You are on page 1of 3

Mga Uri ng "Vegetation Cover" sa Asya

Vegetation Cover

Ang behetasyon o vegetation


sa ingles ay isang napakapanlahatang
kataga para sa mga halaman ,
tumutukoy ito sa panakip sa lupa na
ibinibigay ng mga halaman.Isa itong
katagang pangkalahatan, na hindi
tumutukoy sa tiyak na uri o anyo ng
buhay,kayarian,kasaklawan ng
puwang,o anumang iba pang tiyak na
mga katangiang pambotanika at
pangheograpiya.Mas malawak ang
kahulugan nito kaysa sa flora na
tumutukoy lamang sa kumposisyon o
mga bumubuo sa
espesye.Marahil,ang pinakamalapit na
kasingkahulugan ay ang "pamayanan
ng mga halaman" , subalit ang
behetasyon ay maaaring tumukoy,sa
kadalasan,sa isang mas malawak na
nasasakupan ng mga sukat na
puwang na hindi natutukoy ng
katagang iyon ,kabilang na ang sukat na kasinlaki ng globo.
Naririto ang ibat ibang kase ng vegetation cover sa asya:

Steppe
Ang steppe ay isang malawak
na lupain na nagtataglay ng
damuhang mayroon lamang na ugat
na mababaw (o shallow-rooted short
grasses). Maliit lamang ang mga
damong matatagpuan sa ganitong
lupain.Ito ay dahil nasa pagitan ng
10-30 pulgada ng ulan ang
tinatanggap ng step. Ang steppe ay
isang vegetation na malawak at
madamong kapatagan, wala ditong
mga puno.Sa heograpiyang pisikal
naman ang steppe ay
isang ekorehiyon na matatagpuan sa
mga lugar na may temperaturang
katamtaman at subtropikal sa hilaga
at timog ng hemispero. Tampok na
katangian ng steppe ay ang malawak
na madamong kapatagan at
kapansin-pansin ang kawalan ng mga puno rito, maliban na lamang sa mga lugar na malapit sa
mga katawang-tubig, gaya ng mga ilog at lawa. Maaaring may katuyuan ang steppe at depende
sa latitud at panahon ang uri ng damong tumutubo rito. Masasabing ang steppe ay medyo tuyot
upang magkaroon ng kagubatan, ngunit di-naman gaanong tuyot upang maging disyerto ito. Ang
steppe ay tinutukoy namang prairie sa Hilagang Amerika.
Prairie

Ang prairie ay isang


malawak na pastulan na may
matabang lupa matatagpuan ito
sa hilagang bahagi ng steppe
ng Russia at maging sa
Manchuria.Ang lupaing ito ay
may mga damuhang mataas na
malalim na ugat(o deeply-
rooted tall grasses).Ang parang
o prairie sa ingles ay isang
anyo ng maluwang na
kalatagan ng lupa kung saan
matatagpuan ang damuhan;
likas at hindi pa ito natatamnan,
hindi tulad ng mga nasaka o
sinasaka nang mga bukirin.
Bagaman may mga damo,
walang mga punong-kahoy sa
kalawakan nito.
Nakakapamuhay sa prairie ang
mga ahas at iba pang mga
hayop.

Boreal Forest o Taiga


Ang Boreal Forest o Taiga
ay isa pang halimbawa ng lupaing
matatagpuan sa Hilagang Asya. ang
salitang taiga ay wikang russian na
nangangahulugang Rocky mountain
terrain. Ang mga kagubatang ito ay
coniferous at kadalsang nasapagitan
ng ng katimugan ng mga tundra at
hilaga ng mga grass lna. Ang taiga
sa Asya ay matatagpuan sa Siberia.
Ang mga puno rito ay mahalaga sa
mga mangtotroso.matatagpuan ang
klimang ito sa gawing timog ng
tundra.Mahaba ang taglamig dito,
samantalang maikli lamang ang tag
araw ito ay pinakamalaking biome
sa mundo, na matatagpuan sa
bandang timog ng tundra.Ito ay
sagana sa mga halaman.
Tundra

Ang tundra ay isang


malawak na lupain.Pinipigilan ang
paglago ng mga puno dito.Isa itong
rehiyon hindi na tinutubuan ng
punong kahoy.Nagmula ito sa
hangganan ng kapa ng yelo at linya
ng puno ng mga rehiyong
artiko.Nagmula ang katawagang
tundra sa salitang tundar na
nangangahulugang tuyo na
kapatagan.Kadalasan ang klima sa
lugar na ito ay malamig kaya hindi
tinutubuan ng mga puno kundi halos
puro damo lng ang nakapaligid.

Rainforest o Maulang
Gubat
Ang rainforest o maulang
gubat,ito ay mayrooong mataas na
antas ng pag ulan kaya mayabong
ang mga puno dito.alam natin na
kaya may rainforest ay dahil may
malaking papel na ginagampanan ito
sa mundo.Sa rainforest ay may
milyon milyong uri ng mga halaman
at mga kulisap na hindi pa
natutuklasan.Ang kagubatan ang
pinakamalaking parmasya sa mundo
dahil sa dami ng likas na gamot na
matutuklasan dito, a makakakuha ka
ng ibat ibang halamang gamot o
herbal na maaring makagamot ng
ibat ibang uri ng mga
karamdaman.Ang mga puno dito ay
taga linis ng hangin sa ating
mundo.Ang halamang tumutubo sa
kagubatan ay natatakdaan sa
maraming lugar dahil sa kawalan ng sikat ng araw sa antas ng lupa dahil dito ay posibleng maglakad
sa loob ng kagubatan.Kung ang tabing ng dahon ay nasira o nabawasan,ang lupa ay kaagad na
tinutubuan ng makakapal na mga baging.may dalawang uri ng maulang gubat o rainforest ito ay
tinatawag na tropikal na maulang gubat at temperadong maulang gubat.

ILAGAN,JANE VANGELENE A.
VII-ZIRCON

You might also like