You are on page 1of 14

Biag ni Lam-ang

(Epikong Ilocano)

Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may mag-asawang


kilala sa pangalang Don Juan at Namongan.

Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot ang nayon
at pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng galit, nilusob naman ni Don Juan
ang mga Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan niya. Hindi na nakabalik si Don Juan sa
kanyang nayon. Ang naging balita, siya ay pinugutan ng ulo ng mga Igorot.

Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at siya na ang
pumili ng pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng kanyang magiging ninong.

Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama, sumumpa siyang
ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas, matipuno at
malaking lalaki na siya. Ayaw man siyang payagan ng kanyang ina upang hanapin ang
bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit din si Lam-ang na makaalis.

Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ay isang mahiwagang tandang, ang
tangabaran, at mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyang talisman mula sa punong
saging. Sa tulong ng kanyang talisman ay madali niyang nalakbay ang mga kabundukan at
kaparangan. Sa laki ng pagod ni Lam-ang, siya ay nakatulog. Napangarap niya ang mga
Igorot na pumatay sa kanyang ama na nagsisipagsayaw at nililigiran ang pugot na ulo ng
kanyang ama. Nagpatuloy si Lam-ang sa paglalakbay at narating ang pook ng mga Igorot.
Nakita niya ang ulo ni Don Juan na nasa sarukang, isang haliging kawayan.

Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang sabi nila'y
huwag matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng ubos lakas si Lam-ang at nayanig
ang mga kabundukan. Ang tinig niyang naghahamon ay narinig ng marami kaya't dumating
ang maraming Igorot at pinaulanan si Lam-ang ng kanilang mga sibat. Hindi man lamang
nasugatan si Lam-ang. Nang maubusan ng sibat ang mga Igorot ay si Lam-ang naman ang
kumilos. Hinugot niya ang mahaba niyang itak at para lamang siyang tumatabas ng puno ng
saging, na pinagpapatay niya ang mga nakalaban.

Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga dalaga ng
tribu. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga isda sa Ilog Amburayan
at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang.

Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang sa pagtungo sa Kalanutian upang manligaw


sa isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang ang kanyang
mahiwagang tandang at mahiwagang aso.

Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang. Pinahipan ni


Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong bundok.
Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang. Tumahol ang
mahiwagang aso ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang tandang.
Muling tumayo ang bahay. Napansin si Lam-ang.

Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang si Ines. Hindi
naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-
kaya na kapantay ng kayamanan nina Ines.

Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang mga magulang
ni Ines.

Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan. Pagkatapos ng


kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian, kailangang manghuli si
Lam-ang ng mga isdang rarang. Nakikinikinita ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya. Na
siya ay makakain ng pating berkahan. Ipinagbilin ni Lam-ang ang dapat gawin sakaling
mangyayari ito.

Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines ang bilin ni
Lam-ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon ito at tinakpan ng saya ni Ines.
Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Tumilaok ang tandang at tumahol
ang aso.

Walang anu-ano'y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si Lam-ang na
parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.

Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang. At namuhay silang
maligaya sa mahabang panahon.

Bidasari
(Epikong Mindanao)

Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay. Ayon sa


kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y pinaalagaan at iniingatan ng
isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy.

Ang salaysay ng Bidasari ay ganito:

Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay
mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong
garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang
magtago sa mg yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumkain ng tao.

Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng


Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang
niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan
niya ang sanggol sa bangka sa ilog.
May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa
kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong
anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng Bisari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang
gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang.

Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila
Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan.
Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan
ng : "mahal na mahal ka sa akin." Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan.
Kaniyang itinanong na minsan sa sultan: "Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita
kang higit na maganda kaysa akin?" Ang naging tugon ng Sultan ay: "Kung higit na maganda
pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat." Nag-alala ang sultana na baka may lalo
pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan niya ang
matapat niyang mga kabig na saliksikin anh kaharian upang malaman kung may babaeng
higit na maganda sa sultana.

Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari.

Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng


sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at
doon pinarurusahan.

Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang
isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari
at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si
Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.

Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi.
Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si
Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang
palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.

Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang
palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita
niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindi niya magising si
Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan
kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap
siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit
ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si
Bidasari na ang naging reyna.

Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay


matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang supling. Ito'y si
Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati,
anak ng sultan at sultana ng Kembayat.

Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang


kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga
magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa
Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang
dalawa ay magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala
niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si
Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.

