You are on page 1of 3

Mariz Anne R.

Montajes
VII-Gumamela

Steppe
Ang steppe sa heograpiyang pisikal ay isangekorehiyon na
matatagpuan sa mga lugar na may temperaturang katamtaman at
subtropikal sa hilaga at timog ng hemispero. Tampok na katangian ng
steppe ay ang malawak na madamong kapatagan at kapansin-pansin
ang kawalan ng mga puno rito, maliban na lamang sa mga lugar na
malapit sa mga katawang-tubig, gaya ng mga ilog at lawa.
Maaaring may katuyuan ang steppe at depende sa latitud at panahon
ang uri ng damong tumutubo rito. Masasabing ang steppe ay medyo
tuyot upang magkaroon ng kagubatan, ngunit di-naman gaanong
tuyot upang maging disyerto ito. Ang steppe ay tinutukoy
namang prairie sa Hilagang Amerika.

Taiga
Taiga - matatagpuan ang klimang ito sa gawing timog ng tundra . Ito
ay galing sa salitang Ruso na nangangahulugang "kagubatan" .
Mahaba ang taglamig dito, samantalang maikli lamang ang tag araw

Tundara
Sa pisikal na heograpiya, ang tundra isang biyoma (biome) kung
saan pinipigilan ang paglago ng mga puno ng mababang temperatura
at maikling panahon ng paglago. Isa itong rehiyong hindi na tinutubuan
ng punongkahoy. Nagmula ito sa hangganan ng kapa ng yelo at linya
ng puno ng mga rehiyong artiko. Nagmula ang
katawagang tundra mula sa Kildin Saming tndr,
nangangahulugang "tuyo na kapatagan, walang kahoy na kasukatan
ng bundok."\] May dalawang uri ng tundra: Artikong tundra (na
mayroon din sa Antartika) at pang-Alpes na tundra.

Prairie
Ang parang o kaparangan ay isang anyo ng maluwang na kalatagan
ng lupa kung saan matatagpuan ang damuhan; likas at hindi pa ito
natatamnan, hindi tulad ng mga nasaka o sinasaka nang mga bukirin.

Bagaman may mga damo, walang mga punong-kahoy sa kalawakan


nito. Nakakapamuhay sa mga parang ang mga ahas.

Savanna
Isang malawak na sukat o lagay ng antas ng lupa na sakop ang
paglago ng halaman na karaniwang matatagpuan sa isang mamasamasa lupa at mainit-init na klima, - bilang damo o mga damo, ngunit salat ng mga puno.

Rain Forest
Ang maulang gubat (rainforest sa Ingles) ay mga gubat na
mayroong mataas na antas ng pag-ulan. Ang pinakamababang taas ng
pag-ulan kada taon ay tinataya sa 17502000 mm (68-78 pulgada).
Ang monsoon trough, mas kilala bilang intertropical convergence zone,
ay may malaking papel na ginagampanan sa paglikha ng mga tropikal
na maulang gubat ng Mundo
Mula 40 hanggang 75% ng lahat ng uri sa Mundo ay katutubo sa mga
maulang gubat. Tinatayang milyon-milyong mga uri ng halaman,
kulisap at mikroorganismo ang hindi pa natutuklasan. Ang mga tropikal
na maulang gubat at tinatawag na "Hiyas ng Mundo" at "ang
pinakamalaking parmasya", dahil sa dami ng mga likas na gamot na
natuklasan dito. Ang mga mauulang mga gubat ay naglalabas ng 28%
ng lahat ng oksiheno ng mundo,[3] sa pamamamagitan
ng potosintesis mula sa karbong dioksido.
Ang halamang tumutubo sa silong ng kagubatan sa mga maulang
gubat ay natatakdaan sa maraming lugar dahil sa kawalan ng sikat ng
araw sa antas ng lupa. Dahil dito ay posibleng maglakad sa loob ng
kagubatan. Kung ang tabingng mga dahon ay nasira o nabawasan, ang
lupa ay kaagad tinutubuan ng mga makapal na
mga baging, palumpong, at maliliit na mga punong matatawag bilang
isang kasukalan sa Ingles. May dalawang uri ng maulang gubat,
angtropikal na maulang gubat at temperadong maulang gubat.

Vegetation

ara sa katagang pangmedisina, hanapin ang Behetasyon (patolohiya).


Ang behetasyon (Ingles: vegetation) ay isang napakapanlahatang kataga
para sa mga halaman; tumutukoy ito sa "panakip sa lupa" na ibinibigay ng
mga halaman. Isa itong katagang pangkalahatan, na hindi tumutukoy sa tiyak
na taxa, mga uri o mga anyo ng buhay, kayarian, kasaklawan ng puwang, o
anumang iba pang tiyak na mga katangiang pambotanika at pangheograpiya.
Mas malawak ang kahulugan nito kaysa sa flora na tumutukoy lamang
sakumposisyon o mga bumubuo sa espesye. Marahil, ang pinakamalapit na
kasingkahulugan ay ang "pamayanan ng mga halaman", subalit ang
"behetasyon" ay maaaring tumukoy, sa kadalasan, sa isang mas malawak na
nasasakupan na mga sukat na puwang na hindi natutukoy ng katagang iyon,
kabilang na ang sukat na kasinlaki "pangglobo".

You might also like