You are on page 1of 1

25 TAON NA ANG REBOLUSYON SA EDSA

Ni Kabayani Gerry E. Gamez


Kamukat-mukat moy dalawamput limang taon na,
Ang naganap namapayapang rebolusyon sa EDSA.
Isang aktong himalat may pambihirang pagkakaisa,
Itinambad at hinangaan sa mundo, ang ibay gumaya.
Walang anumang punglo ang tumagos sa katawan,
Walang anumang dugo ang dumanak sa lansangan,
Tanging pagkakaisa, pananalig, at pag-asa lamang,
Ang naging sandata ng milyun-milyong mamamayan.
Walang kasing dakila, ang ipinamalas ng mga Pilipino,
Pagpapatunay ng ating pagmamahal sa baying ito.
Pamana na sa maraming kabataan ay dapat tumimo,
Ang tagumpay ng isang mapayapang pagbabago.
May pagkilos ang kamay ng mapaghimalang Diyos,
Sa ating baying matagal ng pinahirapat binusabos,
Mandiy sariling kalahi, sa kapangyarihay dayukdok,
Ayaw umalis sa poder kahit dekada ng nakaluklok.
Itoy isang babala sa mga pinunong sukab at gahaman.
Na ang kapangyarihay pansamantalat pahiram lang;
Kayat sa mga nagnanais maluklok at makapanilbihan,
Dapat laging unahin ang kapakanan ng mamamayan.
Diwat aral ng EDSA ay maaaring malimutan na ng iba,
Ngunit sa ating kasaysayan itoy hindi na mabubura pa,
Pagkat wala mang nag-isip o nagplanong itoy isagawa,
Sadyang itoy itinadhana ng maganap ng ating Bathala.
Mabunying pagdiriwang at makabuluhang pag-alaala,
Sa ating paggunita sa mapayapang pag-aalsa sa EDSA.
Ating saluduhan ang lahat ng nagsakripisyot humulma,
Sa People Power na nagpa-alis ng isang diktadurya.

You might also like