You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas )

Lungsod ng Quezon ) S.S

KONTRA-SALAYSAY

AKO, si JAMIEVY DEUNA y BALAUAG, nakatira sa No. 39


Gumamela Street, Roxas District, Quezon City, pagkatapos
makapanumpa ng naaayon sa batas ay buong katapatang nagsasaad
na:

1. Ako ay nasasakdal sa kasong Reckless Imprudence Resulting


to Damage to Property.

2. Malugod kong pinabubulaanan ang mga paratang laban sa


akin;

3. Ang buong pangyayari ay mga sumusunod;

4. Noon pong June 26, 2016, sa intersection po ng Sct. Reyes at


Sct. Chuatoco ako po ay binanga bula sa likod ng isang Pulang
Honda City na minamaneho ni Ms. Bernadette Noble. Ang
kopya ng kanyang Drivers License ay kasama ng Salaysay na
ito bilang Annex A

5. Trapik po noon at ako po at kumaliwa mula Sct. Chuatoco


papuntang Scout Reyes;

6. Nang bigla pong sinalpok ng isang Honda City na tumawid


mula sa kabilang side ng Sct. Reyes ang likod ng aking
Tricycle na minamaneho. Bilang patunay kasama ng salay na
ito ang larawan ng TUNAY na nangyari. Annex B

7. Dahil sa lakas ng pag kakasalpok po sa aking likuran, ang


trycicle ko po ay nasagi tuloy ang sasakyan na puti na
pagmamay ari ng Complainant na si Mr. Dennis Cruz.

8. Noon pong kami ay dinala sa presinto, ako po ay pinilit pa


pimirmahin may ari ng sasakyan na pag hindi ko daw po
pirmahan yung kasunduan na babayaran ko ang damage ng
auto nila ako daw po ay ipapakulong at saka I iimpound ang
motor na aking minamaneho, sa takot kop o ako po ay
pumirma sa kasunduan na dinikta sakin ng tiyuhin ni Mr.
Dennis Cruz na si Marjohn Dayag.

9. Malaking kasinungalin po ang sinasabing ako may kasalanan


sapagkat ako din po ay biktima ng kapabayaan sapag
mamaneho ni Bernadette Noble. Makikita po nasa gutter na
po ang sasakyan ni Bernadette Noble, dahil sa pinilit po nitong
sumingit sa likod ko, na hindi nagging matagumpay, kaya po
nasalpok niya po ang likuran ng aking tricycle.

10. Naawa po ako kay Mr. Dennis Cruz, at humihingi ng despensa


sa nangyari, pero hindi kop o matatangap na ako ang sisihin
niya sa nangyari dahil alam niya naman po na ako ay biktima
din tulad niya at ang dapat ihabla ay si Bernadette Noble.

11. Na ang salaysay na ito ay aking ginawa upang


pasinungalingan ang mga bintang laban sa akin na pawang
kasinungalingan at inimbento lamang.

SA KATUNAYAN SA LAHAT NA ITO, ako ay lalagda sa itaas ng


aking pangalan ngayong ika- 2 ng Setyembre 2016 sa Lungsod ng
Quezon.

JAMIEVY DEUNA y BALAUAG


Nagsasalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this __________


at Quezon City, Philippines. Affiant exhibited to me his/her
government issued ID containing his signature and picture with to
wit: Drivers License Number N02-14002241 issued at Quezon City
in compliance with the 2004 Rules on Notarial Practice.

You might also like