You are on page 1of 5

Japan

Kabisera: Tokyo
Uri ng Gobyerno: Constitutional monarchy
Mga tanim: Bigas (Rice), Asukal (sugar),
Beets, Prutas (fruits)
Industriya: Electronic equipment, Auto
machine tools, Chemicals
Mamamayan: Japanese
Wika: Japanese
Relihiyon: Buddhismo, Shintoismo
Ang salitangJapan ay nagmula sa salitang
Nippon o Nihon na ang ibig sabihin ay Land
of the Rising Sun.Ang bansa ay kilala sa
maunlad na pamamalakad at mayaman sa
kultura at tradisyon. Ang Shintoism ang
pinakamalaki at tradisyonal na relihiyon ng
Japan. Gawing Diyos ang ibig sabihin ng
Shintoism. Ang Kami o Diyos ng kalikasan
ang itinuturing diyos ng mga nanalig sa
relihiyong Shinto.
Kana
Ang Kana o Hiragana ay isang uri ng
pagsulat sa bansang Hapon, na isa rin sa
pangunahing nilalaman ng Sistemang
Panulat ng mga Hapon, kasama ang
katakana, kanji , at ang Alpabetong Latin.
Parehang nasa sistemang kana ang hiragana
at katakana, na kung saan ang bawat panitik
ay simisimbolo sa isang mora. Ito ang unang
uri ng pagsulat sa bansang Hapon.
Sistemang Piyudal
Ang piyudalismo o peudalismo ay isang
sistema ng pamamalakad ng lupain na kung
saan ang lupang pag-aari ng panginoon ng
lupa o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa
mga nasasakupang tauhan na may
katungkulang maglingkod at maging
matapat sa panginoong may-ari. Isa itong
sentralisadong pamahalaan kung saan
isinusuko ng basalyo o taong alipin ang
kanyang lupa sa isa isang
panginoon.Nagsimula ito sa Japan noong ang
nanunungkulan ay si Yoritomo.Ito ay
nahahati sa tatlong panahon:Kamakura
Shogunate,Ashikaga Shogonate, at Tokugawa
Shogonate.
Shintoism
Sa pagdaraan ng panahon,ang
magkakaibang tradisyong ito ay kanilang
pinagsanib sa isang relihiyon na tinawag
nilang Shinto, na ang kahulugan ay "ang

daan ng diyos".Ang relihiyong Shinto ay


nakabatay sa paggalang sa kalikasan at
pagsamba sa mga ninuno.Si Kami ang
pinaniniwalaan nilang diyos ng kalikasan.

Samurai
Ang samurai , mononohu, o bushi, ay ang
mga kasapi ng uring militar ng sinaunang
Hapon. Samakatuwid, sila ang mga
mandirigma noong kanilang kapanahunan.
Nagmula ang salitang samurai sa pandiwang
ng Hapones ns saburai, na
nangangahulugang paglingkuran (ang isang
tao).Ang mga kabalyerong nakikipaglaban
nang buongkatapatan para sa kaligtasan ng
kanilang mga panginoon.
Mga TRADISYON at KULTURA
Nobela
Ang "The Tale of Genji" ang kauna-unahang
nobela sa daigdig na sinulat ni Lady Murasaki
Shikibu.Ito ay tumatak sa mga isip ng mga
Hapon dahil sa magandang kwento nito.
Kimono
Kasuotan
Ang kimono ay isang uri ng tradisyonal na
kasuotan sa Hapon. Dating may ibig sabihing
"bagay na isinusuot" ang salitang "kimono".
Matagal nang panahon ang nakararaan,
dating araw-araw na nagsusuot ng mga
kimono ang mga tao sa Hapon. Daan-daang
taon na ang tagal ng panahon ng pagsusuot
ng mga Hapones ng Kimono. Sa ngayon,
isinusuot lamang nila ang kimono kapag may
natatanging mga okasyon katulad ng mga
seremonyang pormal.
Pagkain
Ang Sushi ay ang tradisyonal na pagkain na
binabalik balikan sa Japan.Ito ay
napakasarap at malasang pagkain.Dahil nga
sa ito ay popular sa buong mundo ,ito ay
tinangkilik at kumalat sa iba't ibang sulok ng
mundo.

