You are on page 1of 1

Aralin 1 : HEOGRAPIYA NG DAIGDIG Worksheet#4

Tandang Panahon?!
Layunin:

Inaasahan na sa gawain ito ang pangkat ng mga mag-aaral ay makagagawa ng mga tanda,
signs, o larawan nag nagpapakita ng ibat-bang uri ng klima sa daigdig. Inanasahan rin
na matutukoy nila ang ilang mga bansa na nagtataglay ng mga klimang ito.

Mga Kagamitan:

ilang piraso ng bond papers black cartolina


black marker glue o pandikit
crayons o pangkulay aklat sa AP

Mekaniks:

1. Ihanda ang mga kagamitan.


2. Basahin ang aralin hinggil sa klima sa pahina 18 ng aklsat sa Araling Panlipunan at
talakayin ito sa pangkat.
3. Tukuyin ang ibat-ibang uri ng klima sa daigdig. Maaaring gumamit ng ibang reference
kung kinakailangan.
4. Gumuhit sa bondpaper ng mga tanda/ signs/ legend o larawan na nagpapakita ng
ibatibang klima sa daigdig. Idikit ang mga naguhit sa black cartolina. Lagyan ng label
bawat larawan.
5. Kunin ang talaan ng mga bansang napili ng inyong mga kamag-aral gamitin ito sa
pagklasipika kung anu-anong klima ang tinatamasa ng bawat bansa.
6. Humanda sa presentasyon at talakayan sa klase.

MAHALAGANG TANONG:

Ano ang inyong masasabi sa klima ng daigdig? Bakit nagkakaiba-iba ang klimang tinatamasa ng mga
bansa o rehiyon sa daigdig? Mapalad ba ang Pilipinas sa klima nito? Bakit?

You might also like