You are on page 1of 1

Ang Kawayan at Ang Anahaw

Sa gilid ng isang malawak na parang


Ay mayrong mataas na punong Kawayan;
Ang Kawayang ito ay may kaagapay
a isang mababat mahinhing Anahaw

Minsan ang Kawayay palaong nagturing


Sa abang Anahaw na kanyang kapiling;
Ano kat ayaw mong pumantay sa akin,
Nang hindi ka tila kawawang malasin?

Tingnan mot sa aking tayog na nasapit


Ay kahalikan ko ang bughaw na langit;
king natatanaw sa buong paligid
Ang bundok, ang dagat, ang talon, ang batis!

Ako ngay mababa, sagot ng Anahaw


Na tinitingala ang punong Kawayan
Datapwat sa aking iwing kababaan
Kaya napapansing mataas kang tunay!

Saka kung ako man sa tingin moy hamak


Ay matatag naman kahit humabagat;
Ang pagkakatayong halos walang tinag,
Sa hampas ng bagyoy hindi mabagabag!

Hindi katulad mo, nagpapakatayog,


Subalit sa hangiy napabubusabos;
Kung saan hutukin, doon nahuhutok,
At yukong parating napapahinuhod!

Ang usaping iyan kung uunawain


Sa taoy ganito ang nahahabilin;
Higit na dakila ang hamak sa turing
Na mayrong matatag namang Simulain!

You might also like