may rotonda. Nag-tricycle papunta ng clubhouse. Naglakad lang ng kaunti. Dumaan kami
sa chapel at sa tindahan kung saan may nakatirang pogi. Haha. Isang liko na lang sa
kanan. Ayun, nakauwi na din. Magkatabi lang yung bahay namin ni Silverio. Pati bintana
ng kwarto namin eh magkatapat. Kaya naman pag-gising ko, aba Mr.Sunshine agad ang
matatanaw ko.
Ginawa ko naman yung assignments ko. Nakapwesto yung study table ko sa harap nung
bintana. Una, para matanaw ko agad si Silverio. Pangalawa, para mahangin. Hahaha.
Pero dahil talaga kay Ver kung bakit sa tapat pa ng bintana ko pwinesto yung study table
ko. Busy naman ako sa paggawa ng essay na `How's your vacation?` sa English.
Nakakasawa. Palagi na lang may ganito. Pero ngayon, idadagdag ko na din yung
pinakamalungkot na pangyayari sa existence ko. Ang pagkawala ni Tella. Hay nako.
Ayaw ko na ngang isipin yun. Nakakaiyak.
Tuloy naman ako sa pagsusulat. Ang daming words na pumapasok sa isip ko. For sure,
mahaba ang kalalabasan na 'to. Matatagalan na naman ako sa pagre-rewrite neto sa isang
bond paper. Kailangan ko ng inspiration. Hahaha. Tumingin naman ako dun sa may
bintana. Ayayayyy. Inspiration lang hinihiling ko, aba anghel ang binigay sakin ni Lord.
Hahaha. Nakita ko dun si Silverio na nakatingin sakin tapos nakangite. Ang pogi sana.
Nakakabadtrip nga lang. Binuksan niya yung bintana niya.
"Ang sipag ah. Anong nakain mo?" Siguro pagkain. Hahaha.
"Masama na bang maging masipag ngayon? Ikaw ba eh gumawa na ng essay mo?"
"Hindi pa. Alam ko namang magaling ka dito, pagawa naman. please!" Badtrip.
Kakausapin lang ako kapag may kailangan.
"Badtrip ka din no? Mag-isa ka. Bwiset" Tumayo ako nun tapos tinakpan ko ng kurtina
yung bintana ng kwarto ko. Babalik na sana ako sa study table ko ng marinig ko ulit yung
boses ni Ver.
"Vherrr!"
Binuksan ko ulit yung kurtina. Sabay sabi sa kanya ng "Oh ano na naman?"
"Wala lang. Masama magsabi ng good night?"
"Yun lang naman pala eh. Hindi naman importante." Isasara ko na ulit sana yung kurtina
ng sumigaw ulit siya.
"Wait!" Binuksan ko ulit yung bintana.

"Oh?"
"Sweet Dreams! Sana mapanaginipan mo ako! I Love You! Mwaaaahhh!" Napangite ako
nun. Nakakatuwa kaya. Nakakakilig pa.
"Kadiri. Hindi bagay." Tumawa naman ako nun. Haha. "Sige. Good Night Silverio" Then
sinara ko na yung bintana ko. Bago ako bumalik dun sa study table ko, umupo muna ako
sa kama ko nun. Then nagsigh. Gusto kong sumigaw. Napapakagat ako sa labi ko. Abot
langit kasi talaga yung tenga ko. Hahaha.
Napahiga ako dun sa kama ko. Hindi ko na mapigilan na yakapin yung unan ko tapog
magpapagulong-gulong dun sa kama ko. Nakakakilig talaga. Badtrip. Waaaaaa. Nasa
gitna naman ako ng paglalabas ng kilig vibes ko eh biglang may bumukas ng pintuan ko.
"ATEEEEE!" Okay. Siya yung bunso namin. Si Diana Artemis. Tami tawag namin sa
kanya.Kung bakit, eh hindi ko alam sa mga magulang ko. Haha. First year high school
siya sa school ko. Hindi ko siya kinakausap at hindi ko siya pinapansin sa school. Ewan
ko ba kung bakit. Hahaha. Iniiwan ko nga yan eh sa pagpasok eh. Ayoko lang na
makasabay siya. May kakambal siya. Si Phoebus Apollo.Bojie naman ang tawag namin
sa kanya. Kung bakit, hindi ko din alam. Ang weird ng mga palayaw namin no? Hahaha.
"Oh? Anong promblema mo bukod sa pagmumukha mo?"
"Wala lang. Paturo ng unang lesson namin sa Math!"
"Yuck. Wala pa ngang klase. Nagpapaturo ka na. What a nerd Tamiii?!"
Tinawanan ko naman siya. Ang sarap talagang mang-asar. Hahaha.
"Wag na nga. Bahala ka na nga dyan" Tapos umalis siya agad. Nagpa-epal lang 'to sa
fairytale ko eh. Wag niyo na lang siya pansinin. Kapatid ko lang yun. Haha.
So yun, patuloy ako sa pagpapagulong-gulong sa kama ko. Pero andun pa din yung kilig.
Hahaha. Badtrip. Then syempre, gumawa ako ng assignment. Then, tulog.
Tapos yun. Good Morning Mister Sunshine!! Haha. Binuksan ko yung bintana. Nakita ko
si Ver na kakabangon lang. Ngumite siya sakin. Syempre, ngumite din ako. Nag-ayos
naman ako para pumasok. Binilisan ko para hindi ako masabayan nung kambal kong
kapatid. Hindi ko rin nasasabayan na pumasok si Ver dahil mabagal yun kumilos. As in
define. Sobrang bagal. Daig pa ang pagong. Hahaha.
Then yun, kumaliwa ako. Dumaan sa tindahan kung saan may nakatirang pogi. Dumaan
sa chapel. Naglakad pa ng kaunti papunta sa terminal ng tricycle papuntang rotonda.
Tapos bababa na sa rotonda. Maghihintay ng jeep papuntang bayan. Then, sakto nakakita
din ng jeep. Sasakay dun. Makikisakay na naman sa mga panot na drivers katulad neto at
makikipagsabayan sa mga may putok na pasahero. Wala pa ding pinagbago. Haha.
As usual, hindi naman traffic. Nakadating na din sa school namin. Walang tao sa court.
Diretso naman agad sa classroom. Pumunta naman ako ng Third Floor. Andun yung
classroom namin. And nasa loob na nun si Gigi. Nakipagtsikahan naman ako sa kanya.
Hanggang dumating yung first subject teacher namin. Wala namang nangyare. Ang
boring lang. Nagklase agad. Badtrip no? Ang KJ. Haha.
Lunch na rin naman nun. Mabilis kaming natapos ni Gigi. Too bad, hindi namin kasabay
ang seniors. Nagkaroon kasi sila ng Early Lunch. Aww naman yun. Dahil may 30
minutes pa namang natitira, napagpasyahan kong magwalis muna sa labas. Ang sipag ko
no? Walang magawa eh. Ang dumi-dumi kaya ng tapat ng classroom namin. Si Gigi kasi
hindi pa tapos yung essay niya so ayaw ko muna siyang guluhin.
Nagwalis-walis naman ako sa labas ng classroom namin. Nakatambay naman yung tropa
ni Ver dun sa harap ng classroom nila na katabi namin. Kasama sa tropa niya
sila Prince, Josh at Gian. Na mga Gwapo din naman. Haha.
"Ang sipag naman ng bestfriend ko!" Nang-asar pa. Inirapan ko lang naman siya tapos
nagwalis na ako. Alam ko naman na lumapit siya sakin. Then kinuha niya yung walis at
dustpan sakin. "Ako na dyan"
Tumalon yung puso ko. Kinikilig ako. Hahaha. Syempre, hindi ko pinakita yun. Nakita
ko namang nagtatawanan lang yung mga kaibigan niya. May dumaan naman na teacher.
Feeling ko alam ng teacher namin yung ginawa ni Ver kaya tumigil pa siya sa harapan
namin.
"Aba Ver, kay Carol ka na pala ngayon!" Grabe, mai-issue pa ako. Hahaha. Carol tawag
sakin ng mga teachers at mga taong hindi naman talaga ako kilala. Hindi naman kasi ako
sikat. Napaka-invisible ko kaya sa school na 'to. Kulang na lang eh maburado na ako sa
mapa.
"Opo Miss! Dati pa naman!" AYYY. Walang ganyanan. Kinikilig ako. Hahaha.
"Goodluck na lang Ver. Bagay naman kayo eh" AYYY. Nakakahiya naman. Napapangite
na lang ako eh. Haha.
"Kasi miss baka sakaling mawalan na ng kasungitan 'to eh! Nung nagpaulan kasi ng
kasungitan ang Diyos, Sampung Palanggana ang nasalo. Nakaabsorb pa mga kili-kili
niyan." Gumuho naman bigla yung mundo ko. BADTRIP. AS IN DEFINE. Nagtawanan
yung katropa niya pati yung teacher namin. Pinilit kong tumawa. Para maki-ride pero
badtrip na badtrip na talaga ako.
"Ang kulit mo talaga Ver. Sige, babyee"
"Sige Miss! Bye!" Umalis na nun yung teacher namin tapos tiningnan ko ng masama si
Ver. "Ganyan ka makatingin?"
"Nakakabadtrip ka din no?! Badtrip ka?! Ang sarap mong ilibing ng buhay!" Kinuha ko
sa kanya yung walis at dustpan. "Hindi ko kailangan ng tulong mo, okay?"
"Weh? Paano si Kuya Evans? Baka gusto mong ipagkalat ko yun" Parang namula yung
pisngi ko nun. Badtrip talaga 'to.
"How dare you?!" Aba, english yan. Hahaha
"I dare" Ngumite siya sakin. Ang cute pero badtrip pa rin.
"Nakakainis ka talaga!" Papasok na ako ng classroom nun ng magsalita pa ulit siya.

"Hindi bale, sasamahan pa rin kita mamaya!" Inirapan ko lang naman siya tapos pumasok
na talaga ako ng classroom.
Nagpatuloy ang mga klase. Ang boring. Naeexcite ako sa panunuod ng practice ng
volleyball. Hindi ko alam kung dahil ba kay Ver o dahil kay Kuya Evans. Kung ano man
ang dahilan, bahala na. Hahaha. Ang Landi ko talaga. Mabilis kong inayos yung gamit
ko. Pagkalabas ko naman ng pintuan eh nakita ko agad dun si Ver.
"Ano ba yan, ang tagal mo. Kanina pa nag-start."
"Ang aga naman" As usual, bati ulit kami. Ganito naman kami palage. Sabay kaming
naglakad papunta ng court. Ang daming nagha-hi kay Ver. Sikat ba naman kasi. Siguro
hindi nila ako kilala. Nung first year ako, diretso uwi agad ako. First time ata nila akong
nakita. Haha.
Nung nasa court na kami, nakita ko na nagprapractice yung Volleyball Varsity.
Errmayghaaad. Ang pogi ni Kuya Evans. Pawis na pawis siya pero Ang hot talaga.
Hahaha. Napapangite ako ng wala sa oras eh. Ang galing niyang maglaro. Grabe. May
sinabi naman si Ver na medyo hindi ko naintindihan. Masyado akong busy sa pagtunaw
kay Kuya Evans gamit ang tingin. Basta something yun about sa paghahanap ng
mapwepwestuhan sa panunuod ng practice. Hinawakan bigla ni Ver yung kamay ko tapos
hinila niya ako. Pero hindi ko pa rin maalis yung tingin ko kay Kuya Evans.
Parang nag-slow motion ang mga pangyayare. Ilang segundo lang ng bigla kong
makitang nakatingin sakin si Kuya Evans. Ang cute ng mga mata niya.
"ATE!" Teka, ako ba yung tinatawag niya? Nataranta ako. Biglang bumilis yung mga
pangyayare.
*DUG*
Nahilo ako nun. Ang lakas ng impact. Nakita ko yung mukha ni Kuya Evans at ni
Ver. Blackout.
Chapter 5
"See how I fall for you?" Badtrip. Sinabi ko ba talaga yung mga katagang yan?
Malamang hinde. Nananaginip lang ako. Okay. Medyo minulat ko na rin yung mata ko
nun. May hang-over pa din ako sa pagkakatama ng bola sa ulo ko. Masyadong malakas
ang impact kaya naman yun, nahimatay na lang ako bigla. Napasabi pa ako ng `see how I
fall for you` sa panaginip ko. Pano ba naman, si Ver este si Kuya Evans yung huli kong
nakita bago ako magpaka-ala sleeping beauty. Haha.
Maayos naman ang pakiramdam ko. Parang wala namang bago. Dumating pa nun si
mama. Nakita ko nga siya na kausap si...
sino nga ba?
bumaba na ako dun mula sa kama upang sumilip dun sa pintuan kung saan ko nakita
yung mama ko na kausap si... si Kuya Evans... Ang swerte naman ni mama... Nakausap
niya na si Kuya Evans... aba, ako hindi pa! Hahaha.
Masyado naman na akong nawiwili sa pagsilip sa kanila. Napapa-tip toe na nga ako eh!
Hahaha. Sige. Ako na adik. Adik kay Kuya Evans. Hahaha. Joke.
So yun bigla namang lumingon si Kuya Evans sakin kaya bigla akong nagtago.
Nakakahiya kaya! Sana hindi niya na-gets na sinisilip ko siya. Eh matalino yun! Baka
nagets niya. Waaaa. Palamon na ako sa lupa. Ghaaaad. Sumilip ulit ako ng kaunti pero
nakatingin pa din siya sa direksyon kung nasaan ako. Nakangite pa. Ang cute. Feeling ko
nag-iinit bigla yung pisngi ko. Paano kung nagbla-blush ako?! Tapos nakita niya?! Naku
po. Hahaha. Crush lang 'to. Relax lang. Chillaaaaax Men!
May bigla naman akong narinig na foot steps kaya dali-dali akong humiga dun sa kama
ko tapos nag-acting na natutulog. Haha. Nakakahiya 'tong ginagawa ko ha! Mukha akong
timang. Hahahaha.
Alam ko nun na pumasok sa clinic si mama pati si kuya Evans. Bigla akong napaisip,
saan kaya nagpunta si Ver? Awww. Hindi naman sa siya ang gusto kong unang makita
pero... bakit parang wala siya?? wala ba siyang pake sa best friend niya?? Hay nako.
Melodramatic much?! Ayoko na. Kuya Evans na lang talaga. Hahaha.
Gusto kong buksan yung isang mata ko nun pero napaisip ako na mamaya na lang.
Hahaha.
Na-over heard ko naman yung paguusap nila ni mama. malamang nasa iisa lang kaming
kwarto eh.
"Ah. Opo. Mrs. Benitez, ako na pong bahala kay Carol" OMGGGG. Yung pangalan ko
yun diba? OMGGGGG talaga. Kinikilig na ako. Napapangite na ako nun. Ang hirap
magpigil ng ngite ah! Pero isang senyales lang yun na hindi niya talaga ako kilala.
Malamang, tiningnan niya yung ID ko tapos hinulaan niya na lang yung nickname ko.
Pero...teka lang... Wala pa kaming ID!?!! Paano niya malalaman yung pangalan ko?!
Okaaay. Ang weird pero kinikilig pa rin ako. Hahahahaha.
"Ow sige Evans... May tiwala naman ako sayo eh... May dapat pa lang talaga akong
asikasuhin sa office... pakisabi na lang sa kanya lahat ng bilin ko ha?" Teka... May
tiwala?? Eh di ibig sabihin dati pa sila magkakilala ni mama!! Si mama talaga, hindi
sakin sinasabi na may gwapo siyang kakilala sa school namin!?! Nakakainis naman oh?!
"Opo. Ako na rin po maghahatid sa kanya. Pakamusta na lang po ako kay
Tito." TITO?!?!?! Kamag-anak niya ba daddy ko?! Kung ganun, awwww. Wala na
kaming chance :(( Iyak na ako. Joke! Hahaha. Ako kaya yung tipo ng tao na hindi
naiyak!
"Sige... Bye na Evans ha? Take care of my baby..." Okay. Sobra talagang nakakahiya
si mama. As in to the highest level. Feel ko naman na ngumite nun si Evans. AAHHHH!!
And feel ko na ang cute ng ngiteng yun?! Wooooo. Nakatalikod ako sa kanya pero feel
ko eh nakatitig siya sakin tapos buong mukha niya eh nakikita ko. Ang cute ba naman
kasi. Hahaha. Nafeel ko na rin na umalis na si mama nun. May narinig kasi akong

footsteps. Mga two minutes lang ang nakakaraan ng naramdaman kong may tumapik sa
likod ko. Nakaramdam ako ng kilig. OMG :)) Hahaha.
Nagkunwarian naman ako na parang sobrang himbing sa pagtulog. Syempre diba?!!
"Tayo na lang naman andito... Nakakatuwa ka... Hindi mo naman na kailangang
magkunware na tulog... obvious ka ate..." Napamulat naman ako ng bonggang bongga
nun. Umupo naman ako agad dun sa kama ko. Tapos si Kuya Evans eh nakatayo sa
harapan ko. Nasa heaven na ata ako. Hahahaha. Sobrang nahiya naman ako nun. Worst
day naman ohh!
"Ah...hehe" Promise. Nabigkas ko talaga yung `hehe` na yun! Hahaha. OMG. Kahiya.
"Hinde... Okay lang... Carol name mo?"
"Ah?" Bakit ako ganito sumagot?!! Mukha akong timang?!! Waaaaa. Lamunin na sana
ako ng kama! Ohh Pleaaaasee!!!
"Sabi kasi ni Ver, yun daw ang itawag ko sayo kasi hindi pa naman daw tayo close...
Tatawagin na lang daw kita sa tunay mong nickname kapag gusto mo...Mukhang bitter
eh..." Badtrip talaga si Silverio! Hindi pa ako pinakilala bilang Vher eh! So ngayon,
maghihintay pa ako ng mahabang panahon para maging close kami?!! Pero magiging
close nga kaya kami?! Ang malas ko pa naman pagdating sa lalaki. Alam niyo ba lahat ng
nagiging crush ko eh hanggang tingin ko lang. Kung hindi namna hanggang tingin lang,
hanggang friends lang kasi may girlfriend na silang iba. Ang saklap ko no? Sinumpa kasi
ata lovelife ko eh?! Ganito kais yun, si papa, umaapaw ang lovelife nun?!! Si mama
naman swerte din sa lovelife... ang dami kasing nagkakagusto sa kanya!? Eh ako?!
DUH?! Walang kalovelife-lovelife.!! Nakuha na lahat ng mga magulang ko. Baka nga sa
pagtanda ko eh, maunahan pa ako ni Tami at Bojie!
"Boyfriend mo ba si Ver?"
Nagulantang naman ako dun sa sinagot niya kaya ang bilis din ng reply ko sa kanya.
"Hindi ah! And never ko gugustuhin yun?!" ENGGGKKK!! Wrong Answer. Hindi kami
pero gusto ko.Awww.
"Easy lang... By the way, I'm Evans... Kilala mo ba ako?"
"Ah... Oo naman..." At last, humahaba na rin ang mga sagot ko sa kanya. Haha.
"Wow... Ang dami ko na palang atraso sayo nu?"
"Ha?Paano?"
"Nakalimutan mo na ba? Ako yung nakabunggo mo nung first day..."
"AHH!! Oo..." yung prince charming ko :"> Hahaha
"Tanda mo pa ako?"
"Yup..." DUH?! Sa gwapong face na yan, paano kaya kita makakalimutan?! Hahaha.
"Well then... halika... hayaan mo akong bumawi sayo..." Hinawakan niya yung kamay ko
nun. OMG. *kilig*. Hindi ko keri 'to. Hinila niya ako palabas ng clinic. Nakita ko dun
yung bag ko sa may upuan sa labas nung clinic. Wala ng tao nun. Pakiramdam ko nga eh
7pm na nun. Nakakaramdam na rin naman ako ng gutom nun. Palabas kami ng gate ng
school nun. Madaldal din pala 'tong si kuya Evans. Nagkakakwentuhan lang naman kami
nun tungkol sa kung anu-ano. Dinala niya ako dun sa may gotohan malapit sa park na
malapit sa school namin. Hindi siya ideal na dinner pero okay na din.
"Sorry eto lang ha? Hindi kasi ako humihingi ng allowance eh..." Umupo kami dun sa
upuan. Bigla pa ngang umulan eh.
"Okay lang. Tamang-tama sa panahon oh..." Ngumite siya nun.
Umorder siya ng dalawang order ng goto. So yun, medyo matagal yun kasi madami ding
umoorder. Mabenta 'to dito!?! Hahaha.
"Uhm... Appreciative... Cute... Uh... Eyes? Okay na din kahit singkit... Braces? Okay na
din kahit meron... Skin? Uh... Okay na din kahit morena..." Nagtaka naman ako dun sa
sinabi niya. Iba din kais yung expression ng mukha niya nun. Hahaha.
"Ha? hindi ko nagets..."
"Uh...ikaw? Okay na din..." tumingin siya sakin ng diretso. "Nagtataka ako... bakit dati
hindi kita napapansin?!!" Tumawa siya nun at feel ko ako naman eh namumula na sa
sobrang kilig. "So ikaw naman... anong ideal guy mo?"
"ideal guy??" si Ver... AYY HINDEE... Ikaw pala :"> Hahahaha
"Oo..."
"Uh... Okay lang kahit hindi appreciative... Syempre, cute... sino namang may gusto ng
panget diba?"Napangite ko siya nun. Camera ba ako? Napapangite kasi kita?!!
Hahaha. "Uh... Eyes? Kahit mabilog o singkit pwede na rin... wala din naman akong
pakielam... Braces?? Kahit wala na... Uh... Skin? Mas gusto ko ng mapuputi..." hindi ako
sigurado kung si Ver ba o si kuya evans yung tinutukoy ko nun. Ang gulo ko no?
Ngumite lang naman siya nun. Bigla namang may naglagay ng goto sa table namin. Hindi
ko na tatawaging waiter yun kasi pang-sosyal lang yun. Hahaha. Nagpatuloy naman kami
sa pagkwekwentuhan.
"Uh... sa restaurant na sosyal... tapos maraming natugtog ng violins... tapos may mga rose
petals sa paligid at maraming candles..."
"Ano yun?"
"Ideal date..." Tapos ngumite siya. Hahaha. Ngumite din naman ako. Hindi ko masabi
yung ideal date ko kasi nahihiya ako. So, sinabi ko na lang na wala akong maisip.
Nagkwentuhan ulit kami. Hanggang mapunta sa usapang Silverio.
"So, kelan pa kayo naging mag-best friends ni Ver?"
"Since birth... naniniwala na nga ako na meant to be talaga kami... pero syempre, as best
friends..."
"Never bang sumagi sa isip mo na magkagusto sa kanya??"
"Uh..." sasagot na sana ako nun ng biglang may mga 4th year galing sa school namin ang
dumating sa gotohan na yun. Kaya naman nagkabatian pa sila ni kuya Evans. Mga

katropa niya ata yung mga yun. Mukha namang hindi ako napapansin ng mga tao dun.
Ang invisible ko talaga. Medyo 5 minutes na rin nun yung nakakalipas, nakalimutan na
ata ni kuya Evans na may kasama siya. Ubos ko na rin yung goto ko nun ng biglang
umupo ulit sa harapan ko si kuya Evans.
"Ang kulit nila no?" ngumite lang naman ako. "Uhm... ano nga bang pinaguusapan natin
kanina?"
"Uh... nakalimutan ko na eh... baka hindi naman kasi importante.... kaen ka na..." Pero
tandang-tanda ko pa yun. Mukha namang nakalimutan talaga ni kuya Evans yun kaya
nagpatuloy siya pagkaen. Mabilis lang naman yun kaya nagpaalam na siya dun sa mga
katropa niya tapos nagpunta na kami dun sa park. Dun na rin kami naghintay ng jeep.
Nalaman ko naman na parehas kami ng subdivision. Nasa ibang phase nga lang siya. At
ang layo niya samin.
Nakahanap na din kami ng jeep nun. Then, sumakay ng tricycle at bumaba ng clubhouse.
Dun na kami naghiwalay ni Kuya Evans pero kinuha niya muna yung number ko nun
bago siya sumakay ng isa pang tricycle papunta sa bahay nila. Ako kasi eh lalakarin ko
lang yun. Syempre, dadaan ako sa chapel... then dun sa tindahan kung saan may
nakatirang pogi... then kakaliwa ako... then yun na!! ang bahay namin. Nakabukas nun
yung ilaw sa kwarto ni Ver. Gabi na ah. Anung ginagawa nun dun?
Pumasok na ako ng bahay nun. Nanunuod ng tv nun si Tami at Bojie. Pinapasok ko na
sila sa kwarto nila para matulog. Late na kaya. Chineck ko muna yung cell phone ko
nung pagkatapos ko mag-shower. Puro GMs lang then may text from an unknown
number!! Yeheyyy. Hahaha. ALAM NA!
From: +63926*******
, evans 'to! sbi ng mami m p2lugn m dw ng maaga ung kpatd m...
ikw dn m2log k n sbi ko nmn... haha...
inom k ng vitamins... bilin ng mami mo at xmpre ako..
ge.. gudnyt... sliptyt... swit drimz..
HALAAA. Anong irereply ko?! Hahaha.
To: Kuya Evans
.ok po :) good night and sweet dreams!! haha
Wala na talaga akong maisip. OVERRR. Hahaha. Hindi naman nagreply nun si Kuya
Evans. Ang boring ko kasi talagang kausap. Pumasok na ako sa kwarto ko tapos syempre
nagdamit. Then, binuksan ko yung bintana ko. Sulyap lang kay Ver. Ngayon nga lang
ako nagtaka kung bakit hinayaan niya na pumapel muna as mag-aalaga sakin si Kuya
Evans kesa sa kanya. Nakasarado yung bintana niya nun. AYY. Epic Fail. Naglagay ako
ng upuan malapit dun sa bintana then tumanaw na lang ako sa mga stars.
Parang kulang yung araw ko ngayon. Diba dapat nagulong na ako sa kama ngayon sa
sobrang kilig??
Nagulat naman ako ng biglang buksan ni Ver yung bintana niya. Naka-topless siya nun
kaya naman nagulantang talaga ako ng bonggang bongga.
"gising ka pa?"
"ay hinde hinde!! kaya nga ako nakaupo ngayon diba? ay oo... tulog ako!!
obvious!!" Ngumite naman siya nun. AY ang cute. Hahaha. Napangite din naman ako
nun.
"Natuwa ka ba sa ginawa ko?"
"Ha? San?"
"Nakapagdate kayo ni Kuya Evans..." Owwww...
"Uh... Okay lang naman..."
"Hindi ka pa satisfied? Ang demanding mo naman!"
"Hindi kaya!!"
"Sus... Ayaw pang sabihin na hindi ka talaga masasatisfy kay Evans kasi sakin ka lang
naman masasatisfy!" Inirapan ko lang naman siya nun.
"whatever! sige tutulog na ako... good night!" sinarado ko agad yung bintana ko nun.
Napaisip ako bigla. Nagkaroon na rin ako ng dahilan para magpagulong-gulong sa kama.
Haha.
Chapter 6
Lumipas ang ibang days. Palage ko namang nakakatext at nakakachat si Prince Charming
ko a.k.a Kuya Evans. At ngayon ko lang naman nalaman na ang buong pangalan niya
ay Gian Evans Javier. Pangalan pa lang gwapo na. OHA! Hahaha. At ngayon ko rin
naman narealize na palapit na ng palapit ang HS Ball na usapan na sa buong campus.
Nung first year naman kasi ako eh hindi ako nasali sa mga ganito. Kahit nung
acquaintance last year eh hindi ko inattendan. Tamad lang siguro ako o sadyang wala
akong hilig sa mga ganito. Kaso mas ayos pa nga yung acquiantance last year gawa ng
puro kasiyahan lang naman daw yun. Eh etong HS Ball, naglevel-up na! Parang JS Prom
na nga daw 'to eh. Gawa required ang mga estudyante na magkaroon ng ka-date. Grabe
eh.
Dalawang araw na lang, HS Ball na. Hindi naman ako naeexcite. Feel ko nga hindi na
naman ako makakapunta kasi wala namang nagyayaya sakin. Si Gigi nga gusto kong kadate
kaso pati best friend ko naunahan na din. Eh si Ver? Aasarin lang ako nun kapag
sinabi ko sa kanya na gusto ko siyang ka-date. Ineexpect ko naman na yayayain ako ni
Kuya Evans. Pero malabo na ata yun. Bahala na nga. Bakit ko ba 'to prinoproblema?
So yun, dismissal na rin nun. Gusto ko pa sana manuod ng practice nila Kuya Evans pero
bigla ata akong tinamad. Hahaha. Nasa First floor na ako ng makita ko si Ver na
nakatambay lang dun. Nanunuod ata siya ng practice ng volleyball varsity.
"Huy. Makatitig. Anong meron?" Nakatulala kasi siya dun sa mga nagprapractice. Feel
ko.... Teka... Volleyball GIRLS at Boys yung nagprapractice ngayon. Tss. May crush 'to

siguro galing sa mga babae na yan. Badtrip. Sige. Ako na selos.


"Ha?"
"Meron kang type dyan no? Aminin mo nga!" Halos yugyugin ko na buong katawan niya
nun. Nakakabadtrip kaya. Ang sakit kaya.
Erase na yun. Scratch that. Tiningnan ko naman siya gamit ang tantalizing eyes ko. Haha.
"Ano ba? Tumahimik ka nga dyan." Ay sorry naman. Masyado lang kasi akong affected
diba.
"Sabihin mo na kasi."
"Oo. Yung Third year na naglalaro. Si Ate Rits. Ang cute niya eh." Tssss. Mabilis na
nag-load sa utak ko na taob na taob na ako sa third year na yun. Hay nako.
"Sus. Okay lang naman."
"Ang ganda niya." Nakangite siya nun. Ang landi mo Ver. Para kang kuto no. Ang sarap
mong tisirin.
"Okay. Fine. Umuwi na tayo." hinila ko yung kamay niya with all my powers para wala
ng kawala. Hahaha.
"Eto naman. Panira. Nag-eenjoy pa eh" Sabi niya habang papalabas kami ng gate. For
sure, kadate niya na yun. Hay nako naman.
"Ano ka ba. Padating na din yung HS Ball. Pwede mo siyang isayaw dun. Teka, yinaya
mo ba as date?" Please. Sana hindi pa. Please lang. Tumigil na kami nun sa waiting shed
ng mga jeep. Tinago ko yung kamay ko na naka-crossed fingers ngayon.
"Hindi pa. Second Choice ko lang yun eh." Second Choice si Ate Rits? Wag mong
sabihin na may babae siyang hindi ko alam. Sige ka. Magtatampo ako.
"And the first choice?" dug dug dug. Heartbeat daw yan. Haha
Sinabi niya na kung sino kaso tepok. Hindi ko narinig ng biglang may humaharurot na
jeep ang dumaan. Sa sobrang lakas ng engine sounds eh, halos wala akong narinig.
Pasuspense naman oh. Badtrip.
"Ano ulit? Umepal yung jeep eh."
"Badtrip ka. Wala." AYY, so ako pang badtrip ngayon. Sumakay agad sa jeep si Ver nun
kaya ako naman na hindi prepared sa pagsakay niya eh pver nagmadali pa para lang
makasakay na din sa jeep na sinakyan niya. Hindi ko pa tuloy siya natabihan. Pero
kaharap ko naman siya. Okay lang. Mukha ngang badtrip siya. Ano ba naman yan?!
Kasalanan ko bang maging binge?! O kasalanan ko ba na biglang humarurot yung jeep na
yun!? Sinusumpa ko na talaga ang jeep na yun. Hahaha.
"Huy" Hindi niya ako pinansin. May apat na pasahero na umalis mula sa linya ng upuan
ni Ver. Medyo lumuwag dun kaya tinabihan ko siya. Siniko ko naman siya nun. Badtrip
kase. Ayaw akong pansinin.
"Ano?"
"Yung sinasabi mo kanina."
Tumigil yung jeep sa isang area kung saan sigurado ka na marameng trabahador ang
sasakay. Medyo sumikip naman kami nun. Nafeel ko yung elbows namin ni Ver na
nagkadikit. And nafeel ko rin naman na may spark akong naramdaman. Wait. Kinikilig
ako. Haha. Napakagat na lang ako sa labi ko.
Nag-stretch ng kamay si Ver nun tapos inakbayan niya ako. Nagkaroon tuloy ng space
nun. Space para huminga. Haha. Siguro, iniisip na ng mga tao na magboyfriend kami.
Okay lang yan. Yan ang gusto ko. Hahaha. Joke.
"Mamaya ko na sasabihin. Ang daming tao eh" tumango na lang ako nun. Medyo
lumuwag na rin nun at medyo malapit na rin kami nun. Naka-ayos na din naman ako ng
upo nun. Gamit ang peripheral vision ko eh nakita ko na nakatitig sakin si Ver. Napatawa
tuloy ako.
"Masyado na bang maganda?"
"Ha? Yung ano?" Sus. Utal na utal naman sa pagsasalita. Haha.
"Kanina ka pa nakatingin sakin eh. Baka matunaw ako niyan"
"Uh.. Ah.. Ha?... Ano?.. An?" Wow. Alien talk ba? Haha. Pumara ako sa jeep nun. Then
bumaba agad ako. Gantihan lang 'to. Kanina, siya yung sumakay ng jeep ng hindi ako
prepared. aba, ngayon ako ang bababa sa jeep ng prepared. haha. Sumakay kami ng
tricycle. Bumaba sa clubhouse. Then yun naglakad na. Siguro naman wala ng sagabal na
tunog ngayon diba. Kailangan ko marinig loud and clear 'to. Haha.
"Game. Ano na yung kanina? Sino si First Choice?" Medyo malapit na kami sa chapel
nun. Kakadaan na rin namin dun sa tindahan kung saan may nakatirang pogi.
"Uh. Yun. Si First Choice." Nasa tapat na kami nun ng kanya-kanyang bahay namin.
"Sino?"
"Ikaw. " Bumilis yung pagtibok ng puso ko nun. "Hindi ka pa naman yinayaya ni Kuya
Evans diba?"
"Ako?"
"Oo."
"Di nga?"
"Oo nga. Ang kulet."
"Weh?"
"Gusto pang ulit-ulitin eh. Oo nga"
"Masyado ka naman kasing biglaan. Sana sinabi mo pa dati. Okay lang naman"
"Eh di ayos. Mag-ayos ka ha? Ayoko ng kadate na panget"
"Whatever"
"sige. Pumasok ka na"
Pumasok na ako bahay namin nun. Napapikit agad ako tapos napangite ako ng bonggang
bongga. Nagmumukha ako nun kasi natawa ako ng mag-isa. Gusto kong hampasin yung
pintuan nun. Badtrip. Hahaha. Masyado naman akong kinikilig. Humarap ulit ako sa sala

at nakita ko dun si mama, papa, si Tami at si Bojie na nakatitig sakin with a puzzled
expression. Siguro iniisip nila na nahihibang na talaga ako. Haha.
"Ay sorry. Akyat na ako" Naka-peace sign na ako nun. Kinikilig talaga ako. Diretso
naman agad ako sa kwarto. Hindi ko na inintay na magsalita mga magulang ko.
Nagshower naman agad ako at nagpalit ng damit. Binuksan ko din yung bintana ko nun
pero nakasara yung kurtina. Binuksan ko yung wardrobe ko at naghalungkat ng pwedeng
suotin sa HS Ball.
Nag-experimento na lang ako ng mga damit nun. Wala naman kasi akong dress talaga eh.
Alangan namang bumili pa ako. Diba? Haha.
Nung nakahanap na din ako ng swak na damit. Natulog na ako. Pero syempre, ang hirap
kayang makatulog kapag sobrang excited ka na sa dadating na HS Ball. Pero tested na
para sakin na bumibilis ang panahon kapag tulog ang tao. Kaya tulog lang, parang
bumilis ang panahon. Hahaha.
Friday. June 28. HS Ball
HS Ball na talaga. This is it na talaga. So yung suot ko nun ay isang white na tank top
lang. tapos may skirt ako na hanggang tuhod pero kapag sinuot ko, magmumukha yung
above the knee. Haha. Tinuck-in ko yung skirt ko sa tank top ko. Then naglagay ako ng
black na belt para may style naman. At hindi halatang pinagexperimentuhan lang ang
damit. Onting suklay lang naman and okay na.
5 pm na nun. 6 pm pa naman yung party. Pero okay lang naman na malate. Binuksan ko
yung bintana ko nun. Bukas din pala yung bintana ni Ver nun.
"Hoy! Okay ka na ba? Tara na?!"
"Teka lang. Excited masyado eh." Sino bang hinde maeexcite kapag ikaw ang kapartner?
Hahaha. Lumapit na siya dun sa bintana niya. Halos malaglag yung panga ko nun. kay
gwapo naman kasi eh."Okay na ako"
"Wow. Ang tagal mo ah" Bigla naman kaming may nairnig na kotse na tumigil sa tapat
ng bahay namin. Napatingin kami dun ni Ver. Kita naman kasi.
Mas nalaglag yung panga ko ng nalaman ko na isang BMW na silver pala ang tumigil sa
pamamahay namin. Rich much? Asa namang amin yan.
"Imba. Kanino yun?" Amaze naman 'tong lalaking 'to.
Nagulat naman ako ng biglang buksan ni Bojie yung pinto. Pero mas nagulat ako sa
sinabi niya.
"Ate. May maputing lalaki na matangkad na naghahanap sayo sa baba. 4th year ata 'to eh.
May dala pang roses!" Kuya Evans?
Chapter 7
Bumaba naman ako dun sa first floor. Tama nga ang hinala ko. Si Kuya Evans nga.
Andun si mama. Kilala niya pala si Kuya Evans. Siya lang naman daw kasi yung anak
nung kliyente ni mama na ubod ng yaman. Isang fourth year high school student na may
pag-aari ng isang BMW na kotse pero hindi nakakahingi ng allowance. Whoa.
Makikipagpustahan ako. Ang suot na suit niya ngayon ay nagkakahalaga ng sampung
libo pataas. Makalaglag panga naman ako nun. May dala nga siyang roses. Isang bouquet
pa. May White. May Red. May Blue. Nanlaki yung mata ko. Anak ng kalahating patola.
Blue Rose. Eh sobrang mahal niyan. Ang hirap pang makabili niyan. Paano siya
makakabili ng ganyan kaagad?
Ghad. Masyado atang literal 'to. Prinsepe ka nga ba talaga bui? Haha.
"Uh... Kuya Evans?" Grabe. Out of words ako. Omg.
"Sorry kung nabigla ata kita. Gusto sana kitang maging kadate sa HS Ball" eh si Ver.
Gusto kong sampalin yung sarili ko ngayon. Paano si Ver? Huyyyy. Ano ba Vher?!
Dapat si Ver?! Badtrip. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Bigla namang may isang familiar na tao ang kumatok mula sa pintuan ng bahay namin.
Si Ver. Cheap man ang suot niya pero mas gwapo pa din siya. Ano baaa? Ang hirap
naman mag-decide. Okay na ang lahat eh. Sumingit ka lang prince charming eh.
"Ready ka na ba Ver? Lika na" Isa pa 'tong wrong timing oh. Dapat mamaya ka na
pumasok sa eksena eh.
"Uh..."
"Ay, kadate mo pala siya?"
"Uh?" Okay. Fine. Ako na mukhang timang.
"Oo. kadate ko siya"
"Uh!" Pare-parehas lang sinasabi ko pero nag-iiba ang expression. Haha.
"Ow. Then, sabay-sabay na lang tayo na pumunta sa school. Pinahiram ako ni papa ng
kotse. Andyan yung driver namin para ipag-drive kaming dalawa ni... I mean... tayong
tatlo na pala..."
"Uhhh...." Nadagdagan na siyang ng madameng `h`. Hahahahaha.
"Okay. Sige" Pumasok si Ver ng bahay namin tapos hinawakan niya yung kamay ko then
hinila niya ako papalabas. "Sige Tita Zerli. Babalik ko ng buhay 'tong anak niyo. Don't
Worry." sabi niya habang hila-hila ako.
Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Naiilang ako. Pero okay pa rin. Gamit
yung isa kong kamay, hinawakan ko yung ring na ginawa kong pendant. Ang tanda ng
walang katapusang friendship namin ni Ver. Ang friendship namin na halos for 8 years
na eh hindi pa din naglelevel-up. Haha.
Lumabas na rin nun si Kuya Evans. Nakakapagtaka. Bakit siya ganun? Siguro dahil
kliyente ni mama yung daddy niya kaya nakikipagclose siya sakin. Pero ano ngayon
diba? Anong connect?
"Sa unahan ka Vher..." Nagtaka kami ni Ver kung sino ba samin yung pinapa-upo niya sa
unahan. Na-gets niya ata yun kaya naman sinundan niya pa ng isa pang statement. "I
mean si Carol"Tinatawag na rin niya akong Vher kasi close na nga naman talaga kami.

Sa text lang syempre. Haha. binuksan niya yung pintuan sa unahan tapos pinaupo niya
ako nun. binulungan niya yung driver. mukha ngang pumapalag yung driver pero bigla na
lang tumango tapos umalis bigla.
Okaaaay. Saan pupunta si manong driver?!!
Pumasok naman si Ver sa back seat. nakakahiya naman. Tiningnan ko siya gamit yung
mirror na nasa kotse. Mukha siyang badtrip. nakatulala lang siya dun sa bintana. Hay
nako Ver naman oh.
Sumakay na din nun si Kuya Evans sa driver's seat.
"Ikaw magdra-drive?" Whoa
"Yeah. Don't Worry. May lisensya ako." HA?! PAANO?!
"18 ka na ba?!"
"Hinde no. 15 pa lang ako. Nadaya lang." Tapos tumawa siya. "Nakakahiya no?"
"Hibang ka ba?!" Pwedeng makulong no?! WAAAAA.
"No. Just sick." tapos tumawa ulit siya. Seriously, dapat tumawa? Haha.
Magsasalita pa sana ako ng biglang binuksan ni Ver yung pintuan niya sabay sabi
ng "Pupunta na lang ako dun mag-isa. Sige"
Pipigilan ko pa sana siya nun kaso mabilis siyang nakalabas ng kotse at mabilis din
siyang naglakad papasok dun sa garahe nila. Mukhang badtrip nga.
"Hala. Si Ver..."
"Anung meron?"
"Wait. Kakausapin ko lang ha?" tatayo na sana ako kaso bigla niyang hinawakan yung
kamay ko. Wala akong naramdaman na spark. Napatingin ako ng mga 5 seconds kay
Kuya Evans pero tinanggal niya din yung kamay niya sakin sabay sabi ng "Sorry..."
Wala akong masabi. Napatingin lang talaga ako sa kanya. Nawala lang yung pagkatitig
ko sa kanya ng biglang may narinig akong tunog ng motor. Sakay ng motor na yung si
Ver. Gamit niya yung motor ng kuya niya. Wala pang helmet. Badtrip talaga si Ver.
Walang helmet. Badtrip. Lagot siya sakin mamaya! Bakit ba ganyan ang ugali niya?!"
"Huy lika na!" Lumarga naman na kami ni Kuya Evans nun. Nagsisimula ng topic nun si
Kuya Evans kaso masyado akong nag-aalala kay Ver. Hindi ko na rin siya napapansin
Nasa bayan na kami nun. Medyo malapit na din sa school namin. Kaso nga lang traffic na
nun kaya lalo naman akong kinabahan. Anak ng tinapa talaga oh.
"Masyado kang nag-aalala kay Ver ah"
"Nakakainis kasi siya eh! Nagmotor! Eh walang helmet! Badtrip! Paano kung mabangga
yun?! Paano kung mahuli siya ng pulis?! Lagot siya sa kuya niya! Lagot siya sa daddy
niya! Lagot siya sa mommy niya?! baka maging grounded siya?! Paano kung...." Nun ko
lang narealize na masyado na ata akong naghy-hysterical. Kaya nanahimik naman na ako.
"Relax ka lang. Okay lang yun. Okay?"
Naging kalmado naman na ako nun. Ayoko na. Nakakahiya na. so yun, ilang minuto lang
naman ng tumigil na kami sa tapat ng school namin. Nagtinginan samin yung mga
estudyante. kelan ka nga naman ba kse makakakita ng isang estudyante na nagdra-drive
ng isang BMW. Kung ganito siya kayaman, bakit parang ang simple niya? tapos bakit
dito pa siya sa chipangarutay na school nag-aral?! Bakit hindi sa isang executive na
school?! Bakit sa isang private school na 10,000 lang naman ang tuition fee sa buong
taon. Ang weird.
Pumasok na kami sa gate nun. Sa court gagawin yung HS Ball. Ang bongga ng lights at
sounds. Grabe. Tapos ang daming tao. Pabonggahan pa ng suot. Hinanap ko si Ver nun.
Pero hindi ko siya makita. So si Gigi na lang ang hinanap ko. Pero mukhang mas
naunahan akong mahanap ni Gigi kesa sa mahanap ko siya. Haha.
"Bru! Bongga ka?!"
"Bru naman?! Asan si Ver?"
"Ay Bru. Andun sa may mga chairs and tables?! Kasama si Ate Rits?!"
"Ha? S-sino?"
Lumakas bigla yung sounds. isang patunay na magsta-start na yung program. May
biglang kumausap kay Gigi kaya hindi ko na rin siya nakausap ng maayos. Nagkaroon
naman ng corny na program. Hindi ko pa rin nakikita si Ver. Ano ba yan? Sumunod na
lang ako kay Kuya Evans. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Hindi ko alam kung ano ba
talaga ang iniisip nila? Nalalandian ba sila sakin o naiinggit sila? Hay nako.
Nagkaroon ng games pero hindi na ako sumali. Ang corny talaga. Sabi ko na nga ba eh
dapat hindi na lang ako pumunta. Si Silverio naman kasi eh?! Nako naman.
And dumating na rin naman ang oras na pinakahihintay ng IBANG tao. yung oras na
pwede mong isayaw yung gusto mong isayaw. Nag-reach out ng hand sakin si Kuya
Evans pero syempre tinanggap ko naman. Nagsayaw kami. Tiningnan ko yung mga mata
niya. Siya nga ba talaga ang prince charming ko?
Swak lang naman kasi sa kanya lahat ng nangyayare diba? Lahat ng mga gusto ko sa
isang fairytale, parang kayang-kaya niyang gawin lahat. Pero kulang pa din. Wala akong
maramdaman kaya halos wala rin akong masabi. Dahil sa wala akong masabi, parang
yung eksena na 'to eh nawawalan ng importansya sa kwentong 'to. 2 minutes nangyare
ang lahat pero parang wala lang. Parang walang nangyare. Nasulyapan ko nun si Ver na
pumaosok sa Building B ng campus. At gusto ko siyang sundan.
"Ay... Wait lang ha? May pupuntahan lang ako"
"Sige. Sure" Then, umalis na ako nun. Pumasok na rin ako sa Building B. Chineck ko
yung mga rooms. Then may isang kwarto na naka-attract ng attention ko. Alam kong
kwarto 'to ng mga third year. Tapos pinapaligiran yun ng mga glow in the dark na stars.
Kaya pag madilim, ang cute naman talaga.Sinilip ko muna yung bintana. Then, nakita ko
si Ver sa loob. bumilis ang pagtibok ng puso ko. hinawakan ko yung left side ng chest ko
kasi feeling ko sasabog na yung puso ko. Bakit ako nagkakaganito? Hindi pa ba ako

sanay na nakikita ko siya??


Pumasok ako dun sa kwarto ng dahan-dahan. Pero kahit ganun, mukhang naramdaman
niya ang presensiya ko. Lumingon siya sakin. Ang ganda nung scene. Madilim. Tapos
napapaligiran kami ng mga naiilaw na bituin. Parang isang fairytale. Parang isang perfect
romantic scene. A perfect setting with the perfect guy. But in the wrong time.
"Ver?"
"Oh bakit ka andito?" Nakita ko siyang ngumite pero mabilis na nawala yun.
Rinig na rinig namin yung tugtog sa labas. Biglang tumutog yung kantang `Your Song` ni
Ellie Goulding.
Lumapit ako sa kanya tapos inistretch ko yung kamay ko sa kanya.
"Isayaw mo ako"
a rush of memories began
It's a little bit funny
This feeling inside me.
I'm not one of those who can
Easily hide.
Naalala ko nung sinagip ko siya mula sa pagkakalunod. I stretched out my hand. First
time kong pumayag na makipagholding hands sa isang lalake. At first time ko nun na
magka-crush. First time kong kiligin. First time kong maka-feel ng butterflies in my
stomach. First time kong hindi makatulog dahil sa isang lalake.
Hinawakan niya din yung kamay ko. Bumabagal ang mga pangyayare. 3 seconds. pero
parang.... parang 30 minutes of happiness. Pinull niya ako papunta sa kanya ng unti-unti.
Gently, hinawakan niya yung hips ko tapos tinaas niya yung right hand ko.
I don't have much money
But boy if I did
I'd buy a big house where
We both could live.
"Anong nangyare sayo kanina?" Tiningnan ko siya sa mga mata niya.
"Sorry. Nahibang ako kanina eh"
"Ha? Bakit?"
"Nag-drama ako. Feeling ko kasi hindi mo na ako kailangan..."
So excuse me forgetting
But these things I do.
See I've forgotten if
They're green or they're blue.
Nagpatuloy yung kanta. And sana hindi na matapos. Eto na kasi yung ideal dance ko.
yung tipong nagalaw pa yung mga stars. Nasunod yung tingin ng mga bituin sa bawat
pag-ikot niyo sa buong room. yung tipong ang purpose lang ng mga stars is to shine for
both of you.
"Paano mo nasabi?" Nasigh muna siya.
Anyway the thing is...
What I really mean...
Yours are the sweetest eyes
I've ever seen.
"Alam mo kasi... siguro siya susunduin ka niya gamit ang BMW na kotse... pero ako
Motor lang... minsan wala pa... ang kaya ko lang gawin para sayo eh ilakad ka... eh
samahan ka lang para makapaggala... eh samahan ka lang na sumimoy dun sa gwapong
nakatira sa may tindahan... yun lang..." naluluha ako nun. nakakatouch kayaaa!
"Eh di sasakyan kita!" Tumawa naman siya nun.
"Tapos siya kaya ka niyang bigyan ng isang bouquet ng roses. Mas madami pa dun..."
"Eh di magtatanim tayo ng isang hardin ng roses. Oh di ba mas marami yun?" tumawa
ulit siya.
"Kaya ka niyang dalhin sa isang sosyal na restaurant at ipakain sayo ang pinakamahal na
pagkain dun..."
"Eh alam mo namang favorite ko yung siomai diba? kaya mo akong dalhin dun. O pwede
din namang magluto tayo. Enjoy pa tayo diba?"
And you can tell everybody
This is your song.
It maybe quite simple but
Now that it's done
I hope you don't mind
I hope you don't mind
That I put down in words
How wonderful life is
Now you're in the world.
Ngumite siya nun. Grabe. Ang babaw ng mga dahilan pero natatawa na din ako. Hahaha.
Ang bagal ng pangyayare and I'm liking it.
"Kaya ka niyang ibili ng malaking mansiyon. Eh ako, baka dog house lang magawa ko
para sayo"
"Eh di gagawa tayo ng bahay! Magtratrabaho tayo bilang construction worker!"
Natawa na naman siya nun. Haha. Pati ako din natatawa na eh. Mukha lang akong timang
sa mga sinasabi ko.
If I was a sculptor
But then again no.
Or a girl who makes potions in
The travelling show.

I know it's not much but


It's the best I can do.
My gift is my song and
This one's for you.
"Eh siya kaya niyang..." Pinatigil ko na siya nun. Masyado kasing negative 'tong best
friend ko eh.
"Wag ka ngang magfocus sa mga ganyang bagay. Isipin mo na lang... na hindi niya
kayang mag-alay ng sayaw para sakin... na hindi niya kayang patagalin ang oras katulad
ng ginagawa mo ngayon... na hindi niya naman talaga kayang makisakay sa lahat ng
gusto ko... ano ka ba? sa milyon-milyong tao sa mundo, ikaw ang pinaka nakakakilala
sakin..."
Oh...
And you can tell everybody
This is your song.
It may be quite simple but
Now that it's done
I hope you don't mind
I hope you don't mind
That I put down in words
Ngumite siya nun. Patapos na yung kanta ng bumitaw siya sakin tapos tumingin siya
sakin ng diretso.
"Potch.Bes. Bestfriend Tots. Panget. Bruho. Ver. Mokong. Yats. Tabs." *ngite* "Chong.
Palits. Pards. Potpot. Chupot. Chups. Chum" *tawa* "Eight years na pala. Ang dami ng
dumaan na tawagan pero hindi ka pa rin nagbabago"
"May nakakalimutan ka pang tawagan oy?!"
"Ano?"
How wonderful life is
Now you're in the world.
"Kapatid"
Chapter 8
So yun, syempre lumabas na din kami sa kwarto nun. Ma-issue pa kami kapag nahuli pa
kami dito eh. Haha. Nagtatawanan pa kami nung palabas kami. Makapag-joke pa naman
kasi. Badtrip eh. Ayun, naiisip ko lang na paano kung si Ver yung prince charming ko?
Hindi rin naman malabo diba? Pero malabo talaga eh. Ay sige, ako na lang ang malabo.
Haha.
Sakto na pagtapak namin sa labas nung classroom eh nakita namin si Kuya Evans. Nakalean
siya sa wall tapos nakalagay yung dalawa niyang kamay sa bulsa niya. Ang astig ng
aura niya. Para kang nakakakita ng sobrang gwapong anime. Tapos yung tipong may
flowers pa sa background niya habang ginagalaw niya yung buhok niya. Ay grabe naman
ako mag-imagine. Syempre, nagback to reality na din ako. Napatitig din pala ako sa
kanya ng matagal.
"Ay. Kuya Evans! Sorry po" Nahihiya ako nun pero nakita ko siyang ngumite kaya
biglang gumaan yung pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko.
Parang nadadala ako sa mood niya. Nakita ko yung mga mata niya. Sadness. Hindi ko
alam kung bakit pero yun yung sinasabi ng mga mata niya. There's something. At
nabagabag akong bigla sa kung ano mang meron behind the emotions of such a perfect
guy like him.
"Don't worry. Do you want me to drive you home?" English pa. Grabe. Lumabas ang
pagkatalino at pagkasosyal niya ha. Nakakapanglumo.
"Ay hindi na. Andito naman si Ver. Siya ng bahala sakin" Pinilit kong ngumite. Nakita
ko din na ngumite si kuya Evans pero halatang fake. Alam ko yun kasi madalas akong
nagpapakita ng fake smile noon. Nung buhay pa si Tella. Lalo na nung nagsta-start akong
kutuban na may gusto sa kanya si Ver. Grabe. Mukha ngang hindi ako ngumingite ng
totoo nun eh. Too much drama for a kid huh?
"Okay. Fine. Kailangan ko na ring umuwi." Parang nangingig yung kamay niya nun.
Siguro nalalamigan. Then nag-cough siya. Siguro, wala lang naman yung cough.
Halatang isang simpleng ehem lang naman yun. Then inayos niya yung suot niya. "Sige.
I'll better go. Text na lang kita Vher"
"Sure" sabay naming sinabi ni Ver. Bakit kasi magkapareho kami ng nickname eh?!
Haha. Tumawa lang nun si Kuya Evans then tumalikod na siya and lumabas na siya ng
building namin. Dun lang ako nagtaka kung gaano na katagal si Kuya Evans sa labas ng
classroom na yun. And halos 30 minutes pa lang kami dun sa party and nag-decide na
siyang umuwi.
Ayoko namang isipin na nagselos siya. Masyado pang maaga dun. Ang in the first place,
impusible na isang katulad niya eh magkagusto sakin. Pero teka. Cinderella had the
chance to make the handsome prince fall for her. Ako kaya may chance din?
So yun, nagpatuloy pa rin yung party. Magkakasama kami ni Ver, Gigi at Ate Rits.
Mabaet naman si Ate Rits. Mukhang naporma sa kanya si Ver. Fake smiles ulet. Hindi na
mabibilang sa sobrang dami. Haha.
Dahil mabwibwiset lang ako, ifast forward natin sa katapusan nung HS Ball. Naghintay
kami ng jeep ni Ver at Gigi. Nakakamiss si Tella. Dati kaming apat yung sabay-sabay na
naghihintay ng jeep. Grabe. Bakit kasi maaga siyang kinuha ni Lord? Super heart broken
tuloy netong si Silverio. Sumakay na rin kami dun sa jeep. Naunang bumaba si Gigi kasi
iba yung subdivision niya samin ni Ver. Then bumaba na kami sa may rotonda.
Napagpasyahan namin nun wag sumakay ng tricycle papunta ng clubhouse. Tipid
pamasahe na din tsaka wala lang. Mas masaya 'to. Mas matagal ko siyang makakausap.

