You are on page 1of 27

In Love Ka ba Talaga?

Mahigit 90 porsyento ng maririnig mosa FM stations ay


tumatalakay sa ibat ibang mukha ng pag-ibig kinikilig sa unang
crush, committed love, nabasted, iniwan ng minamahal,
nalalasing dahil nagbreak-up at kung ano-ano pa. Kahanga-
hanga rin ang creativity ng mga texters dahil sa kanulang mushy
SMS na nagpapangiti sa mga hopeless romantics:
Pustiso ka ba? Coz I cant smile without you.
Dalawang beses lang kita gusto maita: Now ang Forever.
Ipapapulis kita, kasi ninakaw mo ang puso ko!
Alam mo ba iyong mas magandang view sa front view, back
view at side view? Iyong ILOVEIEW!
Hindi rin matapos-tapos ang mga telenovelas na nagpapatingkad
ng ibat ibang aspeto ng romantic love. Bawat taon ay may mga
bagong love teams na titilian ng mga kabataan. Patok pa rin ang
mga nobela at pocketbooks na bumubihag sa imahinasyon ng
maraming naghihintay sa kanilang Prince Charming o Miss
Universe.
Ngunit sa lahat ng ito, malalaman ba natin kung totoo o hindi ang
pag-ibig na nararamdaman natin? Paano mo malalaman kung
peke ang isang pera? Sagot: Kapag kabisado mo na ang itsura at
kalidad ng tunay. May mga special marks ang genuine currency
bills na hindi madaling magaya. Kung nararamdaman mong
magaan ang perang papel at parang mapusyaw ang kulay,
magduda ka na. Ganundin, marami tayong inaakalang TL (True
Love) ngunit PL (Pekeng Love) pala. Ang tanong ngayon: paano
mo malalaman kung TL ang nararamdaman mo? Tingnan muna
natin kung ano ang PL.
SEVEN SIGNS NG PEKENG LOVE
Nagulat ako sa isang shout-out sa Friendster ng isang 1-year-old
boy: Kahit ilang beses pa aking masaktan nang dahil sayo . . . di
kita iiwan . . . di ako susuko. Kahit may 100 dahilan para iwan kita
. . . hahanap pa rin akon ng isang dahilan para ipaglaban ka . . .
Ang lalim! Parang I will do everything for you and drama.
Sisisirin niya ang Pacific Ocean at aakyatin ang Mount Everest
makasama lang ang mahal niya.
What many young people consider love may only be
infatuation.Infantuation is an intense, short-lived and irrational
passion for somebody. Madalas, apektado and pag-iisip ng
nakakaramdam nito. To further explain the qualities of
infatuation, here are its seven major signs.
The Axe-Effect
sikat ang mga commercials ng AXE cologne sa buong mundo.
And mensahe nito: Mababaliw at mahuhumaling ang mga babae
sa mga lalaking gumagamit nito. Dahil sa bango ng AXE,
nawawala sa sarili nilang bait ang mga babae at susundin kahit
sa kailaliman ng dagat ang Adonis na gumagamit ng mala-
gayumang pabango. Pagdating sa pag-ibig, kalimitang nakatuon
sa pisikal ang mga nakararamdam ng infatuation. Hindi lang sa
amoy, kundi higit sa nakikita. Infatuation focuses on the
physical traits. Nagustuhan dahil sa dimples, maputing balat,
kasingkitan ng mata (lalo na sa mga nahuhumaling sa mga
Korean boy bands), mapuputing ngipin o kaya ay dahil mala-Mark
Herras sumayaw.
Nagugustuhan ng mga infatuated ang isang tao dahil sa kanyang
piling mga Katangian. Pero dahil walang taong perpekto,
makakakita sila ng ikadidismaya. Kabilang sila sa UY . . . AY
Group. Sa mga boys: UY ang ganda niya . . . AY may body odor
pala! Sa mga girls: UY ang cute niya . . . AY bad breath pala.
Problema: Matapos makita ang kahinaan at masamang
Katangian ng nagugustuhan, nawawala ang paghangang
nararamdaman.
The Kisap-Mata Complex
Infatuation starts and ends fast. Bakit? Kasi nagbabago ang
nararamdaman ng mga infatuated ayon sa kondisyon ng
emosyon nila. Sa simula, napakatindi ng spark ng pag-ibig.
Laging may stars sa mata. Tatawirin ang isanlibong kabundukan,
mapasya lang ang minamahal. Magtatalunan ang mga hormones
sa katawan at kayang ipagsigawan sa buong mundo na mahal na
mahal niya ang kanyang partner. Pero matatapos ang ilang araw
o lingo, lubos na nakilala ang iniirog. Sasabihin sa sarili: Hindi na
siya ang dating nagustuhan ko. Nagbago na siya. Ang resulta:
Ayawan na! Ayawan na! (Di na masaya may umepal kasi.)
Parang isang batang nakikipaglaro at kapag naaasar dahil siya
lang lagi ang taya, iiwan ang mga kalaro at uuwi ng bahay. Ang
mga infatuated, kapag hindi na nagi-enjoy, unti-unting
mawawala ang interes sa relasyon.
The Crazy-for-you Syndrome
Infatuation can make a person disorganized, distracted and
ineffective. Sabog ang isip mo. Kapag infatuated ka kasi, halos
lahat ng tignan mo, feeling mo naroon siya. Tumingin ka sa langit,
mukha niya ang makikita mo sa ulap. Kumain ka sa canteen, ngiti
niya ang nakikita mo sa pinggan mo. Hanggang sa kalye mukha
niya ang naaaninag mo sa billboards at posters. In short, hibang
na hibang ka. Hindi mo na iniintindi ang mga nasa paligid. Ang
mahalaga sa iyo ay lagi kang masaya.
Just-The-Two-of-Us Feeling
Infatuated people often isolate themselves from other.
Umiikot ang buhay ng magkasintahan sa kanilang dalawa
lamang. Walang makapg-hihiwalay sa kanila. Kait saan
magpunta, laging magkasama at HHWWPSSP (Holding Hands
While Walking Pa-Sway-Sway Pa) sa school, sa mall , sa park, sa
pagbili sa tindahan, kahit minsan sa pagpunta sa CR. They tend
to lose interest in things that used to motivate them. Binitiwan