Korea

Ang Korea ay nagsimula nang mabuo ang


Joseon (ang pangalang Gojoseon ay mas
kadalasang ginagamit upang hindi malito sa
isa pang Dinastiyang Joseon na nabuo noong
ika-14 na dantaon; ang unlaping Go- ay

nangangahulugang 'Luma' o 'Sinauna')


noong 2333 BCE ni Dangun. Ang
Gojoseon ay lumawak hanggang sa makontrol na nito ang kabuuan ng tangway
ng Korea at ilang bahagi ng Manchuria.
Pagkatapos ng maraming mga digmaan
laban sa Tsinong Dinastiyang Han, ang
Gojoseon ay bumagsak, at nagsimula
ang Panahon ng Tatlong Kaharian ng
Korea.
Ang Korea ay dating binansagang
"Hermit Kingdom". Ayon sa kasaysayan,
ito ay nasakop ng dayuhang bansa at
nasupil pa ng ilang bansa sa
magkakasunod na panahon. Bunga
marahil ng kapaguran sa sunod-sunod na
panunupil, napagisipan ng mga Koreano
na iwasan muna ang labis na
pakikisalamuha as ibang bansa upang
mapagtuunan ng pansin ang higit na
paglilinang at pagpapatibay ng kanilang
kultura.
Nahati ang Korea pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang
kapitalistang demokrasiyang liberal na
ngayon ang Timog Korea, na
sinusuportahan ng Estados Unidos, at
tinutukoy minsan bilang "Korea".
Nanatiling Kumunistang estado ang
Hilagang Korea, sinusuportahan
ngUnyong Sobyet, kadalasang
sinasalarawan bilang Stalinista at
totalitaryan.
Maaaring kumatawan ang Watawat ng
Pagsasanib (Unification Flag) sa mga
pandaigdang labanang pampalakasan,
ngunit hindi ito ang opisyal na watawat
ng Timog Korea o Hilagang Korea.
Korea
"Choson"
'Lupain ng mapayapang umaga'
North Korea
Kabisera: Pyong Yang
Uri ng Gobyerno: Komunista
Mga tanim: Bigas (rice), Mais (corn),
Patatas (potatoes), Pulses
Industriya: Electric power, Metallurgy
Mamamayan: North Korean
Wika: Korean

Relihiyon: Buddhismo, Confucianismo


Ang Demokratikong Republikang Popular
ng Korea ay isang bansa sa Silangang
Asya, sinasakop ang kalahati ng hilagang
bahagi ng Tangway ng Korea.
South Korea
Kabisera: Seoul
Uri ng Gobyerno: Republika
Mga tanim: Bigas (rice), Rootcrops,
Barley, Gulay (vegetables), Prutas (fruits)
Industriya: Electronics, Chemicals, Ship
buildings, Motor vehicles
Mamamayan: South Korean
Wika: Korean, English
Relihiyon: Buddhismo, Kristiyanismo
Ang Timog Korea, pantungkulin Republika
ng Korea ay isang bansa na matatagpuan
sa Silangang Asya, sa katimogang
kalahati ng Tangway ng Korea.

Taiwan

Kabisera: Taipei
Uri ng Gobyerno: Demokratiko
Mga tanim: Bigas (Rice), Mais (Corn),
Tsaa (tea), Gulay (vegetables)
Industriya: Electronics, Chemicals,
Textiles, Petroleum refining
Mamamayan: Taiwanese
Wika: Mandarin, Chinese
Relihiyon: Buddhismo, Kristiyanismo
Kasaysayan
Matatagpuan ang Taiwan sa silangan ng
Kipot ng Taiwan, sa dakong timogsilangang baybayin ng Punong-lupain ng
Tsina. Pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig noong 1945,
pangkat ng mga pulo ay sumailalim sa
pamamahala ng Republika ng Tsina.
Pinamamahalaan ang grupo ng pulo ng
Republika ng Tsina (Republic of China;
ROC) mula 1945 nang natamo ng ROC
ang Taiwan mula sa Hapon bilang bunga
ng Ikalang Digmaang Pandaigdig.
Pagkaraan ng apat na taon, natalo sa
Digmaang Sibil ng Tsina ang ROC sa
Partido Komunista ng Tsina at umurong
sa Taiwan. Ngayon, ang Taiwan ang
bumubuo sa karamihan ng teritoryo ng
ROC at ang ROC mismo ay karaniwang