Nagiging awkward na rin yung feeling ko habang naglalakad kami. Napapatingin ako sa
kanya pero syempre inaalis ko rin yung tingin ko sa kanya. Baka magwapuhan ako
masyado eh. Hahaha.
"Uh... ano... Sinayang mo yung opportunity..."
"Hm? saan?"
"Kay kuya Evans... sayang yun... ihahatid ka pa sa bahay mo gamit yung BMW niyang
kotse"Napangite ako nun. yan na naman yung pagiging bitter niya. Hahaha. Tumigil siya
nun. Kaya naman napatingin ako sa kanya. Ngumite siya nun na parang abot langit na
kasi nawawalan na siya ng mata.
"O bakit ka tumigil?"
"Angkas ka sakin. Dali" tumalikod siya sakin. Natawa ako nun. Piggy Back Ride eh.
Haha.
"Nakakahiya" Kahit madilim pa kasi nun. Madame pa ring tao no.
"Dali na. Wala naman tayong kotse ngayon eh. Wala na din yung motor. Kinuha ni kuya
diba?" Sabi ko nga. Tumingin muna ako sa right and left side ko then inalis ko yung high
heels kong sandals then umangkas na ako sa kanya. Nakakahiya, nakapalda pa man din
ako nun. Hawak ko nun yung sandals ko habang nakakapit ako sa kanya.
"ang bigat mo pala"
"Ang gaspang neto." Tumawa lang naman siya nun. Ang sarap ng feeling. Nung nasa
may clubhouse na kami, sumuko na siya. Malamang, sobrang layo kaya nun.
"Grabe. Nakakapagod. Hindi ko na kaya. Sobrang bigat mo!"
"ikaw ba naman kase nagpapakamartyr pa"
"Eto talaga, hindi man lang nagpasalamat..."
Nagsimula na ulit kaming maglakad nun papunta naman na dun sa phase namin. Tumigil
siya nun. For sure, sobrang pagod yun.
"Teka lang. Pwede bang huminga muna?"
Nagcross ako ng arms ko nun tapos tumitig ako sa kanya habang hingal na hingal siya
dun. Ang cute niya. Pero kahit na pagod siya, nakuha pa rin niyang ngumite sakin.
Biglang kumulog nun. Tumingin ako sa langit nun and then naramdaman ko na may
tubig na biglang tumulo sa noo ko.
Umuulan na pala.
"Hala. Naulan na. Ang bagal mo naman kasi eh" Kinuha ko yung payong ko sa body bag
ko. Aba, girl scout 'to. Haha. Pinayungan ko siya nun. ang tangkad niya. Ang hirap tuloy
payungan. Kailangan talaga na naka-stretch yung kamay ko para mapayungan lang siya
ng maayos. Kinuha niya sakin yung payong bigla. Aba, para sa kanya ang dali dali lang
hawakan yung payong. Inakbayan niya ako nun then nagsimula na kaming maglakad.
"In love ka na siguro sakin no?" Teka, pano mo alam? Haha
"A-asa naman. Ang panget ng ugali mo eh. Lagi mo nga ako inaaway tapos
magkakagusto ako sayo..."
"Tama ka." Then, tumawa siya. Hindi ba niya nagets na hinihintay ko lang siya na
amuhin ako at pilitin ako na sabihin sa kanya na may gusto naman talaga ako sa
kanya. "Wag kang magkakagusto sakin ha?"
Sakto nun nasa tapat na kami ng mga bahay namin.Ngumite muna sa kanya habang
papasok na ako sa gate.
"Oo talaga. Promise." Ngumite siya then pumasok na siya sa bahay nila. Sa totoo nga
lang, mas nauna siyang makapasok sa bahay nila kesa sakin. Naging mabagal na rin
akong kumilos nun. Siguro kahit sabihin man lang niya na joke yung pagkakasabi niya
nun, parang tagos pa din. Kailangan ba talagang sabihin yun?
Pumasok na ako sa bahay namin nun. Nagkwekwentuhan kami ng kaunti ni mama.
Architect kasi si mama. Nagdedesign siya ng mga bahay. So yun nabanggit niya sakin na
dindesignan niya ng bahay si Kuya Evans. Well, syempre request galing dun sa daddy ni
Kuya Evans. Ang yaman talaga no? Masyado ngang minamadali si mama eh. Eh may
mga nauna pa namang kliyente sa kanila kaya grabe sila mag-offer ng money para lang
unahin ni mama yung pagdedesing ng bahay nila.
Well, masyado silang demanding. Gusto nila ng bahay na may dalawang floors tapos dun
sa second floor marame daw na windows. Sabi pa nga daw yung second floor eh dapat
75% windows at 25% walls. Ang timang no? Gusto ko ngang tanungin si Kuya Evans
kung bakit ang weird nung pinapadesign nilang bahay. Haha.
After ng bonding time namin, tumaas na ako sa kwarto ko and nagshower at nagpalit na
rin ng damit. Tulad ng dating kinagawian, binuksan ko yung bintana ko para masulyapan
ko si Best friend pogi. Haha.
And andun na nga siya. Nakabukas din agad yung bintana niya tapos nakasilip na rin siya
dun.
"Ang tagal mo ah..."
"Hinihintay mo 'ko?"
"Ha?... hindi a-ah.."
"Wushu..."
Tumawa lang naman ako nun. Kumuha ako ng pamaypay dun sa tabi ng kama ko. Ang
init kasi ng panahon ngayon. Ang abnormal ng panahon eh. Ramdam na ramdam ko na
ang climactic change. Haha.
"Grabe. Ang init. Sana naman mag-snow sa Pilipinas?!"
"Oo nga eh" Tumawa siya. Nawawala talaga yung mata niya pag nakatawa. Ang cute.
Haha.
Nagkwentuhan lang kami tungkol sa kung anu-ano. Napagplanuhan pa nga namin na
gawan ng bridge yung bahay naming dalawa eh! Ang panget naman kasi, naguusap kami
sa bintana. Hahaha. Hindi kami makapaglaro ng Monopoly o di kaya scrabble pag

ganito.
So yun, inantok na rin kami kaya napagpasyahan na naming matulog.
Wala kaming pasok ngayon. Saturday eh. Nagmukmok ako sa bahay buong araw.
Syempre, nagsipag ako na gumawa ng mga assignments. Ang bilis ng panahon.
Dalawang araw na lang July na. Magiging masaya ang buwan na 'to. Intrams eh. Yun pa
naman ang pinakapaborito ko kahit na wala naman akong sport na sasalihan. Haha.
Dahil wala namang masyadong nangyare, ifast-forward na natin nung gabi. Kasama ko si
Tami sa loob ng kwarto ko. Inaayos ko yung buhok niya nun at nagkwekwentuhan rin
kami. Bonding time din namin 'to eh. Kwinekwento niya rin kung gaano kasaya ang
highschool life niya. Nakakainggit nga. Sana naging katulad ko siya nung 1st year
highschool ako para hindi ako invisible ngayon.
Kasabay ng pagkwekwentuhan namin eh biglang nag-vibrate yung cell phone ko. Dahil
tamad ako, ginamit ko yung paa ko bilang pangkuha sa cell phone ko. Haha.
tiningnan ko kung sinong nagtext.
From: Silverio
Buksan mo bintana mo. Haha ^_^
Nacurious naman ako kung bakit niya pinapabukas yung bintana sakin. So ako naman
etong in love sa kanya (Hahaha), binuksan yung bintana. Naki-usi nga 'tong si Tami eh.
Nanlaki yung mata ko kasabay ng pagsabi ni Tami ng "Woooooooow"
Nagsno-snow na pala sa Pilipinas ngayon...
Chapter 9
Inistretch out ko yung kamay ko. Alam mong peke lang yung snow kasi texture at isang
tingin mo lang eh styro lang naman talaga na maliliit yung nahuhulog but still, ang sweet.
Bumukas yung kurtina mula dun sa bintana ni Ver. Hawak niya yung DigiCam niya then
pinicturan niya ako habang nakastretch yung kamay ko dun sa snow(kuno).
Tiningnan ko yung taas. Dun ko nakita si Josh at Gian sa may bubong at naghuhulog ng
mga styro. Andun din si Prince na may hawak ng blower para pampadagdag effect.
Napatawa naman ako dun kasi nataranta pa yung tatlo dahil nakita ko daw sila. May bigla
namang nagflash. Napatingin tuloy ako kay Ver na pinicturan na naman ako. Haha.
Masyado na talaga akong maganda.
"Ang adik. Kunwareng snow" Ngumite siya nun. Mukhang nauubusan na din sila ng
ihuhulog na snow kaya bumaba na yung tatlong alipores ni Ver. Meron kasing mahabang
hagdan dun eh. Kaya sa first floor muna naman ang bagsak nila. Haha.
"Nagustuhan mo ba?" Nagtake ulit siya ng picture. Hinarang ko yung mukha ko pero
nagte-take pa rin siya ng picture. Ang adik eh.
"Wait. Time out! Gaganti ako!" Kinuha ko agad yung camera ko mula sa lalagyanan.
Hindi naman talaga ako nagpatalo. Pinicturan ko siya ng bonggang bongga. Ayos. Kahit
anong anggulo, ang gwapo. So yun, joined forces naman kami ni Tami sa pang-aasar sa
mga stolen shots ko kay Ver.
"Burahin mo yan! Ang panget ko dyan eh!" Triny niyang abutin pero hindi niya talaga
keri. Haha. Nag-apir pa kami ni Tami nun habang trinitrip namin si Ver. Ang kulet lang
eh.
"Ang cute cute mo nga dito?! Okay lang yan" Tinawanan ko naman lalo yung picture
niya na cute naman talaga pero basta. Haha. Gamit naman ang peripheral vision ko nakita
ko na nakatitig siya sakin tapos iba yung ngite niya. "Bakit ka ganyan makatingin?"
"Wala..." Nakangite niyang sinarado yung kurtina niya. Mukha lang siyang timang eh.
Sinarado ko na din yung kurtina nun. Then, binuksan ko agad yung computer. Kinuha ko
yung USB connector para magprint ulet ng picture.
"Alam mo ate, bagay talaga kayo ni Kuya Ver?!" Nagulat naman ako sa kalandiang
sinabi ni Tami. Haha. Ngumite lang ako then prinint ko yung isang picture ni Ver.
Syempre, yung picture na pinagtatawanan namin. Mukhang timang pero ang cute eh.
Haha. Kinuha ko yung notebook ko na sobrang importante. Pinaste ko dun yung
picture. "Honestly ate! Pwede nga kayong magkatuluyan?!"
"Hala Tami... naririnig mo ba yang sinasabi mo?" Kumuha ako ng pentel pen and
nagsulat ako ng caption. `Tamang Snow sa Pinas :* XOXO By: Bestie Verrrrrr`. Yan
yung linagay ko. Tinitigan ko pa yung picture. Ahuuuy. Masyado akong kinikilig. Haha.
"Ate, imagine ha?! Ang tagal niyo ng magbest friend... hindi pa ba mahuhulog niyan si
kuya Ver sayo?" Sinarado ko yung notebook then tinago ko ulit sa ilalim ng kama ko.
"Nope..."
"Ano ba yan ate?! Ikaw lang naman ang nagsasabe na may gusto siya kay Ate Tella eh?!
Sinabi niya ba sayo na si Ate Tella gusto niya?"
"Hindi... eh pero halata naman yun Tami..."
"Alam mo kung bakit hindi niya sinasabi sayo kung sino gusto niya? Kasi ikaw naman
talaga ang gusto niya..." Tumayo si Tami nun at patuloy na magpaganda sa harap nung
salamin. Napatigil naman ako nun. May point si tami eh PERO TEKAAAA. Bawal. Back
to reality. Sinampal ko yung sarili ko. Bawal ako umasa. Aasa na lang ako kay Kuya
Evans, wag lang kay Ver. "Ate, obvious talaga. ayaw mo lang isipin kasi baka masaktan
ka... malay mo si Kuya Ver... ganun din... ayaw niya umamin kasi baka masaktan din
siya..."
Napatingin ako sa kanya. Hinagis ko sa paa niya yung isang maliit na unan mula sa kama
ko sabay sabi ng "Mga iniisip neto! Ang bata-bata pa eh." tumawa lang naman ako nun.
"Wala ka talagang kwenta pagdating sa love life no? Aminin mo na kasi na may gusto ka
kay Kuya Ver!" Napalakas yung pagkakasabi niya nun kaya nataranta naman talaga ako
ng over. Tumayo agad ako then tinakpan ko yung bibig niya.
"Etong bibig ng babaeng 'to... lumayas ka na nga sa kwarto ko..." nakangite kong sinabi.
Binuksan ko yung pintuan. Sakto naman eh nagulat ako. Si Josh, Gian, Prince at si Ver eh

nasa labas pala ng kwarto ko. Iba yung ngite nila sakin. Mga loko pa man din yung mga
'to. Kinurot ni Tami yung kamay ko kaya syempre, inalis ko bigla yung kamay ko sa
pagkakatakip sa bibig niya.
"Babye Ate!!" Then kumaripas si Tami ng takbo. Napapikit naman ako nun kasi feeling
ko narinig talaga ng apat na 'to yung sinabi ni Tami. Panira talaga ng gabe 'tong kapatid
ko oh. Iluluto ko talaga ng buhay yun. Hahaha.
So pakapalan nga naman talaga ng mukha, biglang pumasok yung apat na lalake. Pero
aba, may pahabol pa! Bago sila pumasok sa kwarto ko, si Josh, Gian at Prince eh kiniliti
muna yung bewang ko. Badtrip. Pang-asar talaga eh. Kanya-kanya naman silang pwesto
sa kwarto ko. Si Josh at Gian eh nakahiga dun sa kama ko habang nakaupo si Prince dun
sa sahig at hawak niya yung remote control ng TV ko. Aba, batas 'tong si Prince, siya pa
yung naglilipat ng channel! Si Ver naman eh umupo dun sa upuan ng computer table ko.
At ako naman eh umupo dun sa pinakamalapit na upuan ng computer table. Ngayon ko
lang narealize, ang dame palang upuan sa kwarto ko. Haha.
"Aba mga lalakeng 'to! Ang titikal! gabing-gabi na! magsiuwi na nga kayo!" nakacrossed
arms pa ako nun. ang sunget ng dating no? Hahaha.
Unang bumanat naman si Josh at Gian. Sabay pa silang napaupo sa kama ko. Aba,
kailangan sabay? Hahaha.
"Sa ngalan ng pagmamahal Caroline Miles Benitez!" Hala anong pinagsasabe netong si
Josh?!"Aminin mo na kay Mister Silverio Ricardo Martin ang iyong hidden
feelings?!" Tiningnan ko si Ver nun na ngumingite na parang timang. Mukhang tanga
lang eh.
"Wag mo 'kong tingnan. Wala akong kinalaman dyan..." Badtrip. Napagtritripan na
naman ako ng mga apat na 'to.
"Ayiieee Vher ha?! Tinititigan mo pa si Ver!" Mukhang timang. Bakit ba kasi parehas
kaming Ver ni Ver?! HAHAHAHAHA
"Oh tingnan mo meant to be pa?! Parehas pa ng nickname" Nagapir naman si Prince at
Gian habang sabay nilang sinabi ang `nice one`.
"Kayo talaga?! Wala kayong magawa sa buhay no?! Umalis na kayo dito?!! Chupi!
daliii..."Nakangite naman silang lahat. Ano ba yon?! Nakakapangluma. Ang gwagwapo
ng mga kalalakihang 'to.
"Kela Ver kaya kami matutulog... Natripan lang namin... diba Ver?" Napatingin naman
ako nun kay Silverio.
"Oo... Dito na lang tayo matulog tropa" Tapos tumawa siya.
"Walangya 'to. Anong dito?! Umalis na kayo dito?! Pinapasakit niyo ulo ko?!" Nagacting
naman ako na masakit ang ulo ko. May papikit effect pa ako nun. Haha.
"Ohaa!! Si Vher daw masakit ulo oh?!" Langya 'tong si Prince. Nag-aacting pa lang eh.
Minulat ko yung mata ko nun tapos feeling ko nagblush ako nun. Lumapit kasi bigla
sakin si Ver tapos hinawakan niya yung ulo ko.
"Aww. Masakit ulo ng best friend ko... gusto ko siyang alagaan... dito na lang ako
matutulog..."Wait. Time Out. Kinikilig ako!! Hahaha. Medyo tinulak ko si Ver nun.
Mukhang timang naman oh. Nagtawanan sila nun.
"Ano ka ba naman Ver?!" Tumingin ako kela Prince at Gian na iba na naman ang ngite
sakin!! Loko talaga yung mga 'to.
"BAKIT KA NAMUMULA?" sabay-sabay nilang sinabi sakin. Badtrip. Namumula ba
talaga ako?! Natataranta ako. Tiningnan ko si Ver nun na natatawa na lang sakin.
Pinatong niya bigla yung paa niya sa may computer table. Gusto kong tumitig. Ang
gwapo kasi ESTE WALAAAAA. AAAHHH. Hibang na ako eh. Haha.
"HINDI KAAAYYAAAA!!!" Tinapon ko naman kay Prince yung stuff toy ko na pink na
teddy bear. Akala mo naman, nasaktan talaga sila eh lalo lang nila akong pinagtawanan.
Ang kulet lang eh.
"Ano bang magagawa niyo? Ayaw pang umamin eh..." Umayos na siya ng upo nun tapos
lumapit siya sakin.
"Ang kapal talaga ng mukha mo no? Badtrip ka talaga. Nakakainis ka na talaga! Umalis
na nga kayo dito?!" Tumayo naman ako nun tapos hinampas ko ng mga unan sila Prince,
Josh at Gian para lang mapilit ko silang lumabas. Binuksan ko yung pintuan para
lampasuhin sila sa labas. Hahaha. Parang naging walis yung unan na hawak ko tapos
silang apat yung alikabok na winawalis ko. Hahaha. Nahuling lumabas si Ver. Bago siya
lumabas ng kwarto ko may pahabol siya.
"Good Night Ver..." then sabay ngite. Hindi ako ngumite pabalik. Sinarado ko kasi agad
yung pintuan. Napahiga ako agad dun sa kama.
Grabe talaga. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Kinikilig ako. Kinikilig ako.
Kinikilig ako. Kinikilig ako. Narealize ko na swerte pala ako na hanggang ngayon eh
buhay pa din ako. 8 years na akong kinikilig at natutunaw sa mga tingin niya, nakeri
kooooo. Hahaha.
Nagcomputer naman ako nun. Nakachat ko pa nga silang apat gamit yung Facebook ni
Ver. Natulog nga silang lahat sa kwarto ni Ver. Ang adik eh. Inaasar pa rin nila ako kay
Ver. Ano ba?! Nakakainis talaga kapag inaasar ako.
So yun, medyo inantok na din ako. Mga 2 am nung nagising ulet ako and hindi na rin ako
nakatulog. Masyado ko kasing iniisip si Ver. Kainis naman. Pwede bang si Kuya Evans
na lang isipin ko?! Pero si Ver pa din. Badtrip.Badtrip.
Tumayo ako nun tapos pasimpleng sumilip dun sa kurtina ko. Nakita kong bukas yung
kurtina ng bintana ni Ver. Andun siya. Bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko. Ver
naman?!! Magkakaheart attack ako neto eh! Haha.
Bigla namang nag-vibrate yung cell phone ko.
From: Silverio

Psimple p to. pasilip silip kpa sa bintana mo jan.


buksan mo na. usap tayo ^_^
Napangite ako nun. Tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin. Nakakahiya naman
kapag may muta pa ako or something. Dapat naman presentable diba? Haha. Dahandahan
kong binuksan yung kurtina ko nun. Nakita ko siya dun na nakangite.
"Good Morning" Ayy pogi naman neto. Hahaha. Nginitian ko lang naman siya
nun. "Dapat na talagang magpagawa ng bridge dito! Papagawa ako kay papa bukas"
"Hala 'to?!"
"Aba, dapat kong mabura yung panget kong picture sa camera mo..." Ang babaw ng
dahilan. Haha. Napatawa na lang ako nun.
"Tulog na yung tatlo?"
"Yup. Bakit?"
"Wala lang..." Nag-iba bigla yung ngite niya.
"Sinisigurado mo na tayo na lang ang nagkakarinigan? Ganun?"
"Eh! Kapal talaga neto!"
"Hindi... Narinig ko kasi eh!" PATAYYY. Lagot talaga sakin si Tami.
"Ahhh. Si Tami? Alam mo naman yun. joker! Hahahaha" Tumawa ako pero hindi siya
tumawa. Okay. Ako na pahiya.
"So hindi seryoso yun?"
"Uh huh..."
"Anong uh huh?"
"As in... uh huh... Oo, hinde seryoso..."
"Aaahhh..."
Katahimikan. Alam niyo yung parang sounds ng mga crickets. Yun na lang yung
naririnig ko sa sobrang tahimik. Haha
"Uhm..."
"Hm?"
"Er..." Ngumite na lang ako nun. "Sige, matulog ka na. Good Night... ay Good morning
na pala"
"sige..." sasara ko na sana yung kurtina ko nun ng bigla pa siyang nagsalit ulit.
"sana nagustuhan mo yung snow..." tumango na lang ako with a smile then sinarado ko
na yung kurtina.
Chapter 10
Bumilis ang panahon. July na din ngayon. Next Week, Intrams na. Alam naman namin na
talo na kami sa mga seniors no! Hahaha. Ano pa nga ba ang mga nangyare? So yun, halos
wala namang bago. Magkatext at magkachat nga palagi kami ni Kuya Evans. Isa rin
palang malandi yung lalaking yun. Joke. Haha. O siguro hindi lang ako sanay na may
lalake akong palaging nakakatext at nakakachat. May tawagan na nga kami eh. Kuya at
Bunso. Aww. How cute diba? Haha
So samin naman ni Ver, ganun pa din. Best friend pa din. Kapatid ko pa din siya. Haha.
Eight years na. Sanay na sanay ako. Andun pa din ang tuksuhan, asaran at galaan.
Sinasamahan pa rin niya ako sa pagsimoy dun sa pogi na nakatira sa may tindahan.
Magkasama pa rin kaming nagsisimba sa chapel. Sabay kaming pumapasok at nauwi.
Nag-uusap pa din kami sa mga bintana namin. At hanggang ngayon, hindi pa rin
nasisimulan ng daddy niya yung bridge na gusto naming itaguyod. Haha.
Wala kaming classes ngayon. Kailangan daw kasi magpractice ng bawat year level ng
cheer dance at laro nila. So ako naman etong running for the best in tambayan award.
Wala naman kasi akong galing sa pagsasayaw o pagcocompose ng cheer. Hindi nga ako
marunong mag-volleyball o kung ano mang sport. Ang weak ko talaga. So yun nasa room
kami ng Section A. Kami yung bahala sa mga props ng cheerdance. Buti pa si Gigi. May
laro! Sosyal, Table Tennis. Expert siya dyan. Baka nga manalo pa siya eh. Haha.
Isa lang naman ang kinaeexcite ko sa Intrams eh. Yung Intram's Night. Haha. Ang dami
ding kalandian ng school namin no? Hindi rin kasi ako nakasama last year sa Intram's
night dahil bigla akong nagkalagnat. Ang epic ko talaga no?
So yun, halos hindi na rin ako makapaghintay. Ifast forward na natin sa mga finer parts of
my life. Haha.
Thursday. Day 1. Intrams. July 14.
punong-puno ng dekorasyon yung Covered court ng school namin. Nagsimula yung
parade ng mga players at cheerdancers, Hindi naman talaga siya parade kasi inikot lang
talaga yung buong court namin. Ang corny no? Masabi lang na may parade. Hahaha. So
yun, merong malaking mat sa gitna nung court kung saan nagtumblingan at nagexhibition
yung mga cheerdancers ng bawat year level.
Astig nga eh. Mabalian ng mga buto 'tong mga 'to. Haha. Kami namang mga nasa gilid
lang eh todo cheer sa mga sophomores. Wooo. Sabugan na ng ngala-ngala 'to. Haha.
Madali pa naman akong mapaos. Grabe.
Nagsimula na yung paghulog nung mga mahahabang tela kung saan nakasulat yung
Freshies, Sophies, Juniors at Seniors. Palakasan na naman kami ng mga sigaw at cheer.
Dahil ang batch namin ang pinaka-kaunti, kaming batch ang pinaka weak sa sigawan.
Haha. Seniors na nga lamang sa sigawan. Sige, sumigaw lang kayo. Pag-uwi malat.
Haha.
Nagkaroon nung pag la-light ng torch eklavu. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin gets
kung bakit kailangan gawin yun. Then after nun, pinakilala na yung mga players ng iba'tibang
year level. Syempre, hiyawan na naman. Nagsimula dun sa mga individuals. Andun
nga si Gigi kaya nagsigawan yung mga kapwa niya juding. Haha. Syempre, ako nakisali.
Bru ko yan!
Then, sumunod yung Basketball. Omg. Omg. Ang gwapo ni Ver pag suot niya yung

uniform niya. Ang cute lang talaga. Nag-wave siya ng hello sa mga tao. Halos malaglag
yung panga nung mga nagkakacrush sa kanya. Grabe, hindi mawawala sa ibang year
levels yung mga sigawan sa kanya. Pano ba naman, kagwapo kagwapo ng lalakeng 'to.
Nagkaron ng mga drum rolling. Ang ingay nga eh. Nakakarindi. Haha. Medyo umalis
muna ako sa court nun. Pumunta ako dun sa Greenwich stand sa court. Meron kaming
ganito kapag may activity eh. Sponsor ba. Haha. Bumili ako ng pearl shake. Ang sarap.
Gusto kong namnamin. Ang mahal ba naman kasi. Nagulat naman ako ng biglang may
kumuha ng iniinom kong pearl shake.
Bastusin 'to! Si Ver yung kumuha and dahil sobrang kapal ng mukha niya, uminom siya
ng pearl shake. Yun tuloy, nangalahati na lang. Badtrip talaga.
"ang kapal kapal kapal talaga ng mukha mo! akin na nga yan..." kinuha ko yung pearl
shake ko sa kanya. Badtrip talaga 'to oh. So siya naman eh nakangite lang sakin na
paprang wala siyang ginawang nakakabadtrip.
"Grabe ang hiyawan sakin no? Siguro sumigaw ka rin para sakin..." Yeah. Right.
Whatever.
"Ay. Oo na lang... Kawawa ka naman... baka magpatalo ka kapag nalaman mo na ang
best friend mo hindi sumigaw para sayo..." Pang-aasar ko naman sabi sa kanya. Ngumite
naman siya nun. Meron pang pagalaw-galaw yung buhok niya. Bigla naman siyang
tinawag nung kasama niya kaya nagpaalam na din siya. Tumango lang naman ako sa
kanya. Sus. Hindi niya lang alam na kinikilig na ako sa kanya. Napatingin ako dun sa
nagbebenta sa Greenwich stand. Babae siya na nakatingin sakin ng parang nang-aasar.
Naging awkward naman ako nun kaya umalis na lang ako sa greenwich stand na yun.
Mukhang timang lang si ate eh. Haha.
So ang susunod na dapat kong gawin eh maghanap ng kasama. Badtrip naman eh. Wala
si Tella. Siya pa naman yung palage kong kasama nung Intrams nung first year ako.
Parehas kaming weak sa laro eh. Haha. Si Gigi naman kasi sinabugan ng talent sa table
tennis. Wala tuloy makasama. Si Ver naman masyadong talented, badtrip. Break pa lang
ngayon. Mamaya na magstastart yung Volleyball game ng first year at second year girls.
Kasabay nun yung mga individual games na hindi kailangan ng court. Haha. Sayang
hindi ko mapapanuod yung kay Gigi! Mas maganda naman kasing panuorin ang
Volleyball. Haha.
So yun nakita ko naman yung mga kaklase ko, dun na lang ako nakasama. Meron pa
silang mga hawak na `Go Sophies`. Haha. Ang lalakas pa ng mga tili netong' mga 'to.
Ang kukulet lang eh.
Nagsimula na yung Volleyball game. Ayun, malamang pinanuod ko lang yun. Andun din
si Kuya Evans kasama yung mga players na katulad niya. Siguro, feeler lang ako na ako
yung tinitingnan niya. Ano ba yan?! Sino bang tinitingnan ng prince charming ko?! Haha.
Natapos na din yung game. Halos 1 hour and 45 minutes yun. Sige, sabihin na nating
dalawang oras yun. Astig kasi yung laban eh. Haha. Mahigpit. Sa dalawang oras naman
na yun, buti na lang hindi ako natunaw sa mga titig ni Kuya Evans.
So yun, start naman na ng Volleyball game ng Seniors at Juniors boys. nanuod lang ako.
Andun kasi si Kuya Evans. Kakatapos rin ng laro ni Gigi sa table tennis kaya at last, may
kasama na din akong matino. Panalo nga siya. Woooo. Haha.
"Baka mawala sa focus si papa pogi kapag tiningnan mo..." Adik talaga 'tong si Gigi.
Haha. Tama bang tawagin si Kuya Evans na papa pogi?!
"Grabe ka naman! Manuod na lang tayo...." So yun. Ang astig ng laban. Grabe yung
pagpapasaha-pasahan nung bola. Astig pang mag-spike si Kuya Evans. Nakaka-amaze
eh. Haha.
Parang siya nga yung nagpapanalo eh. Tambak na tambak kasi talaga yung score ng
Juniors. Grabe. Dun lang biglang tumibok ng mabilis yung puso ko. Tinitingnan ko si
Kuya Evans na parang nagiging slow motion na. Bawat galaw ng buhok at bawat tulo ng
pawis niya eh parang nabagal na din. Isang oras na din ang lumipas. 5 points na lang
panalo na ang seniors. Sure naman na yun kasi 20 points ang lamang nila sa juniors.
Grabe ngang maghiyawan yung mga tao eh. May mga kababaihan din naman na sigaw ng
sigaw para kay Kuya Evans. Kulang na lang eh gumawa sila ng isang Fan Club para kay
Kuya Evans.
Halos 10 minutes ang dumaan. Hindi pa rin nagalaw ang score. Ang astig grabe. Sobrang
galing ng juniors at seniors. ibang klase. Taob na taob ang volleyball boys namin. Haha.
5 minutes na rin ang nakalipas ng 2 points na lang ang kailangan para manalo ang
seniors. Nagtatayuan na ang lahat dahil nadadala na sila sa mga pangyayare. Nagserve
nun si Kuya Evans. Grabe, lahat naghiyawan. Ang lakas ng serve niya. Yung mga juniors
na naglalaro eh tinitingnan na lang yung bola. Hindi na nila hinahabol. 1 point na lang
panalo na. Isang serve na lang yan.
Kita ko sa mga mata ni Kuya Evans na pagod na siya pero determined pa rin na manalo.
Partida pa yan, walang substitution. Grabe. Isang serve na lang kaso..
palpak... Hindi umabot sa kabilang net. Napatingin lahat ng tao kay Kuya Evans. Pati
yung first and second referee nagulat. Parang nawala lahat ng tao sa mismong laro.
Nagulat ako. 1 point na lang yun, pinalampas pa niya.
Nakita kong biglang humawak si kuya Evans sa bandang chest niya na parang
nahihirapan siyang huminga. Lalong nataranta lahat ng tao. Nagsilapitan sa kanya yung
mga referee at yung mga students para sa medics. Nasilip ko na nakahiga na siya sa floor
ng covered court tapos nakapikit siya.
Gusto kong lumapit nun pero bigla akong napatigil ng makita ko si Ate Rits. Yung junior
na crush ni Ver. Tumatakbo siya nun habang papalapit siya kay Kuya Evans. Nakita kong
umiiyak siya nun.
Nanlaki yung mga mata ko. Anong meron? Dinala ng mga estudyante si Kuya Evans sa

kwarto ng isang first year section. Napapatulala ako. bakit parang nahuhuli na nga talaga
ako sa mga pangyayare?
Nagpatuloy ang game. May pumalit na lang kay Kuya Evans. Pero hindi pa rin matanggal
sa isip ko yung kung ano mang nangyare kay Kuya Evans at kung bakit ganun makareact
si Ate Rits. Panalo ang seniors ng hindi makapagserve ng maayos yung isang junior.
Kaso parang wala masyadong nag-cheer.
Dahil halos lahat nangamba sa kung ano mang nangyare kanina.
Chapter 11
Naghintay ako dun sa labas nung kwarto kung nasaan si Kuya Evans. Nagsta-start na din
nun yung Basketball Boys ng Sophomores at Freshmen. Naglalaro nun si Ver. Kaso
parang may nagpipigil sakin na manuod. Feeling ko kasi na parang mas gusto ko pang
magpaka-chismosa dito sa nangyayari kay Kuya Evans. Kasama ko ngayon si Gigi na
bagot na bagot na. Mas gusto niya kasi nun na manuod ng laro ng kanyang papa Ver.
Haha
"Ano ba yan?! Bru! Naglalaro na si Papa Ver!" O di ba? Sinabi ko naman sa inyo?!
Hahaha
"Ano ba?! Hindi ka ba nag-aalala kay Kuya Evans?!" Saktong pagkasabi ko naman nun
ay biglang lumabas si Ate Rits. Parang namumula yung mata niya nun. Halatang
kakatapos lang umiyak. "Ate Rits?" Yan na lang ang tangi kong nasabi sa kanya.
Tumingala siya para pigilan yung luha niya. Ngumite siya sakin na parang walang
nangyare then ginamit niya yung pink niyang panyo para takpan yung mukha niya. Then,
umalis siya kaagad.
"Hala, anong nangyari kay Ate Rits?" Pag-aalalang sinabi ni Gigi sakin. Sigurado ako
nun na meron ngang koneksyon 'to kay Kuya Evans. Bakit ba kasi masyado akong
naiintriga?! Napapaisip tuloy ako. Dati naman walang ganito. Nakilala ko lang si Kuya
Evans, naging ganito na ang lahat. Sumilip ako dun sa kwarto and nakita ko si Kuya
Evans na nakahiga, nakataas pa nga yung paa niya nun habang hinahagis niya yung bola
ng volleyball sa ceiling pero syempre, nasasambot niya pa din. Siguro, alam niya rin na
andun ako. Napatingin kasi siya dun sa direksyon ng pintuan at napatigil na din siya dun
sa pagva-volley nung bola mula sa ceiling.
"Vher?" tumingin ako sa likod ko para siguraduhin na hindi si Ver ang tinatawag niya
kundi ako. Haha.
"Uh... Sorry... Aalis na ako..." Paalis na sana ako nun pero hinawakan ni Gigi yung
kamay ko para pigilan ako.
"H-hindi. Okay lang. Pumasok ka" Nakangiteng sinabi niya. So pumasok naman kami ni
Gigi nun. Nahihiya pa nga si Gigi nun eh. Aba, ang baklitang 'to meron pa palang hiya?!
Haha. Hindi nga siya masyadong nagsasalita eh. Umupo lang kaming dalawa ni Gigi nun.
Sobrang tahimik, yung tipong nakakabinge na. Napapa-ubo nga nun si Gigi eh. Para lang
masabing may tunog kaming naririnig. Haha. Meron namang isang first year na hindi ko
kilala ang kumatok dun sa clinic.
"Kuya Greg, laban niyo na po sa senior..." Okaaay. Who the heck is Kuya Greg?!
HAHAHAHA. Laugh Trip. Tiningnan ko nun si Gigi na ang sama ng tingin sakin. Gusto
ko siyang tawanan nun. Nakita ko naman si Kuya Evans na napapangite na rin. Gusto
kong tumawa ng malakas eh. Grabe.
"Che! Magkita na lang tayo mamaya Bru! Baboosshh.." Ngumite na lang ako sabay tango
then umalis na si Gigi. Mukhang timang lang eh. Nawala yung mga tawa ko nung
narealize ko na kami na nga lang pala ni Kuya Evans yung nasa kwarto.
"Kanina pa ba kayo andyan?" Sa tanong niyang yun, halatang may tinatago siya.
"Uh... Hindi naman... pero..." Napatigil ako nun. Nagdadalawang isip pa kasi ako kung
tatanungin ko pa ba sa kanya.
"pero?" bumilis yung pagtibok ng puso ko. Bakit parang July pa lang ang dami ng
nangyayare? Pero uulitin ko, parang wala naman talagang nangyayare. Okay. Malabo na.
Ayoko na. Haha.
"Pero nakita ko si..." Pinutol niya agad yung pagsasalita ko nun.
"si Rits?" Okay. alam niya na. Napatungo ako nun. Nakakahiya talaga. For sure,
sasabihin niya lang na wala lang yun. bakit nga naman siya magsasabi ng sikreto niya
sakin? Eh halos isang buwan pa lang mula nung magkakilala kami. Kung tutuusin, hindi
mo masasabi na close talaga kami kasi hanggang text lang naman yun.
"Opo..." Nakakahiya talaga. Feeling ko nag-iinit yung kamay at pisngi ko pero at the
same time, linalamig na rin ako. Grabe. Ibang klase.
"Naiyak ba siya?" Napatingin ako sa kanya nun. Meron talagang something na hindi ko
nalalaman. Tumango na lang ako nun. Ano namang nangyayare para umiyak si Ate Rits?
Nawawala na nga ata ako sa kabihasnan. Rinig na rinig ko naman yung hiyawan mula sa
court at yung announcer na sinasabi palagi yung apilido ni Ver. Malamang, palaging
nakaka-score yun. Unti-unti naman akong nakakaramdam ng pagsisisi na sana pinanuod
ko na lang yung laban nila Ver. Nakutuban na rin kasi ako nun na may nalalaman ako
galing kay Kuya Evans na parang.... parang nakakasakit.... o siguro na parang ang
harsh.... o siguro parang nakaka-turn off.. ganun... Tinakpan ni Kuya Evans yung mukha
niya tapos parang meron pa siyang feeling na halos binagsakan na siya ng langit at lupa.
For short, problemado.
"Bakit?" Hindi ko mapigilan yung bibig ko. Ano ba yan?! Naginit tuloy lalo yung pisngi
ko lalo na nung tumingin na sakin ng diretso si Kuya Evans.
"I dumped her..." Bumilis yung pagtibok ng puso ko. As in define ang bilis. Parang
tumigil yung pagtakbo ng oras. A part of me said na wag akong maniwala. Kasi bakit
magmumukhang problemado si Kuya Evans kung hindi naman talaga problema ang
pagbabalewala sa hindi naman talaga niya gusto. Diba? Pero hindi pa rin maalis sa isip ko

na si Ate Rits may gusto kay Kuya Evans. Ano ba yon?! Hindi pa rin ba siya kuntento sa
sobrang haba ng hair niya?! akalain mong crush na nga siya ng best friend ko, aba,
hahanapin pa niya si Kuya Evans. Okay. Sige, Ikaw na! Pero parang 3 seconds lang yung
dumaan nung natauhan na lang akong bigla. Dun ko lang naalala na dapat pala eh
nagsalita ako.
"Ow. Sorry..." Nakikiepal na naman kasi ako sa buhay ng ibang tao. Dito ba talaga ang
talent ko?! Haha.
'Hindi... Okay lang... May tanong pala ako..." Please. Sana hindi mahirap. Hahahaha.
"Sige. Ano yun?" Dug dug dug
"Tama ba na saktan ang isang tao ng mas maaga kung alam mo naman sa huli na
masasaktan mo din naman siya?" Tumigil ulit ang oras nun. Napaisip ako eh. Haha.
"Eh syempre depende naman yun sa dahilan nung nagtatanong niyan..." Matino ba 'tong
sagot ko? Hahaha
"Sabihin na natin na ganun ang nangyare samin ni Ate Rits..." Umupo siya dun sa kama
niya. May theory na parang nabubuo sa utak ko. And feeling ko totoo yun. "Kaya mo ba
siyang kausapin para sakin?"
"Sige. Ano bang gusto mong sabihin sa kanya?" So gagawin pa talaga akong yahoo
messenger?! Haha
"Tell her that I really love her..." Ngumite siya pero nakita kong may tumulong luha mula
sa left eye niya. Bumilis ulit ang pagtibok ng puso ko. Naalala ko si Ver. Naalala ko si
Ver nung umiyak siya dahil sa pagkawala ni Tella. Parang ganito din. Pinunasan niya
agad yung luha niya. "Sige. Thanks. Magpapahinga na ako." Humiga siya dun sa kama
and pa-side siyang humiga habang nakaharap dun sa other side. Sa side kung saan hindi
ko siya makikita. Napagpasyahan ko na umalis nun. Pagkalabas ko dun sa pintuan, ang
huli kong narinig mula sa kwartong yun ay ang mga iyak ni Kuya Evans. At ang una ko
namang narinig sa paglabas ng pintuan ay ang tawag ni Ver.
"VHER!" Kakatapos lang pala nung game niya. Feeling ko sobrang bilis naman. Haha. O
siguro, matagal na din ako sa kwartong yun. Hindi ko lang talaga napapansin. Lumapit
ako kay Vher na nasa Covered court na nun. "Nakakatampo 'to. hindi man lang
nanuod..."
"Eh alam ko namang kaya mo yun...." Nginitian ko lang naman siya. Kasabay naman nun
ang paghahanap ko kay Ate Rits. Pero hindi ko rin naman siya nakita. As usual, wala na
naman akong kasama. Si Ver naman kasi sumama dun sa barkada niya. Si Gigi may laro
pa din naman. So ako, total loner na naman. Pumunta ako dun sa classroom namin para
mag-lunch ng mag-isa. May mga on-going games pa din pero tinatamad akong manuod.
Mag-isa lang ako dun sa kwarto. Nakakatakot nga eh. Hahaha. Kaya nga halos
magulantang ako ng biglang may dumungaw sa pintuan ng kwarto namin. Badtrip eh.
Sobrang nagulat ako.
"Ay Sorry Vher!" Si Ate Rits pala. Akalain mo na yung taong hinahanap ko lang kanina
eh pupunta rin pala sakin. "Hinahanap ko kasi si Ver eh..." Nakaramdam naman ako ng
selos nun.
"Hindi ko alam kung nasaan siya eh... Pasensiya..." Paano ko ba isisingit yung message ni
Kuya Evans?!
"Ow. Sige. Thanks Vher!" Bago naman siya umalis, tumayo ako nun.
"Ate Rits, wait lang..." Napatigil siya nun. Lumapit ako sa kanya ng kaunti. Nag-sigh pa
nga ako nun bago sabihin yung message sa kanya ni Kuya Evans. Grabe, nakakapagtaka
talaga. Ano bang meron sa kanilang dalawa?
"Hm?" Kinabahan naman ako lalo.
"Pinapasabi ni Kuya Evans na mahal ka naman talaga niya..." Parang may pumindot sa
puso ko na nagmistulang bomba na parang sumabog at nagkaroon ng 1 million casualties.
Hindi naman sa nasasaktan ako pero parang nasasaktan ako na ewan. Hala naman.
Malabo na naman. Parang tumigil yung mundo ni Ate Rits. And halatang may
namumuong luha mula nun sa mga mata ni Ate Rits. Pero she still managed a smile
habang natang-tango sakin na parang sinasabi niya nagets niya yung sinabi ko. Umalis
siya sa harapan ko without saying a word. 5 segundo ang nakalipas nung naisip ko na
sundan siya. Sabi kasi ng paa ko na sundan siya. Isang napakahabang hallway nun. Gamit
ang bridge na nagkakabit sa building B at building A, dumaan siya dun and suddenly
napatigil siya dun sa classroom ni Kuya Evans. Kitang-kita ko ang bawat pangyayare.
Bumibilis ang pagtibok ng puso ko.
Nakita kong lumabas si Kuya Evans mula dun sa classroom niya. Nagkatinginan pa sila
ni Ate Rits. Hindi ako makagalaw. Okay na ang distansyang 'to para makita sila. Umiiyak
nun si Ate Rits. From that moment, ang tanging naiintindihan ko lang na sinasabi ng utak
ko eh wag na akong tumingin. Paulit-ulit na sinasabi na wag na akong manuod.
Yinakap ni kuya Evans and the first tear from my left eye fell. Kung ano man 'tong
nararamdaman ko, eh hindi ko alam. As in Promise. Napahawak ako dun sa mukha ko.
Ayokong makita. Ayoko ng manuod. Tumalikod ako sa kanila nun.
Sa saktong pagtalikod ko nagulat na lang ako ng biglang may yumakap sakin. Tiningnan
ko kung sino man yun na nagpagaan talaga ng loob ko. Si Ver...
Lalo akong umiyak. Ang babaw eh. Umiiyak ba ako dahil sa nagseselos ako kay Ate Rits
at kay Kuya Evans? Badtrip. O siguro meron akong something na iniiyakan pero hindi ko
alam kung ano yun?
Ang higpit ng pagkakayakap sakin ni Ver. Parang ayaw akong pakawalan. Dun ko
narealize na parang may dalawang pusong nagyayakapan. Puso ni Ate Rits at ni Kuya
Evans. At ang puso namin ni Ver.
"Sssh.." sabi ni Ver sa mga tenga ko. "Okay lang yan. Andito lang ako. Mahal kita"
Chapter 12

Halos yanigin ng lindol, bagyo at tsunami ang buhay ko nung sinabi ni Ver sakin yung
`Mahal kita`. Kahit na alam kong nagmamalasakit lang naman siya dahil alam niyang
nasaktan ako, iba pa rin yun no? Pero teka, bakit nga ba ako umiiyak? Ang gulo ko.
Siguro, masyado akong nag-expect ng This is it! Na si Kuya Evans nga talaga! Pero hindi
ko alam na sa huli, masasaktan din pala ako.
Humiwalay agad ako kay Ver tapos nagpunas ako ng mga luha ko na parang nauwi din sa
wala. Wala naman talaga akong iniyakan eh. Hay nako. Tumingin ulit ako sa likod ko.
Ang bilis naman ata. Nawala agad si Kuya Evans at Ate Rits. Well, okay lang.
Maglandian sila magdamag. Wala akong pakielam. Boo on them!!
Tiningnan ko si Ver na biglang nag-abot sakin ng Flat Tops. Napahikbi naman ako nun.
Chocolate. Awww. Kinuha ko yun tapos kinain ko. Pinat niya yung ulo ko nun. Sige,
ikaw na matangkad. Ako na pandak. Haha.
"Thank you..." Natatawa ako nun. Chocolate lang talaga ang katapat ko. Naglakad na
kami nun tapos naka-akbay siya sakin. Ang bango bango pa niya, kakatapos lang
magshower eh.
"Ikaw talaga, kapag in love lalo kang kumokorni..." Nang-asar pa eh. Badtrip. Haha
"In love ka dyan?!" Okay na ako nun. Wala nga akong maramdaman na pagkabog ng
dibdib ko eh. Naging kalmado na ang kaning unos na dala ko.
"Kitang-kita naman. Ang bilis mo namang mahulog kay Kuya Evans..." Inunahan ko siya
sa paglalakad nun tapos humarap ako sa kanya para harangin ako.
"Una, hindi naman talaga ako na-fall sa kanya, okay? Crush ko lang naman siya
eh..." Linampasan niya naman ako nun pero nakahabol pa rin naman ako sa kanya.
Tamang lampasan ako?!
"Sus. Ikaw pa. Crush lang ba yun? Eh halos maulit ang Noah's ark kung iyakan mo
siya?" Napangite ako dun. Haha. Ang adik eh.
"Hindi naman sa ganun?! Alam mo ba yung feeling ng napapahiya... tapos yung
masyadong mataas yung expectations mo tapos sa isang iglap malalaman mo na never
mong makakamit yung expectation na yun..." Ginulo niya naman bigla yung buhok ko
sabay sabi ng "Wag kang magdrama. Hindi bagay sayo"
At hindi lang yun ang sinabi niya. There's more! "Ako lang ang bagay sayo..."
Tumawa naman siya nun. Mukhang timang lang eh. Ang corny naman ng banat pero
kinikilig pa rin ako. Haha. Umupo kami dun sa green na bench na malapit sa guidance
office. Wala namang tapo sa office eh. Busy din sa panunuod nung laro. Futsal na ata
yung laro ngayon eh. Tinatamad naman akong manuod. Okay na sakin na kasama ko
ngayon ang aking lababol labs. Haha.
"Alam mo ba na bawat tao sa mundo eh nagmamahal..." Aba, babanat 'to no?! Haha
"Hala, bakit mo nasabi?" Ang sarap maging panira sa mga banat niya eh. Haha.
"Kasi tingnan mo marunong na palang bumanat ang magsasaka ngayon..." Ngumite muna
siya sabay tumingin sakin bago magsalita ulit. "Sana ulan ka at lupa na lang ako.Para
kahit gaano kalakas ang patak mo, sa akin pa rin ang bagsak mo." Then, tumawa naman
ako nun. Kung saan man niya nakukuha yung mga yan, total laugh trip talaga. Haha.
"Eto pa.. Pati mga mathematician meron na din?!" Nakakatawa yung reaksyon ng mukha
niya eh.
"Weh?" Ako naman etong panira.. Hahaha
"Kasi sinabi nila na `Para kang algebraic expressionMinsan mahirap maintindihan But
when youre in the simplest form The best ka talaga naman`..." Tumawa kaming dalawa
nun. Makabanat eh. Mukhang timang lang. Haha. Bakit ang daming alam na kalokohan
ng lalakeng 'to?!
"Grabe. Epic eh." Natutuwa ako eh. Ang babaw ko.
"Pati isang bata na nagngangalang potpot may banat na din..." Aba, san niya napulot
yan?!! "Hindi mo pa nga ako binabato, tinamaan na ako sayo" sabay turo pa dun sa puso
niya. Ang cute. Ano ba yan?! Hahaha. Hindi naman mawala sa mukha ko yung tuwa at
kilig. Sana hindi niya napapansin diba?
"Alam mo ba na pati mga baliw nagmamahal na din?!" May papikit-pikit pa siya ng mata
niya nun. Haha. "Kasi sabi nila `Parang wala ako sa sarili ko, siguro na sa'yo
ako`" Tumawa na naman kami.
"Saan mo ba napupulot yan?!" Sabi ko habang natawa. Over. Hirap magpigil ng tawa ah
"Wag mo na tanungin. Eto pa, may banat din naman ang mga taong walang
pangarap..." Ngumite muna siya nun "Isa lang naman ang pangarap ko eh, Ang maging
pangarap mo..."
Tumingin siya sakin ng pagkalalim-lalim. Gusto ko na ngang tumawa sa mismong
harapan niya eh. Halos hindi ko rin mapigilan eh.
"Pwede bang tayo na lang? Nakakapagod na kasing umupo eh..." Tumawa ako ng
sobrang lakas nun. Hindi naman literally na sinasabi niya sakin na tumayo kami.
Bumanat pa ng ayon sa ginagawa namin eh.
"Grabe. Akalain mong may ganyan ka pang nalalaman..."
"syempre! Oh yan mabuti ngumingite ka na ulit... Alam mo namang natitimang ako
kapag nakikita kang naiyak eh..." Parang naging seryoso yung aura niya pero biglang
bumalik ulit sa joketime na mode nung muli siyang ngumite. Tumayo siya nun tapos nagunat
ng kaunti. "Jollibee tayo mamaya!"
tumayo ako nun sabay sabi "sige. basta libre mo!"
Ngumite lang naman siya nun. Umalis na kami nun. Nanuod kami ng iba't-ibang laro.
Ang bilis um-okay ng pakiramdam ko grabe. Parang walang nangyare eh. Haha. Sana
masaya na si Ate Rits kay Kuya Evans. Badtrip lang eh. So yun, tulad ng sinabi ni Ver,
nagjollibee nga kami. Nilibre niya ako ng sundae at french fries. Nagkwekwentuhan
naman kami tungkol sa kung anu-ano. Pinagmalaki niya naman sakin na may fan page na

siya sa facebook at 5600 na daw ang nagla-like. Sige, siya na gwapo at sikat. Grabe ha.
Makita mo lang Facebook nun sabog sa mga posts ng mga babaeng nagkakagusto sa
kanya. Daig pa ang artista eh. Haha.
Umepal naman bigla yung cell phone niya sa usapan namin. Nagtext na pala sa kanya
yung tatay niya.
From: Daddy
asan k n nmn? umuwi k n. gbi n.
Napakamot naman siya sa ulo niya. Hahaha. Daig pa ako eh. Hindi pa nga ako tinetext ni
mama at ni papa.
"Pinapauwi ka na pala oh..." Ngumite naman siya nun. Asus. Pa-cool pa eh.
"Bawal akong umuwi no?!"
"Ha?" Bigla naman niyang tinuro yung sign na malapit sa aircon tapos may nakasulat ng
`Don't Leave your valuables unattended`
"Sabi dyan, Don't Leave your valuables unattended kaya dito lang ako sayo..." Tumawa
na lang ulit kami. Lagot 'to sa papa niya. Haha. Nabanggit ko na ba sa inyo na wala yung
mommy niya sa Pinas? Well, yun nabanggit ko na. Nasa Canada na kasi yun. Pangarap
nga ni Ver na makapunta at makapagaral dun eh at the soonest time possible. Grabe no,
ganyan talaga siyang mangarap. Masyadong mataas pero pwedeng pwede niyang
makuha. Balak niya kasing maging photographer eh. Grabe mga photos niya, as in
sobrang ganda. May talent agad eh. Pero ako lang nakakaalam ng talent niya. Kahit si
Gigi o si Tella, walang alam! Haha. Grabe no? Ganyan kami ka-close.
Nagpatuloy yung pagkwekwentuhan naming hanggang mapagpasyahan na naming
umuwi ng mga malapit ng mag-9 pm. Ayus naman. Nakasakay agad kami ng jeep.
Walang bago sa dinaanan namin. Alam niyo naman yung mga dinadaanan namin diba?
Hahaha.
So yun, hindi kami nakapagusap sa bintana kasi maaga akong natulog. Ewan ko ba.
Napagod lang ata ako. Isang araw pa lang, ang dami ng nangyare.
Day 2. Intrams. July 15
Si Tami at Bojie yung nakasabay ko sa jeep nun. Ewan ko ba kung bakit hindi ko
nakasabay si Ver nung araw na yun. Ang bagal kasing kumilos eh. Haha. Badtrip lang.
So yun, ngayon na gagawin yung mga Championships nung game. Pati awarding ngayon
na din. Then mamayang 4:30 p.m, merong Intrams Ball. Astig no? Parang gumawa sila
ng party para sa lahat ng students para madevelop ang landian skills este ang
Sportsmanship Value. Oha! May ganyan pang nalalaman ang school namin.
So kung ano mang kakaiba at exciting na naman ang mangyayare ngayon, please,
nagmamakaawa ako sa mga santo, anito at sa mga kacheberluhan sa mundong ibabaw,
wag na wag niyo akong bibigyan ng dahilan para umiyak ngayon.
Chapter 13
So yun nga, ngayon ginawa yung mga Championships sa bawat game. Champion ang
Seniors sa lahat ng Team Sports. Grabe no? Malamang seniors sila eh, mas may
advantage. Haha. Syempre, dun naman sa mga individual sports nangibabaw ang beauty
ni Gigi. Champion siya sa Table Tennis. Astig no? Ganyan siya kaexpert.
Halos kami ni Gigi magkasama nun. Naikwento ko sa kanya yung nangyare kahapon and
napagkasunduan namin na gamitin ang lahat ng makakaya namin para malaman ang kung
ano mang meron kay Kuya Evans at Ate Rits. Masyado kaming naintriga eh. Haha.
Inaasar niya naman ako kay Ver nun pero sinasabi niya na malandi ako kasi iniyakan ko
pa daw si Kuya Evans. Inulanan ko naman siya ng maraming `Hindi ko iniiyakan si Kuya
Evans, okay?`. May isang beses na napalakas yung boses ko pero keri lang yan, sana
walang nakarinig. Haha.
Eh di yun nagka-awarding. Kulelat ang freshmen as always. Kami din naman last year
ganun. Tapos nun, kami second to the last. Juniors ang 1st runner up. Syempre, ang
champion ay ang seniors. Pagbigyan na, last year na naman nila eh. Haha. Medyo
maagang natapos yung Awarding. 2 pm palang tapos na eh. Then mamaya, meron
Intram's Ball. Napagpasyahan namin ni Gigi na umuwi muna para makapagbihis. Hindi
naman talaga required na magsuot ng kung ano mang dress dun eh. Kahit mag-jeans ka
lang, okay na! Haha.
Eh di yun ganun pa din ako dinaan ko. Uulitin ko pa ba? Haha. Swerte ata ako ngayong
araw, lumabas yung pogi na nakatira sa may tindahan. Naka-top less pa. Wooooo. Hirap
magpigil ng ngite. Well, extra lang naman yan pagbigyan niyo na. Haha.
Nakauwi na ako sa bahay nun. Tinatamad si Tami at Bojie na pumunta sa Intram's Ball
dahil hindi nila matanggap ang pagkatalo nilang dalawa sa Volleyball. Aww, buti pa sila
may laro. Ako lang ba talaga ang walang talent sa pamamahay na 'to? Ano yun,
exempted?! Haha.
Nagpaalam ako kay papa na pupunta ako dun sa Intram's night. Nagulat nga siya eh. Dati
naman daw kasi hindi ako napunta dun. Well, it's about time diba? Wala si mama nun,
inaasikaso niya yung Drafting sa bahay na pinapagawa nila Mr. Javier, yun yung ubod ng
yaman na tatay ni Kuya Evans.
So yun, pumasok ako sa kwarto ko nun. Naligo ulit ako then naghalungkat na ako sa
cabinet ko. Ano kayang pwedeng isuot? Hmmm... Kumuha na lang ako ng skinny jeans
pati isang maluwag na black t-shirt. Tapos nag chucks na lang ako. Okay na 'to. Hindi ko
naman na kailangang magpaganda pa. Haha. Maganda na ako. Ay, joke. Feeling ko
naman nun, may nawawala na sakin.
Tumingin ako sa salamin. Sobra yung gulat ko nung marealize ko na yung nawawala
sakin ay yung ring na ginawa kong pendant na binigay sakin dati ni Ver. Grabe, ang bilis
ng tibok ng puso ko. Napaisip ako kung saan ko kaya yun nalagay. At nun ko lang
narealize na ang tanga tanga ko kasi ngayon ko lang narealize na nawawala na pala yun?!

Paano kung dati pa pala nawawala yun, eh di tepok na?! Hay nako. Ang tanda ng
friendship namin. Badtrip naman kase. Pumunta ako ng banyo kasi baka mamaya naiwan
ko lang dun, pero wala. Pati kwarto ng mga kapatid ko hinanapan ko na din kaso wala
talaga. Nababadtrip ako. Bigla akong nawalan ng gana na pumunta sa Intram's Night.
4:45 p.m na. Ay, late na ako. Pero okay lang, feel ko matitimang na ako forever kapag
hindi ko nahanap yun. Binuksan ko nun yung bintana ko, dun ko lang nakita na may nagimprove
na pala dun. Sinisimulan na nung papa ni Ver yung bridge. Kaya medyo natuwa
naman ako. Sana madaling matapos no! Napatitig ako dun sa bintana ni Ver. Ano ba
naman yan, nakakabadtrip. Bakit kasi sobrang burara ko?! Pati mga importanteng bagay,
nawawala ko. Nagulat naman ako ng biglang bumukas yung bintana ni Ver. Malamang
siya nagbukas nun. haha.
"Oh hindi ka pa ba pupunta?" Nakangite niyang sinabi.
"Ha? Ewan ko. Ikaw ba, pupunta ka ba?" Ang bigat ng feeling ko grabe.
"Pupunta syempre, gusto mo sabay na tayo?" Ngumite na lang ako tapos tumango ako sa
kanya. Sinarado ko na din yung bintana nun tapos lumabas na ako ng bahay namin. Hindi
rin naman ako naghintay bago lumabas ng bahay si Ver. Ang gwapo niya grabe. Nakashades
pa eh. Haha. Nakacheckered siya na polo na color blue at white tapos meron
siyang white t-shirt sa loob then nakamaong pants lang siya. Ang astig ng rubber shoes
niya. Supra. Grabe, eh hindi pa naman yan bumibili ng japeke. Haha. Oh siya na
mayaman.
Eh di yun naglakad kami papuntang clubhouse. Madali lang naman yun eh. Tahimik pa
din ako nun. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na nawala ko yung
napakaimportanteng bagay na yun.
"Ang tahimik mo ata. Akala ko ba okay ka na?" sabi niya na parang hindi mo
maintindihan kung nagjojoke ba siya o sadyang concern siya sayo.
"Okay naman ako. ano lang kasi..." sumakay na kami dun sa tricycle papunta ng rotonda.
Nasa loob kami, swerte. Haha. Dun ko na din tinuloy yung sasabihin ko sa kanya "kasi
ano..."
"Ano?" Nakatingin kaming dalawa dun sa salamin na nakadikit dun sa loob ng tricycle.
Ewan ko kung bakit. basta nakatingin kami dun. Haha.
"Yung ring. yung pendant. Nawawala! Hindi ko naman talaga intensyon na mawala
yun?! Sorry talaga! Ang tanga ko ba naman kasi?! Ang burara ko?! Hindi ko alam na
nawala ko na pala yun?! Feel ko dati ko pa nawala yun pero ngayon ko lang napapansin?!
Hala Ver, anong gagawin ko diba!?!?" Ang bilis ng pagkakasabi ko nun. napatingin nga
yung driver sakin eh. Lalo naman akong nadismaya kasi ang tanging ginawa lang ni Ver
eh ngumite.
"Okay lang yan. Yun lang eh. Akala ko naman kung ano. Pwede kitang bilhan nun kahit
kelan mo gusto no?!" Parang nagmistulang bata naman ako na inagawan ng laruan.
"Eehh!! Iba pa rin yun?! Ver naman eh?! Hindi mo ba nararamdaman ang nararamdaman
ko!!?!!"
"Hindi ko nararamdaman pero naiintindihan ko..." Lumabas na kami ng tricycle nun. Siya
nga yung nagbayad ng pamasahe ko eh. Haha. Nakalibre pa. Naghintay kami ng jeep nun.
Medyo madali lang yun. Halos wala pang isang minuto, nakakita kami ng jeep na
papuntang bayan. Sumakay kami nun. Buti na lang hindi siksikan.
"Paano na yun?! 8 years na yun sakin tapos ngayon pa nawala..." Feeling ko talaga
binagsakan ako ng langit at lupa. Hindi lang yun, there's more! Haha. Feeling ko din
iniluwa ako ng lupa at inisuka ako ng langit. Sige, ako na OA magdescribe. Haha.
"Okay nga lang yun. Ang kulit..." Hindi pa rin ako natigil sa pagiging hysterical. Badtrip
nga eh. Ang ginagawa lang ni Ver eh ulanan ako ng mga salitang `Okay lang yan`.
badtrip. Ano bang okay dun?!
So yun, nakadating na din kami sa school. 5:15 na nun. Sobrang late haha. Nagsimula na
yung program. Ang astig nung sounds at lights. Party party na nga talaga.Bumobongga
talaga ang school namin. Grabe.
Pumasok na kami nun. Nakita ko si Gigi. Nagyakapan kami pati nagbeso-beso. Si Ver
naman eh sumama dun sa tatlo niyang tropa na sila Gian, Prince at Josh. Dun ko lang
namann narealize na yung apat eh halos parehas ng suot. Puro nakacheckered kasi silang
apat. Ngayon lang sakin nabanggit na magsasayaw pala sila Ver. Sige, sila na! Hahaha.
Wala akong kaalam-alam ah. Never ko pang nakitang mag-practice yung apat na 'to.
May kantang tumugtog nun na hindi ko na maintindihan kasi sobrang ingay ng mga
estudyante. May mga nagsasayawan naman. Meron namang nagkwekwentuhan lang.
Hindi naman dito mawawala, ang mga landian ng mga malalandi. Haha.
Nagulantang ang lahat ng estudyante ng biglang magsalita yung emcee. Isa yung 4th year
student na sikat na sikat sa page-emcee ng mga programs dito sa school.
"Okay. Good Eveniiiiiiiiiinnggggggg my fellow students?!! Grabe, kakadating lang pala
ng grupong 'to na may record na sa pagiging VIP?! Grabe, palakpakan..." Nagpalakpakan
yung mga tao. Nagtatawanan din sila kasi alam nila na yung tinutukoy eh
yung apat na magsasayaw ngayon. Nalate pa kasi si Ver?!! Kaya yun pa-VIP tawag sa
kanila. "Buti pinayagan ko pa kayo magperform dito?! Sige, take the stage now!" Nakuha
pang mang-alaska nung emcee eh. So yun, umakyat na yung apat na gwapo este na
panget dun sa stage. ang cute. Si Ver diba Blue yung polo. Si Prince naman Red. Tapos si
Josh ay Violet. Si Gian naman ay naka-green. Pare-parehas sila na may white shirt sa
loob. Pwumesto na sila dun. Iba't-ibang lights yung tumatapat sa kanila. Ang cool nga eh.
Nagtayuan yung mga tao with matching hiyawan.
Tumugtog yung Quit Playing Games na kanta ng Backstreet Boys. Lalong nagtilian
yung mga kababaihan nung nagstart sila. Ang cute pa naman ng mga steps nila. Ang
simple lang ng steps eh. Parang ngang objective nila na pasunurin na yung mga tao sa

mga dance steps nila. Pagdating nung chorus eh, nakigaya yung mga tao sa mga steps
nila. Nakigaya nga kami ni Gigi eh. Ang cute nung step. Tapos parang lahat ng
estudyante nun kahit hindi masyado magkakakilala eh nagkasundo at naging united para
lang magaya yung sayaw nila. ang saya nun. Total laughtrip nung biglang shumembot
yung apat tapos walang choice yung mga tao na gayahin yung sayaw nila. Grabe, total
entertainment talaga. Pero sobrang galing nilang magsayaw. Para kang nakakapanuod ng
apat na Chris Brown na nagsasayaw. Pagkatapos nung kanta, sobrang magtawanan yung
mga tao. Mukhang nagsasayaw yung iba pero yung iba daw mukhang nag-aerobics lang.
Haha.
"Gusto niyo pa ba?!" sabi naman netong si Gian. Nagthumbs up yung mga tap sa kanya
sabay tawanan. Bumulong si Gian dun sa tatlo. Tapos nag-ngitian silang lahat. Kung ano
man ang plinapalno nilang sayaw, alam kong laughtrip na naman 'to. Bumulong si Ver
dun sa naghahandle nung audio and sounds. Then, naghiyawan bigla yung tao nung
pwumesto na sila.
Tumugtog yung kantang As long As You Love Me. Sumigaw yung emcee bigla
ng "Let's bring back the backstreet boys". Medyo complicated pa yung steps nila nung
una kaya wala pa masyadong nasunod. Puro pasway-sway lang yung mga tao. Then
pagdating sa chorus nakisali na sila. Enjoy talaga eh. Hindi lang steps nila ang cute, sila
din eh cute. Hahaha.
Nakikisali pa kami ni Gigi sa kasiyahan ng mga tao nung biglang may tumapik sa likod
ko. Napatingin kaming dalawa ni Gigi sa taong yun. Si Kuya Evans lang pala. Nginitian
ko siya.
"Gigi, hiramin ko lang siya ha?" tinanguan ako ni Gigi tapos sumama na ako kay Kuya
Evans. Hinila lang naman niya ako dun sa bandang malapit sa gate. Pero hindi naman
talaga malapit. Haha. Basta may puno ng buko dun e na hindi naman tinutubuan ng buko.
Haha. Dun niya ako dinala.
"Oh bakit?" sabi ko naman. rinig na rinig yung kasiyahan nung mga tao sa mundo.
"Wala. Gusto ko lang magpasalamat..." Ngumite siya sakin at sobrang cute niya. Grabe.
Haha.
"Sus. Yun lang eh?!"
"Sayaw tayo" Ngumite ulit siya. Pumayag naman ako nun. Ang astig nga eh. Ang bagal
ng pagsasayaw namin. Hindi bagay dun sa sinasayaw nila Ver sa stage. Nagkakatuwaan
naman kami ni Kuya Evans nun. Alam niyo yung feeling na parang wala kayo sa place na
kung nasaan man kayo. Parang kang dinadala sa kung saan man. Tapos parang meron
kayong sariling music na natugtog. Tapos parang isip, kaluluwa at puso niyo lang ang
nakakarinig at nakakaramdam ng music na yun. Sobrang sarap ng feeling.
Parang kang nakakaramdam ng fairytale. But the second time around. Parang feeling mo
nagsasayaw kayo sa isang place kung saan maraming flowers tapos merong mga
butterflies na nabalot sa inyo. Tapos yung mga paru-paro kung kiligin eh daig ka pa.
Haha. Natatawa naman ako nun sa naiisip ko. Tumigil na kami nun tapos nagkatinginan
kami.
Iba yung heart beat ko ngayon habang tinitingnan ko siya. Natapos na nun yung
sinasayaw nila Ver. Kasabay ng paghiyaw at pagtawa ng mga tao eh bigla akong niyakap
ni Kuya Evans.
Chapter 14
Nagulat ako din. Niyakap ako ni Kuya Evans?! Parang kanina pa nangyare pero ngayon
ko lang narealize yung gravity ng nangyare. Halos nawala na sa party yung utak ko.
Halos hindi ko na rin alam kung ano yung totoo sa hinde. Parang nagunaw naman yung
mundo ko nung biglang narinig ko ang isang pamilyar boses na naggaling lang sa harap
namin.
"Whoa..." sinabi ni Ver yun na parang may halong bitterness, pagkagulat at selos. Sige. ierase
na yung selos. Imagination ko lang ata na nagseselos siya nun. Haha. Sabay kaming
napatingin sa kanya ni Kuya Evans. Naging sumunod na response ko agad eh ang
pagbitaw sa mga kamay ni Kuya Evans at dumistansya sa kanya ng kaunti. Ngumite ako
kay Ver tapos nawave ako ng hello sa kanya. Nakapatong yung polo niya sa kanang
balikat niya. Ngayon ko lang nakita na yung White Shirt niya pala eh may nakasulat na
`Let's bring it Back`. Kung bakit nasabi ko yun, wala lang. Na-share ko lang. Haha.
"Ow Ver" Nag-ngitian lang naman sila.
"ay, sige. Alis na ako. Mamaya na lang kita kakausapin Vher" Ngumite muna siya then
umalis na. So ako naman etong napalunok ng bonggang bongga. Napatingin ako kay
Kuya Evans na nakatingin din pala sakin na meron pang bahid ng pang-aasar sa mukha
niya.
"Ano?" defensive yung boses ko nun. Ewan ko ba. Feel ko na inaasar na ako ngayon ni
Kuya Evans eh.
"Puntahan mo na. Salamat pala ulit..." Tumango na lang ako sa kanya. Ganun ba talaga
kalaki yung ginawa ko para sa kanya?! Feeling ko nga sila na ni Ate Rits eh. Kawawa
naman si Ver. Hahaha. Pero yan pa si Ver, mabilis yang makamove on pagdating sa mga
ganyang bagay. Hinabol ko naman si Ver nun na mag-isang naglalakad ng sobrang bagal
kaya naman hindi ako nahirapan na habulin siya. Intentionally kong binunggo siya nun.
Ewan ko ba kung bakit. Umepal lang ako. hindi niya ako pinansin nun.
"Aba, suplado 'to?!" Binilisan ko yung lakad ko nun tapos hinarangan ko siya. Nagstretch
pa ako ng kamay nun parang sa patintero. Dapat pala eto yung game na sinalihan ko nung
Intrams! Haha. May patintero kami eh. Bongga nu?! Tinaas naman ni Ver yung isang
kilay niya then linampasan niya ako na parang nakakita siya ng hangin. Nadismaya ako
nun kaya tumingin ulit ako sa kanya ng maayos.
"Hoy Silverio!" Sinigaw ko nun. ang daming nakatingin nun. Kasama na rin mismo si