na kasi nila ang dating pinagkakaabalahan at nakatuon na
lamang sa karelasyon. Hindi na napapansin at nabibigyan ng
sapat na atensyon ang mga ibang mahal sa buhay. Kung dati-
ratiy laging present sa mga family affairs, ngayon kailangan pang
itanong sa BF/GF kung pwede siyang sumama. Dahil meron nang
beloved, hindi na rin madalas sumasama sa activities ng dating
mga kabarkada.
The Need-You-Here Sickness
Kung peke ang pag-ibig, madali itong mawala kapag
magkalayo ang mag-partner. Mababaw ang pundasyon ng
relasyon dahil nakatuon sa pisikal na aspeto. Kapag hindi na
nakikita, nahahawakan o nakakusap ang partner, unti-unting
manlalamig ang damdamin hanggang sa mawalan na ng interes.
Pero ang tunay na pagmamahal ay hindi kayang patayin ng
distanysa. Kahil ilang taon pa kayong hindi nagkikita, kung
talagang tunay ang inyong nararamdaman, gagawin ninyo ang
lahat para mapanatili ang pagtingin ninyo sa isat isa.
Kung-Ayaw-Mo, Huwag-Mo Problem
Madaling nasisira ang relasyon ng mga infatuated sa mga
simpleng away at tampuhan. Dahil laging may LQ (Lovers
Quarel), unti-unting natutuyo ang damdamin. Nag-aaway dahil
hindi magkasundo sa maliliit na bagay (e.g. hindi tinitext, hindi
nagustuhan ang gupit ng isa o nakalimutang magsabi ng I Love
You). Ang mga hindi pagkakaunawaan ay dahil sa pagiging
self-centered. Sa isip ng bawat isa: Ako muna bago ikaw! Hindi
rin maiwasan na nakapagbitiw ng masasakit na salita. Pero sa
halip na mapatibay ang relasyon, unti-unting nanlalamig ang
damdamin sa bawat isa. Ang laging pag-aaway ay tanda ng
lumalaking lamat sa relasyon. Kung gusto nang makipag-break
ng isa sa kanila, no big deal.
Akin-Ka-Lang Attitude
May pagka-possesive ang mga infatuated. Ayaw na ayaw na
mawala sa paningin nila ang kanilang partner. Jealousy
becomes part of the relationship. Natatakot kasi na mabaling
ang atensyon ng partner sa iba. Parang sinasabi sa ka-partner:
Gusto kong lumigaya ka, pero huwag ka nang titingin sa iba.
Kailangan ako lang sa buhay mo. Hindi lang tao ang
pinagseselosan. Kahit ang mga bagay o Gawain na umaagaw ng
atensyon ng partner, pinagdidiskitahan din.
TOTOO BA ANG LOVE AT FIRST SIGHT (LFS)?
Naniniwala ka ba ditoiyong sa unang tingin mo pa lang sa
kanyang mga mata, mahal mo na siya? Iyong parang naka-
jackpot ka sa lotto at napasigaw ng EUREKA! (translation: Ive
found it!). Tingnan natin ang dalawang kuwento.
Searching for the New York girl of his dreams
A hopelessly romantic story swept the Internet in 2007. Isang 21-
year-old New Yorker, si Patrick Moberg, ang gumawa ng website,
www.nygirlofmydreams.com para matagpuan ang isang mystery
girl na nakita niya isang umaga sa New York subway station.
Dahil sa napakaraming tao sa lugar, nawala ito sa kanyang
paningin. He said in an interview that he was mesmerized by the
beauty of the lady who was wearing blue tights, blue shorts and a
flower in her hair.ilang araw ang nakalipas, lumantad and isang
dalaga22-year-old Australian magazine intern na si Camille
Hayton. Marami ang nag-abang kung ano ang susunod na
kabanata ng kanilang love story na nagsimula noong November
2007. Nagging tahimik ang kanilang samahan sa loob ng ilang
buwan haggang sa muling na-interview si Camille noong
February 2009. Sinabi nitong wala na silang relasyon ni Patrick
simula pa noong July 2008. Dalawang buwan lamang nagtagal
ang kanilang relasyon.
Ang kinahantungan ng kanilang relasyon ni Patrick at Camille ay
nagpatunay na hindi totoo ang LFS. Ang malinaw, may Attraction
at First Sight (AFS), hindi LFS. Ayon sa kuwento, si Patrick lang
ang nabighani kay Camille. Pinagbigyan lang ni Camille ang
pagkakataon pero wala siyang nakitang dahilan para ipagpatuloy
ang relasyon dahil hindi sila compatible. In one interview, Camille
hinted that Patrick was good at emailing but might be lacking in
some other areas of communication.
All love starts with a sense of attraction or liking physical,
spiritual, intellectual or emotional. Pero hindi lahat ng
pakagusto ay masasabing tunay na pag-ibig. Kailangan muna
itong suriin at subukin. Mapapatunayan lamang na tunay ang
pag-ibig sa paglipas na panahon. Like a potted plant, it needs to
be watered, cultivated and nurtured para mag-grow. Kailangang
malampasan din nito ang mga pagsubok para masabing totoo.
He waited for fourteen years for a Yes
If you want a case study for true love, read Genesis 29. Doon
mababasa kung paano pinatunayan ni Jacob ang pagmamahal
niya kay Raquel. Masasabi kong gusto nagustujan na ni Jacob sa
Raquel unang beses pa lang niya itong nakita. Sa sobrang tuwa
naiyak pa siya nang una niyang halikan ang dalaga sa pisngi.
Normal lang sa mga tao noon na maghalikan bilang pagbati. Pero
kakaiba ang halik ni Jacob. May FEELINGS! Nabigahani siya kay
Raquel kaya sinabi nito na maglilingkod siya para kay Raquel
kaya sinabi nito na maglilingkod siya sa ama ng babae na si
Laban (na kanyang tiyuhin) nang pitong taon, mapangasawa
lamang niya ang dalaga. Ang paglilingkod ni Jacob ay katumbas
lamang ng ilang araw dahil sa lalim ng pag-ibig niya kay Raqeuel.
Pero nagkaroon ng twist ang love story. Nang matapos ang pitong
taong paglilingkod ni Jacob, nilinlang siya ni Laban. Naghanda si
