You are on page 1of 2

Immaculate Conception Parish

Mataasnakahoy, Batangas
Archdiocese of Lipa

Official Facebook Page of Immaculate Conception Parish


Mataasnakahoy, Batangas

http://www.facebook.com/icpmnk

Official Facebook Page of Mataasnakahoy


Parish Youth Ministry

http://www.facebook.com/mnkpym

Immaculate Conception Parish


Mataasnakahoy, batangas Most Rev. Ruperto C. Santos, DD, STL
PANALANGIN SA ORAS NG BANAL NA PAGLALAKBAY
Kung sa panimula nitong ating araw,
Sa pagka-antala nais kong sumigaw,
O aking Panginoon, akoy paalalahanan
ITOY BANAL NA PAGLALAKBAY
AT DI PAMAMASYAL

Kung yaong upuan na nais kong makuha,


Di pamasa-akit meron nang nauna
O aking Panginoon, akoy paalalahanan
ITOY BANAL NA PAGLALAKBAY
AT DI PAMAMASYAL

Kung ang schedule ay mabago naman


At itinerary ay hindi masundan
O aking Panginoon, akoy paalalahanan
ITOY BANAL NA PAGLALAKBAY
AT DI PAMAMASYAL

Kung gutom at pagod aking maramdaman


At ang pagka-inis di na mapigilan
O aking Panginoon, akoy paalalahanan
ITOY BANAL NA PAGLALAKBAY
AT DI PAMAMASYAL

Kung mga kasamahan ay sobrang maingay


At nagagambala aking pagdarasal
O aking Panginoon, akoy paalalahanan
ITOY BANAL NA PAGLALAKBAY
AT DI PAMAMASYAL

Kung may kalayuan yaong paradahan


At mahaba nga aking lalakaran
O aking Panginoon, akoy paalalahanan
ITOY BANAL NA PAGLALAKBAY
AT DI PAMAMASYAL

Anuman pong sagabal, mga kahirapan


Maging paghihintay o mapag-iwanan
O aking Panginoon, akoy paalalahanan
ITOY BANAL NA PAGLALAKBAY
AT DI PAMAMASYAL

O mahal kong Jesus, Ikay nabayubay


Doon sa Krus na pinagpakuan
Sa Iyong pagtubos sa king kasalanan
BANAL NA PAGLALAKBAY SA IYO AY ALAY
AMEN

(Handog ni Divina Pastora M. Padilla: LAACOM 2011)

You might also like