Ver sa mga tumingin. Nasa hallway na kami ngayon nung 1st floor. Eh medyo open yun
sa court kaya naman yung ibang tao na nasa court na malapit sa kung nasaan kami
ngayon eh tumingin ng bonggang bongga. Nakita kong napangite si Ver nun. Tinakpan
niya nga yung bibig niya nun para hindi ko makita na natawa na pala siya nun. Sobrang
pahiya ako nun kaya naman nag-peace sign ako sa mga tao na nakakita sakin.
Nagbulungan naman yung mga tao nun na parang ako yung pinaguusapan. Okay lang
yan, sabi ko sa sarili ko. ayaw ko nun, sisikat na ako?! Haha. Tumingin ulit ako kay Ver
na nakatingin na din sakin with matching pogi eyes and pogi smile. Oh goossshhh. Kung
yelo lang ako, kanina pa ako natunaw dahil sa presensiya ng lalakeng 'to.
"Ehem... So yun... At last, napansin mo na din ako.." Lumapit siya sakin nun pero halos 1
meter pa rin yung distansya namin sa isa't-isa.
"So inamin mo na rin na nagpapansin ka sakin?" Nang-aasar na naman. Grabe, ang
hangin. Woooo. Ang yabang talaga neto?! Binabawi ko na lahat ng papuri ko sa kanya.
Nakakabadtrip eh.
"Ang yabang mo?! Siguro kanina, nagselos ka samin ni Kuya Evans no?! Aminin
mo..." Medyo na-threatened ako ng bigla siyang humakbang ng mga dalawang steps.
Napa-atras nga ako ng kaunti eh.Hindi ko kaya yung pressure. Hahahaha.
Pressure=Attraction. Oha!! Sakin lang galing yan?! Hahaha. Pang-physics na ba?!!
"Paano kung sabihin ko na oo?" Lalo siyang lumalapit. At ako naman etong, lalong
napapaatras. Kautas talaga 'tong si Silverio.
"Eh di oo. Eh di inamin mo na may gusto ka sakin..." Tumawa ako nun para lang matago
sa loob ko na kinakabahan ako sa bawat ginagawa niyang paghakbang at sa bawat
pagbigkas niya ng mga salita niya. Feeling ko nga pinagpapawisan na ako. And hindi ko
maiwasan na mapalunok talaga sa sobrang kaba. Haha. Napapangite ako sa kanya sabay
kagat ng labi. hindi din nagtagal na sobrang lapit niya sakin. Hinawakan niya yung buhok
ko. Parang may dumaloy na something sa katawan ko. Electricity? hindi, masyadong OA.
Spark? Masyadong gamit na! Fireworks? Ano yan, a meets z?! Hahaha. Kung sumabog
na World Trade Center sa New York, Oo yun nga ang dumaloy sa katawan ko. Palungpalo.
Hahaha.
"Ang kapal naman ng mukha ng best friend ko! Payakap na nga lang..." Yinakap niya ako
bigla. Halos maging frozen yung buong mundo at katawan ko. Ibang klase. Parang isang
milyong beses na sumabog ang World Trade Center sa puso ko. Hindi ko man lang siya
na-hug back nun kasi halos 5 seconds lang naman tumagal yung yakap na yun. eh hindi
pa nga enough yung 5 seconds na yun para mabalik ako sa totoong pangyayare.
"Nakakaselos eh. Kung makayap sayo si Kuya Evans, parang 8 years na kayong
magkakilala!"Nakangite siya nung sinabi niya yun. Halos tumawa lang naman ako sa
kanya.
"Yun lang eh. Pwede mo naman sakin hilingin yun kahit kelan" Inakbayan niya ako nun
habang papalabas kami dun sa gate ng Building A. "Libre mo ako!"
"Sige. Nagugutom na din ako eh" sabi niya sakin habang papunta kaming
canteen. "Gusto mong cream pie?"
Tumango ako nun. Yun yung pinakamemorable na nangyare nung Intrams' Ball. Kasama
ko si Ver at Gigi habang nakaen ng cream pie. Absent na naman si Tella, syempre. Eto pa
naman yung mga nakaugalian namin mula nung Grade 3 kami. Kung kelan naman talaga
nabuo yung friendship naming apat eh dahil sa lahat kami ay mahilig kumaen ng Cream
Pie. Nagpicture-picture kami gamit yung Cameras namin. Grabe, mukha kaming timang
sa kubo. Picturan ng picturan. Nakisali nga sila Prince, Josh at Gian eh. Bumili din sila ng
Cream Pie. Naging awkward yung feeling ko nun, puro lalaki pala kasama ko. Wag niyo
ng isali si Gigi, alam niyo namang binabae yun. Haha. Nagkakwentuhan kaming lahat.
Isang lintek lang 'tong si Gigi na pinasok ang lovelife ko sa lovelife ni Ver.
"Oh kayong dalawa Ver, kelan niyo ba balak mag-aminan?!" Nagtawanan silang lahat.
Joke yun?! Badtrip.
"Oo nga eh! Nung 1st year pa lang naman, halata na si Ver eh!" Walang katapusang
tawanan
"Sinong Ver?" sabay namin ni Ver na sinabi yun. Iba talaga kapag may kaparehas ka ng
pangalan.
"Oha! Sabay pang nagtanong?! Ibig sabihin lang niyan, kayong dalawa?!" sabi naman ni
Josh.
"Aminin niyo na kasi?! Nagkakaila pa eh?!" Epal talaga si Prince kahit kelan. Sarap
batukan eh!
"Kayo nga, ang kukulit niyo. Basta ako, labas ako dyan!" sinuntok naman ni Prince yung
braso niya pero syempre hindi yun malakas. Parang pang-asar na suntok lang. Haha.
"Sus, papa Ver, defensive ka naman?!" Sabi naman ni Gigi na halatang handa ng pikunin
si Ver.
"Wag kang ganyan Ver, baka multuhin ka ni Tella dyan?!" pabiro kong sinabi kay Ver
pero feeling ko wrong move yun. Napatingin ako kay Ver na nakatingin na din sakin.
"Mukha kang timang, palagi mo na lang sakin pinipilit si Tella... Alam mo namang wala
akong gusto dun ah..." Napangite si Gigi nun. Ewan ko kung bakit.
"Bakit pre? Sino ba talagang gusto mo kung hindi si Tella?!" Sabay-sabay tumingin si
Josh, Prince, Gian at Gigi sakin kaya naman napasunod na rin ng tingin sakin ni Ver.
"Yan?" Tumawa siya ng pagkalakas-lakas nun. Adik naman kasi. Bakit ko pa ba
binanggit si Tella?
"Wag ka ngang ganyan Ver?! Nasasaktan si Vher?!" Tumingin sakin si Josh nun. Badtrip
tong lalaking 'to oh?!
"Anong nasasaktan ka dyan?! Dukutin ko kaya yang mata mo?! Badtrip
'to?!" Nagtawanan lang naman silang lahat kasama si Ver. Napapatitig nga ako sa kanya

pero syempre, pinipilit ko na magbounce back to reality ulet no?! Nakakahiya sa buong
tropa kapag malaman lang nila na nakatingin na lang ako kay Ver.
"Pero Papa Ver, ano ba talagang naramdaman mo kay Tella?"! Badtrip ka Gigi...
Tinanong mo pa yan... Sa harapan ko pa... nakakainis ah...
"Kay Tella?" Tumango silang lahat, hindi ako kasama dun. Ayokong marinig. "Hmm...
naging crush ko siya nung grade 3 at 4." then tumawa siya.
"wow! Nasabi sakin ni Tella dati na may crush din siya sayo nung mga Elem days
natin?!"Nagtinginan silang lahat sakin habang nagform ng heartbreak na puso sa mga
kamay nila. Inirapan ko lang naman sila.
"Mukha kayong timang!" natatawa na lang ako eh.
"O sige papa Ver, tuloy mo lang!" sabi ni Gigi. nu ba yan Gigi?!
"Uhm... Tapos nung high school... wala lang... best friend na lang..." Tumayo bigla si
Prince, Josh at Gian tapos nagform sila ng heart gamit yung dalawa nilang kamay habang
nagsasayaw pa. Grabe, natatawa na lang ako eh.
"Ang lakas ng trip niyo?!" sabi ko naman sa kanila kaya napatigil sila.
"Ibig sabihin lang nun may chance kayo?!" sabi naman ni Prince. Grabe ha?! Hahaha.
Inirapan ko lang naman siya.
"Bakit ba pareng Vher?! Sino na bang gusto mo ngayon?!" Nakita kong tumingin sakin si
Ver. Ewan ko ba kung kikiligin ba ako pero pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Uh... ngayon?" tumango ang lahat pero lahat sila nakatingin sakin. Ayy, ako ba yung
iniinterview?! Haha.
"Sus. Hindi ba halata? Si Ate Rits?!" Inunahan ko na. Haha.
"Eh taken naman na yun?! Diba Ver?" Bakit ba?! Ano bang pake nila kung taken?!
Hahaha.
"Oo taken yun... Ayoko na dun... Hindi naman ako mahilig sa taken eh..." sabi naman
niya. Nagtinginan ulet sila Gigi, Josh, Gian at Prince sakin.
"Eh sino na lang ba dyan sa tabi-tabi ang hindi taken?!" sabay-sabay nilang sinabi.
malamang, ako yung tinutukoy nila diba?
"Nakatingin kayo sakin?" sabi ko habang nakataas yung kilay ko. Tumango nun silang
apat ng sabay-sabay. Napatingin din naman sakin si Ver nun tapos nakangite siya sakin
na unti-unti na ding tumutunaw sa puso ko na sobrang bilis ang pagtibok ngayon.
"Okay na din..." biglang sabi niya. sumabog na ang bulkang mayon sa puso ko. Over.
Grabe. Sinabi niya na okay na din ako. Waaaaaaa. Mababaliw na talaga ako. Hahaha.
Nagtinginan sa kanya yung apat. Pinagpatuloy niya yung sasabihin niya. "Okay ka naman
Vher eh. Maganda ka. Cute. Sexy. Kahit wala kang talent, okay lang" Badtrip. Sige. Ikaw
na may talent. "Mabait ka naman. Matalino."Halos kiligin naman ako nun habang
pinupuri niya ako. "Maganda..." Nakatitig na siya sakin nun.
"Halata ka naman masyado Ver?! Inulit pa yung maganda?!! Haba ng hair mo
Bru?!" sabi ni Gigi. Hindi ako makatawa. Hindi rin nangite si Ver nun. Nakatitig lang
kami sa isa't-isa nun. Nagulat din kasi ako sa kanya. Inulit pa yung maganda.
"Maganda ka.." Inulit pa. "Isa na nga lang ang kulang sayo eh..." eh ano? talent?! Nako.
Hahaha. Lahat nanahimik. Hinihintay yung sasabihin ni Ver. then bigla niya na lang
sinabi...
"Ako..."
Chapter 15
"HAHAHAHAHAHA" I laughed.
Ako lang yung tumawa ng mag-isa nun. Ahehe. Sige, mukha akong timang. Ako nga lang
kasi talaga ang tumawa. Inulit pa. Haha. Nagtinginan sakin yung mga tao mula sa iba
pang kubo. Grabe, diba joke yun? Makisakay kayo sakin! Diba joke yun? Napangite lang
naman si Ver nun. Okay. Mananahimik na lang ako. Ayaw ko na. Parang namumula ako
nun. Buti na lang medyo madilim na nun. Tiningnan ko yung cell phone ko. 6:30 p.m na.
Patapos na yung party nun. Inaannounce na nung emcee na time for goodbyes na muna.
Ang drama e no? So yun, para makalimutan nila ang kahihiyan na ginawa ko. Yinaya ko
na silang lahat na umuwi.
"Umuwi na nga tayo!" Nag-ngitian silang lahat. Well, erase na lahat ng nangyare.
Sigurado ako na isa lang yun sa mga banat ni Ver. I'm sure talaga. Haha. Marami naman
siyang alam diba?
"Sige Bru! Sabi mo eh" Then, nagtayuan silang lahat. Kasabay kong maglakad si Ver
nun. Ewan ko kung paano kami nagkasabay. Haha. Siguro, sinundan niya ako. Badtrip
siya no? Nag-ayos naman kami ng kaunti nun. Tumawid na kaming lahat para maghintay
ng jeep. Si Gigi lang yung unang baba dun sa subdivision nila. Tapos kami nila Gian,
Josh, Prince at Ver ay nakatira sa isang subdivision na mas malayo sa subdivision nila
Gigi. Nakita ko naman si Kuya Evans at Ate Rits na kakalabas lang ng school. Tatawid
din sila papunta samin.
"Bye Vher. Ingat ka..." Sabi niya sakin habang nakangite siya. Ngumite lang naman ako
sa kanya tapos nag-wave ako ng goodbye sa kanya. Bigla naman akong tinabig ni Ver
nun. Tumingin ako sa kanya ng mataas kasi alam ko na intentional yun. Pero pinagtaasan
niya ako ng kilay para sabihin na hindi talaga intentional yung pagtabig niya kahit halata
naman na intentional lang talaga ang lahat. Mas naunang sumakay ng jeep si Ate Rits at
Kuya Evans. Sa jeep papuntang complex sila sumakay. So kami naman eh halos 15
minutes ng naghihintay ng jeep na may nakalagay na Mamatid o Derecho. Haha. Then
after 10 years, nakita na rin namin ang soulmate naming jeep. Hahaha.
Sumakay kami dun. Katabi ko si Ver sa right side nung jeep. Tapos yung apat eh andun
sa left side. Magkakatabi sila tapos nakatingin sila samin ni Ver na sigurado ako na may
halong pang-aasar. Inirapan ko lang naman sila. Nakangite lang naman si Ver nun.
Medyo sumusulyap kasi ako sa kanya ng paunti-unti para hindi halata. Then yun, una

ngang bumaba ni Gigi. Ganun pa din yung tingin nila Josh, Gian at Prince samin. Badtrip
talaga yung apat na lokong 'to. Kung mang-asar eh. Hahaha.
Then yun, at last nakababa na din kami dun sa may rotonda. Sumakay kaming tricycle.
Badtrip silang apat. Ako pa yung pinaupo dun sa charity seat! Grabe, ang gentleman
nila?! Grabe, ang kapal talaga ng mga mukha ng apat na 'to. Pinagtatawanan pa nila ako?!
Ano pa nga namang magagawa ko diba?! Humiwalay na samin si Prince at Gian kasi
yung bahay nila eh malapit sa clubhouse. So kaming tatlo nila Josh at Ver ang naglalakad
papuntang phase namin. Kumaliwa na si Josh nun kasi dun ang bahay niya syempre. So
kami na naman ni Ver ang until the end eh nagkatuluyan este nagkasama sa paglalakad.
Dumaan kami sa bahay nung pogi at sa chapel. Then, kumaliwa. Then yun na, hahaha.
Hindi kami nagpapansinan nun. Ewan ko ba kung bakit. Nahiya ako bigla. Mukhang
timang naman kasi yung joke niya kanina eh. Ang corny. So yun, pumasok na ako ng
bahay namin. Wala pa din si mama. Inaasikaso pa rin yung design nung bahay nila Kuya
Evans. Tapos si papa nagluluto nun. Yinakap ko siya then kiniss ko siya sa cheeks. Ang
lambing ko no? Haha.
Nagpakwento naman sakin si Tami at Bojie. Alam ko na nagsisisi na sila na hindi sila
sumama. Hahaha. So pinagbigyan ko sila at nagkwentuhan kami habang kinakaen yung
chicken curry na linuto ni papa. Haha. Grabe, kagwapo nga naman talaga ng tatay ko oh.
Then yun, ako naghugas nung pinggan. Mabait akong bata. Tumaas ako sa kwarto ko
para mag-fb lang. Eh dahil wala akong makachat, pinatay ko na rin yung comp. Nag-ayos
muna ako. Nag-t shirt ako ng maayos pati nagshorts. Nagpaalam muna ako kay papa na
lalabas ako at tatambay muna sa chapel. Kailangan kong maamoy, makita at malanghap
ang presensiya nung pogi na nakatira sa tindahan. Hahaha. Hinde, joke lang. Kailangan
ko lang makapagisip kasama ang best friend ko na si Papa Jesus :) Pumayag naman si
papa kasi malapit lang naman yun samin. Okay lang na kahit medyo 9:30 p.m na rin nun.
Then, pumunta ako dun sa Chapel. Umupo ako dun sa orange na parang benches na
walang sandalan sa labas nung chapel. May bubong naman dun syempre! Dahil makapal
ang mukha ko, dun ako umupo sa may side kung saan makikita ko agad yung pogi. Haha.
Joke.
Okay. Time for thinking na. Eto lang naman ang bumabagabag sakin eh. May gusto ba
sakin si Silverio? Alam kong masyado atang... masyado atang makapal ang mukha ko...
pero... eeehh... diba siguro kung kayo nasa kalagayan ko, iisipin niyo na may chance
naman talaga... hay nako Vher?!!
Idaan na lang natin sa signs. Sabi ni mama at papa, nadadaan ang lahat sa signs. Haha.
Dun daw ang basehan nila kaya nagkatuluyan sila ni papa. Malay mo effective din sakin
no?! Sige, eto na.
"Kapag lumabas si Papa pogi galing ng tindahan nila, ibig sabihin may gusto si Ver
sakin..." sabi ko sa sarili ko. Haha. Mukha akong timang na kumakausap sa sarili ko eh?!
5...4...3...2...1
Biglang may naka-topless na sobrang puti ang lumabas galing dun sa tindahan. Grabe,
yung pogi dumaan?!! WAAAAAAAAAA. Hinde, malay mo coincidence lang.
"Kapag tumingin yang si pogi sakin, may gusto na talaga sakin si Ver..." Biglang
tumingin sakin yung pogi?! Grabe. baka iniisip neto na stalker niya ako?! Badtrip.
Biglang ngumite yung pogi tapos umupo siya dun sa upuan na nasa harapan nung
tindahan nila. Kailangan ko munang huminga. Masyado naman atang OA to lahat ng
sinasabi ko eh nagkakatotoo. Haha.
"Sige. Kapag merong batang dumaan na ang pangalan ay potpot, may gusto na talaga
sakin si Ver?!" Oh yan siguro impusible na yan diba?! Hahaha. Ewan ko na lang kapag
biglang may batang dumaan nga na ang pangalan ay potpot. Badtrip na yun ng bongga?!
Hahaha.
After 10 minutes, andun pa din si pogi dun sa harapan nung tindahan nila. Nagulat naman
ako ng biglang may bata na natakbo papunta sa tindahan. Aba, wag mong sabihin na...
"O gabe na potpot ah... Anong bibilhin mo?" sabi ni pogi dun sa bata.
Okay fine. Grabe na 'to. joketime ba 'to?! Bumili ng lollipop yung bata. Hahaha. Then,
umalis na siya. Napasigh talaga ako ng bonggang bongga nun. Grabe naman 'to oh.
"Sige kapag within 5 seconds walang fireworks, wala na talagang gusto sakin si
Ver?!!" Parang napalakas yung boses ko nun. Sana hindi narinig ni pogi. Hahaha.
5...4...3... BOOGSSHH!!
Napatingin ako sa kalangitan nun. Badtrip. Fireworks galing sa Enchanted Kingdom.
Wooo. Sarap gibain ng EK grabe. Hahahaha. Nakakawindang ah. Natatawa na ako sa
sarili ko.
"Okay. So hinahamon na talaga ako. Sige, magsayaw muna si pogi. Eto na talaga.
sigurado na talaga ako na..." Hindi pa ako tapos sa pakikipagusap sa sarili ko ng biglang
magpatunog ng music galing sa cell phone niya yung pogi. Then, medyo nagsayaw lang
siya dun. Limited lang yung moves. Hindi naman talaga as in todo bigay. Parang meron
lang siyang prina-practice na sayaw. Dancer pala 'to. Malamang oo, alam ko namang
sumali yung grupo neto sa showtime eh. Ayyy. Hahahahahahaha. Baka walang
makarelate. Sige, back to the story. So medyo nagsayaw nga si Papa pogi. Weeew.
"Sige. Eto pa. Kapag may dumating na kasama kay pogi na nagsayaw sa showtime tapos
nakamotor yung taong yun, yun na talaga?! Tatanggapin ko na talaga ang pagkatalo
ko..." After 5 minutes biglang may narinig akong tunog ng motor. Dumaan sa harapan ko
yung motor na yun. Please wag kang tumigil sa bahay ni pogi. Then yun, tumigil nga sa
bahay ni pogi. Okay, badtrip. Hahahaha. Ang gwapo din nun eh. Badtrip lang talaga.
"Makabili na nga lang ng softdrinks..." sabi ko sa sarili ko sabay tayo. nadismaya na
talaga ako. Lahat ng sinasabi ko eh nagkatotoo. Pero panigurado ako na kapag hindi
naman nagkatotoo lahat ng sinabi ko, madedepressed lang ako. Hahaha. Baka isipin ko na

pati ata signs eh hindi nakikiayon sakin. Pumunta ako sa tindahan nila pogi na bukas na
bukas nga naman talaga.
"Pabili nga po ng RC..." Tumingin sakin si Pogi at si gwapings na nasa motor. Haha.
Grabe. Gusto kong idescribe si pogi at gwapings. Malandi kasi si Otor. Haha. So si Pogi,
payat pero malakas ang loob na magtopless, tapos sobrang puti, sobrang kinis, medyo
maliit, matangos ang ilong tapos kinababaliwan ng marameng babae. Haha. Si Gwapings
naman eh meydo moreno pero sobrang kinis, katamtaman lang ang katawan, matangos
din ang ilong, ang cute ngumite tapos kinababaliwan din ng maraming babae pero mas
marami pa din yung kay pogi. Hahaha. Sige, extra lang naman yan.
Kumuha si pogi ng RC mula sa ref then linagay niya sa plastic. Binayad ko sa kanya
syempre yung bayad ko. Haha. Iba yung tingin niya sakin. Feel ko talaga iniisip neto
stalker niya ako. Wag naman. Admirer na lang. Joke! Hahahaha. Ako na malandi.
Bago niya sakin ibigay yung RC na nasa plastic na ngayon. Nagsalita muna siya.
"Alam mo ate, maganda ka. Imbis na maghintay ka ng signs dyan buong magdamag,
aminin mo na lang sa taong yun" Badtrip. Lakas pala ng pandinig ng poging 'to.
Chapter 16
Nagulat naman ako sa sinabi ni pogi. Haha. Baka nga hindi niya ako kilala eh. Nginitian
ko lang naman siye. Feeling ko pag binara ko siya, mapahiya pa siya. Sayang kapogian
niya. Haha. So yun, umalis naman na ako nun. Ibang klase ah. Ang lakas ng pandinig ni
kuya pogi. Feel ko sinadya niya na lahat na gawin yung mga naririnig niya mula sakin.
Mukhang timang ah.
So yun, lumipas yung mga dayd at weeks na din. Dumaan ang Quarterly Exams namin.
Yehey! Nakatapos na din ng isang quarter ng paghihirap. Haha. Then yun, nabuo na din
yung bridge na matagal na naming pinagplaplanuhan ni Ver. Ang astig din kasi hindi na
bintana yung dating bintana namin. Haha. Pintuan na siya. Ang daya nga eh. Labas pasok
si Ver dun sa kwarto ko samantalang ako, never in my life ako nakapasok sa kwarto niya.
Sobrang daya no? Pero hindi ko na rin siya inaaway dahil blinablack mail niya ako
tungkol dun sa ring na galing sa kanya na nawala ko. Naalala ko na naman. Badtrip. Lalo
naman kaming naging close ni Kuya Evans. Well, ayun palagi niya akong nililibre eh.
Haha. Taas noo naman ako sa mga tao eh, ang gwapo ba naman kasi ng kasama ko.
Palagi ko siyang katext at kachat. Kinikilig nga ako minsan eh pero hanggang dun na
lang ata. Wala naman akong balita sa kanila ni Ate Rits. Ang tagal na din naming nagiimbestiga
ni Gigi, wala pa rin kaming alam kay Ate Rits at Kuya Evans. Hmm, sa tingin
niyo? Anong meron sa kanila? Well, never mind na ngayon. Tila mabilis talaga ang
pagtakbo ng panahon. Akalain mong August na. Haha. Eto yung month na pinakaboring
eh. Wala kasi masyadong activities. Puro aral, projects at kaboringan. In short, Hell
Month. Haha.
Pero may advantage naman yun sakin, palagi kong nakakasama si Ver sa kwarto ko o
minsan sa sala nila para mag-aral. Sabay na din kasi kaming nagawa ng project. As of
now, magkakasama kami nila Gigi at Ver sa sala nila Ver. Gumagawa kami nung
scrapbook para sa Values. Grabe no? Values na nga lang, pahihirapan pa kami this month
of august. Haha. Badtrip lang eh.
Naghahanap si Gigi ng pictures nun sa Facebook. Dala niya kasi yung laptop niya plus
yung smartbro na plug-in niya kaya nakakapagsurf siya ng pictures. Ako naman eh busy
sa pagdidikit ng mga pictures sa scrapbook ko. Si Ver naman eh busy sa paglalagay ng
mga captions sa mga pictures niya.
"Ano ba yan Bru?! Hirap maghanap ng pictures, tulungan mo ako!" sabi naman ni Gigi.
Haha. namang-mang na ata 'to sa facebook eh. Hahaha.
"Grabe ka naman Bru. Kaya mo na yan?!" dinedesignan ko ng mga cut-outs na strips at
flowers yung page kung saan may picture kaming dalawa lang ni Ver na magkasama.
Ang cute namin niyan eh. Hahaha. Nakita ata ni Ver yung gawa ko kaya parang medyo
nag-react siya.
"Ano ba naman yan?! Bakit yang picture natin linagay mo?! Ang pangit ko
dyan?!" Napatingin naman si Gigi dun sa gawa ko.
"Wushu ikaw bru! masyado naman atang halata yan?! may heart pa sa gilid oh!" Inaamin
ko na may heart pero isang heart lang naman yun eh?! tsaka walang ibig sabihin yun?!
ano ba?! nakakainis naman eh.
"Anong heart ka dyan?! bilog yan?!" Hahaha. Natatawa ako sa palusot ko. Grabe. Halata
naman puso eh
"Mukha kang timang?! Tamang ipagpilitan?! Adik 'to eh.." Halos nagtawanan lang
naman kami. Linagay ko din dun syempre yung picture ni Tella. Napatingin ako bigla
dun sa page na dindesignan ni Ver. Yun yung page kung saan may pic na silang dalawa
lang ni Tella. Bigla akong nakaramdam ng selos. Medyo nadismaya ako nun. Nawala
yung sweet smile mula sa mukha ko. Parang nasapawan na ng mga ngite ni Tella mula sa
picture na yon. Ano ba naman yan, Tella?! ang swerte mo namang babae. Nakita kong
napatitig si Ver dun sa picture ni Tella tapos hinahawakan niya pa yung picture na yun.
Grabe, parang nadudurog lang yung puso ko eh. Picture palang yan tapos ang sakit sakit
na.
"Namimiss mo siya no?" sabi ko with a fake smile. Medyo mahina lang yung boses ko
nun. Medyo busy kasi si Gigi sa paghahanap ng pictures at pagsasoundtrip mag-isa.
Tumango lang naman si Ver nun tapos ngumite siya. Nginitian ko lang naman sya. That
would be a better response diba? Kahit na sobrang sakit na. Tumitig ulit si Ver dun sa
picture. Aray talaga. Grabe.
"ang ganda niya no?" tumango ako to hide the pain. hindi nga ako makatingin sa kanya
ng diretso eh. "ang daya nga niya eh. hindi na puputi yung buhok niya. hindi siya
papanget. hindi na kukulubot yung pisngi niya. ang swerte. forever na siyang

maganda" then, tumawa siya. siguro, to hide the pain na rin. mahal niya pa rin si Tella.
Alam ko. Nararamdaman ko. Kahit sabihin niya na naging crush niya lang yun nung
Elem days, nasaktan pa rin siya nung binasted siya ni Tella pagdating nung highschool.
Naalala ko pa lahat nun. Una kong nakita si Ver na umiyak dahil sa isang babae.
*Flashback. 1st year highschool. Month of October.*
Sobrang magpagwapo si Ver ngayon. Feel ko may pakulo na naman 'to para kay Tella.
Nagtago ako nun sa likod nung pintuan nung classroom kung saan sila maguusap ni
Tella. Dapat maging succesful 'to para kay Ver Tagal-tagal niya na 'tong inaasam-asam
eh. All out naman ang ears ko nun para marinig bawat detalye ng pag-uusap nila.
"Ehem..." wrong move. wala talagang kwenta 'tong si Ver oh. Hahaha "Tella..."
"Hm?" ang sweet ng boses ni Tella nun. kaya nga nainlove si Ver dun eh. Lakas ng tama
niya dun kahit hindi niya talaga masyado sakin sinasabi. Haha.
"Tella... ano kasi... may sasabihin ako sayo..." eto na. This is it :"""> Medyo kinikilig ako
nun. Hahaha. Siguro ang saya saya ngayon ni Ver kasi masasabi niya na rin kay Tella
lahat.
"Ano yun Ver?" feeling ko kinilig si Ver nung sinabi ni Tella yung pangalan niya.
"Uh... I love you..." medyo sinilip ko sila nun. nakatungo si Ver habang binibigay niya
yung tatlong red roses kay Tella. Ang sweet. Naluluha nga ako nun. Tears of Joy o dahil
nagseselos ako? Ewan ko ba. Basta masaya ako sa best friend ko. Kinuha ni Tella ng
dahan-dahan yung roses na yun. Hindi ko na din mapigilan yung pag-iyak ko. Nagbleblur
bigla yung paningin ko dahil sa mga namumuong tubig sa mata ko. ginamit ko yung
kamay ko na pampunas ng mga luha ko. Nakakainis. Bakit ko pa kasi pinanuod 'to. Hindi
ko na sila tiningnan. Siguro, kung sino man ang makakita sakin dito eh sasabihan ako ng
` Tanga, alam mo namang masasaktan ka, bakit andyan ka pa din?`.
"Uh.. Ver?" medyo pinatigil ko yung sarili ko sa pag-iyak nun nung narinig ko yung
boses ni Tella. Pero humihikbi pa rin ako nun. Siguro sasabihin niya na `I love you too
Ver` o di kaya ` sige tayo na Ver?! o di kaya `Ver, Tayo na forever ha? Promise?`. Lalo
akong naiyak sa mga pinag-iisip ko. Nakakabadtrip.
"I'm sorry Ver.." nanlaki yung mata ko nun. halos umurong lahat ng mga luha na dapat
sana eh iluluha ko na nung sinabi yun ni Tella. Hindi naman sa masaya ako pero
nakakagulat lang. Bumilig yung pagtibok ng puso ko. Lalo na nung sinabi pa ni Tella
na "sorry, wala akong nararamdaman sayo..."
Parang gumuho yung puso ko nun para kay Ver. Nasaktan ako para sa kanya. Sinilip ko
yung kwarto ulit. Then, nakita kong binabalik ni Tella yung tatlong roses tapos parang
bata si Ver na naiyak. Nakatakip pa yung buong braso niya sa mga mata niya. Parang
siyang bata na naagawan ng isang sobrang importanteng laruan. Naawa ako sa kanya
nun. Dun ko naisip, alam mo Ver kung ako lang si Tella, hindi ko yan gagawin sayo.
hindi kita paiiyakin. Tumakbo naman ako kaagad nun ata nagtago sa pinakamalapit na
CR, feel ko kasi lalabas na sila nun. Grabe, hindi matanggal sa isip ko yung pag-iyak ni
Ver. After 10 minutes, bumalik ulit ako dun sa kwarto, andun na lang si Tella, wala na si
Ver. Kinabahan ako dun kaya lumabas agad ako ng Building A then triny ko yung best
ko na hanapin si Ver. Nakita ko yung tatlong roses na nakakalat dun sa may gate ng
school namin. Daig pa ng pagtibok ng puso ko ang pinakamabilis na tren ng mga oras na
'to.Lumabas ako ng gate namin. Medyo umaambon pa nun. Nakakabadtrip. Naglakad ako
papunta dun sa park. yun na lang kasi ang naisip ko na pinakamalapit na tambayan ng
isang tao na heartbroken. Pumunta ako dun. Grabe, bumuhos ng malakas ang ulan. Lagot
ako neto kay mama, basang-basa ako pati yung uniform ko. Nakatayo ako dun sa gitna
nung park habang iniikot ko yung paningin ko sa buong park para lang makita siya. Then,
dun ko lang nalaman na nasa likod ko na pala siya. May hawak siyang payong tapos
lumapit siya sakin para payungan ako.
"BAKIT KA BIGLANG NAWALA?! NAG-AALALA AKO SAYO!" pasigaw kong
sinabi sa kanya. pinagtitinginan kami ng mga tao.
"EH BAKIT KA NAGPAPAULAN?! BAKA MAGKASAKIT KA?!" pasigaw niya ring
sinabi sakin. nginitian niya ako pero kita mo sa mga mata niya na halos maluha-luha na
din siya. "sabi ko na nga ba wala akong pag-asa..." sinabi niya na sakin. That broke my
heart. Hindi sa kadahilanang nagmamahal si Ver ng iba kundi dahil nasasaktan siya
ngayon. Nasasaktan ako. Kasi nasasaktan siya. Ang martyr ko talagang best friend oh.
Bakit ba ako pinanganak ng ganito.
"umuwi na nga tayo! wag ka na magdrama dyan.." hinawakan ko yung kamay niya. then
hinila ko siya papunta dun sa mga taong naghihintay din ng jeep. Grabe, nilalamig ako.
Sobrang basa na rin kasi ako nun. sumakay kami ng jeep. Pagdating sa rotonda,
nagspecial na kami sa tricycle dahil hindi na namin keri na maglakad dahil sa sobrang
lakas ng ulan. nagshower muna kami at nagpalit ng damit. nasermonan pa nga ako ni
mama eh. expected ko naman na yun. tsaka alam ko naman na nag-aalala lang siya para
sakin. binuksan ko agad yung bintana ko. hindi naman na ako masyado nagulat nung
nakita kong nakabukas na din yung bintana niya.
"oh ano kamusta puso mo?" sabi ko na may halong biro sa kanya.
"malamang basag... badtrip eh..." halos tinatawa niya na lang yung nararamdaman niya
pero alam mo na sobrang nahihirapan siya dahil sa ginawa sa kanya ni Tella. si Tella kasi
yung tipo ng babae na hindi naman talaga mahilig sa lovelife at crush kaya siguro hindi
naman talaga siya na-fall kay Ver. pwede naman kasi na... pwede naman na ako na lang...
hay nako... ayaw ko ng ipagpilitan... nagkwentuhan kami nun tungkol sa nangyare,
umiyak siya nun. first time. bumilis yung pagtibok ng puso ko habang tinitingnan ko
siyang umiiyak. nasabi ko sa sarili ko na never akong aamin sa kanya. as in never talaga
kung magiging katulad ko siya. kung iiyak din naman ako dahil sa kanya. dun tumigil
yung lahat ng pangarap ko na siya ang magiging prince charming ko. dun ako tumigil na

umasa na merong chance para samin dalawa. alam kong wala... ayokong masaktan
katulad niya.... halos 11 pm nung matapos kaming nagkwentuhan at napagpasyahan na
naming matulog.
Humiga na ako sa kama ko nun at hindi ko napigilan na umiyak....
After 1 week, parang nagbago ang lahat.
"oh kamusta ang puso?" pabiro ko pa ring sinabi sa kanya.
"ha? bakit? nadurog na ba ang puso ko?" dun na siyang nagsimulang maging pa-cool
kapag si Tella na ang usapan. parang ginagamit niya yung mga ganyang salita para
makalimutan lahat ng masasakit na naramdaman niya nung binasted siya ni Tella...
*End of Flashback*
tulad nung nangyare nung intrams' night. kinaila niya pa na wala na siyang feelings kay
Tella nung 1st year kami eh sobrang halata naman na malakas ang tama niya kay Tella
nun eh. Masyado siyang ma-pride. yun ang masasabi ko sa kanya.
"Mahal mo pa ba?" tinanong ko siya kahit na parang alam ko na masasaktan ako sa kung
ano mang isasagot niya... napatingin siya sakin nun...
"oo..." sabay tango. kasabay din nun ang pagdurog ulit sa puso ko. "pero wala na siya.
siguro time na din na magmahal ako ng iba..." then ngumite siya sakin.
Chapter 17
Nginitian ko lang siya nun. Wala na kaming napagusapan after nun. Pinagpuyatan din
namin yung project na yun nu. And ako pinakamaagang nakatapos sa kanilang dalawa ng
project. Ang artistic ko kasi. Haha. Kaya naman nun tinulungan ko na si Gigi sa paggawa
ng project niya. Baklita talaga yung bruha na yun kasi halos ako din yung gumawa nung
project niya. Ang tamad talaga, grabe. Pero enjoy pa din, mas matagal kong nakasama si
Papa Ver. Joke. Hahaha. Nahawa na ako sa kalandian ni Gigi. Haha.
So yun, sabay-sabay din naming pinasa ko yun. Ako nga yung nag-volunteer na magpasa
nung mga gawa nila. Gusto ko kasing tingnan yung gawa ni Ver. Ssh lang kayo. Haha.
Gusto ko lang naman makita kung ano bang nasa loob nung scrapbook niya. Baka naman
scrap talaga. Joke! Haha. So yun, sa first page nung scrap book niya eh yung picture ng
buong pamilya niya. Bata pa siya dun sa picture. Ang cute nga eh! Haha. May caption
dun na `I miss my Mom!`. Aww, baby boy. Kawawa si baby Ver, namimiss ang kanyang
mommy. Haha. Then sa second page naman eh yung tropa niya. Malamang, andun si
Prince, Josh at Gian. Nakasuot sila nun ng sando na gray tapos nakapants sila pati astig
na rubber shoes. Sige, sila na gwapo at dancer. Badtrip lang. Haha. Tiningnan ko yung
susunod na page. Ineexpect ko nun na ako na yung susunod sa page. Kaso nadismaya ako
nung nakita ko yung picture nilang dalawa ni Tella na halatang well-decorated niya. Ang
cute nga eh. Blue and pink yung motif nung page na yun. Favorite ni Ver yung kulay na
blue and favorite naman ni Tella yung pink. Sa kulay pa lang na paborito nila, bagay na.
Kaya naman bagay talaga sila. Hahaha. Ako naman 'tong nasasaktan pero nagiisip pa rin
ng mga fool analogies. Then, linagay ko dun sa next page. Akala ko ako na kaso picture
pala nila ni Gigi na magkasama. Meron pang caption na `Ang nagbibinatang tropa ko`.
Tagalog yun kaya for sure may minus point siya dun. Haha. Adik talaga yun. Ginawa
yung scrap book na yun ayon sa sarili niyang kalokohan. Tama bang tawagin si Gigi na
nagbibinata?! Pag nakita 'to ni Gigi, lagot siya sa baklitang yun. Haha. Then, next page
ulet. Akala ko na naman ako na yung andun!? Kaso mga pinsan niya na yung andun?!
Badtrip. Paano na ako?! Nakalimutan na ba ako ng best friend ko? Naiinis na ako nun.
Halos gusto ko ng ilaglag yung scrapbook niya mula fourth floor at hindi na ipasa yung
gawa niya. Haha. Joke. Pero kasi eeeehhhh, bakit wala ata ako? Flinip ko ulit sa mga
sumunod na pages. Puro pictures ng relatives lang. Then, pagdating dun sa dulong page.
Dun na ako nawawalan ng pag-asa na kasama ako dun sa scrapbook niya then nanlaki
yung mata ko nung may apat na picture kaming dalawa ni Ver na magkakasama sa isang
page. yung una picture nung halos pre-school pa lang ata kami tapos nakain kami ng
spaghetti pareho at ang amos namin nun. dun sa pangalawang picture, yun yung picture
nung elem kami. nasa may garden pa kami ng school namin nun. ang cute naman naming
dalawa ni Ver. Haha. Then dun naman sa sumunod na picture eh picture namin nung first
year kami, naka-akbay siya sakin. Tapos halata dun sa mukha ko na kinikilig ako kasi
nakakagat pa ako sa labi ko nun habang naka-smile sa camera. Then dun sa huling picture
eh yung picture ko na nakastretch yung kamay ko dun sa styro na snow naman talaga.
Ang ganda ng pagkakakuha dun. Ang ganda ko kasi. Joke. Hahaha. Napangite ako ng
bonggang bongga nun.Then, pinasa ko na yung work naming tatlo dun sa Values teacher
namin. Pare-parehas lang naman kami ng values teacher kaya ganun. Haha. Dismissal na
nun so pumunta ako sa classroom ko para magayos ng gamit. Hindi ko nakasabay si Gigi
na umuwi dahil busy siya sa pagte-take up nung mga namiss niyang quizzes nung
tinamad siyang pumasok last week. Dahil malas ang bruhildang yun, dun pa siya
umabsent sa araw kung kelan marameng seatworks at quizzes. kawawa tuloy siya. Haha.
Sarap pagtawanan eh. Hindi ko naman nakasabay nun si Ver dahil may practice siya para
sa Basketball Varsity niya. Eh hindi naman ako malandi na magste-stay pa dun para lang
manuod ng practice niya. Nanunuod nga si Ate Rits ng practice ni Ver eh tapos from time
to time during practice eh, lumalapit si Ver kay Ate Rits. Nagseselos naman ako nun pero
at the same time, lalo akong naguluhan. Diba si Ate Rits at si Ver?
Ayoko ng isipin pa yun, lumabas ako ng gate and sumakay ako ng jeep. madali lang
naman akong nakasakay, siguro swerte yung araw na 'to. Medyo nagulat naman ako ng
makita ko si Kuya Evans na andun din sa jeep. Nasa halos unahan ko siya pero hindi
naman talaga as in sa unahan ko, medyo lang. Haha. Siguro galing siya ng comp shop,
nag-DOTA. Hahaha. Nginitian ko lang siya nun. Nahihiya nga ako na pansinin siya eh.
Ewan ko kung bakit. Mas makulit ako kapag katext ko siya. Alam kong tumitingin siya
sakin pero umiiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Kita ko ngang napapangite siya eh.

Siguro sa loob-looban niya eh iniisip niya na masyado akong suplada. Sa hindi


nalalamang dahilan, sa kanya inabot ni manong driver yung sukli na para sakin kaya
naman malamang, binigay niya sakin yung sukli. dumampi yung fingers niya sa palm ko
kaya naman medyo nataranta ako. Hindi ko mapigilang ngumite nun. Kinuha ko yung
panyo ko mula sa bulsa ko. Tinakpan yung bibig ko na napapangite na talaga ngayon.
Nakakahiya naman 'to. Bakit ba ako ngumingite?! Hahaha. Bigla namang tumigil yung
jeep kaya halos lahat ng pasahero na nasa jeep ay nawindang. Nahulog nun yung dalawa
kong libro na nakapatong lang sa lap ko.
"ano ba yan manong? dahan-dahan naman..." napatingin ako nun kay kuya Evans. Hindi
ko akalain na magiging ganun siya. Hindi siya pinansin nung manong driver pero I know
na biglang nagbagal ng takbo yung driver sa jeep niya.pinulot nun ni kuya Evans yung
dalawang libro ko sa sahig tapos binigay niya sakin. Ngumite siya habang inaabot niya
sakin yung mga libro ko.
"Uh... Thanks.." ngumite din ako. tumigil yung jeep nun. marameng bumaba na pasahero
mula sa side ko. Nagulat ako ng biglang lumipat ng side si kuya Evans sa tabi ko pa.
"Oh bakit?" sabi ko sa kanya. ang sama ko naman ata. Hahaha. sa tono ng boses ko eh
parang nandidiri ako sa kanya. Hahaha.
"Wala lang. Ang tagal na din nating di nakakapagusap..." sa pananalita niya, alam ko na
ang susunod na sasabihin niya. "namiss kita..." sabi na nga ba eh. Hahaha. Medyo kinilig
naman ako nun. Weeee. Super Happy. Hearts Hearts Hearts. Sige, ako na malandi.
Hahaha.
"Talaga?" Ngumite lang naman siya nun. Ang bilig nga ng pagtibok ng puso ko.
Nakalimutan ko bigla yung kung `ano mang meron` sa kanila ni Ate Rits kahit na naalala
ko ngayon. Badtrip. Hahaha. Natraffic nun kaya medyo nataranta ako. Gagawa pa ako ng
reaction paper ko sa Social Studies eh. Nako, cramming na naman ako sa bahay.
"Hala, traffic..." sabi ko sa sarili ko pero malamang narinig yun ni kuya Evans.
"Oo nga no. Gusto mong maglakad na lang? malapit na lang naman eh..." sinuggest sakin
ni kuya Evans.
"Uh... sige..." sabi ko sa kanya.
"manong, teka lang po ha! baba lang muna kami..." sabi niya dun sa manong driver na
pinagtaasan siya ng kilay. feeling ko napikon sa kanya yung driver. Haha. Mas nauna
siyang bumaba nun sa jeep. Medo naisip ko nga nun na hindi gentleman si kuya Evans
kaso nabawi naman nung inalalayan niya akong bumaba sa jeep. Ayy, ang sweet eh.
Hahaha.
Tumabi naman kami nun sa may nagtitinda ng barbeque. Haha.
"Gusto mo? Libre ko..." sabi niya sakin. Ay, ang cute ngumite ng lokong 'to. Hahaha.
Naloloko ako eh.
"Nakakahiya naman sayo.." sabi ko naman.Hindi naman sa nahihiya ako. Kinikilig lang
talaga ako. Hahaha.
"Sus. sige na. bibili na ako..." inakbayan niya ako nun then naglakad kami papalapit dun
sa ate na nagbebenta ng barbeque.
"ate, dalawa nga po..." sabi ni kuya Evans dun kay ate. Ngumite si ate nun tapos nagluto
siya. nun ko lang narealize na naka-akbay pa rin sakin si kuya Evans. Pero ayokong
pansinin kasi... kasi wala lang... Hahaha.. ang landi ko naman. Napatingin naman samin
si ate habang pinapaypayan niya yung barbeque.
"Kayo ha. kung makapaglambing kayo dyan, baka langgamin kayo niyan..." pang-aasar
naman ni ate samin. grabe ha, nagulat kaming dalawa ni Kuya Evans dun. Hindi namin
ineexpect. Natawa na lang kami nun tapos dahan-dahan na niyang tinanggal yung kamay
niya sa pagkaka-akbay sakin. Panira si ate ng mood, kinikilig na ako eh. Hahaha! Joke.
"Bagay kayo infairness.." sabi samin ni ate. nakakatuwa naman 'tong tinderang 'to.
hahaha
"ay, hindi po kami..." nagulat si ate sa sinabi ni kuya Evans nun. nakakatawa nga yung
expression ni ate eh! Haha.
"Talaga? Eh di maging kayo, mukha namang may malalim kayong pagtitinginan sa isa'tisa..."
tumawa kaming tatlo nun. Medyo napalingon ako nun kay kuya Evans. Dun ko
nakita na nakatitig pala siya sakin habang nakangite. medyo namula ako nun. hindi ko
alam kung dahil ba yun sa usok na galing dun sa linulutong barbeque o dahil sa kakiligan
na dala ni kuya Evans. Iba na eh. Hahaha. ang bilis ng pagtibok ng puso ko. grabe.
"Ako lang po ata, ate.." sabi ni kuya Evans dun kay ate na ikinagulat ko talaga. As in
nanlaki yung mata ko. Haha.
"Oh biglang nanlaki yung mata nung kasama mo..." tinuro ako ni ate nun. grabe si ate,
kung mang-asar ah! Hahaha. Wag ganyan.Kinikilig akoooo. Joke. Hahaha. Kahit oo
naman.
"Eh ate hindi pa yan maniniwala sakin ngayon..." nakangite siya habang sinasabi niya
yun.
"ano ba yan kuya Evans?! mga pinagsasabi mo?!" ang defensive much ko naman.
Hahaha. Tapos na nun ni ate na lutuin yung barbeque kaya binigay niya naman na samin
yun tapos binigay na din ni kuya Evans yung bayad.
"sige ate, salamat. babye..." kumaway siya dun sa ate then umalis na kami tapos naglakad
na kami papunta dun sa sakayan ng tricycle. Medyo matagal na paglalakad pa yun. grabe,
traffic nga. as in whoa. Yung jeep na sinakyan namin kanina eh parang hindi gumalaw.
Haha. bagot na bagot nga yung driver eh. nakakatawa lang. so yun, enjoy naman ako sa
paglalakad kasama si kuya Evans.
"ang lakas ng topak mo kanina ah! by the way, salamat sa barbeque..." tumawa muna siya
bago magsalita pabalik sakin.
"bakit? totoo naman ata lahat ng sinabi ko ah..." gusto kong tumigil sa paglalakad nun.

that's just impossible diba? Haha.


"loko ka talaga kuya Evans..." sabi ko sa kanya ng pabiro. natataranta na nga ako nun eh.
"masama na bang magsabi ng totoo ngayon?" ewan ko ba kung nagjojoke siya o hinde.
ang gulo lang talaga. hindi naman kasi ako sanay sa mga conversations na ganito eh.
never pa nga ako nasasabihan ni Ver ng ganito. Kung magsasabi si Ver ng mga ganitong
bagay, may mga banat pa. eh si kuya Evans, mukhang straight to the point eh. Lokohan
nga ba talaga? Pero paano na si ate Rits?! diba mahal niya si ate Rits?! bakit siya ganito?!
manloloko ba siya? hay nako naman oh.
"hindi naman pero joke yun diba?" hindi siya nagsalita nun. Hahaha. Halos, nakarating na
din kami dun sa may tricycle. Then, sumakay kami papuntang clubhouse. Yung phase
namin ni Kuya Evans ay malapit lang pala, nun ko lang nalalaman. Then dun ko rin lang
nalaman na siya pala yung nakatira dun sa sobrang laki na bahay na katabi ng isang
school. Whoa. Feeling ko nga pag andun ako sa bahay na yun eh, mawawala ako. Haha.
So naglalakad naman kami ngayon papunta sa phase ko. Ihahatid daw kasi ako ni Kuya
Evans sa bahay ko pero sabi ko kahit hanggang dun na lang sa Chapel, okay na ako eh.
Haha.
"mago-online ka ba mamaya?" tanong sakin ni kuya Evans.
"yep..." i said with a smile.
"okay, chat na lang tayo..." sabi niya. marami pa kaming napagkwentuhan nun. Hahaha.
Ang saya nga eh. Parang nakakita ako ng isang big brother. gwapo pa!! Haha. Hinatid
niya ako dun sa may chapel then we part ways. Wala yung epal na pogi sa labas nung
tindahan nila which is good. Naepalan ako sa kanya nung nalaman ko na naririnig niya
pala yung mga pinagsasabi ko. Hahaha. Umuwi na ako nun. Grabe, hanggang ngayon
wala pa din yung kapatid ko. Kung saan saan na namang naggagala yung mga yun?!
Nagkwentuhan kami ni papa. Hanggang ngayon kasi busy pa din si mama. Eh si papa,
napaaga ang uwi ngayon mula trabaho kaya happy happy kami. Haha. Then, nagshower
ako at nagpalit ng damit. Kumaen na din ng early dinner at ginawa agad yung printed na
reaction paper ko. Nung medyo nawawalan na ako ng ideas, binuksan ko muna yung
facebook ko. Meron akong 7 notifs, wala lang naman yung iba. Napangite ako nung
nakita ko na nagpost si Kuya Evans sa wall ko. Ayy, Kilig. Hahaha.
Nakapag wall to wall kami sa facebook nun kahit na hindi naman na ata siya wall to wall
kasi nga nagupgrade na sa new profile yung aming dalawa ni kuya Evans. Hahaha.
Anyways, hindi naman yun ang issue! Hahaha.
Evans Javier Hi Vher! Padaan :) ahehe
Vher Benitez Ge daan ka lang kuya Evans :P
Evans Javier Okay
Vher Benitez Hahahaha :)
Evans Javier Tawa :D
Vher Benitez Ok. Hahahaha :)
Evans Javier Ganda mo
Vher Benitez Thanks. Panget mo ;)
Evans Javier K. Ganda mo
Vher Benitez Ok. Salamat pala sa libre kuya! :P
Evans Javier Bukas ulit? :)
Vher Benitez Ikaw bahala :P
Evans Javier Ge. Huy out na po ako. Ingat
Vher Benitez Haha. K
Kinikilig talaga ako ng sobra nun. As in, over. Ewan ko kung bakit. Hahahaha. Ang landi
ko na nga ata eh. Clinose ko muna yung Facebook ko, bigla kasi akong naengganyo sa
paggawa ng reaction paper ko dahil kay Kuya Evans. Hahaha. Ang bilis ko namang
matapos nun so binuksan ko na din ulet yung Facebook ko. May 1 notif. Nagpost si Best
friend Ver dun sa wall ko.
Ver Pogi >:)
Nang-asar pa. Badtrip talaga 'tong best friend ko oh.
Chapter 18
Hindi ko si rineplyan si Ver nun. Ang dahilan: Wala lang, tinatamad ako. Hahaha.
Aasarin niya lang naman ako kay Kuya Evans. Baka kung ano pang masabi ko sa kanya.
Mabara ko siya ng wala sa oras. So yun, successful naman ang reaction paper ko. Ang
taas ng score ko, 93! Hahaha. Share ko lang ba! Then yun, feel na feel ko agad nun yung
birthday ko kahit na August 22 pa lang ngayon. September 3 kasi birthday ko eh tapos
ang dami ng nabati sa facebook ko. Hahaha. Paunahan pa eh no? Ang kulit nga eh bati
sakin ng bati si Kuya Evans. Mukha timang lang eh. Nagpicture pa nga siya nun na may
hawak siyang papel tapos may nakalagay na `Happy Birthday Vher! ^^`. Kinilig naman
ako nun. As in, super. Halos, hindi ako makatulog nung araw na yun. Ang dami pa ngang
nag-like ng picture na yun eh. Sus, kung alam lang nila na si Ate Rits naman talaga ang
gusto ni kuya Evans! siya nga ba? Hahaha, bahala na nga lang!!
So ayun, halos parati ko namang kasama si Ver sa paguwi. Hindi tuloy namin maulit
yung pagpunta dun sa ateng tindera na nang-asar samin ni Kuya Evans. Nakaka-miss si
ate ah! Infairness. Hahaha. Saturday ngayon. Syempre, halos buong araw eh
nakafacebook ako. Ganun lang naman ang takbo ng buhay ko. Wala akong kachat kundi
si Kuya Evans. Palagi naman. Si Ver naman tuwing umaga ko lang nakakachat. Eh gabi
ngayon si hindi ko siya kachat. Haha. Siguro puro DOTA siya. Well, buhay niya na yun.
Basta masaya ako kay Kuya Evans. Haha.
Evans Javier Vher! ;)
Vher Benitez whut? ahehe :)
Evans Javier ala lang :)

miss you ^_^


Vher Benitez K :)
Evans Javier sama kang stargazing? :)
So yun hindi ko pala nasabi sa inyo na sa September 4 eh meron kaming stargazing
activity sa school namin. Sayang no? Hindi pa tumama sa mismong birthday ko! Hahaha.
Nakakainis lang eh. Well, yun excited na ako dun. Kaso nga lang ang mahal. 1,500!!
Over yun diba? Pero sigurado naman ako na mageenjoy kami dun. Parang camping yun
pero astronomy ang field! O di ba, bongga?!!
Vher Benitez yup! excited na ako :))
Evans Javier Ako din eh!!
Vher Benitez sayang hindi sakto ng birthday ko :|
Evans Javier onga eh. ano gusto mong gift? :)
Vher Benitez ipangalan mo skn ang staaaarr :) jokes!! Kahit ano
po kuya ^_^
Evans Javier nge. K :)
Vher Benitez lol :)
Evans Javier Love you! :*
Halos kilitiin yung puso ko nun sa sobrang kilig. Grabe. Hahahaha. Ang sarap magwala.
Wooo. Gusto kong magsayaw nun sa kwarto ko kaso naisip ko na dapat akong magreply.
Evans Javier Sorry. wrong send :) Para kay Rits yan. ahehehe
ARAY. BASAG
Evans Javier Jokes! Para sayo talaga! ;)
Okay. Fully Recovered! Hahahaha
Vher Benitez lol ule :)
Evans Javier Aw :|
Vher Benitez Why? :)
Evans Javier I love You! ;)
Vher Benitez K
Evans Javier Hmp? :|
Vher Benitez I love You too :)
Evans Javier Haha
Woo. Landian ano? Kinikilig na talaga ako. As in hindi ko talaga napigilang mapatayo
nun tapos as in nagtatalon pa talaga ako. Over na talaga 'to. Hindi ko nga alam ang
irereply ko nun eh. Hahaha. Natatawa ko. Hindi matanggal sa mukha ko yung sobrang
ngite. Napatingin ako dun sa pintuan ko na ngayon, naglevel up na yung bintana!, pero
may bintana yung pintuan, gets niyo? Hahaha, so yun nga, napatingin ako dun. Nakita ko
si Ver na nakatingin sakin na parang sinasabi niya na, ` baliw na ba 'tong best friend ko??
` . Well, masaya lang ako dahil sobrang kinikilig talaga ako kay Kuya Evans ng
bonggang bongga. Hahaha. Inirapan ko lang naman si Ver nun pero dahil dun,
napagpasyahan ko na magbrb muna kay Kuya Evans. Ewan ko ba. Namiss ko ring
kakulitan si Silverio. Hahaha.
Eh di yun binuksan ko yung pintuan ko. Biglang pasok naman 'tong si Ver sa kwarto ko.
Grabe no? hindi na talaga nahiya. Hahaha. Bakit pa ba namin pinangarap yung bridge na
yan oh?!
"Problema mo?" dinaan ko naman siya sa pagiging mataray ko. Hahaha.
"Wala. Mukhang kinikilig ka ah!" Tiningnan niya bigla yung chatbox namin ni Kuya
Evans kaya naman nataranta talaga ako. Triny ko siyang pigilan nun. Hinihila ko nga
yung kamay niya nun pero ayaw niyang paawat. Tapos binabasa pa niya ng malakas yung
mga sweet talks namin ni kuya Evans.
"I love you. smile. K. heart. Ang landi. Badtrip" Then, tawa siya. Ako naman 'tong pikon
na sa kanya at halos sumuko na sa pagpigil ko sa kanya. "eto pa malupet. I love you too!!
smiley. tapos Haha. heart. heart. heart" then tumawa pa siya ng sobrang lakas nun.
"Badtrip 'to! masyado kang pakielamero?!" sabi ko sa kanya. kainis lang eh.
"nakakatuwa nga kayo eh! ang lalandi niya eh hindi naman kayo..." napahiga siya dun sa
kama ko tapos natawa siya ng mag-isa. badtrip talaga 'tong lalakeng 'to.
"eh hindi naman yan landian eh! friendly talk lang yan?!!" sabi ko naman in my very
defensive voice.
"sus. friendly talk ka dyan?! eh hindi nga tayo nagkakaganyan?! ano yan?! dinaig pa ako
ni kuya Evans?!" sabi niya nun pero hindi na siya natawa nun. biglang naging seryoso eh.
ewan ko ba. sus tampururot lang 'to kasi akala niya inaagaw ni kuya evans ang papel niya
sa buhay ko.... ang maging best friend... lang... best friend lang.... haaay nako. bigla
naman akong tumabi dun sa kanya. wala naman na kasing malisya 'to kasi mula bata
naman parang na kaming magkapatid kung magturingan. nakahiga yung ulo ko dun sa
braso niya, mukha tuloy kaming lovers. Hahahaha. Joke!
"sus. selos ka lang eh!" pang-aasar kong sinabi sa kanya kahit na alam ko na hindi naman
talaga.
"asa naman boy!" sabi niya sakin nun then wrinap niya yung braso niya sa leeg ko.
parang sinasakal pero hindi naman talaga?! Hahaha. igets niyo na lang. ang sweet nga eh.
tapos nun, yinakap niya lang ako. wala lang, siguro namiss niya ako kaya ganito siya
kalambing ngayon.
"ehem..." sabi ko sa kanya kasi napapansin ko na rin yung closeness (literally) namin sa
isa't-isa.
"5 seconds lang..." ngumite siya bigla pagkasabi niya nun. then, hindi pa naman tapos
ang 5 seconds na best moments of my life sana, eh humiwalay na siya sakin tapos umupo
siya sa kama ko. So yun, napaupo na din naman ako.
"lika. ibibigay ko na sayo birthday gift ko!" sabi niya sakin bigla then tumayo siya.

"ang aga pa ah!" sabi ko naman. ano ba, halos 3 weeks pa ata yung birthday ko diba?!
Haha.
"tumayo ka na dyan. minsan lang 'to." hinila niya ako nun patayo. hindi narin ako
nakaimik sa kanya dahil hinila niya na din ako palabas ng kwarto ko tapos pinagpaalam
niya ako kay papa na pupunta daw kami ng bubong, masyadong mabilis yung mga
pangyayare. hindi na rin nakaimik si papa sa sinabi ni Ver. Haha. Halos ako din eh hindi
ko maintindihan kung anong klaseng disease ang dumapo ngayon kay Ver. Ang adik eh.
Then, umakyat kami dun sa ladder na papunta sa bubong namin. Yung yung ginamit nila
Josh, Gian at Prince nung nagpaulan sila ng styro. Haha. Then yun, atlast, nasa bubong na
din kami. Andun kami sa medyo flat part, nakaindian seat kami pareho nun.
"oh anong meron?" pinagpag niya yung isang part ng bubong gamit yung kamay niya
then humiga siya dun.
"higa ka..." sumunod na lang naman ako tapos tumabi ako sa kanya. pinanuod lang namin
yung mga stars sa skies.
"minsan mo ng nasabi sakin nung mga bata tayo..." napatingin ako sa kanya. parang nagspa
sparkle yung mga mata niya nun. ang gandang tingnan. mas nakakatuwa pa siyang
panuorin kesa dun sa mga kumikinang na bituin ngayon. "...na gusto mo na may isang tao
na magaalay sayo ng buong universe... then any minute now, mapapasayo na yun..."
"ha? anong pinagsasabi mo?!" tinuro niya yung mga stars na parang wala namang
nangyayare tapos biglang napansin ko na may mga mabibilis na ilaw na biglang
nagfliflicker at naghuhulugan. ang ganda. sobra. napangite ako ng hindi ko napapansin.
meteor shower...
napatingin ako ng wala sa oras kay Ver ng magulat na lang ako ng saktong pagtingin ko
sa kanya ay sakto ng first time na paglapat ng lips niya sa lips ko. Halos, manlaki yung
mata ko nun. Mas nagulat ako sa kiss kesa sa meteor shower. biglang napaupo si Ver nun
sa sobrang gulat. hindi niya rin siguro expected katulad ko. ang tagal nung meteor shower
na yun. ang astig pa kasi kitang-kita mo talaga with the naked eye.
"s-sorry... dapat sa cheeks lang yun kaso humarap ka... k-kaya..ano" nauutal niya pang
pagkakasabi. halos stunned ako nun kasi hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko.
nakita ko siyang sumilip sakin tapos ngumite siya then sabay sabi ng "sorry... di talaga
yun ang intensyon ko..."
tumango na lang ako nun. first kiss ko yun. tapos kay Ver pa. Hindi ko alam kung
kikiligin ako. Napahawak ako nun sa labi ko tapos hindi ko napigilan na hindi mapangite.
Grabe, of all times. ngayon pa. Parang fairytale. Parang hindi makatotohanan. May
kinuha si Ver dun sa pocket niya. Yung digicam niya then he took a picture of me while
watching the stars. Kita ko pa yung flash nun.
"Ayun, nagustuhan mo yung gift ko?" tanong niya sakin.
"ano ba yung gift mo sakin? yung meteor shower o yung ano?" natatawa ako nung
sinasabi ko yun. alam niya namang jinojoketime ko lang siya. Haha. nakita kong namula
siya nun tapos nataranta siya kasi hindi niya alam kung anong gagawin niya.
"uh... syempre... yung stars?! diba sabi ko hindi naman talaga intensyon yun?! ang kulit
mo naman eh?!" okaaay. nagiging katulad ko na siya. katulad kong defensive. Hahaha.
"sus. may gusto ka na sakin nun?!" nanlaki yung mata niya nun.
"IKAW?!" then tumawa siya ng sobrang lakas na parang joke ang magkagusto sakin.
napasimangot nga ako nun eh. badtrip talaga 'tong lalakeng 'to. then, tumigil siya sa
pagtawa at tumingin straight to my eyes.
"Oo..."
Chapter 19
"Oo..." Halos hindi ako makapagsalita nung mga time na yun. "ang panget mo! at mas
papanget ka pa kapag naunahan kita na makababa sakin?!" then bigla niyang ginulo yung
buhok ko at ginamit yung ladder pababa. stunned pa rin ako nun. ano yun?! joketime lang
ang lahat?! badtrip. yun na eh! malapit na?! akala ko na naman... hay nako... triny ko na
lang na makalimutan lahat ng nangyare except dun sa meteor shower na nangyare kaso
yung kiss... sobrang hirap kalimutan... as in whoa kase... feel ko naman na hindi naiilang
si Ver kasi nakakatawa pa siya tsaka hindi sya sakin nagbibigay ng motibo para lumayo...
wala nga siguro siyang gusto sakin. nakakabadtrip talaga 'tong lalaking 'to oh! nagsigh
muna ako bago bumaba dun gamit yung ladder. malamang, siya yung nauna diba?!
"Okay. ikaw nahuli, ang panget mo talaga!" sabi niya habang natawa. isip bata eh.
mukhang timang lang. haha. medyo tinulak ko naman siya nun kasi naharang siya sa
daanan. pumasok ako dun sa bahay namin. dahil makapal ang mukha netong si Ver,
pumasok din siya sa bahay namin. feel at home naman yang bestfriend ko eh.
nakipagkwentuhan siya kay Tami at Bojie na tuwang-tuwa naman sa kanya. Nakaupo ako
nun sa sofa habang nanunuod ng TV. andun sila sa medyo isang side nung Sala namin,
hindi ko nga matake na hindi sumulyap sa kanya eh. mukha naman siyang masaya... ang
bilis naman niyang makalimot... nakakabadtrip lang... nagfocus ako dun sa movie sa star
movies na pinapanuod ko ngayon... pero kahit na ganun... yung kiss kasi eh... naloloka na
ako aah!! badtrip lang. dun ko naman naalala na iniwan ko nga palang bukas yung
computer sa kwarto ko so bumalik ako dun then nakita ko na nag-offline na si kuya
Evans.. ewan ko ba, wala akong naramdaman na panghihinayang... then, nagout na din
ako at sinara ko na yung computer. bumaba ulit ako at nakisalit dun sa pagkukulitan nila
Tami, Bojie at Ver. Then, dun ko naman nalaman na yung basketball varsity ay may laro
next week. ininvite naman ako ni Ver na manuod so umokey naman ako. wala naman
akong importanteng gagawin sa weekends eh. Haha.
August 27. Basketball game.
Hindi ko na rin pinatagal ang panahon. Nasa covered court na kami nung school namin.
Katabi ko si Gigi ngayon na nagcheecheer para kay Ver este para sa school namin. Haha.

sobrang ingay niya. Then, katabi ko din sa right ko si Gian. Siya nga lang yung hindi
basketball varsity eh, nung nagkaroon kasi ng tryouts nung 1st year sila eh, nagkasakit
siya. ang malas nu? pero magaling din siya magbasketball. Then, andun sa other side ng
court yung mga cheerdancers na ubod ng landi. Haha. Kabilang dun si Ate Rits kahit na
hindi siya cheerdancer at hindi siya malandi. Siguro, katropa niya yung mga sikat dun.
Total naman, sikat siya eh. Haha. Nagwave siya sakin ng hello nung nagkatinginan kami.
Napahanap ako kay Kuya Evans nun kaso wala siya. Well, bahala na. 4th year na siya,
mas madame naman siyang inaasikaso kesa sakin diba?
Then, yun biglang naglabasan na yung mga players sa bawat team.
"Oh my gossshhhh!! Go Papa Ver?! Papa Josh?! And Papa Prince?!! Wooooo" ang ingay
niya grabe. mukhang timang lang. Hahaha. nagtatawanan na lang kami ni Gian nun.
inaasar nga namin si Gigi na hindi namin siya kilala eh. Nakakahiya kaya! Haha. Then
yun, nagpasikat yung mga cheerdancers mula sa school namin. Nagcheecheer sila kahit
na hindi ko masyado maintindihan yung cheer nila. Anyways, bahala na. Hahaha. So yun,
lahat kami excited dun sa game. First 5 nun si Ver, astig nga eh. tapos meron siyang
kasamang 2 juniors at 2 pang seniors. Whoa, as in sobrang tangkad. Humahabol naman
'tong si Ver sa tangkad nung mga kasama niya. Haha. Then yung sa mga kalaban nila eh
puro matatangkad din. Whoa, sana manalo sila Ver no?!
Then, nagstart na din yung game. Hindi mapakali yung announcer kasi ang bilis ng mga
pangyayare. Laging si Ver yung nakakakuha ng bola kaya lagi mong maririnig yung mga
phrase na "nakuha na naman ni Silverio ang bola.." nagtatawanan na lang yung mga tao
kapag naririnig yun eh. Eh ubod ng yabang 'tong si Ver, nakindat pa dun sa mga
cheerdancers nung kabilang school na kalaban nila. ang sama lang eh. Hahaha.
Lamang sila ng 13 points nun and 3rd quarter na din, sure win na yan?! syempre, hindi na
naglalaro si Ver nun. pero andun na sa game si Josh at si Prince. Magaling din 'tong mga
mokong na 'to eh. Hahaha. Nakakailang shoot din. Pagdating naman ng 4th quarter, kahit
na lamang na ng 17 points yung school namin, nagpaparinig yung mga tao ng "we want
Ver. we want Ver" . Sige, ikaw na sikat. Kaso hindi na pumayag yung coach dun. haha.
bahala sila. laro na nila yan.
bawat shoot naman na ginagawa ng school namin eh, napapatayo kaming tatlo nila Gian
at Gigi. Nung halos, puro pasahan pa rin ng bola ang nangyayare, nakita ko si Ate Rits na
may kausap sa phone. Napatingin ako sa kanya. Napatitig pala... ewan ko kung bakit...
then nakita kong tinakpan niya yung mukha niya na parang naiyak ulit siya.... bakit ba
parang sobra akong nag-aalala kay Ate Rits?! nakita kong tumayo siya tapos umalis siya
papunta dun sa gate nung school namin. medyo napatigil siya nun then napaisip ako na
kung puntahan ko kaya siya...?? pwede naman siguro yun diba??
"Bru.. Gian... teka lang ha? try kong bumalik..." sabi ko sa kanilang dalawa.
"Ha? hindi pa tapos ang game ah!" sabi sakin ni Gian.
"oo nga bru! baka magtampo sayo si Ver niyan?!" pananakot naman saking sinabi ni
Gigi.
"eh.. importante 'to eh..." sabi ko naman kahit na hindi ko alam yung importansya netong
ginawa ko.
"sige. sabi mo eh. magtext ka na lang, okay?" tumango ako then ngumite ako sa kanila
and umalis ako nun. nakalabas na ng gate nun si Ate Rits. Naghihintay na siya ng jeep
nun. Hindi ako nagpahalata na sinusundan ko na siya. Ano ba naman yan?! Feeling ko
sobrang stalker mode ako to the highest level. Napansin ko naman na nagpupunas pa rin
siya ng luha niya. Then, sumakay siya sa isang jeep na papuntang SM. Nagulat ako nun.
Pupunta ba yung SM?! Sumakay ako sa sumunod na jeep na meron ding sign na SM.
Buti naman hindi pa rin ako nalo-lost out of track dun sa jeep na sinasakyan ni Ate Rits.
Binayaran ko naman na yung manong driver. Hindi masyadong traffic nun kaya hindi ako
nahirapan na sundan si Ate Rits.
Nakita ko siyang bumaba dun sa hospital na nadaanan namin. Hindi pa nakakalampas ng
SM nun. dun nga ako nagtaka eh. bakit sa hospital pa?! anong meron sa hospital?!
kinabahan ako nun. bumilis yung pagtibok ng puso ko sa hindi nalalamang dahilan.
bumaba din ako sa same hospital. triny kong hanapin si Ate Rits kaso hindi ko na siya
nakita. Pumunta ako sa iba't-ibang floors nung hospital. Kaso sa sobrang laki nun,
malabo kong makita si Ate Rits. naghintay ako sa may tapat ng elevator. clinick ko yung
`up` na botton. pupunta pa ako sa ibang floors para lang makita si Ate Rits.
Then nagulat ako ng saktong pagkabukas nung elevator eh nakita ko si Kuya Evans.
Napatitig ako sa kanya.
"Vher?" pagtataka niyang tinanong sakin.
"Kuya Evans? anong ginagawa mo dito?" tanong ko din sa kanya. kasabay na nun ang
pagpasok ko sa elevator. then pinindot ko yung 6th floor.
"Ha? Wala..." nagtaka ako dun sa sinabi niya kasi parang may tinatago siya.pero ayaw ko
ng ungkatin pa kung ano man yung tinatago niyang yun. "may hinahanap ka ba?"
"uh..oo" medyo nagtaka ako nun kasi parang ibig sabihin nun alam niya na meron akong
hinahanap o di kaya alam niya na kaya na hinahanap ko si Ate Rits?
"Aahh.. ingat ka na lang..." tumigil kami dun sa 4th floor. ibig sabihin nun meron pang
sasakay. Then, bumukas na yung elevator and nagulat kaming dalawa ni kuya Evans ng
makita naming pareho si Ate Rits na papasok dun sa elevator. Nagkatitigan kaming tatlo
nun.
"Vher? Evans?" sabi ni Ate Rits pero nakatingin lang naman siya kay Kuya Evans nun.
Parang tumaas yung mga balahibo ko nung nagsalita si Ate Rits. Ewan ko kung bakit.
"Pinapunta ka naman ba nila?" tanong ni Kuya Evans kay ate Rits in a very cold manner.
hindi ako makapagsalita nun. kasi wala din akong maintindihan sa mga sinasabi nila.
"oo... nagaalala lang naman ako sayo eh..." umiiyak na nun si Ate Rits. gusto kong

magsalita pero walang words na lumalabas mula sa bibig ko.