Laban ng isang piging para sa kasal. Pero ang hindi alam ni
Jacob, si Lea ang nakatatandang kapatid ni Raquel, ang
pinasiping ni Laban sa kanya. Maliban sa madilim nang una
silang magsiping, noong panahong iyon, may piring din sa mukha
ang babaeng papakasalan, kaya hindi nakilala ni Jacob ang
babaeng kasiping niya.
Nagalit si Jacob sa nangyari. Pinaliwanag ni Laban na, ayon sa
kanilang kultura, kailangang maunag mag-asawa ang
nakatatandang babae. Kung gusting mapangasawa ni Jacob si
Raquel, kailangan daw nitong maglingkod ng pito pang taon. Dito
pinatunayan pa ni Jacob ang tibay ng kanyang pagmamahal.
Walang reklamong naglingkod muli siya kay Laban at makalipas
ang 14 na taon (whew!) ay napangasawa niya si Raquel na
nagluwal ng kanilang anak na sina Joseph at Benjamin.
Kaya mo bang maghintay ng ganoon katagal para patunayan ang
pag-ibig mo sa iyong minamahal? May isang dakilang mensahe
ang Jcaob-Raquel love storyhindi kayang baguhin ng
anumang paghihirap at pagsubok ang tunay na pag-ibig.
Pero kung napa-wow ka na sa kuwento nila, alam mo bang may
mas titindi pa diyan? Tignan natin sa susunod na kabanata.
Ok lang bang Makipag-date?
Masasabing bahagina ng buhay kabataan ang magkaroon ng
BF/GF, ka-MU o kaya ay ka-fling. May alam akong isang
kabataan na nagkaroon ng humigit-kumulang aninnapung (60)
girlfriends sa loob ng limang taon. Tinalikuran niya ang ganitong
lifestyle nang maging seryoso siya sa kanyang buhay-Cristiano.
Isa na siyang pastor sa mga kabataan ngayon at laging
ikinukwento ang natutunan niya sa maling pakikipagrelasyon.
Maraming magbabarkada ang nabubuhay sa sistemang pasa-
pasahan. Pagkatapos maging grilfrien/boyfriend ng una, lilipat
naman sa pangalawang miyembro ng barkada and boy/girl.
Maraming teenage girls ang nagiging syota ng bayan dahil
paiba-iba ng kinakasama. Whats worse is that they dont care
kung nagiging nagatibo na ang kanilang imahe sa ibang tao.
Proud naman ang ilang lalaki na matawag na mga playboys.
Feeling nila, machong-macho o hunk ang dating nila.
Recreational dating and tawag sa ganitong uri ng
pakikipagrelasyon. Nagiging pampasaya lang ang pakikipag-
BF/GF dahil hindi seryoso sa tunay nitong layunin. Recreational
dating is an exclusive romantic relationship without a sure
commitment leading to marriage. May mga common terms tayo
dito katulad ng mag-syota (which meansshort time), mag-on (as
if pwedeng in-off), mag-jowa, mag-howe (sa Chinese), mag-
molmol (make-out make-out lang), at marami pang iba. Pero may
problema sa ganitong kaisipan.
The modern dating system does not train young people to
pursue a committed, long-term relationship. Sa halip, sinasabi
nito sa mga kabataan na OK lang ang magpalit-palit ng BF/GF.
Tinitingnan kasi ng iba na parang test driving ang pagkaakroon ng
ka-relasyon. Pero hindi lang test driving ang ginagawa ng marami
kundi car wrecking. Bago pa man makakuha ng lisensya,
sandamukal na ang kotse na ang naibangga at nasira. Kaya bago
ikasal, napakarami nang nakarelasyon at gula-gulanit na ang
puso sa maraming break-ups na naranasan.
SOME REASON WHY YOUNG PEOPLE DATE
Many teenagers simply dont understand yet the real essence of
dating. Pero bakit sila nagde-date? May paulit-ulit na dahilan
silang sinasabi sa mga surveys at pakikipag-usap ko sa kanila.
Here are their eight reasons why they enter a dating-relationship:
Peer Pressure
Marami ang nadadala lamang sa sulsol ng mga kabarkada.
Napansin kong mas talamak ito sa mga girls. Dahil natuksong
siya na lang ang walang BF sa barkada, napilitang pumasok sa
relasyon para lang masabing may ka-partner. Ang iba, nabiro lang
sa isang girl/boy, tinuluyan na ang kabiruan. Noong sila na,
narealize nila na wala palang spark. May mga pasaway din na
mga boys na nagpupustahan kung kaya ng isa sa barkada na
mapasagot ang isang girl sa school. Minsang talagang trip-trip
lang ng magkakaibigan.
Solution to Previous Break-up
Para sa iba, pinapasok ang pakikipagrelasyon para malimutan
ang masakit na break-up. Ang solusyon daw sa kaibigan ay
panibagong pag-ibig. Kumbaga sa basketball, nag-rebound lang.
Family Issues
May mga KSP (kulang sa pansin) din sa mga tahanan nila kung
kaya hinahanap nila ang taong makapagbibigay sa kanila ng
pagmamaha. Many teenagers would like to have an emotional
outlet whenever they experience family problems. Isa sa
pinakamadaling paraan ay ang pagkakaroon ng Bf/Gf na puwede
daw nilang pagbuhusan ng sama ng loob at gawaing shoulder to
cry on. Meron namang iba na galing sa isang dysfunctional family
o tahanang hindi kumpleto ang mga magulang (hiwalay o kaya ay
OFWs ang dalawang parents).
Ang Walang Kamatayang Inspirasyon Factor
Iniisip naman ng iba na magbigay ng inspirasyon ang kanilang
BF/GF sa pag-aaral. Iyon nga lang, minsan sa halip na
inspirasyon ang maranasan, kunsumisyon ang natagpuan. Lalo
na kung may LQ, apektado ang studies.
Sexual Urge
Mas talamak ito sa mga boys na gusto lamang magkaroon ng
kakaibang sexual experience.
Power Tripping
May mga taong may gusto lang patunayan sa sarili nila at sa
ibang tao kaya pumapasok sa relasyon. Minsan importante sa
