You are on page 1of 6

Si Nina at ang bayan ng Daldalina

Sa bayan ng Daldalina* nakatira ang may mga


pinakamalalakas na boses sa buong bansa.
Dahil “Kung mahina ang boses mo, siguro
hindi kailangang marinig ng ibang tao ang
sasabihin mo” ang bukambibig ng mga tao
kung mayroon mang may mahinang boses sa
kanilang bayan. Kaya naman kilala ang bayan
ng Daldalina bilang pinakamaingay na bayan
sa buong Pilipinas
Pero si Nina ay walang boses at labis na
ikinabahala ito ng kanyang mga magulang.
“Paano na siya magkakaroon ng mga kaibigan
kung hindi niya kayang makipagsabayan sa
lakas ng kanilang mga boses?” wika ng
kanyang nanay.
“Paano na siya mag-aaral kung hindi maririnig
ng kanyang mga guro ang sagot niya?” dagdag
pa ng kanyang tatay.
Kaya nilapitan nila ang mga doktor,
siyentipiko, at espirituwalista para malaman
kung nasaan ang boses ni Nina. Pero ni isa sa
kanila ay hindi alam kung nasaan ang boses ni
Nina.
“Kung hindi pa rin niya nahanap ang boses
niya sa ganitong edad, malamang na hindi na
niya mahahanap pa ito,” wika ng mga doktor.
“Siguro wala naman talaga siyang kailangang
sabihin,” dagdag pa ng mga siyentipiko.
“Tanggapin n’yo na lang na hindi talaga para
sa kanya ang pagkakaroon ng boses,”
pagwawakas ng mga espirituwalista.
Hinanap ni Nina, kasama ng kanyang mga
magulang, ang boses sa lahat ng sulok ng
bayan ng Daldalina. Pinuntahan nila ang mga
gusali sa bayan, kinatok ang bawat bahay,
nilakad ang lahat ng daanan pero wala pa rin
ang boses ni Nina. Pinakinggan na rin nila ang
bawat talumpati, kantahan at sermon sa bayan
pero wala pa rin ang boses ni Nina.
Kaya naisipan ni Nina na umalis at hanapin sa
ibang lugar ang kanyang boses. Baka mahanap
niya ang boses niya sa mas malawak na lugar
kaysa sa bayan ng Daldalina.
Kaya kinabukasan, nagpaalam siya sa kanyang
mga magulang.
“Mag-ingat ka, anak! Tingnan mong mabuti
ang daraanan mo at baka madapa ka,” bilin sa
kanya ng kanyang nanay.
“`Wag mong kalimutang magbaon ng tinapay,
baka magutom ka sa daan,” dagdag ng
kanyang tatay
Naglakbay si Nina kung saan-saan.
Napuntahan na niya ang mga gubat at
nakakita ng kung ano-anong hayop at halaman
pero wala pa rin doon ang kanyang boses.
Sumunod naman ang pag-akyat niya sa
bundok kung saan nakita niya ang
pinakamagagandang tanawin pero wala pa rin
doon ang kanyang boses.
Pinuntahan niya ang dagat at nakita ang iba’t
ibang kulay ng mga isda at korales pero wala
pa rin doon ang kanyang boses.
Pagod at malungkot, naupo si Nina sa isang
bangketa sa isang parke ng isang siyudad.
Bakit hindi niya makita ang kanyang boses
kahit saan? Baka nga tama ang sinabi ng mga
siyentipiko, hindi na niya talaga makikita pa
ang kanyang boses.
Habang nakaupo, napansin ni Nina ang
naggagandahang mga larawan. Mga larawan
ng mga dagat, bundok, kagubatan, siyudad,
mga tao at kung ano-ano pa.
Namangha siya sa ganda ng mga ito at
napansin niya ang isang lalaki sa isang tabi na
nagpipinta. Walang imik ito sa ginagawa nito
na para bang hindi nito kailangang magsalita
para ipakita ang naggagandahang mga
larawan na naiguhit nito
Doon marahil nakita ni Nina ang kanyang
boses. Tumayo siya at naglakbay uli pero
ngayon, iginuhit niya ang lahat ng kanyang
nakita. Ang mga bundok na kanyang naakyat,
dagat na kanyang nalangoy, gubat na kanyang
napuntahan ay itinala niya gamit ang pinsel at
lapis. At nang makuntento na siya sa lahat ng
kanyang nagawa, naglakbay uli siya patungo sa
bayan ng Daldalina.
Doon marahil nakita ni Nina ang kanyang
boses. Tumayo siya at naglakbay uli pero
ngayon, iginuhit niya ang lahat ng kanyang
nakita. Ang mga bundok na kanyang naakyat,
dagat na kanyang nalangoy, gubat na kanyang
napuntahan ay itinala niya gamit ang pinsel at
lapis. At nang makuntento na siya sa lahat ng
kanyang nagawa, naglakbay uli siya patungo sa
bayan ng Daldalina.
Habang lahat ng tao sa bayan ng Daldalina ay
nagkakagulo, isa-isang inilabas ni Nina ang
kanyang mga guhit ng malalaki at matataas na
bundok, ang may iba’t ibang kulay na mga isda
at koral sa dagat, ang iba’t ibang hayop sa
gubat, ang naggagandahang ilaw at matataas
na gusali sa siyudad at kahit ang iba’t ibang
taong nakilala niya. Nang sandaling iyon,
habang nawalan lahat ng boses ang mga
tagabayan ng Daldalina, pinakinggan nila ang
naggagandahang boses ni Nina.
Dahil doon, natutuhan ng mga tagabayan ng
Daldalina na hindi naman talaga kailangan ni
Nina ng boses para ipakita kung sino siya.
Sapat na ang mga iginuhit niya para masabi
kung ano ang nasa puso niya.
At pinagkaguluhan ng lahat ng tao si Nina.
Lahat ay gustong makakuha at magpagawa ng
isang larawan mula sa kanya! Tunay nga
namang hinangaan siya ng mga ito sa bagong
boses na kanyang nakita.
Labis ang tuwa ni Nina na nahanap na niya
ang boses niya sa kanyang mga ipinipinta. Mas
labis ang kanyang tuwa nang magbago ang
bayan ng Daldalina. Oo, pinakamaingay pa rin
silang bayan sa buong Pilipinas, pero
pinakikinggan na rin nila ang mga mahihina
ang boses at ang mga walang boses tulad ni
Nina

You might also like