Ibalon
(Epikong Bicolano)

Ayon sa salaysay ni Pari Jose Castao sa narinig niyang kuwento ng isang manlalakbay na
mang-aawit na si Cadugnong, ang epikong Ibalon ay tungkol sa kabayanihan ng tatlong
magigiting na lalaki ng Ibalon na sina Baltog, Handiong, at Bantong. Ibalon ang matandang
pangalan ng Bikol.

Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking baboy-
ramo. Siya'y nanggaling pa sa lupain ng Batawara. Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon
na siya nanirahan. Siya ang kinilalang hari ng Ibalon. Naging maunlad ang pamumuhay ng
mga tao. Subalit may muling kinatakutan ang mga tao, isang malaki at mapaminsalang
baboy-ramo na tuwing sumasapit ang gabi ay namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay
matanda na upang makilaban. Tinulungan siya ng kanyang kaibigang si Handiong.

Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga
dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga halimaw
na kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang engkantadang nakapag-
aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig. Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa
paglipol ng iba pang mga masasamang hayop sa Ibalon.

Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang mga tao ng maayos
na pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay tumulong sa kanyang pamamahala at
pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay.

Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang paggawa ng
palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto.

Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay gumawa ng


kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa bahay.

Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw na namang
sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut. Nagagawa niyang bato
ang mga tao o hayop na kanyang maengkanto. May nagtangkang pumatay sa kanya subalit
sinamang palad na naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay
Handiong upang siyang pumatay kay Rabut.

Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay habang
natutulog.
Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama man si
Rabut, dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili nito. Pinarusahan ng Diyos
ang Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha.

Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas lamang ang ilang
nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng
Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa pamumuno ni Bantong.

Agyu
(Epikong Manobo)

Ang pinanggagalingan ng kabuhayan ng mga Ilianon ay pangongolekta ng sera. Ipinapalit


nila ang sera sa mga Moro, sa kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng palay,
asin at asukal. Nagkaroon ng di pagkakaunawaan si Agyu at ang datu ng mga Moro dahil sa
pagkakautang nila ng isang daang tambak ng sera. Upang maiwasan ang madugong
labanan, si Agyu at ang kaniyang pamilya ay umalis sa Ayuman at pumunta ng Ilian. Ngunit
hindi hahayaan ng mga Moro na mamuhay sila ng payapa. Sinundan nila ang mga ito upang
patayin siya at ang kanyang pamilya. Lumaban si Agyu at ang kanyang pamilya ng buong
tapang at lumabas na panalo sa laban sa mga Moro. Pagkatapos ng tagumpay ay naisip ni
Agyu na lisanin ang Ilian at pumunta ng Bundok ng Pinamatun. Doon ay nagtayo sila ng mga
bahay sa paanan ng bundok.

Isang araw ay pumunta si Agyu sa bundok ng Sandawa upang manghuli ng baboy ramo.
Umuwi siya na dala ang kanyang huli habang ang kanyang kapatid na lalaki na si Lono at
mga kapatid na babaing sina Yambungan at Ikwagan ay nakahanap ng pulot pukyutan.
Hinati nila ang baboy ramo at pulot pukyutan sa kanila at sa kanilang mga alipin.

"Bakit ayaw mong kumuha ng karne at pulot para sa iyo, at sa iyong asawa sa Ayuman,
Banlak?" tanong ni Agyu sa kanyang kapatid na lalaki. Ang asawa ni Banlak na si Mungan ay
naiwan sa Ayuman sapagkat nagkaroon ito ng ketong.

Hindi pumayag si Banlak sa ideya. Nagboluntaryo na lamang si Lona na pumunta sa Ayuman


dala ang karne at pulot para kay Mungan. Nang makarinig siya ng malakas na boses na
nagsasabl kay Mungan na tanggapin na ang imortalidad sa pamamagitan ng pagkain ng
mga diyos.

Nang bumalik si Lono sa Panamutan, sinabi niya kay Agyu at Banlak kung ano ang narinig.
Nais ni Banlak na makita si Mungan ngunit pinigilan sila ni Agyu. Bagkus ay binagtas ni Agyu
ang daan pababa ng Ayuman upang makita si Mungan ngunit huli na ang lahat. Pumunta na
si Mungan sa langit. Ang natira lamang ay isang gintong bahay. At nang bumalik siya sa
Pinamutan, iniwan nilang muli ang lugar at nagpunta sa Tigyangdang. Ngunit hindi nila
nakita ang kapayapaan sa Tigyangdang. Napakaraming kaaway ang nagpapaalis sa kanila
sa Tigyangdang. At kahit anong gawin nila ay hindi nila matalo ang kalaban.
Nang' dumating ang pang-apat na araw ng pakikipaglaban ay lumapit ang kanyang batang
anak na si Tanagyaw.