"umuwi ka na..." sabi ni kuya Evans. nakakagulat. akala ko ba okay na sila?? diba mahal
nila ang isa't-isa.
"ano ba naman yan, Evans?!" napapasigaw na nun si Ate Rits. Grabe, awang-awa ako sa
kanya. bumibilis yung pagtibok ng puso ko habang nanunuod sa paguusap ng dalawang
'to.
"ilang beses ko ba uulitin na umuwi ka na? ang kulit kulit mo na no? hindi naman kita
kailangan eh..."grabe. hindi ko akalain na magiging ganun yung reaksyon ni Kuya Evans
kay Ate Rits.
"wag kang ganyan..." hinawakan ni Ate Rits yung kamay ni kuya Evans pero hiniwalay
niya agad yung kamay niya. "nasasaktan ako..."
tinitigan lang siya ni Kuya Evans. then, biglang bumukas yung door nung elevator. nasa
6th floor na pala kami. dapat dun ako lalabas pero parang ayaw ng mga paa ko na
lumabas nung mga oras na yun.
"akala mo ikaw lang..." sinabi yun yun ni kuya Evans bago siya lumabas nung elevator.
super nanlaki yung mata ko nun. wala na talaga akong naiintindihan. swear. parang ang
daming nangyayare na wala man lang akong kaalam-alam. iyak ng iyak nun si Ate Rits
lalo na nung sumarado na yung elevator. Then, dun ko narealize na kaming dalawa na
lang ni Ate Rits yung nasa loob nung elevator.
"Ate Rits?" hinawakan ko yung kamay niya. naawa talaga ako sa kanya. feeling ko kasi
sobrang mahal niya si kuya Evans pero eto namang si kuya Evans binabalewala lang siya.
hindi siya makapagsalita nun. siguro, wala rin naman siyang masabi sakin. wala din
naman akong karapatan na makielam eh. hindi naman kami close ni Ate Rits o kung ano
man. pero there's something kasi talaga eh. ano ba naman yan?! binigay ko kay Ate Rits
yung panyo ko. Tumingin siya sakin.
"thank you..." kinuha niya sakin yung panyo then pinampunas niya sa mga luha niya.
"okay lang. gusto mong magmerienda muna?" nakangite ako nung sinabi ko sa kanya
nun. mukhang hindi pa nga siya papayag nun pero ginamit ko ang mga tantalizing eyes
ko para pumayag lang siya. Haha.
"Okay. sige..." then, clinick ko mula dun sa elevator yung ground floor. Then, hindi
naman rin masyado nagtagal, andun na din kami sa ground floor. Lumabas kami ng
hospital. gusto ko siyang tanungin kung bakti andun siya sa hospital, pero parang nahiya
ako bigla. diretso SM kami nun. sumakay pa kami ng jeep kasi tinatamad kaming
maglakad pareho. pumasok kami dun sa may `Dunkin' Donuts` na stall malapit sa
National Bookstore. Haha. Kumaen lang kami ng sandwich dun tapos nakapagkwentuhan
kami tungkol sa kung anu-ano. mabait siya. sobra. tapos ang sweet pa magsalita. hindi ko
rin naman napigilan yung sarili ko na tanungin siya kung ano meron sa kanila ni Kuya
Evans.
"Uh... yung nangyare kanina? ano yun??" malumanay kong tinanong sa kanya.
"ahh.. yun ba?" she faked a smile. "ang sama ni Evans no?" nagulat ako sa sinabi niya
pero tinuloy niya pa rin yung sasabihin niya. "pero don't worry, hindi talaga siya ganun.
ayaw niya talagang nangingielam ako. mabait yun... sobra..."
at that point, nagtaka ako. bakit kailangan sakin sabihin ni Ate Rits lahat ng 'to? hindi rin
naman ako makaimik.
"pero alam mo ... kahit na nasasaktan niya ako..." may luha na biglang tumulo mula sa
left eye niya.
"...mahal na mahal ko pa rin yun..." then she smiled.
Chapter 20
Nakapagkwentuhan kami ni Ate Rits tungkol dun. Pero syempre di ko na rin sa kanya
inungkat ang lovelife niya pagdating kay Kuya Evans. Feel ko kasi na sa isa siyang state
ng deep pain. Nakakaawa lang. Lalo tuloy akong nawawalan ng gana na magkaroon ng
lovelife. Ang daming nagsisisi eh. Hay nako.
"Hm... Ate Rits... birthday ko pala sa 3... malapit na... gusto ko sana na iinvite ka sa
bahay namin... may handaan lang..." sabi ko naman kay Ate Rits. Wala naman kasi ako
masyadong friends diba? parang ngayon na nga lang ako nagkaroon ng friend na galing
sa ibang year eh. Baka maghinayang lang ako pagdating ng panahon kapag hindi ko pa
siya naging close ngayong panahon. Haha.
"ow sure. try kong pumunta. sayang naman. hindi pa sakto dun sa stargazing natin!
pupunta ka ba?"tanung naman niya.
"oo naman. syempre" sagot ko naman sa kanya. buti naman, hindi na madrama si Ate
Rits ngayon. Sobrang saya niyang kausap.
"Wow. Kitakits tayo dun. Dapat nga hindi sasama si Evans eh kaso nagpumilit
siya..." medyo nag-iba yung boses ni Ate Rits nun.
"Ha? bawal ba siyang sumama?" sobrang nagtaka ako nun. ang dami ko talagang walang
alam.
"hindi yun pwede.." sabi niya habang napapailing.
"bakit?" tanong ko naman. ang bilis ng pagtibok ng puso ko. akala ko makukuha ko na
ang sagot pero ngite lang ang naibigay sakin ni Ate Rits. Nafeel ko naman nun na dapat
nalang eh hindi na lang ako makielam sa kung anu mang nangyayare sa buhay nila Kuya
Evans at Ate Rits. So yun, nagpatuloy kami sa pagkwekwentuhan.
Nung Monday naman, nalaman ko na din from Ate Rits na pumapayag siya na pumunta
sa bahay namin sa Friday. Buti naman. Ang nakakaexcite pa dun, kinabukasan star
gazing activity na! Hahaha. Ang swerte ko ata ngayong September. Puro may thrill ang
mga mangyayare sa buhay ko. Woooo. Nasabi rin naman ni Ate Rits yun kay Kuya
Evans. Nagtaka nga ako sa sarili ko eh, hindi ko naisip na yayain si Kuya Evans, siguro
dahil sa hiya pero pumayag naman si Kuya Evans. Magsasama na daw sila ng ibang

katropa nila para masaya naman daw. Malamang, sasama si Ver, Gigi, Josh, Gian at
Prince. Palage naman silang umeepal sa buhay ko. Hahaha. Joke!
Wednesday na yun. Medyo naeexcite na rin ako dun sa birthday ko. Hahaha. Party party
sa bahay namin. Yehey. Kahit na hindi ko masyado kaclose yung mga kaibigan nila Kuya
Evans at Ate Rits, okay lang. Ang importante, andun sila. Wooo. So yun, dating gawi.
Maaga akong pumasok kasama yung kambal kong kapatid. Then yun, nakinig lang
naman ako sa mga lessons. Halos walang nangyayare. Nakikita kong palaging tulog si
Gigi. Well, hindi na yun bago. Mabilis siyang makatulog sa mga klase lalo na kung
English Class 'to. Haha. Sobrang boring eh.
Eh di yun, dumating ang recess. Medyo nabuhay naman ang diwa namin ni Gigi nun.
Nakausap kasi namin sila Ver at ung tropa niya. Nakikain kami dun kasama ng
Basketball Varsity at Cheerdancers. Medyo napasubo naman ako dun, ininvite ko silang
lahat dun sa bahay namin. Okkaaayy, baka sumabog ang bahay namin sa sobrang dami
pero okay lang yun. Hahaha.
Then yun, back to classes na naman. Swear. Ayoko ng ikwento ang tungkol sa mga
lessons na tinake-up namin. Sobrang boring talaga. So yun, dumating na din ang lunch.
Dun ko nakita si Kuya Evans kasama yung tatlo pang lalake na palage niyang kasama.
Nakabukas lahat ng mga libro nila habang nakaen sila ng lunch nila. Nagkwekwentuhan
din sila tapos nagkakatawanan pa. Napapatitig ako nun kay Kuya Evans mula sa table
namin. Si Gigi lang yung kasama ko nun na hindi ata nahahalata na may isang tao na
akong tinititigan. Then, bigla namang napalingon sakin si Kuya Evans. Ngumite siya na
parang nawala na yung mga mata niya then medyo kumaway siya. Ngumite lang naman
ako pabalik tapos nagpatuloy naman ako sa pagkaen. Ang cute niya. Kinikilig lang ako
eh. Hahaha. Hinanap naman ng mga mata ko si Ver. Kaso hindi ko siya makita kaya
medyo nabawasan naman ang happiness ko. Okay. Ako na OA. Halos nakalimutan ko din
naman yung kiss and wala akong pinagsabihan nun. Lalo na kay Gigi?!! Bawal niyang
malaman yun no!
Lumipas naman ang oras. Then at last, dismissal na. Tinatamad na akong magkwento
tungkol sa mga walang kwentang bagay na 'to. Hahaha. Kakaayos lang namin ni Gigi ng
gamit nun. Nagulat nga kami nung saktong paglabas namin eh andun si Ver. So, ano
yun?! Sinusundo kami?! Hahaha.
"Uwi na kayo?" tanong niya saming dalawa ni Gigi.
"Yes, papa Ver?! Hahatid mo ba kami?" ang landi talaga ni Gigi. Hahaha. Badtrip lang.
Joke! Tumango lang naman nun si Ver tapos ngumite siya. then tumingin siya sakin,
ngumite din siya. ako naman 'tong hindi makangite agad dahil naalala ko yung `yes`.
alam niyo na yun. ayaw ko na talagang maalala. Hahaha. Over na, Feeling ko
huhuntingin na ako ng mga thoughts ko hanggang pagtulog ko. Wag naman sana.
"Lika na..." tumango lang naman ako nun. hindi ako makapagsalita. grabe. naglakad na
kami nun papunta sa first floor ng makita naming tatlo si kuya Evans. Akala namin
makakasalubong lang namin siya pero hinahanap niya pala ako.
"Andyan ka lang pala Vher!" nakatingin siya sakin kaya malamang ako yung kausap niya
at hindi si Ver. Nagtaka naman ako nun. Ano naman kayang meron?
"Oh bakit?" sabi ko naman ng nakangite. Nakita ko si Ver na nakatingin samin....
nakatingin ng masama... samin... samin ni kuya Evans... hay nako... hindi ko naman na
pinansin yun. ayoko naman na umasa pa diba?
"matagal pa ba yang paguusap niyo kasi kung ganon, uuna na lang kami ni
Gigi..." napangite si Gigi nun. ewan ko kung dahil ba kinikilig siya kay Ver o dahil
naiisip niya din ang naiisip ko.... na nagseselos si Ver samin ni kuya Evans... ewan ko
ba... paguusapan talaga namin yan ni Gigi?! Hahaha.
"ayy hinde 'to matagal... as in sobrang bilis lang... may ibibigay lang ako sa
kanya..." nakangiteng sinabi ni kuya Evans. grabe, ang cute lang. Hahaha. Tinanguan
lang naman siya ni Ver. Ang bitter naman ng pagmumukha ng lalakeng 'to?!
"anong ibibigay mo?" tanong ko kay kuya Evans.
"mukha kasing hindi ako makakapunta sa birthday mo so ngayon ko na lang ibibigay
yung gift ko sayo..." sabi niya. may kinuha siyang envelope mula sa bag niya tapos inabot
niya sakin. "buksan mo na lang yan pagdating sa bahay niyo ha?"
"sure. thanks" sabi ko sa kanya habang kinukuha sa kanya yung envelope. ano naman
kayang laman neto?! sobrang nagtaka naman ako nun pero nginitian ko na lang siya.
"sige. may gagawin pa ako. pupuntahan ko pa si Rits. Bye!" ngumite na lang ako ulit.
medyo nakaramdam ako ng selos nun na pupuntahan niya pa si Ate Rits. Ewan ko ba. isa
din akong magulo pa ang isipan eh. then, umalis na siya.
"ano yan?" tanong naman ni Ver. "buksan na natin..."
"badtrip 'to! sabi ni kuya Evans sa bahay ko buksan!" sabi ko naman sa kanya. para
kaming bata eh. hahaha.
"ano ba naman kayo?! kung makapagaway, parang aso't pusa. di niyo naman kayang
mabuhay kung wala ang isa't-isa?!" sabi ni Gigi na may halong pang-aasar pa.
"umuwi na nga tayo. excited na akong buksan 'to eh..." sabi ko then nagsimula na kaming
maglakad papunta ng gate.
"sus. what a show off..." sabi ni Ver habang naghihintay kami ng jeep na papuntang
Mamatid. Haha.
"Ano?" tanong ko naman sa kanya.
"Wala..." then sumakay na kaming tatlo sa jeep na saktong tumigil sa harapan namin.
Mas naunang bumaba si Gigi dahil iba nga yung subdivision niya samin. Napansin ko
naman na merong cold atmosphere sa pagitan namin ni Ver. Badtrip tong lalake tong,
ayaw akong pansinin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Nung nasa
rotonda na kami, malamang nagtricycle na kami papunta ng clubhouse tapos ilang lakad

na lang at madadaanan na namin yung chapel at yung tindahan ni pogi. Then, kakaliwa
na lang para makapasok na sa bahay naming dalawa. hindi man lang kami nagpaalam sa
isa't-isa. biglang pasok na lang kami. nagshower agad ako at nagpalit ng damit. mabilis
kong kinain yung dinner ko. naeexcite na kasi akong buksan yung envelope na regalo
sakin ni Kuya Evans. Hahaha.
So yun, pumasok ako ng kwarto ko. Umupo ako dun sa kama and hawak ko na yung
envelope. Hindi ko mapigilang ngumite sa sobrang tuwa at kilig. Hahaha.
Binuksan ko na yung envelope. Nung una akala ko wala lang. Puro pictures lang ng star.
Isang star talaga sa langit. Isang star na medyo familiar. Alam ko na nakikita ko 'to palagi
kapag magisa akong sta-star gazing. Haha.
Then meron akong pinull-out na isang papel. Isang papel na masasabi mong
makakapagpalaglag ng panga mo. Hahaha.
STAR CERTIFICATE
This is to register the Star designated as 3376 with
magnitude 9.5 , type V , located at coordinates: RA 20H 14m
57.54s, and declination 83 degrees 34m 51.33s, to be known
and named:
Caroline
Time Flies
Suns rise... And shadows Fall
Let Time go By..
Love is forever...
Over all
Be it also known that The Stellar Registry Committee will
record and preserve the assigned name to this star.
Record this Day: Recorded by:
April 24, 20xx Mr. Gian Evans Javier
sobra napangite ako ng bongga nun. As in over. May pinangalan siyang star sakin.
sobrang saya ko nun... as in... sobra..
Chapter 21
Thursday na ngayon. Pagbangon ko pa lang mula sa kama ko, ang laki-laki ng ngite ko.
Kahit hanggang pagkaen ko ng almusal; sobrang hyper ko. Daig ko pa ang nag-Enervon.
Hahaha.
"Good Morning my beloved Benitez Creewwww!" sabi ko naman habang paupo ako dun
sa may upuan sa dining area.
"Hindi pa tayo nakaen pero mukhang may nakaen ka na..." sabi sakin ni Tami.
"Oo nga ate! ang blooming mo ngayon! Ano bang meron?!" tanong naman sakin ni
Bojie. Eh tinawanan ko lang naman siya nun. Haha.
"Masama na bang maging masaya ngayon?" yun naman ang sagot ko sa kanila na tila
isang tanong pa din para sa kanila. Hahaha. Nagpatuloy kami sa pagkaen nung sandwich
na ginawa samin ni mama. Namiss namin si mama. Grabe kaming magtiis nun sa mga
epic fail na luto ni papa. Hahaha. Joke! Then yun, kasabay kong pumasok yung mga
kapatid ko. Ayos naman. Sobrang saya ko pa din dahil at last, meron na din akong
pangalan na nakasulat na sa kisame ng ating mundo. Weee. Mas lalo tuloy akong
naexcite dun sa birthday ko. Okay lang na kahit wala si Kuya Evans. Yung regalo niya pa
lang, palong-palo na. Hahaha.
Then yun, pumasok na kami sa school namin. Nung recess, nilapitan ni Kuya Evans yung
table na pinagkakainan namin ni Gigi. Medyo nagulat nga kami ni Gigi nun eh. Hahaha.
"Nakita mo na yung gift ko sayo?" tanong niya sakin na may halong ngite pa.
"Oo. Sobrang thank you! Nakakatuwa yung gift mo! hindi ko naman akalain na ite-take
mo seriously yung joke ko!" sabi ko naman sa kanya.
"Sus Bru?! malakas ka kaya kay Kuya Evans?!" pang-aasar naman na sinabi ni Gigi.
"Oo naman. buti natuwa ka..." Haaaay. Ibang klase talaga si Kuya Evans. Hindi mo alam
kung panaginip ba lahat ng 'tong nangyayare sakin. Parang kasing impusible. Haha. Alam
kong mayaman siya pero hindi ko inexpect na ganito siya ka-spoiled at pinayagan siya ng
tatay niya na ipangalan yung isang star sakin. Ang sweet eh. Hahahaha.
"Sobra.." sagot ko naman sa kanya.
"Sige. Balik na ako sa table ko. Bye!" sabi niya sakin. tinanguan ko lang naman siya nun
then lumayo na siya sa table namin. Umupo siya dun sa dati pa rin niyang inuupuan sa
canteen namin. Nagkakangitian pa kami. Hahaha. At sobrang tumatalon ang puso ko sa
kakiligan.
Then, dumating na din ang araw na pinakahihintay ko...
September 3.Friday
Birthday ko na. 13 years old na ako. Never pang nagkaka-bf. Never pang umaamin ng
feelings sa isang tao na dati pa niya gusto. Pero wag balewalain, may first kiss na. Meron
pang star na nakapangalan sa kanya. Bonggaaaa. Hahahaha.
Plano naming lahat na magparty-party sa bahay namin after classes. Hahaha. Half day
lang kami nun gawa kailangan namin maghanda dun sa Stargazing activity namin bukas.
Grabe, magkasunod pa talaga eh no?! bongga. So yun, tinipon ko lahat ng mga kasama
dun sa tapat ng gate ng school namin. Sobrang dami namin. Ako, si Ver (syempre, di
mawawala yun), si Gigi (lalong di mawawala), Josh, Gian, Prince, Ate Rits, tatlong
friends ni Ate Rits (mukhang popormahan 'to nila Josh), apat na cheerdancers at pitong
mga estudyanteng kasali sa basketball varsity. Wala si Kuya Evans at hindi ko pa din
alam kung ano yung dahilan. Well, malalaman ko din yun. So yun, sobrang saya. Sakop
namin ang buong jeep sa pagpunta sa bahay namin. Hahaha. Party-party na talaga 'to!!
Then yun,pumasok na kami dun sa bahay namin. Hanggang labas yung mga tables and

chairs na linagay nila Papa para sa birthday party ko. Haha. Linagay muna namin yung
mga bags sa may sala. Then nagsipwestuhan kami sa terrace namin tapos nagsiupuan
kami dun sa mga tables and chairs. Kasama ko sa table si Ver, Prince, Ate Rits at yung
isang kaibigan ni Ate Rits na mukhang pinopormahan ni Prince. Malandi talaga yung
lalake na yun. Hahaha. Si Tami yung naglagay ng mga styro sa mga tables namin. While
si Bojie yung naglagay ng mga drinks namin. Then yun, kainan kami. Nagkakwentuhan
kaming lima na nasa isang table.
Nakikisali din kami dun sa kwentuhan ng ibang tables. Grabe nga eh. Tinake up naman
nila Josh yung time na 'to para makipaglandian dun sa ibang mga babae. Hahaha.
Nagkaroon kami ng games. Mukha nga kaming mga bata eh. Haha. Nagkaroon kami ng
Apple-eating contest. Nakasali ako dun. At naging kapartner ko pa si Ver which is
nakakabadtrip talaga. Tamang asaran eh!? Haha.
"Ayoko talaga sumali dyan?! ?Badtrip naman kayo eh?!" sabi ko sa kanila. ibang klase
kaya yung laro na yun. nakasabit yung apple sa may tali tapos kailangan niyong maubos
yun gamit lang yung bibig niyo. bawal gamitin yung kamay. grabe yun.
"sus. bakit? ayaw mong maulit yung kiss naten?" nawindang ako sa sinabi ni Ver nun.
Kailangang ibroadcast?!
"ANNNOOOO?!!" biglang sigaw ni Gigi.
"Ha?! Joketime lang yun?! sige, laro na tayo!" tiningnan ko ng masama nun si Silverio.
badtrip talaga ako sa kanya. nakakainis lang. pero ang tanging ginawa niya lang eh
ngitian lang ako. akala niya ba nakakatawa yung joke na yun. then yun, nagsimula na
yung game. grabe si Gigi. pinipicturan every bite namin ni Ver ng apple. grabe. ang lapit
na nga minsan ng mukha namin sa isa't-isa eh. sobrang naiilang ako. at dahil dun sa
pagkailang na yun , natalo kami. nanalo si Gian pati si Ate Pat. Isa sa mga friend yun ni
Ate Rits. Haha.
Then yun nagpatuloy pa kami sa ibang mga nakakawindang na games. Hahaha. Halos 6
pm na rin ngayon ng nagpaalam na yung iba samin gawa daw bawal silang gabihin.
Natira na lang samin si Gigi, Ver (syempre), ako, Josh, Gian, Prince, Ate Rits at Ate Pat.
Haha. Medyo naging close na nga din kami ni Ate Pat eh. Buti naman. Hahaha.
So yun halos nasa iisang table na lang kami. Nagpatuloy kami sa kwentuhan. Tumayo
nun sila Josh at Prince. Ewan ko kung bakit. Hindi ko na din pinansin ang kung ano mang
gagawin nilang kalokohan. Haha. So yun, enjoy sa pagkwekwento pa nun si Ate Pat ng
biglang may kaepalan na ginawa si Josh at Prince.
"Dahil wala na tayong magawa, eto na lang!!" bigla nilang linabas yung hose mula sa
likod nila na may natulong tubig.
"BASAAN NA LANG?!!" sakto nun ang pangbabasa nila samin gamit yung hose. super
lakas ng tawanan namin nun. grabe, nagtakbuhan talaga kami sa labas nung gate pero
abot pa din kami nung tubig. napagtripan naman nung dalawa na si Gigi lang yung
basain. Ang sama nila eh. Hahahaha
"mga lintek kayo?! wala akong pamalit?!!" nagtawanan lang naman sila nun. Tawa pa
kami ng tawa nun ni Ver. Magkatabi kami nun habang pinapanuod yung katripang
ginagawa ni Prince at Josh kay Gigi. Nagbago yung isip nila at si Gian naman ang
pinagtripan. Sobra yung tawa nun ni Ate Pat at Ate Rits. As in lahat kami nagtatawanan.
"Grabe. basang-basa sila Ate Rits oh?!" sabi ko kay Ver. hindi pa rin mawala yung ngite
ko nun sa surprise na ginawa ni Josh at Prince.
"Oo nga eh... Happy Birthday pala..." sabi niya sakin. Napatingin ako sa kanya. nun ko
lang narealize na nakatitig pala siya sakin. "Akala mo si Evans lang may regalo sayo ah...
aba ako din meron!"
Then kinuha niya mula sa pocket niya ang isang kwintas. Hindi siya yung dating kwintas
na ginawa ko gamit yung ring as pendant. Lalo kong naalala na nawala ko pala yun kaya
medyo nalungkot na naman ako.
"tumalikod ka. isusuot ko sayo..." sinunod ko naman siya. sinuot niya sakin yung
kwintas. grabe, ang ganda. silver siya tapos simple lang. merong pendang na star.
"ang cute..." sabi ko sa kanya ng nakangite. "thank you..."
"nakita mo na ba yung pinakaimportanteng parte niyan?" nagtaka ako dun kaya
napahanap naman ako sa importanteng parte nung kwintas. kinapa ko yung likod nung
pendant na star at tiningnan ko kung ano yung nakaukit dun. napangite ako lalo ng
marealize ko na `Vher` pala yung nakaukit sa likod ng pendant.
"Wow!! grabe?! thank you talaga Ver?!!" niyakap ko siya nun pero humiwalay agad ako.
"nagustuhan mo?" tumango ako sa kanya nun. napapangite talaga ako nun. dumaan ang 5
seconds na nagkakatinginan lang kami. hindi namin alam kung ano ang sasabihin sa isa'tisa.
iba yung tingin niya sakin nun at nakikita kong napapalunok siya nun. hinawakan
niya nun yung kamay ko. feeling ko nun nadaluyan ako ng kung ano mang kuryente sa
katawan. nanlamig bigla yung buong katawan ko. lalo ng medyo lumapit siya sakin.
napapalunok na din ako. ayaw ko siyang itulak. ayaw ko siyang paalisin.
"OH yung dalawa dyan, hindi pa masyado basa?!" nagulat ako nun kay Prince na biglang
binasa kaming dalawa ni Ver. Napalayo tuloy kami sa isa't-isa. Pinuntirya nila Josh si
Ver nun. Sobrang basa siya nun. Hahaha. Kwentuhan pa din naman kami at tuloy-tuloy
ang laugh trip. Napahawak ako dun sa regalo sakin ni Ver. Para sakin eto ang the best...
mas the best pa ang kwintas na 'to kesa sa isang tunay na star sa langit...
nung napagod na sa pangbabasa sila Josh at Prince, tumigil na sila. Umupo kami dun sa
table ulet. So yun si Gigi at Gian ng joined forces na gantihan si Josh at Prince. May dala
silang isang bote ng tubig nun para buhusan sila Josh at Prince. Naghabulan pa tuloy sila
dun sa labas. Si Ate Pat naman tawa ng tawa. Nandun din siya sa labas nung gate habang
masayang pinapanuod yung mga naghahabulan. So kaming tatlo na lang nila Ate Rits at
Ver yung nasa table.

"Sige. Kuha lang muna ako ng drinks natin sa loob.." sabi ni Ver.
"sige.." sabi ko sa kanya then pumasok muna siya sa loob. nagka-alone time together na
din kami at last ni Ate Rits. Siguro, pwede ko na siyang tanungin tungkol dun sa dahilan
kung bakit wala si Kuya Evans.
"Ate Rits? super thank you sa pagpunta ha?" nagulat nga ata si Ate Rits nung sinabi ko
yun. basang basa pa kami nun. busy siya sa pagpapatuyo ng buhok niya.
"no problem" ngumite siya nung sinabi niya sakin nun.
"alam mo ba kung bakit hindi nakapunta si Kuya Evans?" napatigil siya sa pagpipiga
nung buhok niya nung sinabi ko yun.
"uh... ang hirap kasing iexplain eh..." kinabahan ako nun. anong mahirap
iexplain?? "papuntang States siya ngayon... he's..." napatigil siya nun. medyo nahihirapan
nga na magsink-in sakin yung mga sinasabi ni Ate Rits. Nasa ibang bansa ngayon si kuya
Evans?!
"he's just doing something..." bakit ba? ano ba talagang meron??
Chapter 22
Hindi ko na rin naman sa kanya natanong kung ano namang importante ang ginagawa ni
Kuya Evans sa States. Parang lalo nga akong kinabahan eh. Ewan ko ba. Feeling ko
talaga merong isang malaking revelation tungkol kay Kuya Evans na wala akong kaalamalam.
Nagpatuloy yung pagkwekwentuhan namin. So far, the best birthday ko yun. Hahaha. As
in sobrang saya kasi, bonding time talaga with friends. Nakakilala pa ako ng mga bagong
friends tulad ni Ate Pat. Sobrang bait niya. Ang cute pa. Hahaha.
So yun, natapos yung party namin ng mga 10 pm. puro kwentuhan lang naman. Hahaha.
Si Gigi lang yung malas samin dahil medyo malayo yung bahay nila. Hindi tulad nung
iba na kaparehas lang ng subdivision namin. Haha.
Nagsiuwian na yung iba. Pati din si Ver pumasok sa bahay nila. So ako din syempre.
Pagod na pagod ako pero sobrang saya. Then nakita ko dun sa dining table namin na
merong cake na may nakasulat na `Happy Birthday Vher`
"ATE! Happy Birthday!" sigaw naman ni Bojie nun. meron pa pala akong birthday party
part 2. Hahaha.
"Wow. Kayo talaga" andun din si mama at si Papa. syempre, si Tami din. Hindi naman
mawawala yun. Hahaha. Sabay-sabay naming kinaen yung chocolate cake tapos
nagkakwentuhan din kami. Iba pa rin talaga kapag kumpleto ang pamilya mo. Sobrang
saya. Haha.
grabe, puyat kaming buong pamilya nun. Halos 12 midnight na kaming natapos.
nagkantahan pa kasi kami nun gamit yung magic sing. tapos si Bojie nagsasayaw pa dun.
Hahaha. Nagiging katulad na din pala siya ni papa na isang magaling na dancer. Eto
namang si Tami, sobrang galing kumanta. 100 lahat ng score dun sa magic sing. Hahaha.
Ako na lang talaga ang walang talent. Badtrip lang no?
Napagpasyahan na namin nun na matulog na kaming lahat. Tumaas na ako sa kwarto ko
at nagshower na rin. Syempre, nagpalit na rin ako ng damit ko. Basang-basa pa din eh.
Sana hindi ako magkasakit ngayon, meron pa kaming stargazing activity bukas ng gabi
no?! Hahaha. Super excited na ako nun eh. So bago naman ako humiga ng kama ko,
binuksan ko yung bintana ko na pintuan na din ngayon. Nakita ko si Ver na ganun din
ang ginawa.
"Yow" sabi niya sakin ng nakangite. suot ko pa din yung kwintas na binigay niya sakin.
hindi ko na talaga 'to iwawala. as in promiseee!!
"hindi ka pa pala tulog!" sabi ko naman sa kanya.
"syempre, happy birthday pala ulit" sabi niya. wow. last greeter pala 'tong best friend ko!
Haha.
"thanks pala sa regalo" ngumite ulit ako nun. kinikilig pa rin ako. grabe. hahahaha
"matulog ka na... magpupuyat pa tayo bukas..." sabi niya sakin. bakit parang ang baet
niya ngayon sakin?! haha "dapat gising na gising ka bukas no!"
"at bakit naman?!" tanong ko naman sa kanya.
"wala ka na dun. sige. good night na. matutulog na ako..." sabi niya sabay sarado nung
bintana niya. napasigh ako nun. kung makapag-uto siya, daig pa niya si papa. Hahaha.
joke! then yun, sinarado ko na din yung bintana ko tapos humiga na ako sa kama nun.
naeexcite na ako bukas. feeling ko nga hindi ako makakatulog pero syempre, sa sobrang
antok nakatulog na din ako.
Stargazing. September 4. Saturday
Grabe. 12 hours akong tulog. Imba. Hahaha. Natawa na lang ako ng narealize ko yun.
Halos 12 noon na kasi akong nagising nun. Grabe, kumaen na rin ako ng brunch ko
(breakfast+lunch). Hahaha. Syempre, tuloy pa din ang kwentuhan naming buong
pamilya. Tawanan pa din. Ibang klase talaga 'tong pamilya na 'to. Ibang klase kapag
nagkasama-sama eh.
So yun, 5 pm eh dapat nakaalis na ako sa bahay dahil 6 pm start na nung stargazing
activity namin. So yun, aftr ng brunch ko, inayos ko na rin yung gamit ko. Aba, si Tami
at Bojie sasama na din kaya sabay-sabay na kaming nagayos ng gamit nun. kanya-kanya
naman kaming dala ng comforter. ang uwi na kasi namin ay sunday ng umaga eh. isang
overnight activity lang talaga siya. grabe, sobrang excited na talaga ako kahit feel ko na
mabibitin ako sa activity na 'to.
5 pm na din nun. Hindi namin kasabay si Ver sa pagpunta dun. For sure, magpapakalate
pa yun. Haha. Yun pa! Eh pa-VIP talaga yung mga yun. Kasabay ko lang nun si Bojie at
Tami. 30 minutes lang ang tinagal ng byahe namin papunta dun sa site kung saan magstastar
gazing yung buong school. grabe, madami na agad na tao. naiwan na naman ako kasi
nagpuntahan na si Bojie at Tami sa mga sarili nilang barkada. Then, nahanap ko naman
na din dun si Gigi.

"BRU?!" sabik kong sigawan si Gigi nun ng Bru. Haha.


"Ow hellooooo bru?! asan si Ver?!" tamang hanapin sakin si Ver?! Haha.
"mukha ba akong tanungan ng nawawala na tao?" pambabara kong sinabi sa kanya pero
joke lang yun, syempre.
then, nagkakwentuhan naman kami ng kaunti ni Gigi. Nakapag-reserve na rin siya ng
tent. So meron na kaming tent na open for 10 persons. Hahaha. Plano na namin na isama
yung barkada nila Josh, Ate Rits at si Ate Pat. Syempre, wala si kuya Evans. nasa states
nga diba? ano ba yan?! akala ko ba makakasama siya dito?! hay nako.
so yun, malapit ng mag6pm nung nagsidatingan lang sila Ver. Andun na kami sa tent
namin. Kasama na rin namin si Ate Pat at Ate Rits. Syempre, chikahan na naman kami
dun. dun naman kami mahilig.
"Okay. Students who are included in this Stargazing activity, please proceed now to the
lecture hall...
" sabi naman nung head ng science department ng mga teachers.
"bakit? anong gagawin?" mukhang timang naman na tanong ni Gian. Hahaha.
"tungak. malamang may lecture. ang tanga eh" pambabara namang sinabi netong si Ver.
Ang sama talaga eh. Hahaha. di rin naman nagkapikunan kasi joketime lang naman ang
lahat.
Eh di yun pumunta na kaming lahat dun sa lecture hall. pwumesto na kami dun at
nagindian seat na din kami. meron dung LCD proector, for sure magpapakita sila dun ng
isang presentation o kung ano man. Then yun, sobrang boring. Haha. Nagopening
remarks yung iba't-ibang in charged para dun sa stargazing activity. hindi talaga
nawawala yung mga ganito kapag may activity sa school namin.nagkaroon ng
powerpoint presentation tungkol sa stronomy. dun naman kami nabuhayan ng loob kasi
yun naman talaga ang pinakainteresting eh. Then, pagkatapos nun binigyan kami ng 45
minutes break para kumaen ng dinner. Kanya-kanya naman kaming bili ng dinner. Yung
iba naman merong baon. Tulad ko , syempre. Hahaha.
"ano ba yan?! gusto ko ng makahawak nung mga telescope?! yun ang inaabangan ko dito
eh?!" sabi naman ni Gigi habang nakaen kame.
"ako nga din eh! ang alam ko puro lectures muna 'to eh..." buti naman hindi masyado
madrama ngayon si Ate Rits.
"etong mga 'to, kakasimula pa lang, thrill na agad ang hanap?!" sabi naman ni Josh.
Then yun, after nung dinner namin nagkaroon ng lecture tungkol sa mga iba't-ibang
celestial body sa kalangitan. Medyo interesting naman. Sunod-sunod na lecture yun kaya
sobrang nakakawindang naman. Napagusapan dun yung stars kaya medyo naengganyo
kami. Then, dumating na din yung pinakahihintay ng lahat ng estudyante. Ang makasilip
dun sa mga telescopes. Kanya-kanya kaming takbo nun. Kasama ko si Ver nun. Ewan ko
ba kung paano kaming nagkasama nun. Hahaha. Pumila kami dun sa telescope kung saan
mo pwedeng masilip ang Polaris
"Ang haba ng pila?!" nagreklamo pa 'tong lokong 'to. Haha.
"syempre! asa namang maikli?!" barahan na lang ano?! Hahaha. Hindi naman siya
sumagot nun. Then at last, dumating na din yung turn ko. Sumilip na ako sa telescope,
astig nakita ko yung Polaris. Haha. Pagkatapos ko, si Ver na din yung sumilip. Then
syempre, natapos na din siya.
"Pila pa tayo sa iba" sabi naman niya sakin tapos pumila na kami sa iba pang telescopes.
sino bang aantukin kapag si Silverio ang kasama mo?! Hahaha.
So yun, natapos na din yung time para sa pagsilip sa mga telescopes. Lecture naman
about sa planets. Sobrang katamad naman nun. Eh ang tanging hinihintay na lang namin
ay yung time para silipin yung mga planets sa telescope!
So tumakas kami ni Ver nun. Hindi nga alam nila Josh na wala na kami dun sa lecture
hall eh. Linatag ni Ver yung banig ni Gigi dun sa part na may semento na medyo malayo
dun sa lecture hall.
Umupo kaming dalawa nun. marami din namang tumakas eh. Yung iba, para
makipaglandian. Kami naman ni Ver, para tumakas sa kaboringan. Haha.
"grabe, ang boring no? excited na ako dun sa mga telescope eh!" share ko naman sa
kanya.
"ako nga din eh..." yun lang naman yung sinabi niya sakin.
nagkaroon ng pansamantalang katahimikan.
"Uh... Vher?" nagulat naman ako ng bigla siyang nagsalita ng ganun. yung tipong, may
halo pang kaba dun sa mga sinasabi niya. tumingin siya sakin ng diretso.
"b-bakit?" miski ako kinabahan na din. napansin kong tumingin siya sa left at right side
niya then huminga siya ng sobrang lalim.
"may sasa-... hindi pala... meron akong aami-... ay hindi... never mind na nga
lang..." alam kong meron siyang sasabihin... alam kong meron siyang aaminin...
"ano ba yun? ang KJ naman ng lalakeng 'to!" sabi ko sa kanya na may halong hampas pa.
"Wala" napapangite siiya nun.
"ano na nga kase yun?! epal naman eh?!" badtrip 'tong lalakeng 'to eh?! Hahaha
"Eh baka malaman ng buong mundo kapag sinabi ko sayo?!" aba, hindi naman ako
madaldal eh?!!
"ang daya mo! anong klaseng best friend ka?! ano na kase yun?!" kinonsensiya ko naman
siya.
"gusto mo talagang malaman?" tinanong pa niya sakin.
"oo..." sagot ko naman.
"I love you..." nanlaki yung mata ko dun. bumilis yung pagtibok ng puso ko.
"Oh yan, alam na ng buong mundo ko" :""""">
Chapter 23

Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.
Nanlamig yung buong katawan ko nung sinabi sakin ni Ver yun... mahal niya ako? o
siguro naghahallucinate lang ako na sinabi niya yun. ewan ko. natutuwa ako... mahal niya
pa rin pala ako... pero kahit na ganun...
"Uh..." eto lang ang nasabi ko sa sobrang pagkastunned. parang tumigil ang pagtakbo ng
oras sa sarili kong mundo. parang gustong magpaparty ng puso ko sa sobrang tuwa.
medyo nagulat nga ata si Ver dun sa sinabi ko sa kanya. ewan ko naman kasi kung anong
sasabihin ko. dapat ko pang sabihin na `mahal rin kita` o di kaya `i love you too`. alam
kong parehas lang ang meaning nun pero nahihirapan pa rin akong mag-decide kung
anung sasabihin ko sa kanya. magsasalita na sana ako ng biglang dumating si Josh at
Gian.
"ang daya niyo dyan ah?! tamang takas sa lecture?!" epal talaga si Josh. Nako naman.
Hahaha. Medyo lumayo ako sa pagkakatabi ko kay Ver nun. Medyo nailang kasi ako
bigla.
"Oo nga! Oh kami din dyan na lang..." umupo si Gian dun sa space na ginawa ko sa
pagkakalayo ko kay Ver. So, andun na siya sa gitna namin. Hindi ko maiwasan na hindi
sumulyap kay Ver. Kinikilig pa din ako. Parang ang hirap paniwalaan na ganun din pala
ang nararamdaman niya... parehas pala ang nararamdaman namin para sa isa't-isa...
"ano bang ginagawa niyo dito ha?!" iba yung tono ng boses ni Josh. Parang naman may
ginagawa kami dito no?! Hahaha
"Ha? May dapat bang gawin?" pambabara na sinabi ni Ver kay Josh.
"Oo nga. nakaupo lang naman kami dito ah!" panira ata ako. naging defensive na naman
yung tono ko eh.
"eto namang si Vher! halatang-halata na may ginawa eh..." feeling ko namula ako ng
bonggang bongga nun. wala naman talagang nangyare ah?! bakit ako nagkakaganito?!
"kayo nga umamin na nga kayo?!! kayo na ba?!" pang-aasar na sinabi ni Josh samin.
"Uh..uh..a-an..." pautal-utal kong pagsasalita. grabe, ang hirap mag-isip ng palusot ah?!
"siya lang naman ang hinihintay ko eh..." ako yung tinutukoy ni Ver nun?! grabe nga eh.
napatingin talaga ako sa kanya. nanlaki yung mata ko. feeling ko din naman eh mas
nanlaki pa yung mata ni Josh at Gian. Paano pa kaya kung andito si Gigi?! Baka
malaglag na ang panga nun?! Hahaha.
"AAAAAHHHHHH!!!!" napasigaw nun si Josh. Mukhang timang lang eh. napatayo nun
si Gian na nasa gitna namin nung mga panahon yun. nagstep-away si Gian sa banig tapos
humarap siya saming dalawa ni Ver na magkatabi na ngayon.
"KAYO NA TALAGA NO?!" sabi niya habang naturo pa samin. grabe, nakakahiya.
hinila siya ni Ver pababa dun sa banig ulet. Hahaha. Nagtitinginan na nga yung mga tao
samin eh.
"ang ingay mo..." hala, akala naman ni Ver kami na?! Hahaha. Feeler much?! Joke. Dun
din naman tutungo ang lahat.
"EH bakit?? kayo na ba talaga?!" grabe naman si Josh ohh! ang boses naman oyyy!!
"hindi ahh! ang kulit niyong dalawa?!" sabi ko naman sa kanila. defensive much talaga
ako. Hahaha.
"pero malapit na..." akala ko nun joke yung pagkakasabi niya. napatingin ako sa kanya
nun. dun ko narealize na nakatingin din pala siya sakin. seryoso yung mukha niya.
malamang, hindi joke yun. ibang klaseng tumibok yung puso ko ngayon. parang ngayon
ko lang narinig yung mga words na dati ko pa gustong marinig galing sa kanya.
"aba si Silverio?! kumokorni na?!" nagtawanan bigla nun si Josh at Gian pero parang
kaming dalawa ni Ver ay walang pakialam sa kanila. Basta nagtitinginan lang kami. sige,
magtutunawan na lang kami gamit ang tingin?! Joke! Hahaha. Hinawakan niya bigla
yung kamay ko. hindi ko alam kung nakita ba yun ni Josh at Gian. Sobrang gabi na din
kasi. Halos wala ng ilaw kaya naman siguro hindi na mapapansin yun. parang may ibang
klaseng force na dumaloy sa mga kamay namin. napatingin ako dun sa kamay naming
dalawa na magkapatong ngayon. kamay pa lang yan, sobrang kinikilig na ako.
nagkakaroon na ata ng slumber party sa loob ng puso ko eh?! Hahaha.
Nagkatinginan ulit kami at muling nagkangitian... hindi ko alam kung ano na kami... ano
bang tawag dito?? MU ba 'to?! nanliligaw na nga ba siya?? o kami na ba?? ang gulo no??
"Students... please proceed to the lecture hall! NOW!" galit yung boses nung head nung
science department. nataranta kaming apat nun. bigla kaming nagligpit ng banig tapos
hinagis na lang namin dun sa loob nung tent. grabe. nakakatakot pa man ding magalit
'tong teacher na 'to. binilisan namin yung takbo nun. nahanap naman namin agad si Gigi,
Prince, Ate Rits at Ate Pat. Kaya lumapit kaming apat dun. hinawakan ko agad yung
wrist ni Bru tapos medyo lumapit ako sa tenga niya.
"Bru... naloloka ako! may kwento ako sayoooo" binulong ko naman sa kanya. nag-effort
talaga ako na medyo pigilan yung ngite ko. Hahaha.
"sige bru... excited na ako dyan..." medyo pasimple niyang sinabi sakin. ang galing talaga
naming magpasahan ng mga messages. yung tipong, hindi halata ng mga tao na naguusap
kami. nag-indian seat ulit kami. katabi ko si Gigi nun pati si Prince. Nasa likod ko
nun si Ver kasama niya si Josh at Gian. Ang kulit nga nila sa likod eh. tawanan sila ng
tawanan. nakakahiya lang. napapatingin naman ako kay Ver nun na napapatingin din
naman sakin. nagkakangitian kami pero halatang may halong hiya yung mga ngite na
yun. ano ba yan?! natatawa ako saming dalawa eh?! parang parehas kaming kinikilig!
Hahaha.
"Mukhang inaantok na kayong lahat, so let's have an icebreaker?!" ayon naman pala?!
kaya naman pala pinatawag dito para gisingin yung mga estudyante?! "so who wants to
volunteer?? tayo na lang kayo?? show your talents?!"
nagkabulungan naman yung mga estudyante. yung iba pinipilit yung isa sa mga katropa

nila na magperform dun sa stage. so dun pa lang sa sinabi na yun nung head, eh medyo
nagising na din yung mga tao. Haha.
nakita ko namang bumulong si Ver kay Prince. Basta lang nakita ko gamit yung
peripheral vision ko. Haha. Then yun, nakita kong bumulong si Prince kay Gigi. Sigurado
akong aabot yung message na yan sakin. Lumapit naman sakin si Gigi nun.
"Bru?! madumi yang inupuan mo" sabi niya sakin nun. nataranta ako nun kaya napatayo
talaga ako. then dun ko narealize na wala naman palang dumi dun sa inupuan ko. uto-uto
naman ako. then dun ko narealize nakatingin sakin lahat ng tao pati yung head ng science
department
"okay. so we have a volunteer?!" Badtrip!! hindi naman ako volunteer eh?!
"huy hinde!!" napasigaw ako nun. sobrang nakakahiya talaga.
"WOOOO. GO VHEEERRR!!!" napagtritripan ata ako ng mga tao ngayon. ang lakas
talaga ng trip ni Silverio?! Nakakainis lang eh. meron naman saking lalaki na lumapit
then sinabi niya sakin na pumunta ako dun sa stage. so yun, no choice ako. ang daming
estudyante. sobrang kinakabahan ako. feeling ko magcocollapse ako anytime. Hahaha.
Ang OA no?!
then dun, tumapak na ako sa stage kung saan halos hindi ko na mabilang yung mga mata
na nakatitig sakin. hindi ko na rin mabilang kung ilang bibig ang nagdadaldalan tungkol
sakin ngayon.
"Okay. anong name mo?" tanong naman sakin nung isang lalake na mula dun sa sponsor
nung stargazing activity namin na 'to.
"Vher po..." hawak ko na yung mic nun. grabe. feeling ko nanginginig na yung buong
katawan ko sa sobrang kaba.
"so are you going to sing? dance? or what?" ano nga ba?!! wala naman akong talent ahh!
"sing na lang po..." sige, ako na 'tong napilitan. exposure much naman 'to?! Hahaha.
"okay. so here is Vher to sing for us...!!" lalo akong kinabahan nun. lumapit ako dun sa
parang kuya na in charged sa sounds at audio. rinequest ko sa kanya yung song ni Kyle
na Without You. buti na lang talaga meron siya nun. Hahaha.
Mmmhmm
Napatingin ako nun bigla kay Ver. Nakangite siya sakin. tapos feeling ko kaming dalawa
lang yung andun.
It feels like a lifetime,
A thousand days have passed by
Since I held you close to me
If I could see that smile from my friend
I know that I could live again
I need you here with me
Nagtaasan yung mga kamay nung mga estudyante. then may pasway-sway effect. mukha
namang nagugustuhan nila yung pagkanta ko. Infairness, eto pala ang talent ko?! Hahaha.
Parang dati pa akong nakanta, pero eto na ata ang pinakamaayos na pagkanta ko.
Heaven knows what to say
Even though for right
Now youre so far away
I hope and I pray
Somewhere in your heart Ill always stay
Napatingin ulit ako kay na Gigi na parang naluluha pa. ewan ko ba sa baklitang yun?!
Hahaha. Bakit naluluha yung best friend ko na yun?! napatingin ako kay Prince at kay
Ate Pat?! ang sweet nila. nakalagay yung ulo ni Ate Pat dun sa balikat ni Prince. Grabe,
kinikilig ako para sa kanila. bagay na bagay talaga sila.
Boy, lately my sun does not shine without you
Never noticed what it feels like to be without you
Feels like I took my last step
And my last breath in my life ending
Had to say just what I was feeling, boy
Cause my sun does not shine,
Sun does not shine without you
Napatingin ako kay Gian na nagthu-thumbs up sakin. alam kong pang-aasar yun pero
napapatawa talaga nila ako. Hahaha. nahahalo na nga yung tawa ko dun sa lyrics nung
kanta eh. napatingin din ako kay Josh nun na pumapalakpak. sus, magiging idol na ako
niyan pagdating sa kantahan!!!
This is more for me than for you
Boyl, I finally see theres no substitute
For what we have
Do you know how much I love you
then napatingin ako kay Ate Rits. naalala ko si Kuya Evans. Ano na nga ba talagang
meron sa kanya? nakatingin lang sakin si Ate Rits nun. natutuwa ako na nakilala ko siya.
feeling ko swerte ako ngayon taon. ang dami kong nakilala. wow naman yun. hahaha.
naging super ka-close ko pa. hindi ko akalain na pwedeng mangyare 'to eh.
Heaven knows what to say
Even though for right now youre so far away
Gonna tell you and show you
Do whatever I can do to get back to you
Napatingin ulit ako kay Ver. Nakatitig pa din siya sakin. hindi ko maiwasan na ngumite.
eh loko din pala 'tong lalakeng 'to?! dati ko pa siya gusto, aba ngayon lang umamin?!
kamusta naman yon?! Hahaha.
Boy, lately my sun does not shine without you

Never noticed what it feels like to be without you


Feels like I took my last step
And my last breath in my life ending
Had to say just what I was feeling, boy
Cause my sun does not shine,
Sun does not shine without you
Nakatingin pa din ako sa kanya. Naalala ko yung mga sweet memories na nangyare
samin mula pagkabata pa lang namin. Yung pinaka importante na ginawa niya sakin...
ano nga ba??
This is no for me then for you
Boy,i finally feel theres no subtitute
But we have,do you know how much i love you
And what we share i can forgive
Boy,a love life young i never let
Just people away no no no no..
Promise you stay
hindi ko masasabi na ngayong gabe ang pinakaimportanteng bagay na ginawa niya sakin.
dahil para sakin, mas importante ang araw kung kelan ko siya nakilala... nakwento ko
naman na yun. yung linigtas ko siya mula sa pagkakalunod niya sa dagat... naalala ko pa
bawat detail nun... yun yung time kung kelan sobrang tumibay yung friendship namin...
dun kami nagturingan bilang magkapatid...
Have you ive i need to know about you
Since slowly night without you
Well then without you baby
So come turn my life its to today
ohh baby
Cause my sun does not shine without you
Never never never never noticed
Flashback
"grabe... paano kung namatay ka dun?! hindi ko alam ang gagawin ko!!" ang lakas ng
boses ko nun. sobra yung pagaalala ko sa kanya.
"sorry talaga. mag-iingat na po ako sa susunod..." parang siyang bata nun.
"lika nga dito!" hinila ko siya tapos yinakap ko siya ng sobrang higpit. "nag-aalala talaga
ako sayo..."
End of Flashback
And my last breath,my breath
Had to say just what I was feeling,boy
Cause my sun does not shine
Sun does not shine without you
Dun ko biglang naisip na kahit dati pa eh ayaw ko talaga siyang mawala dahil hindi ko
kakayanin. tinitigan ko siya sa mga mata niya. nung natapos yung kanta, bumulong ako
sa sarili ko.
"i love you too..." hindi ko alam kung narinig niya pero nanlaki yung mata niya nun tapos
bigla siyang ngumite.
Chapter 24
Napangite na lang ako nun. Nagpatuloy naman yung stargazing activity namin. Nasilip na
rin namin sa telescopes yung iba't-ibang planets. Kwinento ko naman kay Gigi ang lahat
nung kaming dalawa lang yung andun sa loob ng tent.
"OHHHHMMYYYYGHAAADDDD BRU?!!" ganyan yung naging expression niya
nung sinabi ko sa kanya yun. Hahaha. Palagi na lang kaming nagkakatinginan nun ni Ver.
Tapos nagkakahiyaan pa minsan. Hindi ko nga alam kung ano na kami eh. MU nga ba?
Hindi ko masasabi. Pero parang dahil dito, napalayo ata ako sa kanya sa sobrang hiya.
Natapos na din yung stargazing activity. Sinundo kami nina Tami at Bojie ni Papa. Then
syempre, umuwi na din kami. grabe, antok na antok ako nun. wala kayang tulugan yun?!
Hahaha. Kahit sabihin mo na may isang sobrang nakakakilig na revelation, hindi pa din
keri ng powers ko ang hindi makatulog. So yun, bagsak talaga ako agad sa kama. And
nakatulog na din ako.
Nagising naman ako nun syempre. Halos walang nangyayare. Lumipas ang mga araw.
Lalo din naman kaming napapalapit ni Ver sa isa't-isa pero masasabi mo na may hiyaan
pa din. Hindi na nga namin ulit pinagusapan yung tungkol dun sa i love you niya eh.
Well, bahala na. At least, alam ko na ang sikretong tinatago ng mokong na 'to. Haha.
Lagi na din kaming magkasabay tuwing recess at lunch. Syempre, pati na din dismissal.
Inaasar na nga kami nila Gigi eh. Pero okay lang. Kahit nung hindi pa man din naamin
sakin si Ver, inaasar na rin nila kami eh! Haha. Hindi nanliligaw si Ver. Ewan ko ba kung
bakit. Pero ayaw ko na ring isipin yun. Bumalik na din si Kuya Evans nun. Halos 2 weeks
siya sa States nun. Pero hindi ko rin naman sa kanya natanong kung anong meron dun.
Narealize ko nga na ang dami ko palang hindi alam kay Kuya Evans no? Parang meron
siyang sikreto. Behind those sweet smiles na pinapakita niya, parang merong... something
eh... ayoko ng isipin kung ano yun...
October na ngayon. ang bilis talaga ng panahon no? Haha. Kasama ko si Gigi ngayon.
first time ngang maging busy ngayon ni Ver eh. Nagsisipag na ata ang loko no? Hindi ko
tuloy siya kasabay ngayon sa pag-uwi. Hahaha. Mamimiss ko yun. Awww. Joke!
Hahaha. Palagi ko naman siya nakikita, kailangan pa bang mamiss yung lokong yun?!
Uuwi na sana kami ni Gigi nun ng dumaan kami sa court. Nakita namin na
nagprapractice yung Volleyball varsity. Balita ko nun meron silang game eh. Ayun, sana
naman manalo sila no?! Haha.

"nuod muna tayo bru!" yinaya ako ni Gigi nun.


