You are on page 1of 4

EDSA REVOLUTION

> Makaysaysayan ang araw na ito. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero. Ang araw na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang nagtungo ang libu-libong mga Pilipino sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo at Camp Crame. Sinuportahan ito ng mga mamamayan. Tinawag itong Rebolusyong EDSA o EDSA Revolution. Tinatawag din itong People's Power Revolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan at Rebolusyon ng Pebrero.
> Ang naging pangunahing layunin ng unang EDSA Revolution ay ang pagbabalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ang rebolusyong ito ang naging sagot ng mga Pilipino sa isang rehimeng tinanggalan ang mga mamamayan ng karapatan. Sa mababaw na pagtingin sa kaganapan ay masasabing naging pangunahing dahilan ng rebolusyon ang pandarayang naganap sa Snap Election noong Pebrero 1986. Ngunit mas malalim pa rito ang ugat ng problemang nagdulot ng rebolusyon. Ang pandaraya lamang ang naging mitsa ng pagkilos ngunit kasama nito ay ang patungpatong na pagdurusa ng mga Pilipino sa mga patakaran, pamamalakad at pag-aastang hari ng mga Marcos habang sila ay namumuno sa bayan. Ilan na rito ay ang pagpapatupad ng Batas Militar noon 1972, ang pagpapadakip ng mga ordinaryong mamamayan at pinagmistulang may kinalaman sa mga gawaing laban sa gobyernong Marcos, at ang pagpapapatay kay Ninoy Aquino noong 1983. > Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan o mas kilala bilang People Power Revolution sa wikang Ingles na tinatawag ding EDSA Rebolusyon ng 1986. Isa itong mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula ika-22 ng Pebrero hanggang ika-25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni dating pangulong Ferdinand Marcos. Pinaigting ito nang napatay si Benigno Ninoy Aquino noong 1983. Maraming

EPEKTO/ KAHALAGAHAN
Una, upang magkamit ng mga makabuluhang pagbabagong panlipunan, pinakamabisang sandata ang direktang pagkilos ng mamamayan sa lansangan kumpara sa iba pang anyo ng ligal na pagkilos na ipinahihintulot ng umiiral na reaksyunaryong estado. Bagaman hindi nito magagawang baguhin ang mismong mapangapi at mapagsamantalang sistemang panlipunan, kaya nitong yanigin nang husto ang naghaharing sistemang pampulitika, magkamit ng signipikanteng mga konsesyon para sa mamamayan at pabagsakin ang isang naghaharing pangkatin. Ikalawa, sa bawat matagumpay na pag-aalsang bayan, nakatitipon ng karanasan at tiwala sa sarili ang mamamayan para tuluy-tuloy pa nilang maitaas ang antas ng kanilang pagkilos at makapagkamit ng papalaki pang mga tagumpay para sa ikabubuti ng masa ng sambayanan, laluna ng higit na nakararaming anakpawis. Tuntungan ito para sa pagsusulong ng higit na militante at mas abanteng porma ng pakikibakang bayan na lalahukan ng paparaming mamamayan. Ikatlo, bukod sa daluyong ng hayag na kilusang masa at malawak na nagkakaisang prente ng mamamayan at iba pang mga positibong pwersa, salik din sa tagumpay ng EDSA 1 at EDSA 2 ang pagbaling ng suporta rito mula sa makabuluhang bahagi ng sandatahang pwersa ng estado. Sa gayong paraan, binabali ang isa sa mga pangunahing haligi ng naghaharing rehimen at

mga tao ang nakilahok dito na halos umabot sa tatlong milyong mga Filipino kasama na ang mga mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos.

ipinagkakait dito ang isa sa mga pangunahing instrumento ng kalupitan at panunupil laban sa mamamayan. Sa hinaharap, lalaki ang pangangailangan sa mga sandatahang pwersang hawak mismo ng mamamayan. Itinuturo ng karanasan ang kawastuan at pangangailangan ng kumbinasyon ng ligalparlamentaryong pakikibaka at armadong pakikibaka para tuluytuloy na makapagkamit ng mga tagumpay hanggang maging ganap ang tagumpay ng mamamayan. Ikaapat, itinuturo rin ng mga karanasan ng EDSA 1 at EDSA 2 na hindi sasapat na magkaroon lamang ng mabababaw, bahagya, mabuway at pansamantalang pagbabago na muling masasapawan ng pamamayagpag ng mga di nawawalang salot sa umiiral na sistemang panlipunan. Sa muling pagsambulat ng pagaalsang bayan, tiyak na lalakas ang pananawagan ng mamamayan para sa mas masaklaw na demokrasya at kalayaan sa sistemang pampulitika at ekonomya. Ibayong lumilinaw sa kanila na hindi maaaring tumigil ang pakikibakang masa hangga't hindi nakakamit ang ganap na tagumpay at ang pagbabago ng buong sistema.

You might also like