"Payagan mo akong 1umaban, ama," sabi niya.

"Ngunit napakabata mo pa, anak," sinabi niya rito.

"Marahil nga ay bata ako ngunit ako ay matalino, ama," pilit ni Tanagyaw.

Humayo ka at nawa ay tulungan. ka ng mga diyos. Ingatan mo ang sarili mo!

At umalis na si Tanagyaw upang pumunta sa labanan. At natalo niya ang mga kalaban.

Nais ng pinuno ng mga kalaban na makasal si Tanagyaw sa anak nitong babae na si Buy-
anon ngunit tumanggi ito dahil napakabata pa nila. Umabot si Tanagyaw sa bayan ng
Baklayon at iniligtas ang bayan laban sa mga kaaway. Pinatay niya si Bagili, ang anak ng
pinuno ng mga kaaway ng Baklayon. Nais ng datu ng Baklayon na ipakasal ang kanyang
anak na si Paniguan kay Tanagyaw ngunit hindi pa ito handa na mag-asawa. At nang bumalik
si Tanagyaw sa Tigyangdang ay nagpunta si Paniguan sa Tigyangdang, nagtungo si Paniguan
sa kanya. Sinabi nito kay Agyu na nais nitong pakasalan si Tanagyaw. Sumang-ayon-si Agyu
at ikinasal sina Tanagyaw at Paniguan.

Sa kabilang dako, hindi tumigil ang pag-atake sa sambahayan ni Agyu. Paminsan-minsan ay


mayroong mga kaaway na umaatake sa mga pamayanan at pinapatay ang mga tao at mga
hayop ni Agyu. Ngunit matanda na upang lumaban si Agyu. Upang kalabanin ang mga
kaaway, nagsuot si Tanagyaw ng baluti na kasing tigas ng metal na sa lakas ay hindi
maigalaw ng hangin. Pagkatapos ay kinalaban niya ang mga kaaway at lumabas na panalo.
Ngunit hindi pa handang sumuko ang mga kalaban. Sinugod ng anak ng datu si Tanagyaw
gamit ang ginintuang espada. Ginamit ni Tanagyaw ang gintong tungkod at nagawang
patayin ang anak ng datu at ang kanyang mga kasama at tumakas sa bundok dahil sa takot.

Napanuto na si Agyu. Nalalaman niya na maghahari na ang kapayapaan sa kanilang


kaharian. Ngayon ay tatamasain na nila ang magandang buhay na mailap sa kanila noong
una. Ang ani ay masagana at ang mga hayop ay dumarami na sa bilang. Isang araw tinawag
niya ang anak na si Tanagyaw.

Ibinibigay ko na sa iyo ang Sunglawon. Ipagtatanggol mo ito at pamahalaan ito ng may


hustisya at pagpapahalaga sa mga tao.

"Tutuparin ko po ito sa tulong ng mga diyos, ama" sagot ni Tanagyaw.

Sa sumunod na umaga, sina Tanagyaw at Paniguan kasama ang kanilang mga alipin ay
nagsimulang maglakbay patungo sa Sunglawon. Handa na sila upang magsimula ng isang
pamilya.

Indarapatra at Sulayman
(Epikong Mindanao)
Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit na
pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang panig ng
Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas
ng kaharian ng Mantapuli.

Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na kawal.


Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala
sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman, nagtanim si
Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, "Sa pamamagitan ng
halamang ito ay malalaman ko ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito,
nanganaghulugang ikaw ay namatay."

Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang tao.
Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na si Kurita.
Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin ni
Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang kris.

Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain ng


tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa
pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito sinaksak ni
Sulayman ng kanyang espada.

Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay nakain na
ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si Sulayman nang
biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang nais
dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang
Pah. Sa kasamaang palad nabagsakan ng pakapak ng ibon si Sulayman na siya niyang
ikinamatay.

Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging pinagmamasdan ni


Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halaman at alam niyang namatay si Sulayman.

Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya ang
kalansay ni Tarabusaw. Alam niyang napatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni
Indarapatra ang paghahanap niya kay Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita. Nakita
niya ang patay na ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang
bangkay ni Sulayman. Nanangis si Indarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay
ni Sulayman. Sa di kalayua'y may nakita siyang banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang
bangkay at muling nabuhay si sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na
pagtulog. Nagyakap ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan.

Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu. Dito'y


wala ring natagpuang tao. Nakita niya ang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong
ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon.

Hinanap niya ang mga tao. May nakit siyang isang magandang dalaga na kumukuha ng
tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas sa
taguan at nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa
yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga
pakikilaban nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. sinabi rin
niyang maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng
buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni
Indarapatra sa batisan.

Kabanata XI: Los Baos

Tauhan:
Simoun Padre Sibyla
Kapitan Heneral Padre Irene
Don Custodio Padre Camora
Macaraig Padre Fernandez
Padre Salvi

Reaksyon: Ipinakita sa akda ang sakit ng lipunan na inilarawan sa pamamaril ng Heneral.


Ito ay ang paglalangis ng kapangyarihan. Halos nangyari ang balak na pagbihising usa ang
isang tao para may maipabaril lamang sa Kapitan Heneral. Ang pag-gamit ng banda ay isa
ring kapalaluan.

Napuna rin sa akda ang pagiging magara ng mga sabungan na siyan kabaliktaran naman ng
mga paaralan. Ang pagtutuon ng salaping pamusta sa kabila ng paggugol nito sa mga bata
at sa edukasyong nais makamit.

Kabanata XII: Placido Penitente


Tauhan:
Placido Penitente Paulita Gomez
Juanito Pelaez Donya Victorina
Tiyani Padre Camora
Huli

Reaksyon: Iba't iba ang nakitang pagkakakilanlan sa mga estudyante na nag-aaral sa


tatlong kolehiyo noon.

Nakadamit Europeo(Amerikana) ang mga mag-aaral ng Ateneo. Kapansinpansin din ang


mabilis na paglalakad at kadalasang pagdadala ng aklat ng mga ito.

Kilala naman ang mag-aaral ng Letran sa pagkakadamit "pinoy", higit na marami sa bilang
at hindi ugaling pagdadala ng mga libro.

Ang mga mag-aaral ng UST ay malinis kung manamit,makisig at sa halip na libro ay baston
ang dala.

Naiiba ito sa karaniwang paaralan kung saan ang mga estudyante ay tahimik, makukulay
ang damit, sinusundan ng mga utusan, walang biruan at mapagdala ng aklat.

Kabanata XIII: Ang Klase sa Pisika

Tauhan:
Padre Millon Placido
Juanito Pelaez

Reaksyon: Ang tingin ni Padre Millon sa kanyang mga tinuturuan ay mga walang kahusayan
sa pagaaral at makitid ang utak.

Ipinakita ni Rizal sa akda ang taliwas na prinsipyo ng pagtuturo ng propesor. Kung saan ang
pinaniniwalan ni Rizal na prinsipyo ay:

a.) di dapat maging malaki ang bilang ng mag-aaral sa isang klase


b.) di dapat inaaglahi at kinagaagalitan o hinihiya ang istudyante
k.) ang guro ay di lang dapat matalino at saklaw ang kanyang itinituro kundi dapat ay may
malasakit o lugod siya sa pagtuturo at sa isignaturang itinituro
d.) ang maraming bakasyon ay nakakatabang ng pag-aaral at nakahihikayat sa pagliban.

Kabanata XIV: Sa Bahay ng mga Mag-aaral

Tauhan:
Makaraig G. Pasta
Sandoval Pepay
Padre Irene Juasnito Pelaez
Don Custodio
Reaksyon: Nasaad sa akda ang katangian ng isang Pilipinong takot manindigan para sa
sariling bayan sa katauhan ni Juanito Pelaez. Samantalang naipakita nman ang kaugaliang
intsik bhilang mapagkumbaba.

Kabanata XV: Si Ginoong Pasta

Tauhan:
G. Pasta Don Custodio
Isagani

Reaksyon: Ipinakita ni Rizal sa katauhan ni G.Pasta ang katangian ng isang Pilipinong mas
ninais manatili sa ilalim ng pamamalakad ng mga kastila. Salungat naman nito ang sagisag
ni Isigani bilang simbolo ng mga kaisipan na naglalaman ng mga idealismo ng mga
pangarap tungo sa pagkakaroon ng demokrasya at kalayaan.