"sige..." umupo kami dun sa stage sa court then nanuod kami ng practice ng Volleyball
varsity. nagtaka naman ako ng hindi ko makita si Kuya Evans. hindi ko alam kung bakit
ko siya hinahanap pero diba dapat kasama siya sa mga nagprarpractice.
"bakit... bakita prang hindi ko makita si kuya Evans?" napatanong naman ako nun sa
sobrang curiosity ko.
"aba, hindi ko alam..." busy nun si Gigi sa panunuod ng mga gwapong volleyball players
na nagprapractice kaya siguro ganyan yung sagot niya sakin. napalingon naman ako sa
gilid ko ng makita ko si Kuya Evans na kakalabas lang sa canteen na may kinakaen na ice
cream. nakaschool uniform nga lang siya tapos dala niya yung bag niya. halatang wala
siyang plano mag-practice. ano na naman bang ginawa neto?!
"uy teka lang Gigi ha? dyan ka lang..." sabi ko kay Gigi. tumango lang naman si Gigi
nun. Tumayo ako nun tapos bumaba ako sa stage. linapitan ko si kuya Evans para
makausap siya.
"oh kuya Evans... bakit hindi ka nagprapractice?" tanong ko naman sa kanya. namumula
yung mga labi niya nun dahil ice cream na color red yung kinakaen niya. ang cute nga
niya eh.
"Uh... nag-quit na kasi ako eh" naloka naman ako nun? nag-quit?!! asa naman no?!
"ha? bakit naman?!" nagtaka ako nun. asa naman na tungkol sa studies yan eh halos
tuwing lunch nakikita ko siyang nakaen habang nagbabasa ng kung ano mang libro.
"wala lang..." sabi niya habang tinatapos niya yung popsicle stick galing dun sa ice
cream. "trip ko lang..."
"ahh ganun ba..." hindi ko na rin mapigilan na lalong maging curious ng habulin ko siya
ng isa pang tanong. "sabi ni Ate Rits, pumunta ka daw ng US nung birthday ko... bakit ka
pumunta dun?"tumingin siya sakin ng diretso nun.
"uh... may ginawa lang..." bakit ba parang nagtatago siya?! ano ba yan?!
"anong ginawa niyo dun??" ako naman etong gagawin ang lahat para malaman kung ano
man ang tinatago niya.
"ha? hindi naman yun masyadong importante..." sabi niya naman. masyado ba talaga
yung malaki para hindi ko malaman??
"sige... sabi mo eh!" medyo nagpakita ako sa kanya ng pagkatampo. badtrip naman kasi
'tong si Kuya Evans eh?!
"oo nga! bakit ba ayaw mo maniwala?" napapangite na siya nun. kaya naman
napapangite na din ako. Hahaha. nakakaloko kaya yung mga ngite ng lalakeng 'to. ewan
ko ba kung bakit.
"eh kase naman..." yan lang yung nasabi ko. Haha.
"Uhm... pwede ka ba sa Saturday?" nagulat ako sa tanong niya. bumilis yung pagtibok ng
puso ko.
"okay lang naman. bakit?" parang nahihiya pa siya nun bago ituloy yung sasabihin niya.
"gusto sana kitang yayain... gala lang tayo... pwede ba?" napa-isip ako nun. gala lang
naman 'to diba?
"hmm... sige... okay lang..." umabot yung ngite ni kuya Evans nun. Haha. ay sige, ako na
OA! Haha.
"Good. Text na lang tayo, okay? may kasabay ka bang umuwi? tayo na lang,
ano?" hahawakan na sana ni Kuya Evans yung kamay ko ng biglang may naka-una sa
kanya. Bago pa man mahawakan ni kuya Evans yung kamay ko, nahawakan 'to bigla ni
Ver. Medyo nagulat nga ako eh. Hindi ko naman expected na bumaba na din pala siya.
"Vher... uwi na tayo..." sabi niya sakin. napangite na lang ako nun kay Kuya Evans.
"Ow. sige kuya Evans... kasabay ko na kasi si Ver at Gigi... next time na lang!" nginitian
niya lang naman ako nun tapos tumango na lang siya then nagwave siya ng goodbye.
naglakad na kaming dalawa ni Ver nun para puntahan si Gigi. Nagulat ako ng bigla niya
akong inakbayan tapos binulungan niya ako.
"anong next time ka dyan?!" binulong niya sakin. natawa naman ako nun. tama ba ang
hinala ko? nagseselos ang best friend ko?! Hahaha.
"bakit?" tanong ko naman sa kanya na may halong biro na. humiwalay naman siya sakin
nun.
"wala lang..." namumula siya nun. ang cute nga eh. kinikilig lang ako. Haha.
"Sus... selos?!" inaasar ko siya nun. totoo naman diba?!
"h-hindi ah..." pautal-utal naman niyang sinabi. natatawa na lang ako eh. yinaya ko na
nun si Gigi na umuwi na kami. um-oo naman siya nun. naghintay na kami ng jeep. dating
gawi din naman. hindi na kailangang ulitin pa. Haha. then nung nakauwi na kami,
nagshower na ako at nagpalit ng damit. hindi ko na nga nabuksan yung bintana ko eh.
nakatulog kasi ako kaagad. ewan ko ba. inantok lang ako kaagad. lumipas yung ibang
days, wala namang pinagbago sa samahan namin ni Ver. Parang ngang nagmistulang
joketime yung pag-amin niya sakin eh. kasi parang mag-best friend pa rin yung turingan
namin. sa totoo lang, mas gusto ko yung ganito. kumbaga walang commitment... para pag
sa huli, nalaman mo na hindi naman pala kayo talaga ang para sa isa't-isa... walang
masasayang... andyan pa din yung friendship... diba?
October 13. Saturday.4:30 p.m
so yun may gala pala kaming dalawa ngayon ni Kuya Evans. Hindi naman ako
masyadong excited. basta ang sabi niya susunduin niya na lang daw ako. hala, baka
mamaya may BMW na namang tumigil sa harapan ng bahay namin. nagulat naman ako
ng totoo nga?! Oohhhlalala?!! nakakainlove yung kotse eh. yung kotse na lang
papakasalan ko?! Joke.
Naka-shorts ako nun tapos merong blouse as top. Tinack-in ko nga yun eh. ang cute kasi.
bagay sakin yung mga damit na ganun. tapos naka-gladiator shoes ako nun na walang

heels syempre. Haha.


bumaba naman ako nun sa first floor tapos kiniss ko na lang yung cheeks ni mama at ni
papa then nagbabye na din ako sa kanila. pumasok ako dun sa back seat. nakita kong
andun si kuya Evans. nagkangitian kami then tumabi na din ako sa kanya. hindi ko alam
kung saan kami pupuna. bahala na. andun na din yung driver nila tapos malamang, si
manong yung nagdradrive.
"cute mo ah..." sabi niya naman. hindi ko alam kung joke ba yun o ano? hahaha. bahala
na. nginitian ko lang naman siya. nakita ko ngang may dala siyang attach case. ano
kayang laman nun? nacurious na naman ako. ang tahimik namin buong byahe. dun ko
narealize na sa NuVali pala ang punta namin. natuwa naman ako kasi first time kong
makakapunta dun. buti na lang wala masyadong traffics nun kasi medyo naexcite talaga
ako eh! then, mabilis lang naman, bumaba na din kami dun sa NuVali.
"manong... kami na lang po uuwi ng magisa mamaya..." tumango lang naman si manong
nun tapos umalis na din siya.
"wow. akala ko kung saan!" sabi ko naman sa kanya. tuwang-tuwa talaga ako. grabe,
sobrang babaw ko naman ata. Haha.
"Oh siya lika. Starbucks tayo..." gusto kong umatras nun. Starbucks?!
"Wala akong pera huy!" eh totoo naman eh... nakakahiya naman 'to..
"libre kita... lika na..." nanlaki yung mata ko nun. LIBRE?!! The woooowwww.
hinawakan niya yung kamay ko tapos hinila niya ako papunta dun sa Starbucks. Umorder
kami. sabi ko sa kanya kahit ano na lang. siya ng bahala sakin. Haha. First time ko din 'to
sa Starbucks no?!!
Then, pumunta kami dun sa taas. Dun kami uminom at kumaen. grabe, pati yung pastries
nilibre niya din sakin. Sige, siya na mayaman!! Nakakabadtrip lang eh. Haha. Nandun
kami malapit sa may bintana umupo. Nasa likod ko nun yung bintana. Feel ko nga sunset
na yun eh. Medyo orange na din kasi yung skies.
"The perfect spot..." narinig kong bumulong si Kuya Evans sa sarili niya. Tinabi niya
yung drinks niya at pastries niya. tapos kinuha niya yung attach case niya. naglabas siya
nun ng Faber-Castell na color pencils. then meron siyang nilabas na sketch pad.
"teka lang ha?" nagulat naman ako sa kanya nun. nagdrawing siya nun. halos 15 minutes
na akong naghihintay nun tapos ang ginagawa ko lang ay uminom at kumaen. ayaw niya
kasing ipakita yung drawing niya sakin eh. ang bilis niyang mag-drawing. grabe,
naamaze nga ako.
"tapos na!" nakangite niyang sinabi sakin.
"patingin ako!" binigay niya sakin yung sketchpad. grabe, detailed yung colors. tiningnan
ko yung bintana sa likod ko. sunset nga. and dun sa picture, sunset ang background ko.
nakasmile ako nun. basta ang galing, sobrang galing niya palang magdrawing at magcolor.
napangite talaga ako sa kanya.
"Wow.. sobrang galing mo..." papuri ko naman sa kanya.
"Thanks.. nagustuhan mo?" tanong naman niya sakin habang binabalik ko sa kanya yung
sketchpad.
"Oo. sobra..." then nginitian ko siya at nagpatuloy kami sa pagkwekwentuhan.
Chapter 25
Nagkakwentuhan pa kami ng pagkarami-rami. As in. Naglakad-lakad pa kami dun tapos
nagpicturan gamit yung DigiCam ko. then, tumambay din kami dun sa parang madamo
na part tapos nag-drawing na naman siya. Ako na naman yung drinawing niya. ganun ba
talaga ako kaganda?! Joke. Haha. Pero promise, sobrang galing niyang magdrawing. Ang
linis nung mga sketches tapos yung pagkakakulay niya eh, kuhang-kuha yung
complexion ko. Feeling ko nga mas maganda pa yung mukha sa drawing kesa sa totoong
mukha ko eh! Haha.
Halos 7 pm na din kaming nakauwi nun. Nag-commute lang kami nun. tutal naman
parehas kami ng subdivision, hinatid niya ulit ako sa bahay namin. grabe, hindi
matanggal sa mukha ko yung ngite na dulot ng mga pangyayare ngayong sabado. okay
lang naman kay mama na sumama ako kay Kuya Evans dahil kaibigan at kliyente naman
niya yung daddy ni kuya Evans. hanggang ngayon nga eh wala pa din kaming alam ni
mama kung bakit gustong madaliin nung daddy ni kuya Evans yung bahay. as of now,
ginagawa na nga agad eh. grabe. and gusto na nga daw agad matapos bago ang
graduation ng anak niya. kamusta naman yun?! Hahaha. Sobra naman ata. Kaya nga fullforse
nga yung mga tao eh. Feeling ko matatapos siya sa sobrang daming kamay na
nagtratrabaho. Wew. Sila na mayaman.
Tumaas naman ako dun sa kwarto ko. binuksan ko agad yung computer para magprint ng
pictures namin ni Kuya Evans. Alam niyo naman ako, kapag may masayang memory,
linalagay ko kaagad dun sa notebook ko. Ang dami na talagang laman nun. Puro
masasayang memories.
Nagshower muna ako tapos nagpalit na din ng damit. 8 pm na rin ngayon ng
napagpasyahan ko na buksan yung pintuan ko. tumawid ako dun sa bridge then kumatok
ako dun sa pintuan ni Ver. Binuksan naman niya agad, ginamit ko yung opportunity na
yun para sumilip dun sa kwarto niya na never ko pa napapasukan. nagulat naman ako ng
bigla niya akong pagsaraan ng pintuan. medyo nainis nga ako nun pero after a few
seconds lang naman, binuksan niya agad yung pinto tapos parang split second lang yung
naging pagitan ng lumabas siya mula sa kwarto niya. parang meron siyang tinatago dun
sa loob ng kwarto niya na hindi niya sakin pinapaalam.
"bakit ba parang may halimaw kang tinatago dyan sa loob ng kwarto mo?!" pangaasar ko
namang tinanong sa kanya.
"bakit ba?! tsaka saan ka galing?!" tanong niya na parang siya ang tatay ko. Haha.
"sa NuVali... nagpunta kami dun ni kuya Evans..." pinatong ko nun yung kamay ko dun

sa hawakan nung bridge. tumabi naman sakin nun si Ver.


"Oh? anong ginawa niyo dun?" napatingin ako sa kanya. naghahanap ako ng sign kung
nagseselos ba siya o hindi.
"uh... wala naman... nagstarbucks kami... nagpicturan... drinawing niya ako... tapos
tumambay lang kami dun..." napatingin naman ako dun sa kamay ni Ver na kanina ko pa
napapansin na parang kinukutkot yung daliri niya. yung tipong hindi siya mapakali.
"aahh. okay.." yun lang naman ang sinabi niya. gusto ko ngang i-open sa kanya yung
pag-amin niya sakin. joker kasi siya diba? malay ko ba kung nagjojoke siya o hinde?!
baka naman kasi joke lang yun diba?! ako lang 'tong tanga na naniwala at nagpauto sa
kanya. siguro mas mabuti na ding di ko siya tanungin. mananahimik na lang ako. tama,
yun ang tamang gawain. Haha.
Lumipas naman ang ibang days. naging excited na din kami sa fieldtrip namin sa October
21 sa Tagaytay. Lalo naman akong naexcite nung nalaman ko na kasama namin sa bus
yung section nila Ver. Magpaparty na naman ang puso ko. Hindi naman talaga ako
excited sa mismong trip sa Tagaytay, excited ako sa kung ano mang mangyayare sa bus.
Napagpasyahan namin ni Gigi na kami yung magkatabi dun sa bus. Well, mula first year
naman kami na talaga yung magkatabi kaya wala na ding pinagbago.
Wala naman talagang nangyayare sa buhay ko kaya mas maigi ng ifastforward na natin sa
mismong fieldtrip. feeling ko naman nun may mangyayareng maganda ngayon. ewan ko
ba. sa lahat ata ng mga kutob ko nagkaaktotoo eh! Haha
October 21. Field trip.Friday
Sumakay na kami dun sa bus. ang ingay ng mga estudyante. feeling ko eto na yung best
fieldtrip ever. ang lakas ng trip ng mga tao eh. hindi pa nagalaw yung bus, parang may
excitement na. nagtatayuan na yung pasimuno ng kaingayan tapos nagkakantahan at nagaasaran
na sila. tamang gawing playground ang loob ng bus?! Haha. Nagpasukan na rin
naman yung section nila Ver. Marameng kaclose dito yung mga tropa nila Ver kaya
naman sobrang saya nila nung nalaman nila na magkakabus kami. Magkatabi nun si Ver
at Prince. While si Josh at Gian yung magkatabi. Tumabi si Ver at Prince dun sa seat na
katapat lang namin sa kanan. si Gigi yung nakaupo malapit sa bintana. While si Prince
yung nasa other side na pinakamalapit sa bintana. kaya naman isang upuan lang sa gitna
yung pagitan namin ni Ver. Tumitingin nga siya sakin eh. nakikita ko lang siya dahil sa
peripheral vision ko.
Nung umandar na yung bus, lalong naging wild yung mga estudyante. grabe, pasahan ng
pagkaen nun tapos picturan sila ng picturan. Inalok ako ni Ver ng pringles nun, makapal
ang mukha ko kaya kumuha naman ako kaagad.
"excited ka?" nagtanong pa siya. Haha.
"oo naman..." sagot ko naman sa kanya habang kumukuha pa ako dun sa pringles niya.
"bakit?" ano namang klaseng tanong yan?!
"malamang, dahil fieldtrip..." isang obvious na sagot naman ang binato ko sa kanya.
"Ahhh.. akala ko kasi dahil sakin..." tapos tumawa siya. okay, yun naman pala eh. mangaasar
na naman siya.
"asa naman..." inirapan ko lang naman siya nun. "penge nga ako niyan" sabay hingi dun
sa tortillos na kakabukas niya lang. sige, ako na patay gutom. kumaen lang naman kami
nun at nag-asaran. wala naman siyang kung ano mang ginagawa na sweet gestures. pero
kahit na ganun, kinikilig pa din ako.
patuloy naman ang pang-aasar nila Prince at Gigi na katabi lang namin. Tapos si Josh at
Gian naman eh nagpapakulo na naman ng bagong gimik. pinipicturan nila lahat nung
mga tulog tapos nageefort talaga sila na makapagpicture ng mga nakakalokong stolen
shots. Haha. Trip din naman nila na picturan kami ni Ver. Sige, scandal na naman yan.
badtrip talaga 'to oh.
"upload niyo yan aah!!" eto namang si Ver, kinokonsente pa!!
"wag nga kayong ganyan!!" sabi ko naman sa kanila.
"okay lang yan bru!?!! iupload niyo yan Josh ha?!!" wala na talaga akong kaibigan.
Hahaha. Joke!!
"iuupload talaga namin 'to!!" sigaw naman ni Josh. grabe, ang wild talaga. wala namang
pake yung teachers na nagbabantay samin. pagbigyan naman nila no?! minsan na lang
maging maingay eh!! Haha.
so yun, hindi din naman ako nakatulog nun. sobrang ingay kasi nila Prince. parang
nagkakaroon ng party sa loob ng bus. tapos pinagtritripan pa nila yung mga tao sa labas.
kamusta naman yun?! baka akalain ng mga tao, zoo ang diretso namin dahil daig pa
namin ang mga wild animals kung magwala. Haha.
after 100 years naman (over!), nakarating na din kami dun sa Tagaytay. Masasabi nating
boring ang field trip na 'to dahil wala naman talaga kaming gagawin. bibigyan lang kami
ng time para maggala dito at magpicture-picturan. okay lang yun. at least, wala ng
nakakatamad na mga lectures o kung ano mang eklavu. Haha.
Nung bumaba naman kami dun sa bus, nilapitan namin kaagad si Ate Rits, Ate Pat at
yung ibang babae na kasama niya. Lumapit din samin si kuya Evans at yung iba niyang
tropa. So kami-kami na din yung magkakasama nun. first year na lang ang kulang eh!!
Haha.
"Wow. kumpleto ang barkada ahh.. anong una nating gagawin?" tanong naman ni Gian.
"magikot-ikot muna tayo..." sinuggest naman ni Prince. so yun, siya yung sinunod namin.
nagpipicturan lang naman kami habang naglalakad-lakad. grabe nga si Ver eh, kinacareer
na ang pagiging photographer. kung makapagpicture eh parang walang bukas. tapos yung
mga magagandang tanawin talaga yung pinupuntirya niya. sige, siya na! Haha. nilapitan
ako nun ni Kuya Evans.
"huy" sabi niya naman sakin.

"hm?" nginitian niya lang naman ako nun. sa totoo lang, wala naman talaga siyang
sasabihin. siguro, gusto niya lang ako na sabayang maglakad. napatingin nga samin si
Ver na busy na magpicture eh. nginitian niya kaming dalawa tapos nagtake siya ng
picture samin.
"oy bakit mo kami pinicturan?!" tanong ko naman sa kanya.
"Wala lang... masama ba?" yun lang ang sinabi niya tapos nagpatuloy siya sa paglalakad
kasama nila Gian. Napadaan kami dun sa parang tiangge na ewan tapos si Gigi tuwangtuwa
dun kahit na wala naman siyang balak na bumili. Haha.
Nagpatuloy naman yung adventure namin. pumunta kami dun sa horseback riding
chuchu. Wala naman kaming bayad nun nung nalaman nila na mga estudyante kami na
nagfi-fieldtrip lang. siguro, kasama na yun dun sa mismong bayad namin. Nakasakay
naman kaagad si Ver. Siya pa nga yung nanguna eh. Parang expert naman siya kung
sumakay ng kabayo. Tapos picture lang siya ng picture. Sunod na sumakay si Josh. then
si Gian at Prince nasa isang kabayo lang. natawa nga ako nung nalaman ko na takot
palang sumakay dun si Gian. Hahaha. Laugh trip talaga kami nun. sumakay nun si Gigi.
Tapos si Ate Rits at Ate Pat sumakay sa isang kabayo. pati yung ibang friends ni Ate
Rits, sumakay na din. Kami na nga lang ni Kuya Evans yung natitira dun.
"sabay na tayo sa isa?" yinaya niya naman ako nun. magsasalita na sana ako ng oo ng
biglang tumigil yung kabayo ni Ver sa harapan ko. nakatingin sakin si Ver nun.
"sakay ka?" then rineach out niya sakin yung right hand niya. ang bilis ng pagtakbo ng
puso ko nun. parang dati ko pa 'to naiimagine... yung tipong parang may isang prince
charming na nakasakay sa kabayo tapos aalukin ako na sumakay sa kabayo kasama siya...
fairytale come true... grabe talaga... hindi ako nakapagsalita nun... feeling ko si Ver na
yung pinakagwapong lalake sa paningin ko nung mga oras na yun... hinawakan ko yung
kamay niya tapos tinulungan niya ako na makaupo dun sa kabayo..
"sige... kay Ver na lang..." then tumakbo na din yung kabayo... hindi ko nga alam kung
anong mararamdaman ko para kay Kuya Evans... masyado ba akong masama?? then,
syempre nakasakay na din si Kuya Evans sa isang kabayo. tapos inikot lang naman namin
yun. inaamin ko nga na medyo kinakabahan ako dun sa kabayo eh. nakikita ko kasi sa
movies na parang sinisipa ng kabayo yung mga taong hindi nila feel. Hahaha. Baka lang
kasi hindi nila ako feel diba?
mabagal lang yung takbo namin nun. hindi ko na rin naman napapandin na paulit-ulit na
lang kaming naikot dun. pero hindi pa rin ako nahihilo. hindi ko alam kung bakit.
"bakit ka sakin sumama? hindi kay Evans?" biglang tanong naman sakin ni Ver.
nagulantang nga ako sa tanong niyang yun eh. hala, mapapaamin na ata ako.
"uh... eh..." yun lang yung nasabi ko sa kanya. nafeel ko nga na ngumite siya eh.
"sige... wag mo ng sagutin... mahal naman kita eh.." bigla akong napangite nung sinabi
niya yun. hindi ko napigilan na yakapin siya from his back. grabe, sobrang saya ko
talaga. sobrang kilig yung nararamdaman ko. ang bilis ulit ng pagtibok ng puso ko tapos
tumaas yung mga buhok ko sa katawan. feel na feel ko na talaga na this is it!! si Ver na
talaga. Haha.
Natapos din kami dun sa horseback riding. hindi na nga ako nakapagsalita nung sinabi
yun ni Ver sakin. out of words. sa sobrang kilig ata? Haha.
nung nakababa na kaming lahat dun sa kabayo, kami ni Ver yung magkasama na
naglakad papunta dun sa site kung saan pwede kumaen ng lunch.
"kaen na tayo, gutom na ako!" pagrereklamo naman ni Gigi habang papunta na kami dun
sa site.
"papunta na nga tayo eh..." pambabara naman ni Gian. Halos ilang minuto lang naman at
nakaupo na din kami at sabay-sabay naming nilabas yung mga lunch na baon namin.
nagkakwentuhan kami. katapat ko nun si Ver sa pagkaen tapos nagshe-share pa kami ng
ulam sa isa't-isa.
Then, bigla naman akong napatingin kay kuya Evans na nasa bandang dulo katabi ni Ate
Rits. Ewan ko ba. Biglang naglocked yung mga mata namin sa isa't-isa. hindi siya
ngumingite. siguro, yun yung dahilan kung bakit hindi rin ako makangite sa kanya. pero
bigla naman siyang nagfake ng smile tapos binalin niya na lang agad yung tingin niya
dun sa pagkaen niya. bumilis yung pagtibok ng puso ko. napatanong ako sa sarili ko kung
ano namang ibig sabihin nung mga ginawa niya?
Chapter 26
Nagtaka ako ng sobra kay Kuya Evans nun. Pero ayaw ko na rin pansinin yun, baka
masira lang ang buong fieldtrip ko kakaisip ng mga kung ano mang meaning ng gestures
ni kuya Evans. nagpatuloy kami sa pagkaen at sa aming pagkwekwentuhan. tawanan
kami ng tawanan lalo na nung umapaw yung laman nung coke-in-can ni Prince. Ang saya
nga nun eh. Pati yung ibang estudyante na schoolmates namin eh nakisali na rin sa
tawanan namin.
Pagkatapos naming kumaen, yung iba samin tulad ni Gigi, Prince at Ver ay naggala na
naman at nagpicturan. yinaya din nila ako kaso ang sakit na ng paa ko sa kakalakad
kanina. nakakapagod kaya no! daig ko pa ang nag 1 kilometer run. si Ate Rits naman at si
Ate Pat ay nakipagkwentuhan muna sa mga classmates nila. As usual, si Gian at Josh
meron na namang trip. ewan ko kung ano. bahala na sila. Haha. Pasimuno talaga ng
kalokohan kahit kelan si Josh eh?! So yun kaming dalawa lang ni Kuya Evans yung
natira dun sa table. Medyo nahihiya naman ako. ewan ko din kung bakit.
Nagulat naman ako ng biglang hindi ako pinansin ni kuya Evans. tumayo din siya tapos
naglakad-lakad siya. hindi ko alam kung saan siya nagpunta. napasigh naman ako nun.
ano ba yan!? ako ng pambansang loner. sana pala sumama na lang ako kay na Ver. pero
okay na din 'to. feel na feel ko naman nun yung malamig na simoy ng hangin. amoy na
amoy ko na ang pasko. Haha.

Napatingin naman ako sa paligid ko then nilingon ko yung way na pinuntahan ni kuya
Evans. feel ko sobrang laking pride yung dapat na lunukin ko bago ako nakatayo at
pagpasyahan na sundan siya. pero kahit gaano man kalaki ang ego ko, naisipan ko na ring
pumunta dun sa pinuntahan ni kuya Evans. bakit ko nga ba 'to ginagawa? hindi ko din
alam. diba pwede naman siguro na si Ver na lang ang puntahan ko? bakit si kuya Evans?
pati ata ako naguguluhan na din sa sarili ko.
bahala na. sana hindi ko na lang makita si kuya Evans. sana hindi siya hanapin ng mga
mata ko... pero parang kahit anong dasal ang gawin ko... parang meant to be ata kaming
'tong si kuya Evans... nakita ko siyang nakaupo sa isang bench sa isang tabi. natingin lang
siya sa paligid... nagtaka tuloy ako... pwede naman niya akong yayain na pumunta
kasama ako diba? gusto kong pigilan yung mga paa ko sa paglapit sa kanya pero hindi ko
alam kung anong tawag sa force na yun na nagtulak pa rin sa mga paa ko na lapitan
siya...
ano bang meron sa kanya?? hindi ko na siya crush eh. sigurado ako sa sarili ko nun.
hindi ko rin siya gusto... mas nakakakasigurado ako dun... at hindi ko siya mahal... alam
ko yun... kay Ver ko lang naramdaman ang lahat ng yun pero anong meron kay kuya
Evans? bakit parang of all people sa kanya ako napupunta?
linapitan ko siya nun. mukhang nagulat nga siya nung nakita niya akong nasa harapan
niya. madaming tao na dinadaanan kami nun. siguro, nagtataka sila pero wala na akong
pakielam. isipin na nila ang gusto nilang isipin. bumilis yung pagtibok ng puso ko habang
nakatingin sakin si kuya Evans... parang anytime tatalunin pa ng pagsabog ng puso ko
ang bagsik ng superlolo tuwing bagong taon...
"kuya Evans?" malumanay kong binigkas yung pangalan niya. nginitian niya ako nun
pero ako naman etong hindi makangite. hindi ko alam kung anong rason. naguguluhan na
ata ako. nababaliw na nga ata ako eh! Hahaha! wag naman sana.
"hm?" umupo ako dun sa tabi niya. napapahawak ako dun sa jogging pants ko. hindi ko
nga alam kung anong ginagawa ko dito. hindi ko nga alam kung bakit ko siya sinundan
eh?!! umalis na lang kaya ako?!!
"kuya Evans, may problema ka?" tanong ko naman sa kanya. ano ba yan, parang kanina
lang gusto ko ng umalis tapos nag-open na ako ng tanong sa kanya. mukha namang
nagulat siya dun sa tanong ko. lalo tuloy akong kinabahan.
"a-ako?" pautal-utal pa niyang sinabi. halatang meron.
"ayy hinde hinde... ako... ako may problema?!" pambabara ko naman sa kanya. tamang
gayahin si vice ganda no?! Hahaha. napangite ko naman siya nun which is good. ang cold
ng atmosphere namin kanina eh. nataas tuloy yung balahibo ko sa katawan.
"loko ka..." pabiro naman niyang sinabi. hindi na nga mapawi yung ngite niya sa mga
labi eh. natutuwa naman ako sa fact na napapangite ko siya.
"hindi ka pa nasanay?" joke ko naman sa kanya. nakangite pa din siya. dumaan na naman
ang katahimikan saming dalawa. wala na naman akong topic na maisip. Haha. parang sa
text lang 'to ah?! pwede din palang mangyare sa personal?! Haha. napansin ko naman na
nakatitig si kuya Evans dun sa pink rose na nasa harapan namin.
"Rosaceae..." binulong niya sa sarili niya.
"ha?" nawindang naman ako dun. Hahaha. hindi naman ako kasingtalino niya para
maintindihan yung mga lenggwahe na ganyan no?!
"Rosaceae... scientific name ng pink rose na yan..." sabay turo nung pink rose na nasa
harapan namin.
"Aaahhh" sige, ikaw na matalino?! Hahaha.
"favorite flower ko... ikaw?" nagulat naman ako dun sa tanong niya. tanungan portion ba
'to?! ano nga bang favorite flower ko? hmmm...
"sunflower... ang cute kasi eh!" wala naman talaga akong hilig sa bulaklak. natutuwa lang
talaga ako sa mga sunflowers na nakikita ko sa mga cartoons! Hahahaha.
"Helianthus annuus... scientific name ng sunflower..." then ngumite siya. ang talino
talaga ng lokong 'to. napangite lang naman ako nun. "uhm... red... favorite color...
ikaw?" bigla naman niyang tanong.
"bakit ka nagtatanong ng ganyan?" medyo curious din naman ako diba? hahaha.
"uh... naisip ko lang kasi na parang hindi pa talaga tayo magkakilala... ang dami pa nating
hindi alam sa isa't-isa..." TAMAAAAA. dati ko pa rin yan inisip kaya naman napatango
na lang ako sa sinabi niya.
"Aahh.. okay... blue... favorite color ko..." at last medyo nakilala ko na din siya.
"ow... drawing... favorite hobby..." bigla naman niyang sinabi. Haha.
"hirap naman niyan... syempre, facebook tapos texting..." sabi ko naman sa kanya.
nakakahiya naman yung mga hobbies ko?! Hahaha. tinawanan niya lang naman ako nun.
"uhm... 22... favorite number... hindi ko alam kung bakit..." nakangite naman niyang
sinabi.
"uhm... 3... favorite number... birthday ko kasi september 3..." sabi ko naman. nagsigh
kaming pareho nun. out of questions na ba? feel ko ang dami pa ah!
"naniniwala ka ba sa love at first sight?" nawindang naman ako dun sa tanong niya.
"a-ano?" ang hirap naman paniwalaan na tinatanong sakin ni kuya Evans 'to?! Hahaha.
nakakaloka infairness?!
"i mean... eto na lang... crush at first sight... then like at second sight... tapos love at
first
meeting... naniniwala ka ba?" nahihirapan sakin mag-sink in yung mga utak ko.
"uhm... ang hirap naman niyan... hindi ko pa naman yan naeexperience eh... ikaw
ba?" sabi ko naman.
"yep..." sabi niya habang natango. nagulat naman ako nun. in love pala 'tong si kuya
Evans?! may kung ano mang kakornihan ang sinasabi?! Hahaha. Joke!!

"oh? talaga?!! share mo naman?!!" nawindang talaga ako nun kaya naman sabik na sabik
ako tungkol sa topic na 'to.
"uhm... crush at first sight... sa isang resort pero nakalimutan ko na kung saan...bata pa
ako nun eh..." nacurious na ako nun. nakakatuwa namang makipagkwentuhan kay kuya
Evans tungkol sa lovelife?! Haha "... like at second sight... sa Chapel..." napapaisip ako
nun bigla. sino kaya yung tinutukoy ni kuya Evans?? "love at first meeting... sa
school..." humarap siya sakin nun at tumingin sakin ng diretso. "and with the same
girl..." sabay ngite. nginitian ko din siya. ewan ko ba. natuwa ako bigla dun sa mga sinabi
niya.
"wow... buti ka pa may experience na ganyan no!" sabi ko naman sa kanya ng nakangite.
"bakit naman?" tanong naman niya. napaisip ako nun paano nga ba nedevelop yung
feelings ko kay Ver?? Hmm...
"eh kasi... hindi naman talaga ako nagkacrush dun sa lalakeng yun sa unang
pagkikita..." sabi ko. inisip kong mabuti si Ver. lalo naman akong kinilig. Haha. ang landi
ko!! joke! "kumbaga nung araw pa lang na mas lalo ko siyang nakilala tapos lalong
tumibay yung pag-sasama namin, dun lang nagsimula yung pagkacrush ko sa kanya..."
"Ahhh.. tapos?" he wanted to hear more kaya medyo natuwa na din ako.
"Tapos after a week, dun ko narealize na ang saya-saya ko kapag nakikita ko siya... dun
ko nalaman na crush ko na pala siya..." feeling ko nun namumula na ako. natawa na nga
si kuya Evans eh! "tapos kahit na madalas ko siyang nakikita, hindi pa din ako
nagsasawa... dun ko narealize na gusto ko na pala siya..." naalala ko talaga si Ver nun.
lalong bumilis yung pagtibok ng puso ko. "tapos mas nakilala ko siya at yun... hindi ko
na namalayan na mahal ko na pala siya at nasasaktan na ako kapag nasasaktan
siya..." naalala ko din yung ginawa ni Tella kay Ver. nalungkot nga ako pero i tried to
smile.
"wow..." sabi naman niya. panigurado ako nakokornihan na 'to sakin?! "ang korni na
naten! lika na nga?! punta na ulit tayo sa kanila..."
"sige na nga..." sabi ko naman sa kanya. tapos tumayo na kami at pumunta dun sa table
na pinag-kainan namin kanina. andun na silang lahat. nakatingin nga silang lahat samin ni
Kuya Evans. nahalata ko naman nun na napatitig samin si Ver. pero ayaw ko ng pansinin
yung kung ano mang ibig sabihin ng mga titig na yun. umupo na ulit kami dun sa table at
nagpatuloy kami sa kwentuhan.
napagpasyahan namin nun na itry na sumakay dun sa zipline. maikli lang naman yun
tapos halos kaunting segundo lang yun pero sabi nila masaya daw na sumakay dun.
pumila naman kami dun. libre na rin kami nung nalaman na isa kami sa mga estudyante
na nagfifieldtrip. akalain mong covered din 'to ng bayad namin?!! ang taas taas pala nun
kaya medyo nangatog yung tuhod ko. unang, nagtry sila Josh. halos 10 seconds lang yun
then andun na sila sa kabilang dulo. natawa ako dun sa reaksyon ni Prince. nahilo
papagdating dun sa dulo. tawa nga kami ng tawa eh. si Ver din syempre, nagtry. tulad
kanina sa horse back riding, kaming dalawa ni Kuya Evans yung natira.
"Hala, hindi ko ata kaya..." sabi ko sa sarili ko. lumapit naman sakin bigla si kuya Evans
tapos bumulong siya.
"okay lang yan. isipin mo na lang nalipad ka..." sinabi niya sakin ng nakangite. nagsigh
ako nun. this is it na talaga. then, triny ko din siya syempre. katulad ni Prince parang
nahilo din ako pagdating ko dun sa kabilang dulo pero WHOAA. ang saya dun. syempre,
nagtry din si kuya Evans... parang sanay naman siya... siguro nakailang ulit din siya
dito... mayaman naman sila eh..
then yun, nagikot-ikot ulit kami. nakakapagod nga eh. picturan kami ng picturan nun.
kasabay ko na maglakad nun si Gigi. nasa harapan namin si Ver na busy sa pagpipicture
ng mga tanawin. sila Prince, ate Pat at Ate Rits naman ay mabagal na naglalakad sa likod
namin. sila Josh, Gian at kuya Evans naman ay nasa pinakalikod. medyo close naman sila
eh. nageenjoy pa kami ni Gigi sa pagkwekwentuhan ng bigla naming narinig na sumigaw
si Josh.
"Kuya Evans?!" napalingon kaming tatlo nila Gigi at Ver dun sa may likod. Si ate Rits
naman nakita kong biglang lumapit kay Kuya Evans. bigla akong kinabahan nun.
"huy... anong nangyare kay kuya Evans?!!" nagpapanic na nun si Gian.
nagcollapse nun si Kuya Evans. pinagpawisan ako ng sobra-sobra nun pero at the same
time nanlalamig na din ako.
"kuya Evans?" yun na lang ang tanging nasabi ko sa sobrang pag-aalala.
Chapter 27
Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Parang ngang nagslow motion yung mga pangyayare
eh. syempre, dumating na yung mga teachers para tulungan si Kuya Evans. kinuha nila
yung first aid kit. hindi ko na alam kung ano yung nangyayare nun. nakita ko si Ate Rits
na parang pinipigilan niya yung luha niya. tapos feeling ko nun, mas nahihirapan siya
kesa sa nararamdaman ni kuya Evans...
nagulat ako ng hinawakan bigla ni Ver yung kamay ko. naging better din ako nun pero
hindi pa rin mawala sa isip ko kung ano mang nangyare kay Kuya Evans. lalo akong
kinakabahan eh.
"okay lang kaya siya?" napatanong talaga ako nun. naging malapit na rin naman sakin si
kuya Evans eh.
"magiging okay din siya..." sabi naman niya kahit walang kasiguraduhan yung sinasabi
niya. napalingon ako kay ate Rits. biglang tumulo yung mga luha niya. hiniwalay ko
yung kamay ko kay Ver nun tapos lumapit ako kay Ate Rits. tinapik ko yung balikat niya.
"Ate Rits?" pinunasan niya agad yung mga luha niya at ngumite siya ng pafake para itago
lahat ng nararamdaman niya. "Ate Rits naman..." niyakap ko siya ng sobrang higpit nun.
then, dun ko naramdaman na iyak na din pala siya ng iyak. parang nga akong naha-heart

broken dahil sa mga drama ni Ate Rits eh. kahit na parang ang dami ko pang hindi
naiintindihan tungkol sa kanilang dalawa ni kuya Evans, nalulungkot para ako kay Ate
Rits... sa kanila...
"Ate Rits... taha na , okay?" binubulungan ko naman siya nun. kahit na anong gawin ko
naman eh, hindi pa rin siya tumigil sa pagiyak.
inakbayan ko siya nun tapos naglakad kami papunta dun sa mga site na pinagkainan
namin. iniwanan na rin namin sila Ver na busy sa panunuod sa pagresponde nung mga
paramedics kay Kuya Evans. umupo kami ni Ate Rits dun sa upuan. ang lamig ng simoy
ng hangin nun at nagtatago na rin yung araw nun. tiningnan ko yung mukha ni ate Rits.
grabe, pulang-pula siya nun.
"Ate Rits... wag ka ng umiyak... please lang..." inaayos ko yung bangs niya nun na
nadikit na sa mukha niya. pinagpapawisan na rin siya nun kaya nanghiram ako dun sa
classmate niya ng pamaypay para mabigyan siya ng hangin. sumandal siya sakin nun at
walang tigil yung pag-iyak niya.
"nahihirapan na ako..." nahirapan siyang magsalita nun. eto naman akong nahihirapan na
makinig sa kanya. ewan ko ba. parang may kumurot sa puso ko. parang nakafeel ako ng
mga durog ng puso nung narinig ko na magsalita si ate Rits.
"bakit Ate Rits??" nagaalala na din ako kay Ate Rits nun. wala kasi talaga akong kaalamalam
eh. parang wala akong kwentang kaibigan... hay nako naman...
"hindi ko kaya makita na si Evans ng ganun..." lalo siyang umiyak nun. pinat ko yung
likod niya kahit na alam kong walang magagawa yun para pagaanin yung loob niya.
"Ate Rits, mas nakakasigurado ako na mas ayaw ka niyang nakikitang umiiyak..." sana
naman sa sinabi kong 'to sana naman umayos na din yung pakiramdam niya. nage-effort
talaga ako para lang patigilin siyang umiyak no!
"kawawa si Evans... kawawa siya, Vher..." nanlaki yung mata ko nun. wala talaga kasi
akong kaalam-alam tungkol sa kung ano mang meron kay kuya Evans. tanging favorite
flower, color, number, ideal girl, date at kung ano mang walang kwentang bagay ang
alam ko tungkol sa kanya. wala namang isang konektado sa pagiging kawawa niya. pero
nafeefeel ko eto na siguro yung malaking bagay na wala akong kaalam-alam kay Kuya
Evans. kinabahan ako nun. pinat ko pa lalo yung likod ni Ate Rits nun. wala akong
masabi. parang ayaw kong makimasok sa hindi ko naman business. feeling ko kasi
nagiging pakielamera ako kung ganun.
"basta please... Ate Rits... wag ka na umiyak..." pero sa sinabi kong yun, bumuhos pa din
yung luha niya. umupo na din siya ng diretso nun. nahihirapan na nga rin siya sa
paghinga eh. nakikita ko naman yung mga estudyante sa paligid namin na
pinagbubulungan ko. mga chismosa. badtrip naman ohh.
"alam mo ba yung feeling na... gusto mong gumawa ng isang bagay para sa kanya pero
kahit anong i-effort mo, wala lang... parang hindi tumatatak sa isipan niya yung mga
ginagawa mo para sa kanya..." napatitig ako nun kay Ate Rits. biglang bumilis yung
pagtibok ng puso ko. kinakabahan ako. grabe. "lahat ng efforts ko wasted para kay
Evans... kahit anong gawin ko... wala akong nagawang malaking bagay para sa kanya..."
"ano ka ba Ate Rits? sigurado ako na naappreciate ni kuya Evans yun..." convincing
words. dun ko lang narealize na hindi ako natulong sa kanya. parang mas pinapaasa ko pa
siya. mas sinasaktan ko ata siya...
"naiingit nga ako sayo eh..." she faked a smile nung sinabi niya yun but then luha pa rin
siya ng luha.
"b-bakit?" medyo nagulat ako nun. anong kaiinggitan sakin? eh halata namang mas
lamang ng ganda sakin si Ate Rits... may talent pa siya... eh ako wala...
"kasi kahit anong bagay na gawin mo, napapangite mo si Evans... napapasaya mo siya...
isang ngite mo lang... nangite na din siya..." hindi ko alam kung anong magiging
reaksyon ko nung sinabi yun ni Ate Rits. napatungo siya nun tapos iyak siya ng iyak.
lalong bumilis yung pagtibok ng puso ko. ayokong gumawa ng mga conclusions nun...
"Ate Rits?" yun na lang ang nasabi ko. wala naman kasi talaga ata akong masasabi na
matino eh.
"ang sakit sakit na..." bumuhos lalo yung luha niya. nakita kong sinarado yung fist niya
tapos rinig na rinig ko yung bawat paghikbi niya. alam kong nahihirapan na siyang
huminga nun. "sobrang mahal ko siya... at sobrang sakit na..."
parang tinusok ng isang milyong karayom yung puso ko. feeling ko ako yung dahilan
kung bakit nagkakaganito si Ate Rits.
"sorry..." wala na talaga akong masabi sa kanya. medyo naluluha na din ako nun. alam ko
kung gaano kasakit yung nararamdaman ngayon ni Ate Rits. miski ako, naramdaman ko
yun ng mahal pa ni Ver si Tella. at sobrang sakit nun... as in sobra... umupo na ng maayos
si Ate Rits nun tapos tumingin siya sakin ng diretso...
"no need to be sorry Vher... naging isang mabuti kang kaibigan para sakin..." sabi niya
sakin nun kahit na nahihirapan na siya sa pagsasalita. "wala na rin naman akong pakielam
kung mahal niya ako o hinde... kung mahal niya lang ako as best friend... wala na akong
pakielam dun...basta ako sobrang mahal ko siya..." pinipigilan niya yung pagbuhos ng
luha niya. "kaso ang sakit kasi eh.." medyo naguluhan ako dun. kung tanggap niya na
hindi siya ang gusto ni kuya Evans... ano pang masakit??
"sorry talaga ate Rits..." pero kahit ganun, andun pa rin yung guilt feelings sakin.
"kaya sana in behalf of me... pasayahin mo siya..." tumingin siya sakin ng diretso tapos
nag-fake siya ng smile. wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya pero tumango na
lang ako. "sana wag mo ng saktan yung puso niya because it's already broken..."
kinabahan ako dun sa sinabi niya.
"h-ha?" napa-ha na lang talaga ako nun. kung kanina sobrang bilis ng pagtibok ng puso
ko, ngayon naman tila tumigil na 'to sa pagtibok.

"alam ko na mas nasasaktan na siya ngayon kesa sakin..." umiiyak ulit nun si Ate
Rits. "ako kasi... heart broken lang.... tapos siya..." napatigil pa siya nun. parang ngayon
naiintindihan ko na... parang ngayon lahat ng tanong ko nasagot na din..."yung sa kanya
mas malala pa..." naluluha na din ako nun. sana hindi tama ang hinala ko. "kasi baka
buhay niya, mawala na din..." napahawak ako sa bibig ko nun tapos tumutulo na din yung
luha ko. parang nagcontinue ulit yung puso ko sa pagtibok nun but very much faster. "i
have a broken heart... while he has an unstable heart..." iyak ako ng iyak nun. napahawak
ako dun sa left side ng chest ko... puso... puso ang problema... "yun ang masakit dun
eh..." napaluha si Ate Rits nun. "masakit na mawala siya... yun ang hindi ko kaya...."
nagsink-in sa utak ko ang lahat... unti unting bumabalik yung mga memories sakin...
parang sumasakit yung puso ko nung narinig ko yung lahat ng yun galing kay Ate
Rits...kaya pala nagcollapse siya nung sa Intrams... kaya pala pumunta siya States...
paano kung nagpagamot pala siya dun?? kaya din siguro... binubuo agad nung daddy niya
yung bahay sa kanya... ang sakit sakit... grabe... na malaman na ang isang kaibigan mo...
may nararamdaman pa lang ganun... tapos wala kang magawa... ang sakit sakit lang...
hindi ko mapigilan yung pag-agos ng luha ko nun... parang ako yung may sakit eh...
parang ako pa yung mawawala eh...
"'hindi yun pwede..." napasabi pa ako ng ganun kahit na alam kong ginagawa ko lang yun
para pagaanin yung loob ko.
"it's confirmed..." hindi pa rin natigil yung pagluha ni Ate Rits nun... "he's dying..."
Chapter 28
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Dun ko narealize na hindi ko pa nga
talaga kilala si Kuya Evans... pero bakit hindi niya sakin sinabi yun?? hindi ba ako
mapagkakatiwalaan?? napapaisip na naman ako eh... lalong sumasakit yung ulo ko...
syempre, pinasakay na kami ng mga teachers sa respective buses namin. tinanong ko
yung adviser nila kuya Evans kung nasaan siya. lalong bumilis yung pagtibok ng puso ko
nung nalaman ko na linagay na siya sa ospital. grabe, sobrang tahimik ko nun nung pauwi
na kami. nag-alala naman ako nun kay Ate Rits. ano na kayang ginagawa niya dun sa bus
niya? umiiyak pa din kaya siya?? nakipagpalit ako ng pwesto nun kay Gigi... mas gusto
ko dun sa bintana... para makakita naman ako ng nature... baka mapagaan pa nun ang
loob ko... napatingin ako kay Ver... kinakabahan din kaya siya katulad ko?? alam kaya
niya??
traffic nun. hindi naging madali sakin na pigilan yung mga luha ko habang nagsisink-in
sa utak ko yung mga posibleng mangyare kay kuya Evans. hindi naman sa gusto ko
siya... kaibigan ko lang siya... sino namang tao sa mundo ang gustong mawalan ng
kaibigan diba??
binaba kami dun sa school namin. magkakasabay kami nila Gigi, Ver, Gian, Prince at
Josh sa pag-uwi. dapat isasabay na rin namin si Ate Rits pero sabi niya pupuntahan pa
daw niya si Kuya Evans dun sa ospital na pinaglagyan niya... siguro mahal na mahal
talaga ni Ate Rits si kuya Evans... naguilty na naman ako nun... naisipan ko na rin kung
bukas kaya eh bumisita ako kay kuya Evans kahit saglit lang...
ang tahimik ko buong byahe namin papunta sa mga bahay namin... out of words pa din
ako eh... feeling ko hindi ako makakatulog... hindi rin naman nagtagal ng nakauwi na din
ako sa bahay namin... kwinento ko kay mama ang lahat... iyak nga ako ng iyak... dun niya
lang rin naintindihan kung bakit nila minamadali yung bahay... mahal na mahal din ng
daddy ni kuya Evans yung anak niya eh... tingnan mo? sa mga huling sandali ng anak
niya... itra-try niya na ibigay lahat ng gusto ni Kuya Evans... para lang maging masaya
siya...
tumaas na ako sa kwarto ko nun. nagshower at nagpalit ng damit. napahiga ako dun sa
kama ko. napatitig ako dun sa ceiling. nafeel ko nun yung pagtibok ng puso ko... naiisip
ko... paano kaya tumibok ang puso ni kuya Evans?? mahirap ba yun?? masakit pa yun??
tumayo muna ako nun. napagpasyahan ko na buksan yung pintuan. medyo nagulat naman
ako ng makita ko si Ver na nasa labas din nung kwarto niya at nakatambay lang siya dun
sa bridge. tinabihan ko lang naman siya nun at napa-sigh. siguro, alam niya na rin no?
"okay ka lang?" tanong naman niya sakin na may halong pag-aalala...
"syempre naman... wala akong sakit..." naluluha ako nun. kahit na kasi sa maiksing
panahon ko lang nakilala si kuya Evans, naging malaking parte rin siya ng buhay ko.
"gusto mo bang bumisita sa kanya bukas?" napatingin ako sa kanya.
"oo naman..." sagot ko naman.nakita ko siyang ngumite nun. hindi ko alam kung bakit.
"sige... sasamahan kita basta wag ka ng umiyak ha?" sabi niya sakin sabay hawak nung
kamay ko. nanlamig nga ako nun eh. masyado siyang naging thoughtful... lalo akong
naiiyak sa mga kinikilos niya.. Haha... joke!! tumango na lang ako sa kanya then pinilit
kong ngumite... "yan... ngumite ka lang..." then ngumite din siya pabalik...
halos 9 pm na rin nung napagpasyahan na naming magpahinga na ni Ver. Nakatulog
naman ako kaagad. feeling ko nga namaga na rin yung mga mata ko dahil sa pag-iyak.
hindi ko na rin naman namalayan ang continuous 10 hours ng pagtulog ko. nagising ako
ng mga 7 am nun. nag-almusal ako. syempre, dating gawi diba. tumaas ulit ako sa kwarto
ko nun para buksan yung pintuan ko. kumatok ako dun sa pintuan ni Ver na as usual eh
naka-lock.
"Teka laaangg!!" sigaw naman niya. natatawa nga ako eh. parang kasing natataranta siya
na ewan. parang ngang pag pinakinggan mo yung loob ng kwarto niya parang merong
mga bagay na naghuhulugan tapos parang feeling mo ang dami ng nabasag sa loob. grabe
lang eh.haha. then in a matter of seconds, binuksan niya na rin yung pintuan. pawis na
pawis pa nga siya nun eh.
"oh? alis na tayo?" tanong naman niya sakin. nakakatawa yung itsura niya. ang gulo gulo
pa ng buhok niya nun.

"oo... maligo ka na!" sabi ko naman sa kanya.


"sige sige... ikaw din oy!! wag kang babagal-bagal..." ang yabang niya talaga forever eh!
Haha.
"aba, eh mas mabagal ka pa sakin no!!" nginitian niya ako nun tapos pumasok na siya
dun sa kwarto niya. ako naman etong parang kinilabutan pa dahil sa kilig. Haha. pumasok
na din ako sa kwarto nun para kumuha ng damit. naligo na rin ako nun ng dali-dali.
nagsuot lang ako ng jeans ko nun pati isang simpleng t-shirt. bumaba na ako nun sa first
floor. nagpaalam ako kay mama na pupuntahan ko si kuya Evans.. syempre, pumayag
siya kaagad... lumabas na ako ng bahay namin... nagulat naman ako ng naunahan pa ako
ni Ver...
"Wow... improving..." pang-aasar ko naman sa kanya. "baka sa sobrang pagmamadali
mo, nakalimutan mo ng suotin yung brief mo!"
"loko ka... lika na nga..." yinaya niya na ako nung umalis. syempre, naglakad kami
papuntang clubhouse. namiss ko namang imention yung pogi sa tindahan. Hahaha. tapos
nagjeep na kami papunta dun sa ospital na malapit sa SM. sabi kasi ni Ate Pat, dun daw
nilipat si Kuya Evans. asa namang magstay si kuya Evans dun sa ospital sa tagaytay no!
over naman yun... hindi masyado traffic nun kaya medyo mabilis na din kaming
nakapunta dun sa ospital... lumapit kami dun sa information para tanungin kung saang
room si Gian Evans Javier..
"Room 516 po ma'am.." sabi sa amin nung receptionis. nagthank you naman kami dun
tapos dumiretso kami sa elevator. naalala ko tuloy nung sinundan ko papunta dito si Ate
Rits. sa same elevator rin na 'to na sinasakyan namin ni Ver. kaming dalawa lang ni Ver
yung nasa loob nung elevator. tumingin ako dun sa salamin sa gilid ko. nakikita ko dun si
Ver. ewan ko ba. kinikilig ako. Hahaha.
tumunog na din yung elevator. ibig sabihin nun nasa 5th floor na kami. hinanap namin
yung 516 na room. hindi naman kami masyado nahirapan, nakita namin agad yung room
516. kumatok kaming dalawa ni Ver dun. binuksan namin ng maliit lang. feeling ko hindi
kami nahalata nung dalawang tao na naguusap dun sa loob nung kwarto ni kuya Evans.
mas sinilip ko pa. nakita ko na magkausap nun si Kuya Evans at Ate Rits. nakaupo si
Kuya Evans dun sa kama niya tapos parang pinapagalitan niya si Ate Rits nun.
"wag ka nga kasing mangielam..." yun yung mga salitang narinig ko galing kay kuya
Evans. sinarado ko gently yung pintuan tapos tumingin ako ng diretso kay Ver.
"dyan ka lang Ver ha? papasok muna ako..." tumango lang naman nun si Ver tapos
pumasok ako dun sa kwarto ni kuya Evans. napatingin si Ate Rits at kuya Evans sakin.
feel na feel ko yung tension sa air. nakita kong umiiyak nun si Ate Rits.
"Vher?" parang nagtataka pa siya na makita ang presensiya ko...
"okay ka na ba?" ang stiff ko nun. nung tinanong ko sa kanya yun parang wala akong
emosyon.
"Oo naman... nag-collapse lang ako dala ng init ng pana-" pinutol ko agad yung sasabihin
niya. bakit ba kasi kailangan pa niyang magsinungaling?! pwede namang sabihin niya na
lang sakin na may sakit siya sa puso diba!!?
"alam ko na, okay? hindi mo na kailangang magsalita..." nanlaki yung mata niya nun.
mas umiyak nun si Ate Rits kaya napatingin ako sa kanya. nakita kong napatungo nun si
kuya Evans.
"Rits..." parang nanginginig pa nga siya nun eh... alam kong bawal yun eh..."bakit mo
sinabi??"parang nataranta nun si Ate Rits...
"kuya Evans??" parang takot na takot siya nun tapos hindi maubos yung luha na nalabas
mula sa mga mata niya.
"wala siyang kasalanan okay?!! ikaw! nahihibang ka na ba?! hindi mo ba napapansin na
ang dami-dami niyang ginagawa para sayo?!" sinigawan ko si kuya Evans nun na parang
ako yung mas matanda sa kanya.
"wala akong pakielam..." sinabi yun ni kuya Evans kahit feeling ko sobra siyang
nahirapan sa pagbigkas ng mga salitang yun. pero saktong sa moment nun ng umiyak ng
husto si Ate Rits tapos lumabas agad siya ng kwarto... wala man lang akong nagawa sa
para pigilan siya... alam kong hindi sinasadya ni Kuya Evans na sabihin yun...
"bakit ka ba ganyan? bakit mo ba pinapahirapan si Ate Rits?!" tanong ko naman sa
kanya. nanlalamig yung buong katawan ko nun...
"hindi ko siya pinapahirapan... siya ang nagpapahirap sa sarili niya..." wala akong
naintindihan dun sa sinabi niya pero dahil dun lalong bumilis ang pagtibok ng puso
ko. "magmamahal na nga lang siya.... sa mamamatay pa..." unti-unting nagsink-in sa utak
ko yung mga sinasabi ni kuya Evans...
"mahal na mahal ka ni Ate Rits... alam mo naman yun diba??" gusto ko sa kanya
ipamukha yung pagbabalewala niya kay Ate Rits nun.
"kaya nga eh! alam ko! kaya pinipigilan ko siya?!! kaya nilalayuan ko siya?!! kaya
iniiwan ko na siya ngayon pa lang kasi alam ko kapag iniwan ko siya, mas masakit yun sa
kanya?!!" napasigaw nun si Kuya Evans. bumilis yung pagtibok ng puso ko sa sobrang
kaba. naluluha na ako nun "best friend ko siya... syempre, importante siya sakin... mas
nasasaktan ako na layuan siya... sana maintindihan niya yun diba?!" nakita kong may
namumuo ng luha sa mga mata ni kuya Evans. ramdam ko nun yung mga emotions niya.
pinipigilan ko na ding umiyak nun. "hindi ako pwedeng maging masaya..."kinilabutan
ako nung moment na sinabi niya yun... "kasi baka ikamatay ko yun pero pag andyan siya,
napapasaya niya ako ng sobra sobra..." parang tumigil ulit yung pagtibok ng puso
ko. "hindi ako pwedeng malungkot..." napatigil siya nun...
"pero pag wala siya... sobrang lungkot mo naman..." napatango siya nun. naiintindihan ko
na... mahal nga niya talaga si Ate Rits... kaso natatakot siya na mas masaktan si Ate Rits
kapag nawala siya... finally... namumulat na ako sa katotohanan... parang tumigil dun

yung conversation namin nung biglang pumasok yung doctor sa loob... pinalabas na ako
ng doctor nun... saktong paglabas ko ay sinalubong ako ni Ver... naluha agad ako ng
makita ko siya... kaya naman niyakap niya ako ng sobrang higpit nun...
napaupo na lang kami ni Ver dun sa upuan sa tapat nung room ni kuya Evans... tinanong
ko na rin kay Ver kung saan nagpunta si Ate Rits pero hindi na rin pala niya nakausap si
Ate Rits dahil masyadong mabilis yung pagtakbo niya... ilang minutes lang ang nakalipas
nung lumabas na ulit yung doctor...
"doc?" pagtawag ko naman sa kanya.
"kapatid ka ba ng pasyente?" tanong naman niya sakin. siguro akala niya, kamaganak
ako ni Kuya Evans.
"hindi po... kaibigan niya lang po ako... gusto kong lang pong malaman kung ano na pong
karamdaman niya?" sabi ko naman kay doc.
"sorry pero sa mga kamag-anak muna namin pinapaalam ang mga sitwasyon na
ganito..." umalis nun yung doctor pero sinundan ko siya ng lakad. alam kong sinundan
ako nun ni Ver. binilisan ko yung paglakad ko nun para maabutan lang yung doctor.
"sige na po... gusto ko lang malaman... please..." feeling ko nung una, nagdalawang isip
pa yung doctor pero sana sa pagpupumilit kong 'to ay mapapayag ko na siya... nagsigh
muna yung doctor then nagstart na dun sa mga findings nila tungkol kay Kuya Evans..
"He's got 3 more months to live..." ang bilis ng pagtibok ng puso ko nun. "mahirap
makahanap ng heart donor para sa kanya... mahirap tyumempo and ayaw niya ring
magstay sa ospital... sa tutal nga... milagro na 'tong pagkabuhay niya for 16 years dahil
mahirap na kalaban ang heart disease na nasa kanya..." napaluha talaga ako nun. "he's
been struggling with it since he was born... bawal siyang ma-excite... bawal siyang
maging masaya... bawal din namang sobrang lungkot..."
ang bilis ng pagtibok ng puso ko. parang ngang hindi ko kakayanin eh. halos hindi ko na
rin narinig yung iba pang sinabi nung doctor. parang hindi ko na rin napansin na wala na
din siya sa harapan ko. napaupo ako dun sa sahig sa sobrang lungkot... nafeel ko nun na
niyakap ako ni Ver... and hindi ko na rin napigilan na mapaiyak nun...
Chapter 29
Lumipas ang ibang days ng hanggang umabot na sa sembreak namin. halos wala ding
progreso ang buhay ko. ang boring na nga ng buhay ko. sa umaga, kakaen ng almusal at
magcocomputer. sa hapon, matutulog o di kaya makikipagkwentuhan kay Ver. sa gabi
naman, computer na naman o di kaya magtetext ako. sobrang boring na, narealize ko rin
naman matagal na ding hindi nakakapagonline si Kuya Evans. wala na rin kaming
communication ni Ate Rits. Tiningnan ko naman yung calendar... napasigh ako ng
malaman ko na birthday pala ni Tella bukas... October 28... Ano kayang iniisip ngayon ni
Ver? minsan nga naiisip ko na mahal pa din ni Ver si Tella... ewan ko ba... naiinsecure
lang ako... iba kasi talaga ang karisma ni Tella eh... ngite pa lang niya... taob na taob na
ako...
hapon na ngayon ng October 27... hindi ko nga alam kung bakit ba ang init-inti eh...
binuksan ko yung pintuan ko and nakita ko si Ver na nakatambay pa rin dun sa bridge...
siguro... nagpapahangin din siya... linapitan ko siya nun...
"huy... sabay na ba tayong pumunta bukas sa kanya?" tinanong ko naman siya tungkol sa
pagdalawa naming dalawa kay Tella.
"h-ha? baka hindi ako makasabay sayo eh..." sabi naman niya. nagtaka naman ako dun.
"bakit naman?" wag niyang sabihin na pati siya may tinatago no?!! nginitian niya lang
naman ako nun tapos pumasok siya bigla dun sa kwarto niya. napanganga nga ako nun
eh?!! tamang hindi sagutin yung tanong ko?! badtrip naman oh.. hindi ko na lang naman
yun pinansin... nagpahangin na lang ako... medyo mahangin nga sa labas kaya naman ang
sarap sa feeling... tinext ko naman nun si Gigi na sabay kaming pumunta bukas kay na
Tella kaso umaga siyang pupunta dun para bumisita kaya hindi rin ako makakasabay sa
kanya... may pupuntahan daw kasi silang pamilya sa hapon so... solo flight pala ako
bukas... ano ba naman yan?! pero okay na din yun... makikipagkwentuhan ako kay Tella
ng mag-isa?!! hahaha.
pumasok na din ako sa kwarto nun. naligo muna ako nun at syempre, nagpalit ng damit.
naisip ko naman na maglakad-lakad muna sa subdivision namin. nagpaalam naman ako
kay papa... wala kasi si mama... inaasikaso yung bahay na pinapagawa nila Kuya Evans...
grabe, kinacareer na talaga... pumayag naman agad si papa kasi dyan dyan lang naman sa
tabi-tabi... so yun, dumaan ako dun sa tindahan nung pogi... bumili naman ako ng goya
dun... dalawang piraso... ang gugulo pa nung mga katropa niya na nakatambay dun sa
tindahan nila... nakaka-irita lang eh... nung paalis naman na ako sa tindahan nila, narinig
kong sumigaw si kuya pogi..
"goodluck sa lovelife mo ate ha!!" nakangite niyang sinabi. inirapan ko lang naman siya
pero napangite din ako nun. haha. ewan ko ba. natatawa lang ako sa mga tao ngayon.
dumaan ako dun sa chapel. pumasok ako dun na parang first time kong nakapasok dun.
then, umupo ako sa isang pew at nagdasal ako... ano nga bang idadasal ko??...
sana... maging maayos na si kuya Evans...
sana... sana po alagaan Niyo di mama, papa, Tami, Bojie, Gigi at higit sa lahat si Ver...
sila yung mga tao na pinaka-iingatan ko...
syempre... sana po gabayan niyo si Ate Rits at yung tatlong mokong... please... sana wag
Niyo ng kunin man lang ang isa sa mga kaibigan ko... okay na si Tella ang andyan...
sigurado... akong masaya siya sa piling Niyo. Okay. Amen.
Tapos ang dasal ko. tumayo naman ako nun tapos lumabas ako dun sa chapel. naglakad
ako nun papunta dun sa clubhouse kahit na tirik na tirik yung araw. nadaanan ko nun
yung bahay nila Kuya Evans. may nakita nga ako dung matanda eh na nagdidilig ng mga
halaman sa tapat nila... nung dumaan nga ako dun, grabeng makatingin sakin yung

matanda eh... siguro gardener nila yun kaya hindi ko na rin pinansin... tumambay na lang
ako dun sa parang stage dun sa clubhouse ng phase namin... syempre, kinaen ko magisa
yung dalawang piraso ng Goya ko... wa-epek ata 'tong mga chocolate sakin ngayon...
hindi man lang gumaan ang loob ko...
naglakad-lakad naman ako dun sa playground... medyo hindi na rin pala 'to naaalagaan
no... ang dami ng dahon na nakakalat sa lupa... umupo ako sa isang swing dun...
napatingala ako nun... ang ganda dun... dala ng mga puno na nakatayo dun ang malamig
na simoy ng hangin... napapapikit ako nun... parang merong hangin na umihip sa tenga
ko... naalala ko nun si Tella... lagi niyang ginagawa yun sakin eh... napamulat ako nun...
at dun ko narealize na nawala na nga pala siya para gumawa nun... kaso may sensation na
naman ako na may umihip na naman sa tenga ko... kinilabutan ako nun... ewan ko kung
matatakot ako o hinde pero dahil dun, gumaan naman yung loob ko...
umalis na ako sa swing nun... nakita ko yung court kung saan may mga kalalakihan na
naglalaro ng basketball... wala naman talagang importanteng tao kaya wapakels na din
ako... parang wala na din akong magawa so napagpasyahan ko na ding bumalik sa bahay
namin...
muli kong nadaanan yung bahay nila kuya Evans... nakita ko na naman yung matanda na
gardener ata nila... nakalagpas na ako nun nung narinig ko na tinawag ako nung
matanda...
"Miss!!" napalingon naman ako nun. "Iha? ikaw ba si Vher?" sa totoo lang, hindi naman
talaga ako kumakausap ng strangers. nakakatakot kaya!! hindi ko kaya kilala yung
lalakeng 'to kahit na medyo familiar yung mukha niya. hindi naman ako makapagsalita
nun. "ayy sorry... by the way... I'm Evans' dad..." lumabas siya nung gate nila tapos
lumapit siya sakin. nagulat naman ako dun na ang isang mayaman na tao, nagdidilig ng
mga halaman?!! "you're Vher right??"
"uh...opo..." nakipagshake hands siya sakin then hinila niya ako sa loob nung terrace nila.
nagulat nga ako dun. parang close kami ng tatay ni kuya Evans!?! Haha.
"pasok ka... dati pa kita gustong makilala..." dati pa?!! nawindang naman ako nun.
binuksan niya yung pintuan para sakin then pinapasok niya ako. ang bilis ng pagtibok ng
puso ko. sobrang lawak nung bahay nila. at amoy na amoy mo na mayaman nga ang lahi
nila. ang sosyal nung sofa at mga appliances. parang mas mahal pa kung ipagbebenta mo
ang katawan mo sa mga sindikato. Haha.
"upo ka...iha?" speechless naman ako nun. nakanganga ata nga ako nun eh. haha. umupo
naman ako dun sa sofa. kinabahan nga ako kasi baka masira ako. ang tongek ko din no?!
haha. "Ate!!"tawag naman niya sa katulong nila.may babae naman na lumabas mula dun
sa kitchen nila."paghanda mo siya ng merienda..." nagulat naman ako dun.sumunod agad
yung katulong niya. napatingin ako dun sa paligid ko. "sige... teka lang ha?? may
gagawin lang ako sa taas..." tumango ako nun tapos ngumite ako then umalis muna siya.
napatayo ako nun para makapagtingin-tingin dun sa buong sala...
meron akong natanaw na tokador na parang nag-caught ng attention ko... may nakita
akong mga picture frames... puro family portraits lang... tapos picture ni kuya Evans na
nasa hospital... bumilis yung pagtibok ng puso ko tapos parang kinilabutan ako... then
napatingin naman ako dun sa familiar na sketch pad... sigurado ako na eto yung ginamit
ni kuya Evans na sketchpad nung drinawing niya ako...
tiningnan ko yung mga first pages... nung una, parang mga sceneries lang... napatigil ako
sa isang page... isang page na parang isang fresh memory sakin... sigurado ako na eto ay
isang memory nung bata pa ako... napahawak ako dun sa papel... isang drawing kung
saan bata pa ako at meron akong kausap na bata tapos basang-basa kami tapos parang
pinapagalitan ko yung batang lalake na kasama ko dun... kinilabutan ako nun... eto yung
nangyare nung niligtas ko yung buhay ni Ver... pero paano... paano niya madra-drawing
'to??
unti-unting nagsink-in sa utak ko. naalala ko yung isa sa mga sinabi ni Kuya Evans sakin
nung mga last week...
"uhm... crush at first sight... sa isang resort pero nakalimutan ko na kung saan...bata pa
ako nun eh..."
paano kung eto yung ibig sabihin niya?? paano kung ako yun? naguguluhan na talaga ako
ng mga panahon na yun?? nagflip ulit ako ng pages... halos wala namang kabuluhan yung
iba... then, napatigil ako sa isang page... isang drawing ng isang babae na naka-sunday
dress sa chapel... tiningnan ko ng mabuti yung babae na drinawing niya... then, nagrush
yung mga memories sakin pabalik...
Flashback
Nagsisimba kami ng buong pamilya ko dun sa chapel nun. ang gandang panimula sa
isang sunday morning. halos wala pa akong kamuang-muang sa mga nangyayare sa
chapel na yun... basta ang alam ko eto na yung moment kung saan hahalik ako kay mama
at papa... kumbaga... giving of peace... nagulat na lang lahat ng mga tao ng may narinig
silang lalakeng nahulog sa sahig.... dun nagkagulo yung mga tao...
"anak??" yun yung sigaw ng isang lalakeng matanda na parang tarantang-taranta na
makita ang isang bata na siguro malapit sa edad ko na nakahiga na sa sahig... napasilip
ako dun sa mukha nung bata na hirap na hirap sa paghinga.... nakakatitig siya sakin... at
ang nakakalito pa dun... ngumite sakin yung bata... kahit na hindi naman kami
magkakilala...
End of Flashback.
What if kung siya yung bata na yun?? lalong bumilis yung pagtibok ng puso ko nung
muli kong naalala yung kadugtong ng mga sinabi sakin ni kuya Evans...
"... like at second sight... sa Chapel..."
ang bilis ng pagtibok ng puso ko nun... nagflip ulit ako ng pages nung nakita ko ang isang

portrait ko na naka-school uniform... sigurado na ako na ako talaga 'tong babaeng 'to...
"love at first meeting... sa school..."
ang daming nagbabalik sakin na memories... naalala ko tuloy bigla yung unang paguusap
namin sa gotohan..
"Uhm... Appreciative... Cute... Uh... Eyes? Okay na din kahit singkit... Braces? Okay na
din kahit meron... Skin? Uh... Okay na din kahit morena..."
"Uh...ikaw? Okay na din..."
biglang tumulo yung luha ko nun. hindi ko din alam kung bakit... hindi ko na rin naman
maintindihan yung sinabi ko... napalingon ako sa likod ko nun then nakita ko yung
daddy ni kuya Evans na nagpalit ng malinis na damit... pinunasan ko agad yung luha ko
nun... nakakahiya naman tapos binalik ko yung skecth pad dun sa tokador...
"nasilip mo na pala..." sabi naman niya sakin. frozen ako nun... nakita ko yung sarili ko
sa reflection sa bintana... ang pula-pula na pala ng mukha ko... pinunasan ko ng kamay ko
yung mukha ko... tiningnan ko ng diretso yung daddy ni kuya Evans... "solong anak ko
yan..." he tried to smile pero kita sa mga mata niya na may mga namumuong luha sa mga
mata niya. naawa ako sa kanya... ang sakit na malaman mo na mas mauuna pa sayo ang
anak mo... "funny, isn't it?" bigla niyang sinabi. nakita kong may tumulo na mga luha dun
sa mga mata niya. napatingin naman ako dun sa katulong nila na may dalang tray ng
cookies ata pero hindi makalabas dun sa kitchen dahil pati siya eh pinipigilan yung pagiyak...
"my dying son has been in love with..."
triny kong i-catch yung breath ko nun... parang nahihirapan akong huminga nun... ang
dami kong nalalaman... parang hindi kakayanin ng utak ko...
"...you..."
Chapter 30
Speechless ako ng mga oras na 'to. ang bilis ng pagtibok ng puso ko. napahawak ako dun
sa left side ng chest ko. ayaw ko maniwala sa mga sinasabi ng isipan ko sakin... ang hirap
lang kasi talagang paniwalaan eh...
"nagkakamali po ata kayo..." ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako ganito... pinipilit ko
pa yung mga bagay-bagay kahit na obvious na sa mga paningin ko yung katotohanan. ang
hirap kasing tanggapin eh... parang ang hirap mag-decide kapag ganito...
"no way..." sabi sakin nung daddy ni Kuya Evans. naluluha siya nun. gentle naman na
naglakad yung katulong sa sala tapos linagay niya yung tray of cookies dun sa center
table... naririnig ko nga yung mga sobs niya eh... siguro, matagal na siyang katulong dito
at napalapit na rin siya ng husto kay Kuya Evans...
"si Ate Rits po talaga ang gusto niya... hindi po ako..." ewan ko ba kung bakit ko sinasabi
'to. napalunok ako nun.
"Margarette??" si Ate Rits yun. parang napaisip pa nung mga panahon na yun yung
daddy ni kuya Evans... please let it be her... ayoko na mainlove sakin si kuya Evans...
kasi baka madala ako ng awa ko sa kanya... nahihirapan akong huminga nun kahit na
wala naman talaga akong hika... naninikip nun yung dibdib ko... dala siguro ng rush of
emotions...
"opo..." triny ko pa din na magsalita nun kahit na hindi lang rush of emotions ang
nararamdaman ko nun... rush of words din sa utak ko yung pumapasok sakin... hindi ko
alam kung paano ko ieexplain 'to pero sa sobrang bigat ng problema na nalaman ko...
parang pati ako nadadala eh... ganito pala yung nararamdaman ni Ate Rits noon... ganito
pala kasakit yun...
"Margarette is a very good friend to Evans... sa totoo lang... parang magkapatid na yung
dalawang yan eh..." lumapit siya dun sa tokador na pinakaeleman ko kanina. then meron
siyang kinuha na picture frame na hindi ko naman masyado napansin kanina... nakita ko
na picture yun ni Kuya Evans at Ate Rits... "This girl has a very charming smile..." nagagree
ako dun. sobrang ganda ni Ate Rits kaso parang wala lang appeal... parang may
sadness kasi palagi sa mga mata niya eh..."pero ever since nung malaman niya yung
tungkol sa sakit ni Evans, nag-fade na rin yung mga ngite niya..." nakita kong hinawakan
niya yung picture na yun then gently, binalik niya yung picture frame dun sa
tokador...tumingin siya sakin ng diretso nun... "That's why galit na galit sakin si Evans
nun..."
kinabahan ako nun. ewan ko kung bakit. nagpatuloy ulit yung daddy ni Kuya Evans sa
pagsasalita."Nabanggit ko kasi bigla kay Margarette eh..." nakita kong lumuha siya
nun. "Kaya yun... ako ang may kasalanan..."
naka-feel ako ng awa dun sa daddy ni kuya Evans. ang sakit sakit talaga...
"Ako rin palagi ang may kasalanan eh..." nagsigh ako nun... "Ako yung dahilan kung
bakit nawalan si Evans ng will to live..." naiyak na siya nun. napapaluha na nga rin ako
nung mga panahon na yun eh. ang sakit eh... tagos sa puso... "but the thanks to
you..." nanlaki yung mata ko nung sinabi niya yun.
"po?" nagtataka kong tanong sa kanya...
"the moment he first saw you saved that boy... dun niya narealize kung gaano
kaimportanteng mabuhay... alam niya na mamamatay na yung boy nun sa pagkalunod
pero bigla kang dumating para iligtas siya... na-touch si Evans dun... and simula nun...
pinangarap na niyang ma-meet ka..."nagpumilit sa ngite yung daddy ni kuya Evans...
bumilis ulit yung pagtibok ng puso ko... wala akong ineexpect na ganito eh... "kaya
thanks to you..."
nagreach-out siya sakin ng hand.. tinanggap ko naman yun at nakipagshake hands ako sa
kanya... hindi ko alam kung bakit...
"thank you..." parang nalulunod ako sa pasasalamat nun. "thank you kasi binigyan mo ng
pag-asa ang anak ko..." bumuhos na yung luha nun. nanlaki yung mata ko nun. "Nawala
na sakin ang asawa ko ng hindi nakikita ang anak niya... ngayon naman... kung

mawawala man sakin si Evans... gusto ko sana na masaya siya..."