kanila ang maging sikat kapag nagging BF o GF ang isang sikat
na binata o dalaga sa kanilang lugar o sa school. Ginagamit nila
ang relationship bilang papataas ng self-esteem. Sila ang mga
kilalang romantic airheads
Nababagot sa Buhay
Marami ang gusto lang maranasan ang feeling na magkaroon
ng may ka-partner, for experience and out of curiosity lang.
Meron pa nga nagsasabing gusto niya lang mayroong ka-text sa
gabi. Text-fling lang pala ang hanap.
Media Influence
Malaki ang epekto ng mga napapanood o nababasa ng mga
kabataan sa pananaw nila tungkol sa pag-ibig. Ang mga walang
interes ng mag-BF/GF ay nabibigyan ng ideya na parang
masarap magkaroon ng sariling ka-love team dahil sa mga teen
movies/shows na nagsusulputan.
FEATURES OF RECREATIONAL DATING
maraming bahagi sa buhay ng isang kabataan ang mabilis na
nagbabagopisikal, intelektwal, emosyonal, sikolohikal, sosyal at
maging espiritwal. Dahil parang bago ang lahat, young people
experiment and try new things, including recreational dating.
Check out the following characteristics of recreational dating and
those who engage in it.
I love you . . . but whats your name again?
Madalas, mababaw ang pagkakakilala ng isat isa sa
recreational dating. Best foot forward kasi lagi sila. May skip the
friendship stage. Thats why teenagers choose to bail out of the
relationship as soon as problems arise. Ayaw ipakita ang mga
bagay na puwedeng maka-turn-off sa karelasyon. Madalas
nakatuon ang bawat isa sa pisikal na aspeto ng relasyon at
hindi sa malalim na pagkilala sa ugali at asal ng karelasyon.
I only have eyesand timefor you.
Ang mag-partner na lang ang laging magkasama. Hindi na
sumasama sa mga dating kabarkada. Puwede ding maapektuhan
ang oras at relasyon sa kapamilya. Many students fail to excel
academically because of the distractions brought about by
having an exclusive relationship.
Lets just have fun while the feelings last.
Recreational dating often has no direction. It is just a
temporary set-up. Hanggat masaya ang feeling, tuloy lang.
Bahala na kung tatagal ang relasyon. Remember that any
relationship, when it breaks, results in emotional scars.
Young people have the tendency to their hearts fully to every
person they want to date. Pinagsisigawan sa buong mundo, Siya
na talaga ang love ko! but there is no long-term commitment
involved. Kung aakyat kayo ng bundok, papayag ba siyang
magkakabit kayo ng lubid na tipong kapag nahulog ka, damay
siya, o kaya ay siya ang makakasalba sa iyo?
Dahil kulang sa katapatan, madaling magpalipat-lipat from one
relationship to another. Kung magkakahiwala, eh di
magkahiwalay. Maraming mga pilyong boys ang meron pang
spare girlfriends (ginawa pa silang gulong). Kapag nawala ang
isa, meron pang babalikan. Ito marahil ang dahilan kung bakit
ilang surveys na ang nagsabi na bihira sa mga teenage love
affairs ang humahantong sa kasalan.
Because I love you, can we have sex?
Madalas punong-puno ng physical intimacy ang relasyon.
Ginagawang basehan ang physical touch bilang sukatan ng
pagmamahal. Many girls have sex with their BFs as an
expression of their love to them. (Para bang akin kana kasi
ibinigay ko na ang lahat ng sa akin) Sadly, many guys would not
interpret the act as an expression of love. Minsan, dahil lang sa
libido o pagnanasa ng katawan kung bakit ginagawa iyon ng mga
boys. Sa mga girls, hindi kayo dapat nadadala sa pambobola ng
inyong mga BF kapag sinasabi nilang: Kung mahal mo ako, mag-
sex na tayo, o kaya Gawin na natin, pakakasalan naman kita.
Kung mahal ka ng lalaki, maghihintay siya. Isa lang nag
magiging dahilan kung paano matutuloy ang balak ng iyong
ka-partnerkung papayag ka. Hanggat walang wedding ring,
hindi dapat isinusuko ang virginity. Hanggat di pa kayo ikinakasal
marami pang puwedeng mangyari.
THE WAY TO GO: RELATIONSHIP DATING
May isang malaking dahilan kung bakit OK lang sa marami ang
recreational dating. Ang kanilang argument: Mahalaga daw ito
para mahanap at makilatis ang kanilang mapapangasawa.
Ang sagot ko naman: Kailangan bang makipag-date ka at
magkaroon ng emotional attachment sa isang tao para makilala
mo siya ng husto? madalas nagpapacute lang ang iba. Many
tend to hide their true colours in a dating relationship. Spare
yourself the emotional pain. As a rule, you must know the
character of the person BEFORE you become romantically
involved. Tingnan natin ang isang alternatibo: relationship dating.
Relationship dating is the same as the so-called courtship
Its main purpose is to seriously search for a lifetime partner.
The focus is no longer on the excitement and romance but on
spending time together to get to know each other with the view of
establishing a serious relationship. Moreover it is conducted
under the authority and/or with the involvement of parents or
family or the church.
Relationship dating is clear in its purposeto determine the prospects for
marriage. Kapag nakikipag-date ka na, ibig sabihin ay handa ka nang mag-
asawa. Aware ka that your dating may lead to the covenant of marriage.
You need a serious commitment, the mature will to uphold relationship. The
following is the ideal order of relationship:

