You are on page 1of 3

Ang Mga Vegetation Cover ng Asya

Ang vegetation o uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ay
epekto ng klimanito. Sa HilagangAsya, katangiang pisikal ng kapaligiran nito ay ang pagkakaroon ng malawak na
damuhan o grasslands na nahahati sa tatlong uri: ang steppe, prairie, at savanna.

Ang steppe ay uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted short grasses. Maliliit lamang ang
damuhan sa lupaing ito dahil tumatanggap lamang ito ng 10-13 pulgada ng ulan. Mayroong mga steppe sa Mongolia
gayundin sa Manchuria at Ordos Desert sa Silangang Asya.

Sa hilagang bahagi ng mga steppe ng Russia at Manchuria at maging sa Mongolia matatagpuan ang prairie, ang
lupaing may damuhang mataas na malalim ang ugat o deeply-rooted tall grasses. Samantala, ang savanna naman na
matatagpuan sa Timog Silangang Asya particular sa Myanmar at Thailand ay lupain ng pinagsamang mga damuhan at
kagubatan. Ang mga taong naninirahan sa mga steppe, prairie, at savanna ay kadalasang nakatuon sa pagpapastol at
pag-aalaga ng mga hayop tulad ng baka at tupa na pinagkukunan nila ng lana, karne at gatas. Ang mga lambak-ilog at
mabababang burol ay ginagawa nilang pananiman.

Ang boreal forest o taiga (rocky mountainous terrain) ay matatagpuan din sa Hilagang Asya particular na sa
Siberia. Coniferous ang mga kagubatan gito bunsod ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na maaaring nasa anyong
yelo o ulan.

Sabahagi ng Russia at sa Siberia matatagpuanang tundra o treeless mountain tract. Kakaunti ang mga halamang
tumatakip at halos walang puno sa lupaing ito dahil sa malamig na klima. Ang lupaing malapit sa baybayin ng Arctic
Ocean ang saklaw ng behetasyong ito. Sa Timog-Silangang Asya at sa mga bansang nasa torrid zone ang biniyayaan ng
tropical rainforest dahil sa mainam na klima nito na halos may pantay na panahon ng tag-ulan at tag-araw.

Mga uri ng " vegetation cover"sa asya


"Vegetation Cover"

Ang asya ay isang malawak na kontinente sa daig dig , aking isisiwalat ang mga uri ng lupain dito sa gabay na pagtuturo
ng aming guro

Dati sa aking pagkakaalam ang uri ng lupa sa mundo ay iisa lamang , ngunit habang ako ay lumalaki nalaman ko na
mayroon din palang uri ng lupa na matataba.Akala ko basta lupa lupa na pero meron pa palang tinatawag na vegetation
cover.Ano nga ba ang ibig sabihin ng vegetation cover?

Ang behetasyon o vegetation sa ingles ay isang napakapanlahatang kataga para sa mga halaman , tumutukoy ito
sa panakip sa lupa na ibinibigay ng mga halaman.Isa itong katagang pangkalahatan, na hindi tumutukoy sa tiyak na uri o
anyo ng buhay,kayarian,kasaklawan ng puwang,o anumang iba pang tiyak na mga katangiang pambotanika at
pangheograpiya.Mas malawak ang kahulugan nito kaysa sa flora na tumutukoy lamang sa kumposisyon o mga bumubuo
sa espesye.Marahil,ang pinakamalapit na kasingkahulugan ay ang "pamayanan ng mga halaman" , subalit ang
behetasyon ay maaaring tumukoy,sa kadalasan,sa isang mas malawak na nasasakupan ng mga sukat na puwang na hindi
natutukoy ng katagang iyon ,kabilang na ang sukat na kasinlaki ng globo.