Parang nadurog yung puso ko nung sinabi yun ng daddy ni kuya Evans. hiniwalay na rin
niya yung kamay ko nun. grabe, awang-awa ako sa daddy niya nun... nawalan na siya ng
asawa then ngayon... malalaman niya na mawawala na din yung solo niyang anak... ang
sakit lang... sobrang sakit lang...
"I'm so sorry..." yun na lang yung nasabi ko. napatango lang naman nun yung daddy ni
kuya Evans. nagulat naman kaming dalawa ng biglang bumukas yung pintuan papunta sa
sala. sabay kaming napalingon dun.. nakita naming dalawa si Ate Rits...
"Margarette! So glad you're here!" nagpunas kaagad ng luha yung daddy ni kuya Evans
nun. nagkatinginan kami ni Ate Rits nun tapos yung mga mata namin ay naglocked sa
isa't-isa. yinakap ni Ate Rits yung daddy ni kuya Evans...
"so glad to see you din tito..." sabi naman niya dun sa daddy ni kuya Evans kahit na sakin
pa rin siya nakatingin. parang naging back to normal yung mood nung daddy ni kuya
Evans nun... parang patawa-tawa na nga siya nun habang ineentertain niya kaming mga
bisita niya... siguro, masayahin talaga siyang tao... o siguro ginagamit niya lang yung
pagiging masiyahin niya para matakpan lahat ng sakit na nararamdaman niya... bigla
namang tumunog yung cell phone ni Mr.Javier kaya nag-excuse me siya samin para
pumunta siya sa labas at sagutin yung taong tumawag sa kanya...
kaming dalawa na lang ni Ate Rits yung nasa sala nun... ewan ko ba kung bakit biglang
nanlamig yung katawan ko...
"alam mo na ba?" parang walang emotion yung pagkakasabi niya nun...
"yung a-ano?" nauutal ako sa pagsasalita nun. nakakaramdam din kasi ako ng awa kay
Ate Rits..
"yung tungkol kay Evans... yung tungkol samin... tungkol sainyo... tungkol sa kanila ng
dad niya..."napatingin siya sakin nun. nakita kong lumuha siya nun tapos pinipigilan niya
talaga yung luha niya. napatango na lang ako nun. unti-unti na din akong nalilinawagan
nun. ang dami ko na ring mga bagay na naiintindihan...
"ang sakit no?" rinig na rinig ko yung mga sobs nun. "iniiyakan ko siya for 4 years...
akalain mong kaya ko yun?"
nagulat naman ako sa sinabi niya. "mahal na mahal mo nga talaga siya..." tiningnan ko
siya nun then she replied me with a nod.
"sobra..." sabi pa niya habang natango siya. hinawakan ko yung kamay niya nun. "lika...
puntahan natin yung kwarto ni Evans..." nung una ay nagdalawang isip pa ako pero
nagbago din naman agad yung isip ko... sumama ako sa kanya sa taas at pumasok kami
dun sa pinakadulong kwarto... kinakabahan nga ako nun... hindi ko alam kung bakit...
binuksan namin ng dahan-dahan yung pintuan nung kwarto then nakita ko si kuya Evans
na nakahiga dun sa kama niya tapos tulog siya at merong dextrose na nakalagay dun sa
kamay niya... naluha ako bigla nun... ang hirap ng ganito... sobra...
frozen ako dun sa kinatatayuan ko na malapit sa pintuan. lumapit si Ate Rits kay kuya
Evans ng may halo pang iyak... naawa ako nun... parang ayaw kong manuod... biglang
niyakap ni Ate Rits si Kuya Evans na parang last na yakap na yun para kay Kuya
Evans...
binuksan ko gently yung pintuan tapos lumabas ako ng kwarto nun and hindi ko na ring
napigilang umiyak...
bumaba agad ako dun tapos nagpaalam na din ako dun sa daddy ni kuya Evans na uuwi
na ako... grabe, halos hindi na maubos yung luha na pwede kong ilabas...
October 28. Tella's Birthday
Bumili ako ng bulaklak at candles nun para dumalaw kay Tella. Hapon ko ng naisipan na
dalawin siya. ewan ko ba kung bakit. siguro, dahil hindi pa din ako makarecover dun sa
mga nalaman ko kahapon... dumating na din ang inaasam kong oras na pagdalaw sa
kanya... 4 pm... naglakad ako papunta sa clubhouse tapos nagtricycle ako then nagpababa
ako dun sa sementeryo kung saan nakaburol si Tella...
naglakad ako malapit dun sa puntod niya kaso bigla kong natanaw si Ver... gusto ko sana
na lumapit pa kaso parang may nagpigil sakin... napasandal ako dun sa puno na malapit
sakin at tinitigan ko yung ginagawa ni Ver dun sa puntod ni Tella...
may dala siyang tatlong roses nun... parang nadudurog yung puso ko nun... naalala ko
bigla yung pag-amin ni Ver kay Tella noon... nahalata ko naman na umiiyak si Ver nun at
may hawak siya na red ribbon na box... nagindian seat siya dun sa damuhan tapos
binuksan niya yung red ribbon na box... nakita ko na ang laman nun ay isang slice of cake
tapos meron siyang hawak na tinidor... nakita kong bumulong siya ng happy birthday dun
pero hindi ako sigurado kung may pahabol pa ba yung i love you... ang bilis ng pagtibok
ng puso ko... parang nasasaktan ako... hindi ko maintindihan...
napasandal ako dun sa likod nung puno tapos iyak ako ng iyak... feeling ko kasi nun wala
ng natira sakin eh... feeling ko kasi hindi naman talaga ako mahal ni Ver eh... feeling ko
kasi si Tella pa rin... nag-feeling kasi ako masyado eh... yan tuloy... feeling ko sobrang
nasasaktan na ako...
kinaen ni Ver magisa yung cake sa harap nung puntod ni Tella. pinanood ko lang naman
siya nun. halos 5 minutes lang yung tinagal niya nun then umalis na din siya. buti na lang
dun siya sa kabilang gate dumaan kaya okay na din sakin... nung nawala na sa paningin
ko si Ver, dun lang ako lumapit sa puntod ni Tella...
nakita ko na merong violet na candles at flowers dun sa gilid...siguro, galing kay Gigi
yung mga yun... nakita ko naman yung three roses na linapag dun ni Ver... naiinggit ako
nun... nagseselos ako... naiiyak ako... nagtirik ako ng kandila nun at naglapag din ako ng
mga bulaklak tapos nagindian seat din ako sa harapan nung puntod niya...
"Tella... pusang galis ka talaga!!" iyak tawa ako ng mga panahon na yun."ang swerte
mong baboy ka!!" bumuhos yung luha ko nun. "bakit parang ikaw pa din yung gusto

niya?? bakit parang ramdam na ramdam ko na mahal na mahal ka pa rin niya??


nakakainggit ka... sana ako na lang ikaw... sana ako na lang yung andyan sa pwesto mo
ngayon para hindi na ako nasasaktan ng ganito..." nanginginig yung boses ko nun. "alam
mo... hirap na hirap ako ngayon... yung kaibigan ko kasi baka sumama na rin sayo
eh..." naalala ko nun si kuya Evans kaya lalo akong napaiyak. "Tella naman... sana andito
ka ngayon... miss na miss na kasi kita eh..."
tinakpan ko nun yung mukha ko tapos wala akong tigil sa kakaiyak... nakaramdam naman
ako ng ambon nun... kaso parang wala din naman akong pakielam nun... ewan ko ba kung
bakit hindi na rin ako makagalaw... then after a few seconds, narealize ko na wala ng ulan
na napatak sa ulo ko... tumingala ako nun at nakakita ako ng blue na payong...
tiningnan ko ang tao na naghahawak nun...
si Ver...
Chapter 31
Napatayo ako nun bigla. syempre, pinunasan ko agad yung mga luha ko para hindi niya
makita na iniiyakan ko na siya... nanlaki naman yung mata ko nun nung napaisip ako
kung kanina pa kaya siya andyan?? paano kung narinig niya yung mga sinabi ko kay
Tella?!! Nakagat ako sa labi ko nun. dahil sa sobrang epic fail ng nararamdaman ko
ngayon, nakagat ko na rin yung nails ko tapos napapikit talaga ako... feel ko naman na
napapangite nun si Ver sa likod ko...
"Tella..." narinig kong ibulong niya. triny kong sumilip sa ibaba ko at nakita ko siya na
linagay yung kamay niya dun sa pocket niya... pinapayungan pa rin niya ako nun at tuloy
pa din ang buhos ng ulan pero hindi pa rin namamatay yung kandila na tinirik namin.
narinig kong umubo siya nun. kinilabutan naman ako nun lalo ng kumulog tapos biglang
lumakas ang ihip ng hangin.
"gusto ko pala ipakilala sayo ang babaeng pinalit ko sayo..." nagulat ako ng bigla niyang
sinabi yun tapos bigla niya akong inakbayan. "pakibatukan nga siya minsan sa pagtulog
niya, mukhang hindi naniniwala eh..."
napangite ako nung sinabi niya yun pero trying hard naman akong nagpipigil ng kilig.
napapatungo ako nun tapos hindi ko talaga mapigilang ngumite. iyak tawa ako eh. parang
akong baliw. nafeel ko naman nun na linapit niya yung bibig niya sa tenga ko tapos
bumulong siya.
"narinig mo naman na diba?" napatango ako nun. ako naman kasi 'tong tanga na natatakot
maniwala... na natatakot aminin na meron din palang pag-asa na mahalin ako ng lalaking
dati ko pa mahal... "baka gusto mong ulitin ko pa para sayo..."
nasa boses niya yung pagiging mayabang niya kaya natawa na lang ako nun. feeling ko
nga nag-iba yung mukha niya nun gawa ng tinawanan ko lang siya.
"hoy alam kong corny 'to no... alam mo namang hindi ako isang corny na tao no! ang
laking effort ang binibigay ko para umamin sayo ng maayos no..." napatingin ako sa
kanya nung sinabi niya yun. dun ko narealize na ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
napangite ako nun.
"so galit ka na niyan?" pang-aasar ko namang sinabi sa kanya. medyo lumayo siya nun.
grabe, daig pa niya ang babae kung mailang. parang hindi naman siya nasanay sa sobrang
closeness namin.
"h-hinde..." pautal-utal naman niyang sinabi sakin. dun ko lang narealize na yung kanang
kamay niya pala eh nakahawak dun sa kaliwang braso ko tapos ang lapit-lapit din pala
namin nun sa isa't-isa. pinagpipilitan kasi namin yung sarili namin dun sa payong...
"eh ano pa bang sasabihin mo?" tanong ko naman sa kanya... wala lang... gusto ko lang
marinig sa kanya ng buong-buo... ngumite siya sakin bigla... napakagat ako sa labi ko nun
dahil gusto kong pigilan yung pagkakilig ko sa bawat kilos niya... niyakap niya ako nun...
parang tumigil ang pagrevolve at pagrotate ng mundo... tapos parang wala akong
naririnig kundi yung bawat pintig ng puso niya... saktong-sakto yung tenga ko dun sa left
side nung chest niya... napapikit ako nun... feeling ko kasi sumisigaw yung puso niya ng
`Vher! Vher! Vher!`. alam kong OA... pero sadyang yun lang talaga ang nararamdaman
ko...
segundo lang ang tinagal ng pangyayare na yun pero para sakin parang nagcompose na
ng isang fairytale na nagtatapos sa mga katagang happily ever after. humiwalay kami sa
isa't-isa nun at nagtinginan... bumilis yung pagtibok ng puso ko tapos parang naging back
to normal din naman ang lahat... hinawakan niya yung mukha ko... nanlalamig yung
kamay niya... hindi ko alam kung dahil ba sa panahon o sadyang kinakabahan siya...
"narinig mo ba yun?" napapikit ako nun. feel na feel ko kasi yung touch niya eh.
"yung alin?" tanong ko naman sa kanya. parang akong nalipad nun... feeling ko lulutang
ako sa sobrang kilig... ewan ko nga kung kilig pa ba 'tong tawag sa nararamdaman ko...
happiness... eternal happiness 'tong nararamdaman ko... ang sarap sa pakiramdam ko...
"yung puso ko..." tumango ako nun. minulat ko yung mata ko at nakita ko siya na
nakangite sakin... hinawakan niya nun yung hips ko... ewan ko ba kung anong tawag
samin ngayon... such young lovers... sige, kami na malandi. hahaha.
"so anong meron sa puso mo?" tanong ko sa kanya. i wanted to hear more words from
him... more sweet words...
"ikaw..." napangite ako bigla nun.ngumite din siya sakin as a reply. linapit niya yung
mukha niya sa mukha ko. parang nakalimutan niya na may hawak siyang payong kaya
nahulog niya yun... bumuhos ang ulan sa ulo naming dalawa... ang lamig ng simoy ng
hangin... ang sarap sa pakiramdam... basang-basa na kami pero tila wala kaming
pakielam kung ano mang itsura namin ngayon... lalo siyang lumapit sakin... nakapikit na
siya nun dahil sa tubig ulan na saktong pumapatak sa mga mata niya... gusto ko ng
marinig yung mga bagay na dati ko pa gustong marinig...
"i love you..." he said it... parang naging warm yung feeling ko nun... he said `i love you`

a million times better than any man in this world... "mahal na mahal kita..." naluluha ako
nun sa sobrang tuwa. napapangite na talaga ako ng sobra nun... parang ayaw kong
matapos 'to... ang sarap kasing pakinggan nung mga words na yun... the best talaga...
"i love you too..." ngumite din siya nun nung sinabi ko yung mga katagang siguro dati pa
rin niya hinihintay... hindi na mabigat sa pakiramdam yun... tuloy ang pagbuhos ng ulan
sa mga ulo namin... tuloy ang pagikot ng mundo... alam niyo ba yung feeling na umiikot
lang ang mundo para saming dalawa ni Ver?? ganun yung nararamdaman ko ngayon... as
if ipinanganak siya para makilala ko at ako din naman ay isinilang sa mundong ibabaw
para mabuhay para sa kanya...
lalo niyang nilapit yung mukha niya sakin. i know this sounds weird but he kissed me...
he kissed me na parang kasal na namin 'to... parang akong lumilipad nun... napaisip pa
nga ako nun na lintek 'tong si Ver... hindi sakin sinabi na may kapangyarihan pala siyang
paliparin ang isip at kaluluwa ng isang tao... it was sweet... it was perfect...
mabilis na natapos yung mala-fairytale kong kiss na yun... nagkatinginan kami and ended
it all with a sweet smile... napatingin kaming dalawa dun sa puntod ni Tella... parang
walang naalis kahit na isang petal mula dun sa mga flowers at walang namatay na
kandila...
"ibang klase ka talaga Tella..." bulong ko naman.
lumipas naman ang ibang days. natapos din ang sem break. hindi ko masasabi na kami na
o ano. basta ayun, may feelings lang talaga kami sa isa't-isa... napapansin na din ng mga
tao yung pagiging blooming ko at sobrang pagiging out-going... nakausap ko na din nun
si Kuya Evans at Ate Rits... triny na din namin ang best namin na wag ipakita kay Kuya
Evans kung gaano kami kaafected... alam na din pala ng buong tropa yung tungkol kay
Kuya Evans kaya naman tulong-tulong kami sa pagpapasaya sa kanya... syempre, hindi
namin kinalat sa iba yun no!! kinakabahan na nga rin kami ng mga sandaling yun kasi
napapadalas na din yung pagabsent niya pero yan! FIGGGHTTT!!
nagpatuloy yung kasiyahan naming lahat... although, minsan nagpaparamdam sakin si
Kuya Evans... tulad ngayon...
"sabay na tayo umuwi..." dismissal na namin ngayon. masyado nga akong maraming
gagawin dahil tinambakan kami ng mga assignments at projects.
"ow. kasabay ko na kasi si Ver eh..." hindi ko nga alam kung dapat ba ako maawa o hinde
eh... feeling ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya... diba??
"ay sige... ingat ka ha? mahal pa naman kita..." minsan sa mga simpleng pagsabi niya ng
mga salitang yun, napapangite na lang ako. hinahayaan ko na lang siya na iparamdam
sakin ang lahat ng nararamdaman niya... nginitian ko lang naman siya tapos nagbabye na
din ako sa kanya... lumapit ako kay Ver nun na matagal na palang naghihintay dun sa
gate...
"ang tagal mo!!"pagrereklamo naman niya sakin. nginitian ko lang naman siya nun.
"tayo na!" nakita kong napatigil siya nun tapos napangite siya sakin. aba... baka akala
neto...
"yan lang naman ang hinihintay ko eh..." ang yabang pa ng boses niya nun. palagi naman
siyang ganyan. sanay na ako. hahaha... akala nga niya eh sinasabi ko na kami na!! timang
talaga 'tong lalakeng 'to oh?!!
"tanga!! paano kita sasagutin kung hindi ka naman nanliligaw?!" hinawakan ko yung
kamay niya nun tapos hinila ko siya palabas nung gate... naghihintay na kami ng jeep
ngayon... as usual, matagal pa rin ang paghihintay...
"ow... eh pwede bang manligaw sayo?" napangite ako nung sinabi niya yun. tumungo ako
nun para hindi niya makita kung gaano ako kinikilig. hindi ako makasagot sa kanya.
nagulat na lang ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko tapos nagsalita
siya. "hindi bale... papakasalan muna kita bago kita ligawan kaya mas mabuting wag mo
munang sagutin yung tanong ko..."
kilig na kilig ako nun. hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko... nakauwi na rin
kami nun syempre... dating gawi... lumabas ako dun sa kwarto ko gamit yung pintuan na
dati kong bintana... tumambay ulit kami dun sa bridge at nagpahangin... ang sarap ng
feeling na siya ang kasama ko...
"ang ganda nung stars kaya ang sarap titigan eh" sabi ko naman sa kanya.
"alam mo kapag namatay ako..." nagulat ako dun sa sinabi niya. ayoko nung mga salitang
ganyan eh!! "gusto kong maging isa sa mga stars na yan... para lagi mo na din akong
titingnan..." babanat lang pala?!! akala ko kung ano... napatawa na lang naman ako nun...
hinawakan niya yung kamay ko nun... feeling ko nga nahihiya pa siya nun eh... pero ako
naman etong naginsist na hawakan ng mahigpit yung kamay ko...
"paano kung namatay ako, anong gagawin mo?" tanong naman niya sakin.
"susunod ako sayo..." yun yung naging reply ko sa kanya. feeling ko kasi totoo talaga na
kaya kong gawin yun para sa kanya eh.
"tungak. kaya pala hindi talaga ako pwedeng mawala no..." tumango ako nun. tapos
nginitian ko siya.
"gaano mo ako kamahal?" nakita kong ngumite siya nun.
"...enough for my world to hear, feel and see..." kinilig ako ng sobra nun. bakit ba siya
ganito ka-sweet?! "parang ganito oh..."
The moment he said that... lumapit siya sakin at bumulong... "I love you... para maring ng
buong mundo ko kung gaano kita kamahal..."
lalo niyang hinigpitan yung pagkakahawak niya sa kamay ko then nagsalita ulit
siya... "ayan, para makita ng mundo ko kung gaano ko gustong iparamdam sa kanya ang
pagmamahal ko.." napangite ako nun.
then tumingala siya at tumingin sa mga stars.
"at ang mga stars... para ipaalala ko sayo na hangga't merong isang bituin dyan na

nagbibigay ng ilaw sayo, hindi matatapos ang pagmamahal ko sayo..."


Chapter 32
Halos langgamin naman kami ni Ver nung gabing yun. Kilig na kilig nga ako nun. Sana
ganito na lang palagi araw-araw. nakakalimutan ko mga problema ko dahil sa kanya eh.
haha. syempre, natulog na din kami nun. hindi nga rin ako makatulog eh. dahil dun,
naisipan ko na magtext kay Ver. akala mo naman sobrang layo ng bahay namin! haha.
To: Silverio
Gising ka pa? :)
mabilis naman siyang magreply. halatang hindi rin makatulog. siguro iniisip ako! hahaha.
Joke!
From: Silverio
yup. d k dn mk2log? ^_^
napapangite naman ako nun. ewan ko ba. kahit walang kwentang text na ganito eh
napapakilig niya ako.
To: Silverio
ou...
wala na akong mareply sa sobrang kakiligan nun. ano kayang expression ng mukha niya
ngayon?? napapangite kaya siya?! haha. ako kasi napapangite na nga, napapakagat pa ako
ng labi!
From: Silverio
prehas ta kea meant to be tau eh ^^
napaupo ako nun sa kama ko. lalong nawala yung antok ko sa mga pinagsasabi niya eh.
ibang klase talaga 'tong lalakeng 'to eh! haha. ang daming special powers sakin. ako
naman 'tong, palagi niyang tinatablan. haha.
To: Silverio
adik ka. tlog na tyo. gdnyt :)
nahihiya pa ako nun na sabihan siya ng magic words kasi baka mamaya hindi naman siya
magreply ng i love you too. ang sakit kaya nun! haha
From: Silverio
ok.good night. i love you :)
YUN! ano ba naman yan Ver?!! paano ako makakatulog kung ganyan ka kasweet?!
Haha.
To: Silverio
i love you too :')
dun naman natapos ang paglalandian naming dalawa. haha. kahit na hirap akong
makatulog syempre, hindi na rin nakeri ng mga mata ko ang antok... nakatulog na din ako
at hindi na ako makapaghintay sa bagong araw na haharapin ko bukas...
syempre, nagising na din ako nun. Saturday ngayon. 10 am nun. ako at si papa pa nga
lang ata yung gising nun. grabe, eh papunta ng trabaho ngayon si papa kaya malamang
nagpaalam na ako sa kanya at nagkiss sa cheeks niya. puyat na puyat pala si mama dahil
dun sa pagaasikaso nung bahay nila kuya Evans.
naligo naman ako nun. ewan ko ba kung bakit ang aga ko atang maligo ngayon. trip ko
lang siguro. haha. tapos nun, syempre nagpalit ako ng damit ko at nagpalaman na lang ng
peanut butter dun sa tasty bread namin. nakakatamad ng magluto ng pancit canton para sa
almusal eh. haha.
nagulat naman ako ng biglang lumabas si mama dun sa kwarto nila at tarantang-taranta
na.
"Oh ma, anong meron ngayon at nagmamadali ka?" tanong ko naman kay mama na
bagong ligo lang ata at binibilisan ang bawat pagkilos niya. siguro, late na 'to.
"malapit na kasi akong malate dun sa site viewing namin eh!!" sinabi rin niya ng sobrang
bilis. titingnan na ata nila yung site kung saan itatayo yung bahay ni kuya Evans.
"sama ako ma! nakaligo na naman ako eh!! teka lang! magbibihis ako!" sabi ko naman sa
kanya. wala naman akong gagawin sa bahay kaya sasama na lang ako kay mama.
"oh sige.. basta bilisan mo!" tumaas agad ako dun sa kwarto ko. 3 minutes lang ang
kailangan ko para makapagsuot ng pantalon at t-shirt. naunahan ko pa si mama ng mga
limang segundo. sumakay na kami dun sa kotse ni mama... ang bilis nga ng pagpapatakbo
niya eh... late na late na kasi siya nun... tapos hindi siya nagsasalita... breath taking
experience nga bawat pagliko ni mama sa mga kalye eh dahil minsan may muntik na
kaming mabanggang tricycle o di kaya pedicab. haha. buti na lang hindi mainitin ang ulo
nung mga tao na muntik na niyang mabangga... bangag na ata 'tong si mama...
20 minutes lang naging byahe namin nun... sa isang sosyal na subdivision kami
pumasok... buti naman at nakarating kami dito ng buhay o di kaya wala kaming
napapatay... haha
nakita ko na parang merong hill na puro damo na pinagtitipunan ng maraming tao na may
helmet na pang-construction worker. tapos meron na ding mga nakatayo at nakakabit na
mga kahoy. siguro, yun yung base nung bahay. ang daming workers nun at halatang
minamadali yung paggawa. pumunta kami dun ng dali-dali ni mama. nagmadali naman si
mama na lumapit dun sa mga kasamahan iya sa trabaho at nagdiscuss siya ng kung anuano.
hindi ko na pinakielaman si mama nun at baka nakakasagabal lang ako sa trabaho
niya... nakita ko nun bigla yung daddy ni kuya Evans... siguro, hindi niya ako napansin...
lumapit naman ako sa isang puno... nung tumayo ako dun, narealize ko na sobrang ganda
nung view... kitang-kita mo yung dalawang bundok na nasa gilid ng buong laguna...
bahagya naman akong napangite nun...
"Vher..." sa boses pa lang niya, alam ko na kung sino siya. napalingon ako at nakita ko si
kuya Evans na lumapit din dun sa puno. "bakit ka andito?"
"uh... wala lang... sinamahan ko lang si mama..." sabi ko naman sa kanya ng nakangite.

sabay naming tinitigan yung bahay na unti-unti ng nabubuo.


"'sana bago magpasko, tapos na yan..." alam kong medyo imposible yun. magiging
posible kung halos isang daan ng workers ang nagtratrabaho para dyan non-stop.
napangite na lang ako nun. ayokong masira ang mga iniisip ni kuya Evans. kaya instead
of doing that, binago ko na lang yung topic namin.
"uhm... ikaw ba yung nag-specify ng designs?" tumango naman siya nun. naaalala ko nun
nung nakita ko yung draft na ginawa ni mama para dun eh isang bahay na puro bintana.
"maraming bintana yan... para kapag may sunset o di kaya sunrise, kitang-kita mo agad...
tsaka alam mo ba kung bakit hindi ko pinaputol ang punong 'to?" sabi naman niya sakin.
enjoy nga siya sa pagshe-share eh.
"bakit?" tanong ko naman sa kanya.
"kasi yang puno yung palatandaan ko para makita yung star na pinangalan ko
sayo..." napangite ako nun. bumilis yung pagtibok ng puso ko. napatingin ako sa mga
mata niya na tila walang prinoproblema.
"wow..." yun na lang ang nasabi ko. "may itatanong ako sayo..."
"ano yun?" napasigh ako nun.
"bakit parang ang tibay mo? parang wala kang problema? nakakangite ka pa ng
ganyan..." yun yung natanong ko sa kanya. nagtataka kasi talaga ako. parang wala siyang
sakit.
"dahil sayo..." napatungo ako nun. narinig ko nun yung tawa niya. "tsaka kung magiging
malungkot ako, ano ng mangyayare sakin?" sinabi niya sakin ng nakangite. napatango na
lang ako nun at tuluyan ng nahiya na magtanong pa ng kung anu-ano sa kanya. syempre,
tumingin na ako ng diretso sa kanya nun. nagsigh ulit ako. hindi ko talaga mapigilan na
magtanong pa sa kanya.
"natatakot ka ba?" feeling ko napatigil si kuya Evans nung tinanong ko sa kanya yun.
nakita kong may luha na pumatak dun sa left eye niya. bumilis yung pagtibok ng puso ko.
bigla akong nakaramdam ng takot. triny niyang punasan yung luha niya nun.
"sa totoo lang, oo..." umiiyak siya nun. nabadtrip ako sa sarili ko nun. sana hindi ko na
lang tinanong yun. yinakap ko siya nun ng sobrang higpit. "takot na takot akong
mamatay..."
tumulo na din yung luha ko nun ng hindi ko namamalayan."sorry.."
bulong ko naman sa kanya. humiwalay na rin kami sa isa't-isa nun. nag-force ulit ng ngite
nun si kuya Evans. kung ako ay isang lalake, hindi ko kaya na lunukin ang pride ko at
umiyak sa harap ng isang babae...
"salamat..." bigla naman niyang sinabi. medyo nagulat nga ako eh.
"para saan?" tanong ko naman sa kanya.
"hinayaan mo yung sarili mo na maging parte ng buhay ko..." nagsigh siya nun bago
magsalita ulit."at may sasabihin ako sayo..." napatigil ako nun pero all ears naman ako na
marinig yung kung ano mang sasabihin niya sakin. "i love you..."
lumakas yung ihip ng hangin nun. parang pati kaluluwa ko eh natatangay na din. hindi
ako makapagsalita nun. naguguluhan pa din naman ako kay Kuya Evans... pakiramdam
ko kasi hindi naman talaga ako ang gusto niya... sabihin na natin na ako nga yung
tinutukoy niya dun sa crush at first sight, like at second sight at love at first meeting...
pero sobrang tagal na nun... paano kaya yung mga taon... yung mga araw kung kelan
hindi pa niya ako kilala at hindi pa niya ako nakakausap... sigurado ako na nagmahal siya
ulit nung mga panahon na yun... at hindi ako yun... at siguro... hindi pa rin lang niya
maamin sa sarili niya yun...
"oh yan kapag namatay ako bukas, wala na akong pagsisisihan..." sabi naman niya.
"ako ba talaga?" tanong ko naman sa kanya. parang napatigil siya nun at tila hindi
nakausap. "paano nga kung namatay ka na bukas at hindi mo pa nasasabi sa taong yun na
siya naman talaga ang mahal mo... siguro pagsisisihan mo yun..."
hindi siya nakaimik nun. "pagisipan mo yan ng mabuti kuya Evans..." nagsigh muna ako
bago ituloy yung sasabihin ko...
"malay mo pinahaba ng Diyos ang buhay mo para dyan..."
Chapter 33
Hindi nun nakaimik si kuya Evans. nagtawanan na lang kami kaya parang nagmistulang
joke lahat ng sinabi ko sa kanya. syempre, nakapagkwentuhan din kami tungkol sa kung
anu-ano. minsan nga sinisingit ko yung pang-aasar ko sa kanya kay Ate Rits. sa totoo
lang, mas bagay naman talaga sila kaya sigurado ako na they will make a good couple.
mahal na mahal ni Ate Rits si kuya Evans eh. while si kuya Evans naman
(kahit obvious naman), sinasabi pa rin na best friend niya lang si Ate Rits.
"kantahan mo ako..." bigla naman niyang sinabi ng nakangite. mukhang timang lang no?
haha.
"hala! hindi ko naman forte yan no!" sabi ko naman sa kanya. tamang pakantahin ako?!
"sige na! baka bukas mamatay ako... sige ka... magsisisi ka!" nakatawa siya nung sinabi
niya yun pero mukhang sineryoso ko yun. nawala yung mga ngite ko sa mukha.
"sige na nga! sorry ka na lang kapag umulan ha!" sabi ko naman sa kanya. tumawa lang
naman siya nun.
All I hear is raindrops
Falling on the rooftop
Oh baby tell me whyd you have to go
Cause this pain I feel
kinantahan ko siya nun. feeling ko nga ang galing-galing kong kumanta eh. haha.
nakapikit nun si kuya Evans tapos mukha namang ineenjoy niya lang yung boses ko.
feeling ko nga din inaasar niya lang ako. loko talaga 'tong mokong na 'to. hahaha!!
It wont go away

And today Im officially missing you


I thought that from this heartache
I could escape
nahahaluan na rin ng tawa yung kanta ko. nagmemake kasi ng mga funny faces nun si
kuya Evans. parang bata lang eh. akala mo naman kagandahan talaga ang boses ko!
But I fronted long enough to know
There aint no way
And today
Im officially missing you
medyo nahihiya na ako nun lalo na nung tumitig sakin si kuya Evans nun. parang
ginagamit niya yung mata niya pang-communicate sakin kahit na wala naman akong
naiintindihan sa bawat pag-blink ng mgag mata niya. napapangite na lang tuloy ako.
Oh cant nobody do it like you
Said every little thing you do
Hey baby say it stays on my mind
And I, Im officially
naisipan ko na rin na hanggang dito na lang yung kantahin. baka pag tinuloy ko,
bumagyo na eh! haha
"hanggang dun na lang!" sabi ko naman sa kanya. natawa lang naman siya nun.
"maganda naman pala boses mo eh..." feeling ko nun namula ako sa sobrang pagkaflatter.
haha"you should sing more often..."
tumango lang naman ako nun. akalain mong may talent pala ako sa pagkanta?!! haha. ang
alam ko si Tami lang talaga ang magaling kumanta sa pamilya namin eh?!! wooo. at last,
may nakapagsabi na din sakin na maganda pala ang boses ko... parang first time eh nu?
nagtuloy kami sa pagkwekwentuhan na tila walang katapusan. nakauwi kami ni mama
dun nung bandang 6 pm na. pagod na pagod nun si mama kaya naman trinatry ko ang
best ko nun na kwentuhan siya ng maraming bagay para medyo sumigla naman ang
kanyang diva. 30 minutes lang ang naging byahe namin nun. kumaen na kami ng dinner
nun. naunahan pa kami ni papa sa paguwi nun. happy family na naman kami. buo na
naman eh. haha.
ako yung naghugas ng pinggan nun kasi duty ko eh. nagshower naman ako nun at
nagpalit ng damit. umakyat ako dun sa kwarto ko. syempre, tamang oras para makapagfacebook.
wala namang importanteng tao na online so sinarado ko na rin agad yung
computer. tinatamad na din ako mag-facebook. ano naman kayang pwedeng magawa
ngayon? napahiga ako dun sa kama ko... naalala ko yung mga ngite ni kuya Evans...
mukhang masaya siya... natutuwa ako para sa kanya... bigla namang may kumatok dun sa
pintuan na dating bintana... sigurado ako na si Ver yun... siya lang naman akong
pumapasok dun eh... tumayo ako kaagad nun at binuksan ko yung pintuan... si Ver nga...
malamang... nakangite siyang pumasok dun sa kwarto ko tapos umupo siya dun sa kama
ko... meron siyang dalang envelope nun...
"oh anong ginagawa mo dito?" sinabi ko naman sa kanya ng pabiro. tinabihan ko siya
dun sa kama ko. syempre, nakaupo din ako.
"ayaw mo bang malaman ang good news at super good news??" tanong naman niya
sakin. mukhang masaya siya. mukhang may dala nga siyang good news para sakin.
hahaha.
"oh talaga? ano naman yun?" tanong ko naman sa kanya. medyo excited naman ako dun
sa mga pinagsasabi niya.
"teka. ano bang gusto mong unahin ko? good news o super good news?" natawa naman
ako nun. hindi naman ako natatakot na pumili kasi parehas namang good news diba?
haha.
"yung good news muna!" sabi ko naman sa kanya ng nakangite.
"good choice!" sabi naman niya na parang nageendorse siya sakin ng isang produkto.
haha. napapatawa nga ako nun eh. kinuha niya yung wallet niya mula sa bulsa niya tapos
meron siyang kinuha na dalawang cards. nagtaka naman ako nun. "tingnan mo..." inabot
niya sakin yung dalawang cards na yun. napangite ako nung marealize ko kung ano yung
dalawang cards na yun.
tiningnan ko muna yung harap nung card kung saan 'to ang nakalagay:
ORGAN DONOR * Keep this card
CARD with you where it can
be found easily
I w ould like to help someone to
live after my death
Naalala ko nun si kuya Evans. napahawak ako dun sa left side ng chest ko habang
binabasa ko yung nasa harapan nung card. tiningnan ko naman yung likod ng dalawang
cards. tig-isa pala kami ng card nun ni Ver.
date: October 28, 20xx
In the hope that I may help others, i wish to donate after my death my:
A. Kidney Liver Pancreas
Eyes Heart & Lungs Others
B. Any needed parts or organs to be used for transplantation,
research or education
Donor Caroline Miles D.C Benitez Birthdate September 3, xxxx
Signature Tel no. 639-xxxx
Witness
napangite ako nun kay Ver. grabe, kaya pala hindi siya pumayag sakin nung birthday ni
Tella para dito. hindi ko napigilan yung pagpatak ng luha ko. ewan ko ba. siguro, ginawa

niya 'to para kay Kuya Evans. parehas na kaming registered organ donor. napayakap ako
sa kanya nun.
"Thank you Ver!" sabi ko sa kanya nun. humiwalay din ako sa kanya tapos pinunsan ko
yung luha ko.
"oh meron pang isa?!" sabi naman niya sakin ng nakangite.
"ano naman yang super good news?!" tanong ko naman sa kanya. lalo akong naexcite.
binuksan niya nun yung envelope tapos meron siya saking pinakita na isang papel. parang
document na ewan eh. kinuha ko yun. nanlaki yung mata ko. bumilis yung pagtibok ng
puso ko. hindi ko alam kung magiging masaya ba ako. naguguluhan ako sa kung ano ba
dapat ang maramdaman ko.
EASTERN CANADA HIGH SCHOOL
November 9, 20xx
Silverio Ricardo Martin (22196875)
Laguna, Philippines
Dear Silverio,
It is my pleasure to inform you that the Admissioner's committee has granted you
provincial acceptance to Eastern Canada High School this 20xx. Tests are required for
you to fully confirm this admission. Check your mails for the schedules of your exams.
We look forward to having you as a student in year 20xx!! Cheers!
Sincerely,
Chris Jobenson
Executive Director
Eastern Canada High School Admissions
Halos hindi ako makapagsalita. Isang admission paper yun galing sa isang school sa
Canada.
"matutupad na mga pangarap ko Vher!!" ang saya-saya niyang sabihin yun. "kasi at last!
makakasama na namin si mama tapos makakapag-aral na ako sa ibang bansa..." pinilit
kong ngumite kahit na parang ang hirap maging masaya para sa kanya lalo na't naiisip ko
na iiwan niya na rin pala ako...
Chapter 34
Parang tumigil yung buong mundo ko nun. nahihirapan akong gumalaw, huminga at
makapagsalita. pretty much everything. nahihirapan ako na magrespond sa mga
masasayang sinasabi niya sakin.
"magtatapos ako ng pag-aaral dun... dun na din ako magco-college..." gusto ko na umiyak
nun sa harapan niya pero ayoko na makita niya akong naiyak. dahil baka ito lang ang
maging dahilan ng pagback out niya sa mga pangarap niya.
"dun ka na talaga?" tanong ko naman sa kanya. nauutal-utal pa nga ako nun eh. parang
gusto kong isipin na lahat ng sinasabi niya ay sana joke na lang. sana hindi totoo lahat ng
sinasabi niya. ang sakit-sakit kasi na mahihiwalay siya sakin eh.
"ou naman pero syempre dadalawa naman ako dito..." ang saya saya niya nung sinabi
niya yun. parang kinilabutan naman ako nun. tumaas yung bawat balahibo ng katawan
ko. napatungo ako nun at hindi ko napigilang umiyak. pinunasan ko agad yung luha
ko. "oh bakit ka umiiyak? hindi ka ba masaya sakin?"
"syempre, masaya ako para sayo..." tumingin ako sa kanya ng diretso nun pero
nalulungkot lang talaga ako. "paano kasi kung makakita ka ng mas maganda sakin? ng
mas sexy sakin? paano kung palitan mo ako? balita ko magaganda yung mga babae dun
sa Canada eh!! papatayin mo naman ako sa selos eh..." hikbi ako ng hikbi nun tapos
parang akong bata na inagawan ng laruan. lumapit siya sakin nun tapos hinawakan niya
yung mukha ko at nginitian niya ako.
"ano ka ba? alam mo namang mahal na mahal kita... dadalhin kita dun... papakasalan kita
dun... dun tayo titira..." kiniss niya nun yung cheeks ko. medyo gumaan yung
pakiramdam nun kahit walang kasiguraduhan lahat ng mga pinagsasabi niya.
"ang tagal kitang hindi makikita..." sabi ko naman sa kanya.
"may facebook naman... may ym naman!! diba nagsasawa ka na din sa mukha ko?? 8
years na nga tayong magkasama eh!" sabi naman niya sakin ng pabiro. bigla akong
napayakap sa kanya nun.
"eeehhh... mamimiss pa rin kita..." sinabi ko sa kanya na parang naging 8 years old ulit
kami. humiwalay ako ng kaunti nun sa kanya. tiningnan niya yung mga mata ko.
"isipin mo na lang na hindi 'to para sakin... kundi para... satin..." nakangite niyang sinabi.
ang sarap pakinggan ng bawat salita na binibigkas niya pero may sakit pa din sa bandang
puso ko habang pinapakinggan ko yun.
"kelan ka aalis?" tanong ko naman sa kanya. baka mamaya next week na yan!! hindi ko
kakayanin yun?!
"sa january ang flight ko..." nalungkot ako nun. halos dalawang buwan na lang pala. sana
tumigil ang oras. ayaw ko ng mag-pasko. ayaw ko na ding mag-new year!
"ang lapit na nun?!" pagrereklamo ko naman sa kanya. niyakap ko ulit siya nun. pero
humiwalay din ako pagkatapos ng ilang segundo. parang ngang natatawa na lang siya
sakin eh. kung alam niya lang... totoo lahat ng sinasabi ko...
"at tsaka sa december... hindi na ako papasok sa school natin..." nanlaki yung mata ko
nun. bakit naman pati pagpasok niya sa school mawawala?!?! yun na nga lang yung
panahon namin na magkakasama eh...
"bakit naman?!" lumapit ako sa kanya nun.
"kailangan ko kasing maghanda eh... magho-home school muna ako pansamantala sa
mga panahon na yun para makapagaral ako dun sa entrance exam sa Canada..." napaluha
naman ako dun. buti na lang hindi siya nakatingin sakin. "ang alam ko kasi masyado
silang advance dun... baka mahirapan ako dun sa entrance exam... dapat handa

no?" saktong tingin niya naman sakin nun. lalo naman siyang lumapit sakin tapos lumayo
ako sa kanya. "wag kang umiyak... baka mapaatras ako niyan eh..."
"ang tagal naman kasi eh..." sabi ko naman sa kanya. feeling ko tuloy ang selfish ko nun
which is totoo naman talaga. selfish nga ako sa mga pananalita ko. niyakap ako ni Ver
nun. napapikit nga ako nun. ang sarap kasi ng mga yakap niya eh. naramdaman ko naman
nun na unti-unti na kaming napapahiga dun sa kama. ang awkward ng position namin
nun. tapos hindi naman ako makagalaw... o siguro ayaw ko lang talagang gumalaw...
kinabahan ako nun. ang bilis ng pagtibok ng puso ko... paano kung biglang pumasok si
mama?? paano kung makita niya kami ni Ver?? naramdaman kong gumalaw yung
kanang kamay ni Ver nun... hindi ko na rin napigilan nun na magsalita...
"Ver... bata pa tayo..." sabi ko. humiwalay naman na sakin si Ver nun at umupo siya dun
sa isang side nung kama ko. nakatawa pa nga siya nun eh. adik 'tong batang 'to?!!
"tungak... akala mo naman may gagawin tayo... yinayakap ka lang eh?!!" sinabi naman
niya sakin. hinampas ko siya ng unan nun. napapatawa na lang ako. sorry naman?!!
nakakabadtrip naman kasi yung posisyon diba?!!
"syempre!! a-ano ka ba?!" hinampas ko ulit siya ng unan nun. ayoko talaga ng
napapahiya ako kay Ver eh?! Haha.
"hindi pa naman ako aalis eh... bakit ba mamadaliin pa natin?" tanong naman niya sakin.
hindi ko alam kung seryoso siya dun o ano. bumibilis ulit yung pagtibok ng puso ko
habang nakatingin ako sa mga mata niya.
"b-bakit? pag-aalis ka ba? gagawin na natin yun?" tanong ko naman sa kanya. masyado
pa ata kaming bata nun diba?!! hoy adik siya. papaliparin ko 'tong papuntang mars eh?!!
nginitian niya lang naman ako tapos humiga siya dun sa kama ko.
"ewan... kung gusto mo... eh di okay lang..." napangite lang naman ako nun. humiga din
ako sa kama ko tapos napasigh ako. hinawakan ni Ver yung kamay ko nun. pinakita pa
niya sakin yung magkahawak naming kamay. "i love you..." namula ako nun. hindi ko na
rin napigilang yakapin siya na parang unan. natatawa na nga ako nun sa sobrang kilig eh.
"tabihan mo ako..." request ko naman sa kanya.
"sagot ka muna..." sabi naman niya. tiningnan ko yung mukha niya na nakangite sakin.
kinikilig talaga ako. parang nakakalimutan ko na sa kaunting panahon eh iiwan niya din
ako...
"i love you too..." yun ang huli kong sinabi sa kanya bago kami matulog. sana ganito na
lang ako parati... sana wag na lang siya umalis... sana wag niya na lang akong iwan kasi
hindi ko alam kung kaya ko...
kinabukasan, syempre nagising naman na ako nun. hindi ko na nakita si Ver nun sa kama
ko. nataranta ako bigla nun. kinabahan ako.
"january pa naman ang flight niya ah! bakit wala siya?!!" bulong ko naman sa sarili ko sa
sobrang pagkataranta ko. binuksan ko yung pintuan ko na dating bintana at nakita ko si
Ver dun na nakatambay sa may bridge. feeling ko biglang naging kalmado ang puso at
kaluluwa ko nung nakita ko siya.
"hala 'to... parang mawawala na ako ah..." linapitan ko siya nun tapos niyakap ko siya.
natatawa na nga lang ako nun and sigurado ako na tinatawanan niya lang rin ako nun...
nag-almusal kami ng sabay sa bahay namin... nagkakwentuhan kami... nakakatuwa nga
eh... siguro nga, baka hindi ko siya naiimagine as a prince charming kasi naiimagine ko
na ngayon na siya yung magiging asawa ko... magpapakasal kami... magha-honey moon
at magkakaanak...
busy naman si Ver nung araw na yun dahil nagpunta sila ng Manila nung mama niya.
Sunday pa naman ngayon, hindi ko pa siya kasama. lalo tuloy akong nalungkot... lalo
kong naalala na sa january ay alis niya na... ang tagal din pala naming magkakahiwalay
no? pero kakayanin 'to! FIIGGGHHTTT!
nagsimba kaming buong pamilya sa Chapel nun. pagkatapos naman nung misa, hindi
muna ako umuwi. tumambay muna ako dun sa playground na kaunting lakad lang naman
mula dun sa chapel. ang lamig ng simoy ng hangin. sana madala na rin ng hangin etong
mga sad thoughts ko... kung aalis man si Ver sa January... gusto ko bago siyang umalis...
busog na busog na ako sa happy memories kasama siya... umupo ulit ako sa swing nun...
napahawak ako dun sa kwintas na bigay sakin ni Ver... mamimiss ko talaga yung
lalakeng yun... swear...
"Pst..." nagulat naman ako sa taong sumitsit sakin. liningon ko nun si Kuya Evans.
nginitian ko siya at nagwave ako sa kanya ng hello. lumapit siya sakin tapos umupo siya
dun sa isang swing sa tabi ko. "tambay ka na naman dito! wala ka na talagang ginagawa
sa buhay mo no?"
"meron naman ah... ito nga... pagtambay..." nakangite kong sinabi sa kanya pero mabilis
din namang napawi yung mga ngite kong yun. napansin ko naman nun na nakatitig sakin
si kuya Evans.
"o-oh bakit?" napatanong tuloy ako bunga ng aking curiosity.
"may problema ka ba?" natigilan ako nun. ako? may problema? hay nako....
"wala naman..." pinilit kong ngumite kaso parang wa-epek naman sa pagtatago ng tunay
na nararamdaman ko.
"sabihin mo na..." pagpupumilit niya naman sakin.
"ano... uh... natatakot lang ako..." sabi ko sa kanya. nagsigh muna ako bago sundan yung
mga sasabihin ko. "sa kung ano mang pwedeng mangyare samin ni Ver..." gusto kong
umiyak nun kaso triny ko talaga yung best ko na pigilan yung sarili ko.
"wag ka ngang ganyan... mahal na mahal niyo nga ang isa't-isa... impusible na
paghiwalayin kayo...even death can't do that..." tumatak sa isipan ko yung sinabi yun ni
kuya Evans. napangite na lang ako dun kahit na medyo hindi rin naman gumaan yung
pakiramdam ko...

even death can't do that...


paulit-ulit kong naririnig yan sa kaluluwa ko, tenga ko at sa puso ko... sana ganun nga...
sana kami na lang... pang-habang buhay...
Chapter 35
Pasukan na naman. nakakatamad na ngang mag-aral eh pero susulitin ko na ang mga
nalalabing araw kong kasama si Ver sa school. nakakainis naman kasi siya eh. sa
December, hindi na siya papasok. hay nako naman. mamimiss ko talaga yung lokong
yun.
buti naman wala masyadong classes ngayon. pinagbigyan kasi kami ng mga teachers
namin na magplano tungkol sa mga booths na gagawin namin. plus grade din sa values at
mapeh yun no! haha. next week na din kasi yung foundation week namin. sa totoo lang,
hindi naman talaga siya week. barbero lang talaga ang school namin. joke! haha. 3 days
yung foundationg `week` namin. well, sa day 1 opening of booths. may program din at
kung anu-ano pang shows. yun yung pinakamasayang araw kasi parang kang pumasok sa
Enchanted Kingdom ng all-rides ang ticket mo. haha. sa day 2 naman, ayun naman yung
pinakacorny. kasi parang papasok ka lang sa school ng hapon. bale 2 pm yun hanggang 5
pm. parang merong party na ewan lang dun. wala lang naman yun. dun ka lang aawardan
kapag nanalo kang champion sa mga quiz bees. dahil hindi naman ako nakakasali sa mga
ganun, wala naman talaga akong pakielam sa mga mangyayare sa second day. syempre,
bukas pa rin yung mga booths dun. day 3 naman, halos wala kaming gagawin. closing
program lang talaga ang dadaluhan mo dun eh. may party dun. last year, ang motif nung
party namin eh kailangan may touch of violet yung suot mo. ngayon naman, pinabongga
nila. Masquerade party daw dapat. at dahil dun, kanya-kanya naman kaming renta ng mga
gown sa tabi-tabi. haha.
mabilis na natapos yung klase namin sa paghahanda para dun sa booths. dati pa rin namin
napagplanuhan na gumawa ng dedication booth eh. so maglilikom na lang naman kami
ng mga CDs nun eh. tapos hihiramin na lang namin yung gamit nung school kapag
nagpapatunog sila sa school. okay na yun. halos wala kaming gastos, may plus grade pa!
san ka pa diba?! haha.
chineck ko yung orasan ko. 3:30 p.m na pala. wala akong kausap. busy kasi si Gigi dun
sa pagdedesign nung table na gagamitin namin para sa booth namin. dahil dakila akong
tamad, hindi ako tumutulong. haha. ang sama ko eh! joke. so yun, wala naman kaming
teacher. nagpa-meeting ata tungkol dun sa foundation week namin. sinamantala ko ang
panahon na yun para lumabas ng classroom ko. nagulat naman ako ng nakita kong
nakatambay din si Ver sa tapat ng classroom nila. nagkangitian kami dun. tinabihan ko
siya sa pagkakaupo nun tapos sumandal lang kami sa pader.
"bakit ka nasa labas?" tanong ko naman sa kanya.
"wala naman kaming teacher eh..." sabi naman niya sakin. napatango na lang naman ako
nun. tinitigan ko siya. naalala ko naman yung mga sinabi niya sakin nung isang gabi.
bumilis yung pagtibok ng puso ko. parang gusto ko pa ring isipin na inaasar niya lang
ako. gusto kong isipin na baka isang araw magugulantang na lang ako kasi bigla niya
saking sasabihin na `april fools day`. pero hindi naman April, kaya hindi mangyayare
yun. ano ba 'tong iniisip ko?! nakakabadtrip lang eh. hinawakan ko nun yung kamay niya.
masyado na rin kaming naging sweet sa isa't-isa. napapansin ko yun. haha. kaya nga
parang araw-araw, buong-buo yung araw ko eh.
"'aalis ka pa ba?" tanong ko naman sa kanya. ang selfish ko talaga. bakit ba hindi ko
magawang maging masaya para sa kanya?!
"Vher naman... pinapaatras mo ba ako?" sagot naman niya sakin na parang tanong pa rin.
binitawan ko na yung kamay niya nun tapos huminga ako ng malalim.
"hindi naman sa ganun..." sabi ko naman sa kanya. nakakalungkot naman kasi eh. paano
kung sa huli hindi naman talaga kami?? hindi naman ako naniniwala na magiging
succesful ang isang long distance relationship...
"alam ko na mahihirapan ka... tayo... sa paga-adjust... pero pangarap ko 'to Vher eh...
sana maintindihan mo.." napatango na lang naman ako nun. kaso mabilis pa din ang
pagtibok ng puso ko nun. gusto ko na ngang umiyak nung mga oras na yun eh kaso
narealize ko, palagi na lang akong umiiyak... feeling ko tuloy sobrang hina ko... hay
nako.. "lika nga dito..." linapitan niya ako nun tapos yinakap niya ako ng sobrang
higpit. "alam mo... gusto na kitang yakapin magmula ngayon... gusto kitang halikan
ngayon kaso baka makita tayo ng teacher..." napatawa pa siya nun pati ako natawa nun
eh. kinikilig na naman ako eh. haha. "pero di bale... pag nagkita ulit tayo... sisiguraduhin
ko na mayayakap ulit kita... at syempre wala na tayo sa school sa mga panahon na yun
kaya pwede na rin kitang halikan..." lalo ko siyang niyakap ng mahigpit nun. ilang
segundo lang naman yung tinagal nun kaya humiwalay na rin siya sakin. iyak-tawa ako
nun. mukha akong baliw. haha.
"loko ka talaga..." sabi ko naman sa kanya. nagkwentuhan lang naman kami nun
hanggang dumating yung time ng dismissal namin. hindi ko na naman siya nun
makakasabay sa pag-uwi dahil kakausapin siya nung adviser nila tungkol nga dun sa pagtransfer
niya sa Canada...
nalulungkot ako na aalis na siya pero kapag kasama ko siya, nakakalimutan ko na palapit
na rin pala ng palapit yung araw na aalis din siya... wala akong kasabay umuwi nun...
magpapaiwan daw kasi si Gigi para tumulong pa din dun sa booth namin... palibhasa,
yung escort namin crush niya! Hahaha. magste-stay lang dun para makasimoy. landi
talaga ng baklitang yun. hahaha. dumaan ako dun sa stairs nung kabilang building. bwiset
kasi ako dun sa mga estudyanteng nagda-darts dun malapit sa stairs na dinadaanan ko
pag-uwi. baka matamaan pa ako dun no?!!
paliko naman na ako nun ng biglang may mga narinig akong boses...