Modern Dating Biblical Relationship Dating

Dating can be recreational


(dating for fun).
Motive Finding a marriage partner.
Relationship through trial and
error before finding the person
that is just right for you.
Essentially self-centered. Considering others above self
(See Philippians 2: 3;
Mindse The whole process is all about Ephesians 5:25).
t me. Will this person make me
happy? Will this relationship Other-centered: How can I be
meet my needs? the one for her?
Commitment precedes
intimacy. No physical intimacy
Act as if you are married and outside the context of
see if you like it. marriage.

Spend large amounts of time Ensure that a significant


alone together. amount of time is spent with
other couples or friends rather
Method
Become each others primary than alone.
emotional confidants. Share
your deepest secrets and Couple should seek
desires. Get to know that accountability for the spiritual
person better than anyone else health and progress of the
in your life. relationship, as well as for
their physical and emotional
intimacy.

Maraming mga teenage lovers ang hindi na dumadaan sa courtship stage


dahil sa maling pananaw sa pakikipagrelasyon. O kaya naman ay mula sa
steady date ay direst na sa kasalan bunga ng mga hindi inaasahang bagay
tulad ng teenage pregnancy. For more information, Scott Croft neatly
summarized the three major differences between modern dating practices
and Biblical dating relationships. Kinumpara niya ang motibo, pananaw at
pamamaraan ng dalawang uri ng pakikipag-date.

Notice that the modern dating system promotes self-centeredness while


Biblical dating is based on Gods characterselfless, pure, and other-
centred. This should be the order of intimacy: First, God wants the couple
to be first united with Him (spiritual intimacy). If the partners already show
signs of a serious and stable relationship with God, then the sharing of
feelings between each other becomes necessary (emotional intimacy).

Pursue Godly Friendships

Paano ko malalaman kung sino ang future lifetime partner ko kung hindi
ako makikipag-date? isa ito sa mga frequently asked questions pagdating
sa teenage love. Simple lang ang sagot dito: hindi natin kelangang
pumasok sa isang romantic relationship para makilala ang future partner
natin. We can know them through godly friendships. Makipagkaibigan sa
mga miyembro ng opposite sex nang walang malisya o motibong manligaw
o ligawan. Sa konteksto ng pagkakaibigan lumalabas ang tunay na kulay
ng isang tao, walang pagkukunwari at pagpapanggap. Kaya doon pa
lamang malalaman mo na kung compatible kayo sa isat isa. Join group
activities kasama ng barkada. Maging malinis sa pakikitungo sa mga
kaibigan na opposite sex, tulad ng pagturing sa kanila bilang mga kapatid.
Speaking of kapatid, ano naman ang role ng magulang sa lovelife ng
kanilang mga anak?
RATED: PG

Madalas kaakibat ng teenage love and mga illegal na relasyon. Mga SO


(Secret On) kung tawagin dahil kailangang ilihim at hindi puwedeng
malaman ng magulang. Kung maghahatid si lalaki kay babae, hanggang
kanto lang dahil nag-aabang sa bahay ng babae ang baseball bat ni kuya o
ang malaking kamao ni tatay. To give you and example, read the story
written by the student who was deeply affected by the incident that
happened between her BF and her father. Itago na lang natin siya sa
pangalang Miss Confused:

Humiling ako kay God ng friend then binigyan Niya ako ng isang tao
hanggang sa mag-fall [in love] kami sa isat isa. Hinahanap ko siya
bawat araw at ganoon din siya sa akin hanggang sa nagging kami.
Nalaman ng parents ko ang tungkol sa amin at tutol sila. Nagging
malupit ang parents ko sa akin at laging bantay-sarado ako. That was
the first time na pinagbuhata nila ako ng kamay. Two months kaming
walang communication pero nakabili siya ng cellphone naming
dalawa. Minsan nakalimutan ko ang cellphone ko sa bahay habang
nagcha-charge. Kinuha po iyon ng mommy at nabasa niya ang isang
message dun. Tinext siya ng mommy ko kung saan niya nakuha ang
cellphone. Malayo ang hinantungan ng nangyari dahil isinumbong pa
sa pulis ang BF ko at nagkabangayan pa. Nang magkita uli kami sa
kanto habang nag-uusap, hinataw ng baseball bat ng tatay ko ang BF
ko. Umabot pa sa baranggay ang kaso. Pagkatapos noon, hindi na
po kami nakapag-usap. Wala na po kahit isang word. Nahihirapan po
ako mag-move on. Hindi ko po alam kung paano siya mawawala sa
isip ko. Every night I pray with tears in my eyes. I do not know what to
do. Hindi ko rin po alam kung babalik pa siya.

Ang kuwento ni Miss Confused ay madalas kong marinig mula sa mga


kabataang ipinaglalaban and isang relasyon walang parental blessing and
support. Feeling nilay Romeo at Juliet na you-an-me-against-the-world ang
drama. Maiiwasan ang ganitong scenario kung susundin natin ang
panuntunan ng Diyos pagdating sa pagsunod sa mga magulang natin.
Hanggat ikaw ay menor de-edad, pinapaaral, umaasa sa iyong magulang,
sa kanila ka kumukha ng baon, sa isang bahay kayo nakatira, may
karapatan silang makialam sa lovelife mo.