Kabanata XVI: Ang Kasawian ng Isang Intsik

Tauhan:
Quiroga Don Custodio
Simoun Mr. Leeds

Reaksyon: Nakita sa akda ang paghahangad ni Quiroga, isang negosyanteng instik, na


magkaroon ng konsulado ang Tsina sa Pilipinas. Ang pagkakautang ng malaki ni Quiroga kay
Simoun ng siaym na libong piso sa pagkuha ng tatlong purselos na ibinigay lamang sa isang
babaeng kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki ay nagpapakita ng isang malaking
pagkakamali.

Kabanata XVII: Ang Perya sa Quiapo

Tauhan:
Quiroga Ben Zayb
Mr. Leeds Isigani
Padre Camorra Paulita

Reaksyon: Binigyang diin ni Rizal sa akda ang kalinangan ng Pilipino pagdating sa mga lilok
ng mga anyo o larawan. Isa itong malaking bagay na taglay ng mga Pilipino na pinuri ni Rizal
sa akda.

Kabanata XVIII: Ang mga Kadayaan

Tauhan:
Mr. Leeds Khufu
Ben Zayb Gautama
Cambises Imuthis
Padre Salvi

Reaksyon: Sinimbolo sa akda ni Imuthis and dating buhay ni Ibarra. Dito nabigyang
realisasyon ni Pari Salvi ang lahat ng kasamaan at kapalaluan na ginawa niya sa
kapanahunan ni Ibarra.

Kabanata XIX: Ang Mitsa

Tauhan:
Placido Penitente Kabesang Tales
Don Custodio Kabesang Andang
Quiroga Maria Clara
Simoun Elias

Reaksyon: Ipinakita sa akda ang natatanging pag-ibig ni Ibarra(Simoun) kay Maria Clara sa
paghahalintulad nito sa ibong Fenix(Phoenix). Dahil ang Feninx ay nag-iisa lamang at walang
katulad na siyang umaayon patungkol sa kahalagahan ni Maria Clara sa buhay ni Ibarra.

Kabanata XX: Si Don Custodio

Tauhan:
Don Custodio de Salazar Sanchez deMonterehedondo

Reaksyon: Tulad ng lahat ng kastila, naniniwala si Don custodio na ang mga Pilipino ay
ipinanganak upang maging utusan lamang na nagmumulat sa atin ng kaisipang pagbabago
ng tadhana ng mga dukhang Pilipino.

Kabanata XXI: Mga Anyo ng Taga-Maynila

Tauhan:
Camarroncocido Pecson
Tiyo Kiko Sandoval
Don custodio Isagani
Tadeo Basilio
Makaraig

Reaksyon: Pinulaan sa akda ang kasamaang ugali ni Camarroncocido bilang mapagwalang-


bahala sa mga pangyayaring tuwirang walang kaugnayan sa kanaya kahit na mangahulugan
ito ng kaguluhan sa bayan omaging ito ay matuklasan niyang may pipinsalaing ilan. Ito ay
sakit ng lipunan hanggang ngayon. Maraming kabulukan at katiwalian o krimen ang
nasassaksihan ngunit di isinusuplong sa mga maykapangyarihan sapagkat wala namang
tuwiran o biglaang samang nagagawa sa mga nakakita dahil di nila nais masangkot sa gulo.
Di nila nais na maabala sa pagsaksi sa paglilitis. Ngunit sa di paggawa ng karampatang
hakbang ng mga nakapunang ito, ang katiwalian o ang krimen ay lalaganap at balang araw
ang nangapabaya sa pangyayari ay siyang tatamaan niyon. At sa katiwaliang nangyari sa
bayan, di man tuwiran, lahat ay nagdurusa.

Kabanata XXII: Ang Palabas

Tauhan:
Kapitan Heneral Padre Salvi
Don Custodio Donya Victorina
Pepay Ben Zayb
Pecson Tadeo
Gertude Sandoval
Juanito Pelaez Makaraig

Reaksyon:
Si Sandoval ay isang Kastilang estudyante na kasang-ayon nina Isagani sa pagtatayo ng
paaralan ng kabataan. Nasabi niya minsan, nang sabihin ni Pecson na walang mararating
ang balak nila sapagkat lalabanan ng simbahan at pamahalaan, sinabi ni Sandoval na pag
nabigo ang mga Pilipino, siya na isang kastila, ang magpapatuloy ng magandang balak na
iyon. Ang medyas ay pinagsagisag ni Pecson sa isang paghamon kay Sandoval na magsabi
ng totoo sa kanyang salita.

