You are on page 1of 8

Mga uri ng tayutay

Simili o pagtutulad - Payak at lantad na


paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.
Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng,
paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-,
magkasing-magkasim-, at iba pa. Halimbawa:

1. Tulad ng ibong nakawala sa hawla, siya ay


masayang patalon-talon nang makalabas siya
ay malanghap ang sariwang hangin.
2. Tila siya yelong natunaw dahil sa kahihiyan.
3. Ang kaniyang kagandahan ay kawangis
ng bulaklak na bago palang kabubukadkad.
4. Paris ng mga langgam na nag-iipon ng pagkain
bago magtag-ulan,ang mga magsasaka ay may
sunong ng mga sako ng palay mula sa tumana.
(farm)
5. Sing-bagsik niya ang leon nang siya ay
masugatan sa laban.
Metapora o pagwawangis - Tuwiran ding
paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng
pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing
na nakalapat sa maga pangalan, gawain, tawag
o katangian ng bagay na inihahambing.
Halimbawa:

1. Ang kaniyang pagkatao ay malalim pa sa dagat


na hindi kayang arukin.

2. Siya ay langit na hindi maabot nino man.

3. Ang kaniyang kamay ay yelong dumampi sa


aking pisngi.

4. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

5. Ahas siya sa grupong iyan.


Hyperbole o Pagmamalabis Ito ay
lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o
kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari,
kaisipan, damdamin at iba pang katangian,
kalagayan o katayuan.

Halimbawa:

1.Bumabaha ng dugo sa lansangan.


2.Umuulan ng dolyar kina pilar nang dumating
si seman.
3.Nakatulog sa ng limang taon sa pagod.
4.Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
5.Abot langit ang kaniyang pagmamahal sa
aking kaibigan.
Personipikasyon - Ginagamit ito upang bigyang-
buhay,pagtaglayin ng mga katangiang pantao -
talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang
buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang
nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa,
pandiwari, at pangngalang-diwa. Halimbawa:

1. Sinampal ang aking pisngi ng mainit na


hanging nanggaling sa apoy.

2. Itinulak ako ng malakas na hangin palayo sa


aking paroroonan.

3. Nagising siyang hinahalikan siya ng sinag ng


araw mula sa bintanang nakaawang.

4. Hinalikan ako ng malamig na hangin.


5.Sumasayaw ang mga dahon dahil sa pag-ihip ng
hangin.
Ironya o Pag-uyam - Isang uri ng ironya na
ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli.
Madalas itong nakakasakit ng damdamin.

Halimbawa:

1. Ubod siya ng gara kung lumalabas!


Napakagulo naman ng bahay.

2. Ang ganda ng kanyang mga kamay, pwede


mong gawing pangkudkod sa semento sa bahay.

3. Ang galing mong kumanta, nasisigawan mo


nga lang ako sa tenga.

4. Ang galing mong sumayaw, natatapakan mo


nga lang ang aking mga paa.

5. Ang kaibigan ko ay kasing bait ni Judas.


Apostrope o pagtawag - isang panawagan o
pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:

1. Buhay, bakit ka mahiwaga?


2. Kalayaan, bakit ka mailap?
3. Pag-ibig, layuan mo ako.
4.O tukso! layuan mo ako!

5.Araw sumikat kana at tuyuin ang luhang dala


ng kapighatian.
Panghihimig o onamatopeya - ito ang paggamit ng
mga salitang kung ano ang tunog ay siyang
kahulugan..

1.Ang busina ng bus ang nangingibabaw sa


kalye.
2. Sinundan niyaang twit twit na narinig niya.
Mula pala ito sa ibong nakadapo sa kanilang
balkonahe.

3.Himutok na umaalingawngaw.
4.Ang lagaslas nitong batis,alatiit nitong
kawayan,halumigmig nitong hangin, ay bulong
ng kalikasan.

5.Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na


tinanggap.
Proyekto
Sa
Filipino

Mga Uri ng Tayutay

Inihanda ni:

Jamaica Galzote

Inihanda para kay:

Gng. Elvira C. Tagaca

You might also like