Naririto ang ibat ibang kase ng vegetation cover sa asya


Steppe

Ang steppe ay isang malawak na lupain na nagtataglay ng damuhang mayroon lamang na ugat na mababaw (o
shallow-rooted short grasses). Maliit lamang ang mga damong matatagpuan sa ganitong lupain.Ito ay dahil nasa pagitan
ng 10-30 pulgada ng ulan ang tinatanggap ng step. Ang steppe ay isang vegetation na malawak at madamong kapatagan,
wala ditong mga puno.Sa heograpiyang pisikal naman ang steppe ay isang ekorehiyon na matatagpuan sa mga lugar na
may temperaturang katamtaman at subtropikal sa hilaga at timog ng hemispero. Tampok na katangian ng steppe ay ang
malawak na madamong kapatagan at kapansin-pansin ang kawalan ng mga puno rito, maliban na lamang sa mga lugar
na malapit sa mga katawang-tubig, gaya ng mga ilog at lawa. Maaaring may katuyuan ang steppe at depende
sa latitud at panahon ang uri ng damong tumutubo rito. Masasabing ang steppe ay medyo tuyot upang magkaroon ng
kagubatan, ngunit di-naman gaanong tuyot upang maging disyerto ito. Ang steppe ay tinutukoy
namang prairie sa Hilagang Amerika.

Prairie

Ang prairie ay isang malawak na pastulan na may matabang lupa matatagpuan ito sa hilagang bahagi ng steppe
ng Russia at maging sa Manchuria.Ang lupaing ito ay may mga damuhang mataas na malalim na ugat(o deeply-rooted
tall grasses).Ang parang o prairie sa ingles ay isang anyo ng maluwang na kalatagan ng lupa kung saan matatagpuan ang
damuhan; likas at hindi pa ito natatamnan, hindi tulad ng mga nasaka o sinasaka nang mga bukirin. Bagaman may mga
damo, walang mga punong-kahoy sa kalawakan nito. Nakakapamuhay sa prairie ang mga ahas at iba pang mga hayop.

Boreal Forest o Taiga

Ang Boreal Forest o Taiga ay isa pang halimbawa ng lupaing matatagpuan sa Hilagang Asya. ang salitang taiga
ay wikang russian na nangangahulugang Rocky mountain terrain. Ang mga kagubatang ito ay coniferous at kadalsang
nasapagitan ng ng katimugan ng mga tundra at hilaga ng mga grass lna. Ang taiga sa Asya ay matatagpuan sa Siberia.
Ang mga puno rito ay mahalaga sa mga mangtotroso.matatagpuan ang klimang ito sa gawing timog ng tundra.Mahaba
ang taglamig dito, samantalang maikli lamang ang tag araw ito ay pinakamalaking biome sa mundo, na matatagpuan sa
bandang timog ng tundra.Ito ay sagana sa mga halaman.

Tundra

Ang tundra ay isang malawak na lupain.Pinipigilan ang paglago ng mga puno dito.Isa itong rehiyon hindi na
tinutubuan ng punong kahoy.Nagmula ito sa hangganan ng kapa ng yelo at linya ng puno ng mga rehiyong
artiko.Nagmula ang katawagang tundra sa salitang tundar na nangangahulugang tuyo na kapatagan.Kadalasan ang klima
sa lugar na ito ay malamig kaya hindi tinutubuan ng mga puno kundi halos puro damo lng ang nakapaligid.

Rainforest o Maulang Gubat

Ang rainforest o maulang gubat,ito ay mayrooong mataas na antas ng pag ulan kaya mayabong ang mga puno
dito.alam natin na kaya may rainforest ay dahil may malaking papel na ginagampanan ito sa mundo.Sa rainforest ay may
milyon milyong uri ng mga halaman at mga kulisap na hindi pa natutuklasan.Ang kagubatan ang pinakamalaking
parmasya sa mundo dahil sa dami ng likas na gamot na matutuklasan dito, a makakakuha ka ng ibat ibang halamang
gamot o herbal na maaring makagamot ng ibat ibang uri ng mga karamdaman.Ang mga puno dito ay taga linis ng hangin
sa ating mundo.Ang halamang tumutubo sa kagubatan ay natatakdaan sa maraming lugar dahil sa kawalan ng sikat ng
araw sa antas ng lupa dahil dito ay posibleng maglakad sa loob ng kagubatan.Kung ang tabing ng dahon ay nasira o
nabawasan,ang lupa ay kaagad na tinutubuan ng makakapal na mga baging.may dalawang uri ng maulang gubat o
rainforest ito ay tinatawag na tropikal na maulang gubat at temperadong maulang gubat.

You might also like