In Deuteronomy 22: 13-17 we can read how parents (especially the father)
play a major role in protecting the virginity of theor daughter. Kapag may
nag-akusang lalaki sa kanilang anak na babae na hindi na ito virgin,
kailangang patunayan ng mga magulang na hindi totoo ang sinasabi ng
lalaki. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng paglagladlad ng putting tela
na may bahid na dugo mulsa sa nasirang hymen ng kanilang anak na
babae. Inaasahan kasi na kung ipapakasal ng mga magulang ang
kaunlang anak na babae, dapat ay hindi pa ito nakikipagtalik sa sinuman.

Our parents should always be involved in our relationships

Ito ang batas ng pakikipagrelasyon sa nakalipas na apat na libong taon at


ginagawa pa rin sa maraming bansa sa daigdig. Nabago and lahat nang
makilala ang US-ispired dating culture na nagsimula isandaang taon pa
lamang ang nakakalipas. Kung meron kang absentee parents o ulila ka
nang lubos, always communicate with your guardians. See them as your
parents and not as the villains of your life. Your parents may have good
reasons for not allowing you to date. Puwede mo naman silang tanungin
kung bakit, ganunpaman, positibo o negatibo man ang kanilang sagot,
kailangan pa rin nating ipakita sa kanila ang paggalang. Para maging
maayos ang pakikitungo natin sa kanila, dapat tayong making sa sinasabi
ng Bible. Ephesians 6: 1-3 (NKJV) declares: Children, obey your parents
in the Lord, for this is right. Honor your father and mother, which is the first
commandment with a promise: that it may be well with you and you may
live long on earth.

WHAT BEING UNDER PARENTAL GUIDANCE MEANS

We must obey and honor our parents

Maraming teenagers na mas matigas pa sa hollow blocks and ulo at


parang sila ang magulang. Nakita na ito ni Apostol Pablo nang sabihin niya
sa kanyang nak-anakan na si Timoteo na marami ang magiging suwail sa
mga huling araw. Honouring our parents means respecting them. If we
respect our parents, our actions will confirm it. Respect does not
necessarily mean you agree with them on everything. Puwedeng hindi ka
ayon sa kanilang pamamalakad at opinion, pero magagawa mo pa ring
igalang sila. Huwag sumagot nang pabalang. Alalahanin na magulang mo
pa rin sila. We must obey their commands, and we must not do it
grudgingly. Hindi puwedeng sumusunod nga, pero nagdadabog naman.
Humahaba ang nguso kapag napagsasabhian. Nagkukulong sa kuwarto
kapag napapagalitan.

We should not betray their trust

Hindi tayo kayang i-monitor at sundan ng mga magulang natin sa lahat ng


ating ginagawa at pinupuntahan. At ayaw rin naman natin na para silang
mga bodyguards o yaya na sunod nang sunod sa lahat ng mga lakad antin.
And kailangan lamang nila ay isang tapat na pangako mula sa atin na
mapagkakatiwalaan tayo at hindi gagawa ng mga kalokohan. We should
give them an assurance that they dont need to worry about us. And we
need to keep our promises.

We must always listen to their advice and words of wisdom

Walang matinong magulang ang ipapahamak ang kanilang anak. We need


to show that we value their opinions and advice, especially when it comes
to our lovelife. Sabe sa Kawikaan 1:8, Anak ko , dinggin mo ang aral ng
iyong ama at huwag ipagwalang bahala ang turo ng iyong ina. They are
more experienced and wiser than us. May kasabihan nga tayong mga
Pinoy, Papunta pa lang kayo, pabalik na sila. Ngunit may pilosopong
sumagot, Bakit hindi kami nagkita at nagkasalubong? ang sagot ko
naman, Dahil nag-iba kayo ng daan. We can love our parents by
appreciating their wisdom.

We should be and extension of our parents noble character

Kung nabubuhay ka na puno ng kahihiyan, dinudungisan mo ang pangalan


ng mga magulang mo. Kapag nagging bastarda o bastardo ang iyong anak
(walang tatay), siguradong kahihiyan din iyon ng iyong magulang. Masakit
mang tanggapin, madalas sinusukat ang pagkatao ng isang magulang sa
kinalabasan ng anak. Kaya kahit gaano kabait ang magulang, nagiging
masama sa paningin ng marami dahil sa mga rebeldeng anak. Ngunit kung
ipagpapatuloy natin ang mabubuting bagay nanasimulan ng Diyos sa mga
magulang natin, pagpapalain Niya ang mga henerasyong magmumula sa
atin.

ANG DAKILANG GANTIMPALA

In Exodus Chapter 20, nine (9) outof the ten (10) Commandments given by
God to Moses are direct commandments. Walang naumang rewards na
makukuha kapag iyong natupad. Hindi ka magnakaw, wala kang
gantimpala. Hindi ka makiapid, mabuti. Hindi ka pumatay ng tao, ayos lang.
But notice the fifth commandment: If we will obey the Lord by honouring our
parents, may naghihintay na pangako sa atin: 1) magiging maayos ang
buhay natin dito sa daigdig; at 2) hahaba ang buhay natin dito sa lupa.

Bawas-gastos. Wala kang pang-date? Sa bahay na alng ng isat isa kayo


kumain. At kapag natuwa pa sa inyo ang magulang mo at ng ka-partner
mo, baka sila pa ang magbigay ng pang-date mo.

