You are on page 1of 22

MEDEN F.

FADRIQUELA
New Era University – High School Department
Ang Editoryal
Ayon sa diksiyunaryung Webster,
ang Editoryal ay isang lathalain sa
pahayagan o magasin na
nagsasaad ng puna ng editor o
kauri nito.
Ayon naman sa batayang
aklat sa pamahayagan, ito’y
isang artikulong nagbibigay
kahulugan sa mga balita.
Ayon naman kay Miller, ang
pinakamagaling na katuturan
ng Editoryal ay yaong
nagsasabing ang
artikulong ito’y isang
ambag sa pakikipagtalo
sa isang paksang
napapanahon.
Ang nangingibabaw na
katangian, samakatwid ng
isang Editoryal ay ang pagiging
napapanahon – tumatalakay sa
umiiral na mahahalagang
balita.
MGA PAMAMARAAN SA
PAGSULAT:
Ang editoryal ay kailangang magtaglay
ng isa lamang ideya o panukala.
Ang paksa ng editoryal ay hinahango
sa mga balitang pangkasalukuyan na
may malaking kahalagahan sa
nakararami, maging sa mga mag-
aaral, mga mamamayan o sa buong
bansa.
Kailangan itong maging
malinaw
Kung ang layunin ay sirain ang
katwirang ipinahayag ng balita,
ng editoryal o ng liham sa editor,
iukol ang unang bahagi ng
editoryal sa pagsasaad
na muli ng kanilang
katwiran nang
malinaw at maikli.
Kailangan itong maging
makatwiran
Manakanaka’y simulan ang
artikulo sa mga bagay na kilala
patungo sa lalong di-kilala o
kaya’y mula sa maliliit na detalye
patungo sa lalong masaklaw o
pangkalahatan.
Gawing matipid sa mga salita
subalit gawing mabisa at kaakit-
akit ang mga pangungusap.

Gumamit ng mga tayutay o


kaya’y mga siniping
pangungusap upang lalong
maging kawili- wili ang
editoryal
Bawat sabihi’y kailangang
ito’y may patunay

Upang higit na maging


kapanipaniwala ang isang
editoryal , kailangang lakipan ito
ng mga katibayan bilang
patunay sa binibigyang katwiran
o kaya namay samahan ito ng
siniping kuro-kuro ng mga
autoridad.
Kailangan itong pangibabawan ng
isang himig ng pagpapahayag,
maging ng katapatan man, ng galit o
katatawanan.
Kailangang ito’y
makatotohanan.Kailangang batid na
ganap ng editor ang kanyang
paksa.Naisasagawa ito sa
pamamagitan ng pagsangguni sa mga
aklat, magasin, lathalain o journal
na may kaugnayan sa paksa.
Kailangan itong umiwas sa
pagmumura ni sa pagsesermon.
Napatitingkad ang kagandahan
ng isang editoryal ng
matalinong pagbibigay ng mga
puna. Sa kabilang dako naman,
ang pagpapahiwatig ng
pagmumura o ng pagsesermon
ay nakababagot sa mambabasa.
MGA URI NG EDITORYAL:

Ang nagpapabatid – Sa
pamamagitan ng matalinong
paghaharap ng mga katibayan
ay napapawi nito ang maling
paniniwala ng bayan at tuloy
naipababatid ang katotohanan
ng isang pangyayari o bagay.
Ang nagpapakahulugan
Ayon kay Dr. Jose Villa
Panganiban, ay pinipiga nito
ang hahantungang kahulugan
ng isang balita, isyu,pangyayari
o kalagayan.
Ang pumupuna at nagbibigay ng
reporma.
Matamang tumutuligsa ito
sa tiwaling hakbangin ng may
kapangyarihan, samahan, lipunan,
karaniwang mamamayan,atbp. At
nagmumungkahi ng mga reporma
sa kapakanan ng
nakararaming
mamamayan sa
kalahatan.
Pagpaparangal at pagbibigay puri
- Walang tanging tungkulin ang
ganitong artikulo kundi
pahalagahan ang kinauukulan
sa pamamagitan ng mga
pangungusap na
busog sa diwang
mabulaklak subalit
matapat.
Nagpapahalaga sa mga
natatanging araw
–Kalimitang ito’y tumatalakay sa
kaarawan ng mga dakila at
bayani ng bansa,gayon din
naman sa iba pang
mahahalagang
pagdiriwang.
Paglilibang – Ito’y isang editoryal na
sa pangibabaw na anyo ay mapa-
pansing nakalilibang, subalit kung
susuriing mabuti’y may madaramang
natatagong iba at malalim na
kahulugan.
Paglalahad na nababatay sa
tahasang sabi
- karaniwan ito’y maiigsi subalit
malaman.
Ang editoryal ay may 3 bahagi:

Panimula – na siyang
nagpapakilala ng paksa.
Katawan – na kalimitang binubuo
ng dalawa o tatlong talataan na
nag-susuri sa pangyayari
naghaharap ng mga katibayan na
sapaglalahad ng sariling kurukurong
laban o sang-ayon sa
paksa ay nakakaakit din sa
mambabasa na bumuo ng kanilang
sariling kurukuro
Wakas – na nagbibigay ng mga
tagubilin o mungkahi.

You might also like