Kabanata XXIII: Isang Bangkay

Tauhan:
Camarroncocido Kapitan Tiyago
Simoun Padre Irene
Basilio Maria Clara

Reaksyon: Ipinakita sa akda ang kabutihan ng budhi ni Basillio, bagaman at hirap sa


paggagamot kay Kapitan Tiyago at maaari niya itong hayaang mamatay na lamang, sa halip
ay tinuloy niya ang paggagamot sa paniniwalang hindi niya hahayaang madungisan ang
kanyang kinabukasan dahil sa isang maruming kahapon lamang.

Naihalintulad naman si Kapitan Tiyago sa pamahalaan ng pilipinas kung saan ang lason na
kumalat na sa katawan ay ntulad ng kanulukang laganap sa pamahalaan at maaaring
malagot anumang oras.

Kabanata XXIV: Mga Pangarap

Tauhan:
Isagani
Paulita
Juanito Pelaez
Donya Victorina
Padre Florentino
Reaksyon: Makikita rito ang kalagayan hindi lamang ng Pilipinas kundi maging ang
Espanyam naaayon sa kaisipang hatid ni Simoun.

Kabanata XXV: Tawanan at Iyakan

Tauhan:
Don Custodio Quiroga
Basilio Sandoval
Tadeo Isagani
Makaraig Simoun
Pecson Padre Irene

Reaksyon: Karaniwang itinuturo ng mga pare noon na ang mayayaman ay di nakapapasok


sa pinto ng langit at mga prayle lamang ang makapagbubukas niyon para sa mayaman.
Paano? Pamisa, panobena, abuloy, at higit sa lahat, pagpapamana ng mga ari-arian ng isang
prayle o sa simbahan. Ito ay binatikos ni Pecson sa kanyang ngaing talumpati.

Kabanata XXVI: Mga Paksil

Tauhan:
Basilio Kapitan Tiyago
Makaraig Sandoval
Huli Juanito Pelaez
Simoun Isagani

Reaksyon: Hindi naging malinaw sa lahat kung sino o ano ang may kagagawan ng paksil.

Kabanata XXVII: Ang Prayle at Ang Estudyante

Tauhan:
Padre Fernandez
Isagani

Reaksyon: Napuna sa akda ang pagsusubasta ng pamahalaan ang pagtuturo sa mga


Pilipino ng mga Dominiko. Dahil kahit hindi gawin ng Dominiko ang tungkulin ay prehas
silang makikinabang. Naihalintulad ni Rizal ang pagtuturo ng mga Dominiko sa pagpapakain
ng mga bilanggo.

Kabanata XXVIII: Pagkatakot

Tauhan:
Ben Zayb Tadeo
Quiroga Isagani
Don Custodio Placido
Kapitan Tiyago

Reaksyon: Naayon kay Ben Zayb na nakasisira ang pagtuturo sa Pilipinas sa kadahilanang
natututo na maging rebelde ang mga Pilipinong dumudunong.

Kabanata XXIX: Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago

Tauhan:
Kapitan Tiyago Quiroga
Padre Irene Donya Patrocincio

Reaksyon: "Sigulo puede contalata aliendo galela con kilisto, ja? Cuando mia muele mia
contalatista, ha?" Ang mga katagang ito ni Quiroga ay nagpapakita ng kataliman ng mga
instik sa negosyo.Ito riy nagpapakitang ang intsik na ilan, kaya nagkristyano ay di dahil sa
pananampalataya kundi sa lalong ikaluluwalhati ng kanilang nagosyo. At totooito sa
karamihan ng mga intsik na nagsisikuha ng pagmamamayang pilipino-sa ikaluluwag lamang
ng kanilang kabuhayan. Ito ang kahulugan o salin ng pagagong kastila ni Quiroga: Kung
mamatay ako, maaari marahil na akoy makipagkontrata kay kristo sa pagtatayo ng
sabungan sa langit, ha?

Kabanata XXX: Si Huli

Tauhan:
Huli Padre Camorra
Basilio Tandang Selo
Hermana

Reaksyon: Ipinakita sa akda ang katauhan ni Huli at ang pag-ibig nito kay Basilio.

You might also like