kilala bilang "Taiwan". Ang Taiwan ay


kasapi sa Apat na Tigre ng Asya.
Ang Taiwan ay matatagpuan 180
kilometro timog - silangan ng Tsina sa
may Taiwan Strait. Napalilibutan ito ng
East China Sea sa Hilaga, Philippine Sea
sa Silangan, Luzon Strait sa Timog at
South China Sea sa Timog - Kanluran.
Binubuo ng Taiwan ang 99 bahagdan ng
Republika ng Tsina. Ang Taiwan ay nabuo
sa hangganan ng Philippine Sea Plate at
ng Eurasian Plate. Nakararanas ang
bansa ng Humid Subtropical Climate na
naapektuhan ng East Asian Monsoon.
Relihiyon
Ang paniniwala sa relihiyon ng mga
Taiwanese ay ang pinaghalong - halong
Buddhismo, Taoismo, Chinese folk
religion at maging ang pagsamba sa mga
ninuno. Naging aktibo ang mga
Kristiyanong simbahan sa bansa lalo na
ang Protestantismo. 93 bahagdan ng
kabuuang populasyon ay BuddhismoTaoismo, 4.5 bahagdan ay Kristiyano at
2.5 bahagdan ang ibang relihiyon.
Pagkain at Wika
Naimpluwensyahan na ng kulturang
Taiwanese ang mga bansa sa Kanluran
tulad ng Pearl Milk Tea na kilala din sa
tawag na bubble tea o boba. Ang mga
pagkain sa bansa ay impluwensya ng
mga probinsya sa Gitna at Timog Tsina
lalo na sa probinsya ng Fujien o Hokkien.
Maaaring ang sanhi nito ay ang malaking
bilang ng mga Tsinong lumipat sa Taiwan
matapos ang Chinese Civil War at dahil
din pinamunuan ng ROC ang bansa.
Karamihan sa mga taong naninirahan sa
bansa ay nagsasalita ng Mandarin
Chinese at Taiwanese. Ang wikang Hakka
ay ginagamit ng mga Hakka na bumubuo
ng 10 bahagdan ng populasyon. Ilan sa
mga salitang Hapon ang ginagamit pa rin
sa kanilang wika.

China

Kabisera: Beijing

Uri ng Gobyerno: communist party- led


state
Mga tanim: Bigas (Rice), Trigo (wheat),
Patatas (potato), Tsaa (tea), Sorghum,
Mani (peanuts)
Industriya: Steel, Textiles, Iron
Mamamayan: Chinese
Wika: Mandarin, Chinese, Minbel
Relihiyon: Buddhismo, Daoist
Kasaysayan
Sa katotohanan, madalang na makitang
malinis ang kasaysayan ng Tsina, hindi
katulad ng palagiang inilalahad, at
madalang din talaga para sa isang
dinastiyang magtapos ng mahinahon at
kaagad at matiwasay na nagbibigay daan
sa isang bago. Karaniwang naitatag ang
mga dinastiya bago mamatay ang isang
nangangasiwang pamahalaan, o
nagpapatuloy magpahanggang isang
kapanahun matapos na malupig sila.
Wika
Ang Classical Chinese ang ginamit na
wikang pasulat ng mga Tsino sa
mahabang panahon. Subalit, ito ay para
lamang sa parmga iskolar at matatalino
na bumubuo ng pinakamataas na uri ng
lipunan na tinatawag na Shi Da Fu. Ang
Four Great Classical Novels ng China ay
isinulat sa disnastiyang Ming at Qing.
Ang pagiimprinta ng mga gawang Tsino
ay nagsimula sa dinastiyang Song.
Musika, Literatura at Sining
Ang dinastiyang Zhou ang kinikilalang
simula ng paglaganap ng literaturang
Tsino. Ang Five Cardinal Points ang
naging pundasyon ng halos lahat ng mga
itinuturo sa mga paaralan.
Ilan sa mga naisulat na musika ay galing
pa sa panahon ni Confucius. Ang
pinakasentro ng musika ng Tsina ay para
sa qin ng dinastiyang Tang.
Ang paggawa ng porselana ay ang isa sa
mga pinakaunang parte ng panahong
Paleolitiko. Ang mga musika at tula ng
bansa ay naimpluwensyahan ng Book of
Songs at ng manunulat na si Qu Yuan.

