You are on page 1of 1

BUOD NG: Ang Alamat ng Pilipinas

Noong unang panahon, wala pang nabubuhay sa daigdig.


Wala kahit anung bagay tulad ng puno, halaman, tubig, mga
hayop at bundok.
Dahil walang makausap at nakikita ay naging malungkutin si
Haring Pinagmulaan.
Buhat noon ay ginugol na lang nito ang oras upang mag-isip ng
kung ano ang dapat na gawin.
Hanggang sa bigla na lamang napangiti si Haring Pinagmulaan.
May naisip itong paraan kung paano sasaya.
Nang oras ding yon ay nilikha nya ang Daigdig.
Pansamantala lamang ang naging kasiyahan ng Hari sapagkat
damang-dama pa din nya ang pag iisa.
Napaiyak si Haring Pinagmulaan at ang mga luhang iyon ay
naging mga ibon.
Napangiti ang Hari habang pinagmamasdan ang dalawang ibon
na lumilipad.
Walang tigil sa paglipad ang mga ibon sapagkat wala itong
madapuan.
Naawa ang Hari at naisip nitong likhain ang lupa at gubat upang
makapag-pahinga ang mga ito.
Nang makakita ng dadapuan ay dumapo ang dalawang ibon at ng
makabawi ng lakas ay muling lumipad upang malaman ang lawak
ng kinaroroonan.
Minsan ay napansin ng mga ibon ang isang kawayanan.
Dumapo dito ang dalawa at nagtaka ng may marinig na tinig mula
sa loob ng kawayan.
Tinuktok ng tinuktok ng dalawang ibon ang kawayan hanggang sa
mabiyak iyon.
Mula sa malaking kawayan ay lumabas si Silalak, ang unang
lalaki.
Muling nakarining ang dalawang ibon ng tinig mula sa isa pang
kawayan.
Tinuktok din nila ito hanggang sa mabiyak at lumabas naman ang
isa pang nilikha. Sya si Sibabay, ang unang babae.
Ang Pilipinas ang pulo kung saan sumibol ang mga kawayan na
pinagmulan ni Silalak at Sibabay, ang pinagmulan ng ating lahi.

You might also like