You are on page 1of 4

General De Jesus College

San Isidro, Nueva Ecija

POSISYON
G PAPEL
IPINASA NI:

ROCKY Y. MAGNO

STEM 11 LINNAEUS

IPINASA KAY:

BINIBINING PRINCESS M. MORALES


GURO SA FILIPINO AKADEMIKO

“HERO’S BURIAL KAY MARCOS LABAG SA BATAS”


I.PANIMULA

Isang pangulo, isang dikatador. Ito ang naging katungkulan at nagawa ng


dating pangulong si Ferdinand E. Marcos. Tinatawag siyang diktador dahil sa
pagpapatupad niya ng Batas Militar o Martial Law. Marami sa mga tao ang pro at
marami din ang anti-Marcos. Ang mga pro-Marcos ay payag silang ipalibing ang
dating pangulo sa Libingan Ng Mga Bayani. At kontra naman dito ang panig ng
mga anti-marcos dahil sila ay galit na galit sa mga gianwa nito noong kasagsagan
ng Martila Law. At maging ako ay hindi sang-ayon tungkol dito.

II.COUNTERARGUMENT

Marami ang mga tao ang galit na galit dahil sa mga ginawa ng dating
pangulo at lalo pang nadagdagan ang kanilang galit nang malaman ng mga anti-
Marcos na balak ipalibing ng Pamilya Marcos ang dating pangulo sa Libingan Ng
Mga Bayani (LNMB). At may mga tao din na sang-ayon tungkol sa pagpapalibing
kay dating pangulong Ferdinand E. Marcos sa libingan ng mga bayani. Dahil dito
nagkaroon ng welga ang mga grupong pro at anti-marcos tungkol sa pagpapalibing
sa dating pangulo.

Kanya-kanya silang gawa ng mga karatula tungkol sa dating pangulo. Para


sa mga pro-marcos ay tama lang ang ginawang pagpapatupad ng Batas Militar o
Martial Law ng dating pangulo sa Pilipinas. Ang mga anti-Marcos ay hindi payag
dahil marami ang mga nawalan ng buhay dahil sa pagkakaroon ng Martial Law o
Batas Militar.
III.PANGANGATWIRAN + EBIDENSYA
Ang katwiran ko tungkol dito ay hindi ako sang ayon. Oo hindi ko naabutan
ang Martial Law pero ng mapanood ko ito sa internet ay nanlumo ako ng makita ko
ang mga taong lumalaban sa isang dikatdor. Dahil sino ba ang may karapatan na
ilibing sa Libingan Ng Mga Bayani (LNMB) ang isang diktador. Marami siyang
napatay na tao. Ang aking ebidensya patungkol dito ay ito. Nagulantang na lamang
ang publiko sa biglaang paglilibing sa labi ng dating pangulong Ferdinand E.
Marcos sa lbingan ng mga bayani.

Nabatid na maging anti at pro-Marcos ay walang kaalam-alam sa naganap na


pagpapalibing bagama’t inaasahan ang protesta ng dalawang grupo sa harap ng
korte suprema. Maging ang Malacanang ay nabigla sa pagpapalibing kay dating
pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani (LNMB). Ayon kay
Presidential Communications Asec. Anamarie Banaag, wala silang natanggap na
anumang abiso kaugnay sa planong pagpapalibing kay marcos sa lnmb.
{http://www.philstar.com/bansa/2016/11/19/1645093/inulan-ng-protesta-
libing-ni-marcos-inilihim}.

Labag sa batas ang paglilibing sa yumaong daitng pangulong Ferdinand


Marcos sa libingan ng mga bayani. Ayon kay dating Commission on Human
Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales, malinaw sa Republic Act 289 na mga
taong may dignidad lamang ang puwedeng ilibing sa Libingan Ng Mga Bayani.
Bilang naging pangulo anya ay hindi kwalipikado si Marcos dahil pinatalsik ito ng
taongbayan at napatunayan na itong guilty sa alegasyon ng pandarambong sa ilang
desisyon ng korte tulad ng Class Suit sa Federal Court of Hawaii.
{ http://www.dwiz882am.com/index.php/heros-burial-kay-dating-pangulong-
marcos-labag-sa-batas/}.

IV.KONGKLUSYON

Ang kongklusyon ko ay hindi dapat inilibing sa LNMB o Libingan Ng Mga


Bayani ang labi ng dating pangulong si Ferdinand E. Marcos dahil sa mga taong
nakaranas ng pagmamalabis na maltrato mula sa batas militar na ipinatupad ng
dating pangulo. At hindi rin makatarungan na ipalibing ng palihim ang dating
pangulo sa Libingan Ng Mga Bayani na walang nakakalam tungkol sa bagay na
iyon. Pati Malacanang ay hindi alam ang tungkol sa ginawang paglibing ng dating
pangulo na labag sa batas.

You might also like