You are on page 1of 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Panimula
Bagamat ang pagkatuto ay isang walang hanggan at katapusang proseso, hindi ito
natatapos sa pamamagitan lamang ng paghahangad na magkaroon ng kaalaman, at
pagtatamo sa mga karunungan na hinahangad ng isang tao. Itinuturing na edukasyon din
ang magiging daan sa pagkamit ng mga pangarap ng isang inidibidwal, dahil dito, siya ay
inaaasahang matuto ng mga bagay na may kaugnayan sa kaniyang inaabot na pangarap na
may kapakinabangan dito. Sa ganitong punto, hindi natatapos ang pagkatuto, gayundin
ang esensiya ng edukasyon sa paraang natamo lamang natin ang isang kaalaman, bagkus
kung paaano ito maisasalin sa pang-araw-araw na pamumuhay at gagamitin ng isang
indibidwal ang kaniyang natutunan.
Batay sa naging pananaliksik nina Dalusong at Dela Casa et., al (2010), edukasyon
ang pinakamahusay na pundasyon tungo sa tagumpay sa buhay at ang tanging pamanang
kayang ipagkaloob ng isang magulang sa kanilang mga anak. Ang edukasyon ay
maihahanay sa pagkain at tirahan sa kadahilanang isa rin sa pinakamahalagang
pangangailangang bayolohikal bilang tao. At batay sa itinatakda ng konstistusyon ng
Republika ng Pilipinas, ang edukasyon ang mas higit na dapat bigyan ng pansin ng
pamahalaan.

You might also like