"Rits naman... bakit ba ayaw mo 'kong payagan na manligaw sayo?" hindi ko kilala yung
boses ko nun pero sigurado ako na yung Rits na tinutukoy niya ay si Ate Rits. sumilip
ako dun at nakita ko na may kausap si Ate Rits na isang third year din na lalake.
matangkad yung lalake at halatang kakagamit lang ng gel para tumaas yung buhok niya.
"ang kulit kulit mo ah... kahit naman ligawan mo 'ko, hindi kita sasagutin..." wow. eh
meron palang admirer 'tong si Ate Rits. ginamita ko lang yung pandinig ko para
malaman ko kung anong ginagawa nila dun. sana hindi nila ako mapansin diba?!
"baket?! dahil dun sa Evans na yun ha?! dahil pa sa kanya?!!" hindi ko narinig nun na
sumagot si Ate Rits kaya baka siguro tumango na lang siya dun sa sinabi nung lalake.
"ano ba naman yan, Rits?!! alam mo namang mamamatay na yung tao pero minamahal
mo pa din?!! sa tingin mo, anong mangyayare sayo kapag nawala siya?!! diba iiyak
ka?!! maniwala ka na kase na bilang na yung araw ng Evans mo?!" nagulat ako dun sa
sinabi nung lalake. sumilip ako dun sa ginagawa nila. sakto naman nung na nakita ko na
sinampal ni Ate Rits yung lalake.
"ang kapal ng mukha mo para sabihin yan..." umiiyak nun si Ate Rits. nakita ko naman
na may kasama pa yung lalake ng isa pang matabang lalake. nagulat naman ako ng
biglang magsalita yung mataba...
"tol, may tao ata..." natakot naman ako nun. grabe, nakita kaya nila ako?!! bumilis yung
pagtibok ng puso ko. sumilip ulit ako at nagulat ako ng makita ko si kuya Evans... siguro,
hindi ako yung tao na tinutukoy nung matabang lalake...
"Evans?" narinig kong sinabi ni Ate Rits. sumilip na talaga ako ng bonggang-bongga
nun. nakita kong galit yung expression ni Kuya Evans dun sa lalake na kausap ni Ate
Rits.
"Anong ginagawa niyo sa kanya?" narinig kong tinanong ni kuya Evans.
"baket ba? ano bang pakielam mo?" ang harsh nung pagkakasagot nung lalake. nakita
kong sinarado ni kuya Evans yung fist niya nun. napalunok naman ako nun. feeling ko
nagkaakroon na ako ng adam's apple sa madalas kong paglunok. joke! haha.
"diba sabi ko sayo layuan mo na siya..." ang seryoso ng boses ni kuya Evans nun. parang
naghahamon siya ng away pero bawal siyang magpagod!! baka makasama sa kanya.
"Evans, hayaan mo na kami dito..." sabi naman ni Ate Rits pero mukhang walang
naririnig nun si Kuya Evans. nakita kong lumapit si Kuya Evans dun sa lalakeng may
taas-taas na buhok.
"umalis ka na dito..." sabi ni kuya Evans dun sa lalake. halos magkasing-tangkad lang sila
nung lalake pero mas mukhang basag-ulo yung kausap na lalake ni kuya Evans.
"bakit? anong gagawin mo?" saktong pagkasabi nung lalake yung mga salitang yun,
nagulat na lang ako ng bigla siyang sinuntok sa mukha ni kuya Evans. bumilis yung
pagtibok ng puso ko. pinanuod ko yung mga pangyayare. tumulong yung matabang
lalake sa pangbubugbog kay kuya Evans. rinig na rinig ko naman yung mga sigaw ni Ate
Rits para pigilan si Kuya Evans pero mukhang nabinge na ata siya nun. ang hirap
panuorin kasi parang nararamdaman ko yung nararamdaman ni Kuya Evans ngayon.
feeling ko yung lahat ng dugo ko eh umaakyat sa ulo ko. naiiyak ako nun. gusto ko na
ding pumunta dun para pigilan sila kaso parang hindi rin naman makagalaw yung buong
katawan ko nun.
nakita ko namang hinigit ni Ate Rits si Kuya Evans nun. parang ayaw pa ngang
magpaawat nun ni Kuya Evans eh. paprang lalo pa siyang naghahanap ng away.
"Evans naman?! tumigil ka na nga?!" pagod na pagod na nun si kuya Evans. nakita ko
siya na humawak dun sa left side nung chest niya. nakita kong nakatitig yung dalawang
lalake kay kuya Evans.
"tol, lika na! baka malagot tayo dyan..." gusto kong basagin yung mukha nung
dalawang lalake. kumaripas sila ng takbo nun para lang hindi sila masangkot sa
nangyayare kay Kuya Evans. lalapitan ko na sana nun si Ate Rits at Kuya Evans ng
narinig kong magsalita ulit si Ate Rits nun.
"Eh gago ka pala eh..." sinampal ni Ate Rits nun si Kuya Evans. medyo napansin ko
naman na nakakahinga na rin ng maluwag nun si Kuya Evans. "hindi mo naman
kailangang gawin yun... kung gusto mong makipagbugbugan... sabihin mo sakin... ako
mismong maglalagay ng pasa sa mukha mo!" naiyak na nun si Ate Rits tapos ang lakas
lakas na ng boses niya habang pinagsasabihan niya si Kuya Evans. "anong gusto mong
mangyare sakin?! gusto mo bang magpakamatay ako?! paano kung inatake ka kanina?!
eh di sisisihin ko yung sarili ko?! gusto mo ba yun?!!"
bumilis yung pagtibok ng puso ko habang pinapankinggan sila. nakita ko ulit na sinampal
ni Ate Rits si Kuya Evans. "sira ulo ka talaga... ipangako mo sakin na hindi mo na
gagawin yun..." tumitig lang sa kanya si Kuya Evans nun. "kahit anong mangyare sakin,
wala kang gagawin... kahit maholdap ako... basta kahit ano... wala kang gagawin,
maliwanag ba yun?"
hindi sumasagot nun si Kuya Evans. "bakit ba ayaw mo sumagot?! ginagawa ko naman
'to para sayo ahh!" nakita kong bumubuhos nun yung luha ni Ate Rits."ayaw ko lang
naman na mawala ka sakin agad eh... hindi pa 'ko handa na mawala ka sakin..."
biglang niyakap ni Kuya Evans nun si Ate Rits. tinitigan ko sila. bumilis yung pagtibok
ng puso ko."ako rin naman eh..." parang tumigil yung mundo ko. gusto kong marinig
yung sasabihin nun ni Kuya Evans kay Ate Rits...
"ayaw ko ring mawala ako sayo... hindi pa rin ako handa.."
Chapter 36
Gusto ko sana lumapit nun sa kanila kaso narealize ko na kapag ginawa ko yun, magiging
isa akong malaking epal sa kanila ni Ate Rits. Ramdam ko naman na narealize na rin ni
Kuya Evans kung sino naman talaga ang gusto niya... halata naman na si Ate Rits
talaga... siguro excuse lang ako para hindi siya gaanu masaktan kapag oras na para iwan

niya si Ate Rits... si Ver kaya?? ano kayang nararamdaman niya?? ano kayang iniisip
niya?? naiisip niya ba kung ano yung future namin kung sakaling maghiwalay nga kami
sa dadating na panahon... kung tutuusin kaunting oras na lang at January na... minsan
magugulat ka na lang pagkagising mo, ay eto na pala yung araw na kinatatakutan mo...
hindi mo rin kasi mapigilan ang panahon ... parang yang nag-Christmas break ka ng
panahon tapos akala mo may libre kang 2 weeks ng walang kaboringan pero
nagmimistula lang na 2 days... parang pagkagising mo kinabukasan, mapapasabi ka na
lang ng ayy, may pasok na pala... ganoon makipaglaro ang panahon sayo... kapag
malungkot ka, ang bagal ng takbo nito... parang bang sadyang pinapahirapan ka... kapag
masaya ka naman, ang bilis ng oras... parang sadyang binibitin ka...
lumipas ang ibang days... dumaan na rin yung exams namin... ayos lang naman... carry ko
pa naman ang mga nakakamatay na terms na tinahak ko mula sa umpisa ng quarter na 'to.
haha. o tingnan mo, sobrang bilis ng mga araw, foundation week na namin ngayon...
syempre, suot namin yung batch shirt namin at jogging pants... handang-handa na ako
nun... medyo excited na din ako eh... hindi ko alam yung dahilan...
Day 1. November 27. Foundation Week.
sabay kami nila Tami at Bojie nun. Excited din kami pare-pareho. Too bad hindi namin
kasabay si Ver nun, nauna kasi siya dun at may gagawin pa daw siya... siguro sasayaw
ulit sila ng F4... Hahaha... makasabi lang ng F4 no? akala mo naman kung sino silang
kagwapuhan!
syempre, naglakad kaming papunta dun sa clubhouse then sumakay kami ng tricycle
papunta sa rotonda at nag-abang kami ng jeep na papunta sa school namin. nakakita kami
agad ng jeep. must be a lucky day no! haha... nagulat naman ako ng makasabay ko nun si
Gigi... bongga ang baklang 'to... meron pang shawl na suot!! baklita talaga?!
"Bru?! lupet ng shawl ahh!" pang-aasar ko naman sa kanya.
"Alam mo bru, ganyan na ang maganda..." sabi naman niya. natawa naman kami nila
Bojie at Tami nun.
"nagmamaganda kamo!" sabi ko naman sa kanya. nagtawanan na lang kami nun. hindi na
lang pinansin ni Gigi yung pang-aasar ko sa kanya. nagkwentuhan na lang kami tungkol
sa kung anu-ano. nadiscover ko naman na may boyfriend na pala siya sa text... badtrip
'tong baklitang 'to!!? naunahan pa ako!! Haha. napapatawa na nga lang nun si Bojie at
Tami eh... tapos etong si Gigi naman mukhang may pagnanasa kay Bojie?!! aba, wag ang
kapatid ko no?!
ilang minutes lang naman ng sabay-sabay na kaming bumaba dun sa school namin...
masaya ako nun kasi bukas pa ang duty ko dun sa booth namin... free day ako ngayon...
duty naman ni Gigi dun sa telegram booth nila... eh 1 hour lang naman yun kaya halos
isang oras din ako mawawalan ng kasama... nagstart na nun yung program.. inannounce
lang naman yung launching of booths... kanya-kanya ang mga magbabarkada sa pagbisita
sa bawat booths... astig nga eh... parang nagkaroon ng instant Enchanted Kingdom sa
school namin... bongga?!! bumili ako ng cotton candy nun... syempre, kakaen muna ako
pampalipas oras... umupo muna ako dun sa green na bench sa hallway nung first floor ng
building namin... enjoy ako sa pagkain ng merong estudyante na lumapit sakin... sigurado
akong kabatch ko siya kasi parehas kami ng kulay ng batch t-shirt...
"ate, from telegram booth po ako... meron pong sulat para sa inyo..." nagtaka naman ako
nun. infairness, bumebenta ang booth ni Gigi. umalis din naman kaagad yung
estudyanteng yun. binuksan ko yung letter.
Maghanda ka! :]
nagulat naman ako dun. may birthday party ba para paghandaan ko?!! nagulat ulit ako ng
meron na namang isang estudyante na lumapit sakin at nag-abot na naman ng letter. halos
hindi nga ako makapagsalita sa pagsulpot ng mga kabatch kong 'to. parang napagtritripan
ako.
bubuhusan na kita
ng pagmamahal
ko :]
napangite ako nun. bigla akong kinilig eh. dun ko naman narealize na baka si Ver 'to.
handwriting pa lang eh, mukha ng kinalaykay ng mga manok! joke! tumayo naman ako
nun tapos nagulat ako ng biglang may dalawang lalake na napag-alaman kong si Josh at
si Prince na hinila ako papunta sa second floor.
"Josh?! Prince?! anong ginagawa niyo?!!" tanong ko naman sa kanila nung binitawan nila
ako at dinala nila ako dun sa malaking bintana sa second floor ng building namin kung
saan kitang-kita mo yung buong court.
"hindi kami si Josh at Prince?!" sabi naman ni Josh. natawa naman ako nun. mukha
silang timang ah. umalis din naman sila nun at pumunta sa ibaba. aalis na sana ako nun
kasi mukhang napagtritripan lang ako ng biglang tumugtog mula sa dedication booth
yung kantang Your Song ni Ellie Goulding. naalala ko nun yung forst dance namin ni
Ver. napatigil nga ako nun eh.
dumungaw ako dun sa bintana. akala ko makikita ko nun si Ver pero isang buong section
ata ng mga estudyante ang nakita ko. meron silang hawak na parang white na cardboards.
napapangite na lang ako nun eh. nasa wow mali ba ako?! hindi ko naman ineexpect na
binalgtad nila yung cardboard... then, narealize ko na may message pala na pinapahiwatig
yung mga taong yun... nabasa ko dun yung phrase na `tumingin ka sa likod mo`.
napatawa naman ako nun. ako naman 'tong, biglang tumingin sa likod ko...
lalo akong napangite nung nakita ko si Ver..
"anong ginagawa mo?" tanong ko naman sa kanya. natatawa na lang talaga ako nun. okay
lang kahit mukhang timang, sobrang sweet naman.
"recreating our fairytale love story..." biglang sagot naman niya sakin. lumapit siya sakin

tapos hinila niya ako papunta dun sa gitna nung hallway ng second floor. napapangite na
lang ako nun eh. parang joke lang ang lahat. medyo lumayo siya sakin. sa distansyang 5
meters mula sakin. then, nagstart din siyang maglakad ng mabagal papunta sakin.
"gusto ko... hindi pa daw tayo magkakilala..." sabi naman niya habang naglalakad siya
papunta sakin. napapangite na talaga ako nun. total laughtrip talaga. lumapit na siya sakin
nun tapos binunggo niya ako intentionally. "tapos mabubunggo kita... tapos magagalit
ka..." napapakagat ako ng labi nun sa sobrang kilig. "eh kunware daw sobrang yabang ko
tapos papatulan kita..."hinawakan niya nun yung kamay ko. "tapos sa una, hindi tayo
magkasundo pero dadating din yung panahon na nadevelop din tayo sa isa't-isa..." tuloy
pa din yung pagtugtog nung kanta nun. bumibilis din yung pagtibok ng puso ko.
pinipigilan ko pa yung ngite ko. nakakahiya kasing magpakita sa kanya ng
kakiligan. "tapos liligawan kita... magiging tayo agad... at wala tayong problema kasi
gusto din naman natin yung isa't-isa..." hinawakan niya yung kamay ko nun tapos hinila
niya ako pataas ng 3rd floor. narinig ko yung hiyawan ng mga tao. kinikilig na talaga ako
nun. nagulat naman ako ng merong nagsabit sakin ng belo nun tapos merong estudyante
na nakadamit pari dun sa gitna ng hallway ng 3rd floor.
"oh ano naman yan?" natatawa kong tanong. hinigpitan niya yung pagkahawak niya sakin
nun.
"papakasalan na kita..." sabi naman niya sakin. jinoketime naman ni `kunwareng pari`
yung pagbasbas samin as husband and wife. halata namang joketime lang talaga ang
lahat. lalo akong natawa nung nakita ko si Prince, Gian at Josh na naiyak pa daw.
"big boy na talaga ang baby boy natin!!" kunware pa silang naiyak nun. tawa tuloy kami
ng tawa ni Ver nun. 5 minutes lang nagtagal yung marriage namin kunware sa marriage
booth. parang nag-iba nga yung scene nun eh kasi parang segundo lang ang nakalipas
nung iligpit na agad nung mga students yung pang-kasalan na mga gamit.
tumitig lang sakin si Ver nun at hawak pa rin niya yung kamay ko. narealize ko din na
wala na din sila Prince nun. parang naglaho na lang bigla ahh. galing nun. Haha.
"oh tapos na ba?" tanong ko naman sa kanya.
"bakit? nabitin ka ba?" parang nag-aalala siya nung tinanong niya.
"hindi ah... malay ko ba kung may pasabog ka pa... baka maging panira ako sa mga plano
mo... kelan pa ba kita pwedeng sagutin?" nakangite kong sinabi sa kanya. medyo feel ko
naman na naintindihan yung sinabi ko nun.
"kung gusto mo ngayon na!" sabi naman niya sakin. tumango lang ako nun. bumibilis pa
rin yung pagtibok ng puso ko. hindi ako makapaniwala na kami na...
kami na ni Ver nung mga oras na yun...
"i love you..." bulong ko naman sa kanya. hindi ko alam kung tama bang sagutin ko siya
kung alam ko namang malapit na rin ang panahon na iiwan niya ako... hindi kaya
masaktan lang ako lalo neto...
"i love you too..."
Chapter 37
Nagparty-party nun yung puso ko. nakakakilig talaga yung bawat ginagawa sakin ni Ver
eh. nakakaloko lang lahat. haha. may balak nga ata akong gawin netong baliw eh... bawat
titig pa lang niya, nakakabaliw na. Sige, ako na OA. Haha.
So yun, nagpatuloy naman ang kasiyahan namin. Parang kaming nag-date buong araw
nun. Parang solo namin ang buong school na instant Enchanted Kingdom na ang dating.
Dahil mapaglaro nga ang panahon, tila sobrang bilis nito. akalain mong, dismissal na
namin. 5 pm pinauwi ng mga teachers yung mga estudyante. Aww, bukas ay boring part
na. puro awards lang na wala naman akong pakielam. asa namang mapasali ako dun sa
mga most beautiful, most friendly at kung ano mang most most chorvalu na awards. hindi
naman ako sikat para mapasali sa listahan ng mga yun. haha.
sabay kaming umuwi ni Ver nun. akalain mo yung, halos isang araw ko na siyang
nakasama, hindi pa din ako nagsasawa sa mukha niya. pero narealize ko din naman na
never pa rin akong nagsawa sa mukha niya kahit na 8 years na kaming araw-araw na
nagkikita.
traffic nun. meron atang banggaan dun sa unahan. mukhang nakikisali ang panahon
ngayon sa mga hangarin ko ah. hangarin ko lang naman na mas makasama si Ver nun.
mas lalo tuloy akong kinikilig. nakacling nun yung braso ko sa braso niya. parang
pinagtitinginan kami ng mga tao dun sa jeep sa sobrang ka-sweetan namin eh! hahaha.
pakielam ba nila. eto ang kasiyahan 'ko no! haha. mang-away ba?
so yun, sinamantala ko na ang oras na nun para sumandal dun sa kanang balikat niya.
napapangite ako nun. sobrang kinikilig ako. ang bango bango niya. amoy baby! haha.
grabe 'tong mga iniisip kong description sa kanya ah. napaghahalataan na akong adik na
adik sa kanya. hahaha.
naramdaman ko namang lumapit siya sakin nun tapos bumulong siya.
"ikaw ha... chansing ka na..." pabiro niya binulong sakin. napangite naman ako nun tapos
lalo kong hinigpitan yung kapit ko sa kanya. kinikilig talaga ako. kayo ba? kinikilig din?
hahaha.
"oo... chansing 'to!" sabi ko naman sa kanya. halos hindi umuusad yung jeep nun kaya
enjoy na enjoy ko naman ang bawat segundo ng pangyayare na 'to. haha. ang landi ko
talaga!
"nakakahiya ka huy!" sabi naman niya sakin. sus, gusto din naman niya!
"bakit ba?" sabi ko naman sa kanya. wala naman akong pakielam sa mga sasabihin ng
ibang tao. kung alam lang nila ang mga mangyayare sa mga susunod na araw... linggo...
at buwan ng aking buhay... siguro, magagawa din nila 'to sa mga taong mahal nila kung
sakaling mae-experience nila ang nangyayare sakin ngayon...
"wala lang... ang cute mo pala..." sabi naman niya. kinilig na naman ako nun. parang

kaming miniature married couple nun. sobrang saya ko. akala ko hanggang pangarap at
panaginip lang 'to, pero akalain mo ngayon, nagkatotoo na!! saan ka pa?! samin na?!
Haha.
"Uh... Ver... anong maipra-promise mo sakin?" hindi ko alam kung bakit ko tinanong sa
kanya 'to. siguro, gusto ko lang na marinig yung mga sweet words niya sakin.
"uh.. na kahit anong mangyare, mananatili ka sa puso ko..." tumingin siya sakin ng
diretso nun tapos sobrang lapit nung mukha namin sa isa't-isa. napatitig ako at napangite
ako sa sinabi niya.
"talaga?" tanong ko naman sa kanya.
"oo naman... mahal na mahal kita eh..." sabi naman niya. napangite na lang ako nun.
nagsigh ako. narealize ko naman nun na parang hindi na ako makangite. naiisip ko kasi
yung pag-alis niya. pinilit kong burahin yun sa isipan ko kaso ang hirap lang... naniniwala
naman ako na mahal ako ni Ver... kaso parang... mas mahal ko siya eh... alam kong mali
ang timbangin ang pagmamahalan ng isa't-isa... kaso hindi ko maiwasan na
maicompare... parang kasing... hindi siya nasasaktan kung magkakalayo man kami pero
eto ako... halos maubos na ang luha ko at halos sumakit na ang ulo ko kakaisip kung ano
ang pwedeng mangyare sakin... samin... kapag umalis siya... hay nako...
umandar na rin naman yung jeep na yun. buti na lang. kakampi ko talaga ngayon ang
panahon. parang anytime kasi, bubuhos na naman ang luha ko eh. buti na lang, umandar
na yung jeep. bumaba na kami sa rotonda nun. nagtricycle kami papunta sa clubhouse.
tahimik naming nilakad yung mga bahay namin. dumaan kami sa chapel at merong misa
nun. dun ko naman nakita si pogi, gwapings at yung kabarkada niya na nagsisimbang tabi
dun. mukhang naghahanap ng chicks. haha.
so yun, kumaliwa na din kami para makapunta sa bahay namin... pumasok na kami sa
mga bahay namin... nagkakwentuhan kami ng kaunti ni mama nun... grabe, pukpukan
daw sila sa trabaho... naka-40% na nga sila dun sa bahay eh... grabe, siguro sobrang taas
ng pay nila sa labor... nag-shower naman na ako nun at nagpalit ng damit... umakyat ako
dun sa kwarto ko... dahil sa sobrang pagod na din, hindi ko na rin naisipan na buksan
yung pintuan ko na dating bintana... nakatulog na rin naman kasi ako kaagad...
Day 2. November 28. Foundation Week.
1:30 p.m din nung umalis kami ni Ver dun sa mga bahay namin. yehey! sabay na kami.
kilig na kilig pa rin naman ako nun. hahaha. okay lang na corny ang araw na 'to, at least
makakasama ko naman ang aking Silverio. ayy, tamang angkinin?! haha.
sumakay ulit kami syempre sa jeep nun. naka-akbay siya sakin nun tapos ako naman
etong halos mahiga na sa katawan niya. ang sweet namin no? kulang na lang eh
langgamin kami.
"i love you..." bulong naman niya sakin.may balak ata 'tong araw-arawin ang pagsasabi
sakin ng i love you ahh!!
"hala... mahal na mahal mo siguro ako no?" pang-aasar ko naman sa kanya. tumango lang
naman siya nun tapos nginitian niya ako. hinawakan ko yung kamay niya. grabe,
bumibilis yung pagtibok ng puso ko. kami na pala no? kahapon lang... at yun ang
pinakamasaya kong araw... "i love you too..."
mabilis naman kaming nakapunta nun sa school namin. nabitin tuloy ako sa lambingan
namin! hahaha. joke!
so yun, pwumesto naman kami. bukas yung mga booths nun. mapapalayo ako kay Ver
nun kasi duty ko nun. badtrip naman oh. gusto ko pa namang makausap si Ver nun. so
yun, wala namang nagpapadedicate. sayang lang ang effort ko na magbantay dito sa
booth namin. kasabay ko nun magbantay yung dalawang babae na hindi ko naman
kaclose kaya super boring naman talaga. worst day ever... buti na lang andyan ulit si Ver
para buuin ang araw ko... hahaha... halos antok na antok na ako...
hindi ko na nga namalayan na nagsisimula na yung pag-aaward... nagsimula sa mga
award ng mga champion sa poster making, slogan making, paso making at kung anu-ano
pang mga gawain na may making sa dulo... meron ding nagwagi sa mga spelling quiz
bee, math quiz bee, science quiz bee at kung ano mang uri pa ng insekto bukod sa
bubuyog. then dumating na dun sa mga most most chuvereklabu... lalo naman akong
walang pakielam dun.. dun ko lang naman narealize na isa si Kuya Evans dun sa mga
nag-aabot ng mga awards... siguro, kasama siya dun sa mga moderators ng buong
foundation week... hmmm... baka nga...
tinawag na nun yung most fashionable... jejemon award... most friendly... ms. and mr.
killer smile... at kung anu-ano pa... kakornihan ba... marami pang sumunod dun ng
biglang tinawag na yun Mr. Handsome...
"Christian Mark Roldan!!" maraming babae na naghiyawan nun. hindi ko nga kilala yung
estudyante na yun eh pero feeling ko first year lang siya. mukhang madaming fans ahh.
napatingin naman ako kay Tami nun na grabeng makatingin dun sa maputing lalake na
umaakyat sa stage para kunin yung award niya... aba, kulang na lang maglaway 'tong
kapatid ko aah!?!! haha. so yun, nagpalakpakan yung mga tao... nagkaroon ng picturan...
hay gusto ko lang matulog eh...
"so for the Ms. Pretty award!!" sigurado ako na baka mapunta lang yan dun sa mga
malalanding cheerdancers o di kaya dun sa mga babae dyan sa tabi-tabi na palaging
nagmamaganda. haha.
"Ms. Caroline Miles Benitez..."
tooot...tooot...toot... parang nagmistulang tunog ng telepono yung pumasok na ingay dun
sa tenga ko... mababa ata ang signal dito?! mali ata ang pagkakarinig ko?!! nakatingin
sakin lahat ng estudyante tapos naghihiyawan sila... TEKA!?! TAMA BA 'TONG
NARIRINIG KO?! tumingin ako kay Kuya Evans na nakatingin sakin... ano ba yan?!!
kahapon pa akong napagtritripan aahh?!! haha.

tumayo ako nun at napilitan na umakyat dun sa stage... medyo nahihiya nga ako nun eh...
napatingin ako kay Ver na nakangite sakin... nawala nun yung kaba ko... grabe, puro
kakiligan na lang ang nararamdaman ko... ano ba yan... nakaharap ko naman nun si kuya
Evans at binigay niya sakin yung trophy kung saan may nakasulat na Ms.Pretty Award...
nagkaroon ng picturan at kung anu-ano... badtrip... hindi nga ako nangite nun eh.. haha..
"ganda mo ah.." sabi naman niya sakin. parang nanlamig ako nun pero at the same time
nag-init din yung mukha ko.
"ang lakas ng trip niyo..." bulong ko naman sa kanila. sigurado ako na trip lang 'to?!!
kaya ayoko ng day 2 ng foundation week eh. haha. badtrip lang.
"pero di nga? maganda ka nga..." nginitian ko na lang siya nun tapos bumaba na din ako
stage. balik naman ako dun sa duty ko na nun. ang awkward ng feeling... parang halos
lahat ng tao nakatingin sakin... ganun na ba talaga kagrabeng lumevel-up ang beauty ko!?
joke! haha.
nagkaroon pa naman ng kung anu-anong speeches at nakakaantok na mga remarks. then
yun, pinaalalahanan kami tungkol dun sa Masquerade ball na gagawin namin bukas...
ewan ko ba... pero medyo naeexcite naman ako dun... aba, bongga ang gown ko dun?!!
color green... simple pero eleganteng tingnan?! haha.
lalapitan ko na sana si Ver nun para sabayan siyang umuwi kaso biglang lumapit sakin si
Kuya Evans... may dala siyang maliit na tiara nun...
"ayy... nakalimutan kong isuot 'to sayo..." natulala naman ako nun. lumapit siya sakin
tapos sinuot niya sakin yung tiara.
"whoa... so kailangan pa talaga nun?" parang medyo inayos niya nun yung buhok ko,
parang kinilabutan nga ako... hindi ko alam yung dahilan...
"yup princess..." nung narinig ko yung word na princess, parang napatigil ako...
wala lang... hindi ko alam kung bakit... bumilis yung pagtibok ng puso ko pero at the
same time, bumabagal din naman yung oras... naging awkward yung feeling ko bigla...
hindi ko lang talaga maintindihan...
Chapter 38
Hindi ko na lang naman yun pinansin. biglang nabagabag yung loob ko sa hindi
nalalamang dahilan eh. syempre, ngumite na lang ako nun kay Kuya Evans tapos umalis
na din ako sa harapan niya. hinanap ko agad nun si Ver. Hindi pa naman uwian nun.
Meron pa kasing 1 hour para magcontinue pa yung pagbubukas ng iba't-isang booths.
dahil malinaw naman ang mga mata ko, nakita ko nun si Ver. nakatingin siya sakin tapos
mukhang natatawa pa siya. hay nako. nakakahiya talagang ma-awardan ng mga ganitong
bagay. nakakainis lang eh. kasama niya nun si Josh, Gian, Prince at Gigi. ano ba naman
yan?!! bakit nga ba ako nakipagkaibigan sa mga alaskador na katulad nila?!! haha. joke!
"Wow bru?!! lumelevel-up ka?!! Ms.Pretty award!!" pangtukso naman sakin ni Gigi.
nagtawanan naman yung apat na lalaki na kasama niya. kung makatawa, parang walang
bukas ah... tinanggal ko na agad yung tiara ko nun tapos tinago ko dun sa bag ko..
"nakakainis kayo!" sabi ko naman sa kanila pero syempre, pabiro ko lang naman yun.
nagtatawanan na naman sila.
"oh bakit? maganda ka naman talaga ahh?!" feeling ko naman nagblush ako nun. haha.
kay landi ko talagang bata oh?!! pako niyo na ako sa krus?!! joke! haha.
"etong si Vher! halatang kinikilig?!!" rinerefer ako nun ni Prince. makapang-asar talaga
eh.
"h-hindi ahh..." denial queen naman ako nun. so yun, pinagtawanan lang naman nila ako.
then yun nakapagkwentuhan din kami tungkol sa kung anu-ano pang bagay. alam naman
na nila na pupunta ng Canada si Ver pero bakit ganun? parang ako lang ata ang pinakaaffected
dito...
syempre, umuwi na rin kami pagdating nung 5 pm na uwian namin... tahimik ako sa
buong jeep... hindi ako makapaglambing kay Ver eh... andyan ba naman sila Prince na
parang buong byahe eh binabantayan ang lahat ng kilos namin ni Silverio..
nagtitinginan lang tuloy kami ni Ver nun pati nagkakangitian... parang hindi kami ahh..
hahaha.
unting minuto lang naman ang tinagal ng byahe namin... nakauwi din naman kami ng
matiwasay nun... syempre, dating gawi... tinatamad na akong ienumerate lahat ng
dinaanan naming kanto at pasikot-sikot.. haha.. so yun, pumasok na din ako ng bahay
ko... nagkakwentuhan ulit kami ni mama tungkol sa kung anu-anong bagay... tinukso
naman ako ni Tami at Bojie tungkol dun sa Ms.Pretty Award ko... syempre, binato ko
naman ng tukso si Tami dun sa first year na tumanggap nung Mr. Handsome Award...
Nagblush nga siya nun eh... aba, itong kapatid ko pala eh kasing landi ko lang! joke.
hahaha.
tumaas naman ako nun at nag-shower... tapos napalit ako ng damit ko... bumaba din
naman ako ulit para kumaen ng dinner nun.. parang nabusog nga ako kaso bawal nga
palang matulog ng busog no... hindi ko din alam ang dahilan... haha... so yun, umakyat
ulit ako dun sa kwarto ko... naisipan ko naman na buksan yung pintuan na dati kong
bintana... ineexpect ko nun na makikita ko kaagad si Ver kaso ang ineexpect ko pala ay
wala sa harapan ko... nadismaya ako ng mga ilang segundo nun... parang lalo akong
nalungkot... lalo kong naalala na aalis siya... hay nako... simula nung malaman ko yung
super good news niya, parang nagunaw na ang buong mundo ko... may nakita naman ako
note dun sa labas nung pintuan niya... kinuha ko yun tapos binuklat ko...
Vher! :]
Start lang ako ng review para sa Exam =)
I love You!! ^___^
medyo napangite ako nun. ang aga naman niyang magreview. akala ko ba sa december
pa?? hay nako... sinarado ko na rin yung pintuan ko nun tapos tinabi ko lang yung note

niya... hinanda ko nun yung rinentahan kong gown para bukas... parang bigla nga akong
tinamad na umattend eh pero naisip ko na what if last dance na namin ni Ver ang
mangyayareng ball na 'to?? bumalik na rin naman ang sigla ko nun habang iniisip pa
yung mga pwedeng gawin namin ni Ver habang andyan pa siya... habang kapiling ko pa
siya...
dahil sa sobrang pag-iimagine ko, hindi ko na rin namalayan na nakatulog na din pala
ako...
Day 3. November 29. Foundation Week.
Hapon pa naman yung start nung ball. nagulat nga ako ng malaman ko na umalis kaagad
si Ver. ano ba naman yun, hindi man lang ako hinintay... nakakapagtampo naman... hindi
ko rin naman makakasabay nun yung kambal kong kapatid gawa ng magpapalate daw
sila pareho... mga trip eh... 5 pm ako pumunta dun sa school namin... syempre, hinatid
ako ni mama... masyadong matigas ang ulo nung mga kapatid ko, hindi pa sumama...
sayang sa gas eh! hahaha...
so yun, bumaba na ako dun sa school namin... nagbabye at nagkiss muna ako sa cheeks ni
mama bago bumaba dun sa kotse... medyo excited naman ako nun... dahil masquerade
ball ang gagawin, malamang meron yung mga parang maskara sa mukha... badtrip lang
eh... feeling ko nga non-sense pa yung pagtatakip ng mukha kung halata mo naman agad
kung sino yung kaharap mo... pinagmumukha lang ata kaming timang ng school namin
eh... hahaha.
so yun, nagkaroon ng kung anu mang program... merong mga grupo ng dancers na
inarkila yung school namin para sa closing program na 'to... hindi ko namann masyado
napansin yung nagsayaw kasi busy ako sa paghahanap kay Ver... kaso hindi ko talaga
siya makita.. so si Gigi na lang ang hinanap ko pero hindi ko rin naman siya nakita...
napagtritripan na naman ata ako dito ahh.. haha...
"So, the dance floor is all yours! Please enjoy the party!" sabi naman nung emcee. ay
tapos na pala yung presentation nung mga nagsasayaw, hindi ko man lang napapansin.
natatawa na lang ako eh. so yun, kanya-kanya naman yung mga lalake sa pagyaya dun sa
mga babae sa pagsasayaw... ako naman 'tong naggagala lang sa buong covered court para
hindi mayaya... ayoko lang talagang nagsasayaw... kung hindi si Ver ang kaparter...
masyado akong choosy eh... haha...
"Vher!" napangite naman ako nung narinig ko yung boses ni Ver sa likod ko. lumingon
ako kaagad tapos nakita ko siyang nakatayo mag-isa dun sa area ng school namin kung
saan may bermuda grass... ang lapad ng ngite ko nun... lumapit naman ako sa kanya...
infairness, mahirap magpunta dun sa damuhan ahh!! hahaha.
"Ver!" sabi ko naman sa kanya. tinitigan niya lang ako nun tapos rineach out niya sakin
yung hand ko. kinikilig nga ako nun. kinuha ko naman yung kamay niya tapos nagsayaw
kami... napayakap nga ako sa knaya nun tapos napapikit pa talaga ako... hindi ko nga
alam kung ano yung kantang natugtog... masyado kasi akong nakafocus sa ginagawa
namin ngayon ni Ver... feeling ko nga kaming dalawa lang yung naandun eh... minulat ko
naman yung mga mata ko nun tapos napansin ko na parang ang daming butterflies na
pumaligid samin...in amazement, medyo humiwalay ako sa kanya nun...
"ang ganda..." sabi ko sa kanya. nakangite lang siya sakin nun.
"may ipapakita ako sayo..." dun ko lang naman narealize na magkahawak kamay kami
nun. meron siyang tinuro na isang bagay sakin na pamilyar sa mga mata ko... tinuro niya
sakin yung isang bagay na nakalapag lang dun sa damuhan... hindi ko nga yun napansin
kanina eh... pero natulala talaga ako sa bagay na yun...
sandals...
pero masasabi na nating ang sapatos na 'to ang pinakamemorable na footwear sa buong
buhay ko... lumapit kaming dalawa dun...
"naaalala mo pa yan?" bumilis yung pagtibok ng puso ko. naalala ko yung pagligtas ko sa
buhay niya nung mga bata kami... kung saan ang tanging naging remembrance na lang
sakin ay yung kabiyak ng sandals na yan... and ngayon ko lng nalaman na nakita pala yun
ni Ver.. tumango ako nun... parang gusto ko ngang umiyak nun eh... parang Cinderella
lang... nakakatuwa eh... kinuha ni Ver yung sandals na yun...
"tanggalin mo yang suot mung sapatos..." sumunod naman ako sa kanya.
"eh paano ba yan, nasa bahay yung kabiyak niyan?" sabi ko naman sa kanya. ako naman
ang panira sa plano niya oh... lumuhod siya nun tapos sinuot niya sa kanang paa ko yung
sandals... infairness, kasyang-kasya sakin... palibhasa, kay mama naman talaga 'to eh?!
haha...
"don't worry..." sabi naman niya sakin habang natayo siya. hinawakan niya ulit yung
kamay ko tapos nagulat ako ng biglang narinig kong tinawag ako ni Tami.
"ATE!! Kuya Ver?!!" sigaw ni Tami samin. kasama niya nun si Bojie. bigla akong
napangite nung nakita ko yung bagay na dala nila...
yung sandals...
napangite talaga ako nun. binigay ni Bojie kay Ver yung isang sapatos... lumuhod ulit
nun si Ver tapos sinuot naman niya sa kaliwa kong paa yung isang sandals... medyo
nagtaka nga ako nun eh... alam pala ni Bojie at Tami kung saan ko tinago 'tong sandals na
'to... napaiyak na talaga ako nun while nakita ko naman si Bojie at Tami na nakangite
lang sa may isang tabi...
"oh bakit ka naiyak?" tanong naman niya sakin. napapailing naman ako nun tapos
napayakap ako sa kanya. naramdaman ko naman na parang tinatapik-tapik niya lang
yung likod ko...
"ikaw kasi eh... masyado kang nagawa ng good memories..." sabi ko naman sa kanya.
lalo kong hinigpitan yung pagkakayakap ko sa kanya. "lalo kitang mamimiss niyan
eh!" naramdaman ko naman na tumawa nun si Ver. bakit ba palage na lang siyang

natawa?! hahaha.
"syempre... mahal kita eh..." humiwalay siya sakin ng kaunti nun tapos tinitigan niya
yung mga mata ko. hinawakan niya nun yung mukha ko then bumulong siya sakin...
"i love you... tandaan mo yan ha?" tumulo nun yung luha ko tapos bumilis yung pagtibok
ng puso ko. parang kinabahan ako dun sa mga sinabi niya.
Chapter 39
mabilis ang naging takbo nung oras. maayos naman ang pagsasama namin ni Ver. akalain
mong December na rin ngayon. unti-unti na ding lumalapit ang January... ang panahon
kung kelan kami magkakahiwalay... naalala ko rin naman nun si Kuya Evans... lalo din
akong kinakabahan... pwede kayang sa parehas na buwan na yun eh iwan nila ako
pareho?? wag naman sana...
tulad ng plano ni Ver, nagpa-drop-out na nga siya dun sa school namin... dahil
napagkasunduaan nila ng mga magulang niya na magho-homeschool siya... lalo akong
nalulungkot nun... hindi ko na rin pala siya makikita sa school no... pagdating ko naman
sa bahay, hindi rin kami makapagusap kasi busy din siya sa pag-aaral... masyado na
niyang binubugbog yung sarili niya sa pag-aaral... hindi ko nga maintindihan siya minsan
eh... pero naisip ko na lang... siguro kung ako rin naman ay merong isang goal katulad
niya, gagawin ko ang lahat para makuha yun... kaso ang problema kasi, hindi ako katulad
ni Ver na may pangarap... simpleng tao lang naman kasi ang gusto kong maging... iba
kasi si Ver... punong-puno siya ng pangarap... determination... pagpupursige... at
ambisyon... hindi ko naman siya masisisi kung ganun siya... masaya ako kasi at last,
makakamita na riin niya yung pangarap niya na mabuo ulit silang pamilya at makapagaaral
na din siya sa ibang bansa... masaya ako para sa kanya... at hindi ako gagawa ng
kung anu man para hadlangan ang happiness niya... gusto ko siyang suportahan pero
parang wala rin naman akong magawang matino para sa kanya...
napapatingin na lang ako sa orasan nun... sana tumigil yung oras... sana di battery na lang
ang buhay para kapag nawalan ng battery, titigil lang 'to pansamantala... at least, pwede
mong kontrolin ang takbo ng oras... pero sa kasamaang palad, impusible naman na
maging di battery ang buhay... dun ko rin naman narealize na hindi lang sakin naikot ang
mundo... hindi lang gusto ko ang parating nasusunod... minsan ako ang swerte... minsan
naman ako ang malas... bakit ko nga ba 'to sinasabi? hay nako...
nakakamiss na si Ver eh... hindi tulad dati na araw-araw ko siyang nakikita, aba ngayon,
parang first time na sa isang linggo ay dalawang beses ko lang siya nakikita... minsan nga
gusto ko ng umiyak sa harapan niya at patigilin siya... gusto kong paatrasin siya pero
sinasabi ko sa sarili ko na mali yun...
napagpasyahan ko ng araw na yun na tumambay muna sa may playground... siguro, yun
na lang ang tanging lugar sa mundo na pwedeng magpakalimot sa sakit na
nararamdaman ko kapag hindi kami nakakapagusap at di kami nakakapagkita ni Ver...
ang drama ko talaga no? masyado ko ata siyang minahal eh... umabot sa point na kapag
nawala siya, wala ng matitira para sakin... nagswing muna ako nun at nagmuni-muni lang
sa paligid... napatingin ako sa langit at feel na feel ko naman ang malamig na simoy ng
hangin... ang sarap naman sa pakiramdam... nagulat naman ako nun ng may napansin
akong bato na gumulong sa harapan ko... tiningnan ko yung tao na nagbato ng bato sa
harapan ko... nakita ko naman nun si Kuya Evans na nakatingin sakin..
"Hi Kuya Evans!" sabi ko naman sa kanya. tinabihan niya ako nun sa isa pang swing.
tahimik nga kami eh. "bakit ka nasa labas? dapat nagpapahinga ka ah..."
"malapit na... may nakapagsabi na sakin na malapit na..." sabi niya sakin. napatungo ako
nun. ayaw kong makarinig ng mga ganito eh. pati ako nasasaktan.
"ano ba naman yan kuya Evans?! mga sinasabi mo?! bumalik ka na nga dun sa bahay
niyo! magpahinga ka na dun?!"tumayo ako nun tapos hinila ko siya at naglakad kami
papunta dun sa bahay nila. ang tahimik nga niya nun eh. halos walang imik. pero
dumating sa point na tumigil siya nun sa paglalakad. napatingin nga ako sa kanya nun.
"napagisipan ko na talaga..." sabi niya sakin ng nakangite. "thank you pala sa lahat... baka
ito na kasi ang huling pagkakataon na makapagthank you ako sayo..."nagtataka ako sa
kanya. ang bilis ng pagtibok ng puso ko. hindi ko siya maintindihan. ayoko ng mga
salitang ganyan eh. napaluha na talaga ako nun. daig ko pa ang bata na naagawan ng
laruan.
"wag ka ngang ganyan! mukha ka namang tanga eh... kung nagpapahinga ka sa bahay
niyo diba? siguro, hindi yan yung huling beses na masasabihan mo ako ng thank
you!"naiyak na talaga ako nun. lumapit naman siya sakin. bakit ba siya ganun?!
nakukuha pa rin niyang ngumite. hinawakan niya yung kamay ko tapos naglakad kami
papunta ng bahay niya. medyo malayo pa nga kami nun kasi ang bagal talaga naming
maglakad nung mga oras na yun.
"nagpapakasiguro lang ako... buti na lang ngayon wala na akong pagsisisihan..." sabi
naman niya sakin. napatingin ako sa kanya ng wala sa oras nun. natigil na din yung
pagiyak ko nun.
"b-bakit?" napapangite nga ako nun eh. feeling ko kung mawawala man ngayon si Kuya
Evans, sigurado akong masaya siya...
"nasabi ko na kay Rits..." bumilis yung pagtibok ng puso ko.
"sabi ko naman sayo eh... ayaw mo lang aminin na siya talaga ang gusto mo.." sabi ko
naman sa kanya. nawalan ako ng mga luha nun at mabagal pa din ang paglalakad namin.
"oo nga... sige, ikaw ng magaling..." sabi naman niya sakin na may bahid ng pang-aasar.
napansin ko naman nun na ako na lang ang naglalakad tapos napatigil siya nun. bigla ko
nga siyang nilingon eh. nakita ko na nakasarado yung fist niya nun tapos hinihingal siya.
bigla akong kinabahan.
"kuya Evans?! anong nangyayare sayo?!!"tarantang-taranta ako nun. parang wala akong

magawa. hinawakan niya nun yung kamay ko. napaiyak na naman ako. please... Lord...
wag ngayon... wag ngayon... wag niyo naman muna siyang kunin ngayon...
"masakit..."sabi niya habang hawak niya yung left side nung chest niya... nahihirapan
siyang magsalita nun tapos napapaluhod na diya nun... wala akong magawa nun kundi
umiyak... tumingin ako sa paligid ko... swerte pa kami kasi may nakakita samin na
kakilala ni Kuya Evans... dinala siya agad dun sa bahay nila... tarantang-taranta din yung
daddy ni Kuya Evans nun... wala na ngang malay nun si Kuya Evans eh... lalo akong
kinabahana... parang umiikot yung buong paningin ko... parang hindi ko na magets yung
mga nangyayare sakin... o siguro ayaw ko na lang paniwalaan yung mga nangyayare
sakin... nakita kong dali-daling pinaandar nung daddy ni kuya Evans yung kotse nila...
sakay na nun si Kuya Evans... hindi na rin naman ako nakapalag... halos frozen na rin ako
nun... wala akong magawa... takot na takot ako nun... awang-awa ako nun kay kuya
Evans... hindi ko alam kung ano yung nararamdaman niya pero sigurado ako na masakit
yun... iyak ako ng iyak nun... tumakbo ako kaaagad sa bahay namin... nagtaka nga sila
Tami at Bojie dun sa kinilos ko... dali-dali akong nagpalit ng pang-alis nun...
"Ma! pupunta ako ng ospital... naospital si kuya Evans?!" hindi ko na hinintay nun yung
sagot ni mama basta lumabas na ako ng bahay namin. kabado ako nun. napatingin ako
dun sa bahay ni Ver... wala na muna akong pakielam dyan... mas kinakabahan ako kay
Kuya Evans eh...
sumakay ako ng tricycle nun papunta dun sa Hospital na pinakamalapit samin... hula ko
lang naman dun na dinala si Kuya Evans kasi yun nga ang pinakamalapit diba? so yun,
mabilis lang akong nakapunta dun... sakto pa nun ng makita kong sinusugod sa ICU si
Kuya Evans mula dun sa Emergency Room... lalo akong kinabahan... ayaw kong
paniwalaan na si Kuya Evans yun... ayaw kong maniwala...
sinilip ko nun yung ICU... dasal ako ng dasal nun at hindi ako mapakali... naghintay ako
dun... halos pitong oras akong naghintay nun... sobrang tagal diba? syempre, nagtext na
din ako kay mama na hindi ako makakauwi... dumating na rin naman nun si Gigi at Ate
Rits... syempre si Ate Rits dumating dun para kay Kuya Evans... si Gigi naman
pinapunta ko talaga... tinext ko nga nun si Ver kaso hindi siya nagrereply... gusto kong
umiyak nun... parang nahihirapan na nga ako sa sitwasyon eh... kung kelan naman
kailangan ko si Ver, bigla siyang wala... dun kami natulog ni Gigi sa ospital... masyado
kaming nagalala sa kalagayan ni Kuya Evans eh... pagkagising naman namin, sinilip ulit
namin yung ICU...
nagulat kaming dalawa nun ni Gigi...
"Asan si Kuya Evans?!"nagtaka kami nun. nawawala nun si Kuya Evans. hindi ako
makapagsalita... nangingig na yung buong katawan ko... dahan-dahan akong tumalikod
nun at nagulat na lang ako ng makita kong si Ver na nasa likod ko... nakatitig siya sakin
nun tapos niyakap niya ako ng mahigpit... wala akong maramdaman nun... parang naging
manhid ako sa mga yakap niya... ewan ko ba... parang nababadtrip ako kay Ver...
"oh? anong nangyare kay Kuya Evans?!"humiwalay siya sakin nun. hindi ako makasagot
sa kanya. nagsidatingan naman nun si Prince at Gian kaya kinausap sila ni Gigi nun.
hindi ako makapagsalita sa sobrang inis sa pagmumukha ni Ver... ewan ko ba kung bakit
ako naiinis sa kanya... hindi ko rin maintindihan ang sarili ko eh...
"Vher! sumagot ka! anong nangyare kay Kuya Evans?!"tanong niya ulit sakin.
"hindi ko alam..." ang cold ko sa kanyang sumagot nun... nung mga oras na yun,
nanghihina na din ako... "please lang... wag na nating pagusapan 'to... ayoko
na..."linagpasan ko siya nun pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
"ano bang problema mo? bakit ka ganyang sumagot sakin?" tanong naman niya sakin.
bumilis yung pagtibok ng puso ko. hindi rin ako makagalaw...
"wala akong problema, okay?" sinabi ko yun kahit halatang meron akong dinadamdam...
"sabihin mo nga sakin ng harapan... yung hindi tayo naghuhulaan..." parang siya pa yung
galit nung sinabi niya yun sakin. parang pumutok na ako nun. parang nawala na din ako
sa tamang pag-iisip nung mga panahon na yun.
"sige... gusto mong malaman?" sabi ko naman sa kanya. hindi ko na napigilang umiyak
nun. "ikaw... ikaw ang problema ko... naiinis ako sayo... nababadtrip ako sa presensiya
mo... alam mo... bakit ba hindi ka na lang bumalik dun sa kwarto mo tapos mag-aral ka
na lang?! yun na lang naman ang iniisip mo diba?hindi mo naman ako iniisip diba?? wala
naman talaga ako sa listahan ng mga pangarap mo diba? totoo naman yun eh"
binitawan na ni Ver nun ang kamay ko. nahihirapan na rin akong huminga nun.
bumubuhos na din yung luha ko nun. "di mo talaga 'ko siguro naiintindihan nu..." sabi
naman niya sakin. "mula pagkabata pa lang natin, alam mo naman na pangarap ko yun eh
tapos ngayon gusto mo 'kong paatrasin?!! palibhasa..." napatigil siya nun.
"palibhasa ano? makitid ang utak ko para maintindihan lahat ng pinagdadaanan
mo?" nagulat ako dun sa mga nasabi ko.
"Oo... sobrang kitid ng utak mo?!!" sumigaw nun si Ver sakin. napasarado ako nun sa fist
ko... nanginginig ako sa sobrang galit sa kanya... hindi ko akalain na magkakaway kami
ng ganito... ewan ko ba... malapit na rin naman siyang umalis... masyado ata akong
nadadala sa mga emosyon na dulot ng pagkakasakit ni Kuya Evans...
"bakit? akala mo ikaw lang ang nahihirapan dito?! pagod na pagod na akong intindihan
ka... sa totoo lang pagod na pagod na ako...pagod na ako sayo..." nanlaki nun yung mata
ni Ver. "pagod na ako...satin..."
"then fine! sorry ha?! sorry kung pinagod kita?!" ang sarcastic ng tono niya sakin nun.
hindi ko na rin napigilan yung sarili ko at nasampal ko siya nun. parang tumigil yung
mundo naming dalawa... iyak ako ng iyak nun sa harapan niya...
tinitigan niya ako nun na parang ngayon niya lang narealize na nagkamali din siya...
tatalikuran ko na sana siya nun ng bigla niyang hawakan yung kamay ko... hinihintay ko

nun yung `sorry` galing sa kanya pero pagkatapos ng ilang segundo, binitawan niya din
yung kamay ko...
Chapter 40
wala rin naman akong magagawa kung wala saming bibigay ni Ver eh. hindi lang naman
siya ang prinoproblema ko eh. problema naming lahat ang pagkawala ni Kuya Evans...
hindi naman siguro pwede na wala na siya sa mundong ibabaw no?! hindi naman pwede
yun... dapat at least naman, merong nagawa ang mga doctor para pahabain ang buhay
niya para at least marinig naman niya yung mga last words mula sa pamilya niya... so
yun, lumabas naman ako ng ospital nun... sinundan pa nga ako ni Gigi nun kaso nakita ko
na pinigilan siya nila Prince... sa lakas naman ng mga boses namin ni Ver, sigurado ako
na narinig nilang lahat ng pinagawayan namin... sumakay ako ng tricycle nun diretso na
agad sa bahay namin... iyak ako ng iyak nun sa loob ng tricycle... sumasakit nun yung
puso ko...
nababadtrip ako... parang nanghihina ako na ewan... napapaisip nga ako na ako naman ata
yung mali... masyado ko kasi siyang mahal eh... masyado ko kasi siyang namimiss kaya
ganito... masyado na ata akong possesive sa kanya... siguro, nagtataka na yung tricycle
driver sakin kung bakit ako naiyak pero hindi naman niya ako pinapansin... unting minuto
lang naman nun nung nakauwi na din ako ng bahay namin... ang lamya ko nun... as in...
sobra... hindi rin ako makakain ng maayos pagdating nung lunch at dinner.... parang
nawalan na nga rin ako ng buhay eh...
gabi na ngayon, nakatunganga pa din ako dun sa pintuan namin dati na ginawa ng
bintana... hinihintay ko na kumatok siya sakin pero sa buong gabi ng paghihintay ko sa
kanya, ni anino niya o kahit isang hibla ng buhok niya wala akong nakita... nababadtrip
ako nun... naiiyak ako... sana hindi ko na lang pala sa kanya sinabi yung mga
nararamdaman kong pagtatampo sa kanya... ako talaga ang may problema eh... kahit
kelan naman hindi ako napagod eh pero ako 'tong nagpakita ng kahinaan... wala akong
kwenta... nakakainis...
kinabukasan naman ay may pasok na naman... Monday na naman... umpisa na naman ng
isang linggo... wala akong kaalam-alam sa kung ano mang meron kay Ver. wala din
akong alam nun kay Kuya Evans... ano na kayang nangyare dun?
so yun, pumasok naman na ako ng school nun. nagtatanong na nga si mama kung may
sakit ako eh pero syempre wala naman talaga akong sakit... lovesick lang... hay nako
naman... kasabay kong pumasok si Tami at Bojie na parehas namang kinukulit ako kaso
wala ako sa mood ngayong makipagasaran sa kanila eh... gusto ko man silang sabihan ng
problema ko kaso mukhang hindi naman makakatulong...
tahimik ako sa mga klase namin... ang boring nga eh pero never naman nawala sa isip ko
si Ver... ano kayang nararamdaman niya ngayon? iniisip niya kaya ako? bumibilis yung
pagtibok ng puso ko... math time namin ngayon... napatungo ako nun sa table... alam
kong nakakaantok ang subject na 'to pero hindi naman talaga ako inaantok nun eh...
napatungo ako nun para hindi makita ng teacher namin at ng mga kaklase ko na umiiyak
na naman ako... bigla kasing pumasok sa isipan ko yung tanong na paano kaya kung
maisipan na ni Ver na hiwalayan ako?? paano kung marealize niya na mahal niya pa rin
si Tella at naging panakip butas lang ako para maging masaya siya?? kaso kahit na
ganun, kulang pa din ako para sa kanya... lalo akong umiyak nun... triny ko yung best ko
nun para walang marinig na tunog sakin... buong oras naman akong umiyak nun na
walang nakapansin...
hindi pa rin ako normal nung mga sumunod na oras... minsan mapapansin ko na lang ang
sarili ko na nakatitig sa may bintana at si Ver lang ang iniisip... nababadtrip na nga ako sa
sarili ko.. ako yung nagumpisa nung away tapos ako naman 'tong halos magsuicide na
dahil lalo ko naman siyang hindi nakita... lalo ko siyang hindi nakausap... at higit sa lahat
lalo kong naramdaman na malapit niya na akong iwanan... ang sakit... ang sakit-sakit...
badtrip...
mabilis ang oras nun kahit na puro malulungkot lang naman ang pangyayare... dismissal
na nun... hindi ko makakasabay si Gigi sa paguwi dahil meron daw pupuntahan si Gigi na
family gathering... alangan naman makasabay ko si Ver kaso hindi na nga pala siya dito
nag-aaral... naluluha na naman ako nun... lumabas na din ako ng classroom namin... sakto
ko namang pagbaba dun sa second floor ng building namin, nakita ko si Kuya Evans sa
second floor nung kabilang building... bumilis yung pagtibok ng puso ko... aba, kailangan
kong malaman kung bakit nawala bigla yung lalaking 'to!?! binilisan ko yung paglakad
ko nun papunta sa kanya...
"Kuya Evans!" pagtawag ko naman sa kanya. pagod na pagod ako nun... lumingon naman
siya sakin nun ng nakangite pero ako 'tong hindi makuhang ngumite dahil sa sunod-sunod
na nangyayare sa buhay ko...
"Ow Hi Vher!" parang nawala pa yung mata niya nun sa sobra niyang pag-ngite.
"bakit bigla kang nawala sa ospital?!!" linapitan ko siya nun tapos sabay kaming
naglakad pababa nung second floor. mabagal nga kaming naglalakad nun eh.
"wala lang... ayaw ko ngang mamatay dun..." sabi naman niya na parang joke pa ang
lahat.
"bakit ba ganyan kang magsalita ha?! malay mo biglang may donor na dumating
sayo?!" sabi ko naman para patibayin yung loob niya kaso mas mukha pa nga ata siyang
malakas ang loob kesa sakin eh.
"kung sweswertehin... pero mabuti na kung handa diba..." tugon naman niya sakin.
"ibang klase ka talaga..." sabi ko naman sa kanya.
"ikaw nga yang mas mukhang may sakit sakin eh..." nagulat ako dun sa sinabi niya.
masyado ba talagang halata ang pagkadepressed ko?!!
"ha?" yun na lang ang nasabi ko sa kanya. nasa covered court na kami nung mga panahon

na yun.
"ano bang nangyare sayo ha?" napatigil ako nun sa paglalakad. naalala ko si Ver.
"galit sakin si Ver..." nakatungo ako habang sinasabi ko sa kanya nun. gusto kong umiyak
nun ng isang litro pero sigurado naman ako na walang magagawa ang pag-iyak ko...
"mapapatawad ka rin nun..." bakit ba parang ang dali niyang sabihin yun? nagsimula na
ulit kami sa paglalakad ng mabagal...
"iba na kasi eh... parang nagkapatong-patong na..." sabi ko naman sa kanya ng may
halong dismaya.
"kahit ano pang problema yang pumatong sa inyo. as long as mahal niyo ang isa't-isa...
hindi pwedeng matiis niyo ang isa't-isa ng hindi nagkakapatawaran..." sabi naman nun ni
Kuya Evans na may halong ngite. hindi ako makapagsalita nun pero hindi ibig sabihin
nun ay satisfied na ako... biglang hinawakan ni Kuya Evans nun yung kamay ko tapos
hinila niya ako... "halika... may pupuntahan tayo..."
sumama na lang ako sa kanya nun. sa totoo lang, ayaw ko pa naman rin talagang umuwi
eh... sumakay kami sa jeep nun na papuntang pavillion... hindi ko nun alam kung saan
kami pupunta... ano yun?!! magma-mall kami?!! joke! hahaha... yehey! first time ko ng
makapagjoke!!
so yun, bumaba nga kami dun sa pavillion...
"san ba talaga tayo pupunta?" tanong ko naman sa kanya.
"sa bahay ko..." sabi naman niya sakin. dun ko lang naman naintindihan na dun sa
pinapagawang bahay niya ako dadalhin. nagtricycle kami nun papunta dun sa sosyal na
subdivision kung saan pinapatayo yung bahay na maraming bintana....
halos 10 minutes kaming nasa loob ng tricycle nun... ang haba no? haha... so yun,
bumaba kami dun sa kanto tapos nilakad pa namin yung mismong tuktok... sa parang hill
niya pa kasi pinagawa yung bahay eh... ang sosyal talaga no?? napansin ko naman nun na
parang malapit ng matapos yung bahay... kita mo na yung mga bintana... ang kulang
nalang eh yung bubong, pintuan, gate at pintura... tinitigan namin yung bahay na may
maraming workers na nagtratrabaho...
"alam mo..." nagsimula na siyang magsalita nun... "natatakot ako na baka hindi ko 'to
makita ng buo..."
"malapit na yang matapos no!" sabi ko naman sa kanya. siguro, in 3 weeks naman abot na
yan no?! dapat lang na umabot yan... pangarap yan ni kuya Evans eh...
"alam mo ba kung bakit kita dinala dito?" napatingin ako sa kanya nun.
"bakit?" tanong ko naman sa kanya.
"because that house is a sign of love and forgiveness..." bumilis yung pagtibok ng puso
ko nung sinabi niya yun. "galit na galit ako kay daddy nun... lalo na nung nalaman ko na
may sakit ako at sa linya ng pamilya niya nanggaling yun... sobrang sama ko nga nun
para sisihin siya sa kondisyon ko ngayon..." napapaluha pa siya nun. "pinamukha ko sa
kanya na siya ang may kasalanan... unaware naman ako na hindi lang pala ako ang
nasasaktan... siya din pala..." napatitig talaga ako nun kay Kuya Evans. "sinabi ko sa
kanya nun na bago ko siya patawarin, kailangan siyang magpagawa ng bahay para
sakin... akala ko hindi niya yun seseryosohin pero eto na ngayon, nasa harapan ko na ang
tanda kung gaano niya ako kamahal..."
wala akong masabi nun. kung icocompare ko yung problema ko kay Kuya Evans, di
hamak naman na mas mabigat yung kay Kuya Evans... dun ko narealize na there are more
finer things in life... ayaw ko lang talaga iexplore yung mga bagay na yun...
"hindi ko naman sinasabi na magpagawa ka ng bahay para kay Ver no?" napapatawa na
siya nung sinabi niya yun. "ang gusto ko lang naman na sabihin sayo eh sana gumawa ka
ng bahay... o space man lang sa puso mo for forgiveness, trust and understanding..."
tumango ako nun sa kanya. medyo naluluha na nga ako nun... tama nun si Kuya Evans...
napatungo na ako nun tapos dali-dali kong pinunasan yung luha ko... nung sigurado na
ako na wala na akong mailuluha pa, tumingin ulit ako ng diretso nun kay Kuya Evans...
"maraming salamat..." sabi ko sa kanya...
Chapter 41
nagkaroon pa ako ng pagdududa kung ako nga ba ang dapat na unang magsorry at
pumansin kay Ver... hindi naman sa ayokong umamin na akong mali... pero kasi wala
naman talagang mali eh... wala naman talagang may kasalanan... sa totoo lang, mahal
naman namin ang isa't-isa kaso ang mahirap lang kasi eh parang nalalayo kami sa isa'tisa...
kung siya, kaya niyang tiisin ang lahat yun, aba ako hirap na hirap magtiis... eh
mahal na mahal ko siya eh...
pero siguro kailangan ko naman talagang lunukin nun yung pride ko para pansinin siya...
kakauwi ko lang nun galing eskwela... hinatid ako nun ni Kuya Evans kaya medyo
nagkausap pa sila ng kaunti ni mama... pero nagulat ako nun nung nakita ko si Ver dun sa
sala namin... nakaupo siya dun sa sofa... nagkatinginan kami nun pero parehas kaming
hindi nakapagsalita...
"sige po... mauuna na ako.." sabi naman ni Kuya Evans... tumango lang naman nun si
mama...then, umalis na din si Kuya Evans... hindi ko na ring magawang magpaalam sa
kanya kasi napatitig na talaga ako kay Ver na hindi naman ako pinapansin... tama bang
magturingan kami na parang hangin lang?!
"Ay Vher! dito kakaen si Ver ng hapunan... wala kasi yung tita mo sa bahay nila...
inaasikaso yung visa niya..." tumango na lang ako nun. parang nasaktan nga ako dun
bigla eh... ayokong marinig yung word na `visa`. magkagalit kami pero ayaw kong
mahiwalay siya sakin... "punta na kayo dito... kaen na tayo..." tumayo nun si Ver ng
hindi ako tinitingnan. dumiretso siya dun sa dining area namin... napasigh ako nun tapos
gusto kong umiyak nun... nababadtrip talaga ako sa lalakeng 'to...
syempre, umupo na din ako para kumaen... nagdasal muna kami at nagpasalamat sa

pagkaen na nakahain sa harapan namin ngayon then yun, chibugan na din!


"paabot nung kanin..." sabi nun ni Ver. nakakasigurado ako nun na ako yung kinakausap
ni Ver nung mga oras na yun. nakatingin siya sakin eh. kaso parang biglang naatubili siya
at binalin niya yung tingin niya kay Bojie na nasa tabi ko lang... "uh... Bojie... paabot ng
kanin..."
medyo nainis naman ako nun. alam kong ako yung kinakausap niya eh... pero bakit
ganun? napadabog naman ako nun kaya napatingin sakin si Ver. nagulat nga ako ng siya
lang ata yung nakapansin sa pagdadabog ko gamit yung kutsara ko eh. napasigh lang ako
nun tapos binalin ko yung tingin ko sa pagkaen ko... napapansin ko nun na nakatitig siya
sakin... pero hindi naman siya nagsasalita... inubos ko ng mabilis yung pagkaen ko tapos
tumayo ako kaagad...
"tapos na ako kumaen..." sabi ko naman.
"Oh Vher! Ikaw pa din ang maghuhugas ng pinggan ahh!" tumango lang naman ako nun
kay mama tapos umupo ako dun sa may sofa sa sala.
pasimple kong sinisilip si Ver nun na mukha namang sinisilip din ako ng pasimple. imbis
nga na mapangite ako, naiines ako kasi hindi pa rin kami nagpapansinan... dun ko naman
narealize na tapos na pala silang kumaen lahat... nagsitaasan na nun si Bojie at Tami... si
mama naman back to work dun sa mga drafts niya while si papa, nasa trabaho pa. haha.
nakaupo pa rin nun si Ver sa may dining area... ayaw ko naman siya sabihan na umalis
siya dun kasi ibig sabihin nun pinapansin ko na siya... so habang nililigpit ko yung mga
pinagkainan nila... hindi ko maiwasan na makapagtinginan kami...
nagsimula na ako nung maghugas ng pinggan... medyo nagulat nga ako nun ng tumabi
siya sakin at nakipagsiksikan sakin para lang makapaghugas ng pinggan.... hindi pa rin
niya ako pinansin... medyo dumistansya naman siya sakin nun pero nasa tabi ko pa rin
naman siya... tuloy naman ako sa paghuhugas ng pinggan ko... narinig kong umubo siya
nun pero ayaw kong magpatinag... hangga't hindi siya namamansin, hindi ko talaga siya
papansinin...
"Vher..." nagulat ako nung sinabi niya yung pangalan ko. bigla tuloy dumulas yung baso
sa mga kamay ko. bigla ngang lumapit sakin si Ver nun tapos bigla niyang hinawakan
yung kamay ko sabay tanong ng "nasugatan ka ba?" umiling ako nun. swerte ako ng hindi
nabasag yung baso nun. nagpatuloy ulit ako sa paghuhugas nun. syempre, binitawan ni
Ver yung kamay ko nun tapos pinunasan niya yun... hindi ko pa rin siya kinakausap
nun... syempre, natapos din ako sa paghuhugas ng pinggan kaya napagpasyahan ko na
umakyat dun sa kwarto ko... napansin ko naman na sinundan niya ako nun hanggang sa
kwarto ko...
"Vher..." muli niya ulit akong tinawag. napatigil ako nun at napatingin ako sa kanya.
sinarado niya nun yung pintuan ko. dun ko narealize na kami na lang yung andun sa
kwarto. lumapit siya sakin tapos hinawakan niya yung kamay ko. "Sorry
Vher..." nakatitig siya sakin nun. parang biglang lumambot yung puso ko. hindi naman
ako makapagsalita nun. bigla ngang may tumulong luha mula sa left eye ko eh. "sorry
na... hindi kasi kita inintindi eh... sorry talaga..." yinakap niya ako nun ng sobrang higpit.
hindi ko na rin naman napigilang umiyak nun. humiwalay siya sakin tapos tinitigan niya
yung mga mata ko. hinawakan niya nun yung kanang kamay ko tapos hinila niya ako
palabas dun sa pintuan na dati kong bintana... akala ko hanggang dun lang kami sa bridge
nun kasi expected ko na hindi niya ako papapasukin sa kwarto niya pero nagulat na lang
ako ng bigla niyang binuksan yung pintuan ng kwarto niya tapos hinila niya ako sa loob...
binuksan niya nun yung ilaw... nanlaki yung mata ko sa mga nakita ko...
isa sa mga ding-ding nung kwarto ay pinagdikitan ng mga pictures ko... napatigil yung
mundo ko nun at bumilis ang pagtibok ng puso ko... hindi na nga sakin nun makatingin si
Ver ng diretso sa sobrang hiya...
"ngayon, alam mo na kung bakit hindi kita pinapayagan na pumasok dito..." natulala ako
sa kanya nun. lumapit siya sakin tapos hinawakan niya yung dalawa kong kamay.
"i love you Vher..." napatango ako nun tapos hindi ako matigil sa pagiyak. kiniss niya
nun yung noo ko then biglang nanlamig yung buong katawan ko.
"Sorry Ver..." sabi ko naman sa kanya.
"okay na tayo ha?" sabi naman niya sakin. ang lapit ng mukha naming dalawa nun.
nanginginig ako sa sobrang saya nun... iyak tawa nga ako eh... mukha akong baliw...
haha...
"okay na talaga tayo..." sabi ko naman sa kanya. hinawakan niya nun yung mukha ko.
parang bumagal pa yung oras nun at yung nangyayare sa paligid namin... kiniss niya nun
yung lips ko... sakto pang umulan nun pero nagmistulang pati yung ulan eh patigil-tigil
din ang pagpatak... siguro, eto na ang pinakamatagal na kiss na magagawa namin ni Ver
and perhaps the last kiss we can ever have... hindi ko alam kung bakit sinasabi ko 'to...
parang wala ngang katapusan yung pangyayare na yun eh... parang pagkatapos nito,
ramdam na ramdam ko na ang langit... naramdaman ko naman nun na nagalaw na kami
then dun ko na lang narealize na nakasandal na ako nun sa may pader... ayokong
tumigil... kung pwede ko lang itigil ang oras, ginawa ko na...
after 100 years (okay. ako na OA. haha), humiwalay na rin siya sakin nun tapos napatitig
siya sakin. hingal na hingal kami nun. ganito ba talaga yung feeling pagkatapos ng kiss?
parang first kiss lang namin ah... bumilis yung pagtibok ng puso ko... hinawakan niya ulit
yung kamay ko tapos hinalikan niya yun... napangite na nga ako nun eh... sobrang
kinikilig na rin ako...
"i love you..." bulong ko naman sa kanya. nakangite lang siya nun tapos binitawan niya
na rin yung kamay ko pero ganun pa rin yung distansya namin sa isa't-isa.
"kung hindi man tayo hanggang sa huli, gusto ko lang sabihin na hindi kita
makakalimutan..." ang lamig ng feeling ko nun gawa siguro ng ulan. "mahal na mahal

kita... tatandaan mo yan..."