Masaya and wedding day nyo. Noong ikinasal kami ni Gigi, napakagaan
ng preparasyon dahil may mga magulang at mga kapatid na nakatulong sa
amin sa paghahanda sa kasal at pagsisimula ng buhay-magasawa.
Nakakalungkot isipin na may ilang hindi nakita kahit anuno man lamang ng
magulang nila sa araw ng kanilang kasal dahil sa mga misunderstandings.
Ang iba naman, sa huwes na lang nagpapakasal o kaya ay nagtatanan
dahil sa tindi ng alitan sa mahal sa buhay.

Pero, teka. Paano naman kung di talaga tanggap ng mga magulang ninyo
ang relasyon ninyo? Here are some of the things you can do:

WHEN YOUR PARENT/S HAT THE ONE YOU LOVE

Understand the reason/s why your parents are opposed to the


relationship. May mga magulang na overprotective dahil mahal na mahal
nila ang kanilang anak. Meron namang ayaw na masaktan ang anak nila
dahil na rin sa masamang experience. Meron naman mga pumapayag na
pumasok ka sa relasyon kapag naabot mo na ang tamang edad.
Napakahalaga na nakikipag-usap tayo sa mga magulang natin para
magkaintindihan tayo.

Check your relationship. Mahal mo ba talaga ang ka-partner mo o may


iba kang motibo? May mga kabataan kasing sadyang nagwawala o
nagrerebelde para magpapansin sa magulang. They use the relationship to
elicit anger or attention from their parents. Kumbaga, pasimpleng
gumaganti. Kung ikaw man ito, end the relationship. You may find yourself
being victimized by your scheme. Sasaktan mo rin ang ka-partner mo dahil
hindi ka naman talaga seryoso. Sasaktan mo rin ang sarili mo dahil
pinapasakitan mo rin ang iyong mga minamahal.

Huwag nang makipag-away sa magulang hanggat meron silang legal


na karapatan na makialam sa iyong lovelife. Ayon sa Family Code of the
Philippines (Articles 14-16), kailangan ng parental consent ang mga
gusting magpakasal mula edad 18 hanggang 21. Ibig sabihin, kung ayaw
ng magulang, hindi matutuloy ang kasal. Para sa mga edad 22 hanggang
25, kailangan pa rin ng parental advice o payo para maging legal ang
pagsasama. Kasama sa mga requirements sa kasal ang pagpirma ng
magulang hanggang edad 25. As far as our countrys law is concerned, sa
edad 26 pa lang talagang magiging Malaya na ang isang tao kung sino
man ang gusto niyang pakasalan.

Kung nasa tamang edad na kayo, mahal ninyo and isat isa, at ang
Panginoon ang sentro ng inyong relasyon, at taning magulang ninyo
lamang ang may problema, the ultimate solution is to pray. Kayang
palambutin ng Panginoon ang puso ng inyong magulang. In the first place,
hindi sila ang mag-aasawa. Para sa mga magulang natin, may panahon rin
ng pagtanggap sa desisyon ng kanilang anak. Darating din ang panahon
na may karapatan ka nang magdesisyon para sa sarili mo.

Ang Ending ng mga Pasaway

Kailangan nating sumunod sa mga magulang natin bilang tanda ng


pagpapasakop natin sa Panginoon. They are the ones God tasked to
protect ang care for us. When we disobey them, we are actually disobeying
God. And mga kabataang hindi sumusunod sa magulang ay umaalis sa
proteksyon ng Diyos sa buhay nila. Marami ang pinapayuhang huwag
munang mag-boyfriend o mag-girlfriend pero ayaw talagang magpapigil.
Talagang pinipilit ang gusto. Sa magulang din naman humihingi ng pang-
date. Kapag nag-break-up, sa magulang umiiyak. Magulang din ang
gumagastos kapag na-ospital dahil sa depression.

Noong panahon ng Old Testament, may naghihintay na parusa sa mga


lapastangan sa magulang. The children will be brought to the edlers and
will be stoned to death. Ihaharap sila sa buong bayan at papanoorin
habang pinapatay.

Rebellious children often live difficult lives

Ang mga ayaw pasakop sa magulang at gusting mabuhay nang walang


nakikialam sa kanila ay ang mga kalimitang napapariwara. There will surely
be disaster and calamity in your life. Kalimitang pinagtatawanan ng
maraming tao ang mga anak na pasaway. Parang sinasabi sa kanila,
Mabuti nga sa iyo. Salbahe ka kasi! pinipili ng mga rebeldeng anak ang
kanilang sinasapit. Nasa huli lagi ang pagsisisi. We do not want to be like
the prodigal son in Luke 15. After spending all the riches he inherited from
his father, he suffered from poverty and loneliness. Kailangan pang
makipag-agawan siya ng pagkain sa mga baboy at iwan ng kanyang mga
kaibigan bago pa siyang magbalik-bahay.

Walang suwail na anak ang pagpapalain ng Diyos. Kapag sinasabi nating


mahal natin ang Panginooon pero binabalewala naman natin ang mga
magulang natin, niloloko lang natin ang ating sarili.
LETS TALK ABOUT THE S WORD

We are part of a generation that tends to undermine sexual purity. Having


sex before marriage is no longer considered a sin by many.
Pinagtatawanan pa minsan ang mga virgins. It seems that if you havent
gotten involved in sexual relationships yet, you have never really lived.
Hindi na masyadong isyu ngayon kung virgin ka pa o hindi. It is no longer a
big deal if one of your friends engaged in premarital sex (PMS) and
became a teenage mom/dad. Dahil sa lagi nang nagaganap ang PMS,
normal na daw yun at kailangang tanggapin. May mga libro pa na nagi-
endorso ng 4-month rule para sa mga girls: Ok nang makipag-sex after
four months of dating. They call that SEXY time. Kasi, by that time daw,
may idea na ang isang girl kung seryoso ang guy sa kanya.