Mitolohiya
Ang relihiyong Tsino ay nagmula sa
pagsamba sa kanilang pinaka - diyos na
si Shang Di noong dinastiyang Xia at
Shang. Ang mga hari at babaylan ang
nagsisilbing mga pari ng diyos na
gumagamit ng oracle bones. Ang
dinastiyang Zhou naman ay sumamba sa
kalangitan. Kahit maraming diyos ang
naging parte ng tradisyong Tsino, mas
kilala ang mga banal na imahe tulad ni
Guan Yi, Jade Emperor at Buddha.
Ekonomiya
Ang ekonomiya ng bansa ay
pumapangalawa sa buong mundo,
pagkatapos ng Estado Unidos. Ito ay ang
pinakamabilis sa mundo pagdating sa
pagtaas ng ekonomiya na may 10
bahagdan sa nakaraang 30 taon. Ang
Tsina ang pinakamalaking exporter sa
mundo at pangalawa sa pinakamalaking
importer.

Mongolia

Kabisera: Ulaan Bataar


Uri ng Gobyerno: Parliamentaryo
Mga tanim: Trigo (Wheat), Barley, Patatas
(Potatoes)
Industriya: Paggawa ng mga materyal
para sa konstraksyon, mga pagkain at
inumin, pagmimina
Mamamayan: Mongol
Wika: Khalka Mongol, Turkic/Turkish
Relihiyon: Buddhismo, Tibetan
Heograpiya
Ang bansa ng mga Mongol, ang
Mongolia, ay matatagpuan sa gitna ng
Russia at ng China. Ang Hiten Peak sa
kanluran ng bansa ay ang pinakamataas
na lupain na umaabot ng 4, 374 metro.
Ang klimang nararanasan sa bansa ay
malamig at tuyot na may mahahabang
panahon ng tag - lamig at sandaling
panahon ng tag - init. Iba ang halagang
natatanggap ng Hilaga sa Timog
pagdating sa ulan. Mayroon ding
nararanasan na pagbagyo ng nyebe sa
Mongolia tuwing tag - lamig. Ito ay
namiminsala sa bansa na kumikital sa

buhay ng mga Mongol at sumisira sa


kanilang mga pananim at tirahan.
Pagkain, Pananamit at Literatura
Ang mga pagkain sa bansang Mongolia
ay nababase sa mga karne at mga
pagkaing gawa sa gatas. Simula noong
kalagitnaan ng 20th century,
nagsimulang lumaganap ang pagkain ng
mga gulay.
Ang deel o kaftan ay ang tradisyunal na
damit ng mga Mongol at karaniwang
sinusuot tuwing araw ng paggawa at
mga mahahalagang okasyon.
Ang pinakamatanda at pinkasikat na
literatura ng mga Mongol ay ang The
Secret History of the Mongols.
Relihiyon
Noong 17th century, naging dominante
sa bansa ang Tibetan Buddhism. Ang
nasabing relihiyon ay isang relihiyon
kung saan sumasamba sila ng maraming
diyos. Ito ang naging ugat ng paggawa
ng mga relihiyosong bagay tulad ng
larawan at mga nililok. Taong 1930,
opisyal na tinanggal ang mga relihiyong
Buddhismo at Shamanismo. Simula
noong 1900s, sinubukang palaganapin sa
bansa ang Kristyanismo. Apat na
bahagdan ng populasyon ng Mongolia ay
mga Muslim.
Paniniwala at Pamahiin
Ang mga Mongol ay naniniwala sa
konsepto ng swerte at malas. Sila ay
naniniwala na ang pag - apak sa mga
bagay na sagrado sa diyos at ang pag lapastangan sa isang lugar ay
magbibigay sa kanila ng kapahamakan.
Minsan, pinipintahan nila ng uling ang
mga noo ng bata upang maisahan ang
mga masasamang espiritu na hindi ito
isang bata kung hindi ay isang kuneho na
may itim na buhok.
Kapag sila'y dadaan sa mga ovoos sa
kanilang paglalakbay, nagaalay ang mga
Mongol ng mga matatamis na pagkain
upang magkaroon ng magandang biyahe.
Para sa isang bata, ang pinaka - malaking
selebrasyon ay ang kaniyang unang

paggupit ng buhok (haircut) imbes na


kaniyang kaarawan.
Ekonomiya
Pera: 1 tgrg (MNT) = 100 mng
Ang ekonomiya ng Mongolia ay
tradisyunal na binabase sa agrikultura.

Ang bansa ay may mga mineral tulad ng


copper, coal, molybdenum, tin, tungsten,
at gold.

You might also like