"bakit mo sinasabi yan?" tanong ko naman sa kanya.
"kahit ano namang effort natin... natatakot ako na baka masaktan kita... kapag umalis
ako..." gusto kong umiyak nun sa harapan niya.
"a-ano?" nahihirapan akong huminga nun at nasakit na din yung puso ko nun.
"bata pa tayo... makakakilala pa tayo ng ibang tao... paano kung hindi naman talaga tayo
sa huli?"iyak ako ng iyak nun. ayokong paniwalaan yung mga salitang naririnig ko galing
sa kanya.
"eh Ver naman! gusto ko ikaw lang... gusto ko tayo lang..." sabi ko naman sa kanya.
"hindi ko 'to sinasabi dahil ayaw ko sayo... sinasabi ko 'to kasi mahal kita at ayaw kitang
masaktan..."nahihirapan magsink-in sakin yung mga pangyayare nun. ayoko ng marinig
'tong mga sasabihin niya.
"nagkakaroon ka ba ng second thoughts tungkol sating dalawa?" tanong ko naman sa
kanya na parang nagpatigil sa buong mundo niya. nagkaroon ng kaunting katahimikan
pero tumango din naman siya. parang akong na-heart broken nun... ang sakit sakit... pero
mukhang wala na akong mailuluha pa... hindi ako makapagsalita... bakit ka ganun, Ver?!
"mahal kita... at naniniwala akong mahal mo din naman ako pero long distance
relationship... mukhang malabo..." sabi niya sakin. unti-unti ng nadudurog yung puso ko
nun.
"pero sabi mo dati hindi mo 'ko kayang palitan... akala ko ba sobrang mahal mo 'ko...
akala ko ba dadalhin mo 'ko dun tapos dun natin itataguyod yung pamilya natin?! anung
nangyare sa mga salita mo?!" iyak ako ng iyak nun.
"hindi ko alam..." hinawakan niya nun yung kamay ko.
"anong ibig mong sabihin? bakit mo sinasabi yan?" tanong ko naman sa kanya.
"siguro dapat na nating layuan ang isa't-isa... pinangako ko sa sarili ko na bago ko sabihin
'tong lahat eh yayakapin kita ng mahigpit at hahalikan kita ng pagkatagal-tagal..." sabi
naman niya sakin.
"ganun na lang ba kadali yun sayo?" nanginginig nun yung boses ko.
"syempre, sobrang hirap nun pero kailangan na nating masanay na malayo sa isa't-isa...
palagi ka na lang naiyak dahil sakin... ayoko na magaalala ako sayo kapag nasa Canada
na ako..." natutulala ako nun. nahihirapan na din naman ako nun.
"pero...pero mahal kita..." yun na lang ang nasabi ko...
"mahal din kita..." sabi naman niya. dun bumuhos yung luha 'ko. parang ayaw kong
maniwala sa mga pinagsasabi niya. parang naglolokohan lang kami eh.
"kaso mas mukhang mahal kita..."
Chapter 42
[Vher's Point Of View]
Mabilis yung pagtibok ng puso ko. May mga bagay na sadyang malabo talaga no? Yung
tipong sasabihin ng taong yun na mahal ka niya pero sasabihin din naman niya na kaya ka
niyang iwan? sobrang hirap talaga kapag nagkasabay na ang pakikiramdam ng puso at
pag-iisip ng utak natin. hindi alam kung ano ang uunahin at isasantabi. Siguro, para kay
Ver, naging mas importante ang kinabukasan niya kesa sakin. Hindi ko alam kung anong
mararamdaman ko. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya. gusto ko siyang
intindihin pero ang sakit... sobrang sakit... bigla bigla na namang sasagi sa isip ko kung
paano kaya kung si Tella ang nasa kalagayan niya ngayon, magagawa niy kaya yung
iwanan? Bakit ba kasi parang sobrang dali lang sa kanya na iwan ako?
Kagaya ng napagusapan, linayuan nga namin ang isa't-isa. Ewan ko kung tama 'to.
Mukha din namang walang patutunguhan 'to eh. Lalo ko lang siyang namimiss. Lalo lang
ako umiiyak gabi-gabi. Nakakainis naman kasi. Nagdadalawang isip na nga ako, kung
mahal niya ba talaga ako.
Lumipas din ang ibang araw. Naiinis ako, dumaan ang Pasko at Bagong Taon ng hindi ko
nakikita si Ver. Wala man lang siyang regalo sakin, nakakatampo no? Ako din naman eh
hindi na nag-abala na bumili ng regalo. Hindi ko alam kung bakit. Nung Pasko naman ay
nasa Cavite nun yung pamilya ni Ver, dun sila nagpasko at nagbagong taon. Kaya lalo ko
naman siyang hindi makita. Sobrang tamlay ko nun. Ano kayang nararamdaman ni Ver?
Ganito din kaya? Katulad ko... Hay Nako...
January 5 na ngayon. In short may klase na kami. Wala naman si Ver, expected ko na
yun. Pero eto na yung buwan na pinakakinatatakutan ko. ang pag-alis ni Ver at ni Kuya
Evans... bumilis yung pagtibok ng puso ko habang nagaassemble kami para sa flag
ceremony namin... parang naging abnormal yung pagtibok ng puso ko... yung tipong
sasabog na 'to anytime... kaba ba 'tong nararamdaman ko? kasi kung oo, dahil saan?
[Rits' Point of View]
January 5. ang bilis ng pagtibok ng puso ko. sobrang kinakabahan ako tapos umaagos na
din yung luha ko habang nandun ako sa kotse nila Evans. gusto kong may magawa para
kay Evans pero ano nga naman ang magagawa ko para sa kanya? tanging samahan lang
siya sa natitira niyang buhay ang maibibigay ko sa kanya. siguro kung cure yun sa sakit
niya, matagal na siyang magaling.
Hawak hawak ko yung kamay niya nun. nakahiga siya nun sa lap ko. Nakikita ko sa mga
mata ni Tito yung pag-aalala at ang kaba. Nanlalamig nun yung kamay ni Evans.
Nangingig din siya at hawak ng kaliwa niyang kamay yung left side ng chest niya. Ayoko
siyang tingnan nun kasi pati ako nahihirapan. Alam ko kung anong nararamdaman niya.
Too much pain. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko nun tapos napapapikit na
siya. Pawis na pawis din siya.
"Please Evans. Malapit na tayo sa ospital, okay?" sabi ko naman sa kanya. pinipigilan ko
na yung pagluha ko nun, hindi nun nakapagsalita si Evans. hindi pa rin nagbabago ang
heart rate ko nun.

Ilang minuto lang ang lumipas ng bumaba na kami dun sa ospital sa Muntinlupa. Dalidaling
bumaba nun si Tito tapos tinawag yung mga nurses sa Emergency Room na
mabilis naman na inalalayan si Evans. Nagawa kong bitawan nun yung kamay ni Evans.
Lalo akong umiyak nun. natatakot ako... natatakot ako na baka yun na yung huling
sandali na makakasama ko siya... hindi ako pinayagan na pumasok sa emergency room
kaya naman pumasok na lang ako dun sa kabilang entrance at umupo ako dun sa waiting
area... mabilis pa din ang pagtibok ng puso ko... please naman... wag ngayon... wag talaga
ngayon...
30 minutes ang lumipas ng makita ko si Evans na nilabas dun sa emergency room.
Nakadextrose siya tapos merong nakatakip sa bibig niya. Nakahiga siya dun sa hospital
bed at mabilis siyang trinatransport ng mga nurses at isang doctor sa isang kwarto... sa
isang kwarto na lalong nagpakaba sa damdamin ko...
napatayo ako nun tapos medyo binilisan ko yung takbo ko para maabutan pa kung saang
kwarto linagay si Evans... sa ICU... gusto ko ng umiyak nun... wag ngayon... iyak ako ng
iyak nun... bumubuhos talaga yung luha ko nun... nakita ko yung tito niya na nakaupo
dun sa mga upuan sa harap ng ICU... naiyak din siya... sumasakit yung puso ko... hindi
ko mapigilan yung mabilis na pagtibok ng puso ko... mukhang hindi ko na kakayanin...
mukhang hindi ko kakayanin lahat... lahat ng pwedeng mangyare... hindi ko kakayanin na
mawala siya... hindi pwede yun...
ilang minuto rin ng mapatulala ako. tinabihan ko na rin sa pagkakaupo si tito nun.
parehas kaming hindi nagsasalita nun. parehas kaming kinakabahan. lumipas ang
dalawang oras. walang lumalabas na nurse o doctor man lang. hindi na namin alam kung
anong nangyayare dun sa loob kaya naman lalo kaming kinabahan... medyo nagulat
naman ako ng biglang lumabas yung doctor na may isang malungkot na expression...
sabay kaming napatayo nun ni tito... sabay din naman naming nilapitan yung doctor...
nakita naming umiling nun yung doctor... tumibok na naman ng pagkalakas-lakas yung
puso ko...
"bumababa na ang vital signs niya... pwede kayong pumasok sa kwarto niya kasi baka
ito na rin ang huling sandali na makakasama niyo siya... I'm so sorry..." sabi naman nung
doctor..
parang tumigil yung buong mundo ko. pati pagpatak ng mga luha ko tumigil na din.
naninikip yung dibdib ko. unti-unti na ding naglabasan yung mga nurses. pumasok si tito
dun sa kwarto ni Evans. frozen pa din ako dun sa pintuan nung ICU. ayokong tingnan si
Evans na nahihirapan... nasasaktan ako... naiiyak ako... nakita ko dun sa screen na mula
sa 60 eh bumababa yung vital signs niya... ayoko na... parang unti-unti ng nadudurog
yung puso ko nun...
"sa totoo lang miss... akala namin magsusurvive na siya when we found out na meron na
siyang donor..." nagulat ako dun sa sinabi nung doctor sakin. bumilis yung pagtibok ng
puso ko.
"po?" tanong ko naman sa kanya.
"1 hour before, biglang may nagsabing nurse sa 'kin na may isang donor na pwede sana
sa pasyente kaso 30 minutes after, umatras yung pamilya nung donor..." kinabahan
naman ako lalo. parang nagkaroon ako ng pag-asa nun. napatigil ako nun at napatingin
ako dun kay tito na binubulungan si Evans... iyak ng iyak nun si tito... nakakaawa lang...
napaisip ako nun maybe eto na nga yung time na pwede kong matulungan si Evans...
"sino yung donor?" tanong ko kay doctor.
"Unfortunately, hindi ko alam... normally naman kasi hindi natin nalalaman kung sino
ba yung mga donors..." nanlumo naman ako sa sinabi ni doc. triny ko nun na lumapit kay
Evans. hinawakan ko nun yung kamay niya. triny ko yung best ko na wag umiyak sa
harap niya. nakapikit siya nun, malamang diba... segundo lang ang tinagal nun at
binitawan ko na yung kamay niya... hindi na ako nagpaalam dun kay tito... basta umalis
na lang ako mula sa kwarto ni Evans...
mabilis akong sumakay ng elevator papunta sa First floor... kinakabahan ako lalo... wag
niyo siyang kunin ngayon please... eto lang ang tanging naiisip ko habang pinupuntahan
ko yung area para sa information...
"miss, saan po yung room dito nung naaksidente or naadmit dito one hour ago?" yun
yung una kong tanong dun sa receptionist. mabilis naman na nagtype yung babae dun sa
computer.
"are you referring dun sa lalakeng teenager na nabundol ng kotse?" parang umikot yung
paningin ko. sa totoo lang, wala akong alam.
"uh... yes... asan siya?" tanong ko naman sa kanya.
"nasa ICU siya ngayon... 5th floor..." bumilis yung pagtibok ng puso ko. nagthank you
ako kaagad dun sa receptionist at mabilis akong pumasok dun sa elevator. dasal ako ng
dasal nun... please... wag ngayon... kahit na patagalin niya lang ng apat na araw pa si
Evans... nasa 5th floor na ako ngayon at patuloy na hinahanap yung ICU... napatingin ako
dun sa loob nung ICU... wala ng doctor at mga nurses pero may nakita ako dung isang
lalake na siguro ay yung tatay nung teenager at yung parang isang lalake na may edad ng
20s pataas... nakasilip lang ako dun sa bintana nung pintuan... nakita ko dun ang isnag
teenager na lalake na hindi nalalayo sa edad ko... mukhang unconscious din yung
pasyenteng yun... dun ko naman narealize na naka-coma pala yung pasyente... linakasan
ko ang loob ko nun tapos kumatok ako dun sa pintuan at pumasok ako dun sa kwarto...
napatingin sakin yung dalawang lalake nun... siguro nagtataka sila sa pagdating ko...
inunahan na ako ng emosyon ko nun... napaiyak ako kaaagad... nahihirapan akong
magsalita pero naisip ko na lang na kailangan ko 'tong gawin para kay Evans...
"Please po... alam kong hindi niyo ako kilala..." nanginginig na ako nun. "Hindi ko rin
sigurado kung kayo yung tinutukoy nung doctor... pero kung kayo yun sana po

matulungan niyo ako..." iba yung titig sakin nung dalawang lalake na narealize ko naman
ay isang mag-ama. "ang best friend ko po malapit ng mamatay dahil sa isang heart
disease... hindi ko alam kung yung pasyente po na yan yung dapat donor ng best friend
ko... pero kung siya po at kayo ang pamilya niya, please... sana matulungan niyo
ako..." iyak na ako ng iyak nun. ang sakit sakit ng puso ko.
"sorry iha... may organ donor card 'tong anak 'ko pero hindi namin basta basta pwede
ipamigay ang puso niya..." sabi naman nung tatay niya. lalo akong umiyak nun. parang
nablur na nun yung paningin ko. napaluhod ako nun sa harapan nila tapos tumingin ako
sa mata nung tatay niya.
"please po... mamamatay na po ang best friend ko... pumayag na po kaya na ibigay sa
kanya yung puso niya... alam kong mali 'tong ginagawa ko at nagpapakaselfish ako pero
hindi ko kaya na mawala po siya sakin..." lumalapit ako sa kanila ng nakaluhod.
bumibilis yung pagtibok ng puso ko. ang bilis din ng pag-agos ng luha ko. lumapit naman
sakin yung kuya nung pasyente tapos tiningnan niya ako ng diretso.
"alam mo ate mahirap yun!" napapasigaw na nun yung lalake sakin. "para sa'min may
pag-asa pa rin na mabuhay yung kapatid ko!! sinasabi man ng mga doctor na unti-unti
ding mawawala yung buhay niya, ayaw naming maniwala dun?!! kung alam mo lang,
minsan kong napansin kanina na gumalaw yung daliri niya?!?! siguro, kung para sayo
wala lang yun... para samin, malaking bagay yun?!! sana maintindihan mo kami?!! hindi
ka lang ang mawawalan kami din naman..."lalong lumakas yung pag-iyak ko nun.
nanginginig ako. medyo lumayo na sakin yung lalake pero kahit ano mang sinabi nung
lalake eh hindi pa rin maalis sa isip ko na 'to na lang yung last chance na pwedeng
mabuhay si Evans...
"please lang... please lang... please lang..." halos halikan ko na nun yung sahig... ang
hirap huminga... ang hirap magsalita... ang hirap masaktan... sobrang hirap maiwanan...
[Evans' Point Of View]
Parang akong nadadala sa ibang lugar... kung anu-anong mga naririnig ko... mukha din
namang pumapasok na ulit ako sa riyalidad... unti-unti kong binuksan yung mga mata
ko... nakadextrose ako at may nakatakip sa bibig ko... nasa ospital pala ako... sa totoo
lang, parang naging imposible nga 'to eh... napatingin ako kay papa na nakaupo dun sa
upuan sa tabi ng kama ko... mukhang nagulat rin siya na nagising pa ako...
"Evans? Anak?" hindi ako makapagsalita. lalo na nung makita ko na ngumite si papa
sakin. nakita ko yung screen kung saan nakita ko na mula sa 70 eh umaakyat papuntang
150 yung vital signs 'ko... hindi ko alam kung ano yung ibig sabihin ng lahat ng 'to...
parang in-extend nun yung buhay ko... parang akong na-reborn na ewan... halos wala na
akong marinig sa sobrang bigat ng pangyayare...
basta biglang pumasok yung doctor at nurses sa kwarto ko at dali-dali nilang inasikaso
yung sarili ko... nung mga oras na 'to, hindi ko maisip ang kahihinatnan ko... hindi ko
maisip ang kamatayan ko... dahil ang tanging naiisip ko lang ay yung mga taong pwede
kong iwan... si papa... mga classmates ko... si Ver at Vher... sila Gian... Gigi... at
lalonglalo
na si...
Rits...
[Vher's Point Of View]
Gabi na din ngayon. At medyo kakauwi ko lang rin. Hindi ko nga nakita si Ate Rits at
Kuya Evans sa school kaya naman lalo akong kinabahan. Nagulat naman ako ng makita
ko si Ver nung papasok ako sa bahay ko. Kakadating lang pala nila galing Cavite.
Nagkatinginan kami nun. Mukhang gusto naming kausapin yung isa't-sa pero may kung
ano mang force na pumipigil sakin... napatitig na lang ako sa kanya... kasi pakiramdam
ko... huli na 'to...
Chapter 43
[Vher's Point Of View]
January 6.
Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayare sa buhay ko. Mukha ngang walang
nangyayare sa buhay ko eh. Nakakabanas lang. Nagising ako nun para pumasok pero
mukhang mauudlot ang pagpasok ko ngayon sa klase. Hindi naman masama ang
pakiramdam ko, nagulat lang ako ng may namataan akong isang papel na nakatupi sa side
table sa tabi ng kama ko. Medyo napatitig ako nun. Wala naman akong naaalala na
nagiwan ako ng papel sa side table na yun. Kinuha ko nun yung papel pero hindi ko
napansin na meron palang bagay na nakaipit dun sa papel na nakangite. Hinanap ko pa
tuloy sa ibaba ng kama ko yung bagay na yun na kumikinang-kinang pa.
Nagulat naman ako ng marealize ko na yun yung ring na ginawa kong pendant. Yun yung
akala ko nawala ko. Parang binalik lang sakin. Bumilis yung pagtibok ng puso ko.
Binuksan ko yung papel. Nanlaki yung mata ko sa mga nakasulat.
Nahulog mo yan nung FS Ball.
Hindi ko muna binalik kasi akala ko
pwedeng maging more than best friends pa tayo
pero ngayon ko narealize na...
siguro nga hangang friends na lang tayo...
binabalik ko na sayo ang tanda ng
pagkakaibigan natin...
mahal kita... mahal na mahal...
higit pa sa kaibigan..
sorry sa lahat...
aalis na pala kami ngayong umaga...
bye..

- Silverio
ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Bigla na lang akong napaluha nun. Nababadtrip ako sa
sarili ko. Naghilamos ako ng dali-dali nun. Dala dala ko yung ring na ginawa kong
pendant. Nagbihis ako kaagad. Parang 5 minutes lang yung tinagal nung lahat ng mga
ginawa ko. Lumabas agad ako ng kwarto ko. Nagbabakasakali ako na makita ko si Ver
dun. Pero ang tanging nakita ko lang ay si mama.
"Ma? umakyat ba si Ver sa kwarto ko?" tanong ko naman kay mama na naghahanda sa
trabaho niya.
"oo ah.. hindi mo ba siya nakausap? kakaalis niya lang eh... may binigay lang daw siya
sayo..."bumilis yung pagtibok ng puso ko. siguro kung kakaalis niya lang, eh pwede ko
pa siyang maabutan.
"uh... Ma?! please, may favor ako! Pwede bang sundan natin si Ver ngayon?! Kailangan
ko lang talaga?! Please Ma?!" parang nagtaka pa nun si mama sakin pero parang alam
niya na seryoso ako sa mga sinabi ko... medyo nagdalawang isip pa siya siguro nun. pero
binuksan na rin niya yung pintuan nun sabay sabi sakin ng "Oh lika na... baka hindi mo
siya maabutan..."
Napangite ako nun. Dali-dali kami ni mama na pumasok dun sa kotse. Hindi pa ako
naliligo nun, sige ako ng kadiri. Tapos mas inuna ko pa 'to kesa pumasok, sige ako ng
pasaway. Pero si Ver 'to eh. Ito na rin siguro ang huling beses na masasabi ko sa kanya
kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ko gustong mag-sorry sa kanya. Mabilis na
nagdra-drive nun si mama. Sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko. Kakayanin 'to. Dapat
lang na maabutan ko siya... Yun ang importante...
[Evans' Point Of View]
Umagang-umaga. Sumakit bigla yung puso ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Parang umaakyat sa ulo ko lahat ng dugo sa katawan ko. Ang sakit ng ulo at puso ko.
Napapasigaw na ako nun. Dun ko lang narealize na may mga nagsipasukan na doctor at
nurses. Ang hirap ng idescribe ang mga pangyayare sa paligid ko.
Nahihilo na din ako nun.
"Bumababa ang vital signs niya. i-ready niyo ang EKG... check the heart's
activity..." narealize ko na nagsasalita na nun yung doctor ko. nakita ko nun si papa na
biglang lumabas ng kwarto ko. halos wala akong maramdaman kundi sakit. ang bilis ng
pagtibok ng puso ko. ang hirap huminga. ang hirap makapagisip.
"Doc, 45. Charge na natin siya..." naririnig ko yung mga nurses na nagkakandulo na din
dahil sa sitwasyon ko.
"150. Charge" paulit-ulit kong naririnig. unti-unti na ding pumipikit yung mga mata ko.
Parang wala na akong nakikita. Pakiramdam ko... lumulutang na ako...
[Rits' Point Of View]
Nasa labas ako ng kwarto ni Evans ngayon. Nakatulala na lang ako. Rinig na rinig sa
labas ang mga sigaw ng doctor at ng mga nurses. Kinakabahan ako sa pwedeng
mangyare. Umalis muna ako sa kinauupuan ko. Bumaba ako sa ground floor. Pumunta
ako dun sa Chapel nung Ospital. Nagbabakasakali na sana makatulong ang prayer na
gagawin ko ngayon.
Tumingin ako nun sa Imahe nila Jesua at Mama Mary. Bumibilis yung pagtibok ng puso
ko. Napapaiyak na lang ako habang nakatingin sa kanila. Lumapit ako dun at hinawakan
ko yung kamay nung statue nila.
"three days na lang po... please... wag ngayon..." binulong ko sa kanila. please... kahit
isang heart donor lang within sa three days na yun... nagmamakaawa na ako...
[Ver's Point Of View]
Iniwan ko yung ring nun sa kwarto ni Vher. Siguro nga wala kaming patutunguhan.
Siguro nga hindi naman talaga kami meant to be. Siguro nga ang relasyon namin ay
magiging isang memory na lang. Tatanggapin ko na lang yun. Nakaupo ako nun sa back
seat ng kotse namin. Si daddy yung nagdra-drive. Si kuya naman yung katabi ko sa
kanan.
Excited ako na ewan. Pupunta na din ako sa Canada ngayon. Makakasama na namin si
mama at makakapagaral na din ako sa ibang bansa...
[Vher's Point Of View]
Nakaupo ako nun sa front seat. Sobrang bilis ng pagpapatakbo ng kotse ni mama.
Kinakabahan ako nun. Baka hindi namin maabutan si Ver. Dumaan na kami dun sa
ospital kung nasaan si Kuya Evans nakaconfine. Sana naman okay din siya.
"kotse yun nila Ver diba?!" narinig ko naman na sinabi ni mama. tinuro niya yung silver
na kotse nila Ver. Parang nabigyan ako ng pag-asa nun. Ngumite ako.
"Oo ma! sundan lang natin?!" sabi ko naman sa kanya.
Dumaan na yung kotse nila Ver nun sa may traffic light kung saan yellow na ang kulay
nung ilaw. lalo akong kinabahan. parang ang bagal ng mga pangyayare. naabutan kami
ng red light kaya mukhang hindi namin maabutan sila Ver. ilang segundo lang ang
tinagal ng pangyayare...
[Ver's Point Of View]
Dumaan kami dun sa traffic light kung saan nakabukas yung yellow na ilaw. Pero ilang
segundo lang ng tumingin ako sa likuran ko at nakita ko si Vher na lumabas dun sa kotse
na nasa pinakaunahan nung mga nagsitigil na kotse sa traffics light. Nagulat ako nun ng
makita ko si Vher.
"Vher?" napabulong na lang ako sa sarili ko.
[Vher's Point Of View]
Lumabas ako nun ng kotse habang nakatigil lahat. Mukhang ang daming nangyayare sa
sandaling panahon na 'to. Segundo lang ang tinatagal ng mga ginagawa namin pero
nagmimistulang minuto. Nanlaki yung mata ko ng may nakita akong isang truck na

mabilis na gumagalaw papunta sa kotse nila Ver. Gusto kong sumigaw nun... Gusto kong
takpan ang mga mata ko...
[Ver's Point Of View]
Huling kita ko sa kanya nun at sa isang iglap nawala ang lahat. Nagulat na lang ako ng
may isang malaking ilaw na papunta sa amin. Segundo lang ang mga pangyayare pero
aakalain mong minuto. Wala na akong alam... Wala na akong makita kundi mga ilaw...
[Vher's Point Of View]
"VER!" Napasigaw ako nun at iyak ako ng iyak. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang
pagbunggo ng truck sa kotse nila Ver. Napalabas na din nun si mama. Parang naging
frozen ako nun.
"Vher!" sinigaw ni mama yung pangalan ko nun pero halos hindi ko na rin marinig. Bigla
na lang ako nakarinig ng isang sobrang habang preno.
Napatingin ako sa likod ko at sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. May nakita akong
isang motor. Isang motor na papunta sa direksyon ko...
Puro ilaw na lang rin ang nakita ko... Pagkatapos nun, wala na akong alam sa mga
nangyare...
[Evans' Point Of View]
Wala na akong maintindihan. Siguro nga mamamatay na ako. Ayokong maging negative
pero iba na talaga 'to. May nakikita akong ilaw. Parang may sundo ako na ewan. Pero
naririnig ko pa din ang mga sigawan ng doctor at nurses.
"doc, bumabalik na rhythm ng heartbeat niya..." narinig kong sinabi nila.
"good... ituloy lang natin 'to..." pero kahit na ganon. mukhang nawawalan na din ako ng
pag-asa...
[Rits' Point Of View]
isang oras na ang nakakalipas. Nakabalik na rin ako nun syempre sa upuan sa harapan
nung kwarto ni Evans. Nakatulala lang ako nun. Please lang. Pahabain niyo ang buhay
niya. Nagulat naman ako ng may nakita akong nurse na pumasok bigla sa kwarto ni
Evans. Halos ilang minuto lang naman ang tinagal at lumabas na yung doctor ni Evans
para kausapin kami.
"steady na ulit ang heart beat niya... and lucky to say... meron na naman siyang heart
donor..."bumilis yung pagtibok ng puso ko. narinig ko yung pagiyak ni tito. siguro, sa
sobrang tuwa.
"kaya kailangan niya ng complete bed rest para makapagready sa transplant...
congratulations..." naiiyak na din ako nun. ito na nga ba talaga ang katuparan ng
kahilingan ko?
Nangingite ako na natutuwa. Hahaba pa pala ang buhay niya.
Chapter 44
[Evans' Point Of View]
January 7
After that night... yung gabi na akala ko katapusan ko na... nalaman ko na meron palang
naaksidente... isang taong naaksidente na may dalang organ donor card... hindi ko alam
kung magiging masaya ba ako o ano... hahaba ang buhay ko... hindi lang hahaba,
magiging ordinaryo ako... hindi na sasakit ang puso ko at hindi na rin ako mangangamba
sa nararamdaman ko... makakakain na ako ng fried chicken at kung anu-ano pang
pagkain na bawal sakin noon... pwede na akong maging masaya, malungkot, maexcite at
magalit... makakasama ko na rin ng matagal si Rits... at higit sa lahat, hindi ko rin naman
pala maiiwan ang mga kaibigan ko na sina Vher at sila Gigi...
Halos isang araw akong nakahiga... preparation daw 'to dun sa heart transplant...
kinakabahan nga ako eh... sa mga panahong 'to, ayoko ng pumalpak... sa totoo lang, gusto
kong tumayo ngayon at magpasalamat sa pamilya nung magaalay sana sakin ng puso...
pero normally nga pala eh hindi natin malalaman kung sino ang donor natin... ang
saklap... wala rin pala akong magagawa para makapagpasalamat dun sa nagmagandang
loob na pamilya nung donor...
"anong iniisip mo?" nakatulala na pala ako. hindi 'ko napansin. kasama ko ngayon si Rits.
siya yung nagbabantay sakin. grabe, nagu-guilty nga ako eh. hindi siya napasok dahil
sakin.
"uh... wala lang... gusto ko lang isipin yung mga bagay na pwede kong gawin kapag
napalitan na ako ng puso..." sabi ko naman sa kanya.
"ano bang gusto mong gawin?" nakangite siya nun.
"hmm.. magswimming... tumakbo... sumakay sa mga rides sa enchanted kingdom..." sabi
ko naman sa kanya.
"di bale gagawin natin yan lahat, okay?" sabi naman niya sakin. nagkakaroon ako ng pagasa.
eto na talaga yun. mabubuhay pa pala ako...
[Vher's Point Of View]
Ang hirap imulat nung mga mata ko. Nakahiga ako dun sa hospital bed. Puti yung mga
ding-ding at maaliwalas ang paligid. Parang kakagising ko lang mula sa isang sobrang
himbing na pagkatulog. Nagulat naman ako ng makita ko yung paa ko na nakabenda
tapos pakiramdam ko pa nun, nawalan ako ng paa. Dun ko narealize na nabaliaan na pala
ako...
Nabunggo nga pala ako ng isang pasaway na motor nung lumabas ako ng kotse ni mama.
Biglang bumilis yung pagtibok ng puso ko. Bigla kong naisip si Ver. Nanlaki yung mata
ko. Parang kinikilabutan ako nun. Kitang-kita ng dalawang mata ko na may bumunggong
isang truck sa kotse nila Ver. Hindi ko masasabi na panaginip yun, dahil alam ko sa sarili
ko na katotohanan lahat ng nakita ko. Bigla nung bumukas ang pinto, gusto kong isipin
na si Ver yun pero si Gigi lang pala...
"Bru?! Grabe, gising ka na pala?! Pinag-aalala mo kami..." pulang-pula nun yung mukha

ni Gigi. tapos iba yung boses niya... parang sobrang lungkot ng pananalita at mata niya...
hindi din siya makangite... halatang kakagaling niya lang sa kakaiyak... lumapit siya nun
tapos umupo siya dun sa upuan sa tabi ng kama ko...
"Bru?" nakikita ko na naiyak siya nun. Hinawakan niya yung kamay ko. Kinabahan ako
bigla.
"Si Ver..." yun yung unang mga salita na sinabi niya sakin. iyak siya ng iyak at
nahihirapan na rin siyang magsalita.
"Bakit? Asan si Ver?" tanong ko naman sa kanya. sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.
Parang umaakyat sa ulo ko yung lahat ng dugo ko. Nahihirapan akong huminga sa
sobrang sakit.
"wala na siya..." tumulo bigla yung luha ko. parang tumigil sa pag-ikot ang mundo na
ginagalawan ko. parang akong nawalan ng buhay. parang akong nawalan ng paningin,
pang-amoy, pananalita, pakiramdam at emosyon. parang walang natira sakin kundi
sakit... parang akong naging weightless... parang nawalan ako ng kaluluwa... parang
kinuha na sakin lahat...
ayokong maniwala... bumuhos lahat ng luha ko... hindi ko kakayanin... yan lang ang
naisip ko... ang hirap huminga at parang sumisikip na yung dibdib ko... hindi ako
makapagsalita... hinawakan ko ng mahigpit yung kamay ni Gigi... gusto kong tumayo...
gusto kong patunayan na hindi pa siya patay... hindi pwede... hindi kasi pwede... pinilit
kong umupo pero hinihila ako ni Gigi pabalik sa kama ko...
"Vher! Bawal ka tumayo ... please..." sabi naman niya sakin. parang nandidilim yung
paningin ko nun. sobrang nadudurog yung puso ko. sobrang hirap. ayoko na. parang
anytime eh bibigay na lang ang puso at utak ko... ayokong maniwala... sana joke lang ang
lahat... sana panaginip lang ang lahat...
"gusto ko siya makita!" napasigaw ako nun. hirap na hirap akong gumalaw un dahil sa
bali ng paa ko. sobrang sakit ng buong katawan ko. sigaw ako ng sigaw. iyak ako ng
iyak. durog na durog na ang puso ko.
nagsipasukan ang mga nurses at pinakalma nila ako. pero kahit anong gawin nila, iyak pa
din ako ng iyak. parang akong nawalan ng buhay... gusto ko ng mamamatay... ayoko na
talaga... sobrang sakit lang... pumasok nun si mama, papa, Tami at Bojie... kinakausap
nila ako pero tila hindi ako makapagsalita... iyak naman ng iyak si Gigi sa may tabi...
pinagsisihan ko lahat... sana pala kinausap ko siya... sana inintindi ko na lang siya... sana
hindi na lang kami nag-away... sana nasabi ko sa kanya na mahal na mahal ko siya at
hindi ko kakayanin na mawala siya...
[Rits' Point Of View]
Sa loob ng tatlong araw (January 6-8)... sobrang daming nangyare... Akala ko nun
katapusan na ni Evans but luckily, may dumating na isang heart donor... naging succesful
ang transplant sa kanya... naging masaya naman kami nun pati ang daddy niya hindi
mawala ang ngite sa mukha niya...
nakapamasyal kami, nakapagswimming, kumaen kami ng masarap... lahat ng gusto niya
ginawa namin... alam niyo yung tipong parang kakapanganak pa lang niya... yung tipong
first time niyang makaranas ng happiness... masaya ako para sa kanya... masaya ako para
sa 'min...
pero nalungkot din naman ako sa balita... nalaman ko na naaksidente ang pamilya ni
Ver... nabunggo daw sila ng truck... iyak ako ng iyak ng malaman ko na namatay pala si
Ver pero ang kuya at daddy niya ay nakaligtas... sobrang hirap tanggapin para sakin
nun... kaibigan ko si Ver at hindi ko akalain na pwedeng mangyare 'to... sobrang hirap
lang... lalo na para kay Vher...
kasabay naman ng lahat ng yun ng malaman ko din na nabaliaan si Vher... ewan ko ba...
nagkadugtong-dugtong lahat ng pangyayare... hanggang ngayon, nakaconfine pa din
siya... nagkasakit pa daw kasi dahil sa sobrang depression... nakakalungkot lang...
sobrang sakit nun... kasi sa sarili ko eh, naramdaman ko rin ang mga nararamdaman ni
Vher...
nakakalungkot nga eh... hindi man lang makakapunta si Vher dun sa burol ni Ver... lahat
kami nakaitim nun at pinanood namin ang paglibing sa kanya sa sementeryo... katabi niya
si Tella ngayon... at sana naman masaya na siya kung nasan man siya...
[Vher's Point Of View]
One week akong nakahiga sa ospital nun. nakarecover naman ako mula sa mga
pangyayare pero hindi pa rin matanggal sa isipan ko ang pagkawala ni Ver. Nakita ko
nun yung daddy, kuya at mommy ni Vher. Nakausap ko pa nga sila. Syempre, may
saklay ako nun. Kakauwi nga lang nung mommy niya galing Canada, sigurado ako na
mas nasaktan sila kesa sakin...
sabay-sabay naming binisita yung burol ni Ver. Iyak nga ako ng iyak nun eh.
Nakakabadtrip. hindi ko man lang siya nadalaw sa burol niya. Pansamantalang iniwan
muna ako ng pamilya ni Ver nun. Siguro, para mapagisa ako. Umuulan nun at
nakapayong ako. Naalala ko pa nun yung mga moments nung nagkaaminan na kami. sa
sementeryo din 'tong. Sa harap pa ni Tella. Pero ngayon naman, katabi na niya si Tella.
Nakakabadtrip.
"Hoy Silverio..." naiiyak na ako nun. "ang daya mo naman eh! basta basta ka na lang
nang-iiwan!?! hindi ko man lang nasabi sayo na mahal kita... tapos ngayon, kasama mo
pa si Tella?! siguro masaya ka na no?! pwede na kasing maging kayo ni Tella?!! hindi
naman kita mahuhuli kasi wala naman ako dyan?!! bwiset ka talaga?! mahal na mahal pa
man din kita..."
mukha akong tanga nun na nagsasalitang mag-isa. napasigh ako pinunasan ko yung mga
luha ko. nakita ko naman nun yung pamilya nila Ver na nasa loob ng kotse. umiiyak nun
yung mommy niya. nakakadurog ng puso. siguro, yung oras na yun ay oras niya nga

talaga...
"Vher?" pamilyar yung boses na yun. lumingon ako at nakita ko si Kuya Evans. papalapit
siya sakin. nabalitaan ko naman nun na succesful pala yung heart transplant. wow
naman... masaya ako para sa kanya...
"Kuya Evans..." tumabi siya sakin nun at parehas kaming tumitig sa puntod ni Ver.
"Condolence..." bulong naman niya sakin. biglang tumulo yung luha ko nun. parang ang
bigat bigat ng puso ko... ang bigat ng pakiramdam ko... narealize ko na lang nun na untiunti
na akong niyayakap ni Kuya Evans... hindi pa rin ako matigil sa pagiyak...
nahihirapan akong huminga...
sakto yung tenga ko dun sa left side ng chest ni Kuya Evans... bumubuhos ang luha ko
nun... ramdam na ramdam ko ang heart beat ko pero mas ramdam ko ang heart beat ni
Kuya Evans... parang merong mga bumalik sakin ng memories... pakiramdam ko nun na
kayakap ko si Ver... parang tumigil yung pagulan nun... mas pinakinggan ko yung puso ni
Kuya Evans...
hindi ko alam kung hallucination ko lang pero parang narinig ko ang pagsigaw nun...
yung tipong may naririnig akong `Vher. Vher. Vher`... naaalala ko si Ver... bumilis ang
pagtibok ng puso ko... napapapikit ako... parang nagkaroon ako ng conclusion na puso ni
Ver ang na kay Kuya Evans ngayon... medyo humiwalay ako kay Kuya Evans nun at
tumingin ako sa mga mata niya...
kinilabutan ako na parang nakita ko si Ver through his eyes...
January 9
Kakauwi ko pa lang nun sa bahay. namiss ko yung kwarto ko. namiss ko yung bintana na
ginawa ng pintuan. at higit sa lahat, namimiss ko na si Ver...
napatulala ako nun sa kawalan... hindi ako makapaniwala na sa isang iglap lang
mawawala na ang lahat... lalo kong naalala yung pakiramdam ko ng yinakap ko si Kuya
Evans... parang siyang si Ver... parang naging iisa sila...
bumaba ako sa kitchen nun para kumuha ng makakaen... medyo mahirap pa nga yun
dahil naka-saklay ako pero keri ko pa din naman... kumuha ako ng chichiria nun pero
napalingon ako sa isang bagay na nagbigay sakin ng isang masamang ideya...
kutsilyo...
lumapit ako dun tapos kinuha ko... naalala ko si Ver at bigla na lang akong napaluha...
ang sakit-sakit pa din... langhiya... nahulog ko nun yung chichiria na hawak ko at
tinitigan ko pa yung kutsilyo... nasa sala nun si Tami at Bojie at mukhang busy sila sa
panunuod ng TV...
hindi na ako nagdalawang isip pa, dinikit ko yung kutsilyo sa wrist ko and naglaslas
ako...
ang daming dugo nun sa paligid... unti-unti na akong nahihilo... nagcollapse na ako nun
sa sahig at ang huling narinig ko na lang ay ang sigaw ni Bojie...
"MA?! SI ATE?! Dalin natin sa ospital si Ate?!!!!" bumibilis ang pagtibok ng puso ko
pero at the same time, nauubusan na din ako ng dugo.
Chapter 45
[Vher's Point Of View]
Hindi ko nun maramdaman yung katawan ko. Hindi ko nga rin maramdaman kung may
buhay pa ako eh. Napagpasyahan ko nun na tapusin na ang lahat. Gusto kong makasama
si Ver. Alam kong nagpapakatanga ako.. pero sadyang biglang pumasok lang sa isip ko
na magpakamatay... sobrang sakit kasi... Akala ko kasi ito yung way para mawala yung
sakit na nararamdaman ko nung nawala siya... Parang hindi ko kasi kaya na mawala siya
eh... sobrang sakit... parang gusto ko talaga siyang sundan...
parang ang gaan ko nun... may ilaw akong nakikita... hindi ko nun alam kung nakamulat
ba talaga ang tunay kong mga mata o baka mata ko lang labas ng realidad ang
nakabukas... ang gulo din no? halos blurred yung nakikita ko... o siguro sadyang nalabo
lang ang mga mata ko... parang nagspin nun yung buong mundo ko pero kahit na ganun,
wala naman akong naramdaman na pagkahilo...
may sensation ako na may mga naririnig akong tao na nagkakandulo... dun ko lang
naman narealize na pwedeng boses yun ng mga doctor na pumipilit sakin na mabuhay
pa... gusto ko nga silang patigilin eh... pakiramdam ko kasi ito na yung way para
magkasama ulit kami ni Ver...
lalong nagblur ang paningin ko... pero narealize ko din na hindi pala paningin ko ang may
problema... parang nagkaroon ng mist nun o siguro isang sobrang kapal na fog...
nagmistulang ulap yung tinatayuan ko nun... gusto ko na ngang maniwala na sana nasa
langit na ako nun...
nakakita ako ng silhouette ng isang lalake... familiar yung hugis ng katawan na yun...
bumilis yung pagtibok ng puso ko... dun ko naman narealize na paano ko kaya
naramdaman ang pagtibok ng puso ko?? ang gulo din talaga no? parang pinagpawisan
naman ako nun kahit tama lang naman ang temperatura nun...
unti-unti ng nawawala yung makapal na fog na yun... hindi ako nakagalaw... nanlaki
yung dalawa kong mata... napasarado yung fist ko nun... bumibilis yung pagtibok ng puso
ko... naramdaman ko nun na tumulo ang luha ko... hindi ko alam kung sa realidad din ba
ay natulo din ang luha ko... pero kasabay din ng lahat ng nun ang panggulo sa utak ko at
ang unti-unting pagdurog sa puso ko...
nakita ko nun si Ver... gusto kong umiyak sa harapan niya... bakit kaya niya pa ring
ngumite kung wala pang kasiguraduhan na kaming dalawa naman hanggang sa huli??
sobrang sakit nun... sobrang sakit na isipin na nagpapakita siya ngayon para paasahin ako
na baka sakaling... may chance... na sa realidad eh... kami nga hanggang sa huli...
lumapit siya sakin... namanhid ako nun pero at the same time, tumayo yung mga buhok
ko sa katawan... gusto ko siyang hawakan... ramdam na ramdam ko ang presensiya niya

pero tila parang wala pa din siya sa harapan ko... inistretch ko nun yung kamay ko para
mahawakan yung kamay niya pero parang tumagos lang yung kamay ko dun sa ulo
niya...
bumuhos yung luha ko... iyak ako ng iyak... gusto ko siyang yakapin... kahit sa huling
pagkakataon lang...
"tanga ka talaga no?" nagsalita siya nun. hindi ko alam kung matatakot ako pero sa
ngayon, nalulungkot talaga ako. ganun pa din siya. binigkas niya pa rin ang mga salitang
yun na may halong pagkayabang. Ver na Ver nga naman talaga. "kailangan ba talagang
sundan ako?"
bumilis yung pagtibok ng puso ko nun. wala akong nasabi kaya tumango na lang ako.
"kung ganon, wag kang sumunod..." sabi naman niya. napatingin ako sa kanya. bumuhos
lalo yung luha ko nung sinabi niya sakin yun.
"hindi ko naman kasi kaya eh! kung alam mo lang kung gaano kasakit na maiwanan!
sobrang sakit!"napapasigaw ako sa kanya nun.
"hindi lang naman ikaw ang nasasaktan eh... syempre ako rin naman ay nasaktan nung
iiwan na kita kaso wala naman tayong magagawa eh... ganito talaga ang nakaplano
satin..." sabi naman niya na parang tanggap niya na ang lahat.
"hindi naman kasi dapat ganito eh!! bakit kailangan mong mawala sakin?!! bakit?!!
sigurado ako nun na ikaw na!! pero bakit ngayon, wala ka na?!!" sabi ko naman sa kanya.
"wala na tayong magagawa..." sabi niya sakin. sobrang hirap na tanggapin lahat ng mga
sinasabi niya.
"bakit ka ba ganun?! bakit ba parang hindi ako kawalan sayo?! bakit ba parang hindi mo
ako mahal?!!" masyado akong naglalabas ng emosyon nun.
"sinong nagsabi sayo na hindi kita mahal?" tanong naman niya. hindi ako nakapagsalita
nun. "sorry kasi iniwanan kita... hindi ko naman yun gusto eh... pero gusto kong ipaalala
sayo na ang puso ko ay natibok pa din para sayo... at patuloy 'tong tumitibok... patuloy pa
din 'tong nagbibigay ng pag-asa na makakita ng isang tao na katulad ko... o siguro... hindi
na katulad ko eh... siguro isang tao... na hindi ka kayang iwanan..." iyak ako ng iyak nun.
nahihirapan na din akong huminga. "tsaka... may mga mata din akong iniwan dyan...para
alam ko sa sarili ko na pwede pa din kitang bantayan..."
bumilis yung pagtibok ng puso ko. naisip ko yung puso niya... nagkaroon talaga ako ng
isang theory na si Kuya Evans ang tumanggap nun... pero ngayon ko lang naaalala na
meron din pala siyang inalayan ng mga mata niya at hanggang ngayon, hindi ko alam
kung sino ang nagmamay-ari ng mga yun... napatahimik ako nun...
"mahal na mahal kita... hindi ko alam kung bakit hindi mo nararamdaman pero totoo
lahat ng sinasabi ko... mahal na mahal kita... kahit na wala akong puso ngayon... alam ko
sa sarili ko na ikaw lang ang mamahalin ko..." ang sakit sa puso nun. ang sweet pero ang
sakit... ang gandang pakinggang pero sobrang sakit pa din...
"mahal na mahal din kita..." yun na lang yung nasabi ko. siguro nga ito na ang huling
pagkakataon namin.
"tsaka pwede bang wag mo ng paiyakin si Gigi... nawala na kaming dalawa ni Tella...
wag ka na ring mawawala sa kanya, okay?" bilin naman niya sakin. napatango na lang
ako nun. "tsaka wish ko sana para sayo na magkaroon ka ng isang perfect love story... o
isang storya na may isang happily ever after na ending... yun naman ang pangarap ko
para sayo eh... tuparin mo ha?"
sinabi niya yun ng nakangite. mamimiss ko talaga ang mga ngiteng yun. alam ko nun sa
sarili ko na sa paglipas ng panahon, makakalimutan ko din 'tong mga sinabi niya... siguro,
makakalimutan ko din ang itsura niya... pait pagkilos at manners niya... mode ng
pagsasalita niya at expressions niya ay pwede ko ding kalimutan... siguro, lahat na ng
pwedeng kalimutan sa kanya ay makakalimutan ko sa paglipas ng mahabang panahon
pero isa lang ang pwede kong baunin na memorya galing sa kanya... isang memorya na
hindi ko makakalimutan... minahal ko siya... yun ang hindi ko makakalimutan... at kahit
kailan ay hindi ako nagsisi...
"tsaka wag ka ng magpakatanga dahil sakin ha? 8 years ka ng nagpakatanga, wag ka ng
magextend..." napangite ako ng unti nun. tama siya, sa sobrang pagmamahal ko nga
talaga sa kanya, lahat na ng katangahan halos eh nagawa ko na... huminga ako ng
malalim nun...
"ako naman may wish sayo..." sabi ko sa kanya habang lumalapit ako sa kanya.
"ano yun?" tanong naman niya sakin.
"Kiss me..." nagkatinginan kami. hindi ko nga alam kung posible pa ba 'tong hiling ko sa
kanya eh. bumilis yung pagtibok ng puso ko. lumapit ako sa kanya. parang biglang
lumamig nun pero naiinitan pa din yung katawan ko. sobrang tahimik nun...
triny ko ulit na istretch yung kamay ko, nagulat ako ng naging solid siya bigla...
nahawakan ko siya... sobrang saya ko nun... hindi ko akalain... tumulo yung luha ko dahil
sa tears of joy... kinikilabutan ako... sobrang hirap iexplain yung feeling na yun...
hinawakan ni Ver nun yung mukha ko then he kissed me... ramdam na ramdam ko ang
bawat paglapat ng mga labi namin... parang totoo ang lahat... paano naging posible ang
lahat? yun ang hindi ko alam pero kakaibang experience 'to.... siguro, kung ikwekwento
ko 'to sa iba, walang maniniwala sakin...
linubos lubos ko na ang lahat ng pangyayare... binuksan ko ng mas malaki yung mouth
ko to let more of him in... sobrang sarap ng feeling... sobrang saya... parang first kiss
lang...
natapos ang lahat sa pagmulat ng mga mata ko sa katotohanan... puting ceiling agad ang
nakita ko... may dextrose ako nun... nasa ospital nga ako at buhay... siguro nga ay
napaniginipan ko nun si Ver... hinawakan ko yung mga labi ko nun... parang totoo talaga
ang lahat... naluha na lang ako ulit... napaupo ako nun at sakto naman nun na pumasok si

Gigi sa kwarto ko... nung nakita niya ako, hindi ko maintindihan yung emotions niya...
galit ba siya o nalulungkot? tumakbo siya papalapit sakin tapos umiiyak na siya nun...
"ANO BANG PUMASOK SA KOKOTE MO HA?!! BAKIT KA
NAGPAPAKAMATAY?!! ANO BA KO HA?!! TUBUSAN NG BEST
FRIEND?!!" triny kong ngumite nun. "SO NAKAKANGITE KA PA?!"
"I'm so sorry Bru..." binulong ko yun sa kanya. medyo tumigil na din siya sa pagiyak
nun. sunod naman na pumasok sa kwarto ko si mama at papa. yinakap nila ako kaagad.
iyak ng iyak nun si mama. sorry naman ako ng sorry. ang tanga tanga ko kasi eh. si Bojie
naman at si Tami syempre iyak ng iyak din. biniro ko nga sila na buhay pa naman ako,
walang dapat kaiyakan...
dumalaw din sakin nun si Ate Rits at kuya Evans... medyo gumaan nun yung
pakiramdam ko... tanggap ko na... siguro, kailangan ko na din mag-let go...
masakit man pero ito ang tama... dahil sigurado ako na magiging masaya din siya sa kung
ano mang pwedeng kalabasan ng storyang 'kong 'to...
Epilogue
Lumipas ang ibang days... Nakawala din ako syempre sa ospital na yun no at nagsisi na
din ako.. Ang sakit pala ng dextrose no? Nakakatrauma na... Ayoko na! Hahaha. At
syempre, umayos na din yung paa ko, nakalaya na din ako sa pagdadala ng saklay arawaraw
sa pagpasok. Infairness, sobrang hirap nun no?! Muntik ng hinding kayanin ng
powers ko...
Medyo sumigla na din naman ako nun. Ayoko na ring maging emotional ngayon.
Pinipilit kong maging masaya kahit na sa likod ng lahat eh may tinatago pa din akong
kalungkutan. Minsan nga kapag ako na lang ang mag-isa, pinipikit ko ang mga mata 'ko
at nagwiwish ako na sana pagkamulat ko ay makita ko ulit siya. Pero ilang beses ko ng
triny eh wala pa ding nangyayare.
Siguro nga, hindi siya ang prince charming ko. Siguro, hindi siya ang leading man ko sa
storyang 'to. Baka may iba naman diba? Hindi rin natin alam. Ang tanging ginawa lang
naman niya sakin nun ay i-recreate ang isang perfect love story para sakin... sinabi niya
na dapat magkakabungguan kami... sa una, ay hindi magkakasunod pero madedevelop
kami at magiging kami na forever... wala kaming problema kasi mahal namin ang isa'tisa...
naalala ko yung mga memories na yun... natatawa na lang ako pero at the same
time, nakakamiss naman talaga...
Ano na bang nangyare sa ibang tauhan ng kwento ko?
Well kay Gigi, ayun naman best friend ko pa din siya. Makulit pa din siya at palagi niya
akong napapatawa. Mukhang swinerte naman siya sa taong 'to dahil nagkaroon na rin
siya ng sobrang gwapong boyfriend?! daig pa ako ahh!!
So yun kay Josh naman, wala pa naman siyang bagong girlfriend! kagwapo-gwapo at
sobrang lupet netong bumanat, pero mukhang hindi effective sa mga babae ngayon.
malas ata siya sa taong 'to. Haha
Kay Gian naman, ayun! Naging sila na ni Ate Pat! Nakakatuwa no? Mukha ngang
seryoso na si Gian kay Ate Pat eh.
Kay Prince naman, ano bang nangyayare sa kanya? Wala ata!! Wala siyang nililigawan
pero mukhang lahat ng may gusto kay Ver dati eh nagkagusto sa kanya... Ano naman
kaya yung pinasa sa kanya ni Ver no?! Haha
Kay Ate Rits at kay Kuya Evans, normal na nun si Kuya Evans at naging sila na din ni
Ate Rits... Masaya nga ako sa kanila eh... Mukha talagang magtatagal sila eh... Mukhang
forever na eh... Naiingit nga ako eh... Pero okay na din 'to... Puso naman ni Ver yung na
kay Kuya Evans eh (well, according lang naman sa theory ko)
At sa pamilya naman ni Ver, tinuloy na nila ang pagpunta sa Canada... malamang naman
ay nasaktan din sila sa pangyayare at mukhang nakakarecover din naman sila...
Si Tami at Bojie naman, ganun pa din, makukulit pa din. Walang pinagbago. Pero lalo
akong napalapit sa kanila.
Kay mama naman at kay papa, lalong naging tight yung pamilya namin. ang saya nga eh.
mukhang lahat ng pinagdaanan ko ay pinagdaaanan din nila kaya sobrang saya ko na
magkaroon ng pamilya na katulad nila...
At ako naman? Walang lovelife eh... Mukhang hindi ko pa din makita ang isang tao na
pwedeng lagpasan si Ver...
So yun, March na din ngayon. To be more specific, last day na nga pagiging Second Year
ko... Grabe, next year ay Third year na ako! Siguro maiingit sakin si Ver, hindi kasi sila
makakaranas ng Prom eh! Hahaha. Joke lang!
March 19. Last Day
Napagpasyahan namin ni Gigi nun na maggala sa SM nun. Tutal naman last day na eh.
So sumakay naman kami sa jeep nun. Mabilis lang ang byahe. Hindi naman masyadong
traffic eh. Pero mukhang minamalas, ang sikip sa jeep. Kasabay ng school namin ang
Last day din ng ibang school. Ang init tuloy sa jeep! Hindi ko makeri.
So pagkatapos naman ng sobrang hot na byahe na yun, bumaba na din kami sa SM.
Parang kaming nakalanghap ng sariwang hangin pagpasok naman sa di-aircon na mall.
Ang sarap magpalamig! Hahaha
So yun, tumingin-tingin lang naman kami dun sa mga stores... may nakita ako nun na
dress... so yun, nashare ko lang naman... tinitigan ko pa yung dress na yun ng bigla akong
napatingin sa isang pamilyar na tao..
Bumilis yung pagtibok ng puso ko... Kitang-kita ng dalawang mata ko na nakatingin
sakin si Ver... kinabahan ako nun... lumabas ako bigla ng store nun pero hinigit ako ni
Gigi nun...
"oh saan ka pupunta?" tanong naman niya sakin.
"may susundan lang ako! wait ka lang dyan. okay?!!" binitawan ko siya nun at kumaripas

ako ng takbo.
hindi ko alam kung saan ako titingin pero bigla ko ulit siyang nakita. dumadami na din
yung mga tao nun. nagkakasiksikan na rin. hindi ko na nga rin alam kung sang parte ng
SM ako naroroon eh. pero nakikita ko pa din siya. bumilis yung pagtibok ng puso ko.
naluluha na ako nun. hanggang ngayon nga talaga eh, siya pa din ang hinahabol ko.
mahal na mahal ko nga talaga siya...
hindi ko na nun makita siya... badtrip ako sa sarili ko nun... pakiramdam ko naloko ako...
pakiramdam ko parang dinala niya ako sa kung saan man... naglakad pa ako ng pauntiunti
ng biglang may bumunggo sakin nun... hindi ko pa nakikita yung itsura nung lalaki
na nakaitim at nakajeans na nakabunggo sakin... napatungo na lang ako nun...
"Pwede bang tingnan mo yang dinadaanan mo?" hindi pamilyar sakin yung boses nung
lalaki pero mukhang wala na din naman akong pakielam. napaiyak na lang ako nun.
naalala ko si Ver. nakita ko siya... hindi ko alam kung ano bang plano niya... iyak ako ng
iyak at mukhang naghysterical yung lalake na nakabunggo sakin...
"ayy miss...bakit ka naiyak?! nakakahiya?! sorry na miss?! masyado ata akong
nagsingit?! wag ka ng umiyak please! nakakahiya na talaga?! baka akalain nila na tayo
tapos nakikipagbreak na ako sayo!"sabi naman niya sakin. napatingin ako sa lalaking
nakabunggo sakin. parang gamit naman ang peripheral vision ko eh nakita ko si Ver sa
likod niya ng nakangite pero sa isang kurap ko lang, eh nawala bigla si Ver. tiningnan ko
ng mabuti yung lalaki... moreno at magkasingtangkad sila ni Ver... parehas din ang
kayabangan na linalabas nila ni Ver... matangos ang ilong niya at sobrang ganda ng mata
niya... parang pamilyar nga yung mga mata eh...gwapo siya... at hindi ko matatanggi
yun... hindi ako makapagsalita nun... naluluha pa din kasi ako eh...
"sorry talaga miss! pero baka akalain talaga nila na... kahit na type kitang maging
girlfriend pero kahit na... sorry na talaga miss..." bigla akong napangite dun sa sinabi
niya. ang daming tao na dumadaan samin nun. napatingin ako sa mga mata niya at
pinunasan ko din yung luha ko nun.
"okay lang..." sabi ko naman sa kanya. ibang klase talaga si Ver... hindi ko alam kung 'to
ba talaga ang plano niya pero mukhang 'to na eh...
"uh miss... siguro, pwede naman na mayaya kita for lunch diba?" pasimpleng banat
naman niya sakin. hindi ko siya kilala pero nakakatawa ako sa harapan niya.
"grabe kuya ha? hindi pa nga kita kilala eh..." natatawa ko namang sinabi sa kanya.
"ayy ganun ba..." nagreach out siya ng hands sakin sabay sabi ng "Hi. I'm Blake... and
you?" natawa na lang ako sa kanya nun. Blake pala ang pangalan niya. Nice one...
"I'm Vher..." nakipagshake hands ako sa kanya nun. infairness, bentang benta ang ang
mga banat niya.
"So magkakilala naman na tayo diba? then, agree ka na?" tumango na lang naman ako sa
kanya nun. syempre, sinundo naming dalawa si Gigi. nagulat nga si Gigi eh. parang daw
akong nakasungkit ng malaking isda. hahahaha. Si Ver talaga! hindi man lang ininform
sakin na may ipapakilala pala siya?! badtrip talaga yun oh?! hindi ako prepared...
kumaen lang kami sa foodcourt nun... masayang kausap at kasama si Blake... madami
siyang kwento pero masasabi mo pa din na kahit ganun eh, may tinatago pa din siyang
sikreto... malamang, lahat naman diba... may napansin ako sa kanya nun... napansin ko
nun yung kwintas na star na nakasuot sa may leeg niya... parehas ng sakin...
"yung necklace mo... magkaparehas tayo..." hawak ko nun yung necklace ko tapos
hinawakan din niya yung necklace niya. wala nun si Gigi kasi bumibili siya ng halo-halo
sa ibang stall.
"wow... meant to be ata tayo ah..." pajoke naman niyang sinabi.
"I like to know the story behind that necklace..." sabi ko naman sa kanya ng seryoso.
mukhang nagtaka nga siya sakin eh. siguro narealize niya na chismosa ako sa mga bagaybagay.
"kasi yung akin, binigay ng boyfriend ko..." medyo napalayo nga siya nun
eh. "kaso namatay na siya eh..."pinilit kong ngumite nun. "sayo?" huminga siya ng
malalim nun.
"binigay ng mom 'ko..." mukhang nahihirapan pa siya na hanapin yung mga words para
sa statement niya... "last eyar lang 'to... bago sila magaway ni papa... umuulan pa nun...
bago bumangga yung kotse na sinasakyan namin... bago siya namatay... at bago ako
nabulag..." bumilis yung pagtibokg ng puso ko. nagagawa niya pa ding ngumite kahit na
ganun.
"sorry... pero di ka na bulag ngayon..." tumango siya nun.
"nagkaroon kasi ako ng donor..." kinabahan ako nun... "nung January lang... to be
specific, January 6... may isang teenager daw na namatay dahil binangga ng truck yung
sinasakyan nila..."napapatulala ako nun. January 6.... dun namatay si Ver... dun nabangga
yung kotse nila ng isang truck... "thankful ako sa taong yun... pakiramdam ko nga ang
bait niya eh... pati kasi puso niya nakaregister din na idonate... masaya siguro siya na
nakatulong siya no..."
tumibok ng sobrang lakas yung puso ko. napangite na lang ako sa sinabi niya. ayokong
umiyak nun. ayokong magpakita ng kahinaan. tiningnan ko yung mga mata niya. may
resemblance nga sa magagandang mata ni Ver... ibang klase talaga siya... full of
surprises... parang nakita ko si Ver nun kay Blake pero sa isang kurap ko lang eh bumalik
na din ako sa realidad...
dumating si Gigi nun na may dalang halo-halo... nagpatuloy yung kwentuhan naming
tatlo... humangin ng malakas nun... nagkataka nga ako eh, paano magiging mahangin sa
loob ng SM? bigla na lang akong may naramdaman sa bandang paa ko... nagulat ako nun
na parang may papel na nilipad sa paa ko...
kinuha ko yun at narealize ko na photo paper yun... tiningnan ko yung litrato at bumilis
yung pagtibok ng puso ko...

picture yun na kinuha mismo ni Ver...


isang picture kung saan enjoy ako nun sa snow na ginawa nila....
The End

You might also like