We live in a sex-saturated environment. Maagang nag-i-eksperimento sa


sex ang maraming kabataan bunga ng mga mensaheng nasasagap nila sa
kanilang paligid, lalo na sa media at Internet. Idagdag pa ang maagang
pakikipagrelasyon at peer pressure. Maraming pelikula ang nagpapakita na
bahagi ng anumang relasyon ang sex. Meron ngang commercials ng
scented condoms, na mas lalong nageenganyo sa mga may partner na
makipa-sex. Punong-puno rin ng mga sensual na tugtog ang radio at
MTVs. Kahit ang mga kantang pambata ay nababahiran ng malalaswang
kahulugan dahil inaawit at sinasayaw ng mga kilalang sex symbols.

What the young people absorb, they do. Nauso ang SEXting (exchanging
sexually charged messages) para makahanap ng sex partner. Kapag
nagkapalagayang-loob na, puwede na ang mga SEB meetings o Sex Eye
Ball kung saan magkikita lang ang mga textmates para mag-sex. Meron na
ring virtual sex through Sex Internet Chat. Sa sobrang lala ng problema ng
PMS, nauso sa isang lungsod sa Mindanao ang tinatawag na buntog o
siang ritual exchange of sex sa mga magkakabarkada. Sila ang mga sex
buddies. May mga estudyante ring pinapagamit ang katawan para
makabili lang ng luho sa buhay tulad ng cellphones at mga mamahaling
damit at sapatos.
GOD HAS ORDAINED RULES ABOUT SEX

I am not afraid to talk about SEX. Isa itong paksa na alam ng marami pero
hindi pinag-uusapan. Dahil hindi pinag-uusapan sa bahay at sa church,
kung saan-saan nakakakuha ng impormasyon ang mga kabataan.
Spreading lies about sex is one of the greatest weapons of Satan to
destroy the yournger generation. But what should we believe about sex?

GOD IS THE AUTHOR OF SEX

God made us sexual beings. Just read the Song of Solomon for you to
really appreciate what sex can do to lovers. Nagging marumi lamang ang
pananaw dito nang bumagsak sa pagkakasala ang mga unang magulang
natinsina Adan at Eba. Satan compromised the use of sex. Ginagamit
niya ito para sirain ang relasyon ng isang tao sa Diyos at sa kanyang
kapwa.

Sex has a three-fold purpose

Una ay ang pagpaparami ng tao sa daigdig o procreation. Kung wala nito,


hindi tayo mga bulaklak na kahit sa hangin ay puwedeng mag-pillinate at
dumami. Pangalawa, it unites two persons. Sex is more than physical. Ita
has emotional and spiritual significance. When you have sex with a person,
you identify yourself with him/ herand you become one. Pangatlo, it was
created for the pleasure of married couples. Take note: MARRIED
COUPLES. Ang sex ay isang magandang pagpapahayag ng pagmamahal
mo sa asawa mo. Parang sinasabi mo sa kanya: Para sa iyo lang ang
katawan ko dahil labs na labs kita. Read the Song of Solomon to
appreciate the beauty of intimate romantic love.

Mans out of control sexual desires need to be subjected to Gods


rules

Kung wala sigurong nilagay na pamantayan ang Bible pagdatingsa sex,


kayang-kayang punuin ng isang lalaki ang isang barangay ng kanyang mga
anak o kaya naman ay kumalat ang ibat ibang sexually-transmitted
disease sa buong mundo. Dahil mahal tayo ng Diyos, naglagay Siya ng
mga boundaries hindi dahil sa KJ Siya kundi dahil ayaw Niya tayong
mapahamak. Hindi kailanman kinalugdan ng Panginoon ang mga
sumusunod:

Fornication o pakikipagtalik ng hindi pa kasal


Homosexuality o pakikipagtalik sa kaparehong kasarian
Adultery o pakikipagtalik sa hindi mo asawa
Incest o pakikipagtalik sa malapit na kapamilya (i.e. magulang,
kapatid)
Bestiality o pakikipagtalik sa anumang hayop
Rape o pakikipagtalik sa isang tao sa marahas, illegal at
puwersahang paraan
Prostitution o pagbebenta ng katawan

Figure this out!

Ayon sa pinakahuling pananaliksik ng University of the Philippines


Population Institute (UPPI), ang Young Adultery Fertility and Sexuality
(YAFS III, 2002) Survey, 5 milyon o 23 persyento ng kabataang Filipino
edad 15 hanggang 24 ang nakikibahagi na sa premarital sex (PMS). In
1994, only 18 percent of youth engaged in PMS. On counter at the age of
18 and 18.3, respectively. 35 percent ng na-PMS ay mga out-of-shool
youth o nonworking youths. Two out of 10 said they had sex for the first
time out of curiosity, while 14 percent engaged in it to relieve sexual
tension. Ang mga sumusunod ang mga nakadiskubreng Katangian ng mga
kabataang gumagawa ng PMS:

Lives away from parents and started living away from them at an
early stage
Exposure to x-rated movies
Goes to discos, massage parlors, and clubs
Does not attend religious services
Addicted to drugs, smoking and alcohol

Mapapansin na ang mga kabataang gumon sa bisyo ang kalimitang


malapit sa paggawa ng PMS. Sila rin ang mga kabataang laging lantad sa
mga malalaswang mga materyales at nagpupunta sa mga lugar kung saan
madali sialng matuksong makipagtalik. Meron namang mga bagay na
pupugil sa kanila para gawin ang PMS. Kabilang dito ang mga sumusunod:

Regular participation in religious activities


Being employed
Staying longer in school
Receiving sex education in school
Living with parents

Sex without real commitment is dangerous. In the eyes of God, only the
commitment a man and a woman make in the ceremony of marriage
counts and qualify them to have sex. Before marriage, everything is
reversible! Mahal mo siya ngayon pero puwedeng mabago iyon bukas o sa
isang lingo. Mapapatunayan mo lamang na talagang handa ka nang ibigay
ang buhay mo sa iyong minamahal sa sandaling sambitin mo ang mga
katagang I do,

You might also like